XIAO TIME, 24 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG LA LIGA FILIPINA
by xiaochua
Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.
23 July 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=L1wHGfrEEvE
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com. 121 years ago, July 3, 1892, sa kanyang pagbabalik mula sa kanyang mga paglalakbay sa ibang bansa, itinatag ng ating Héroe Nacional na si Jose Rizal ang La Liga Filipina.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.
Nasa Hongkong pa lamang siya ay sinulat na niya ang saligang batas nito, at naglakbay pa-hilaga ng Maynila noong June 27, 1892 upang subukan ang bagong riles na ginawa ng kanyang karibal, ang asawa ni Leonor Rivera na si Inhinyero Charles Henry Kipping, at upang kausapin ang ilang mga tao sa Malolos, San Fernando at Tarlac. [Ilan sa kanyang mga kinausap sa Pampanga ay sina Don Cecilio at Tiburcio Hilario.] Sa pook na ito siya nagpalipas ng gabi sa Tarlac, Tarlac. Noong siya ay pabalik na, nakausap naman niya sa bapor sa Calumpit, Bulacan ang kaanak namin na si Don Procopio Hilario na sa kalaunan ay magiging kasapi ng Katipunan.

Ang bayan ng Malolos. Mula sa http://www.univie.ac.at.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.
Gabi ng Linggo, July 3, 1892, tinipon ni Rizal ang ilang makabayan at mason sa bahay ng Mestisong Tsino na si Doreoteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila. Kabilang sa pulong ang abogadong si Apolinario Mabini na noon ay tumatayo pa, ang bayaw ni Marcelo del Pilar na si Deodato Arellano, at ang bodegerong si Andres Bonifacio.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo. Kuha nin Cari Noza.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas
Matapos ang tatlong araw, inaresto si Rizal, July 6. At matapos ang ilang araw, July 17, itinapon sa tila ang dulo ng mundo, Dapitan. Tsk. Bigo si Pepe.
Sabi ng karamihan sa mga naunang historyador, si Rizal ay hindi para sa paghihiwalay ng Pilipinas mula sa Espanya dahil ang layunin ng Kilusang Propaganda ay reporma lamang. Kung gayon, bakit siya National Hero kung di naman siya para sa nation??? Kaloka! Tsaka wala namang ginawa si Rizal kundi sumulat ng sumulat.
Ngunit ayon kay Floro Quibuyen sa kanyang aklat na A Nation Aborted, makikita na nais magtatag ng nagsasariling bansa si Rizal sa unang punto ng kanyang saligang batas: “Magkaisa ang buong kapuluan upang maging isang katawan.” Malamang, hindi ito samahan na magtatag ng isa pang samahan. Ang isang katawan na bubuuuin dito siyempre ay ang bansa! Anong klaseng bansa? Ayon na rin sa saligang batas ng Liga, magbibigay “proteksyon mula sa lahat ng pangangailangan, pagtatanggol laban sa karahasanan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.”

Pabalat ng A Nation Aborted: Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen. Mula sa Ateneo Press

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.
Pansinin, para kay Rizal ang pagkabansa ay nagsisimula sa grassroots. Nagsisimula ang pagkabansa sa bawat mabuting gawa sa kapwa, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isang Pilipino. Inugat ni Quibuyen ang konsepto ng bansa ni Rizal sa mga isinulat ng Alemang pilosopo na si Johann Gottfried von Herder: Ang pagiging bahagi ng bansa ay hindi batay sa dugo kundi sa isang damdaming kultural at moral ng mga nakapaloob dito.
Sa Liga naipakita ni Rizal na hindi lamang siya puro sulat, nais niyang isakatuparan ang nais niyang bansa. Naudlot man, ipinagpatuloy ng Liga member na si Bonifacio ang laban para sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay tulad ng sinasabi ng motto ng Liga, “Unus instar ómnium”—Ang isa ay tulad ng lahat. Sa pagbubuo ng bansang maginhawa, mahalaga ka kabayani. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)
Very instructive commentary Xiao–and wonderful photos. It’s good that you cited the usually overlooked statutes of the Liga. Well done! Keep it up!
No, thank you for opening my eyes.
Very instructive commentary Xiao–and wondeful photos. It’s good that you cited the statutes of the Liga. And thanks for citing my ANA. Well done! Keep up the good work!
Maraming salamat po sa video #190 sa aking listahan!
https://hackpad.com/XIAO-TIME-Videos-Jh1ROw6KYTP
Walang anuman pwede bang magtanong