IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: leonor

XIAO TIME, 24 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG LA LIGA FILIPINA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

23 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=L1wHGfrEEvE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 3, 1892, sa kanyang pagbabalik mula sa kanyang mga paglalakbay sa ibang bansa, itinatag ng ating Héroe Nacional na si Jose Rizal ang La Liga Filipina.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Nasa Hongkong pa lamang siya ay sinulat na niya ang saligang batas nito, at naglakbay pa-hilaga ng Maynila noong June 27, 1892 upang subukan ang bagong riles na ginawa ng kanyang karibal, ang asawa ni Leonor Rivera na si Inhinyero Charles Henry Kipping, at upang kausapin ang ilang mga tao sa Malolos, San Fernando at Tarlac.  [Ilan sa kanyang mga kinausap sa Pampanga ay sina Don Cecilio at Tiburcio Hilario.]  Sa pook na ito siya nagpalipas ng gabi sa Tarlac, Tarlac.  Noong siya ay pabalik na, nakausap naman niya sa bapor sa Calumpit, Bulacan ang kaanak namin na si Don Procopio Hilario na sa kalaunan ay magiging kasapi ng Katipunan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang bayan ng Malolos.  Mula sa www.univie.ac.at.

Ang bayan ng Malolos. Mula sa http://www.univie.ac.at.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Gabi ng Linggo, July 3, 1892, tinipon ni Rizal ang ilang makabayan at mason sa bahay ng Mestisong Tsino na si Doreoteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Kabilang sa pulong ang abogadong si Apolinario Mabini na noon ay tumatayo pa, ang bayaw ni Marcelo del Pilar na si Deodato Arellano, at ang bodegerong si Andres Bonifacio.

Doroteo Ongjunco.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Doroteo Ongjunco. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Mula sa Sulyap Kultura.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila. Mula sa Sulyap Kultura.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula kay Austin Craig.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula kay Austin Craig.

Limbag ng edisyon ngsaligang batas ng La Liga Filipina.

Limbag ng edisyon ng saligang batas ng La Liga Filipina.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo.  Kuha nin Cari Noza.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo. Kuha nin Cari Noza.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Matapos ang tatlong araw, inaresto si Rizal, July 6.  At matapos ang ilang araw, July 17, itinapon sa tila ang dulo ng mundo, Dapitan.  Tsk.  Bigo si Pepe.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892.  Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892. Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation.

Dapitan. Mula sa Vibal Foundation.

Sabi ng karamihan sa mga naunang historyador, si Rizal ay hindi para sa paghihiwalay ng Pilipinas mula sa Espanya dahil ang layunin ng Kilusang Propaganda ay reporma lamang.  Kung gayon, bakit siya National Hero kung di naman siya para sa nation???  Kaloka!  Tsaka wala namang ginawa si Rizal kundi sumulat ng sumulat.

Espana y Filipinas.  Obra maestra ni Juan Luna.

Espana y Filipinas. Obra maestra ni Juan Luna.

Ngunit ayon kay Floro Quibuyen sa kanyang aklat na A Nation Aborted, makikita na nais magtatag ng nagsasariling bansa si Rizal sa unang punto ng kanyang saligang batas:  “Magkaisa ang buong kapuluan upang maging isang katawan.”  Malamang, hindi ito samahan na magtatag ng isa pang samahan.  Ang isang katawan na bubuuuin dito siyempre ay ang bansa!  Anong klaseng bansa?  Ayon na rin sa saligang batas ng Liga, magbibigay “proteksyon mula sa lahat ng pangangailangan, pagtatanggol laban sa karahasanan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.”

Pabalat ng A Nation Aborted:  Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen.  Mula sa Ateneo Press

Pabalat ng A Nation Aborted: Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen. Mula sa Ateneo Press

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Pansinin, para kay Rizal ang pagkabansa ay nagsisimula sa grassroots.  Nagsisimula ang pagkabansa sa bawat mabuting gawa sa kapwa, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isang Pilipino.  Inugat ni Quibuyen ang konsepto ng bansa ni Rizal sa mga isinulat ng Alemang pilosopo na si Johann Gottfried von Herder:  Ang pagiging bahagi ng bansa ay hindi batay sa dugo kundi sa isang damdaming kultural at moral ng mga nakapaloob dito.

Johann Gottfried Herder.  Mula sa counter-currents.com.

Johann Gottfried von Herder. Mula sa counter-currents.com.

Sa Liga naipakita ni Rizal na hindi lamang siya puro sulat, nais niyang isakatuparan ang nais niyang bansa.  Naudlot man, ipinagpatuloy ng Liga member na si Bonifacio ang laban para sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay tulad ng sinasabi ng motto ng Liga, “Unus  instar  ómnium”—Ang isa ay tulad ng lahat.  Sa pagbubuo ng bansang maginhawa, mahalaga ka kabayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 11 April 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI LEONOR RIVERA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

11 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=t-G5wrkB49U

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  146 years ago ngayong araw, April 11, 1867, isinilang sa Camiling, Tarlac si Leonor Rivera.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Well, siya lang naman ang minalas na naging long-time gf ng ating Heroé Nacional na si José Rizal, ang tanging problema doon ay iniwan siya ng nobyo dahil may misyon ito para sa bayan.  Pinsan ng ama ni Rizal ang tatay ni Leonor na si Antonio Rivera at sa parehong paaralan nag-aral ang mga kapatid na babae ni Rizal at si Leonor, sa Concordia.

Antonio Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Antonio Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Noong 1880, nagkakilala si Leonor at si José o si Pepe, 13 years old pa lamang ang dalaga noon na tinawag niyang “munting kasera” dahil anak siya ng may-ari ng isang paupahang bahay para sa mga estudyante sa Intramuros.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Actually, dalawang Leonor ang niligawan ni Pepe noon, pati si Leonor Valenzuela, doble Leonor system LOL, ngunit nanaig ang munting kasera.  Sa kanilang pagsusulatan, gumamit pa ng secret codes ang mag-irog bilang proteksyon nila sa mapagmatyag na ina ni Leonor na si Silvestra Bauson.  Ang code name para kay Leonor ng pinsang si Pepe ay Taimis.  Cousin-tahan talaga ang peg.

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Valenzuela.  Mula sa Lolo Jose.

Leonor Valenzuela. Mula sa Lolo Jose.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra  Bauzon.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra Bauzon. Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo. Mula sa Vibal Foundation.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw.  Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw. Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Sa likod ng larawan mababasang nakasulat sa Wikang Espanyol na “Para kay José mula sa kanyang tapat na pinsan sa edad na 15 taon, 8 buwan at 27 taon.  [Pirmado] Leonor Rivera” ngunit sa ibaba nakasukat sa code, “Para sa aking hindi malilimutan at pinakamamahal na mangingibig ang larawang ito ay inaalay ng kanyang tapat na Taimis.” Mula sa Rizal Without the Overcoat.

Napisan o na-engage ang dalawa ngunit nagpasya ang kuya ni Rizal na si Paciano sa tulong ng ama ni Leonor na si Pepe ay tumungo ng Europa upang maglingkod sa bayan noong 1882.  Hindi man lamang nakapagpaalam si Pepe.  Naging masasakitin, hindi makatulog at malungktin si Leonor.  Patuloy silang nagsulatan sa isa’t isa ngunit wala silang natatanggap sa mga sulatan na ito.  Iyon pala, sinuhulan ng ina ni Leonor ang lokal kartero na harangin ang sulatan ng dalawa at ibigay lahat ng ito sa kanya.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe.  Mula sa Vibal Foundation.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe. Mula sa Vibal Foundation.

Imagine, si Pepe noon ay tinuturing na pilibusterong nobelista at siyempre ayaw mong makasal ang anak mo sa isang rebelde. Inayos ng ina ang pagpapaksal ni Leonor sa inhinyero ng riles ng tren na si Charles Henry Kipping noong 1890.

Si Rizal.

Si Rizal.

Charles Henry Kipping

Charles Henry Kipping

Sa paniwalang kinalimutan na siya ni Rizal, pumayag ito ngunit sinabi niyang ang pagpapakasal na ito ay ikamamatay niya.  Nang may isang sulat ni Rizal ang nakalusot, napilitan ang ina na ipakita ang lahat ng kanilang pagsusulatan.  Itinuloy ni Leonor ang pagpapakasal sa kondisyong hindi na siya tutugtog ng piano at muling awit habambuhay, at tatabihan siya ng kanyang ina sa buong seremonya ng kasal.  Ayon sa mga kwento, sinunog ni Leonor ang mga sulatan nila ni Rizal, at habang naglalakad sa simbahan, nahuhulog ang mga abo ng mga ito mula sa laylayan ng kanyang trahe de boda.  Anuman, ilan sa mga abong ito ay nailagay sa isang maliit na kahon.  Tatlong taon ang lilipas, patay na si Leonor sa panganganak sa edad na 26.  Ang kahon na naglalaman ng mga abo ng sulatan ay inilibing kasama niya.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat.  Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum.  Mula sa Probe Productions.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat. Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum. Mula sa Probe Productions.

Leonor Rivera

Leonor Rivera

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere--Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra.  Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, "History of Manila."

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere–Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, “History of Manila.”

Isang modela bilang si Maria Clara.  Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Isang modela bilang si Maria Clara. Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Lubos na dinamdam ni Pepe ang nangyari, nagkulong pa sa Dapitan ng buong gabi.  Minalas man si Leonor, sinwerte naman siya na maalala sa kasaysayan, ang makabasag pusong karanasan ng dilag mula sa Camiling ay inspirasyon daw para sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Rizal.  Aral, mga magulang, gabayan ngunit huwag nang maghigpit sa anak pagdating sa lovelife, sige kayo baka ma-Leonor Rivera siya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)