IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: tarlac

XIAO TIME, 1 August 2013: NANG PUMANAW SI TITA CORY

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Pangulong Cory sa paligid ng pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa La Salle Greenhills.

Ang Pangulong Cory sa paligid ng pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa La Salle Greenhills.

1 August 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=psBQUQmE6Ao

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Apat na taon na ang nakalilipas, July 24, 2009.  Nilisan na tayo ni Tita Cory!  Ito ang maling balita na natanggap ko. Marami ang umiyak.  Mali pala ang balita, pero may nasilip akong bagong pag-asa sa ilang araw nang sama-samang pananalangin para sa kalusugan ng Dating Pangulong Cory Aquino.

Tita Cory Aquino.  Mula sa ABS-CBN Publishing, Inc.

Tita Cory Aquino. Mula sa ABS-CBN Publishing, Inc.

Ang dyaryo ng araw noong magkaroon ng maling balita sa hapon na patay na si Tita Cory.  Nasa gitna ng pananalangin para sa kalusugan ng bayan ang mga tao.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang dyaryo ng araw noong magkaroon ng maling balita sa hapon na patay na si Tita Cory. Nasa gitna ng pananalangin para sa kalusugan ng bayan ang mga tao. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Noong hapon na iyon, nakasakay ako ng taxi sa Vito Cruz nang makakita ako ng isang padyak na may malalaking dilaw na ribbon.  Naiyak ako.  Hindi pa pala nakakalimot ang mga tao.  Makalipas ang ilang araw, August 1, sa ganap na 5:48 ng umaga, ang aking kaibigan na si Ayshia ay ginising ako sa telepono ng isang masamang balita—Nilisan na tayo ng tuluyan ni Tita Cory sa oras na 3:18 ng umaga.  Nakapaligid ang kanyang pamilyang nagdadasal ng rosaryo, katatapos pa lamang ng ikalimang misteryo ng Hapis.

Ang anak ni Tita Cory na si Benigno Simeon "Noynoy" Aquino, III ang siyang nagkumpirma ng balita na wala na si Tita Cory.

Ang anak ni Tita Cory na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino, III ang siyang nagkumpirma ng balita na wala na si Tita Cory.

Ang masamang balita.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang masamang balita. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nasa Tarlac ako noon, ngunit tulad sa Maynila makulimlim at panaka-naka ang ulan, maging ang langit ay nagluluksa sa kanyang pagkawala.  Noong hapon na iyon, dinala ang mga labi ni Tita Cory sa St Benilde Gymnasium sa La Salle Greenhills.

Natakpan ang Bundok Arayat ng ulap isang ara matapos mamatay ni Tita Cory.  Kuha ni Xiao Chua.

Natakpan ang Bundok Arayat ng ulap isang araw matapos mamatay ni Tita Cory. Kuha ni Xiao Chua.

Si Cory, kasama si Jun Lozada at Sister Mary John Mananzan sa Baclaran sa panahon ng mga protesta laban lay Pangulong Gloria Arroyo.

Si Cory, kasama si Jun Lozada at Sister Mary John Mananzan sa Baclaran sa panahon ng mga protesta laban lay Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay Sister Mary John Mananzan, sa mga huling text sa kanya ni Tita Cory tila ipinapahiwatig niya na sa kanyang pakiramdam, hindi na siya naaalala ng mga tao.  Matapos na matagumpay na tumulong sa pagpapatawag ng dalawang EDSA, sa mga huling taon ng kanyang buhay, marami sa kanyang mga kababayan ang tila hindi na siya pinakikinggan.  Tila bingi at bulag na sila sa korupsyon, wala na silang pakialam.

Si Cory habang pinangungunahan ang mga protesta na nagbunsod ng Himagsikang People Power sa EDSA.

Si Cory habang pinangungunahan ang mga protesta na nagbunsod ng Himagsikang People Power sa EDSA.

Si Tita Cory na nagrorosaryo sa gitna ng napakaraming sundalo, Marines Stand-off, February 26, 2006.

Si Tita Cory na nagrorosaryo sa gitna ng napakaraming sundalo, Marines Stand-off, February 26, 2006.

Si Tita Cory habang pinagmamalaki ang aklat ng kanyang apong si Jiggy Cruz ukol kay Ninoy Aquino sa isa sa kanyang mga huling public appearance sa DLSU Manila, 2009.

Si Tita Cory habang pinagmamalaki ang aklat ng kanyang apong si Jiggy Cruz ukol kay Ninoy Aquino sa isa sa kanyang mga huling public appearance sa DLSU Manila, 2009.

Ang kanyang paghihirap sa sakit na kanser ay inalay niya sa Panginoon para sa kanyang bayan.  Kung nakita lamang niya ang dami nang tao na naghihintay para pumila at makita siya sa huling pagkakataon, malalaman niyang hindi nasayang ang kanyang paghihirap.  Nang dumating ang kabaong , sumaludo ng ilang saglit ang mga sundalo, biglang umulan.  Nang matapos ang pagsaludo, tumigil din ito.

Ang mga naghihintay sa pagdting ng labi ng dating pangulo upang masilayan siya.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga naghihintay sa pagdting ng labi ng dating pangulo upang masilayan siya. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nang sumaludo ang mga sundalo, bigla na lamang umulan.  Sa pagbaba ng kanilang kamay, tumigil ang ulan.  Mula sa Philippine Graphic.

Nang sumaludo ang mga sundalo, bigla na lamang umulan. Sa pagbaba ng kanilang kamay, tumigil ang ulan. Mula sa Philippine Graphic.

Isang aleng lubos na nalumbay sa pagkamatay ng pangulo.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Isang aleng lubos na nalumbay sa pagkamatay ng pangulo. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sina Borther Armin Luistro at Brother Bernie Oca ng Christian Brothers ng De La Salle na nagpahiram ng kanilang gymnasium para kay Tita Cory.  Mula sa Paalam Cory.

Sina Borther Armin Luistro at Brother Bernie Oca ng Christian Brothers ng De La Salle na nagpahiram ng kanilang gymnasium para kay Tita Cory. Mula sa Paalam Cory.

Matapos tatlong araw, nang ilipat ang kanyang mga labi mula sa LSGH patungong Katedral ng Maynila, tila naulit ang kasaysayan.  Dumagsa ang mga tao.  Muling nanariwa sa kanilang alaala ang tagumpay ng EDSA, sa mismong kalsada kung saan ito naganap, Ortigas cor. EDSA.  Gayundin, tila bumalik ang mga confetti revolts laban sa diktadura sa kahabaan ng Ayala Avenue nang dumaan siya doon at tila nagkasama sila muli ng asawang si Ninoy nang ipagtagpo ang kanyang mga labi at ang monumento ng asawa.

Naulit ang kasaysayan.

Naulit ang kasaysayan.

Hindi man naabutan ang EDSA, ang mga kabataan ay nakiramay/nakiusyoso din.  Mula sa Doon Po Sa Amin.

Hindi man naabutan ang EDSA, ang mga kabataan ay nakiramay/nakiusyoso din. Mula sa Doon Po Sa Amin.

Ang pagdaan ng mga labi ni Tita Cory sa harapan ng POEA sa Ortogas cor EDSA kung saan siya nagpakita noong Himagsikang People Power sa EDSA noong 1986.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang pagdaan ng mga labi ni Tita Cory sa harapan ng POEA sa Ortogas cor EDSA kung saan siya nagpakita noong Himagsikang People Power sa EDSA noong 1986. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nang magkasama ang monumento ni Ninoy at ng kabaong ng kanyang kabiyak.  Pareho na silang iniluklok ng bayan na mga bayani.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Nang magkasama ang monumento ni Ninoy at ng kabaong ng kanyang kabiyak. Pareho na silang iniluklok ng bayan na mga bayani. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sa Katedral, kahit na kung minsan ay siyam na oras na pumila ang mga tao, dinagsa pa rin ang burol.  Si Tita Cory, bagama’t hindi perpekto at mayroon ding mga kontradiksyon sa kanyang kasaysayan, tulad din naman natin, ay niyakap natin dahil sumimbolo siya sa adhikain nating malinis na pamumuno.  Hindi lang tayo nagpugay sa kanya.  Nagbigay tayo ng mensahe sa mga nakaupo sa ating pamahalaan noon na pagod na tayo sa pamunuang walang malasakit sa bayan.

Ang haba ng pila mula sa Pamatasan ng Lungsod ng Maynila hanggang sa Katedral ng Maynila, ang dome nito ay makikita pa rin sa larawan, maliit na nga lang.  Mula sa Wikipedia.

Ang haba ng pila mula sa Pamatasan ng Lungsod ng Maynila hanggang sa Katedral ng Maynila, ang dome nito ay makikita pa rin sa larawan, maliit na nga lang. Mula sa Wikipedia.

Ang pagpila ng mga tao sa mga kalye ng lumang lungsod ng Maynila--Intramuros para kay Cory.

Ang pagpila ng mga tao sa mga kalye ng lumang lungsod ng Maynila–Intramuros para kay Cory.

Sina McRhonald Banderlipe at Tina Langit habang nagbibigay ng pagkain sa mga matagal na pumila upang makita si Tita Cory.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Sina McRhonald Banderlipe at Tina Langit habang nagbibigay ng pagkain sa mga matagal na pumila upang makita si Tita Cory. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Noynoy Aquino habang inasasalamatan ang mga pumipila.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Noynoy Aquino habang inasasalamatan ang mga pumipila. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Kung nakita lang ito ni Tita Cory, lalo niyang mapapatunayan ang lagi niyang sinasabi, “Nagpapasalamat ako sa inyong lahat, lalo na sa Panginoong Diyos, at ikinararangal ko na ginawa niya akong Pilipino na katulad niyo.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(People’s Television Network, 25 July 2013)

Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino (January 25, 1933 – August 1, 2009)

Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino (January 25, 1933 – August 1, 2009)

XIAO TIME, 24 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG LA LIGA FILIPINA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

23 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=L1wHGfrEEvE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 3, 1892, sa kanyang pagbabalik mula sa kanyang mga paglalakbay sa ibang bansa, itinatag ng ating Héroe Nacional na si Jose Rizal ang La Liga Filipina.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Nasa Hongkong pa lamang siya ay sinulat na niya ang saligang batas nito, at naglakbay pa-hilaga ng Maynila noong June 27, 1892 upang subukan ang bagong riles na ginawa ng kanyang karibal, ang asawa ni Leonor Rivera na si Inhinyero Charles Henry Kipping, at upang kausapin ang ilang mga tao sa Malolos, San Fernando at Tarlac.  [Ilan sa kanyang mga kinausap sa Pampanga ay sina Don Cecilio at Tiburcio Hilario.]  Sa pook na ito siya nagpalipas ng gabi sa Tarlac, Tarlac.  Noong siya ay pabalik na, nakausap naman niya sa bapor sa Calumpit, Bulacan ang kaanak namin na si Don Procopio Hilario na sa kalaunan ay magiging kasapi ng Katipunan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang bayan ng Malolos.  Mula sa www.univie.ac.at.

Ang bayan ng Malolos. Mula sa http://www.univie.ac.at.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Gabi ng Linggo, July 3, 1892, tinipon ni Rizal ang ilang makabayan at mason sa bahay ng Mestisong Tsino na si Doreoteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Kabilang sa pulong ang abogadong si Apolinario Mabini na noon ay tumatayo pa, ang bayaw ni Marcelo del Pilar na si Deodato Arellano, at ang bodegerong si Andres Bonifacio.

Doroteo Ongjunco.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Doroteo Ongjunco. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Mula sa Sulyap Kultura.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila. Mula sa Sulyap Kultura.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula kay Austin Craig.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula kay Austin Craig.

Limbag ng edisyon ngsaligang batas ng La Liga Filipina.

Limbag ng edisyon ng saligang batas ng La Liga Filipina.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo.  Kuha nin Cari Noza.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo. Kuha nin Cari Noza.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Matapos ang tatlong araw, inaresto si Rizal, July 6.  At matapos ang ilang araw, July 17, itinapon sa tila ang dulo ng mundo, Dapitan.  Tsk.  Bigo si Pepe.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892.  Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892. Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation.

Dapitan. Mula sa Vibal Foundation.

Sabi ng karamihan sa mga naunang historyador, si Rizal ay hindi para sa paghihiwalay ng Pilipinas mula sa Espanya dahil ang layunin ng Kilusang Propaganda ay reporma lamang.  Kung gayon, bakit siya National Hero kung di naman siya para sa nation???  Kaloka!  Tsaka wala namang ginawa si Rizal kundi sumulat ng sumulat.

Espana y Filipinas.  Obra maestra ni Juan Luna.

Espana y Filipinas. Obra maestra ni Juan Luna.

Ngunit ayon kay Floro Quibuyen sa kanyang aklat na A Nation Aborted, makikita na nais magtatag ng nagsasariling bansa si Rizal sa unang punto ng kanyang saligang batas:  “Magkaisa ang buong kapuluan upang maging isang katawan.”  Malamang, hindi ito samahan na magtatag ng isa pang samahan.  Ang isang katawan na bubuuuin dito siyempre ay ang bansa!  Anong klaseng bansa?  Ayon na rin sa saligang batas ng Liga, magbibigay “proteksyon mula sa lahat ng pangangailangan, pagtatanggol laban sa karahasanan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.”

Pabalat ng A Nation Aborted:  Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen.  Mula sa Ateneo Press

Pabalat ng A Nation Aborted: Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen. Mula sa Ateneo Press

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Pansinin, para kay Rizal ang pagkabansa ay nagsisimula sa grassroots.  Nagsisimula ang pagkabansa sa bawat mabuting gawa sa kapwa, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isang Pilipino.  Inugat ni Quibuyen ang konsepto ng bansa ni Rizal sa mga isinulat ng Alemang pilosopo na si Johann Gottfried von Herder:  Ang pagiging bahagi ng bansa ay hindi batay sa dugo kundi sa isang damdaming kultural at moral ng mga nakapaloob dito.

Johann Gottfried Herder.  Mula sa counter-currents.com.

Johann Gottfried von Herder. Mula sa counter-currents.com.

Sa Liga naipakita ni Rizal na hindi lamang siya puro sulat, nais niyang isakatuparan ang nais niyang bansa.  Naudlot man, ipinagpatuloy ng Liga member na si Bonifacio ang laban para sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay tulad ng sinasabi ng motto ng Liga, “Unus  instar  ómnium”—Ang isa ay tulad ng lahat.  Sa pagbubuo ng bansang maginhawa, mahalaga ka kabayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 16 July 2013: ANG KILLER QUAKE SA LUZON

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Hyatt Terraces Hotel sa Lungsod ng Baguio, ang isa sa pinaka-naaalalang guho noong lindol ng July 16, 1990.  Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

16 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=y0GwT2S8PL4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  23 years ago, July 16, 1990.  Naaalala ko pa, alas 4:26 ng hapon, nasa aming bahay kami sa Tarlac, ako ay six years old lamang noon.  Nanonood kami ng kapatid kong si Michelle ng Tagalog Movie Greats sa TV sa aming silid nang bigla na lamang umuga ang lupa ng napakalakas na parang duyan!  Nakita ko kung paanong bumagsak ang aming electric fan.  Ang nanay ko na naglalaba noon sa likurang bahay ay pinuntahan kami at dinala kami sa ilalim ng la mesa.

Si

Si “Mike” Chua noong 1990, estudyante ng Prep sa Mary Grace Montessori School. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Vilma Chua at ang kanyang anak na si Michelle sa mismong silid kung nasaan nakahiga ang magkapatid nang mangyari ang lindol nong July 16, 1990.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Vilma Chua at ang kanyang anak na si Michelle sa mismong silid kung nasaan nakahiga ang magkapatid nang mangyari ang lindol nong July 16, 1990. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Habang ako ay iyak ng iyak dahil sa napanood ko sa mga pelikula pihado kakong mamamatay na kami, ang kapatid kong babae naman ay tawa ng tawa habang nangyayari ang lahat.  Nang matapos ang pagyanig, nilapitan ko ang aming malaking Sto. Niño dahil sa pananaw ko noon hawak nito ang mundo na kanyang pinayanig at akin itong sinampal, “Bakit mo pa kami binuhay kung papatayin mo lang kami!”

Si

Si “Mike” at ang kanilang Sto. Nino. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Dapat ko pa palang pasalamatan ang Diyos dahil hindi man lamang naano ang aming bahay, habang nakita ko kung paano nasira ang bahay ng aming mga kamag-anak, maging ang aming ancestral house sa Balibago I, umangat ang mga kalsada at nabiyak ang lupa.  Naganap pala noong hapon na iyon ang itinuturing na pinakamapaminsalang lindol na naganap sa bansa dahil naramdaman ang lindol na sumentro sa Rizal, Nueva Ecija malapit sa Cabanatuan at may lakas na 7.8 surface wave magnitude sa Richter Scale sa 23 matataong mga probinsya sa anim na rehiyon sa Luzon.  Sa Cabanatuan, ang pinakamataas na gusali doon, ang anim na palapag na Christian College of the Philippines ay gumuho sa oras na may mga klase, 154 ang namatay doon.

Ang guho ng Christian College of the Philippines sa Lungsod ng Cabanatuan.  Mula sa monvalmonte.com.

Ang guho ng Christian College of the Philippines sa Lungsod ng Cabanatuan. Mula sa monvalmonte.com.

Naaalala ko na pinapanood sa telebisyon ang isang batang babae na kinapanayam pa ng isang network habang nasa ilalim ng guho, namatay din ang bata.  Ang 20-taong gulang naman na si Robin Garcia, ay nakapagligtas pa ng walong estudyante at guro sa guho bago siya mismo ay matabunan sa isang aftershock.  Sa Dagupan, parang kumunoy na lumubog ang ilang gusali ng lungsod ng isang metro!

Hotel Nevada sa Lungsod ng Baguio na lumubog sa lupa.

Hotel Nevada sa Lungsod ng Baguio na lumubog sa lupa.

Isang gusali sa Lungsod ng Baguio na lumubog.  Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Isang gusali sa Lungsod ng Baguio na lumubog. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ngunit ang Lungsod ng Baguio talaga sa kabundukan ng Benguet ang nawasak.  Nagkaroon ng pagguho ng lupa sa Kennon Road, nasira ang mga kalsada, at mga gusali, lalo na ang pinakamalaking otel sa Baguio, ang Hyatt Terraces Hotel, gumuho na parang kastilyong baraha.

St. Vincent sa Baguio noong lindol ng 1990.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

St. Vincent sa Baguio noong lindol ng 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Mga gumuhong bahay sa Lungsod ng Baguio.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga gumuhong bahay sa Lungsod ng Baguio. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga kotseng natabunan ng gusali sa Lungsod ng Baguio.

Mga kotseng natabunan ng gusali sa Lungsod ng Baguio.

Ang mga nasawi ay hinukay mula sa mga guho.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ang mga nasawi ay hinukay mula sa mga guho. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ilan sa mga namatay sa Lungsod ng Baguio noong lindol ng July 16, 1990.   Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ilan sa mga namatay sa Lungsod ng Baguio noong lindol ng July 16, 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Isang nadaganan ng waiting shed sa Harrison Road.

Isang nadaganan ng waiting shed sa Harrison Road.

Isang nakaligtas mula sa Hyatt Hotel.

Isang nakaligtas mula sa Hyatt Hotel.

Si Defense Chief Fiedel Ramos at Mayor Orros ng Lungsod ng Baguio.  Mula sa Cordillera Virtual Museum.

Si Defense Chief Fidel Ramos at Mayor Orros ng Lungsod ng Baguio. Mula sa Cordillera Virtual Museum.

Ang guho ng Hyatt Terraces Hotel mula sa himpapawid.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang guho ng Hyatt Terraces Hotel mula sa himpapawid. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nawalan ng tubig at naputulan ng kuryente at telepono ang lungsod.  Tumira ang maraming nasalanta sa mga tolda, at nauso ang “tent city.”

“Tent City” sa Lunsod ng Baguio.

Makakalimutin tayo sa kasaysayan, at unang nabanggit sa akin ni kasamang Marc Castrodes na isang puwedeng dahilan nito ay ang mga kalamidad sa Pilipinas, daanan kasi tayo ng bagyo at bahagi ng Pacific Ring of Fire.  Tuwing may kalamidad, maaaring mawala ang naipundar natin, mamamatay ang ating mga mahal sa buhay.  Kung didibdibin natin ang mga trahedyang ito, masisira ang ulo

Si Xiao Chua at Marc Castrodes sa makasaysayang coverage para sa ika-40 paggunita sa proklamasyon ng Martial Law noong September 21, 2012, Bantayog ng mga Bayani.  Kuha ni Rapha-el Q. Olagario.

Si Xiao Chua at Marc Castrodes sa makasaysayang coverage para sa ika-40 paggunita sa proklamasyon ng Martial Law noong September 21, 2012, Bantayog ng mga Bayani. Kuha ni Rapha-el Q. Olagario.

Ilang sandali matapos ang pagyanig.  Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Ilang sandali matapos ang pagyanig. Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Pagrarasyon ng pagkain at labada.  Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Pagrarasyon ng pagkain at labada. Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

nating mga Pinoy, kaya ang coping mechanism natin ay makalimot.

May punto, kagandahan lang, sa panahon din ng mga kalamidad, lumalabas ang bayanihan ng mga Pinoy kung saan nagkakaisa tayo sa pagtulong bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 28 June 2013: ANG ARAW NG PAGKAKAIBIGANG PILIPINO-ESPANYOL (ANG SIEGE OF BALER)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler kung saan naganap ang isang makasaysayang pangyayari na halos nalimot na ng mga Pilipino.  Mula kay Ian Alfonso.

Ang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler kung saan naganap ang isang makasaysayang pangyayari na halos nalimot na ng mga Pilipino. Mula kay Ian Alfonso.

28 June 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, June 30, 1899, naglabas ng proklamasyon si Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang punong himpilan sa Tarlac, Tarlac na tumitiyak sa kaligtasan ng mga huling sundalong Espanyol sa Pilipinas na sumuko matapos ang isang-taong Pagkubkob sa Baler.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ayon kay Dr. Jaime B. Veneracion, nang siya ay tumungo sa Espanya, nasorpresa siya na liban sa Maynila, ang tanging lugar sa Pilipinas na alam ng mga Espanyol ay ang Baler na ngayon ay nasa lalawigan ng Aurora.  Ngunit bakit ang liblib na lugar na ito?  Para sa mga Espanyol, bayani ang kanilang mga sundalong huling sumuko sa Pilipinas at isinapelikula pa ang buhay nila doon “Los Ultimos de Filipinas”—ang mga pinakahuling nagtanggol sa Pilipinas.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Jaime B. Veneracion sa Baler, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Jaime B. Veneracion sa Baler, 2006. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang poster ng pelikulang Los Ultimos de Filipinas.

Ang poster ng pelikulang Los Ultimos de Filipinas.

Bakit kamangha-mangha ang kwentong ito sa mga Espanyol?  Matapos lumaban muli sina Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa mga Espanyol at iproklama ang kasarinlan, nagkuta ang ilang mga sundalong Espanyol sa lumang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.

Ang kampana sa bukana ng bayan ng Baler noong panahon ng Espanyol.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kampana sa bukana ng bayan ng Baler noong panahon ng Espanyol. Mula sa Pacto de Sangre.

Noong June 26, 800 mga katipon sa pangunguna ni Teodorico Novicio Luna, kamag-anak nina Juan at Antonio Luna, ang kumubkob sa simbahan.  Dahil nabalitaan ng pinuno ng Katipunan Cirilo Gomez Ortiz ang kaawa-awang kalagayan ng mga sundalong Espanyol na nagsisiksikan sa isang maliit na lugar, nag-alok siya ng mga pagkain at damit sa mga ito para sa pagtigil ng laban.  Upang patunayan ang sinseridad, nagpadala pa siya ng mga yosi at minatamis.  Tinanggihan ng mga Espanyol ang alok, sinabing tuloy ang laban, at kasama ng sagot ay isang alak na sherry upang matungga ng mga Pilipino.

Pinaniniwalaang ang rebolusyunaryong may espada ay si Teodorico Luna.  Mula kay Luis Tecson.

Pinaniniwalaang ang rebolusyunaryong may espada ay si Teodorico Luna. Mula kay Luis Tecson.

Ang Pagkubkob sa Baler.

Ang Pagkubkob sa Baler.

Ang mga rebolusyunaryo ng Baler. Mula sa Amistad Duradera

Ang mga rebolusyunaryo ng Baler. Mula sa Amistad Duradera

Ang punong himpilan ng nga mapanghimagsik sa Baler.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang punong himpilan ng nga mapanghimagsik sa Baler. Mula sa Pacto de Sangre.

Kapitan Enrique de las Morenas.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Kapitan Enrique de las Morenas, ang unang komender ng mga pwersang Espanyol sa Baler na namatay ilang buwan matapos silang magkuta sa simbahan. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Ang mga uniporme ng mga sundalong Espanyol sa Baler.

Ang mga uniporme ng mga sundalong Espanyol sa Baler.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.  Mula sa Pacto de Sangre.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899. Mula sa Pacto de Sangre.

Halos isang taon na hindi sumuko ang mga Espanyol kahit hindi tumigil ang mga Pinoy na salakayin sila lagi at umarkila pa ng dalawang magtatalik sa harap mismo ng simbahan upang takamin ang mga Espanyol na sumuko na.  Dumating ang mga Amerikano upang iligtas ang mga huling Espanyol upang sumuko sa kanila ngunit tinambangan sila ng mga Pilipino.  Hanggang makarating ang isang diyaryo, sa wakas, sa pinuno ng mga Espanyol na si Tinyente Saturnino Martin Cerezo kaya nagdesisyon itong sumuko sa mga Pilipino nang malamang wala na ang mga Espanyol.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.  Mula sa Pacto de Sangre.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899. Mula sa Pacto de Sangre.

Tinyente Saturnino Martin Cerezo.  Mula sa Pacto de Sangre.

Tinyente Saturnino Martin Cerezo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ikinuwento ni Luis Zamora Tecson sa kanyang aklat kung paanong ang kanyang lolo na si Koronel Simon Tecson ay pumayag na hindi tratuhin na mga bihag ang mga Espanyol na 337 days na nagkuta sa simbahan.  Sa mahigit 50 sundalong unang nagkuta sa Baler, 31 na lamang ang lumabas ng buhay noong June 2, 1899.  Ngunit nasorpresa sila sa kanilang paglabas, sinalubong sila ng mga Pinoy nang sumisigaw, “Amigos, amigos!”  At sa Tarlac, opisyal na ipinahayag ni Pangulong Aguinaldo, “Ang nasabing pangkat ay hindi dapat ituring na mga bihag, sa halip dapat tanggapin sila na mga kaibigan.”  Nakabalik ng maluwalhati ang mga sundalo sa Espanya.

Luis Tecson, sinasabing apo ni Simon Tecson, ang pinuno ng mga taga San Miguel de Mayumo, Bulacan na nagpasuko sa mga huling Espanyol sa Baler.

Luis Tecson, sinasabing apo ni Simon Tecson, ang pinuno ng mga taga San Miguel de Mayumo, Bulacan na nagpasuko sa mga huling Espanyol sa Baler.

Simon Tecson.  Mula kay Luis Tecson.

Simon Tecson. Mula kay Luis Tecson.

Ang Casa Gobierno de Tarlac, ang punong himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan niya inilabas ang proklamasyon ng June 30, 1899.

Ang Casa Gobierno de Tarlac, ang punong himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan niya inilabas ang proklamasyon ng June 30, 1899.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Proklamasyon ni Heneral Aguinaldo ng June 30, 1899 mula sa Tarlac, Tarlac.

Ang Proklamasyon ni Heneral Aguinaldo ng June 30, 1899 mula sa Tarlac, Tarlac.

Sa pagsisikap ng mga katulad ni Exequiel Sabarillo, residenteng Pilipino sa Madrid, at Dr. Veneracion, naisabatas ni Senador Edgardo Angara, tubong Baler, ang pagkakaroon ng Philippine-Spanish Friendship Day tuwing June 30 dahil sa araw na iyon, ipinakita kapwa ang tapang ng mga Espanyol at ang kabutihan ng mga Pilipino.

Si Senador Edgardo Angara, pinapagitnaan ni G. Ronnie Amuyot at ni Xiao Chua, Baler, Aurora, June 29, 2005.

Si Senador Edgardo Angara, pinapagitnaan ni G. Ronnie Amuyot at ni Xiao Chua, Baler, Aurora, June 29, 2005.

Si Xiao Chua kasama si Senador Edgardo J. Angara sa Museo de Baler, June 30, 2005.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Senador Edgardo J. Angara sa Museo de Baler, June 30, 2005. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua (dulong kanan) kasama sina Prop. Raymund Arthur G. Abejo, Dr. Jaime B. Veneracion, Governor Bellaflor Angara, Senator Edgardo Angara, Dr. Regino Paular at Dr. Ferdinand Llanes. kasama ang ang Batang Baler sa Moro Watchtower, June 30, 2006.  Mula sa Batang Baler.

Si Xiao Chua (dulong kanan) kasama sina Prop. Raymund Arthur G. Abejo, Dr. Jaime B. Veneracion, Governor Bellaflor Angara, Senator Edgardo Angara, Dr. Regino Paular at Dr. Ferdinand Llanes. kasama ang ang Batang Baler sa Moro Watchtower, June 30, 2006. Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.  Mula kay Batang Baler

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006. Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.  Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Ang mga kaguruan noon ng Up Departamento ng Kasaysayan kasama ang mga Angara, Museo de Baler, June 30, 2006.

Ang mga kaguruan noon ng UP Departamento ng Kasaysayan kasama ang mga Angara, Museo de Baler, June 30, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Baler, June 30, 2006.

Si Xiao Chua sa Baler, June 30, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pinakita rin na hindi natatapos ang kolonyalismong Espanyol sa pagsuko ng Espanya sa Amerika sa isang pekeng labanan, kundi doon sa Baler noong 1899 sa pagsuko ng kanilang mga sundalo sa nagsasariling Pamahalaang Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 27 June 2013: KASAYSAYAN NG BUHAY NI KA LUIS TARUC (LUIS TARUC @ 100)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster para sa sentenaryo mi Ka Luis Taruc na nagpapakita sa kanya kasama ang mga Huk at nilagyan ng background ng paanan ng Arayat kung saan sila nakibaka laban sa mga Hapones.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

27 June 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=GzTc3R2tRCo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  May early bird fee kung magpapatala hanggang June 30.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Noong nakaraang June 21, 2013, ginunita sa San Luis, Pampanga, kapwa ang pista nito at ang ika-isandaang taon ng pagkasilang ni Ka Luis Taruc.  Naroon ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at ang Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Dr. Romeo Taruc, dating konsehal ng Angeles at anak ni Ka Luis, kasama ni Dr. Ferdinand C. Llanes, kumisyunado ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas habang nag-aalay ng bulaklak para kay Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si JDN Center for Kapampangan Studies Director Robbie Tantingco habang nagpapaliwanag kay Gobernador ng Pampanga, Lilia Pineda ukol sa memorabilia ni Ka Luis.  Nakamasid sa likuran nila si Fray Francis Musngi.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio "Asyong" Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio “Asyong” Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Maging si Ka Luis hindi aakalaing ipapangalan sa kanya ang plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park, ang bayan kung saan noong lumalaki siya noong Dekada 1920s ay dinudusta sila ng mga hasendero at Panginoong maylupa. [Minsan ding isang tinyenteng dating niligawan ang kanyang ina ang nagparatang ng krimen sa kanyang ama.  Doon niya napagtanto na hindi lamang mabuting kalooban ang kailangan mayroon ang tao, kailangan mo rin ng matalinong utak, kung ipagtatanggol mo ang karapatan mo.]  Sa Tarlac siya naghayskul at nakita niya kung paanong tinatratong parang hayup ng mga dating Espanyol na mga may-ari ng Hacienda Luisita ang kanilang mga kasama.  Nakita niya kung paanong nilatigo ng isang katiwalang Espanyol ang isang nagrereklamong Ilokanong kasama na pinangakuan na mabayaran ng Php 1.20 ngunit binayaran lamang ng 40 sentimos.  Sa sobrang galit ng Ilokano, nilusob niya ang Espanyol at tinaga ito hanggang sa magkagutay-gutay.  Napukaw ang kanyang isipan, may katwiran ang Ilokanong kasama ngunit tama bang patayin ang katiwala?  Nakipagdiskusyon siya ukol dito sa mga sosyalistang hindi marunong bumasa at naimpluwensyahan ng mga ito, hanggang siya mismo ay nagsasalita na sa ukol sa pagkakapantay-pantay kahit na wala naman siyang alam banggitin kundi mga reperensya sa Biblia.

Ka Luis Taruc.  Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc. Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Noong 1936 ay iniwan ang kanyang patahian sa asawa at sumama kay Pedro Abad Santos ng unyong Aguman ding Maldang Tagapagobra.  Sa pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1942, Sa Concepcion, Tarlac, sa paanan ng Bundok Arayat, napiling Supremo ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap, na siyang lumaban at nagpalaya sa Pampanga at Gitnang Luzon bago pa dumating ang mga Amerikano.  Hindi sila kinilalang lehitimong gerilya ng mga Amerikano.

Pedro Abad Santos.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pedro Abad Santos. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Sa panahon ng kasarinlan, kahit na isang rebelde, nanalong kongresista ngunit dalawang beses na hindi pinaupo ng mga pulitiko sa kanyang pwesto.  Muling namundok, gusto lamang daw niya ng parehas at mas magandang trato sa bayan mula sa pamahalaan.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc.

Ka Luis Taruc.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagbalik loob sa pamahalaan noong 1948 at tinanggap pa ni Pangulong Elpidio Quirino sa Palasyo ng Malacañan ngunit nang matunugan na kakasuhan muli ay ipinagpatuloy ulit ang laban.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nang pasukuin siya ng batang reporter na si Ninoy Aquino noong 1954, napasuko din ni Taruc ang isip at puso ni Ninoy na mag-adhika sa pagkakapantay-pantay ng lahat.  Si Ka Luis ay pinatawad ni Pangulong Marcos at sa pag-aakalang ipapatupad na ang tunay na repormang pang-agraryo, tumulong siya sa programang ito.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa.  Mula sa LIFE.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa. Mula sa LIFE.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan.  Mula sa josemariasison.org.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan. Mula sa josemariasison.org.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas.  Mula sa quod.lib.umich.edu.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas. Mula sa quod.lib.umich.edu.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pagharap ni Ka Luis Taruc sa Manila Court of First Instance sa sala ni judge Gregorio Narvasa sa patong-patong na kaso ng mga krimen ng mga huk pati na ang pagpaslang kay Dona Aurora Aragon Quezon.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong ferdinand Marcos.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong Ferdinand Marcos.

Namatay siya noong May 4, 2005 sa edad na 91.  Ayon kay Nelson Mandela, Ang Ama ng bansang South Africa, binasa niya ang mga isinulat ni Taruc sa kanyang talambuhay na Born of the People at sinunod ito.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika.  Mula sa bibliomania.ws.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika. Mula sa bibliomania.ws.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo.  Kuha ni Eli Weinberg, 1961.  Mula sa retronaut.com.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo. Kuha ni Eli Weinberg, 1961. Mula sa retronaut.com.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Kaiba sa ilang pinunong rebolusyunaryo, he walked the talk, hindi nagpayaman sa sarili.  Hindi man sang-ayunan ng ilan ang kanyang pamamaraan, kailangang gawing huwaran ang kanyang paninindigan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 20 June 2013: PAGGUNITA SA IKA-22 TAON NG PAGSABOG NG BULKANG PINATUBO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

ISLAND STUDIO classic shot of Mt. Pinatubo's first major eruption as seen from F. Tañedo Street in Tarlac, Tarlac, 12 June 1991.

ISLAND STUDIO classic shot of Mt. Pinatubo’s first major eruption as seen from F. Tañedo Street in Tarlac, Tarlac, 12 June 1991.

20 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=TP44iUD8AQI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  22 years ago, June 1991, sumabog ang Bulkang Pinatubo sa Zambales.  Isa sa pinakamaganda at pinakakomprehensibong akda na mababasa ukol dito ay sinulat ng direktor ng Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University na si Robert Tantingco sa kanyang  Pinatubo:  The Volcano In Our Backyard.

Xiao Chua kasama si Sir Robby Tantingco sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel University, Angeles City, September 7, 2012.

Xiao Chua kasama si Sir Robby Tantingco sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel University, Angeles City, September 7, 2012.

Pabalat ng Pinatubo:  The Volcano on our Backyard ni Robert Tantingco.

Pabalat ng Pinatubo: The Volcano on our Backyard ni Robert Tantingco.

Mga limandaang taon na ang nakalilipas nang huling sumabog ang Bulkang Pinatubo na itinututuring ng mga aeta bilang ang anito nilang si Apu Namalyari—Poong Makapangyarihan.  May mga leyenda sila ng isang higanteng pagong na umuungol at nagbubuga ng apoy, naghukay sa tuktok ng bundok at nagtatapon ng mga bato, putik at buhangin.  May mga leyenda rin ang mga Kapampangan na sina Namalyari at Sinukuan ng Bundok Arayat ay nagbatuhan sa isa’t isa.  Maaaring ang mga ito ay pagsasalaysay ng mga naunang pagsabog ng mga bulkan na ito.

Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Sina Xiao Briones Chua, Christy Briones at Mercy Briones-Manlutac kasama ang ating mga kababayang Aeta sa Sta. Juliana, Capas, ang gateway patungong Mt. Pinatubo.

Sina Xiao Briones Chua, Christy Briones at Mercy Briones-Manlutac kasama ang ating mga kababayang Aeta sa Sta. Juliana, Capas, ang gateway patungong Mt. Pinatubo.

Mt. Pinatubo bago ang pagsabog ng 1991.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Malakas ang probabilidad na napabilis ang pagkagising ng bulkan mula sa paghimbing nang maghukay mula 1982 hanggang 1990 dito ang Philippine National Oil Company.  Sabi ng mga aeta, magagalit ang kanilang “Apu Namalyari.”  Nakaapekto pati ang magnitude 7.8 na lindol sa Luzon na sumentro sa Nueva Ecija noong July 16, 1990.  Sa loob ng dalawang buwan, limang paglindol ang naramdaman na ang sentro ay sa Pinatubo na.  Nakitaan ng pag-usok ang bulkan ilang buwan bago ang unang pagputok nito noong June 12, 1991, Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

Ang paghuhukay sa Pinatubo ng Philippine National Oil Company--Energy Development Corporation.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang paghuhukay sa Pinatubo ng Philippine National Oil Company–Energy Development Corporation. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Paglalarawan ng lalim ng paghuhukay na ginawa ng PNOC-EDC sa Pinatubo.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Paglalarawan ng lalim ng paghuhukay na ginawa ng PNOC-EDC sa Pinatubo. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Guho ng Hyatt Hotel sa Baguio sanhi ng July 16, 1990 Luzon Killer Earthquake.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Guho ng Hyatt Hotel sa Baguio sanhi ng July 16, 1990 Luzon Killer Earthquake. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Dalawang oras lamang matapos ang pagyanig noong July 16, 1990, nagsimula na ang mga serye ng lindol na ang sentro ay ang Pinatubo na!  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Isa sa mga naging pag-usok ng Mt. Pinatubo bago ito sumabog.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Isa sa mga naging pag-usok ng Mt. Pinatubo bago ito sumabog. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ito ang tanawin mula sa bayan ng Tarlac ng pagsabog na ito na nakuhanan ng Island Studio.  Makalipas ang tatlong araw, nangyari ang Big Bang, June 15, 1991.  Nagbuga ang Pinatubo ng nakasusunog at nakamamatay na pyroclastic cloud, na kapag dinaanan ka nito magiging istatwang buhangin ka tulad ng mga taong ito sa Pompeii, Italya nang sumabog ang Bundok Vesuvius noong 79 A.D.

BIG BANG:  Ang pagsabog ng June 15, 1991.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

BIG BANG: Ang pagsabog ng June 15, 1991. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagpatuloy ang pagsabog ng at pagbuga ng abo ng Pinatubo hanggang umaga ng June 15, 1990.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagpatuloy ang pagsabog ng at pagbuga ng abo ng Pinatubo hanggang umaga ng June 15, 1990. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

25 nakasusunog at nakamamatay na pyroclastic cloud

Mula sa Clarkfield, ang pagsabog ng Pinatubo ang siyang sa wakas ay nagpaalis sa mga base militar ng Amerika sa Pilipinas.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pagsabog ng Mt. Pinatubo mula sa himpapawid.

Pagsabog ng Mt. Pinatubo mula sa himpapawid.

Mga natagpuang bangkay sa mga guho ng Pompeii sa pagsabog ng Bundok Vesuvius.  Mula sa blackrainbow.blackrainbow.blogspot.com.

Mga natagpuang bangkay sa mga guho ng Pompeii sa pagsabog ng Bundok Vesuvius. Mula sa blackrainbow.blackrainbow.blogspot.com.

Kaya naman ang larawan na ito ng sasakyan na hinahabol ng mga ulap na ito na kuha ni Alberto Garcia ng Corbis ay kamangha-mangha at nakasama pa sa 100 Best Pictures ng National Geographic at sa Great Images of the 20th Century ng TIME.

Isang sasakyang hinahabol ng pyroclastic clouds mula sa Pinatubo na nakamamatay.  Kuha ni Alberto Garcia ng Corbis.

Isang sasakyang hinahabol ng pyroclastic clouds mula sa Pinatubo na nakamamatay. Kuha ni Alberto Garcia ng Corbis.

At parang nanadya pa ang pagkakataon, sa oras na ala una ng hapon, ang mata ng agaw-eksenang bagyong “Diding” ay dumaan mismo sa malapit sa bulkan.  Nasa Maynila ako noon at nakita kong kung paanong ginawang gabi ang araw at umabot ang pag-ulan ng buhangin maging sa mga lugar sa Timog Silangang Asya at Australia.  Hindi pa nangyayari ang pagdaan ng isang bagyo ng ganito kalapit sa isang pagsabog ng bulkan.  At ang ashfall na dapat babagsak sa Zambales, ay ibinagsak sa Pampanga.

Ala una ng hapon ng June 15, 1991.  Dumaan ang bagyong Diding sa mismong malapit sa bulkan.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ashfall sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ashfall sa Pampanga. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Dahil sa bagyo, ginawang gabi ang araw sa maraming lugar sa Pilipinas.  Lalo na sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Akala ng mga Kapampangan ay katapusan na ng mundo.  Ngunit simula lamang pala iyon ng mas malaking kalbaryo.  Sa loob ng apat na taon, palulubugin ng mga deposito ng lahar ang maraming bayan sa Tarlac, lalo sa Pampanga tulad ng makasaysayang Bacolor.

Ang pagragasa ng lahar sa Pampanga at Tarlac.  Kuha ni Rod Custodio.

Ang pagragasa ng lahar sa Pampanga at Tarlac. Kuha ni Rod Custodio.

Ang mga taga-Bacolor habang nakakapit sa mga linya ng kuryente at pinipilit na makaligtas at hindi maanod sa lahar na rumagasa sa bayan noong October 1, 1995, apat na taon matapos na sumabog ang Pinatubo.  Marami ang nabaon ng buhay sa araw na iyon.  Mula sa Today.

Mga bata sa isang bubungan sa Bamban.  Mula sa vulcan.wr.usgs.gov.

Mga bata sa isang bubungan sa Bamban. Mula sa vulcan.wr.usgs.gov.

Ang makasaysayang Bacolor, Pampanga matapos tuluyang malubog noong October 1, 1995.

Ang makasaysayang Bacolor, Pampanga matapos tuluyang malubog noong October 1, 1995.

Bagama’t ito ang isa sa pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa daigdig, iilan lamang ang mga nasawi dahil sa pakikinig ng pamahalaan sa mga ekspertong siyentipiko tulad ng volcanologist na si Raymundo Punongbayan.

Pinuno ng Philippine Volcanology and Seismology at bayani ng Pinatubo, Direktor Raymundo Punongbayan.

Pinuno ng Philippine Volcanology and Seismology at bayani ng Pinatubo, Direktor Raymundo Punongbayan.

Si Xiao Chua, ang Aeta guide at pinsang si Danlord Briones. sa Bundok Pinatubo, November 1999.  Kuha ni Bob Sellars.

Si Xiao Chua, ang Aeta guide at pinsang si Danlord Briones. sa Bundok Pinatubo, November 1999. Kuha ni Bob Sellars.

Si Xiao Chua, umiinom ng tubig habang pinagmamasdan ang bunganga ng Bundok Pinatubo, November 1999.  Kuha ni Bob Sellars.

Si Xiao Chua, umiinom ng tubig habang pinagmamasdan ang bunganga ng Bundok Pinatubo, November 1999. Kuha ni Bob Sellars.

Iba't ibang reaksyon ng Pinoy sa pagsabog ang nakalarawan sa pader ng isang nakalubog na bahay sa lahar.  Mula sa  jenspeters.com.

Iba’t ibang reaksyon ng Pinoy sa pagsabog ang nakalarawan sa pader ng isang nakalubog na bahay sa lahar. Mula sa jenspeters.com.

Nakabangon na ang Pampanga, kaya nasasabi nila, kung nalampasan nila ang Pinatubo, kaya na nila ang lahat.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 7 June 2013)

XIAO TIME, 31 May 2013: ANG KWENTO NG “SANTACRUZAN”

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Edna Briones de Guzman, ang ate ng aking ina, noong siya ay maging Reyna Elena sa Luisita, San Miguel, Tarlac, Tarlac, kasama ang isang batang Konstantino.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Edna Briones de Guzman, ang ate ng aking ina, noong siya ay maging Reyna Elena sa Luisita, San Miguel, Tarlac, Tarlac, kasama ang isang batang Konstantino. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

31 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=L-Dyunpb_2o

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang Mayo ay buwan ng mga piyesta!  Bagama’t Katolikong tradisyon ang ating mga piyesta, nag-uugat ito sa pagsasagawa ng selebrasyon ng ating mga sinaunang ninuno bilang pasasalamat sa Bathala at mga anito sa magandang ani.

Fiesta.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco.  Mula sa Pacto de Sangre.

Fiesta. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco. Mula sa Pacto de Sangre.

Upang matanggap ng bayan ang bagong pananampalataya, nilapat ang mga kapistahang Katoliko sa sayaw ng mga sinaunang Pilipino hanggang ang “hala bira, pwera pasma!” ay maging “Viva Señor!”

Ang ritwal ng pagsasayaw sa pagkamatay ng isang tao sa Hilagang Luzon.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang ritwal ng pagsasayaw sa pagkamatay ng isang tao sa Hilagang Luzon. Mula sa Pacto de Sangre.

Ati-Atihan.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ati-Atihan. Mula sa Pacto de Sangre.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe.  Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo.  Folk Catholicism ang labas.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe. Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo. Folk Catholicism ang labas.

Ang prusisyon tuwing Mayo 12 sa Pakil, Laguna ay hinaluan ng sinaunang sayaw ng mga katutubo, niyuyugyog ng todo ang mahal na birhen ng Turumba.

Prusisyon para sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Prusisyon para sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Pagyugyog sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Pagyugyog sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Ang mga imahe ng Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Ang mga imahe ng Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Si Xiao Chua sa harapan ng orihinal na larawan ng Mahal na Birhen ng Turumba na sinasabing natagpuan sa lawa at nang iahon hindi mabuhat, ngunit nabuhat na lamang patungo sa simbahan nang ito ay sayawan ng mga tao.  September 2, 2007.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Dahil marami sa ating mga Pilipino ang magsasaka, mahilig nating ipagdiwang ang pista ni San Isidro Labrador tuwing Mayo 15, pinakasikat na marahil sa Lukban, Quezon kung saan noong unang panahon, dinadala sa simbahan ang mga ani para mabendisyunan ng pari, ngunit noong May 1963, nakaisip ng gimik ang Tagapagtatag at Pangulo ng Arts Club ng Lukban na si Fernando Cadeliña Nañawa at sinimulan ang Lucban Arts for Commerce and Industry Festival na noong Dekada Sitenta ay naging Pahiyas.

Mga kasapi ng Arts Club of Lucban sa pamumuno ni Fernando Cadeliña Nañawa noong 1963.  Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.

Mga kasapi ng Arts Club of Lucban sa pamumuno ni Fernando Cadeliña Nañawa noong 1963. Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.

Larawan ng Lucban Arts for Commerce and Industry Festival.  Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.

Larawan ng Lucban Arts for Commerce and Industry Festival. Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.

Mula sa salitang “payas”—to decorate.  Nagpapatalbugan ang mga bahay sa paglalagay ng mga disenyong kiping, isang kinakain na dekorasyon na gawa sa kanin.  Astig!

San Isidro Labrador ng Lucban, Quezon.  Mula sa Buddy's.

San Isidro Labrador ng Lucban, Quezon. Mula sa Buddy’s.

Bahay na may dekorasyong kipping.  Mula sa Pacto de Sangre.

Bahay na may dekorasyong kipping. Mula sa Pacto de Sangre.

Bahay na may dekorasyong kipping. Mula sa Filway's Philippine Almanac.

Bahay na may dekorasyong kipping. Mula sa Filway’s Philippine Almanac.

Si Xiao nagtatangkang kumain ng pamaypay na may disenyong kipping, August 19, 2005 sa Tayabas, Quezon.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao nagtatangkang kumain ng pamaypay na may disenyong kipping, August 19, 2005 sa Tayabas, Quezon. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Kipping.  Mula sa Nawawalang Paraiso.

Kipping. Mula sa Nawawalang Paraiso.

Ang Flores de Mayo naman ay isang buwang pagbibigay-pugay sa Ina ni Hesukristo na si Maria, na sinimulan diumano noong 1854 nang iproklama ang dogma ng Santo Papa na si Maria ay ipinaglihi nang walang kasalanang mana ni Santa Ana—ang Inmaculada Concepcion.  Noong 1867, isinalin ni Padre Mariano Sevilla ang debosyunal na “Flores de María” o ang “Mariquit na Bulaklak na sa Pagni-nilay-nilay sa Buong Buwan nang Mayo ay Inihahandog nang mga Deboto kay María Santísima.

Michelle Charlene B. Chua bilang "Queen of Hearts" sa isang Santacruzan sa Plaza Luisita Mall, San Miguel, Tarlac City noong May 29, 2004.  Ngayon ang nawala na ang mga re-enactment, mga karakter at ang aral ng Santa Cruzan, naging fashion show na lamang.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Michelle Charlene B. Chua bilang “Queen of Hearts” sa isang Santacruzan sa Plaza Luisita Mall, San Miguel, Tarlac City noong May 29, 2004. Ngayon ang nawala na ang mga re-enactment, mga karakter at ang aral ng Santa Cruzan, naging fashion show na lamang. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Michelle Charlene Chua at si Mayo Baluyut, sa isang Flores de "Mayo," May 29, 2004.

Si Michelle Charlene Chua at si Mayo Baluyut, sa isang Flores de “Mayo,” May 29, 2004.

Virgen de las Flores.

Virgen de las Flores.

Pio IX, siya ang nagdeklara ng dogma ng Inmaculada Concepcion at siyang pinagmulan ng pangalan ng tinapay na Pio Nono.  Mula sa catholic.com.

Pio IX, siya ang nagdeklara ng dogma ng Inmaculada Concepcion at siyang pinagmulan ng pangalan ng tinapay na Pio Nono. Mula sa catholic.com.

La Inmaculada concepción de los Venerables o de Soult.  Obra maestra ni Murillo, nasa Museo del Prado.

La Inmaculada concepción de los Venerables o de Soult. Obra maestra ni Murillo, nasa Museo del Prado.

Padre Mariano Sevilla.  Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.

Padre Mariano Sevilla. Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.

Padre Mariano Sevilla.  Mula sa Laki sa Bulakan Bulacan facebook page

Padre Mariano Sevilla. Mula sa Laki sa Bulakan Bulacan facebook page

Padre Mariano Sevilla.  Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.

Padre Mariano Sevilla. Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.

Ang libingan ni Padre Mariano Sevilla sa Bulakan, Bulacan.  Mula sa Laki sa Bulakan Bulacan facebook page http://www.facebook.com/photo.php?fbid=668490649834904&set=a.134927979857843.26440.114315955252379&type=1&relevant_count=1.

Ang huling bahagi ng pagpupugay na ito ng mga bulaklak para kay Maria ay isang prusisyon na tinatawag na Santacruzan na gumugunita sa mga titulo ni Maria at kay Emperatriz Elena.

Santacruzan sa ulan.  Mula sa decktheholidays.blogspot.com.

Santacruzan sa ulan. Mula sa decktheholidays.blogspot.com.

Reina Justicia.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995)

Reina Justicia. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995)

Divina Pastora.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).  Mayroon ding Reina Mora bilang kinatawan ng mga kapatid nating Muslim na may espesyal na pagkilala rin sa ina ni Propeta Isa (Hesus) na si Mariam.

Divina Pastora. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995). Mayroon ding Reina Mora bilang kinatawan ng mga kapatid nating Muslim na may espesyal na pagkilala rin sa ina ni Propeta Isa (Hesus) na si Mariam.

Nang ang kanyang paganong anak na si Emperador Konstantino ay minsang makikipaglaban, nakita raw niya ang tanda ng Santa Cruz na kinamatayan ni Kristo sa kalangitan sabay ng biling “In Hoc Signo Vinces”—Sa sagisag na ito, manakop!  Ipinalagay ni Konstantino sa mga kalasag ng kanyang hukbo ang krus at napagwagian ang digmaan.

Ang bustong higante ni Emperador Konstantino.  Mula sa Long Ago in the Old World.

Ang bustong higante ni Emperador Konstantino. Mula sa Long Ago in the Old World.

In Hoc Signo Vinces.  Obra Maestra ni Raphael Santi.

In Hoc Signo Vinces. Obra Maestra ni Raphael Santi.

Ang bisyon ni Emeperador Konstantino.  Mula sa Long Ao in the Old World.

Ang bisyon ni Emeperador Konstantino. Mula sa Long Ao in the Old World.

Ang kalasag ng mga kawal ni Konstantino.  Mula sa sacredsymbolic.com.

Ang kalasag ng mga kawal ni Konstantino. Mula sa sacredsymbolic.com.

Ginawa niyang simbolo ng pagkakaisa ng Imperyo Romano ang krus at ang iisang Diyos ng mga Kristiyano.  Ang lola mo namang emperatriz ay nagpatayo ng mga simbahan sa Roma, Konstantinopla, at Palestina.  Noong 326 AD, 75 years old na ang lola nang mag perigrinasyon sa Herusalem, at doon pinahukay niya ang Golgotha o Kalbaryo upang patayuan ng Simbahan.  Ayon sa kwento, tatlong krus ang kanilang nakita.  Upang malaman kung saang krus namatay si Kristo, pinahiga niya ang isang maysakit na alalay at ang krus kung saan siya gumaling ang ipinalagay na kay Kristo.

Sta. Elena, o St. Helen.  Mula sa catholictradition.org.

Sta. Elena, o St. Helen. Mula sa catholictradition.org.

Isang rebulto ng matandang Sta. Elena.  Mula sa sthelenchurch.org.

Isang rebulto ng matandang Sta. Elena. Mula sa sthelenchurch.org.

Ang pagkahanap ng mga krus sa Golgotha.  Mula sa Pasyong Mahal ng Aklatang Lunas.

Ang pagkahanap ng mga krus sa Golgotha. Mula sa Pasyong Mahal ng Aklatang Lunas.

Ang pagkatuklas ng tunay na krus nang higaan ito ng maysakit.  Tres riches heures do Duc de Berry.  Mula sa traditioninaction.org

Ang pagkatuklas ng tunay na krus nang higaan ito ng maysakit. Tres riches heures do Duc de Berry. Mula sa traditioninaction.org

Reyna Elena.  Mula sa 365rosaries.blogspot.com

Reyna Elena. Mula sa 365rosaries.blogspot.com

Hinati-hati ang mga krus na ito at noong 2005 ang isang pinaniniwalaang bahagi ay napadpad sa Bundok ng San Jose sa Monasterio de Tarlac.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta.  Mula kay Virgilio "Ver" Buan.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta. Mula kay Virgilio “Ver” Buan.

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Kaya naman, mali ang nakikita natin na mga magaganda at batang Reyna Elena na mga kaedad nila ang konsorte, dapat batang maliit ito dahil mag-ina at hindi mag-asawa si Elena at Konstantino. K?

Ang crush kong si Francine Prieto bilang Reyna Elena at si Cholo Baretto bilang Konstantino sa isang Santacruzan sa Plaza Luisita Mall, San Miguel, Tarlac City noong May 29, 2004.  Magkaedad?  Hindi pwedeng mag-ina.

Yung crush ko noon na si Jennifer Mendoza bilang Reyna Elena at si Papa Patrick Guzman bilang Konstantino sa isang Santacruzan sa Luneta sa ilalim ni Alkalde Alfredo S. Lim, May 5 1996.  Kuha ni Xiao Chua.

Yung crush ko noon na si Jennifer Mendoza bilang Reyna Elena at si Papa Patrick Guzman bilang Konstantino sa isang Santacruzan sa Luneta sa ilalim ni Alkalde Alfredo S. Lim, May 5 1996.  Magkaedad?  Hindi pwedeng mag-ina.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Reyna Elena at Konstantino.  Mag-ina.

Si Reyna Elena at Konstantino. Mag-ina.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013)

XIAO TIME, 11 April 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI LEONOR RIVERA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

11 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=t-G5wrkB49U

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  146 years ago ngayong araw, April 11, 1867, isinilang sa Camiling, Tarlac si Leonor Rivera.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Well, siya lang naman ang minalas na naging long-time gf ng ating Heroé Nacional na si José Rizal, ang tanging problema doon ay iniwan siya ng nobyo dahil may misyon ito para sa bayan.  Pinsan ng ama ni Rizal ang tatay ni Leonor na si Antonio Rivera at sa parehong paaralan nag-aral ang mga kapatid na babae ni Rizal at si Leonor, sa Concordia.

Antonio Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Antonio Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Noong 1880, nagkakilala si Leonor at si José o si Pepe, 13 years old pa lamang ang dalaga noon na tinawag niyang “munting kasera” dahil anak siya ng may-ari ng isang paupahang bahay para sa mga estudyante sa Intramuros.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Actually, dalawang Leonor ang niligawan ni Pepe noon, pati si Leonor Valenzuela, doble Leonor system LOL, ngunit nanaig ang munting kasera.  Sa kanilang pagsusulatan, gumamit pa ng secret codes ang mag-irog bilang proteksyon nila sa mapagmatyag na ina ni Leonor na si Silvestra Bauson.  Ang code name para kay Leonor ng pinsang si Pepe ay Taimis.  Cousin-tahan talaga ang peg.

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Valenzuela.  Mula sa Lolo Jose.

Leonor Valenzuela. Mula sa Lolo Jose.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra  Bauzon.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra Bauzon. Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo. Mula sa Vibal Foundation.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw.  Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw. Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Sa likod ng larawan mababasang nakasulat sa Wikang Espanyol na “Para kay José mula sa kanyang tapat na pinsan sa edad na 15 taon, 8 buwan at 27 taon.  [Pirmado] Leonor Rivera” ngunit sa ibaba nakasukat sa code, “Para sa aking hindi malilimutan at pinakamamahal na mangingibig ang larawang ito ay inaalay ng kanyang tapat na Taimis.” Mula sa Rizal Without the Overcoat.

Napisan o na-engage ang dalawa ngunit nagpasya ang kuya ni Rizal na si Paciano sa tulong ng ama ni Leonor na si Pepe ay tumungo ng Europa upang maglingkod sa bayan noong 1882.  Hindi man lamang nakapagpaalam si Pepe.  Naging masasakitin, hindi makatulog at malungktin si Leonor.  Patuloy silang nagsulatan sa isa’t isa ngunit wala silang natatanggap sa mga sulatan na ito.  Iyon pala, sinuhulan ng ina ni Leonor ang lokal kartero na harangin ang sulatan ng dalawa at ibigay lahat ng ito sa kanya.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe.  Mula sa Vibal Foundation.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe. Mula sa Vibal Foundation.

Imagine, si Pepe noon ay tinuturing na pilibusterong nobelista at siyempre ayaw mong makasal ang anak mo sa isang rebelde. Inayos ng ina ang pagpapaksal ni Leonor sa inhinyero ng riles ng tren na si Charles Henry Kipping noong 1890.

Si Rizal.

Si Rizal.

Charles Henry Kipping

Charles Henry Kipping

Sa paniwalang kinalimutan na siya ni Rizal, pumayag ito ngunit sinabi niyang ang pagpapakasal na ito ay ikamamatay niya.  Nang may isang sulat ni Rizal ang nakalusot, napilitan ang ina na ipakita ang lahat ng kanilang pagsusulatan.  Itinuloy ni Leonor ang pagpapakasal sa kondisyong hindi na siya tutugtog ng piano at muling awit habambuhay, at tatabihan siya ng kanyang ina sa buong seremonya ng kasal.  Ayon sa mga kwento, sinunog ni Leonor ang mga sulatan nila ni Rizal, at habang naglalakad sa simbahan, nahuhulog ang mga abo ng mga ito mula sa laylayan ng kanyang trahe de boda.  Anuman, ilan sa mga abong ito ay nailagay sa isang maliit na kahon.  Tatlong taon ang lilipas, patay na si Leonor sa panganganak sa edad na 26.  Ang kahon na naglalaman ng mga abo ng sulatan ay inilibing kasama niya.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat.  Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum.  Mula sa Probe Productions.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat. Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum. Mula sa Probe Productions.

Leonor Rivera

Leonor Rivera

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere--Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra.  Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, "History of Manila."

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere–Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, “History of Manila.”

Isang modela bilang si Maria Clara.  Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Isang modela bilang si Maria Clara. Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Lubos na dinamdam ni Pepe ang nangyari, nagkulong pa sa Dapitan ng buong gabi.  Minalas man si Leonor, sinwerte naman siya na maalala sa kasaysayan, ang makabasag pusong karanasan ng dilag mula sa Camiling ay inspirasyon daw para sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Rizal.  Aral, mga magulang, gabayan ngunit huwag nang maghigpit sa anak pagdating sa lovelife, sige kayo baka ma-Leonor Rivera siya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)

XIAOTIME, 6 March 2013: MAKULAY NA LAKBAY-ARAL SA TARLAC (Tarlac World History Tour)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 6 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

6 March 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-BBxGjsSfdo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa subject na World History, kaiba sa mga iba pang mga subject sa paaralan, ang hirap umisip ng lakbay-aral para dito.  Hindi naman tayo puwedeng basta-basta tumungo lahat sa mga Pyramid sa Ehipto, o sa Great Wall of China!

Ang Lalawigan ng Tarlac

Ang Lalawigan ng Tarlac

Mayroon akong mungkahi.  Isang konseptong aking nilkha para sa World History na pupuntahan ang isang lalawigan na hindi gaanong naiisip sa mga lakbay-aral na ito—Ang lalawigan ng Tarlac!  Ito ang tinatawag kong “Tarlac World History Tour:  The Philippines and the World.”

Aquino Center, Tarlac City.

Aquino Center, Tarlac City.

05 Narito ang ilang mahahalagang memorabilia nina Ninoy at Cory Aquino

First stop:  Ang Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City.  Narito ang ilang mahahalagang memorabilia nina Ninoy at Cory Aquino, ang mag-asawang naging inspirasyon ng People Power sa bansa noong 1986, kabilang na ang kanyang mga diary sa kulungan, at ang replica ng kulungang ito, at ang duguang damit na suot niya nang siya ay mamartir.

Pahina ng diary ni Ninoy sa kulungan na nakabukas sa unang araw ng kanyang hunger strike.  Panginoon ko, tanging si Cory lamang daw ang nakakaintindi ng sulat niya.  Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Ang replica ng kulungan ni Ninoy sa Fort Bonifacio sa loob ng Aquino Center.  Cool.  Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Ang replica ng kulungan ni Ninoy sa Fort Bonifacio sa loob ng Aquino Center. Cool. Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Duguang white safari suit ni Ninoy nang siya ay mamartir noong August 21, 1983.

Duguang white safari suit ni Ninoy nang siya ay mamartir noong August 21, 1983.

Dito maaaring maikwento ang lugar ng ating People Power sa hanay ng mga kilusan para sa demokrasya sa daigdig, isang modelo nang matagumpay na mapayapang pagtatanggal sa isang diktadura na ginagaya hanggang ngayon ng ibang bansa.  Ang paggalang na ito ay makikita sa mga magagandang state gifts na ibinibigay noon sa Pangulong Cory ng iba’t ibang pinuno sa daigdig.

Ang tanda ng pagbibigay galang ng mga pinuno ng daigdig kay Cory:  Paggawad sa kanya ng order of chrysanthemum.  Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Ang tanda ng pagbibigay galang ng mga pinuno ng daigdig kay Cory: Paggawad sa kanya ng order of chrysanthemum. Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Kimona na inihandog kay Cory Aquino.

Kimona na inihandog kay Cory Aquino.

Ang Martin Luther King, Jr. Non-Violent Peace prize na iginawad kay Cory Aquino ng balo ng martir na si Coretta Scott-King.  Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Ang Martin Luther King, Jr. Non-Violent Peace prize na iginawad kay Cory Aquino ng balo ng martir na si Coretta Scott-King. Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Kamakailan lamang, bumisita ang mga kaguruan ng Miriam College sa pamumuno ni Dr. Victoria Apuan sa Aquino Center at nagpakuha ng retrato kasama ang lakbay-guro nilang si Xiao Chua, ang manager ng Aquino Center na si Karen Carrera, at ang dalawang bagong mga monumento nina Ninoy at Cory.

Second Stop:  Ang Tarlac Eco-Tourism Park.  Sa napakagandang pasyalan at simbahan na ito sa itaas ng isang bundok sa San José, Tarlac na ipinatayo ng yumaong gobernador ng Tarlac José “Aping” Yap makikita ang isang estatwa ni Hesukristo na katulad ng makikita sa Rio de Janeiro, at isang Monasterio na pinangangalagaan ng Servants of the Risen Christ kung saan maaaring masilayan at mahawakan ang arqueta na nagtataglay ng isa raw bahagi ng tunay na krus kung saan namatay ang mahal na Panginoon.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang tanawin mula sa Monasterio.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang tanawin mula sa Monasterio. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Yumaong Congressman Jose "Aping" V. Yap.

Yumaong Congressman Jose “Aping” V. Yap.

Ang Kapilya ng Banal na Krus kung saan matatagpuan ang arqueta na nagtataglay ng diumano'y bahagi ng orihinal na krus ni Kristo.

Ang Kapilya ng Banal na Krus kung saan matatagpuan ang arqueta na nagtataglay ng diumano’y bahagi ng orihinal na krus ni Kristo.

Altar ng kapilya ng banal na krus.

Si Xiao Chua habang nagdidiskurso ukol sa pagkamatay ni Hesukristo sa harapan ng altar ng kapilya ng banal na krus, July 6, 2011.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta.  Mula kay Virgilio "Ver" Buan.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta. Mula kay Virgilio “Ver” Buan.

Kuha ng mga estudyante ni Xiao, July 6, 2011.

Kuha ng mga estudyante ni Xiao, July 6, 2011.

Ang tanging Vatican-approved relic ng krus na nasa Asya na ipinaubaya sa atin ng isang nagsasarang monasteryo sa Alemanya noong 2005.  Dito maaaring talakayin ang halaga ng krus at ng mga holy relics na ito sa kasaysayan ng paglago Kristiyanismo, paano napadpad ang Katolisismo sa Pilipinas, at ang lugar natin bilang tanging Katolikong bansa sa Asya.

Ang Capas National Shrine na gumugunita sa Death March noong Abril 1942.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang Capas National Shrine na gumugunita sa Death March noong Abril 1942. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Third Stop, Capas National Shrine, kung saan nagtapos ang 100 kilometrong kalbaryo ng mga sundalong Pilipino-Amerikano noong Abril 1942 na tinawag na “Death March.”  Dito sa Camp O’Donnell, maaaring ituro na sa kabila ng pagkasawing ito naipakita ang kabayanihan ng mga gerilyerong Pinoy na sa huli ay nagtagumpay din laban sa mga Hapones at nakapag-ambag sa buong pagwawagi ng digmaang Pasipiko.

Larawan ng pagsuko sa Bataan na sinundan ng pagpapalakad ng isandaang kilometro sa mga sundalong Pilipino-Amerikano, ang Death March.

Larawan ng pagsuko sa Bataan na sinundan ng pagpapalakad ng isandaang kilometro sa mga sundalong Pilipino-Amerikano, ang Death March.

Ang dustang kalagayan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa concentration camp ng mga Hapones sa Kampo O'Donnell, Capas, Tarlac.  Kumalat ang mga sakit dahil sa masikip na pinagkakasya sila sa mga barracks.  Mula sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang dustang kalagayan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa concentration camp ng mga Hapones sa Kampo O’Donnell, Capas, Tarlac. Kumalat ang mga sakit dahil sa masikip na pinagkakasya sila sa mga barracks. Mula sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang mahabang prusisyon ng mga namamatay sa Kampo O'Donnell, mas matindi pa kaysa sa Death March.

Ang mahabang prusisyon ng mga namamatay sa Kampo O’Donnell, mas matindi pa kaysa sa Death March.

34 sa buong pagwawagi ng digmaang Pasipiko

Ang mga pangalan ng mga lumaban noong digmaan ay nakaukit sa itim na mga bato sa paligid ng malaking monumento.  Nahanap ang mga pangalan sa pananaliksik ni Dr. Ricardo Trota Jose.  Kuha ni Xiao Chua

Ang mga pangalan ng mga lumaban noong digmaan ay nakaukit sa itim na mga bato sa paligid ng malaking monumento. Nahanap ang mga pangalan sa pananaliksik ni Dr. Ricardo Trota Jose. Kuha ni Xiao Chua

35 Makikita sa paligid ng mataas na monumento

Makikita sa paligid ng mataas na monumento ang pangalan ng mga Pilipinong lumaban sa digmaan.  Ang mga lakbay-aral ay isang lehitimong gawain na pinahihintulutan dahil alam naman natin na ang edukasyon ay hindi dapat magtapos sa apat na sulok ng klasrum, lalo na kung ito ay responsableng ginagawa.

Ang mga estudyante ni Xiao Chua sa De La Salle University sa plaza ng Lungsod ng Tarlac, July 6. 2011.

Ang mga estudyante ni Xiao Chua sa De La Salle University sa plaza ng Lungsod ng Tarlac, July 6. 2011.

Hindi naman makatwiran na tuluyang ipagbawal ito dahil itinataguyod din nito ang kabuhayan ng dulot ng lokal na turismo, at iilan lamang naman na malungkot na insidente ng aksidente ang nangyari.  Hindi ba’t hindi naman kailangan sunugin ang buong bahay kung inanay lang naman ang isang bahagi nito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

XIAOTIME, 22 January 2013: MGA PABORITONG TULA AT MUSIKA NI FORMER PRESIDENT CORAZON AQUINO

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 22 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang portrait ni Cory Sumulong Cojuangco na ipinapinta ni Ninoy Aquino kay Fernando Amorsolo.  Ibinigay ni Ninoy kay Cory ang obra noong ika-21 na kaarawan niya at nagkakahalaga ng dalawang buwang suweldo niya.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

22 January 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=AIr0SswfY_0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  80 years ago sa Biyernes, January 25, 1933, isinilang sa Maynila si Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino—siya na nga ang ating Tita Cory, unang babaeng pangulo ng Pilipinas at siyang nagbalik ng demokratikong mga institusyon matapos ang isang mahabang diktadura.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Noong bata pa ako sa Tarlac, inspirasyon ko habang lumalaki ang mga imahe sa telebisyon ng People Power na nagtanim sa akin ng pagiging proud na ako ay Pilipino.  Kapag may helikopter na dumadaan noon gagawin ko ang Laban sign sa aking kamay habang tumatakbo at sinisigaw, “Coreee! Coreee!” Nagdadala rin ako ng munting postcard ng kanyang larawan at minsang nilalagay ko ito sa harap ng aming bahay noong ako ay naglalaro.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Mapalad ako na limang beses ko siyang nakamayan noong siya ay nabubuhay pa kabilang na sa ilang makasaysayang pangyayari tulad noong maparangalan siya ng Ramon Magsaysay Award noong 1998 at noong misa para sa mga biktima ng 9-11 noong 2001.

Unang pagkikita:  Sa Ramon Magsaysay Award Presentation Ceremonies, August 31, 1998.  Sa dami nang nais bumati hindi maayos na nakapagpakodak.  Kuha ni Edna Apondar.

Unang pagkikita: Sa Ramon Magsaysay Award Presentation Ceremonies, August 31, 1998. Sa dami nang nais bumati hindi maayos na nakapagpakodak. Kuha ni Edna Apondar.

Ikalawang Pagkikita:  Sa Katedral ng Maynila para sa misa para sa mga biktim ng 9-11, September 2001.  Kuha ni Xiao Chua.

Ikalawang Pagkikita: Sa Katedral ng Maynila para sa misa para sa mga biktim ng 9-11, September 2001. Kuha ni Xiao Chua.

Ikatlong pagkikita:  Aquino Center sa Tarlac City, October 2001.  Kuha ni Mayo Baluyut.

Ikatlong pagkikita: Aquino Center sa Tarlac City, October 2001. Kuha ni Mayo Baluyut.

Ikalimang Pagkikita:  Sa Plaza Luisita Mall Parking Lot kasama si Mayo Baluyut, May 1, 2004.

Ikalimang Pagkikita: Sa Plaza Luisita Mall Parking Lot kasama si Mayo Baluyut, May 1, 2004.

Minsan din ay nagpaunlak siya na makapanayam ko at ng aking mga kaklase noong March 12, 2003 sa kanyang opisina sa Makati.  Estudyante lamang ako noon sa UP at napansin ko na siya ay isang pormal na tao na nagpapahalaga sa distansya at pribasiya, ngunit naging mabuti ang kanyang pagtrato sa amin at pinadama niya na espesyal kami sa kanya.

Ikaapat na Pagkikita:  Panayam para sa Communication 3 sa ilalim ni Prop. Melanie Moraga Leano sa Cojuangco and Sons Bldg., Makati, March 12, 2003.

Ikaapat na Pagkikita: Panayam para sa Communication 3 sa ilalim ni Prop. Melanie Moraga Leano sa Cojuangco and Sons Bldg., Makati, March 12, 2003.

MAHAL NAMIN SI TITA CORY: Hender Gercio, Emma Sagum, Pang. Cory Aquino, Bryan Hernandez, at Xiao Chua. Nasa likuran ang kanyang mga paintings, March 12, 2003.

MAHAL NAMIN SI TITA CORY: Hender Gercio, Emma Sagum, Pang. Cory Aquino, Bryan Hernandez, at Xiao Chua. Nasa likuran ang kanyang mga paintings, March 12, 2003.

Prmosyunal na pabalat ng gawa-gawang magasin na madodownload sa ibaba na nagtataglay ng panayam ng grupo ni Xiao Chua kay Pangulong Cory Aquino.   Disenyo ni Xiao Chua.

Prmosyunal na pabalat ng gawa-gawang magasin na madodownload sa ibaba na nagtataglay ng panayam ng grupo ni Xiao Chua kay Pangulong Cory Aquino. Disenyo ni Xiao Chua.

Download magasin:  Cory Aquino Magazine and Interview

Natanong namin sa kanya kung ano ba ang theme song ng kanyang kabiyak na si Ninoy.  Sagot niya “We enjoyed yung Moonlight Serenade (http://www.youtube.com/watch?v=n92ATE3IgIs) …it was more for the music rather that for the lyrics that we liked it.  And at that time, nung hindi pa kami kasal and it’s very popular in the Philippines …and everytime they play that we really danced to the tune.”  Ang Moonlight Serenade ay isang instrumental na pinasikat ng Glenn Miller Orchestra noong 1939.

Glenn Miller

Glenn Miller

Gayundin, minsan isang anibersaryo ng kasal nila, binigyan ni Ninoy si Cory ng kanyang tula mula sa kulungan kung paanong napaibig siya ng iisang babae ng tatlong beses—nang magkakilala sila, nang magkasupling sila at nang siya ay makulong sa ilalim ng Batas Militar, si Cory ang kanyang “source of comfort, and the wellspring of hope.”

Ninoy at Cory Aquino.  Mula sa Ninoy at Cory Aquino Foundation.

Ninoy at Cory Aquino. Mula sa Ninoy at Cory Aquino Foundation.

Ang “I Have Fallen In Love” (http://www.youtube.com/watch?v=d8UKeuYf8ew) ay ginawan ng bagong areglo at musika ni José Mari Chan kaya naman marami raw ang naiinggit kay Cory dahil sa tulang ito.  Sabi niya sa amin, “He felt bad that for all our birthdays he wasn’t working, he didn’t have money to buy and he didn’t have the chance to go buy gifts for us, so he did what he thought he could do best and so he wrote poems.  …So, well, I was very happy that in fact a number of my friends where envious and when they were saying, ‘Mabuti ka pa…’ Sabi ko, ‘Loca! He was in prison! So gusto niyo pakulong ninyo muna ang mga asawa niyo and you’ll have something like that!’  Well I was of course, I was very happy and pleased that he recognized, you know, my total support for him.”

Si Xiao at ang aydol niya na si José Mari Chan.

Si Xiao at ang aydol niya na si José Mari Chan.

May romantic side at sense of humor pala ang madasalin ngunit matibay na figura na sinubok ng kasaysayan.

Tumatawa at Masayang Tita Cory.

Tumatawa at Masayang Tita Cory.

Simple lang at matatag, tulad ng karamihan sa atin.  Yan si Tita Cory.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, Lungsod Quezon, 19 January 2013)

SI CORY BILANG INA:  Kasama si Kristina Bernadette.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

SI CORY BILANG INA: Kasama si Kristina Bernadette. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.