XIAO TIME, 20 June 2013: PAGGUNITA SA IKA-22 TAON NG PAGSABOG NG BULKANG PINATUBO

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

ISLAND STUDIO classic shot of Mt. Pinatubo's first major eruption as seen from F. Tañedo Street in Tarlac, Tarlac, 12 June 1991.

ISLAND STUDIO classic shot of Mt. Pinatubo’s first major eruption as seen from F. Tañedo Street in Tarlac, Tarlac, 12 June 1991.

20 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=TP44iUD8AQI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  22 years ago, June 1991, sumabog ang Bulkang Pinatubo sa Zambales.  Isa sa pinakamaganda at pinakakomprehensibong akda na mababasa ukol dito ay sinulat ng direktor ng Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University na si Robert Tantingco sa kanyang  Pinatubo:  The Volcano In Our Backyard.

Xiao Chua kasama si Sir Robby Tantingco sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel University, Angeles City, September 7, 2012.

Pabalat ng Pinatubo:  The Volcano on our Backyard ni Robert Tantingco.

Mga limandaang taon na ang nakalilipas nang huling sumabog ang Bulkang Pinatubo na itinututuring ng mga aeta bilang ang anito nilang si Apu Namalyari—Poong Makapangyarihan.  May mga leyenda sila ng isang higanteng pagong na umuungol at nagbubuga ng apoy, naghukay sa tuktok ng bundok at nagtatapon ng mga bato, putik at buhangin.  May mga leyenda rin ang mga Kapampangan na sina Namalyari at Sinukuan ng Bundok Arayat ay nagbatuhan sa isa’t isa.  Maaaring ang mga ito ay pagsasalaysay ng mga naunang pagsabog ng mga bulkan na ito.

Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Sina Xiao Briones Chua, Christy Briones at Mercy Briones-Manlutac kasama ang ating mga kababayang Aeta sa Sta. Juliana, Capas, ang gateway patungong Mt. Pinatubo.

Mt. Pinatubo bago ang pagsabog ng 1991.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Malakas ang probabilidad na napabilis ang pagkagising ng bulkan mula sa paghimbing nang maghukay mula 1982 hanggang 1990 dito ang Philippine National Oil Company.  Sabi ng mga aeta, magagalit ang kanilang “Apu Namalyari.”  Nakaapekto pati ang magnitude 7.8 na lindol sa Luzon na sumentro sa Nueva Ecija noong July 16, 1990.  Sa loob ng dalawang buwan, limang paglindol ang naramdaman na ang sentro ay sa Pinatubo na.  Nakitaan ng pag-usok ang bulkan ilang buwan bago ang unang pagputok nito noong June 12, 1991, Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

Ang paghuhukay sa Pinatubo ng Philippine National Oil Company--Energy Development Corporation.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang paghuhukay sa Pinatubo ng Philippine National Oil Company–Energy Development Corporation. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Paglalarawan ng lalim ng paghuhukay na ginawa ng PNOC-EDC sa Pinatubo.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Guho ng Hyatt Hotel sa Baguio sanhi ng July 16, 1990 Luzon Killer Earthquake.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Dalawang oras lamang matapos ang pagyanig noong July 16, 1990, nagsimula na ang mga serye ng lindol na ang sentro ay ang Pinatubo na!  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Isa sa mga naging pag-usok ng Mt. Pinatubo bago ito sumabog.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ito ang tanawin mula sa bayan ng Tarlac ng pagsabog na ito na nakuhanan ng Island Studio.  Makalipas ang tatlong araw, nangyari ang Big Bang, June 15, 1991.  Nagbuga ang Pinatubo ng nakasusunog at nakamamatay na pyroclastic cloud, na kapag dinaanan ka nito magiging istatwang buhangin ka tulad ng mga taong ito sa Pompeii, Italya nang sumabog ang Bundok Vesuvius noong 79 A.D.

BIG BANG:  Ang pagsabog ng June 15, 1991.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagpatuloy ang pagsabog ng at pagbuga ng abo ng Pinatubo hanggang umaga ng June 15, 1990.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

25 nakasusunog at nakamamatay na pyroclastic cloud

Mula sa Clarkfield, ang pagsabog ng Pinatubo ang siyang sa wakas ay nagpaalis sa mga base militar ng Amerika sa Pilipinas.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pagsabog ng Mt. Pinatubo mula sa himpapawid.

Mga natagpuang bangkay sa mga guho ng Pompeii sa pagsabog ng Bundok Vesuvius.  Mula sa blackrainbow.blackrainbow.blogspot.com.

Kaya naman ang larawan na ito ng sasakyan na hinahabol ng mga ulap na ito na kuha ni Alberto Garcia ng Corbis ay kamangha-mangha at nakasama pa sa 100 Best Pictures ng National Geographic at sa Great Images of the 20th Century ng TIME.

Isang sasakyang hinahabol ng pyroclastic clouds mula sa Pinatubo na nakamamatay.  Kuha ni Alberto Garcia ng Corbis.

At parang nanadya pa ang pagkakataon, sa oras na ala una ng hapon, ang mata ng agaw-eksenang bagyong “Diding” ay dumaan mismo sa malapit sa bulkan.  Nasa Maynila ako noon at nakita kong kung paanong ginawang gabi ang araw at umabot ang pag-ulan ng buhangin maging sa mga lugar sa Timog Silangang Asya at Australia.  Hindi pa nangyayari ang pagdaan ng isang bagyo ng ganito kalapit sa isang pagsabog ng bulkan.  At ang ashfall na dapat babagsak sa Zambales, ay ibinagsak sa Pampanga.

Ala una ng hapon ng June 15, 1991.  Dumaan ang bagyong Diding sa mismong malapit sa bulkan.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ashfall sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Dahil sa bagyo, ginawang gabi ang araw sa maraming lugar sa Pilipinas.  Lalo na sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Akala ng mga Kapampangan ay katapusan na ng mundo.  Ngunit simula lamang pala iyon ng mas malaking kalbaryo.  Sa loob ng apat na taon, palulubugin ng mga deposito ng lahar ang maraming bayan sa Tarlac, lalo sa Pampanga tulad ng makasaysayang Bacolor.

Ang pagragasa ng lahar sa Pampanga at Tarlac.  Kuha ni Rod Custodio.

Ang mga taga-Bacolor habang nakakapit sa mga linya ng kuryente at pinipilit na makaligtas at hindi maanod sa lahar na rumagasa sa bayan noong October 1, 1995, apat na taon matapos na sumabog ang Pinatubo.  Marami ang nabaon ng buhay sa araw na iyon.  Mula sa Today.

Mga bata sa isang bubungan sa Bamban.  Mula sa vulcan.wr.usgs.gov.

Ang makasaysayang Bacolor, Pampanga matapos tuluyang malubog noong October 1, 1995.

Bagama’t ito ang isa sa pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa daigdig, iilan lamang ang mga nasawi dahil sa pakikinig ng pamahalaan sa mga ekspertong siyentipiko tulad ng volcanologist na si Raymundo Punongbayan.

Pinuno ng Philippine Volcanology and Seismology at bayani ng Pinatubo, Direktor Raymundo Punongbayan.

Si Xiao Chua, ang Aeta guide at pinsang si Danlord Briones. sa Bundok Pinatubo, November 1999.  Kuha ni Bob Sellars.

Si Xiao Chua, umiinom ng tubig habang pinagmamasdan ang bunganga ng Bundok Pinatubo, November 1999.  Kuha ni Bob Sellars.

Iba't ibang reaksyon ng Pinoy sa pagsabog ang nakalarawan sa pader ng isang nakalubog na bahay sa lahar.  Mula sa  jenspeters.com.

Iba’t ibang reaksyon ng Pinoy sa pagsabog ang nakalarawan sa pader ng isang nakalubog na bahay sa lahar. Mula sa jenspeters.com.

Nakabangon na ang Pampanga, kaya nasasabi nila, kung nalampasan nila ang Pinatubo, kaya na nila ang lahat.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 7 June 2013)