XIAO TIME, 16 July 2013: ANG KILLER QUAKE SA LUZON
by xiaochua
Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Hyatt Terraces Hotel sa Lungsod ng Baguio, ang isa sa pinaka-naaalalang guho noong lindol ng July 16, 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.
16 July 2013, Tuesday: http://www.youtube.com/watch?v=y0GwT2S8PL4
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 23 years ago, July 16, 1990. Naaalala ko pa, alas 4:26 ng hapon, nasa aming bahay kami sa Tarlac, ako ay six years old lamang noon. Nanonood kami ng kapatid kong si Michelle ng Tagalog Movie Greats sa TV sa aming silid nang bigla na lamang umuga ang lupa ng napakalakas na parang duyan! Nakita ko kung paanong bumagsak ang aming electric fan. Ang nanay ko na naglalaba noon sa likurang bahay ay pinuntahan kami at dinala kami sa ilalim ng la mesa.

Si “Mike” Chua noong 1990, estudyante ng Prep sa Mary Grace Montessori School. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Vilma Chua at ang kanyang anak na si Michelle sa mismong silid kung nasaan nakahiga ang magkapatid nang mangyari ang lindol nong July 16, 1990. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Habang ako ay iyak ng iyak dahil sa napanood ko sa mga pelikula pihado kakong mamamatay na kami, ang kapatid kong babae naman ay tawa ng tawa habang nangyayari ang lahat. Nang matapos ang pagyanig, nilapitan ko ang aming malaking Sto. Niño dahil sa pananaw ko noon hawak nito ang mundo na kanyang pinayanig at akin itong sinampal, “Bakit mo pa kami binuhay kung papatayin mo lang kami!”
Dapat ko pa palang pasalamatan ang Diyos dahil hindi man lamang naano ang aming bahay, habang nakita ko kung paano nasira ang bahay ng aming mga kamag-anak, maging ang aming ancestral house sa Balibago I, umangat ang mga kalsada at nabiyak ang lupa. Naganap pala noong hapon na iyon ang itinuturing na pinakamapaminsalang lindol na naganap sa bansa dahil naramdaman ang lindol na sumentro sa Rizal, Nueva Ecija malapit sa Cabanatuan at may lakas na 7.8 surface wave magnitude sa Richter Scale sa 23 matataong mga probinsya sa anim na rehiyon sa Luzon. Sa Cabanatuan, ang pinakamataas na gusali doon, ang anim na palapag na Christian College of the Philippines ay gumuho sa oras na may mga klase, 154 ang namatay doon.
Naaalala ko na pinapanood sa telebisyon ang isang batang babae na kinapanayam pa ng isang network habang nasa ilalim ng guho, namatay din ang bata. Ang 20-taong gulang naman na si Robin Garcia, ay nakapagligtas pa ng walong estudyante at guro sa guho bago siya mismo ay matabunan sa isang aftershock. Sa Dagupan, parang kumunoy na lumubog ang ilang gusali ng lungsod ng isang metro!

Isang gusali sa Lungsod ng Baguio na lumubog. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.
Ngunit ang Lungsod ng Baguio talaga sa kabundukan ng Benguet ang nawasak. Nagkaroon ng pagguho ng lupa sa Kennon Road, nasira ang mga kalsada, at mga gusali, lalo na ang pinakamalaking otel sa Baguio, ang Hyatt Terraces Hotel, gumuho na parang kastilyong baraha.

St. Vincent sa Baguio noong lindol ng 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga gumuhong bahay sa Lungsod ng Baguio. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ang mga nasawi ay hinukay mula sa mga guho. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ilan sa mga namatay sa Lungsod ng Baguio noong lindol ng July 16, 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Si Defense Chief Fidel Ramos at Mayor Orros ng Lungsod ng Baguio. Mula sa Cordillera Virtual Museum.

Ang guho ng Hyatt Terraces Hotel mula sa himpapawid. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.
Nawalan ng tubig at naputulan ng kuryente at telepono ang lungsod. Tumira ang maraming nasalanta sa mga tolda, at nauso ang “tent city.”
Makakalimutin tayo sa kasaysayan, at unang nabanggit sa akin ni kasamang Marc Castrodes na isang puwedeng dahilan nito ay ang mga kalamidad sa Pilipinas, daanan kasi tayo ng bagyo at bahagi ng Pacific Ring of Fire. Tuwing may kalamidad, maaaring mawala ang naipundar natin, mamamatay ang ating mga mahal sa buhay. Kung didibdibin natin ang mga trahedyang ito, masisira ang ulo

Si Xiao Chua at Marc Castrodes sa makasaysayang coverage para sa ika-40 paggunita sa proklamasyon ng Martial Law noong September 21, 2012, Bantayog ng mga Bayani. Kuha ni Rapha-el Q. Olagario.
nating mga Pinoy, kaya ang coping mechanism natin ay makalimot.
May punto, kagandahan lang, sa panahon din ng mga kalamidad, lumalabas ang bayanihan ng mga Pinoy kung saan nagkakaisa tayo sa pagtulong bilang isang bansa. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.
(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)