IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: lindol

XIAO TIME, 16 July 2013: ANG KILLER QUAKE SA LUZON

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Hyatt Terraces Hotel sa Lungsod ng Baguio, ang isa sa pinaka-naaalalang guho noong lindol ng July 16, 1990.  Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

16 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=y0GwT2S8PL4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  23 years ago, July 16, 1990.  Naaalala ko pa, alas 4:26 ng hapon, nasa aming bahay kami sa Tarlac, ako ay six years old lamang noon.  Nanonood kami ng kapatid kong si Michelle ng Tagalog Movie Greats sa TV sa aming silid nang bigla na lamang umuga ang lupa ng napakalakas na parang duyan!  Nakita ko kung paanong bumagsak ang aming electric fan.  Ang nanay ko na naglalaba noon sa likurang bahay ay pinuntahan kami at dinala kami sa ilalim ng la mesa.

Si

Si “Mike” Chua noong 1990, estudyante ng Prep sa Mary Grace Montessori School. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Vilma Chua at ang kanyang anak na si Michelle sa mismong silid kung nasaan nakahiga ang magkapatid nang mangyari ang lindol nong July 16, 1990.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Vilma Chua at ang kanyang anak na si Michelle sa mismong silid kung nasaan nakahiga ang magkapatid nang mangyari ang lindol nong July 16, 1990. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Habang ako ay iyak ng iyak dahil sa napanood ko sa mga pelikula pihado kakong mamamatay na kami, ang kapatid kong babae naman ay tawa ng tawa habang nangyayari ang lahat.  Nang matapos ang pagyanig, nilapitan ko ang aming malaking Sto. Niño dahil sa pananaw ko noon hawak nito ang mundo na kanyang pinayanig at akin itong sinampal, “Bakit mo pa kami binuhay kung papatayin mo lang kami!”

Si

Si “Mike” at ang kanilang Sto. Nino. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Dapat ko pa palang pasalamatan ang Diyos dahil hindi man lamang naano ang aming bahay, habang nakita ko kung paano nasira ang bahay ng aming mga kamag-anak, maging ang aming ancestral house sa Balibago I, umangat ang mga kalsada at nabiyak ang lupa.  Naganap pala noong hapon na iyon ang itinuturing na pinakamapaminsalang lindol na naganap sa bansa dahil naramdaman ang lindol na sumentro sa Rizal, Nueva Ecija malapit sa Cabanatuan at may lakas na 7.8 surface wave magnitude sa Richter Scale sa 23 matataong mga probinsya sa anim na rehiyon sa Luzon.  Sa Cabanatuan, ang pinakamataas na gusali doon, ang anim na palapag na Christian College of the Philippines ay gumuho sa oras na may mga klase, 154 ang namatay doon.

Ang guho ng Christian College of the Philippines sa Lungsod ng Cabanatuan.  Mula sa monvalmonte.com.

Ang guho ng Christian College of the Philippines sa Lungsod ng Cabanatuan. Mula sa monvalmonte.com.

Naaalala ko na pinapanood sa telebisyon ang isang batang babae na kinapanayam pa ng isang network habang nasa ilalim ng guho, namatay din ang bata.  Ang 20-taong gulang naman na si Robin Garcia, ay nakapagligtas pa ng walong estudyante at guro sa guho bago siya mismo ay matabunan sa isang aftershock.  Sa Dagupan, parang kumunoy na lumubog ang ilang gusali ng lungsod ng isang metro!

Hotel Nevada sa Lungsod ng Baguio na lumubog sa lupa.

Hotel Nevada sa Lungsod ng Baguio na lumubog sa lupa.

Isang gusali sa Lungsod ng Baguio na lumubog.  Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Isang gusali sa Lungsod ng Baguio na lumubog. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ngunit ang Lungsod ng Baguio talaga sa kabundukan ng Benguet ang nawasak.  Nagkaroon ng pagguho ng lupa sa Kennon Road, nasira ang mga kalsada, at mga gusali, lalo na ang pinakamalaking otel sa Baguio, ang Hyatt Terraces Hotel, gumuho na parang kastilyong baraha.

St. Vincent sa Baguio noong lindol ng 1990.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

St. Vincent sa Baguio noong lindol ng 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Mga gumuhong bahay sa Lungsod ng Baguio.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga gumuhong bahay sa Lungsod ng Baguio. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga kotseng natabunan ng gusali sa Lungsod ng Baguio.

Mga kotseng natabunan ng gusali sa Lungsod ng Baguio.

Ang mga nasawi ay hinukay mula sa mga guho.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ang mga nasawi ay hinukay mula sa mga guho. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ilan sa mga namatay sa Lungsod ng Baguio noong lindol ng July 16, 1990.   Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ilan sa mga namatay sa Lungsod ng Baguio noong lindol ng July 16, 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Isang nadaganan ng waiting shed sa Harrison Road.

Isang nadaganan ng waiting shed sa Harrison Road.

Isang nakaligtas mula sa Hyatt Hotel.

Isang nakaligtas mula sa Hyatt Hotel.

Si Defense Chief Fiedel Ramos at Mayor Orros ng Lungsod ng Baguio.  Mula sa Cordillera Virtual Museum.

Si Defense Chief Fidel Ramos at Mayor Orros ng Lungsod ng Baguio. Mula sa Cordillera Virtual Museum.

Ang guho ng Hyatt Terraces Hotel mula sa himpapawid.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang guho ng Hyatt Terraces Hotel mula sa himpapawid. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nawalan ng tubig at naputulan ng kuryente at telepono ang lungsod.  Tumira ang maraming nasalanta sa mga tolda, at nauso ang “tent city.”

“Tent City” sa Lunsod ng Baguio.

Makakalimutin tayo sa kasaysayan, at unang nabanggit sa akin ni kasamang Marc Castrodes na isang puwedeng dahilan nito ay ang mga kalamidad sa Pilipinas, daanan kasi tayo ng bagyo at bahagi ng Pacific Ring of Fire.  Tuwing may kalamidad, maaaring mawala ang naipundar natin, mamamatay ang ating mga mahal sa buhay.  Kung didibdibin natin ang mga trahedyang ito, masisira ang ulo

Si Xiao Chua at Marc Castrodes sa makasaysayang coverage para sa ika-40 paggunita sa proklamasyon ng Martial Law noong September 21, 2012, Bantayog ng mga Bayani.  Kuha ni Rapha-el Q. Olagario.

Si Xiao Chua at Marc Castrodes sa makasaysayang coverage para sa ika-40 paggunita sa proklamasyon ng Martial Law noong September 21, 2012, Bantayog ng mga Bayani. Kuha ni Rapha-el Q. Olagario.

Ilang sandali matapos ang pagyanig.  Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Ilang sandali matapos ang pagyanig. Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Pagrarasyon ng pagkain at labada.  Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Pagrarasyon ng pagkain at labada. Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

nating mga Pinoy, kaya ang coping mechanism natin ay makalimot.

May punto, kagandahan lang, sa panahon din ng mga kalamidad, lumalabas ang bayanihan ng mga Pinoy kung saan nagkakaisa tayo sa pagtulong bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 6 June 2013: MGA PAGYANIG O LINDOL NA UMUKIT SA KASAYSAYAN NG LUMANG MAYNILA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang paglalarawan ng paglindol sa loob ng intramuros sa Maynila.  Mula sa Intramuros:  Ang Lumang Lungsod ng Maynila ng Adarna.

Ang paglalarawan ng paglindol sa loob ng intramuros sa Maynila.  Guhit ni Norie Millare mula sa Intramuros: Ang Matandang Lungsod ng Maynila ng Adarna.

6 June 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=dM4BZs2NpCE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  150 years ago, June 3, 1863, bandang 7:00 ng gabi, nagkaroon ng isang malakas lindol na naramdaman sa Maynila.  Dito bumagsak ang buong kakatayo pa lamang na Katedral ng Maynila, liban sa kampanaryo, sa mga relihiyoso at hindi mabilang na mga deboto na noon ay umaawit ng kanilang vespers para sa kapistahan ng Corpus Christi.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Tatlong araw na sinikap na makuha ang mga biktima at mga namatay na natabunan ng katedral.  Isa sa mga namatay ang bayani ng unang sekularisasyon na si Padre Pedro Pelaez.  Isang tagapag-ulat mula sa Illustrated London News ang nagbalita at gumuhit ng ilan sa mga eksena noong lindol na iyon:  Sa ilalim raw ng mga guho na ito ng katedral ayon sa kanya, natabunan ang halos lahat ng biktima, na sinikap painumin ng tubig sa pamamagitan ng mga basag na organ pipes ngunit nangamatay rin sila sa ilalim ng mabibigat na batong ito.  Napakabaho raw ng amoy nang iginuhit niya ang drowing na ito.

Ang guho sa Katedral ng Maynila na lumabas sa Illustrated London News.  Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Ang guho sa Katedral ng Maynila noong lindol ng 1863 na lumabas sa Illustrated London News. Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Nasira rin ang mga tore at harapan ng Simbahan ng Santo Domingo, ang tore ng simbahan ng Binondo, ang almacen o imbakan ng tabako ng pamahalaan, at ang Palasyo ng Gobernador Heneral.

Almacen ng tabako ng pamahalaan.  Mula kay Henry Charles Andrews (arcadja.com)

Almacen ng tabako ng pamahalaan. Mula kay Henry Charles Andrews (arcadja.com)

Guho ng konsulado ng Denmark sa Maynila na lumabas sa Illustrated London News.  Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Sa sobrang pagkaguho nito, ipinasyang ilipat na ang luklukan ng kapangyarihan sa kapuluang Pilipinas sa Palasyo ng Malacañan.  Muli lamang naipatayo ang dating palasyo ng gobernador heneral makalipas ang mahigit isang siglo, noong 1976.

Ang lumang Malacanang na may mga mangingisda, mula sa Old Manila ni Jose Ma. Zaragosa.

Ang lumang Malacanang na may mga mangingisda, mula sa Old Manila ni Jose Ma. Zaragosa.

Ang muling ipinatayong Palacio del Gobernador.  Mula sa nifertari.multiply.com

Ang muling ipinatayong Palacio del Gobernador. Mula sa nifertari.multiply.com

Sa kalahating minutong lindol ng 1863, 300 ang namatay at higit 200 ang nasugatan kabilang na ang mga nasa night market at mga nasa ospital, 1,172 na mga bahay at gusali ang gumuho.  Makalipas lamang ang 17 taon, muling nagkaroon ng serye ng mga lindol mula July 14 hanggang 25, 1880, kabilang ang tatlong napakalakas, pinakamalakas dito ay Intensity 10!!!  Imagine.  Pinabagsak na nito ang kampanaryo ng Katedral ng Maynila na nakaligtas noong 1863 at nakapanghina sa isa sa mga kampanaryo ng Simbahan ng San Agustin.

Aktwal na larawan ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang guhit ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang guhit ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang-guhit ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880.  Ang tore sa may kaliwa ay gigibain kaya magiging isa na lamang ang kampanaryo ng pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Casa Taller del Fotograpficos noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Casa Taller del Fotograpficos noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Carroceria de Garchitorena noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Carroceria de Garchitorena noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng portico ng Palasyo ng Malacanan noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng portico ng Palasyo ng Malacanan noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng General de Marina noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng General de Marina noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahal sa arabal ng Sampaloc noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahal sa arabal ng Sampaloc noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng mga kamarin ng isang pabrika noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng mga kamarin ng isang pabrika noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahay kubo noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahay kubo noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Mas nauna sa mga ito ang isa pang hindi malilimutang lindol na nangyari noong kapistahan ni San Andres sa Maynila noong November 30, 1645.  Dahil daw kay San Andres, nakaligtas sila sa pagsalakay ni Limahong, ngunit sa araw ng pagdiriwang nila, 8:00 ng gabi, isang 7.5 surface wave magnitude ang naramdaman nila na yumugyog patungo sa lahat ng direksyon sa tagal ng apat na dasal na credo.  Ayon sa isang tala, ang mga batong pader ay tila naging mga piraso ng papel na nilipad ng hangin, at mga tore ay yumugyog na tulad ng mga punong nahanginan, “Nothing was heard but the crash of buildings mingled with the clamor of voices entreating Heaven for mercy, the cries of the terrified animals adding to the horror.”  Ang katedral ay “nilamutak na parang papel,” 150 mga gusali ang bumagsak, 600 Espanyol ang namatay, 3,000 Espanyol ang sugatan, hindi sinama sa bilang ang mga indio.  Ang kasaysayan na ang nagsasabi, possible ang isang malaking lindol sa Maynila—the big one!  Na nakatakdang mangyari anumang oras.  Handa ba tayo?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Larawan ng nagibang bahay noong lindol ng 1880.  Mula sa hispanofilipino.comoj.com.

Larawan ng nagibang bahay noong lindol ng 1880. Mula sa hispanofilipino.comoj.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.  Mula sa shapero.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880. Mula sa shapero.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.