IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: baguio

XIAO TIME, 16 July 2013: ANG KILLER QUAKE SA LUZON

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Hyatt Terraces Hotel sa Lungsod ng Baguio, ang isa sa pinaka-naaalalang guho noong lindol ng July 16, 1990.  Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

16 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=y0GwT2S8PL4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  23 years ago, July 16, 1990.  Naaalala ko pa, alas 4:26 ng hapon, nasa aming bahay kami sa Tarlac, ako ay six years old lamang noon.  Nanonood kami ng kapatid kong si Michelle ng Tagalog Movie Greats sa TV sa aming silid nang bigla na lamang umuga ang lupa ng napakalakas na parang duyan!  Nakita ko kung paanong bumagsak ang aming electric fan.  Ang nanay ko na naglalaba noon sa likurang bahay ay pinuntahan kami at dinala kami sa ilalim ng la mesa.

Si

Si “Mike” Chua noong 1990, estudyante ng Prep sa Mary Grace Montessori School. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Vilma Chua at ang kanyang anak na si Michelle sa mismong silid kung nasaan nakahiga ang magkapatid nang mangyari ang lindol nong July 16, 1990.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Vilma Chua at ang kanyang anak na si Michelle sa mismong silid kung nasaan nakahiga ang magkapatid nang mangyari ang lindol nong July 16, 1990. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Habang ako ay iyak ng iyak dahil sa napanood ko sa mga pelikula pihado kakong mamamatay na kami, ang kapatid kong babae naman ay tawa ng tawa habang nangyayari ang lahat.  Nang matapos ang pagyanig, nilapitan ko ang aming malaking Sto. Niño dahil sa pananaw ko noon hawak nito ang mundo na kanyang pinayanig at akin itong sinampal, “Bakit mo pa kami binuhay kung papatayin mo lang kami!”

Si

Si “Mike” at ang kanilang Sto. Nino. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Dapat ko pa palang pasalamatan ang Diyos dahil hindi man lamang naano ang aming bahay, habang nakita ko kung paano nasira ang bahay ng aming mga kamag-anak, maging ang aming ancestral house sa Balibago I, umangat ang mga kalsada at nabiyak ang lupa.  Naganap pala noong hapon na iyon ang itinuturing na pinakamapaminsalang lindol na naganap sa bansa dahil naramdaman ang lindol na sumentro sa Rizal, Nueva Ecija malapit sa Cabanatuan at may lakas na 7.8 surface wave magnitude sa Richter Scale sa 23 matataong mga probinsya sa anim na rehiyon sa Luzon.  Sa Cabanatuan, ang pinakamataas na gusali doon, ang anim na palapag na Christian College of the Philippines ay gumuho sa oras na may mga klase, 154 ang namatay doon.

Ang guho ng Christian College of the Philippines sa Lungsod ng Cabanatuan.  Mula sa monvalmonte.com.

Ang guho ng Christian College of the Philippines sa Lungsod ng Cabanatuan. Mula sa monvalmonte.com.

Naaalala ko na pinapanood sa telebisyon ang isang batang babae na kinapanayam pa ng isang network habang nasa ilalim ng guho, namatay din ang bata.  Ang 20-taong gulang naman na si Robin Garcia, ay nakapagligtas pa ng walong estudyante at guro sa guho bago siya mismo ay matabunan sa isang aftershock.  Sa Dagupan, parang kumunoy na lumubog ang ilang gusali ng lungsod ng isang metro!

Hotel Nevada sa Lungsod ng Baguio na lumubog sa lupa.

Hotel Nevada sa Lungsod ng Baguio na lumubog sa lupa.

Isang gusali sa Lungsod ng Baguio na lumubog.  Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Isang gusali sa Lungsod ng Baguio na lumubog. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ngunit ang Lungsod ng Baguio talaga sa kabundukan ng Benguet ang nawasak.  Nagkaroon ng pagguho ng lupa sa Kennon Road, nasira ang mga kalsada, at mga gusali, lalo na ang pinakamalaking otel sa Baguio, ang Hyatt Terraces Hotel, gumuho na parang kastilyong baraha.

St. Vincent sa Baguio noong lindol ng 1990.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

St. Vincent sa Baguio noong lindol ng 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Mga gumuhong bahay sa Lungsod ng Baguio.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga gumuhong bahay sa Lungsod ng Baguio. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga kotseng natabunan ng gusali sa Lungsod ng Baguio.

Mga kotseng natabunan ng gusali sa Lungsod ng Baguio.

Ang mga nasawi ay hinukay mula sa mga guho.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ang mga nasawi ay hinukay mula sa mga guho. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ilan sa mga namatay sa Lungsod ng Baguio noong lindol ng July 16, 1990.   Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ilan sa mga namatay sa Lungsod ng Baguio noong lindol ng July 16, 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Isang nadaganan ng waiting shed sa Harrison Road.

Isang nadaganan ng waiting shed sa Harrison Road.

Isang nakaligtas mula sa Hyatt Hotel.

Isang nakaligtas mula sa Hyatt Hotel.

Si Defense Chief Fiedel Ramos at Mayor Orros ng Lungsod ng Baguio.  Mula sa Cordillera Virtual Museum.

Si Defense Chief Fidel Ramos at Mayor Orros ng Lungsod ng Baguio. Mula sa Cordillera Virtual Museum.

Ang guho ng Hyatt Terraces Hotel mula sa himpapawid.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang guho ng Hyatt Terraces Hotel mula sa himpapawid. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nawalan ng tubig at naputulan ng kuryente at telepono ang lungsod.  Tumira ang maraming nasalanta sa mga tolda, at nauso ang “tent city.”

“Tent City” sa Lunsod ng Baguio.

Makakalimutin tayo sa kasaysayan, at unang nabanggit sa akin ni kasamang Marc Castrodes na isang puwedeng dahilan nito ay ang mga kalamidad sa Pilipinas, daanan kasi tayo ng bagyo at bahagi ng Pacific Ring of Fire.  Tuwing may kalamidad, maaaring mawala ang naipundar natin, mamamatay ang ating mga mahal sa buhay.  Kung didibdibin natin ang mga trahedyang ito, masisira ang ulo

Si Xiao Chua at Marc Castrodes sa makasaysayang coverage para sa ika-40 paggunita sa proklamasyon ng Martial Law noong September 21, 2012, Bantayog ng mga Bayani.  Kuha ni Rapha-el Q. Olagario.

Si Xiao Chua at Marc Castrodes sa makasaysayang coverage para sa ika-40 paggunita sa proklamasyon ng Martial Law noong September 21, 2012, Bantayog ng mga Bayani. Kuha ni Rapha-el Q. Olagario.

Ilang sandali matapos ang pagyanig.  Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Ilang sandali matapos ang pagyanig. Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Pagrarasyon ng pagkain at labada.  Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Pagrarasyon ng pagkain at labada. Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

nating mga Pinoy, kaya ang coping mechanism natin ay makalimot.

May punto, kagandahan lang, sa panahon din ng mga kalamidad, lumalabas ang bayanihan ng mga Pinoy kung saan nagkakaisa tayo sa pagtulong bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 10 July 2013: ANG DOKTORA NG BAYAN, OLIVIA SALAMANCA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Olivia Salamanca.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Olivia Salamanca. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

10 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=H9WVPo9_KBc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  100 years ago, July 11, 1913, namatay si Olivia Simeona Demetria Salamanca y Diaz.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Madyikero ba siya?  Salamankero??? LOL Hindi po.  Si Olivia Salamanca lang naman ang unang propesyunal na doktor na babae sa Pilipinas.  Sa kanyang panahon, bagama’t ikinagulat ng magulang niya ang pagnanais niyang manggamot sapagkat lalaki lahat ang mga doktor, hindi na ito bago.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Sa sinaunang panahon ang mga espituwal na pinunong babaylan ang siyang mga manggagamot natin.  Sa panahon ng himagsikan, nariyan ang mga katulad nina Tandang Sora, Josephine Bracken, Hilaria del Rosario, ang mga miyembro ng Asosacion de Damas de Cruz Roja o Krus na Pula upang gamutin ang mga may karamdaman at sugatan.  Si Olivia ay isinilang noong July 1, 1889 sa San Roque, Cavite.  Pangalawang anak ng mayamang sina Koronel Jose Salamanca, rebolusyunaryo, parmasista at pumirma sa Saligang Batas ng Malolos, at ni Cresencia Diaz.  Nakapasa sa eksaminasyon at naging iskolar ng pamahalaan na ipinadala sa Estados Unidos noong 1905—isang pensionada.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika.  Mula sa In Our Image.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika. Mula sa In Our Image.

Gusto niya sanang mag-aral para maging guro ngunit nagbago ang kanyang isip at nag-aral ng medisina sa Drexel Institute at nagtapos sa Women’s Medical College sa Philadelphia noong 1906, ang kanyang mga marka ay mataas pa sa 90 %.  Kaloka si ate.  Noong 1910, nakapasa sa eksaminasyon para sa serbisyong sibil sa Amerika at umikot rin sa mga pagamutan sa New York, Washington D.C., Baltimore, Rhode Island at Boston.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos.  Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos. Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Drexel Institute.  jula sa uchs.net.

Drexel Institute. jula sa uchs.net.

ANg pamosong anghel ng Drexel.  Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

ANg pamosong anghel ng Drexel. Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1910, pinagtuunan niya ng pansin ang sakit na tuberculosis at naging kalihim ng Philippine Anti-Tuberculosis Society.  Noon ang mga may tisis o TB ay lubos na pinandidirihan, madaling makahawa ang sakit na ito.  Ngunit para sa mga maysakit, tila isa siyang anghel na hindi sila pinandidirihan, hinahagod ang likod ng mga umuubong matanda, kinukumutan ang mga giniginaw.  Kahit out of duty na, kinakausap pa rin ang mga pasyente.  Sa kabila ng pandidiri ng kanyang mga kaibigan, nalungkot, ngunit hindi nawalan ng loob si Olivia.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society.  Mula sa philippinestamps.net.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society. Mula sa philippinestamps.net.

Ang anghel ng mga may TB.  Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ang anghel ng mga may TB. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ngunit sa sobra naman niyang pagiging tapat sa tungkulin, napabayaan ni Olivia ang sarili, madalas mapuyat, malipasan ng gutom.  Hanggang siya mismo ay manghina at mahawa ng TB.  Sa kabila ng pagkakasakit, sinikap niyang maging masaya sa harapan ng ibang pasyente.  Ibinilin niya rin sa ibang mga kasamang doktor na patuloy na alagaan ang mga may TB.  Nang lumubha ang sakit, dinala si Olivia ng kanyang mga magulang sa Baguio at sa Hongkong upang gumaling ngunit sampung araw lamang matapos ang kanyang ika-24 na kaarawan, namatay si Doktora Salamanca.  Hindi naman nasayang ang mga sakripisyo ni Olivia.  Maraming mga doktor ang na-inspire sa kanyang ginawa.  Ngayon ang TB ay hindi na pinandidirihan na sakit, at bilang pagpupugay sa kanya, pinangalanan ang dako sa Kalye San Luis at Taft Avenue bilang Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang diwa ng kanyang kabayanihan ay ipinagpapatuloy ng mga doctor ng mga baryo tulad nina Juan Flavier, Johnny Escandor, Bobby de la Paz, at ng iba pang Pilipinong doktor, nars at health workers na naglilingkod sa loob at labas ng bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 11 June 2013: NASAAN NA NGA BA ANG ATING UNANG BANDILA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang araw sa delikado nang watawat na nasa pangangalaga ng mga Aguinaldo-Suntay sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Mula sa watawat.net.

Ang araw sa delikado nang watawat na nasa pangangalaga ng mga Aguinaldo-Suntay sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Ito na ba ang unang watawat ng Pilipinas? Mula sa watawat.net.

11 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=flIponfqIBQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nasaan nga ba ang orihinal na watawat???  Yung iwinagayway ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo nang iproklama niya ang independensya sa Kawit, Cavite, 115 years ago, June 12, 1898.

09 sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898

Ayon mismo kay Aguinaldo, nawala ang orihinal na bandila habang umaatras pahilaga sa Tayug, Pangasinan noong 1899.  Ngunit, ayon sa mga apo ng heneral, ang mga Aguinaldo-Suntay, nasa kamay nila ito at makikita sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Nakapaloob na sa isang net dahil naghihiwa-hiwalay na ang tela, ang disenyo ng mukha na may araw at iba pang palamuting laurel na nakapatong sa mga kulay bughaw at pula nito na may nakasulat na “Libertad Justicia y Ygualdad” sa isang mukha nito, at sa kabila naman ay “Fuerzas Expedicionarias del Norte de Luzon.”

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Ang Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Ang Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas.  Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop.  Kuha ni Redjie Melvic Cawis ng Philippine InformationI Agency

Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas.  Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop.  Mula sa Mandirigma.org.

Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang replica ng sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas na nasa baba nito.  Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop. Mula sa Mandirigma.org.

Ang bandilang Aguinaldo-Suntay, ang pinaniniwalaan ng ilan na unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa watawat.net.

Ang bandilang Aguinaldo-Suntay, ang pinaniniwalaan ng ilan na unang watawat ng Pilipinas. Mula sa watawat.net.

Naniniwala dito ang sekretarya ni Heneral Aguinaldo na si Felisa Diokno, 82 taong gulang na makapanayam noong 1998.  Nasaksihan niya kung gaano kamahal ng heneral ang nasabing watawat na lagi niyang itinatanghal sa flagpole at inilalabas, lalo na nang iproklama ni Pang. Diosdado Macapagal ang 12 Hunyo bilang Araw ng Kasarinlan mula 4 Hulyo noong 1962.  Hindi naman kumbinsido si G. Ted Atienza ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan.  Hindi maaaring ang unang watawat ay may palamuting laurel at ayon sa tumahi ng watawat na si Marcela, seda ang orihinal habang bulak naman ang watawat sa Baguio.

Hango sa replica ng watawat:  Ang motto ng himagsikang Pranses.

Hango sa replica ng watawat: Ang motto ng himagsikang Pranses.

Ang replica na ginawa ni Dekana Lydia Arribas ng Unibersidad ng Pilipinas, nakaharap ang inskripsyon na Fuerzas-Expedicionarias-del-Norte-de-Luzon

Ang replica na ginawa ni Dekana Lydia Arribas ng Unibersidad ng Pilipinas, nakaharap ang inskripsyon na Fuerzas Expedicionarias el Norte de Luzon.

Nang suriin naman ni Dekana Lydia Arribas ng UP College of Home Economics ang bandila sa Baguio, kanyang naobserbahan na ang mga tuwid na hibla ng sinulid na lamang ang nalalabi at nawawala na ang pababa.  Maaaring ang mga natunaw na sinulid ay gawa sa seda dahil mas matibay ang gawa sa bulak, kaya maaaring parehong tela ang ginamit.  Ngunit pwede bang magkaiba ang klase ng sinulid sa iisang tela?

Dating Dean ng UP College of Home Economics, Lydia Arribas

Dating Dean ng UP College of Home Economics, Lydia Arribas

Ayon din kay Gng. Diokno, bagama’t nawala ni Hen. Aguinaldo ang bandila, ito ay ibinalik sa kanya at mula noon lalong ayaw raw niyang pabayaan ang bandila.  Kailangan lamang liwanagin na ayon sa apo sa tuhod ng heneral na si Angelo Aguinaldo, curator ng Dambanang Aguinaldo, iba ang bandilang Suntay sa bandila ni Aguinaldo na ibinalik ng pamilyang Dubois mula sa Amerika na nasa pangangalaga ngayon ng Dambanang Aguinaldo.

Sina Xiao Chua, John Ray Ramos at Joshua Duldulao ng AnakBayani, kasama si G. Angelo Jarin Aguinaldo sa balkonahe ng kasarinlan.

Sina Xiao Chua, John Ray Ramos at Joshua Duldulao ng AnakBayani, kasama si G. Angelo Jarin Aguinaldo (nakpula) sa balkonahe ng kasarinlan, sa bintana kung saan ipinroklama ang kasarinlan mula sa mga Espanyol, Dambanang Pangkasaysayan Emilio Aguinaldo, Kawit, Cavite.

Marcela Agoncillo

Marcela Agoncillo

Mrs. Marcela Agoncillo, Jr. (1900-1994).  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo.

Mrs. Marcela Agoncillo, Jr. (1900-1994). Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo.

Sa isang panayam sa bunsong anak ni Gng. Agoncillo na si Marcela de Agoncillo, Jr. ang orihinal na bandila raw na tinahi ng kanyang ina ay ang bandilang nasa kamay ng anak ni Hen. Aguinaldo na si Gng. Cristina Aguinaldo Suntay.  At ang orihinal na tela ng bandilang ito ay navy blue ang bughaw.

Kuya guard, hinahawakan ang bandilang nagmula pa sa panahon ng himagsikan.  Mula kay Harley Palangchao

Kuya guard, hinahawakan ang bandilang nagmula pa sa panahon ng himagsikan. Mula kay Harley Palangchao

Ang pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa Philippine Star.

Ang pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas. Mula sa Philippine Star.

Ngunit bagama’t mahirap pang masigurado kung ang bandilang Suntay nga ang pinakaunang watawat, walang tahasang binanggit si Pangulong Aguinaldo ukol dito, ito ang siguradong-sigurado tayo:  ang bandilang Suntay ay isang bandilang minahal at ipinagmalaki ng heneral.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Henera Emilio Aguinaldo habang tangan-tangan ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa harapan ng monumento ni Dr. Jose Rizal isang Araw ng Kasarinlan (July 4).

Si Henera Emilio Aguinaldo habang tangan-tangan ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa harapan ng monumento ni Dr. Jose Rizal isang Araw ng Kasarinlan (July 4).

Pabalat ng Philippine Free Press na nagpapakita sa matandang heneral hawak ang Espada ni Aguirre na nakuha niya sa Labanan sa Imus noong 1898, at ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa kanyang tabi.

Pabalat ng Philippine Free Press na nagpapakita sa matandang heneral hawak ang Espada ni Aguirre na nakuha niya sa Labanan sa Imus noong 1898, at ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa kanyang tabi.

Isa pang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo na nasa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa KAwit, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Isa pang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo na nasa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

At tulad ng sinabi sa akin ni G. Angelo Aguinaldo, lahat ng bandilang nagmula sa panahon ng himagsikan ay mahalaga sa ating kasaysayan.  Ngayon, ang bandilang Suntay ay unti-unting nasisira.  Tulad ng alinmang mahalagang dokumento sa ating kasaysayan, kailangang bigyan natin ito ng pagpapahalaga.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Ilang mga Igorot ang tumitingin sa Bandilang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ilang mga Igorot ang tumitingin sa Bandilang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio. Mula sa Philippine Daily Inquirer.