XIAO TIME, 10 July 2013: ANG DOKTORA NG BAYAN, OLIVIA SALAMANCA

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Olivia Salamanca.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Olivia Salamanca. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

10 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=H9WVPo9_KBc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  100 years ago, July 11, 1913, namatay si Olivia Simeona Demetria Salamanca y Diaz.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Madyikero ba siya?  Salamankero??? LOL Hindi po.  Si Olivia Salamanca lang naman ang unang propesyunal na doktor na babae sa Pilipinas.  Sa kanyang panahon, bagama’t ikinagulat ng magulang niya ang pagnanais niyang manggamot sapagkat lalaki lahat ang mga doktor, hindi na ito bago.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Sa sinaunang panahon ang mga espituwal na pinunong babaylan ang siyang mga manggagamot natin.  Sa panahon ng himagsikan, nariyan ang mga katulad nina Tandang Sora, Josephine Bracken, Hilaria del Rosario, ang mga miyembro ng Asosacion de Damas de Cruz Roja o Krus na Pula upang gamutin ang mga may karamdaman at sugatan.  Si Olivia ay isinilang noong July 1, 1889 sa San Roque, Cavite.  Pangalawang anak ng mayamang sina Koronel Jose Salamanca, rebolusyunaryo, parmasista at pumirma sa Saligang Batas ng Malolos, at ni Cresencia Diaz.  Nakapasa sa eksaminasyon at naging iskolar ng pamahalaan na ipinadala sa Estados Unidos noong 1905—isang pensionada.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika.  Mula sa In Our Image.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika. Mula sa In Our Image.

Gusto niya sanang mag-aral para maging guro ngunit nagbago ang kanyang isip at nag-aral ng medisina sa Drexel Institute at nagtapos sa Women’s Medical College sa Philadelphia noong 1906, ang kanyang mga marka ay mataas pa sa 90 %.  Kaloka si ate.  Noong 1910, nakapasa sa eksaminasyon para sa serbisyong sibil sa Amerika at umikot rin sa mga pagamutan sa New York, Washington D.C., Baltimore, Rhode Island at Boston.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos.  Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos. Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Drexel Institute.  jula sa uchs.net.

Drexel Institute. jula sa uchs.net.

ANg pamosong anghel ng Drexel.  Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

ANg pamosong anghel ng Drexel. Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1910, pinagtuunan niya ng pansin ang sakit na tuberculosis at naging kalihim ng Philippine Anti-Tuberculosis Society.  Noon ang mga may tisis o TB ay lubos na pinandidirihan, madaling makahawa ang sakit na ito.  Ngunit para sa mga maysakit, tila isa siyang anghel na hindi sila pinandidirihan, hinahagod ang likod ng mga umuubong matanda, kinukumutan ang mga giniginaw.  Kahit out of duty na, kinakausap pa rin ang mga pasyente.  Sa kabila ng pandidiri ng kanyang mga kaibigan, nalungkot, ngunit hindi nawalan ng loob si Olivia.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society.  Mula sa philippinestamps.net.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society. Mula sa philippinestamps.net.

Ang anghel ng mga may TB.  Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ang anghel ng mga may TB. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ngunit sa sobra naman niyang pagiging tapat sa tungkulin, napabayaan ni Olivia ang sarili, madalas mapuyat, malipasan ng gutom.  Hanggang siya mismo ay manghina at mahawa ng TB.  Sa kabila ng pagkakasakit, sinikap niyang maging masaya sa harapan ng ibang pasyente.  Ibinilin niya rin sa ibang mga kasamang doktor na patuloy na alagaan ang mga may TB.  Nang lumubha ang sakit, dinala si Olivia ng kanyang mga magulang sa Baguio at sa Hongkong upang gumaling ngunit sampung araw lamang matapos ang kanyang ika-24 na kaarawan, namatay si Doktora Salamanca.  Hindi naman nasayang ang mga sakripisyo ni Olivia.  Maraming mga doktor ang na-inspire sa kanyang ginawa.  Ngayon ang TB ay hindi na pinandidirihan na sakit, at bilang pagpupugay sa kanya, pinangalanan ang dako sa Kalye San Luis at Taft Avenue bilang Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang diwa ng kanyang kabayanihan ay ipinagpapatuloy ng mga doctor ng mga baryo tulad nina Juan Flavier, Johnny Escandor, Bobby de la Paz, at ng iba pang Pilipinong doktor, nars at health workers na naglilingkod sa loob at labas ng bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)