XIAO TIME, 13 December 2013: MGA ARAL SA BUHAY NI NELSON MANDELA

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

13 December 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=zvhwvCjBonQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alam niyo ba na hindi si Crisostomo Ibarra ang bayani ni Jose Rizal sa kanyang mga nobela?  Ayon kay Heneral Jose Alejandrino, nabanggit sa kanya ni Rizal na pinagsisihan niya na pinatay niya si Elias at hindi si Crisostomo Ibarra sa kanyang unang nobela na Noli Me Tangere.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid.  Mula sa Vibal Foundation.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid. Mula sa Vibal Foundation.

Jose Alejandrino.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Jose Alejandrino. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago.  Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago. Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Kung alam lamang niya na makakapagsulat siya ukol sa himagsikan dapat daw ay binuhay niya si Elias dahil siya ang nagtataglay ng mga kinakailangang katangian ng isang tao na namumuno sa isang himagsikan:  noble character, patriotic, self-denying and disinterested.  Si Ibarra raw kasi ay makasarili, na kumilos lamang nang masaktan ang kanyang interes, at ang kanyang mga mahal sa buhay.  Sa mga katulad raw ni Ibarra na paghihiganti ang naiisip, walang tagumpay na dapat maasahan sa kanilang mga kilos.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Rizal at si Elias.

Si Rizal at si Elias.

Nakakatuwa na sa kasaysayan ng daigdig, mayroong isang tao na tumumpak sa katangian ng isang Elias:  si Nelson Rolihlahla Mandela, na sumakabilang buhay noong nakaraang December 5 at magkakaroon ng state funeral sa Linggo, December 15 sa Qunu, South Africa.

NOW HAPPENING AS I BLOG:  Family members stand near former South African President Nelson Mandela's casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013.  Associated Press.

NOW HAPPENING AS I BLOG: Family members stand near former South African President Nelson Mandela’s casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013. Associated Press.

Si Mandela ay isinilang sa isang pamilya ng mga datu noong 1918.  Ngunit dahil ang Timog Africa ay nasa pamumuno noon ng mga Kolonyalistang British, naging malupit maging para sa kanya ang lipunan.  Noong 1948, isinabatas ang Apartheid, mula sa salitang “apart,” ang pagbubukod ang paghihiwalay sa mga puti at mga itim halimbawa sa mga pampublikong lugar, mga banyo, mga bus at mga paaralan.  Naglalagay ng mga karatulang “For whites only.”

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilng boksingero.

Si Mandela bilng boksingero.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid.  Mula sa Wikipedia.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid. Mula sa Wikipedia.

Gayundin, nararanasan din nilang maduraan o hindi pagbentahan sa tindahan.  Naging rebolusyunaryo si Mandela at nakibaka laban sa Apartheid.  Bagama’t naniniwala siya sa mapayapang pakikibaka tulad ng ginawa ni Gandhi, naniniwala siyang taktika ito kaysa prinsipyo.  Kung hindi magtatagumpay ang mapayapang pakikibaka, wala itong silbi.  Tulad ni Andres Bonifacio, ang marahas na himagsikan ay isang huling opsyon.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Ilang beses ikinulong hanggang sa mapatawan ng habangbuhay na pagkakabilanggo at ikinulong sa notoryus na Robben Island Prison kung saan siya ay araw-araw na ibinulid sa mahirap na pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.  Sa loob ng kulungan, nakibaka siya para matanggal ang hard labor na ito sa mga bilanggo.

Robben Island Prison.

Robben Island Prison.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

27 taon siyang nakakulong ngunit nang siya ay pinalaya noong 1990, hindi naghiganti.  Nakipag-usap siya sa bagong pinuno ng South Africa na si F.W. de Clerk sa tuluyang pagbabasura sa Apartheid, at dahil dito nagtamo sila kapwa ng Nobel Peace Prize.  At nang ganapin ang unang halalan na isinama ang mga itim noong 1994, nahalal si Mandela na Pangulo.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1989.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1990.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Itinatag niya ang mga Truth and Reconciliation Commission na siyang kumuha ng testimonya ng mga biktima ng pag-abuso sa karapatang pantao sa harapan ng mga bumiktima sa kanila at kung saan maaari ring humingi ng amnestiya ang mga nambiktima.  Dahil napag-usapan ang mga alaalang sumugat, naging salik ito sa pagkahilom ng mga ito at sa pagkakaisa ng mga puti at itim sa Timog Africa.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Tutol si Mandela sa dominasyon ng mga puti ngunit tutol din siya sa dominasyon ng mga itim.  Mula 1994 hanggang 1999, nagtagumpay siya na ipunla ang mga reporma at pagkakapantay-pantay sa kanyang bansa at dahil dito, siya ang kinilalang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pasay Rotonda, 12 December 2013)

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.