IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: rizal

XIAO TIME, 11 April 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI LEONOR RIVERA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

11 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=t-G5wrkB49U

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  146 years ago ngayong araw, April 11, 1867, isinilang sa Camiling, Tarlac si Leonor Rivera.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Well, siya lang naman ang minalas na naging long-time gf ng ating Heroé Nacional na si José Rizal, ang tanging problema doon ay iniwan siya ng nobyo dahil may misyon ito para sa bayan.  Pinsan ng ama ni Rizal ang tatay ni Leonor na si Antonio Rivera at sa parehong paaralan nag-aral ang mga kapatid na babae ni Rizal at si Leonor, sa Concordia.

Antonio Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Antonio Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Noong 1880, nagkakilala si Leonor at si José o si Pepe, 13 years old pa lamang ang dalaga noon na tinawag niyang “munting kasera” dahil anak siya ng may-ari ng isang paupahang bahay para sa mga estudyante sa Intramuros.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Actually, dalawang Leonor ang niligawan ni Pepe noon, pati si Leonor Valenzuela, doble Leonor system LOL, ngunit nanaig ang munting kasera.  Sa kanilang pagsusulatan, gumamit pa ng secret codes ang mag-irog bilang proteksyon nila sa mapagmatyag na ina ni Leonor na si Silvestra Bauson.  Ang code name para kay Leonor ng pinsang si Pepe ay Taimis.  Cousin-tahan talaga ang peg.

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Valenzuela.  Mula sa Lolo Jose.

Leonor Valenzuela. Mula sa Lolo Jose.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra  Bauzon.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra Bauzon. Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo. Mula sa Vibal Foundation.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw.  Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw. Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Sa likod ng larawan mababasang nakasulat sa Wikang Espanyol na “Para kay José mula sa kanyang tapat na pinsan sa edad na 15 taon, 8 buwan at 27 taon.  [Pirmado] Leonor Rivera” ngunit sa ibaba nakasukat sa code, “Para sa aking hindi malilimutan at pinakamamahal na mangingibig ang larawang ito ay inaalay ng kanyang tapat na Taimis.” Mula sa Rizal Without the Overcoat.

Sa likod ng larawan mababasang nakasulat sa Wikang Espanyol na “Para kay José mula sa kanyang tapat na pinsan sa edad na 15 taon, 8 buwan at 27 taon. [Pirmado] Leonor Rivera” ngunit sa ibaba nakasukat sa code, “Para sa aking hindi malilimutan at pinakamamahal na mangingibig ang larawang ito ay inaalay ng kanyang tapat na Taimis.” Mula sa Rizal Without the Overcoat.

Napisan o na-engage ang dalawa ngunit nagpasya ang kuya ni Rizal na si Paciano sa tulong ng ama ni Leonor na si Pepe ay tumungo ng Europa upang maglingkod sa bayan noong 1882.  Hindi man lamang nakapagpaalam si Pepe.  Naging masasakitin, hindi makatulog at malungktin si Leonor.  Patuloy silang nagsulatan sa isa’t isa ngunit wala silang natatanggap sa mga sulatan na ito.  Iyon pala, sinuhulan ng ina ni Leonor ang lokal kartero na harangin ang sulatan ng dalawa at ibigay lahat ng ito sa kanya.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe.  Mula sa Vibal Foundation.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe. Mula sa Vibal Foundation.

Imagine, si Pepe noon ay tinuturing na pilibusterong nobelista at siyempre ayaw mong makasal ang anak mo sa isang rebelde. Inayos ng ina ang pagpapaksal ni Leonor sa inhinyero ng riles ng tren na si Charles Henry Kipping noong 1890.

Si Rizal.

Si Rizal.

 

Charles Henry Kipping

Charles Henry Kipping

Sa paniwalang kinalimutan na siya ni Rizal, pumayag ito ngunit sinabi niyang ang pagpapakasal na ito ay ikamamatay niya.  Nang may isang sulat ni Rizal ang nakalusot, napilitan ang ina na ipakita ang lahat ng kanilang pagsusulatan.  Itinuloy ni Leonor ang pagpapakasal sa kondisyong hindi na siya tutugtog ng piano at muling awit habambuhay, at tatabihan siya ng kanyang ina sa buong seremonya ng kasal.  Ayon sa mga kwento, sinunog ni Leonor ang mga sulatan nila ni Rizal, at habang naglalakad sa simbahan, nahuhulog ang mga abo ng mga ito mula sa laylayan ng kanyang trahe de boda.  Anuman, ilan sa mga abong ito ay nailagay sa isang maliit na kahon.  Tatlong taon ang lilipas, patay na si Leonor sa panganganak sa edad na 26.  Ang kahon na naglalaman ng mga abo ng sulatan ay inilibing kasama niya.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat.  Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum.  Mula sa Probe Productions.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat. Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum. Mula sa Probe Productions.

Leonor Rivera

Leonor Rivera

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere--Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra.  Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, "History of Manila."

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere–Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, “History of Manila.”

Isang modela bilang si Maria Clara.  Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Isang modela bilang si Maria Clara. Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Lubos na dinamdam ni Pepe ang nangyari, nagkulong pa sa Dapitan ng buong gabi.  Minalas man si Leonor, sinwerte naman siya na maalala sa kasaysayan, ang makabasag pusong karanasan ng dilag mula sa Camiling ay inspirasyon daw para sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Rizal.  Aral, mga magulang, gabayan ngunit huwag nang maghigpit sa anak pagdating sa lovelife, sige kayo baka ma-Leonor Rivera siya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)

XIAO TIME, 4 April 2013: PAPEL NI PIO VALENZUELA SA KATIPUNAN

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

4 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=ZrGe8PZX2TU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  57 years ago sa Sabado, April 6, 1956, sumakabilang-buhay si Pio Valenzuela.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Kamakailan lamang, isang maikling malayang pelikula ang isinulat ng curator ng Museo Valenzuela na si Jonathan Balsamo at dinirehe ni John Matthew Baguinon, Pio Valenzuela: Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan.

John Matthew Baguinon.  Mula sa kanyang peysbuk.

John Matthew Baguinon. Mula sa kanyang peysbuk.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Museo Valenzuela, halina't bisitahin lalo't ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

Museo Valenzuela, halina’t bisitahin lalo’t ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

05 Pio Valenzuela Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan

Nagsisimula ang pelikula sa nakakatuwang eksena ng mga batang estudyanteng taga-Valenzuela na tinanong kung kilala ba nila si Pio Valenzuela at kung ano nagawa niya.  Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot.

07 Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot

Hindi kilala ng mga kabataan, sa mga aklat din maraming kontrobersya ang mababasa ukol kay Pio.  Liwanagin natin.  Isinilang si Pio sa Polo, Bulacan, ngayo’y Lungsod ng Valenzuela, noong July 11, 1869.  Estudyante siya ng medisina sa UST at 23 years old lamang nang noong Hulyo 1892, sumapi siya sa kakatatag pa lamang na Katipunan ni Andres Bonifacio.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Hindi pa siya doktor noon, ginawa na siyang manggagamot ng Katipunan.  Naging bahagi ng camara secreta o ang tatlong pinakamataas na pinuno ng Katipunan hindi naglaon, si Bonifacio, Emilio Jacinto at si Pio.  Siya ang nagmungkahi na magkaroon ng dyaryo ang Katipunan, ang Kalayaan na nakasulat sa Wikang Tagalog.  Mula 300 kasapi, lomobo ang kasapian sa 30,000 kasapi dahil sa dyaryo.

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta:  Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta: Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva.  Kuha ni Cari Noza.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Dahil edukado at doktor, siya ang pinagkatiwalaan ng Katipunan na kumausap sa kapwa niya doktor na si José Rizal na nakatapon noon sa Dapitan.  Tumanggi si Rizal sa alok na maging pangulong pandangal ng lihim na samahan ngunit nagpayo na mag-armas muna at hingin ang tulong ng mga mayayaman bago mag-alsa.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagputok ng himagsikan noong August 1896, sumuko si Pio Valenzuela sa mga Espanyol kaya naman pinagdudahan ang kanyang pagkabayani.  Ayon naman sa kanya, naramdaman niyang sinusundan na siya ng mga guardia civil at alam niyang kung hindi siya susuko at makipagkita pa rin sa mga kasama, maaaring mahuli rin ang mga ito.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan.  Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan. Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Habang nakapreso, ginawa siyang saksi laban kay Dr. Rizal at kanyang isinalaysay sa mga Espanyol na tutol na tutol ang national hero sa rebolusyon.  Nalito ang mga historyador, ano ba talaga koya?  Was Rizal for or against the revolution???  Ayon kay Floro Quibuyen, makikita na nais talagang iligtas ni Valenzuela si Rizal sa parusang kamatayan dahil sinabi niyang hindi nagpayo kundi kinondena ni Rizal ang himagsikan.  Tatlong taong ipinatapon sa Espanya si Pio, at sa kanyang pagbalik, ikinulong ulit ng mga bagong mananakop na mga Amerikano dahil alam nilang maghihimagsik ang taong ito sa kanila.  Nang ihalal na capitan municipal ng bayang sinilangan ng kanyang mga kababayan, napilitan na pakawalan si Pio upang manungkulan.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Pulo.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Polo.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Dalawang beses din siyang naging Gobernador ng Bulacan.  Kilalang matapat, imbes na yumaman sa pwesto, nagbenta pa ng kanyang mga lupa at tumangging magpasuhol sa mga maghu-jueteng.  Naging matatag laban sa katiwalian.  Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87.

Matandang Don Pio.

Matandang Don Pio.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

33 Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87 q 34 Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani.  Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani. Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo.  Ngayong halalan, sana maghalal tayo ng mga taong katulad ni Pio Valenzuela na may pusong bayani at para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

XIAO TIME, 2 April 2013: FRANCISCO BALAGTAS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

2 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=lmS6ol7EC-I Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  225 years ago ngayong araw, April 2, 1788, isinilang sa Bigaa, Bulacan si Francisco Balagtas Baltazar?  Huh?  Ano ba talaga ang apelyido ng sumulat ng Florante at Laura na pinag-aralan natin noong second year high school tayo?  Ayon sa kanyang baptismal certificate, ang kanyang pangalan ay Balagtas, ngunit nang inatasang magpalit ang mga Pilipino ng pangalan ni Gobernador Heneral Narciso Claveria, pinili niya ang apelyidong Narvaes Baltazar.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.  Mula sa Himalay.

Kaya kung tutuusin, parehong tama na gamitin ito, pero dahil mas tunog Pilipino ang Balagtas, mas ginagamit ito ng marami sa atin.  Ngunit, bakit ba isang taong pinag-aaralan ang Florante at Laura?  Bakit ba itinuturing na bayani si Balagtas e makata lang naman siya, nagsulat.  May nagawa ba siya para sa kalayaan?  Liwanagin natin.  Pag-apat na anak si Francisco ng isang panday, na sa edad lamang na 11 ay nagtungo na sa Maynila upang maging utusan ng isang mayamang taga-Tondo na pinag-aral naman siya sa Letran at sa Colegio de San José, pagiging canon lawyer, o abogado ng batas ng Santa Iglesia Catolica ang kanyang tinapos.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Isa sa nag-udyok sa kanya na maging makata ay si Padre Mariano Pilapil, siya lang naman ang gumawa ng rebisyong doktrinal sa Pasyong Mahal na malaganap na binabasa hanggang ngayon na tinatawag ding Pasyong Henesis.  Naging guro din niya ang makatang si José de la Cruz a.k.a Huseng Sisiw na tinutulungan siyang gumawa ng tula para sa mga nililigawan niya sa presyo ng isang sisiw.  Ngunit naging F.O. o friendship over raw sila dahil hindi nakapagbayad ng chicks si Francisco.

Balagtas.  Obra maestra ni Botong Francisco.  Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila.  Mula sa Himalay.

Balagtas. Obra maestra ni Botong Francisco. Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila. Mula sa Himalay.

Sa isa sa kanyang mga niligawan, isa raw nagngangalang Maria Asuncion Rivera, nagkaroon daw siya ng mayamang karibal na ipinakulong siya sa mga kasong gawa-gawa lamang.  Sa loob ng kulungan, nalaman niyang nagpakasal na ang kanyang irog sa isang mayamang si Mariano Kapule.  Ayun, pinaniniwalaang mula sa kulungan isinulat niya ang Florante at Laura na inialay niya kay Selya.  Ang clue kay Selya ay inilagay niya sa initials na M.A.R.—Maria Asuncion Rivera.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas.  Mula sa Himalay.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas. Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Nakalusot sa mga Espanyol na censors ang akda na tungkol sa tunggalian ng mga Moro at Kristiyano sa kaharian ng Albanya, nalathala, at naging bestseller ng kanyang panahon.  At napansin ng marami na mapanghimagsik pala sa Espanya ang mensahe ng akda, “Sa loob at labas ng bayan kong sawi / Kaliluha’y siyang nangyayaring hari.”

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang maagang sipi ng isang bestseller.  Mula sa Himalay.

Isang maagang sipi ng isang bestseller. Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog.  Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog. Mula sa Himalay.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura.  Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura. Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Kataksilan ang naghahari hindi sa Albanya kundi sa sarili niyang bayan.  Ayon kay Lope K. Santos, apat ang uri ng paghihimagsik na mababasa sa akda (1) himagsik laban sa malupit na pamahalaan, (2) sa hidwang pananampalataya, (3) sa maling kaugalian at (4) sa mababang uri ng panitikan.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Lope K. Santos.

Lope K. Santos.

Dala-dala ni Rizal lagi sa Europa ang aklat ni Balagtas.  Bayani siya dahil ang talento niya ay inspirasyon sa mga sumunod na bayani.  Iiwan ko kayo ng mga bilin ni Balagtas, “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad / sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (DLSU Manila / Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

Mula sa Himalay.

Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino.  Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino. Mula sa Himalay.

XIAO TIME, 20 March 2013: ANG ISTORYA NG BUHAY NI MARIANO PONCE (Ponce@150)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries, earlier, 20 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at ...Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at …Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

20 March 2013, Wednesday:

Xiao Chua’s speech at the official national commemoration of the 100th death anniversary of Mariano Ponce in Baliuag, Bulacan, 23 May 2018 documented by Giovanni Labao.

Xiao Time Ponce @150

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang pamosong retrato sa ating kasaysayan na nagpapakita ng ating tatlong heroes sa Espanya noong 1890.  Kilala ng halos lahat ng tumitingin si José Rizal dahil sa kanyang unmistakable one-sided emo hair at si Marcelo H. del Pilar dahil sa kanyang mala-Pringles na bigote, pero ang nakaupo—oo siya nga si Mariano Ponce.  Pero kilala nga ba talaga natin si Mariano Ponce?

aaaah.  Si Mariano Ponce.

aaaah. Si Mariano Ponce.

150 years ago sa Biyernes, March 22, 1863, isinilang siya sa Baliuag, Bulacan.  Nag-aral sa Letran at UST bago tumulak pa-España noong 1881 upang mag-aral ng medisina at samahan ang Kilusang Propaganda na humihingi ng reporma sa mga mananakop na Espanyol.  Patnugot siya ng poetry section ng kilusan, at sa La Solidaridad na kanyang itinatag noong 1889, sumulat sa alyas na Naning, ang kanyang palayaw, Tikbalang, at Kalipulako, ang inaakalang orihinal na pangalan ni Lapu-Lapu.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Matapos maaresto sa Pilipinas ng dalawang araw sa pagsiklab ng himagsikan, tumakas pa-Pransiya at hindi naglaon sa Hongkong upang sumama sa ilang Tsino at Tsinoy na nangampanya para sa Pilipinas sa labas ng bansa, ang Junta Revolucionaria.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Siya ang naghanda ng balangkas para sa pamahalaang rebolusyunaryo sa muling pag-uwi ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Pilipinas, naging isa sa pinakauna nating mga diplomat at pumunta sa Yokohama, Japan upang bumili ng amunisyon para sa rebolusyon ngunit lumubog ang segunda manong barko dahil sa bagyo at hindi nakarating ang mga bala sa Pilipinas.  Kung titingnan ang larawang ito na kinunan sa Yokohama, naging magkaibigan pala sila ni Sun Yat Sen, ang Ama ng Modernong Bansang Tsina.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina.  Close sila ni Ponce.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina. Close sila ni Ponce.

Sino si Sun?  Sino si Ponce?

Sino si Sun? Sino si Ponce?

Nakakaloko ang larawan na ito, mapagkakamalan mong si Sun Yat San ang naka-kimono, yun pala, siya ang naka-amerikana habang si Ponce, ang Pilipino, ang naka-kimono.  Asteeeg!  Pinahiram pa ni Ponce si Sun ng mga baril na nabili nila sa isang Mr. Nakamura.  Sabi nga ni Ambeth Ocampo, nakamura nga sila pero niloko naman.  Puro mga kalakal na bakal ang nasa shipment.  Na-swindle sila.

Ang titulo ng larawan na ito ay "Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901."  Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya.  Mula sa Wikipedia.

Ang titulo ng larawan na ito ay “Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901.” Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya. Mula sa Wikipedia.

Matapos maglakbay sa Tsina, Indo-Tsina, Cambodia at Thailand bumalik sa Maynila kasama ng asawang Hapones, at nahalal pang kinatawan ng ikalawang distrito ng Bulacan sa Philippine Assembly.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.  Mula kay Austin Craig.

Sinulat niya ang kanyang alaala Cartas Sobre la Revolucion.  Ang lolo mo rin ang isa sa unang popular historian, kolumnista siya ng mga historikal na pitak sa kanyang Filipino Celebres at Efemerides Filipinas kasama si Jayme C. de Veyra.  Sinusundan siya ng mga katulad nina Carmen Guerrero Nakpil, Ambeth Ocampo, at Jaime Veneracion.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Lamberto Ambeth" Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Lamberto “Ambeth” Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Sa kanyang pagtungo sa Hongkong upang bisitahin ang kanyang kaibigang si Sun yat Sen, namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55.  Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce na hindi namin nababanggit lagi ang kontribusyon mo.  Nais ka pa naming na lalong makilala.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

30 namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55 31 Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce

XIAOTIME, 8 March 2013: MGA BABAYLAN AT MGA BINUKOT

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 8 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Mga babae, tanging mithiin ay lumaya" - Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

“Mga babae, tanging mithiin ay lumaya” – Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

8 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=elK5GSzhMOE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nais ko pong batiin ang araw-araw na sumusubaybay sa PTV News na si Mari Clare Junio sa kanyang kaarawan sa Linggo, March 10, siya ay isang malakas na babae at tamang-tama, ngayong araw ay International Women’s Day.  Sa kwento ng Henesis sa Biblia, ang mga babae ay nilikha lamang dahil nalungkot ang lalaki.  Kaya kung titingnan ang mga mamamayan na naniniwala sa ganitong klaseng kwento ng pagsisimula, nanaig sa kanila ang mga lalaki o Patriyarkiya.

Malakas at Maganda.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Malakas at Maganda. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Ngunit sa mga kapuluang ito na naniniwala na sabay na lumabas sa kawayan ang babae at lalaki, si Malakas at Maganda man sa Katagalugan o si Sicalac at Sicavay naman si Visayas, may pantay na papel ang babae sa lipunan.  Sa pamumuno ng bayan, kung ang datu ang politikal na mga pinuno, nariyan ang mga babaylan sa larangang espirituwal.  Ayon sa pag-aaral ni Zeus A. Salazar, ang babaylan noong unang panahon ang “pinakasentral na personahe sa ating lipunang Pilipino sa larangan ng kalinangan, relihiyon at medisina… ang namamahala sa kabuuang mitolohiya ng bayan.”

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito.  Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito. Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Xiao Chua at Zeus Salazar, 2008.

Xiao Chua at Dr. Zeus Salazar, 2008.

Daluyan siya ng buhay at ginhawa.  Tatlo ang papel niya, siya ang tagapamagitan ng mundong espirtuwal ng mga anito at ng mga tao, siya ay ang manggagamot, at siya rin ang nagmememorya at umaawit ng epiko ng bayan, na kapag pinakinggan ng lahat, nadarama ng buong bayan na iisa ang kanilang pinagmulan at iisa ang kanilang damdamin at patutunguhan.  Maliban sa mga babaylan, nariyan din ang isang espesyal na mga babae, ang binukot.

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay.  Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay. Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot.  Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot. Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot.  Obra ni Rose Sales

Binukot. Obra ni Rose Sales

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Sila ang mga babaeng magaganda na bata pa lamang ay itinatago na, ibinubukod, upang mapanatili ang kaputian at pinag-aaral ng mga epiko upang maging daluyan ng pagkakaisa at pagpapatuloy na bayan.  Madalas na ilarawan na kasing puti ng balanakon, isang sugpo na maputi at malambot ang balat at hindi pinapaapak sa lupa.  Madalas na nais pakasalan ng mga datu.  Sila ang itinuturing na anting-anting ng isang datu o ng isang bayan.  Mawala sa kanya ito, babagsak ang kapangyarihan ng datu o mawawalan ng dangal ang isang bayan.  Ayon kay Vicente Villan, sa mga kwentong bayan sa Panay, ang babae ang dahilan ng mga digmaan at ang tagapamayapa ng kaguluhan.  Ang kanyang pagiging sanhi ng digmaan ay may kinalaman sa pagkakaroon ng sinapupunan, at ang kapangyarihan ng mga bayan ay nakasalalay sa yamang-tao nito—sa dami ng mandirigma at panday.  Maraming sumasalakay, marami ring kapangyarihan, at kung may kapangyarihan ang bayan, may ginhawa.  Ang pagiging maganda ay may kaugnayan sa kapangyarihan, at mas maraming ginhawa.  Kaya naman pala sa kabila ng patriyarkiya ng mga kolonisador, makikitang malakas ang maraming mga babae sa Pinas.  Lalo na ngayon.  Sabi ni José Rizal sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos, “Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila’t habang ang ina’y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak.”

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Mula sa aklat na Women of Malolos ni Nicanor Tiongson.

Iiwanan ko kayo ng mga kataga mula sa awitin ng Inang Laya, mga babae, ang mithiin ay lumaya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 7 March 2013: ANG PAPEL NI PACIANO RIZAL MERCADO SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay.  Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan?  Ang sagot sa ibaba.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay. Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan? Ang sagot sa ibaba. Mula sa Vibal Foundation.

7 March 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Binabati ko si Ma’am Esther Lopez Azurin at ang kanilang mga kaanak, aking kaibigan at apo ng aking tatalakayin sa araw na ito.

Si Xiao Chua kasama si Ma'am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

Si Xiao Chua kasama si Ma’am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

162 years ago, March 9, 1851, isinilang si Heneral Paciano Mercado.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya po ang kuya ng ating National Hero na si Dr. José Rizal na mas kilala natin sa tawag na Paciano Rizal.  Kung si José ang ikapito sa labinlimang magkakapatid, si Paciano ang ikalawa, nag-aral sa Kolehiyo de San José at Unibersidad ng Sto. Tomas ngunit nang mabitay ang kanyang kaibigan at housemate na si Padre José Burgos noong 1872, nag-drop out na lamang siya.  Dahil sa maagang pagkamulat na ito sa kaalipinan ng bayan, siya ang nagturo sa batang Pepe na mahalin ang bayan.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal.  Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal. Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Batang Jose "Pepe" Rizal

Batang Jose “Pepe” Rizal

Padre Jose Burgos

Padre Jose Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Siya ang nagdala dito sa Maynila upang maipasok sa Ateneo kahit na nahuli sa rehistrasyon.  Sa tulong ng ilang kapwa makabayan, siya din ang kumumbinsi sa matalinong si Pepe na umalis patungong Europa upang tuparin ang pangarap na siya sana ang dapat na magsakatuparan—ang ipaglaban ang bayan bilang isang ilustrado gamit ang kanyang panulat sa Espanya.  Walang José Rizal na National Hero kung walang Paciano Rizal.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros.  Mula sa Vibal Foundation.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros. Mula sa Vibal Foundation.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe.  Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe. Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Siya ang obrerong kumayod sa bukid upang mapadalhan lamang ng pera ang kapatid kapag ito ay nangailangan, hanggang sa sila’y walang-wala na at tuluyang palayasin sila ng mga prayle sa kanilang lupain sa Calamba.  Hindi totoong lubos na tumanggi si Rizal na ipaglaban sa isang himagsikan.  Ito ang bagong pananaw ngayon ng ilang historyador, dahil kung talagang ayaw ni Rizal sa himagsikan, bakit ang kanyang mga kapatid na sina Josefa at Trining ay naging mga kasapi ng Katipunan, si Paciano naging heneral pa.

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna.  Kuha ni Xiao Chua

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna. Kuha ni Xiao Chua

Nang balak sanang iligtas nina Andres Bonifacio si Rizal noong babarilin na ito noong 1896, si Paciano ang pumigil sa kanila sa pagsasabing hindi nanaisin ng kanyang kapatid na magbuwis ng maraming buhay para lamang sa kanyang iisang buhay.  Sa pamahalaang rebolusyunaryo sa ilalim ni Hen. Emilio Aguinaldo, siya ang naging Kalihim ng Pananalapi.  Nang mapasakamay ng mga Amerikano, inalok ng posisyon sumumpa lamang ng katapatan sa watawat ng mga Amerikano.  Ngunit kanya itong tinanggihan at namuhay na lamang ng mapayapa bilang obrerong may lupa sa Los Baños, Laguna sa bahay na ito.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa.  Mula sa Lolo Jose:  An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa. Mula sa Lolo Jose: An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna. Kuha ni Xiao Chua.

Nakatanaw sa dati nilang tahanan sa lawa hanggang sa ito ay mamatay noong April 13, 1930.  Noong nabubuhay siya, ayaw niyang magpakuha ng litrato at nadala ata ang kaisipan ng isang rebeldeng ayaw basta makilala, ngunit minsan nanakawan siya ng kanyang mga kaanak ng imahe sa harapan ng isang aakalain mo sa sofa, iyon pala ay puwit ng kanyang pamangkin.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo.  Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo. Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Hindi raw maramot, nagpamigay ng lupa sa kanyang mga magsasaka, maging ang pook ng UP Los Baños ay lupa nila dati.  Kabalintunaang kilalanin si José Rizal kung hindi rin natin aalalahanin kahanay niya ang kanyang kuyang nanatili nakaugat sa diwa ng bayan—Hen. Paciano Rizal.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 1 March 2013: ANG PAGDIRIWANG NG IKA-150 ANIBERSARYO NG RED CROSS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 1 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

1 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=R0OgaCyHLZ8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa inyo ng Bahay Saliksikan ng Bulacan na nakabase sa Bulacan State University at pinamumunuan ngayon ni Dr. Agnes Crisostomo, at ang kanilang research fellow na si Ian Christopher Alfonso.  150 years ago noong nakaraang buwan, February 17, 1863, itinatag ang unang Krus na Pula o Red Cross sa Geneva, Switzerland ng isang abogadong si Gustave Moynier.

Red Cross @ 150

Red Cross @ 150

Gustave Moynier

Gustave Moynier

Naging inspirasyon niya ang isang aklat na kanyang nabasa na isinulat ng Pranses na si Jean-Henri Dunant na “A Memory of Solferino” kung saan sa isang labanan sa Italya, nakita niya ng 40,000 mga sundalo sa dalawang panig ng naglalabanang Austrian at Italyano ang namamatay at nasusugatan na hindi man lamang nabibigyan ng tamang atensyon.  Si Dunant mismo ay nanatili sa Solferino upang tulungan ang mga sugatan.

Jean-Henri Dunant

Jean-Henri Dunant

Battle of Solferino

Battle of Solferino

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Ngayon, isa na itong malaking-malaking umbrella organization na nangangalaga sa maysakit na tinatawag na International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies.

15 International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies

Sa Pilipinas, maging sa Katipunan, wala mang Red Cross, ang mga kababaihan ng himagsikan ay tila nagsilbi ng kaparehong pag-aalaga ng maysakit sa digmaan tulad nina Gregoria de Jesus, Tandang Sora, Josephine Bracken, mga kapatid ni Rizal na si Josefa at Trining, at si Trinided Tecson na itinuturing na Ina ng Red Cross sa Pilipinas.

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Josephine Bracken

Josephine Bracken

Josefa Rizal

Josefa Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Ang mga Espanyol ay nagkaroon din dito sa Pilipinas ng Cruz Roja Española noong himagsikan ng 1898.  Sa kanila ipinaubaya ng Pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ang mga POW na mga Espanyol upang makabalik ang mga ito ng ligtas sa Espanya.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos.  Kinulayan ng Office of the President.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos. Kinulayan ng Office of the President.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler.  Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler. Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Inaprubahan ni Aguinaldo ang pagkakaroon ng sariling Red Cross ng unang republika noong February 17, 1899, sa parehong araw na itinatag ang unang Red Cross sa Geneva at tinawag na “Asociación de Damas de la Cruz Roja en Filipinas.”  Mga kababaihan ang mga kasapi nito na pinangunahan ni Doña Hilaria Aguinaldo y del Rosario, asawa ng pangulo.

Mula sa aklat na Women of Malolos

Mula sa aklat na Women of Malolos

Hilaria Aguinaldo

Hilaria Aguinaldo.  Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Kung maaalala natin ang mga kabataang babaeng taga-Malolos sinulatan ni José Rizal 124 years ago noong nakaraang buwan, February 22, 1889, dahil sa katapangan na humiling sa Gobernador Heneral na magbukas ang isang paaralan para sa Wikang Espanyol, sila ang isa sa mga unang aktibong mga kasapi ng organisasyong ito.

Ang tagpo nang pagkorner at pagpetisyon ng 20 kababaihang dalaga sa Gobernador Heneral Valeriano Weyler sa Casa Real ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Pabalat ng aklat ni Nicanor Tiongson na Women of Malolos. Sa kagandahang loob ni Ian Alfonso.

Ang tagpo nang pagkorner at pagpetisyon ng 20 kababaihang dalaga sa Gobernador Heneral Valeriano Weyler sa Casa Real ng Malolos. Obra Maestra ni Rafael del Casal. Pabalat ng aklat ni Nicanor Tiongson na Women of Malolos. Sa kagandahang loob ni Ian Alfonso.

Marami sa mga babaeng kasapi ng Cruz Roja ay mga asawa, kapatid, anak, pamangkin, nobya at apo ng mga sundalo ng hukbong mapanghimagsik.  Marami rin sa mga ito ay mga prominenteng mga babae at mga babaeng nais lang talagang tumulong.  Noong 1905, dinala ng mga Amerikano ang American Red Cross sa pamamagitan ni Gobernador Heneral William Howard Taft at noong 1946, nang tayo ay isang nagsasariling republika na, binuo ang Philippine National Red Cross sa ilalim ni Dr. Horacio Yanzon, na pagdating na panahon ay naging Philippine Red Cross.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Kaisa ng sangkatauhan.

Kaisa ng sangkatauhan.

Hanggang ngayon, sa mga lugar na dinaanan ng digmaan at sakuna, naroon ang mga Pilipinong Red Cross na nagpapakita na hindi lamang tayo may dugong bayani, kaisa din natin ang sangkatauhan.  Together with Humanity.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 15 February 2013: ANG PAGGAROTE SA TATLONG PARING GOMBURZA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 15 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

15 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=6PAtXRwo8Ds

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  141 years ago sa linggo, February 17, 1872, binitay ang tatlong paring martir na kolektibo nating tinatawag na GomBurZa.  Tagapagtaguyod sila ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880.  Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880. Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mariing tinutulan ito ng mga orden marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Kung tutuusin, hindi na nila kailangan ang kanilang ipinaglalaban.  Si Padre José Burgos ay kura paroko ng Katedral ng Maynila, si Jacinto Zamora naman ng Marikina at si Padre Mariano Gomes ng Bacoor, Cavite.  Napakataas na ng kanilang mga posisyon sa Simbahang Pilipino.

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Mariano Gomes.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Simbahan ng Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Simbahan ng Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit ginamit ang pangalan ni Padre Burgos upang manghikayat ng sasama sa nabigong Cavite Mutiny noong January 20, 1872.  Si Padre Gomes naman ayon sa ilang eksperto ay maaaring may kaalaman sa mutiny bilang pinaghihingahan ng sama ng loob at pinagkukumpisalan ng mga manggagawa sa Cavite.  Si Jacinto Zamora naman bagama’t isa sa mga nagtatatguyod ng sekularisasyon ay nadawit dahil nang i-raid ang kanyang tahanan, nahulihan siya ng isang sulat na nag-iimbita sa kanya na magdala ng “bala at pulbura.”  Mahilig sa sugal ng baraha si Zamora at ang imbitasyon na iyon ay code nilang magbabarkada para sa pera sa sugal.  Tsk, dahil sa sugal naging biktima pa siya ng mistaken identity.  Nagbigay sa kanila ng mga abogado na ibinenta lamang sila sa hukuman at sinabing umamin sila sa kanilang pagkakasala.  Napatunayan silang nagkasala at hinatulan sila ng kamatayan noong February 15, 1872 upang bitayin matapos ang dalawang araw.  Nang si Padre Gomes ay tinanong kung kanino niya nais mangumpisal, kanyang sinabi, “Piliin niyo na ang pinakamahigpit naming kaaway para mabatid nila ang kalinisan ng aming budhi.”

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Nang hilingin ng Gobernador Heneral Rafael Izquierdo na ipahubad sa Arsobispo ng Maynila Meliton Martinez ang abito ng mga pari upang hindi sila mamatay na pati, tumanggi ang arsobispo at iniutos pa na patunugin ang lahat ng kampana sa oras ng kanilang kamatayan.   Sa araw ng pagbitay, ang nagsangkot sa mga pari sa rebelyon, si Zaldua, ang unang binitay, akala niya ililigtas siya ng mga Espanyol.  Si Gomes naman ang sinunod at sinabi ayon sa pananaliksik ni Luis Dery kanyang sinabi sa pamangkin, “Huwag kang lumuha anak, ang taong tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi namamatay sa higaan.”  Maluwag niyang tinaggap ang kamatayan sa edad na 72.  Si Zamora naman ay nakatulala na parang isang maamong tupa, nabaliw na siya sa mga nangyari sa kanya.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Si Burgos ang iyak ng iyak.  Sa lahat ng tinamo niyang pitong digri, dalawa sa mga ito ay doktorado, sa edad ng 35 ito lang pala ang sasapitin niya.  Ipinipilit niya na wala siyang kasalanan.  Nang si Benito Corominas ay sumagot, “Maging si Kristo ay walang kasalanan.”  Sabat ni Burgos sa kanya, “Duwag!”  Ayon sa marker na ito sa pinagpatayan, strangulation ang pagpatay sa garote.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, pagbali ito sa leeg na nagbubunsod ng kagyat na kamatayan sa biktima.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan. Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan. Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Garrote Vil

Garrote Vil

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Dapat may takip ang mukha ng biktima.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir. Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

Tahimik na tumangis ang buong bayan, ayaw man lang banggitin ang taong iyon sa takot.  Ngunit hindi nila ito nakalimutan.  Iaalay ni Rizal ang ikalawa niyang nobela sa tatlo at gagawing password ang Gomburza sa Katipunan ni Bonifacio.  Ang kanilang pag-aalay ng buhay ay isa sa mga inspirasyon ng Himagsikan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

XIAOTIME, 31 December 2012: HIWAGA NI RIZAL, Huwag Matakot Sa Kinabukasan

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 31 December 2012, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang larawan ni Rizal bilang isang aktor sa teatro.  Mula sa aklat na In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

Ang larawan ni Rizal bilang isang aktor sa teatro. Mula sa aklat na In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

31 December 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=GTQpYLFAl0I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Hindi lang astig ang ating National Hero na si José Rizal, mahiwaga pa siya!  Huh???  129 years ago sa bukas sa Bagong Taon, January 1, 1883, isinulat niya sa kanyang diary na dalawang gabi na ang nakalipas, nagkaroon siya ng panaginip na nagbigay sa kanya ng damdamin o emosyon na siya ay nag-iisa sa kalungkutan.  Muntik na raw siyang mamamatay.  Na tila isa raw siyang aktor sa entablado sa isang eksena kung saan siya ay mamamatay.  Nadama raw niya ang kanyang hininga at lakas ay unti-unting nawawala.

Si Rizal na ipinagluluksa ni Inang Bayan. Dalawa sa mga manikin sa Intramuros and Rizal Light and Sound Museum sa rekonstruksyon ng Beaterio de la Compania de Jesus (Beato), Calle Victoria, Intramuros, Maynila.

Si Rizal na ipinagluluksa ni Inang Bayan. Dalawa sa mga manikin sa Intramuros and Rizal Light and Sound Museum sa rekonstruksyon ng Beaterio de la Compania de Jesus (Beato), Calle Victoria, Intramuros, Maynila.

Hindi siya makakita at tila napaloob siya sa dilim ng kawalan, ng lumbay ng kamatayan.  Nais niyang sumigaw dahil akala niya ay mamamatay na siya.  Sa kanyang paggising, siya ay nanghina at hindi makahinga.

07 Ayon kay Ambeth Ocampo

Ayon kay Ambeth Ocampo, tila isang psychic si Rizal, nakita niya ang kinabukasan.  Kung nangyari ang panaginip dalawang gabi bago ang Bagong Taon ng 1883, ang petsa ng panaginip ay December 30, 1882, eksaktong 14 years ago bago siya mamatay!  Hindi kaya nahulaan niya ang mismong naramdaman niya nang tamaan siya ng mga punglo sa harap ng napakaraming tao sa Luneta?  Amazing!

"Fuego!" Detalye ng wall painting ni Carlos V. Francisco para sa Sentenaryo ng Kapanganakan ni Rizal noong 1961.  Nakalagak ngayon sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

“Fuego!” Detalye ng wall painting ni Carlos “Botong” Francisco para sa Sentenaryo ng Kapanganakan ni Rizal noong 1961. Nakalagak ngayon sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

May laro din siya na inimbento sa Dapitan at nagdisenyo pa siya ng trumpo para dito, ang Sibila Cumana, kung saan ikaw ay magtatanong sa isang manghuhula.  Tila itinuturo sa atin ni Rizal na huwag matakot sa kinabukasan.  May isa ring sanaysay si Rizal na isinulat noong 1889 hanggang 1890 na inilathala sa La Solidaridad kung saan hinulaan niya ang mangyayari sa loob ng one hundred years!  Ang Filipinas Dentro de Cien Años.  Sa sanaysay na ito, ilan sa mga senaryong hinulaan niya ay ito:  Kung hindi magbabago ang pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas, magkakaroon na ng isang madugong himagsikan.  Gayundin, magkakainteres sa Pilipinas ang isang bansa na noon ay hindi pa nagpapakita ng imperyalistang interes sa daigdig: Estados Unidos!

Pagdating ng Agila sa Pilipinas.  Ang kolonyal na mentalidad lalo na ang lagi na lamang pag-asa sa Amerika ay isa sa ugat ng ating mga problema.  Detalye ng mural na "Kasaysayan ng Maynila" ni Carlos "Botong" Francisco na ngayon ay nasa Tanggapan ng Alkalde, City Hall ng Maynila.

Pagdating ng Agila sa Pilipinas. Ang kolonyal na mentalidad lalo na ang lagi na lamang pag-asa sa Amerika ay isa sa ugat ng ating mga problema. Detalye ng mural na “Kasaysayan ng Maynila” ni Carlos “Botong” Francisco na ngayon ay nasa Tanggapan ng Alkalde, City Hall ng Maynila.

Ngunit, hiwaga ba at bolang kristal ang ginamit niya para mahulaan ito?  Hindi po.  Binuksan niya ang sansaysay sa pamamagitan ng mga katagang ito, “Upang mabatid ang tadhana ng isang bayan, lubhang kinakailangang buksan ang aklat na nagsasalaysay ng nakaraan nito.”  Paano natin malalaman kung magkakaroon tayo ng magandang bukas?  Kapag binalikan natin ang nakaraan, matututo tayo mula sa mga pagkakamali natin.  Kapag binalikan natin ang nakaraan, maibabalik natin ang mga magagandang kaugaliang unti-unti nating nakakalimutan.  Kapag binalikan natin ang nakaraan, malalaman natin ang ugat ng ating mga problema upang masolusyunan ito.  Kapag binalikan natin ang nakaraan at nakita natin ang ating karanasan at katapangan, malalaman natin kung sino talaga tayo bilang mga Pilipino.  Sa taong 2012 binigyan niyo po ng pagkakataon ang inyong lingkod at ang Telebisyon ng Bayan na araw-araw magbalik-tanaw sa nakaraan, mga salaysay na tama, totoo at tugma sa Pinoy.  Dacal salamat pu!  Sa bagong taon ng 2013, nawa’y samahan niyo pa kami sa nagpapatuloy nating pagsisikap na ipakita kung bakit kailangang ipagmalaki:  AKO AY PILIPINO.

Nakikibakang Pinoy.  Detalye ng mural na "Kasaysayan ng Maynila" ni Carlos "Botong" Francisco na ngayon ay nasa Tanggapan ng Alkalde, City Hall ng Maynila.

Nakikibakang Pinoy. Detalye ng mural na “Kasaysayan ng Maynila” ni Carlos “Botong” Francisco na ngayon ay nasa Tanggapan ng Alkalde, City Hall ng Maynila.

Maginhawang Bagong Taon po sa inyong lahat.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Sun Garden Hotel, Tarlac City, 27 December 2012)

XIAOTIME, 28 December 2012: ANG KABAYANIHAN NI DR. JOSÉ RIZAL

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 28 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang buong larawan ng pagbaril kay Rizal sa Luneta de Bagumbayan (Ngayon ay Rizal Park) noong December 30, 1896.

Ang buong larawan ng pagbaril kay Rizal sa Luneta de Bagumbayan (Ngayon ay Rizal Park) noong December 30, 1896.

28 December 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=X1YG4ICvjPc

Para sa mas maraming larawan tingnan ang:  https://xiaochua.wordpress.com/2012/12/25/the-last-days-of-jose-rizal-a-timeline-of-his-last-arrest-incarceration-execution-and-the-journey-of-his-remains/

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  100 years ago sa linggo, December 30, 1912, nang muling ilibing ang ating National Hero na si José Rizal.  Ang National Historical Commission of the Philippines at kami sa Order of the Knights of Rizal ang mangunguna sa muling pagsasadula ng paglilibing kay Rizal sa Luneta sa madaling araw hanggang umaga ng Linggo, lumahok po tayo.

155870_497451520299116_492942504_n

Gayundin, 116 years ago sa nasabi ring araw, December 30, 1896, nang barilin si Rizal.  Para sa mga napatunayang taksil sa Espanya na katulad ni Rizal, sila ay binabaril nang nakatalikod, upang sa kanilang pagbagsak ay susubsob ang mukha nila sa lupa, isang kamatayang walang dangal.  Ngunit, ayon sa kwento sa atin, upang maiwasan ito, bago tamaan ng bala, humarap si Rizal sa mga punglo at bumagsak.  Ayon sa ilang historyador, mali ito.  Huh??? Liwanagin natin.  Tila mas maganda ang totoong mga nangyari.  6:30 ng umaga nang simulan ni Rizal at ng mga kasama ang paglakad patungo sa Luneta de Bagumbayan.  Sabi ni Floro Quibuyen, na mas pinili ni Rizal ang lumakad kaysa sumakay sa karwahe dahil sa paglalakad ay nagbubuo ang drama.  Sinuot din niya ang pinakamaganda niyang kasuotan at nagsumbrero pa.  Kasama niya ang mga dating guro sa Ateneo na sina Padre Vilaclara at Padre March na kanya pang binibiro.  Hindi sila tumatawa.  Kasama si Padre Federico Faura na guro ni Rizal, ang dalawang Heswita na ito ay mamamatay lahat sa loob ng isang taon lamang.  Habang naglalakad sa tabing dagat sinabi pa ni Rizal, “Kayganda ng umaga, sa mga umagang ganito, lumalakad ako noon dito kasama ang aking sinta.”

Aktwal na larawan ng pagdating ni Rizal sa Luneta de Bagumbayan.

Aktwal na larawan ng pagdating ni Rizal sa Luneta de Bagumbayan.

Pagdating niya sa lugar ng pagbabarilan, ilang metro mula sa kung nasaan ang monumento ngayon, kanyang hiniling sa kapitan na huwag siyang barilin ng nakatalikod sapagkat hindi siya isang taksil.  Tumanggi ang kapitan sa hiling na ito, bagama’t hindi na siya pinaluhod at hindi na nilagyan ng piring tulad ng ginagawa sa ibang binibitay.  Binilin na lang niya na barilin siya sa likod malapit sa puso.  Isang doktor na Espanyol ang kumuha ng kanyang pulso.  Normal ito.  Hindi siya takot mamatay.  Alas siyete tres ng umaga.  Sumigaw ang kapitan, “Preparado.”  Ikinasa ang mga baril ng walong indiong sundalo, sa likuran nila, walong Espanyol na babaril sa kanila kung hindi nila paputukan si Rizal.  “Apunten,” itinutok ang mga baril at sa eksaktong tagpong ito, kinuha ang larawan na ito at makikita na relax na relax na nakatayo ang ating National Hero.  Sumigaw siya ng “Consummatum est!”  Tapos na ang kanyang misyon, ipinasa na niya sa bayan ang sulo.  Binagsak ng kapitan ang kanyang espada at sumigaw ng “Fuego!”  Pumutok ang mga baril.  At si Rizal, na isang gymnast at may alam sa Physics, nang tamaan ng mga bala malapit sa likod malapit sa puso ay ginamit ang pwersa ng mga ito upang umikot at bumagsak ng nakatingin sa langit!  Namatay ng may dangal.  Sumigaw ang mga Espanyol, “Viva España!  Muerte de los Traidores!”  Patay na ang numero unong kalaban ng Imperyong Espanyol.

Detalye ng pabalat ng pansentenaryong edisyon ng THE FIRST FILIPINO ni Leon Ma. Guerrero na nagpapakita ng nakatumbang letrang "I" na kumatawan sa patay na Rizal na nag-alay ng dugo para sa pagbubuo ng bansa.

Detalye ng pabalat ng pansentenaryong edisyon ng THE FIRST FILIPINO ni Leon Ma. Guerrero na nagpapakita ng nakatumbang letrang “I” na kumatawan sa patay na Rizal na nag-alay ng dugo para sa pagbubuo ng bansa.

Ngunit sa kanyang pagkamatay, nabigyang buhay ang diwa at inspirasyon ng marami na lumaban sa mga mananakop.  At nagwagi ang ating himagsikan laban sa Espanya matapos ang dalawang taon!  Si Rizal ay marangal, ang mga Anak ng Bayan ay marangal, tayo ay mga Pilipino, tayo ay marangal.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(PTV, 19 December 2012)