XIAO TIME, 2 April 2013: FRANCISCO BALAGTAS

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

2 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=lmS6ol7EC-I Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  225 years ago ngayong araw, April 2, 1788, isinilang sa Bigaa, Bulacan si Francisco Balagtas Baltazar?  Huh?  Ano ba talaga ang apelyido ng sumulat ng Florante at Laura na pinag-aralan natin noong second year high school tayo?  Ayon sa kanyang baptismal certificate, ang kanyang pangalan ay Balagtas, ngunit nang inatasang magpalit ang mga Pilipino ng pangalan ni Gobernador Heneral Narciso Claveria, pinili niya ang apelyidong Narvaes Baltazar.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.  Mula sa Himalay.

Kaya kung tutuusin, parehong tama na gamitin ito, pero dahil mas tunog Pilipino ang Balagtas, mas ginagamit ito ng marami sa atin.  Ngunit, bakit ba isang taong pinag-aaralan ang Florante at Laura?  Bakit ba itinuturing na bayani si Balagtas e makata lang naman siya, nagsulat.  May nagawa ba siya para sa kalayaan?  Liwanagin natin.  Pag-apat na anak si Francisco ng isang panday, na sa edad lamang na 11 ay nagtungo na sa Maynila upang maging utusan ng isang mayamang taga-Tondo na pinag-aral naman siya sa Letran at sa Colegio de San José, pagiging canon lawyer, o abogado ng batas ng Santa Iglesia Catolica ang kanyang tinapos.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Isa sa nag-udyok sa kanya na maging makata ay si Padre Mariano Pilapil, siya lang naman ang gumawa ng rebisyong doktrinal sa Pasyong Mahal na malaganap na binabasa hanggang ngayon na tinatawag ding Pasyong Henesis.  Naging guro din niya ang makatang si José de la Cruz a.k.a Huseng Sisiw na tinutulungan siyang gumawa ng tula para sa mga nililigawan niya sa presyo ng isang sisiw.  Ngunit naging F.O. o friendship over raw sila dahil hindi nakapagbayad ng chicks si Francisco.

Balagtas.  Obra maestra ni Botong Francisco.  Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila.  Mula sa Himalay.

Balagtas. Obra maestra ni Botong Francisco. Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila. Mula sa Himalay.

Sa isa sa kanyang mga niligawan, isa raw nagngangalang Maria Asuncion Rivera, nagkaroon daw siya ng mayamang karibal na ipinakulong siya sa mga kasong gawa-gawa lamang.  Sa loob ng kulungan, nalaman niyang nagpakasal na ang kanyang irog sa isang mayamang si Mariano Kapule.  Ayun, pinaniniwalaang mula sa kulungan isinulat niya ang Florante at Laura na inialay niya kay Selya.  Ang clue kay Selya ay inilagay niya sa initials na M.A.R.—Maria Asuncion Rivera.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas.  Mula sa Himalay.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas. Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Nakalusot sa mga Espanyol na censors ang akda na tungkol sa tunggalian ng mga Moro at Kristiyano sa kaharian ng Albanya, nalathala, at naging bestseller ng kanyang panahon.  At napansin ng marami na mapanghimagsik pala sa Espanya ang mensahe ng akda, “Sa loob at labas ng bayan kong sawi / Kaliluha’y siyang nangyayaring hari.”

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang maagang sipi ng isang bestseller.  Mula sa Himalay.

Isang maagang sipi ng isang bestseller. Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog.  Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog. Mula sa Himalay.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura.  Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura. Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Kataksilan ang naghahari hindi sa Albanya kundi sa sarili niyang bayan.  Ayon kay Lope K. Santos, apat ang uri ng paghihimagsik na mababasa sa akda (1) himagsik laban sa malupit na pamahalaan, (2) sa hidwang pananampalataya, (3) sa maling kaugalian at (4) sa mababang uri ng panitikan.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Lope K. Santos.

Lope K. Santos.

Dala-dala ni Rizal lagi sa Europa ang aklat ni Balagtas.  Bayani siya dahil ang talento niya ay inspirasyon sa mga sumunod na bayani.  Iiwan ko kayo ng mga bilin ni Balagtas, “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad / sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (DLSU Manila / Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

Mula sa Himalay.

Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino.  Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino. Mula sa Himalay.