XIAO TIME, 3 April 2013: ANG PASYON NI FLOR CONTEMPLACION AT NG MGA BAGONG BAYANI

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion.  Mula sa Agence France Presse.

3 April 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=_tW0KkdUo04

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Kakatapos lamang ng Semana Santa at nagmuni-muni tayo sa Pasyon ni Hesukristo, ngayon, magmuni-muni naman tayo sa mga kababayan natin na malaki rin ang sakripisyo para sa atin—ang mga Overseas Filipino Workers.

Si Gavino "Jun" Manlutac, Jr., isang pangkaraniwang OFW patungong Iraq noong Dekada 1980s.  Uncle ko siya.

Si Gavino “Jun” Manlutac, Jr., isang pangkaraniwang OFW patungong Iraq noong Dekada 1980s. Uncle ko siya.

Minsan natanong ko mismo sa isa sa pinakamayaman sa Pilipinas, si Don Fernando Zóbel de Ayala kung kumusta ang ekonomiya ng Pilipinas.  Sabi niya sa akin, “Good, because of OFW money.”  Nabigla ako, hindi niya sinabi na dahil sa negosyo nilang mga mayayaman kundi dahil sa pinapadalang remittances ng mga OFW.

Si Xiao Chua kasama si Don Fernando Zobel de Ayala, Quiapo Church, 2005.

Si Xiao Chua kasama si Don Fernando Zobel de Ayala, Quiapo Church, 2005.

Tulad ng mga hangaway o mga mandirigmang bagani o bayani noong unang panahon na lumalaban sa ibang mga bayan upang mag-uwi ng buhay, ginhawa at dangal para sa mga kababayan, makikitang ito rin ang ginagawa ng mga OFW sa Pilipinas.  Noong Dekada 1990s ang taong sumimbolo sa pasyon na ito ay si Flor Contemplacion, ina ng apat na anak na taga San Pablo, Laguna.

Ang apat na anak ni Flor.

Ang apat na anak ni Flor.

Pangkaraniwan nang dahil sa kahirapan kaya ang mga katulad niya ay tumungo sa Singapore upang maging domestic helper.  Nang malamang uuwi ang kanyang kaibigan na si Delia Maga, binista niya ito noong May 4, 1991 upang magpadala ng mga pasalubong para sa pamilya sa Pilipinas.  Matapos ang pagbisita, natagpuang patay si Delia at ang alaga nitong si Nicholas Huang.  Hinuli si Flor, ikinulong at pinahirapan diumano sa Changi Prison, at napatunayan ng mga korte ng Singapore na nagkasala.  Ilang buwan bago siya nakatakdang bitayin, may isang OFW ang lumabas at narinig daw niya ang ama ni Nicholas Huang na nagsabi sa kanyang amo na napatay niya si Delia matapos na matagpuan na napabayaan ni Delia na malunod ang anak niyang si Nicholas.  Nakiusap ang buong Pilipinas sa Singapore na muling buksan ang kaso.  Ngunit sa kabila ng mga pagsisikap ng pamahalaan, binitay siya 18 years ago noong nakaraang buwan, March 17, 1995.  Nagalit ang bayan sa Singapore, may mga nagsunog pa ng bandila nito, dismayado rin sila sa kabiguan ng pamahalaan.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion.  Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion. Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino.  Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino. Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna.  Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna. Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Grade 4 ako noon at sa laki ng balitang ito, tumatak ito sa aking murang isipan at napasulat ako ng isang tula—Kasaysayan ng Pasion ni Flor Contemplacion at ni Delia Maga na Sukat Ipag-aalab ng Singapore o Pasiong OFW (https://xiaochua.wordpress.com/2013/03/28/kasaysayan-ng-pasyon-ni-flor-contemplacion-at-ni-delia-maga/).

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

20 na Sukat Ipag-aalab ng Singapore o Pasiong OCW

Naglaban pa kung ano sa tatlong pelikula na ginawa ukol sa insidente ang mas maganda—ang Victim No. 1:  Delia Maga (Jesus, Pray for Us!) ni Carlo J. Caparas, ang The Flor Contemplacion Story kung saan si Flor ay ginampanan ni Nora Aunor, at ang Bagong Bayani na ginampanan naman ni Helen Gamboa.

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak.  Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak. Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor.  Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang "Bagong Bayani."

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor. Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang “Bagong Bayani.”

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa "Bagong Bayani."

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa “Bagong Bayani.”

Ang Gancayco Commission ay binuo upang muling balikan ang mga nangyari.  Ayon kay Pangulong Fidel V. Ramos, ito na ang pinakamahirap na yugto ng kanyang pagiging pangulo.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor.  Nakiisa sa kanya ang bayan.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor. Nakiisa sa kanya ang bayan. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Kung may magandang naidulot ang pangyayari, nakita ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pananalangin at nagising tayo sa sitwasyon ng mga bagong bayani na hanggang ngayon, patuloy na naiipit sa mga digmaan at kalupitan sa mga bayan na hindi kanila.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)