IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 3 April 2013: ANG PASYON NI FLOR CONTEMPLACION AT NG MGA BAGONG BAYANI

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion.  Mula sa Agence France Presse.

3 April 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=_tW0KkdUo04

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Kakatapos lamang ng Semana Santa at nagmuni-muni tayo sa Pasyon ni Hesukristo, ngayon, magmuni-muni naman tayo sa mga kababayan natin na malaki rin ang sakripisyo para sa atin—ang mga Overseas Filipino Workers.

Si Gavino "Jun" Manlutac, Jr., isang pangkaraniwang OFW patungong Iraq noong Dekada 1980s.  Uncle ko siya.

Si Gavino “Jun” Manlutac, Jr., isang pangkaraniwang OFW patungong Iraq noong Dekada 1980s. Uncle ko siya.

Minsan natanong ko mismo sa isa sa pinakamayaman sa Pilipinas, si Don Fernando Zóbel de Ayala kung kumusta ang ekonomiya ng Pilipinas.  Sabi niya sa akin, “Good, because of OFW money.”  Nabigla ako, hindi niya sinabi na dahil sa negosyo nilang mga mayayaman kundi dahil sa pinapadalang remittances ng mga OFW.

Si Xiao Chua kasama si Don Fernando Zobel de Ayala, Quiapo Church, 2005.

Si Xiao Chua kasama si Don Fernando Zobel de Ayala, Quiapo Church, 2005.

Tulad ng mga hangaway o mga mandirigmang bagani o bayani noong unang panahon na lumalaban sa ibang mga bayan upang mag-uwi ng buhay, ginhawa at dangal para sa mga kababayan, makikitang ito rin ang ginagawa ng mga OFW sa Pilipinas.  Noong Dekada 1990s ang taong sumimbolo sa pasyon na ito ay si Flor Contemplacion, ina ng apat na anak na taga San Pablo, Laguna.

Ang apat na anak ni Flor.

Ang apat na anak ni Flor.

Pangkaraniwan nang dahil sa kahirapan kaya ang mga katulad niya ay tumungo sa Singapore upang maging domestic helper.  Nang malamang uuwi ang kanyang kaibigan na si Delia Maga, binista niya ito noong May 4, 1991 upang magpadala ng mga pasalubong para sa pamilya sa Pilipinas.  Matapos ang pagbisita, natagpuang patay si Delia at ang alaga nitong si Nicholas Huang.  Hinuli si Flor, ikinulong at pinahirapan diumano sa Changi Prison, at napatunayan ng mga korte ng Singapore na nagkasala.  Ilang buwan bago siya nakatakdang bitayin, may isang OFW ang lumabas at narinig daw niya ang ama ni Nicholas Huang na nagsabi sa kanyang amo na napatay niya si Delia matapos na matagpuan na napabayaan ni Delia na malunod ang anak niyang si Nicholas.  Nakiusap ang buong Pilipinas sa Singapore na muling buksan ang kaso.  Ngunit sa kabila ng mga pagsisikap ng pamahalaan, binitay siya 18 years ago noong nakaraang buwan, March 17, 1995.  Nagalit ang bayan sa Singapore, may mga nagsunog pa ng bandila nito, dismayado rin sila sa kabiguan ng pamahalaan.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion.  Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion. Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino.  Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino. Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna.  Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna. Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Grade 4 ako noon at sa laki ng balitang ito, tumatak ito sa aking murang isipan at napasulat ako ng isang tula—Kasaysayan ng Pasion ni Flor Contemplacion at ni Delia Maga na Sukat Ipag-aalab ng Singapore o Pasiong OFW (https://xiaochua.wordpress.com/2013/03/28/kasaysayan-ng-pasyon-ni-flor-contemplacion-at-ni-delia-maga/).

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

20 na Sukat Ipag-aalab ng Singapore o Pasiong OCW

Naglaban pa kung ano sa tatlong pelikula na ginawa ukol sa insidente ang mas maganda—ang Victim No. 1:  Delia Maga (Jesus, Pray for Us!) ni Carlo J. Caparas, ang The Flor Contemplacion Story kung saan si Flor ay ginampanan ni Nora Aunor, at ang Bagong Bayani na ginampanan naman ni Helen Gamboa.

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak.  Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak. Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor.  Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang "Bagong Bayani."

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor. Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang “Bagong Bayani.”

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa "Bagong Bayani."

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa “Bagong Bayani.”

Ang Gancayco Commission ay binuo upang muling balikan ang mga nangyari.  Ayon kay Pangulong Fidel V. Ramos, ito na ang pinakamahirap na yugto ng kanyang pagiging pangulo.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor.  Nakiisa sa kanya ang bayan.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor. Nakiisa sa kanya ang bayan. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Kung may magandang naidulot ang pangyayari, nakita ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pananalangin at nagising tayo sa sitwasyon ng mga bagong bayani na hanggang ngayon, patuloy na naiipit sa mga digmaan at kalupitan sa mga bayan na hindi kanila.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

XIAO TIME, 2 April 2013: FRANCISCO BALAGTAS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

2 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=lmS6ol7EC-I Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  225 years ago ngayong araw, April 2, 1788, isinilang sa Bigaa, Bulacan si Francisco Balagtas Baltazar?  Huh?  Ano ba talaga ang apelyido ng sumulat ng Florante at Laura na pinag-aralan natin noong second year high school tayo?  Ayon sa kanyang baptismal certificate, ang kanyang pangalan ay Balagtas, ngunit nang inatasang magpalit ang mga Pilipino ng pangalan ni Gobernador Heneral Narciso Claveria, pinili niya ang apelyidong Narvaes Baltazar.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.  Mula sa Himalay.

Kaya kung tutuusin, parehong tama na gamitin ito, pero dahil mas tunog Pilipino ang Balagtas, mas ginagamit ito ng marami sa atin.  Ngunit, bakit ba isang taong pinag-aaralan ang Florante at Laura?  Bakit ba itinuturing na bayani si Balagtas e makata lang naman siya, nagsulat.  May nagawa ba siya para sa kalayaan?  Liwanagin natin.  Pag-apat na anak si Francisco ng isang panday, na sa edad lamang na 11 ay nagtungo na sa Maynila upang maging utusan ng isang mayamang taga-Tondo na pinag-aral naman siya sa Letran at sa Colegio de San José, pagiging canon lawyer, o abogado ng batas ng Santa Iglesia Catolica ang kanyang tinapos.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Isa sa nag-udyok sa kanya na maging makata ay si Padre Mariano Pilapil, siya lang naman ang gumawa ng rebisyong doktrinal sa Pasyong Mahal na malaganap na binabasa hanggang ngayon na tinatawag ding Pasyong Henesis.  Naging guro din niya ang makatang si José de la Cruz a.k.a Huseng Sisiw na tinutulungan siyang gumawa ng tula para sa mga nililigawan niya sa presyo ng isang sisiw.  Ngunit naging F.O. o friendship over raw sila dahil hindi nakapagbayad ng chicks si Francisco.

Balagtas.  Obra maestra ni Botong Francisco.  Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila.  Mula sa Himalay.

Balagtas. Obra maestra ni Botong Francisco. Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila. Mula sa Himalay.

Sa isa sa kanyang mga niligawan, isa raw nagngangalang Maria Asuncion Rivera, nagkaroon daw siya ng mayamang karibal na ipinakulong siya sa mga kasong gawa-gawa lamang.  Sa loob ng kulungan, nalaman niyang nagpakasal na ang kanyang irog sa isang mayamang si Mariano Kapule.  Ayun, pinaniniwalaang mula sa kulungan isinulat niya ang Florante at Laura na inialay niya kay Selya.  Ang clue kay Selya ay inilagay niya sa initials na M.A.R.—Maria Asuncion Rivera.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas.  Mula sa Himalay.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas. Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Nakalusot sa mga Espanyol na censors ang akda na tungkol sa tunggalian ng mga Moro at Kristiyano sa kaharian ng Albanya, nalathala, at naging bestseller ng kanyang panahon.  At napansin ng marami na mapanghimagsik pala sa Espanya ang mensahe ng akda, “Sa loob at labas ng bayan kong sawi / Kaliluha’y siyang nangyayaring hari.”

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang maagang sipi ng isang bestseller.  Mula sa Himalay.

Isang maagang sipi ng isang bestseller. Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog.  Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog. Mula sa Himalay.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura.  Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura. Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Kataksilan ang naghahari hindi sa Albanya kundi sa sarili niyang bayan.  Ayon kay Lope K. Santos, apat ang uri ng paghihimagsik na mababasa sa akda (1) himagsik laban sa malupit na pamahalaan, (2) sa hidwang pananampalataya, (3) sa maling kaugalian at (4) sa mababang uri ng panitikan.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Lope K. Santos.

Lope K. Santos.

Dala-dala ni Rizal lagi sa Europa ang aklat ni Balagtas.  Bayani siya dahil ang talento niya ay inspirasyon sa mga sumunod na bayani.  Iiwan ko kayo ng mga bilin ni Balagtas, “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad / sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (DLSU Manila / Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

Mula sa Himalay.

Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino.  Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino. Mula sa Himalay.