IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: zamboanga

XIAO TIME, 17 July 2013: ANG PANINIRAHAN NI DR. JOSE RIZAL SA DAPITAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken.  Stills  mula sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken. Stills mula sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.”

17 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=N-Df0oGj_Vw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 17, 1892.  Alas siyete ng gabi.  Sakay ng bapor Cebu, dumating si Rizal sa isla ng Dapitan, Zamboanga del Norte.

Isang lumang larawan ng Dapitan.  Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Isang lumang larawan ng Dapitan. Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan.  Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan.  Mula sa eastgatepublishing.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan. Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan. Mula sa eastgatepublishing.com.

Naramdaman niya, napakalungkot ng dalampasigan, tila madilim ang buong paligid at tanging ang liwanag lamang ng kanilang gasera ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran na puro damo!   Sinalubong siya ni Capitan Don Ricardo Carnicero y Sanchez, Comandante Politico-Militar sa lugar, at ang cura paroko, ang Heswitang si Padre Antonio Obach.  Tumira si Rizal sa bahay ni Carnicero at naging matalik silang magkaibigan.  Nang bumili siya ng parang Lucky Pick na numerong 9736 sa loterya kasama si Carnicero at isang pang Espanyol.  Nanalo sila ng ikalawang gantimpala.  Rizal??? Most famous Pinoy lotto winner??? Pwede!!!

Don Ricardo Carnicero.  Nililok ni Jose Rizal.   Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Don Ricardo Carnicero. Nililok ni Jose Rizal. Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Padre Antonio Obach.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Padre Antonio Obach. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Casa Real, ang bahay ng komandante  ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Casa Real, ang bahay ng komandante ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

At sa kanyang share na Php 6,200.00, binayaran niya ang kanyang mga utang, bumili ng lupa sa tabing dagat sa Dapitan upang magsaka at kung saan din siya magtatatag ng libreng paaralan at klinika para sa mga mahihirap, at ang natira ay ibinigay niya sa pamilya.  Dahil bored siya, sinabi niya marahil, e bakit hindi ko nalang gawing exciting ang bayan na ito.  Gumawa siya ng iba’t ibang hugis ng bahay at sinubukang mag-inhinyero at gumawa ng dam upang umagos ang malinis na tubig mula sa kabundukan patungo sa kanyang lupaing tinawag niyang Talisay.

Talisay, Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Talisay, Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Casa Cuadrada.  Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Cuadrada. Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Octagonal

Casa Octagonal

Guhit ni Rizal ng Talisay.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Guhit ni Rizal ng Talisay. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Nang bisitahin siya ng kanyang paboritong guro sa Ateneo na si Padre Francisco de Paula Sanchez, gumawa sila sa plaza ng isang relief map ng Mindanao upang ituro ang isla sa mga tao.  Magiging inspirasyon ito para sa relief map ng buong bansa na itatayo sa Rizal Park, Luneta.  Kahit kumikita sa kanyang mga pananim, hindi siya nagdamot.  Lumikha siya ng kooperatiba ng mga mangangalakal ng abaka at nag-iwan pa siya ng makinarya mula sa ibang bansa upang magamit nila.  Nangolekta ng mga iba’t ibang species ng mga hayop at insekto na ipinapadala naman niya sa Europa.  At dahil mga bagong tuklas pala niya ang ilan sa mga ito, ipinangalan ang mga ito sa kanya—Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J..  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J.. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Ang mga bagong species ng mga hayup na ipinangalan kay Rizal ng mga siyentipiko sa Euro:  Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kwento ni Dr. Ambeth Ocampo, sumulat si Rizal sa mga kapatid upang magpadala ng mga lambat, kahit na sila ay nasa tabing dagat, walang marunong mangisda.  Nang dumating ang mga lambat napagtanto niya, hindi rin siya marunong mangisda kaya sumunod na nagpadala na rin si Rizal ng magtuturo sa kanilang mangisda.  Nang iwan niya ang Dapitan patungo sa kanyang kamatayan noong 1896, nag-iiyakan ang mga tao.  Iniwan niya ang Dapitan na mas makulay at maunlad.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."  Mula sa "Rizal:  In Excelsis" ng Studio 5 Designs.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.” Mula sa “Rizal: In Excelsis” ng Studio 5 Designs.

Madalas na hindi naituturo sa klase, ang mga taon sa Dapitan ni Rizal ang kung tutuusin pinakaproduktibo at pinakamahalaga, sapagkat lahat ng magagawa niya doon kung nabigyan siya ng pagkakataong maglingkod sa bayan at itatag ang bansa ay nagawa niya doon.  Puwede palang baguhin ng isang tao ang bayan—ng isang one-man NGO!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAOTIME, 5 November 2012: CESAR CLIMACO, Isang Makulay na Personalidad sa Ating Makabagong Kasaysayan

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 5 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Mayor Cesar Climaco, kuha ni Carl Kuntze.

5 November 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=4YxTr7vnO6s&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay po ang episode na ito sa isang bagong History organization sa Western Mindanao State University sa Zamboanga City, ang Histourists.   Sana huwag kayong magpaawat sa pagtataguyod ng kasaysayan!  Tungkol sa bayan ninyo ang episode na ito.  Ngayon, wala nang hindi nakakakilala kay Jesse Manalastas Robredo, ang malinis at simpleng dating Secretary ng Department of Interior and Local Government na nag-angat sa Naga upang maging isa sa mga pinakamaunlad na lungsod sa Pilipinas habang nagwawalis mismo ng kalsada at naglalaro ng basketball kasama ng mga kabataan.  Para sa kanyang “new brand of leadership that privileges accountability, transparency, effective city management and governance” ginawaran siya ng Ateneo de Zamboanga University noong 2008 ng Mayor Cesar Climaco Award.  Cesar Cortez Climaco, huh??? Who’s that Pokemón???  Siya ang maituturing na Jesse Robredo ng kanyang panahon.   Si Cesar ay isinilang noong 1916 at nagtapos ng pag-aabogasya sa Unibersidad ng Pilipinas bago magsimula ang digmaan.  Habang nag-aaral, umekstra rin na naging janitor ng Court of Appeals.  Unang inatasang maging mayor ng Zamboanga City noong 1951 at nahalal ng maraming beses sa iba’t ibang panahon.  Sumama siya sa Operation Brotherhood ng Jaycees at tumulong sa mga sinasalanta ng Digmaang Vietnam, naging Komisyunado rin siya ng Customs.  Nang ipataw ang Batas Militar noong 1972, nagpatapon ng Amerika at sinabi niya na hindi magpapagupit hangga’t hindi nagtatapos ang diktadurang Marcos, ala Macario Sakay!  Bumalik sa Pilipinas noong 1976 at nagbalik bilang alkalde ng Zamboanga noong 1980.  Hindi suhol kundi kendi ang bigay niya sa mga bata na sasalubungin siya habang sakay ng kanyang motorsiklo.  Laging isinisigaw at kinakanta ng mga bata ang kanyang pangalan.  Naging maganda rin ang pakikitungo niya sa mga kapatid nating Muslim.  Ngunit tinuligsa niya kawalang aksyon ng mga pulis at militar, may scorecard siya sa labas ng City Hall ng mga hindi nalulutas na krimen at siya mismo ang rumeresponde sa mga mararahas na pangyayari, tinatakot ang mga siga, dinidis-armahan ang mga pulis na natutulog on duty.  Pero ayaw niyang magdala ng baril at at mga bodyguard.  Sa kabila ng pagiging kritiko niya kay Marcos, naaanyayahan pa siya sa Palasyo sapagkat napapatawa niya ang presidente.  Ngunit noong mapaslang ang kaibigan niyang si Ninoy Aquino, nagpatayo siya ng monumento sa pader para dito na may nakalagay na si Ninoy ay pinaslang sa ilalim ng panguluhan ni Ferdinand E. Marcos—Son of Batac (SOB).

Monumento ni Ninoy Aquino na itinatag ni Mayor Cesar Climaco, mula sa mga koleksyon ng larawan ni John L. Shinn, III ng LA Zamboanga Times.

28 years ago sa susunod na linggo, Nobyembre 14, 1984, bago rumisponde sa isang sunog, nakita niya ang ilang kabaong sa isang punerarya at sinabing, “Ireserba niyo ang isa para sa akin.”  Sa pook ng sunog, pauwi na si Climaco at sumakay na ng kanyang motorsiklo nang bigla na lamang siyang binaril.

Si Cesar Climaco sa loob ng kanyang kabaong, mula sa mga koleksyon ng larawan ni John L. Shinn, III ng LA Zamboanga Times.

Namatay si Cesar Climaco na naglilingkod sa bayan, inilibing na bayani ng kanyang mga kababayan.  Sana hindi natin makalimutan si Cesar Climaco, bayani na, cool pa.  “Ai si Cesar, ai si Cesar, ai si Cesar Climaco, maskin byeho pero macho, ai si Cesar Climaco!”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 29 October 2012)

Nilibing na bayani sa Mayor Climaco, mula sa mga koleksyon ng larawan ni John L. Shinn, III ng LA Zamboanga Times.