IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: ambeth

CELEBRATING THE FIRST ANNIVERSARY OF XIAO CHUA’S BLOG “IT’S XIAOTIME!”

anniversary-1x

Salamat sa lahat ng nagbabasa at gumagamit ng mga materyal mula sa blog na ito lalo na ang mga guro ng kasaysayan.  Para po talaga ito sa inyong lahat.  Para po ito sa ating mga Pilipino.  Salamat sa Panginoon at sa inyong lahat na binigyan ninyo ako ng pagkakataon na maglingkod sa inyo sa pamamagitan ng blog na ito atng telebisyon. Salamat po!

First post for this blog:  https://xiaochua.net/2012/08/12/walking-histor/

which was dedicated to Dr. Ambeth R. Ocampo, whose birthday we celebrate tomorrow, for bringing me to the journey of history with his book Rizal Without The Overcoat when I was in grade 5.  Reading him and trying to catch his tone I first realized how I wanted to be a cool history teacher just like him.

XIAO TIME, 31 July 2013: ANG KODIGO NI KALANTIAW

PARA SA TUNAY NA KALANTIAW, TUMUNGO SA BABA NG PAGE NA ITO MATAPOS BASAHIN ANG ARTIKULO.

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Kalantiaw at Lubluban.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Kalantiaw at Lubluban. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

31 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=uTSXeZSLVnA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong 1913, may natagpuan na dokumento na pinamagatang Ancient Legends of the Island of Negros na isinulat ng isang prayleng Espanyol na nagngangalang José María Pavon.  At dito makikita ang sinasabing 18 mga sinaunang batas ng mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol na isinulat diumano ng isang nagngangalang Kalantiaw at nilikha sa Aklan noong 1433.

Mga dahon kung saan raw  nakasulat ang Kodigo ni Kalantiaw.  Nawasak noong digmaan.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ayon sa batas na ito, kung ikaw ay nakapatay, nagnakaw o sinaktan ang mga matatanda, ikaw ay itatali sa isang bato at ibubulid sa ilog o kumukulong tubig.  Gayundin, kung malaki utang mo sa datu na hindi mo nabayaran, tatlong beses na ang iyong kamay ay ibubulid sa kumukulong tubig.  Wala ring sinuman ang bibigay sa labis na tawag ng laman o magkaroon ng mga asawang ubod ng bata dahil sa unang beses na gawin mo ito, ikaw ay palalanguyin ng tatlong oras at sa ikalawa naman ay hahampasin hanggang mamatay sa pamamagitan ng latigong may mga tinik.  Hindi rin dapat gambalain ang kapayapaan ng mga libingan, dahil hahampasin ng latigong may tinik hanggang mamatay.  Papatawan ng parusang bitay ang makapatay ng pating o buwaya na may stripes.  Huh?? So pwede kung walang stripes?

Bitay para sa papatay ng buwaya na may stripes.

Bitay para sa papatay ng buwaya na may stripes.

Gayundin, kamatayan din kung mamamana ka sa gabi sa mga matatandang babae at lalaki.  So, ok lang kung mamana sa araw ng mga bata?  Gagawin ka namang alipin kung may-ari ka ng aso na kumagat sa datu.  Papaluin naman sa loob ng dalawang araw ang mga mga umaawit habang naglalakbay sa gabi!  Whaaaaat???

Hahampasin ng dalawang araw ang mga umaawit kapag naglalakbay sa gabi.

Hahampasin ng dalawang araw ang mga umaawit kapag naglalakbay sa gabi.

Ipapakagat ka naman sa mga langgam sa loob ng kalahating araw kung ikaw ay makapatay ng itim na pusa kapag new moon.  So ok lang kung puting pusa kapag full moon.

Kapag pumatay ka ng itim na pusa, ipapakagat ka sa langgam sa loob ng kalahating araw.  So ok lang kung ang pusang ito, hahaha.

Kapag pumatay ka ng itim na pusa, ipapakagat ka sa langgam sa loob ng kalahating araw. So ok lang kung ang pusang ito, hahaha.

Susunugin naman ang mga eetyas kung saan sinasamba ang mga anito.  Sa matagal na panahon, ginawa itong ebidensya na mayroon na tayong sinaunang batas, nilagay si Kalantiaw sa sining, sa selyo, naisulat sa bakal, at naging pangalan ng dekorasyon para sa mga retiradong punong hurado ng Korte Suprema—ang Order of Kalantiaw.

Ang pahina sa aklat nina Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, "History of the Filipino People" na nagpapakita ng pahina  ukol sa Kodigo ni Kalantiaw.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang pahina sa aklat nina Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, “History of the Filipino People” na nagpapakita ng pahina ukol sa Kodigo ni Kalantiaw. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Rajah Kalantiaw sa sining.

Rajah Kalantiaw sa sining.

Si Marcos bilang tagapagmana ni Kalantiaw, ang pinakaunang tagapagbatas.  Obra ni Leonardo Cruz.

Si Marcos bilang tagapagmana ni Kalantiaw, ang pinakaunang tagapagbatas. Obra ni Leonardo Cruz.

Ang selyo bilang parangal kay Rajah Kalantiaw.

Ang selyo bilang parangal kay Rajah Kalantiaw.

Marker para kay Rajah Kalantiaw sa Aklan.

Marker para kay Rajah Kalantiaw sa Aklan.

RPS Datu Kalantiaw nang sumayad sa dalampasigan ng Calayan, September 21, 1981 (anibersaryo ng Batas Militar.  79 ng 97 na mga tauhan nito ang namatay, ang pinakamalalang sakuna sa Philippine Navy.

RPS Datu Kalantiaw nang sumayad sa dalampasigan ng Calayan, September 21, 1981 (anibersaryo ng Batas Militar. 79 ng 97 na mga tauhan nito ang namatay, ang pinakamalalang sakuna sa Philippine Navy.  Mula sa Wikipedia

Napakalupit naman pala ng mga ninuno natin at ang sabaw lang nila.  Buti nalang, napatunayan ng isang dayuhang iskolar, si William Henry Scott, na pekeng dokumento ito na nilagay ng isang nagngangalang Jose Marco.  Ayon kay Ambeth Ocampo sa kanyang katatapos pa lamang na lektura sa Ayala Museum, marami pang mga dokumentong pagkasaysayan ang pineke ni Jose Marco, maging ang nobela raw ni Padre Burgos na La Loba Negra.

William Henry Scott

William Henry Scott

Jose Marco

Jose Marco

Sinaunang kalendaryo raw ng mga sinaunang Pilipino na gawa ni... Jose Marco.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Sinaunang kalendaryo raw ng mga sinaunang Pilipino na gawa ni… Jose Marco. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Orihinal na manuskrito ng La Loba Negra na sinulat raw ni Padre Jose Burgos na gawa pala ni... Jose Marco.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Orihinal na manuskrito ng La Loba Negra na sinulat raw ni Padre Jose Burgos na gawa pala ni… Jose Marco. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ngunit bakit nagtagumpay si Marco sa krimen niyang ito na pekehin ang nasyon?  Ayon kay Ambeth, sa pagnanais natin na likhain ang bansa—forge the nation, napeke ni Marco ang bansa—forge the nation.  Sa panahon na naghahanap tayo ng ginintuang nakaraan, lumikha siya nito para sa atin.

Ang poster ng katatapos lamang na lektura ni Dr. Ambeth R. Ocampo noong July 20, 2013 sa Ayala Museum.

Ang poster ng katatapos lamang na lektura ni Dr. Ambeth R. Ocampo noong July 20, 2013 sa Ayala Museum.

Si Ambeth Ocampo sa kanyang July 20, 2013 lecture sa Ayala Museum.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Ambeth Ocampo sa kanyang July 20, 2013 lecture sa Ayala Museum. Kuha ni Xiao Chua.

Ang mga tao ay naisyahan sa lektura ni Dr. Ambeth Ocampo.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua at mga kasama--tagahanga lahat ni Sir Ambeth.  Mula kay MJ Numerosa Beldera ng Holy Spirit National High School.

Si Xiao Chua at mga kasama–tagahanga lahat ni Sir Ambeth. Mula kay MJ Numerosa Beldera ng Holy Spirit National High School.

Ngayon, mas marami nang eksperto sa iba-ibang disiplina ng Agham Panlipunan na mas maingat sa pagsusuri ng mga datos at dokumento sa pagsasalaysay ng kwento ng bayan kaya harinawa hindi na maloko ang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Sa taxi, 25 July 2013)

Ang tunay na Kalantiaw?  Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw? Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw?  Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw? Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

XIAO TIME, 17 July 2013: ANG PANINIRAHAN NI DR. JOSE RIZAL SA DAPITAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken.  Stills  mula sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken. Stills mula sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.”

17 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=N-Df0oGj_Vw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 17, 1892.  Alas siyete ng gabi.  Sakay ng bapor Cebu, dumating si Rizal sa isla ng Dapitan, Zamboanga del Norte.

Isang lumang larawan ng Dapitan.  Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Isang lumang larawan ng Dapitan. Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan.  Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan.  Mula sa eastgatepublishing.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan. Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan. Mula sa eastgatepublishing.com.

Naramdaman niya, napakalungkot ng dalampasigan, tila madilim ang buong paligid at tanging ang liwanag lamang ng kanilang gasera ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran na puro damo!   Sinalubong siya ni Capitan Don Ricardo Carnicero y Sanchez, Comandante Politico-Militar sa lugar, at ang cura paroko, ang Heswitang si Padre Antonio Obach.  Tumira si Rizal sa bahay ni Carnicero at naging matalik silang magkaibigan.  Nang bumili siya ng parang Lucky Pick na numerong 9736 sa loterya kasama si Carnicero at isang pang Espanyol.  Nanalo sila ng ikalawang gantimpala.  Rizal??? Most famous Pinoy lotto winner??? Pwede!!!

Don Ricardo Carnicero.  Nililok ni Jose Rizal.   Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Don Ricardo Carnicero. Nililok ni Jose Rizal. Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Padre Antonio Obach.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Padre Antonio Obach. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Casa Real, ang bahay ng komandante  ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Casa Real, ang bahay ng komandante ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

At sa kanyang share na Php 6,200.00, binayaran niya ang kanyang mga utang, bumili ng lupa sa tabing dagat sa Dapitan upang magsaka at kung saan din siya magtatatag ng libreng paaralan at klinika para sa mga mahihirap, at ang natira ay ibinigay niya sa pamilya.  Dahil bored siya, sinabi niya marahil, e bakit hindi ko nalang gawing exciting ang bayan na ito.  Gumawa siya ng iba’t ibang hugis ng bahay at sinubukang mag-inhinyero at gumawa ng dam upang umagos ang malinis na tubig mula sa kabundukan patungo sa kanyang lupaing tinawag niyang Talisay.

Talisay, Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Talisay, Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Casa Cuadrada.  Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Cuadrada. Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Octagonal

Casa Octagonal

Guhit ni Rizal ng Talisay.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Guhit ni Rizal ng Talisay. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Nang bisitahin siya ng kanyang paboritong guro sa Ateneo na si Padre Francisco de Paula Sanchez, gumawa sila sa plaza ng isang relief map ng Mindanao upang ituro ang isla sa mga tao.  Magiging inspirasyon ito para sa relief map ng buong bansa na itatayo sa Rizal Park, Luneta.  Kahit kumikita sa kanyang mga pananim, hindi siya nagdamot.  Lumikha siya ng kooperatiba ng mga mangangalakal ng abaka at nag-iwan pa siya ng makinarya mula sa ibang bansa upang magamit nila.  Nangolekta ng mga iba’t ibang species ng mga hayop at insekto na ipinapadala naman niya sa Europa.  At dahil mga bagong tuklas pala niya ang ilan sa mga ito, ipinangalan ang mga ito sa kanya—Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J..  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J.. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Ang mga bagong species ng mga hayup na ipinangalan kay Rizal ng mga siyentipiko sa Euro:  Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kwento ni Dr. Ambeth Ocampo, sumulat si Rizal sa mga kapatid upang magpadala ng mga lambat, kahit na sila ay nasa tabing dagat, walang marunong mangisda.  Nang dumating ang mga lambat napagtanto niya, hindi rin siya marunong mangisda kaya sumunod na nagpadala na rin si Rizal ng magtuturo sa kanilang mangisda.  Nang iwan niya ang Dapitan patungo sa kanyang kamatayan noong 1896, nag-iiyakan ang mga tao.  Iniwan niya ang Dapitan na mas makulay at maunlad.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."  Mula sa "Rizal:  In Excelsis" ng Studio 5 Designs.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.” Mula sa “Rizal: In Excelsis” ng Studio 5 Designs.

Madalas na hindi naituturo sa klase, ang mga taon sa Dapitan ni Rizal ang kung tutuusin pinakaproduktibo at pinakamahalaga, sapagkat lahat ng magagawa niya doon kung nabigyan siya ng pagkakataong maglingkod sa bayan at itatag ang bansa ay nagawa niya doon.  Puwede palang baguhin ng isang tao ang bayan—ng isang one-man NGO!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 11 July 2013: REYNA NG KUNDIMAN, ATANG DELA RAMA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan.  Mula sa digitaleducation.net.

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan. Mula sa digitaleducation.net.

11 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=tMwHNPd5RgM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong November 1979, isang babae ang kumanta ng huling nota ng awit na “Nabasag ang Banga” na nagpatili at nagpahiyaw sa mga tao.  Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, hindi ito nakapagtataka sa panahon na iyon na hawakan lang ni Nora Aunor ang mikropono ay nagsisigawan na ang mga tao, ngunit hindi superstar o pop princess o international singing sensation ang nagtatanghal, kundi isang 74-year old na lola, nakuba na dahil sa kanyang matandang edad at dahil sa isang aksidente, puro ugat na ang kanyang mga kamay, nang tanghaling “Reyna ng Kundiman.”

Lola Atang, Reyna ng Kundiman.  Mula sa manilagrandopera.com.

Lola Atang, Reyna ng Kundiman. Mula sa manilagrandopera.com.

Sabi ng isang guro sa mga manonood, “Walang makakapantay kay Atang!”  Sabi ng katabi niyang nakabarong, “Natural kasi, nasa dugo.”  Isinilang si Honorata de la Rama sa Pandacan, Maynila noong January 11, 1902.  Maagang naulila si Atang at inalagaan ng isang babaeng taga Gagalangin, Tondo na may asawang kompositor.  Kaya pitong taong gulang pa lamang gumanap na sa mga sarswela.

Atang de la Rama.  Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama. Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Atang de la Rama. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Minsan, ikinuwento niya sa historyador na si Dr. Ambeth Ocampo na noong 10 years old siya, habang nageensayo sa Lucena, sinundo siya ng isang lalaking nakakabayo na kilala sa tawag na “Kastila,” isinakay siya sa isa sa mga kaing ng kabayo.  Tahimik lang si “Kastila” pero sa mahabang paglalakbay paminsan ay pinapaawit na lamang siya, nainis ang bata sapagkat mainit ang byahe.  Nang umabot sa isang ilog, sumakay sila sa casco at pinakain ng kain, kamatis at isda, lumamon nang lumamon ang bata sa gutom.  Matapos ang isang araw na paglalakbay, Baler pala ang kanilang destinasyon at sa isang malaking bahay, ang kaniya palang aawitan noong gabing iyon ay si Doña Aurora Aragon.

Atang de la Rama kasama si Ambeth Ocampo.  Ikinuwento ni Ka Atang kay Sir Ambeth na nang tumungo siya sa malaking bahay sa Baler, tinanong siya ng gitarista, ano ba ang nais niyang kantahin.  Sagot ni Ka Atang, kahit na anong kaya mong tugtugin.  Ganoon kagaling si Ka Atang, kahit hindi niya alam ang kanta, madali niyang makuha ang himig at madali niyang maimbento ang mga titik.  Pagdating ng panahon siya na mismo ang susulat ng sarili niyang mga sarswela.  Sabi niya kay Sir Ambeth “Marami kang dapat matutunan mula sa iyong Lola Atang.”  Mula sa peysbuk ni Sir Ambeth.

Dona Aurora Aragon Quezon.  Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Dona Aurora Aragon Quezon. Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Pinaharana sa kanya ng “Kastila” na si Manuel Quezon.  Hindi niya sukat akalain na magiging pangulo siya ng Pilipinas at aawit muli para sa kanya sa Palasyo ng Malacañan.  Sisikat ng husto sa sarswela na Dalagang Bukid noong 15-taong gulang siya at magiging artista rin sa movie version nito, ang unang aktres sa unang Tagalog film na pinrodyus ng Ama ng Pelikulang Pilipino Jose Nepomuceno.

Atang de la Rama.  Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Atang de la Rama. Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino.  Mula kay Dennis Villegas.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino. Mula kay Dennis Villegas.

Mahiwagang Binibini.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Mahiwagang Binibini. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Dugong Silangan.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Dugong Silangan. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Hindi lang ito kabuhayan para sa kanya, naniniwala siyang musika ang kaluluwa ng bansa.  Itataguyod niya ang kundiman at pasisikatin ang mga kantang “Bayan Ko!” “Mutya ng Pasig” at marami pang iba.  Noong pumunta sa Japan noong 1925, nakilala niya si Artemio Ricarte, heneral na hindi sumuko sa mga Amerikano.  Noong 1932, pinakasalan ang makabayang manunulat Ka Amado V. Hernandez, na nang ikulong matapos ang digmaan sa bintang na rebelyon at nang mamatay noong 1970, si Atang ang nagpatuloy ng kanyang mga ipinaglalaban, nagsasalita sa mga kabataan.

Atang de la Rama

Atang de la Rama

Atang de la Rama.  Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama. Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Atang de la Rama. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Heneral Artemio Ricarte.

Heneral Artemio Ricarte.

Ka Amado V. Hernandez.

Ka Amado V. Hernandez.

Bayan Ko.  Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino.  Musika ni Constancio de Guzman.

Bayan Ko. Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino. Musika ni Constancio de Guzman.

Noong 1987, itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining, naabutan pa si Sharon Cuneta, at naabutan pa nang ang kanyang kantang pinasikat, ang “Bayan Ko” ay magiging awit ng Himagsikang EDSA na tiningala sa daigdig.  Namatay si Ka Atang, 22 years ago, July 11, 1991.  Ka Atang de la Rama, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)