XIAO TIME, 11 July 2013: REYNA NG KUNDIMAN, ATANG DELA RAMA

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan.  Mula sa digitaleducation.net.

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan. Mula sa digitaleducation.net.

11 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=tMwHNPd5RgM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong November 1979, isang babae ang kumanta ng huling nota ng awit na “Nabasag ang Banga” na nagpatili at nagpahiyaw sa mga tao.  Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, hindi ito nakapagtataka sa panahon na iyon na hawakan lang ni Nora Aunor ang mikropono ay nagsisigawan na ang mga tao, ngunit hindi superstar o pop princess o international singing sensation ang nagtatanghal, kundi isang 74-year old na lola, nakuba na dahil sa kanyang matandang edad at dahil sa isang aksidente, puro ugat na ang kanyang mga kamay, nang tanghaling “Reyna ng Kundiman.”

Lola Atang, Reyna ng Kundiman.  Mula sa manilagrandopera.com.

Lola Atang, Reyna ng Kundiman. Mula sa manilagrandopera.com.

Sabi ng isang guro sa mga manonood, “Walang makakapantay kay Atang!”  Sabi ng katabi niyang nakabarong, “Natural kasi, nasa dugo.”  Isinilang si Honorata de la Rama sa Pandacan, Maynila noong January 11, 1902.  Maagang naulila si Atang at inalagaan ng isang babaeng taga Gagalangin, Tondo na may asawang kompositor.  Kaya pitong taong gulang pa lamang gumanap na sa mga sarswela.

Atang de la Rama.  Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama. Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Atang de la Rama. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Minsan, ikinuwento niya sa historyador na si Dr. Ambeth Ocampo na noong 10 years old siya, habang nageensayo sa Lucena, sinundo siya ng isang lalaking nakakabayo na kilala sa tawag na “Kastila,” isinakay siya sa isa sa mga kaing ng kabayo.  Tahimik lang si “Kastila” pero sa mahabang paglalakbay paminsan ay pinapaawit na lamang siya, nainis ang bata sapagkat mainit ang byahe.  Nang umabot sa isang ilog, sumakay sila sa casco at pinakain ng kain, kamatis at isda, lumamon nang lumamon ang bata sa gutom.  Matapos ang isang araw na paglalakbay, Baler pala ang kanilang destinasyon at sa isang malaking bahay, ang kaniya palang aawitan noong gabing iyon ay si Doña Aurora Aragon.

Atang de la Rama kasama si Ambeth Ocampo.  Ikinuwento ni Ka Atang kay Sir Ambeth na nang tumungo siya sa malaking bahay sa Baler, tinanong siya ng gitarista, ano ba ang nais niyang kantahin.  Sagot ni Ka Atang, kahit na anong kaya mong tugtugin.  Ganoon kagaling si Ka Atang, kahit hindi niya alam ang kanta, madali niyang makuha ang himig at madali niyang maimbento ang mga titik.  Pagdating ng panahon siya na mismo ang susulat ng sarili niyang mga sarswela.  Sabi niya kay Sir Ambeth “Marami kang dapat matutunan mula sa iyong Lola Atang.”  Mula sa peysbuk ni Sir Ambeth.

Dona Aurora Aragon Quezon.  Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Dona Aurora Aragon Quezon. Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Pinaharana sa kanya ng “Kastila” na si Manuel Quezon.  Hindi niya sukat akalain na magiging pangulo siya ng Pilipinas at aawit muli para sa kanya sa Palasyo ng Malacañan.  Sisikat ng husto sa sarswela na Dalagang Bukid noong 15-taong gulang siya at magiging artista rin sa movie version nito, ang unang aktres sa unang Tagalog film na pinrodyus ng Ama ng Pelikulang Pilipino Jose Nepomuceno.

Atang de la Rama.  Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Atang de la Rama. Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino.  Mula kay Dennis Villegas.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino. Mula kay Dennis Villegas.

Mahiwagang Binibini.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Mahiwagang Binibini. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Dugong Silangan.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Dugong Silangan. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Hindi lang ito kabuhayan para sa kanya, naniniwala siyang musika ang kaluluwa ng bansa.  Itataguyod niya ang kundiman at pasisikatin ang mga kantang “Bayan Ko!” “Mutya ng Pasig” at marami pang iba.  Noong pumunta sa Japan noong 1925, nakilala niya si Artemio Ricarte, heneral na hindi sumuko sa mga Amerikano.  Noong 1932, pinakasalan ang makabayang manunulat Ka Amado V. Hernandez, na nang ikulong matapos ang digmaan sa bintang na rebelyon at nang mamatay noong 1970, si Atang ang nagpatuloy ng kanyang mga ipinaglalaban, nagsasalita sa mga kabataan.

Atang de la Rama

Atang de la Rama

Atang de la Rama.  Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama. Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Atang de la Rama. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Heneral Artemio Ricarte.

Heneral Artemio Ricarte.

Ka Amado V. Hernandez.

Ka Amado V. Hernandez.

Bayan Ko.  Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino.  Musika ni Constancio de Guzman.

Bayan Ko. Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino. Musika ni Constancio de Guzman.

Noong 1987, itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining, naabutan pa si Sharon Cuneta, at naabutan pa nang ang kanyang kantang pinasikat, ang “Bayan Ko” ay magiging awit ng Himagsikang EDSA na tiningala sa daigdig.  Namatay si Ka Atang, 22 years ago, July 11, 1991.  Ka Atang de la Rama, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)