IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: Quezon

XIAO TIME, 2 August 2013: ANG MAKULAY NA KARERA NI MANUEL LUIS QUEZON

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang gwapong mestisuhin na tinawag na "Kastila" bilang Resident Commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang gwapong mestisuhin na tinawag na “Kastila” bilang Resident Commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

2 August 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=nGy3n-qkITI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  135 years ago, August 19, 1878, isinilang si Manuel Luis Quezon y Molina sa Baler Tayabas.  Ang ama niya ay retirading sarhento ng Hukbong Espanyol at parehong guro rin ang kanyang mga magulang.  Minsan daw nakita ng ama na nakipag-away sa mga kapwa bata.  Nang itanggi niya ito nang tanungin, talagang sinampal siya ng kanyang ama at sinabing, “Hindi dapat igalang ang sinungaling at dapat pa ngang insultuhin.  Magsabi palagi ng totoo, anuman ang ibunga nito.”  At dito raw natutunan ni Quezon ang maging tapat.  Well, nag-aral siya sa Letran, summa cum laude si koya.  Sa UST, nakasalumuha niya sina Sergio Osmeña at Emilio Jacinto.  Sa panahon ng Himagsikang Pilipino, napatay ang kanyang ama at kapatid.  Sa kabila nito, lumaban sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano sa panig ng ating republika.

Manuel Quezon ar Sergio Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Manuel Quezon ar Sergio Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Manuel Quezon, rebolusyunaryo.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Piknik sa Baler para kay Manuel, 1906.  Si Quezon ang Mr. Suave, si Aurora ang babaeng nakaupo sa kaliwa.  Siya ang pinsan at future wife niya.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Nang mabalitaan niya na sumuko na si Heneral Aguinaldo, hindi siya makapaniwala.  Kaya siya sumuko at pinuntahan sa kulungan ng Malacañan si Heneral Emilio Aguinaldo, kumbinsido na siya.  Nang makapasa sa eksaminasyong bar, nagbalik siya sa Tayabas at nagbigay ng libreng serbisyo sa mahihirap at naglantad ng mga ilegal na kabulastugan ng isang Amerikanong abogado.  Nahalal siyang piskal at gobernador ng Tayabas at noong 1907 nahalal na kinatawan ng Tayabas sa unang Philippine Assembly at naging majority floor leader nito.  Si Sergio Osmeña naman ay naging Speaker.  Dito na nagsimula ang kanilang kalahating siglong pamamayagpag ng magkaribal na ito sa pulitika ng Pilipinas.

Quezon bilang Kinatawan ng Tayabas.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon bilang Kinatawan ng Tayabas. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Ispiker ng Kapulungang Pilipino.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Ispiker ng Kapulungang Pilipino. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon at Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon at Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Majority Floor Leader.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Majority Floor Leader. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Sa kalaunan si Quezon ay naging Resident Commissioner sa Washington (1909-1916) at Pangulo ng Senado (1918).  Nang ikampanya ni Osmeña sa Senado ng Estados Unidos ang Hare-Hawes Cutting Act na siyang magbibigay sa atin ng sampung taong komonwelt bago isauli ng mga Amerikano ang kasarinlan natin, hinarang ito ni Quezon at nagtagumpay sa kampanyang huwag itong manalo sa plebisito.  Nang siya naman ang nagkaroon ng pagkakataong mag-lobby para sa Batas Tydings-McDuffie, kahit walang ipinagkaiba ito, ikinampanya pa rin niya ito, nagtagumpay at siya ang nakakuha ng pagkilala ng bayan.

Si Quezon bilang Resident Commissioner.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Farewell speech ni Quezon bilang Resident Commissioner sa Kongreso ng Amerika.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Farewell speech ni Quezon bilang Resident Commissioner sa Kongreso ng Amerika. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Pangulo ng Senado.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Pangulo ng Senado. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena at Quezon kasama si Gobernador Heneral Francis Burton Harrison.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena at Quezon kasama si Gobernador Heneral Francis Burton Harrison. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena habang ikinakampanya ang Hare-Hawes-Cutting Act.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena habang ikinakampanya ang Hare-Hawes-Cutting Act. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang pagkampanya ni Quezon laban sa Hare-Hawes-Cutting Act.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang pagkampanya ni Quezon laban sa Hare-Hawes-Cutting Act, in fairness naka-jacket. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Nang itatag ang pamahalaang Komonwelt noong 1935, siya ang nanumpang pangulo at si Osmeña naman ang pangalawang pangulo.  Maraming kontradiksyon sa kasaysayan ni Quezon.  Na siya raw ang unang tunay na diktador sa Pilipinas sa lakas ng kanyang panguluhan, na kahit nangampanya siya para sa kalayaan ay kinonsidera niya na isali tayo sa British Commonwealth kapag umalis ang mga Amerikano, na siya raw ang template ng modernong tradisyunal na pulitiko.

Si Quezon at kabiyak na si Aurora sa kanilang pagdating sa kanyang inagurasyon.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon at kabiyak na si Aurora sa kanilang pagdating sa kanyang inagurasyon. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang panunumpa ni Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt sa harapan ng gusali ng lehislatura (ngayon ay National Art Gallery) noong November 15, 1935.  Mula kay Carlos Quirino.

Ang panunumpa ni Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt sa harapan ng gusali ng lehislatura (ngayon ay National Art Gallery) noong November 15, 1935. Mula kay Carlos Quirino.

Si Quezon habang umaastang astig.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang umaastang astig. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nagsusuot ng Barong Tagalog.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nagsusuot ng Barong Tagalog. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isang larawan ni Quezon habang nagtatalumpati.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isang larawan ni Quezon habang nagtatalumpati. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ngunit, hindi rin maikakaila ang kanyang malaking kontribusyon sa bayan, ang kanyang konsepto ng “Social Justice”—ipinabili niya sa pamahalaan ang mga malalaking lupain at ibinebenta ito sa mga kasama sa mababang halaga, sinuportahan niya ang karapatan ng mga kababaihan na bumoto, at ginawa niyang batayan ang Tagalog upang maging wikang pambansa.

Si Quezon sa isa kanyang mga inspection trips.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon sa isa kanyang mga inspection trips. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nilalagdaan ang pagboto ng mga kababaihan.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nilalagdaan ang pagboto ng mga kababaihan. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Lumikas nang sumiklab ang digmaan at tumungo sa Estados Unidos kung saan niya itinatag ang Philippine Governement-in-exile, kung saan na siya naabutan ng kamatayan, 69 years ago, August 1, 1944.

Ang Philippine Commonwealth Government-in-Exile.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang Philippine Commonwealth Government-in-Exile. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Pangulong Quezon habang nagsasalita sa Kongreso ng Amerika.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Pangulong Quezon habang nagsasalita sa Kongreso ng Amerika. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon kasama ang kanyang gabineta sa kanyang sick bed.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon kasama ang kanyang gabineta sa kanyang sick bed. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isa sa mga huling larawan ni Quezon na buhay ay kasama pa rin niya ang kanyang karibal at matalik na kaibigan na si Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isa sa mga huling larawan ni Quezon na buhay ay kasama pa rin niya ang kanyang karibal at matalik na kaibigan na si Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nakaburol sa Amerika.  Mula sa Quezon City Council:  History and Legacy.

Si Quezon habang nakaburol sa Amerika. Mula sa Quezon City Council: History and Legacy.

Quezon Memorial Monument.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Memorial Monument. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Sarcophagus.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Sarcophagus. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ngayon nakalibing si Quezon sa ilalim ng monumentong ito sa lungsod na ipinangalan sa kanya, na tulad ng dakilang si Napoleon, nakaangat ang kanyang puntod sa lupa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument na may 66 metrong taas na kumakatawan sa 66 na taon sa buhay ni Quezon.  Ang tatlong anghel ay kumakatawan sa pagluluksa at pagpupugay ng Luzon, Visayas at Mindanao.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument. Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng sarcophagus ng bangkay ni Quezon sa ilalim ng Quezon Memorial Monument.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng sarcophagus ng bangkay ni Quezon sa ilalim ng Quezon Memorial Monument. Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

XIAO TIME, 11 July 2013: REYNA NG KUNDIMAN, ATANG DELA RAMA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan.  Mula sa digitaleducation.net.

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan. Mula sa digitaleducation.net.

11 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=tMwHNPd5RgM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong November 1979, isang babae ang kumanta ng huling nota ng awit na “Nabasag ang Banga” na nagpatili at nagpahiyaw sa mga tao.  Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, hindi ito nakapagtataka sa panahon na iyon na hawakan lang ni Nora Aunor ang mikropono ay nagsisigawan na ang mga tao, ngunit hindi superstar o pop princess o international singing sensation ang nagtatanghal, kundi isang 74-year old na lola, nakuba na dahil sa kanyang matandang edad at dahil sa isang aksidente, puro ugat na ang kanyang mga kamay, nang tanghaling “Reyna ng Kundiman.”

Lola Atang, Reyna ng Kundiman.  Mula sa manilagrandopera.com.

Lola Atang, Reyna ng Kundiman. Mula sa manilagrandopera.com.

Sabi ng isang guro sa mga manonood, “Walang makakapantay kay Atang!”  Sabi ng katabi niyang nakabarong, “Natural kasi, nasa dugo.”  Isinilang si Honorata de la Rama sa Pandacan, Maynila noong January 11, 1902.  Maagang naulila si Atang at inalagaan ng isang babaeng taga Gagalangin, Tondo na may asawang kompositor.  Kaya pitong taong gulang pa lamang gumanap na sa mga sarswela.

Atang de la Rama.  Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama. Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Atang de la Rama. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Minsan, ikinuwento niya sa historyador na si Dr. Ambeth Ocampo na noong 10 years old siya, habang nageensayo sa Lucena, sinundo siya ng isang lalaking nakakabayo na kilala sa tawag na “Kastila,” isinakay siya sa isa sa mga kaing ng kabayo.  Tahimik lang si “Kastila” pero sa mahabang paglalakbay paminsan ay pinapaawit na lamang siya, nainis ang bata sapagkat mainit ang byahe.  Nang umabot sa isang ilog, sumakay sila sa casco at pinakain ng kain, kamatis at isda, lumamon nang lumamon ang bata sa gutom.  Matapos ang isang araw na paglalakbay, Baler pala ang kanilang destinasyon at sa isang malaking bahay, ang kaniya palang aawitan noong gabing iyon ay si Doña Aurora Aragon.

Atang de la Rama kasama si Ambeth Ocampo.  Ikinuwento ni Ka Atang kay Sir Ambeth na nang tumungo siya sa malaking bahay sa Baler, tinanong siya ng gitarista, ano ba ang nais niyang kantahin.  Sagot ni Ka Atang, kahit na anong kaya mong tugtugin.  Ganoon kagaling si Ka Atang, kahit hindi niya alam ang kanta, madali niyang makuha ang himig at madali niyang maimbento ang mga titik.  Pagdating ng panahon siya na mismo ang susulat ng sarili niyang mga sarswela.  Sabi niya kay Sir Ambeth “Marami kang dapat matutunan mula sa iyong Lola Atang.”  Mula sa peysbuk ni Sir Ambeth.

Dona Aurora Aragon Quezon.  Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Dona Aurora Aragon Quezon. Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Pinaharana sa kanya ng “Kastila” na si Manuel Quezon.  Hindi niya sukat akalain na magiging pangulo siya ng Pilipinas at aawit muli para sa kanya sa Palasyo ng Malacañan.  Sisikat ng husto sa sarswela na Dalagang Bukid noong 15-taong gulang siya at magiging artista rin sa movie version nito, ang unang aktres sa unang Tagalog film na pinrodyus ng Ama ng Pelikulang Pilipino Jose Nepomuceno.

Atang de la Rama.  Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Atang de la Rama. Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino.  Mula kay Dennis Villegas.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino. Mula kay Dennis Villegas.

Mahiwagang Binibini.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Mahiwagang Binibini. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Dugong Silangan.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Dugong Silangan. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Hindi lang ito kabuhayan para sa kanya, naniniwala siyang musika ang kaluluwa ng bansa.  Itataguyod niya ang kundiman at pasisikatin ang mga kantang “Bayan Ko!” “Mutya ng Pasig” at marami pang iba.  Noong pumunta sa Japan noong 1925, nakilala niya si Artemio Ricarte, heneral na hindi sumuko sa mga Amerikano.  Noong 1932, pinakasalan ang makabayang manunulat Ka Amado V. Hernandez, na nang ikulong matapos ang digmaan sa bintang na rebelyon at nang mamatay noong 1970, si Atang ang nagpatuloy ng kanyang mga ipinaglalaban, nagsasalita sa mga kabataan.

Atang de la Rama

Atang de la Rama

Atang de la Rama.  Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama. Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Atang de la Rama. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Heneral Artemio Ricarte.

Heneral Artemio Ricarte.

Ka Amado V. Hernandez.

Ka Amado V. Hernandez.

Bayan Ko.  Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino.  Musika ni Constancio de Guzman.

Bayan Ko. Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino. Musika ni Constancio de Guzman.

Noong 1987, itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining, naabutan pa si Sharon Cuneta, at naabutan pa nang ang kanyang kantang pinasikat, ang “Bayan Ko” ay magiging awit ng Himagsikang EDSA na tiningala sa daigdig.  Namatay si Ka Atang, 22 years ago, July 11, 1991.  Ka Atang de la Rama, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 19 July 2013: KASAYSAYAN NG STATE OF THE NATION ADDRESS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III.  Mula sa malacanang.gov.ph.  From malacanang.gov.ph.

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III. Mula sa malacanang.gov.ph. From malacanang.gov.ph.

19 July 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa July 22, 2013, ibabahagi ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang ika-apat na talumpati ukol sa kalagayan ng bansa o State of the Nation Address.  Noong 2009, isang pangunahing pahayagan ang naglathala ng isang artikulo ukol sa kasaysayan ng State of the Nation Address at sinabi nito na ang unang manipestasyon ng SONA ay ang tinawag nilang “State of the Katipunan Address” o SOKA na ibinahagi ni Supremo Andres Bonifacio bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik noong Tejeros Convention na umagaw sa kanyang puwesto noong March 22, 1897.  Lumaganap ang impormasyon na ito sa internet, tradisyunal na media at maging sa mga billboard sa paaralan.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention.  From Adarna Publishing, Inc.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention. From Adarna Publishing, Inc.

Source of SOKA.

Source of SOKA.

SOKA???  Kaloka.  Liban sa katunog ito ng SOCO, walang record na nagsuka, este, nagtalumpati si Bonifacio ukol sa kalagayan ng Katipunan sa kapulungan na iyon.  Salamat kay Undersecretary Manolo Quezon, tinama niya gamit ang mga historikal na batis sa kanyang mga sulatin ang kasaysayan ng napakahalagang taunang kaganapang ito.  Ang terminong “State of the Nation” ay hiniram sa ulat na “The State of the Union” na binibigkas ng Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika sa kanyang kongreso.

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Si Xiao Chua kasama sina Undersecretary Manuel Quezon, III (ikatlo mula sa kaliwa), kasama sina Dr. Evelyn Songco at Dr. Cesar Pobre, mga dating pangulo ng Kapisanang Pagkasaysayan ng Pilipinas, Tejeros Hall, AFP Commissioned Officers Club, Camp Aguinaldo, March 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama's State of the Union Address. From whitehouse.gov.

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama’s State of the Union Address. From whitehouse.gov.

Sa 1935 constitution nasasaad na isa sa tungkulin ng Pangulo ng Pilipinas  “from time to time” ay ang pagbibigay ng ulat ukol sa “State of the Nation,” at una itong isinakatuparan ni Pangulong Manuel Quezon noong November 25, 1935 sa harapan ng Pambansang Asembleya.  Tanging si Pangulong Elipidio Quirino lamang ang nag-SONA na wala sa kongreso.  Noong January 23, 1950, ang maysakit na Quirino ay iniradyo na lamang ang kanyang SONA sa kongreso mula sa John Hopkins Hospital sa Baltimore.

Fom gov.ph:  President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

Fom gov.ph: President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

From gov.ph:  President Roxas delivers his SONA in 1946.

From gov.ph: President Roxas delivers his SONA in 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph:  President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph: President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From gov.ph:  President Quirino in 1949.

From gov.ph: President Quirino in 1949.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa  ospital, mula sa gov.ph.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa ospital, mula sa gov.ph.

Si Pangulong Ferdinand Marcos, liban sa may hawak na record na pinakamaraming SONA na naibigay—20, ang nagbigay rin ng pinakamahabang SONA noong 1969, 29,335 words, isang libro!

Isang librong SONA:  1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Isang librong SONA: 1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Noong January 26, 1970, nagkaroon ang malaking rally ang mga kabataan sa harapan mismo ng Kongreso at matapos na magtalumpati ang Pangulong Ferdinand Marcos, pinaulanan siya ng bato.  At dito nagkaroon tayo ng dalawang SONA, ang SONA ng pangulo at ang tinatawag na “SONA ng Bayan” na nagpapakita ng dalawang mukha ng bayan, ang mga tagumpay at kabiguan ng pamahalaan.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad.  Mula sa Militant But Groovy.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad. Mula sa Militant But Groovy.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009.  Photo  by Marlon Cornelio.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.  Photo  by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Natigil ang SONA nang iproklama ni Marcos ang Martial Law noong 1972 at napalitan ito ng Ulat sa Bayan tuwing Thanksgiving Day o Anibersaryo ng Martial Law, September 21 hanggang ibalik niya muli ang praktis ng SONA noong 1978 at mula noon sa Batasang Pambansa na ito ginawa.

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa.  Mula sa The New Republic.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa. Mula sa The New Republic.

Mahalaga ang unang SONA ng Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 sapagkat ito ang unang SONA na ibinahagi halos sa Wikang Pambansa.  Sa wakas, may nakaisip na dapat nakikipag-usap ang pangulo hindi lamang sa iilang mga kongresista at mga diplomatiko kundi sa buong bayan.  Nasabi ng aking ina, ang sarap palang pakinggan ng SONA kapag naiintindihan mo.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

Ang bansa ay parang isang relihiyon din, kailangan nito ng mga ritwal na nagpapaalala sa atin na nasa iisang bangka tayo, na isang bansa tayo anuman ang mangyari sa atin, at ang SONA ang okasyon na kung saan ang pangulo, bilang punong saserdote ng bansa, ay magsasalita. Ang lahat, magkakalaban man at magkakakampi, nagiging isa sa pakikinig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Jollibee Philcoa, 11 July 2013)

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.

BEYOND TRIVIA: The “Saysay” of the SONA

On the occasion of the fourth State of the Nation Address of President Benigno S. Aquino, III, I am reposting one of my columns, “Walking History,” that I made for the short-lived newspaper “Good Morning Philippines,” 25 July 2011, p. 8.  Special thanks to my editor Ms. Rita Gadi:

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III.

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III.  From Malacanang.gov.ph.

https://xiaochua.net/2013/07/21/xiao-time-19-july-2013-kasaysayan-ng-state-of-the-nation-address/

It’s SONA time once again!  And as a historian I am expected to give a SONA trivia.

A leading broadsheet published a short piece on the precursors of the State of the Nation Address (SONA) in 2009 saying that what is now known today as the State of the Katipunan (SOKA) address was supposedly delivered by the President of what must be considered as the First Filipino National Government, Andres Bonifacio, at the Tejeros Convention on 22 March 1897.  This was picked up by some magazines and also by Wikipedia and published it as trivia: the first manifestation of the SONA.

Source of SOKA.

Source of SOKA.

First, among historical circles, there was no such thing as the SOKA.  Aside from the funny connotation of the acronym that seems to be a joke, even sounding like a Gus Abelgas TV show, I checked the primary sources written by Artemio Ricarte and Santiago Alvarez and secondary sources crafted by Teodoro Agoncillo and Adrian Cristobal on the Tejeros Convention and found no mention of Bonifacio delivering a speech reviewing the accomplishments of his government from the establishment of the Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan on 7 July 1892, to the outbreak of the revolution on August 1896. He supposedly also outlined the programs that he intended to launch.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention.  From Adarna Publishing, Inc.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention. From Adarna Publishing, Inc.

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

What was mentioned was a debate by the delegates and Bonifacio on the proposed replacement of the Katipunan revolutionary government with a more Western type government, to which Bonifacio conceded for as long as the decision of the majority will be respected.  His adherence to the democratic principles led to his replacement in an election that was rumored to be rigged from the start, and then a power struggle that ended to his and his brother Procopio’s execution in the hands of his own men.

More than trivia, this was the painful start of the Filipino Nation.  As always according to historian Dr. Zeus Salazar, it was a clash of the mentality of the elites and the bayan.  Bonifacio envisioned a country, Inang Bayan, based on Kapatiran of everyone, the elite and the bayan.  We are all Anak ng Bayan, and that Kalayaan can only be attained if there’s kaginhawaan and mabuting asal.  The elite did not totally accept this, wanting to adapt a different concept that they learned from Western schools:  The concept of Nación—republican democracy based on rights guaranteed by a written constitution, with emphasis on political freedom and power.  With the power struggle which characterized the birth of the nation, kapatiran lost to Western emphasis on power.  And since then, elite democracy became the order of the day in this country.

Since this concept of nation had no cultural basis, therefore it is, as Benedict Anderson puts it, an “imagined community,” the state needs symbols and rituals to bind the different peoples in the Philippines to this “imagined” nation.  Polish academic Krzysztof Gawlikowski likened the nation to a mythical being.  The nation is like a religion.  Like all Catholics can identify with the cross, we feel like we’re one country when we sing the national anthem and rally around one flag.

Krzysztof Gawlikowski

Krzysztof Gawlikowski

In our annual life as a nation, the State of the Nation Address is a very important ritual.  More than just watching for the wardrobe of the president and more new wardrobes from lady congressmen and socialites, or what new gimmicks or slogans will be employed to add to SONA’s entertainment value, this is the time of the year when the whole Filipino people, both the elite and the masses, listen intently to the president, the high priest of the nation, preside in the opening of congress and outline his achievements and plans.  For a time, admin fans and opposition are one in reflecting on the state of our nation, as ONE NATION.

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Address.  From gannett-cdn.com

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address.  From advisorone.com/

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com.

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama's State of the Union Address.  From whitehouse.gov.

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama’s State of the Union Address. From whitehouse.gov.

The term “State of the Nation” was borrowed from “The State of the Union,” the report of the American President to his Congress.  On 16 June 1936, Commonwealth President Manuel Luis Quezon copied the practice and delivered “On The Country’s Conditions and Problems” to his congress.  But the precursor of what we now call “Ulat sa Bayan,” a more direct address to the people on the achievements of the Commonwealth government, was the much awaited address of President Quezon during the anniversaries of the establishment of the Philippine Commonwealth every 15 November.  In an earlier research, I found out that people gather around radio sets and listen to Quezon’s speeches which reflected the optimism of the early years, the hard realities of self governance and finally, the fears of the coming World War.  Quezon’s non-appearance to deliver his speech in 1938 also reflected the failing health of the president.

Fom gov.ph:  President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

Fom gov.ph: President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

Commonwealth Day in new Quezon City, November 15, 1940.  From the Manila Bulletin microfilm of the University of the Philippines Main Library.

Commonwealth Day in new Quezon City, November 15, 1940. From the Manila Bulletin microfilm of the University of the Philippines Main Library.

Commonwealth Day in new Quezon City, November 15, 1940.From the Manila Bulletin microfilm of the University of the Philippines Main Library.

Commonwealth Day in new Quezon City, November 15, 1940.From the Manila Bulletin microfilm of the University of the Philippines Main Library.

After the Americans returned our independence, President Manuel Roxas delivered to the first congress his “Message on the State of the Nation” on 27 January 1947.  According to presidential historian Manolo Quezon, this started the practice of the president’s message being called “State of the Nation” and being delivered January of every year until President Marcos declared Martial Law in 1972.  On 23 January 1950, with President Elpidio Quirino delivering his second speech to congress entitled “Address on the State of the Nation,” historian Quezon said that the SONA as we know it today “can be said to have firmly been established.”

From gov.ph:  President Roxas delivers his SONA in 1946.

From gov.ph: President Roxas delivers his SONA in 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph:  President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph: President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From gov.ph:  President Quirino in 1949.

From gov.ph: President Quirino in 1949.

Xiao Chua with Undersecretary Manuel"Manolo" Quezon, III, 2005.  From the Archives of the Xiao Chua Library.

Xiao Chua with Undersecretary Manuel”Manolo” Quezon, III, 2005. From the Archives of the Xiao Chua Library.

The SONA on 26 January 1970 was one for the books.  It was opened by Fr. Pacifico Ortiz, S.J. who prayed for a nation at the brink of a revolution.  Outside the Old Congress Building at P. Burgos St. were hundreds of restless student demonstrators who, when President Fetrdinand Marcos and his wife Imelda went out of the steps of congress, threw stones at the first couple. Fabian Ver, their bodyguard showed supreme loyalty by covering them.  The battle between the police and the students continued to the night and for months to come.  This was one of the highlights of the First Quarter Storm, and also the beginning of the tale of two SONAs:  The official SONA, and what we now call the “SONA ng Bayan,” a demonstration to represent the supposed real sorry state of the nation.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas.  Mula kay Susan Quimpo.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas. Mula kay Susan Quimpo.

SONA 1970.  Mula sa Not On Our Watch.

SONA 1970. Mula sa Not On Our Watch.

Si Fabian Ver habang pinoprotektahan ang Pangulo.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Si Fabian Ver habang pinoprotektahan ang Pangulo. Mula sa Delusions of a Dictator.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad.  Mula sa Militant But Groovy.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad. Mula sa Militant But Groovy.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009.  Photo  by Marlon Cornelio.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.  Photo  by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.  Photo  by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

The first SONA of President Benigno Aquino III last year was historic because, among other things, for the first time, some brilliant guy in his administration had a common sense realization that the SONA is not some speech intended for the diplomatic corps or CNN, but for the Filipino people.  Not even during the time of President Joseph Estrada when he used Taglish in his SONA, PNoy chose to speak almost entirely in the national language.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

At last, after years of SONAs being delivered only to a Congress representing an elite democracy who can understand English, PNoy included the bayan as part of this important ritual of nationhood, wherein the real goal of it must be to finally lessen the gap between the haves and the have nots.  It was just a first step, a gesture, but a good first step nonetheless.  Now start playing the presidential march, “We say mabuhay…!”  It’s SONA time once again!

21 July 2011

XIAO TIME, 21 June 2013: ANG MAGKATAMBAL NA KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MAYNILA AT NG METRO MANILA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Metro Manila:  Gates of Hell o Gotham City?  Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng "Habagat," August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

Metro Manila: Gates of Hell o Gotham City? Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng “Habagat,” August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

21 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=Tsep0NNU6N4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 24, 1571, itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang kolonyal na Ciudad de Manila matapos mapilitan ang huling hari ng Maynila na si Rajah Soliman na isuko ang kanyang kaharian at parang mga iskwater na iniwan ang kanilang lumang bayan at nag-resettle sa Ermita at Malate, ang lugar na tinawag na Bagumbayan.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892. Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960.  Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960. Mula sa Pacto de Sangre.

Bago dumating ang mga Espanyol, ang Maynila ay isang kaharian sa bunganga ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila, ang area na ngayon ay nasa Fort Santiago.  Ayon sa disertasyon ni Dr. Lars Raymund Ubaldo, ang lugar sa dalampasigan ng mga bakawan at ang tagpuan ng ilog at dagat na tinatawag sa Ingles na delta, ay tinatawag na “alog” ng mga ating ninuno.  At iyon raw ang tunay na pinagmulan ng salitang “Tagalog,” taga-alog at hindi taga-ilog.

Ang delta o "alog" ng Manila Bay at Pasig River.  Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang delta o “alog” ng Manila Bay at Pasig River. Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila--ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog--Taga-alog.  Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila–ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog–Taga-alog. Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon.  Kuha ni David Montasco.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon. Kuha ni David Montasco.

Si Xiao Chua at Dr. Lars Raymund Ubaldo sa tamabayan ng kanilang organisasyon UP Lipunang Pangkasaysayan sa UP Diliman, January 10, 2005.  Kapwa sila ngayon nagtuturo sa De La Salle University.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Maynila noon ang nagsisilbing “toll gate” sa mga mangangalakal na nais magtungo sa mga iba’t ibang mga mauunlad na kaharian sa Laguna de Bai.  Ang Maynila ay nagmula sa salitang “nila,” isang indigo plant na tumutubo sa ilog, may nila.

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan.  Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan. Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai--mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai–mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ito ang naging kabisera ng mga Espanyol, at ang Ciudad de Manila noon ay yaon lamang nasa paligid ng pinatayuan nilang mga pader—Intramuros.  Nang dumating ang mga Amerikano, maging ang mga nasa labas ng pader ay naging Lungsod ng Maynila.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader--Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader).  Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas--may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern.  Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader–Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader). Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas–may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern. Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista.  Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista. Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Dahil maliit ang Maynila, hiniraya o nagkaroon ng vision si Pangulong Manuel Quezon na magtatag ng isang mas malaki at planadong bagong pangkabeserang lungsod na nakapangalan sa kanya, Quezon City, noong 1939.  Naging ganap na kabisera ng Pilipinas ang Quezon City noong 1948 ngunit binawi ito ni Pangulong Marcos noong 1976.

Si Pangulong Manuel Luis Quezon sa kanyang talumpating pampasinaya bilang Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, November 15, 1935 sa lumang gusali ng Kongreso sa Maynila.  Ito ang pinagbatayan ng sikat niyang monumento.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni... Quezon.  Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni… Quezon. Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument.  Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument. Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Palaki ng palaki ng palaki ng palaki.  Ito ang masasabi ukol sa kabisera ng Pilipinas lalo na nang itatag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong November 7, 1975 ang Metropolitan Manila Commission o MMC na binubuo ng apat na mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasay at Caloocan; at ng labintatlong iba pang mga bayan upang maging Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila.  Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal.  Mula kay armandobalajadia.com.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila. Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal. Mula kay armandobalajadia.com.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region ngayon.

Inatasan niya ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na maging gobernador at upang diumano ay maiwasan ang pagtatampo ni Gobernador Isidro Rodriguez ng Lalawigang Rizal na pinagkunan ng lahat ng pinakamayayaman nilang bayan, ginawang alkalde ng Quezon City ang asawa niyang si Adelina S. Rodriguez.

Alkalde Adelina Rodriguez.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Alkalde Adelina Rodriguez. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging "Gobernador ng Metropolitan Manila" noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging “Gobernador ng Metropolitan Manila” noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila.  Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget.    Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila. Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nag-adhika si Imelda na ibigay ang 11 Basic Needs of Man, kaya tila kinuyog na parang mga bubuyog ng mga tao ang kabisera.  Lumaki ang populasyon nito.  Plano niyang palakihin ang land area ng MM, dadagdagan ang reclaimed area hanggang Cavite at isasali na ang area hanggang Real, Quezon upang maging bahagi ng MM!!!  Ang tanging lungsod sa daigdig na nakaharap sa dalawang malalaking katawan ng tubig.  Hindi ito natuloy.

Mapa na nagpapakita ng planong pinalaking Metropolitan Manila na nakaharap kapwa sa Dagat Kanlurang Pilipinas (Look ng Maynila) at Karagatang Pasipiko (Infanta-Real, Quezon).  Mula sa Metropolitan Manila Development Authority Library).

Nagpatuloy ang MMC sa pamamagitan ng  Metropolitan Manila Development Authority at nag-iwan din ito ng pamana.  Kaiba sa “Gates of Hell” na tawag sa lungsod ni Dan Brown, may progreso sa Metro Manila.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.Kuha ni Huno Garces.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog.  Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog. Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Paano naman ang rural poor?  Mula sa newsbox.unccd.int.

Paano naman ang rural poor? Mula sa newsbox.unccd.int.

Ngunit hindi ba’t sa sobrang pagbibigay ng ginhawa sa kabisera natin, nasakripisyo ang mga probinsya natin?  Pag-isipan natin, paano kaya natin maiiwasan ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 30 October 2012, 8 June 2013)

XIAO TIME, 10 June 2013: ANG TUNAY NA KULAY NG ASUL SA ATING WATAWAT

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Para matigil ang away kung sky blue o navy blue ang tunay na kulay ng blue, ginawa na lamang royal blue ito noong 1998 Philippine Centennial.  Kaloka.  Pagtataas ng watawat sa Luneta, mula sa Philippine Daily Inquirer.

10 June 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=A8JZPAO-2ZA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nagkaroon ng debate sa mga historyador, ano nga ba ang tunay na shade ng kulay bughaw sa ating unang watawat?  Sky blue?  Navy blue?

Isang lumang watawat ng Pilipinas na may nakasulat na "Viva La Republica Filipina! Viva!!!" (Bawal na itong gawin ngayon ayon sa Flag and Heraldic Code).  Dark blue ito.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Isang lumang watawat ng Pilipinas na may nakasulat na “Viva La Republica Filipina! Viva!!!” (Bawal na itong gawin ngayon ayon sa Flag and Heraldic Code). Dark blue ito. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Isang lumang bersyon ng watawat ng Pilipinas, hindi walo ang sinag ng araw ay may bungo at itak pa.  Mula kay Paolo Paddeu.

Isang lumang bersyon ng watawat ng Pilipinas, hindi walo ang sinag ng araw ay may bungo at itak pa. Mula kay Paolo Paddeu.

Detalye ng isa sa mga watawat ni Heneral Emilio Aguinaldo.  Dark Blue din ito.

Detalye ng isa sa mga watawat ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dark Blue din ito.

Isang paglalarawan ng disenyo ng unang watawat ng Pilipinas na may araw na may mukha at walong sinag, dark blue naman ito at dahil panahon ng Himagsikan ito ginamit, nakataas ang pula (1898-1901).  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Mula 1901-1907, ang parehong bandila ngunit nakataas naman ang asul.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Mula 1901-1907, ang parehong bandila ngunit nakataas naman ang asul. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang unang bandila na ginawa namang sky blue.  Kaloka.

Ang paglalarawan ng unang bandila na ginawa namang sky blue ang blue. Kaloka.

Matapos ang pag-ban sa pagladlad ng watawat dahil sa Flag Law (1919-1936), ito na ang lumaganap na disenyo, wala na ang araw.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Matapos ang pag-ban sa pagladlad ng watawat dahil sa Flag Law (1919-1936), ito na ang lumaganap na disenyo, wala na ang araw. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Dumami kasi ang disenyo ng bandila kaya ipinatupad ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang istandardisayon ng sukat, kulay at disenyo ng pambansang watawat sa pamamagitan ng E.O. 23 noong March 25, 1936.  Tinanggal ang mukha sa araw na dating nakalagay sa unang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo at itinakda na navy blue ang kulay ng asul nito.

Pangulong Manuel Luis Quezon

Pangulong Manuel Luis Quezon

Ang tamang sukat ng ating pambansang bandila.

Ang tamang sukat ng ating pambansang bandila.

Ang bandilang inaprubahan ayon sa tamang sukat noong 1936.  Ang blue ay navy blue.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang inaprubahan ayon sa tamang sukat noong 1936. Ang blue ay navy blue. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang pandigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.  Nasa taas ang pula.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang pandigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941-1945). Nasa taas ang pula. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ngunit ayon sa ilang historyador tulad nina Teodoro Agoncillo at Luis Camara Dery, azul celeste, light o sky blue ang bandila.  Isa sa mga katibayan nito ang sulat mismo ni Mariano Ponce sa isang kaibigang Hapones kung saan kanyang sinabi, “The blue, color of the sky, means our hope in a future prosperity, through progress.”  The blue, color of the sky?  Edi sky blue.

Teodoro A. Agoncillo, 1985.  Kuha ni Dr. Ambeth R. Ocampo

Teodoro A. Agoncillo, 1985. Kuha ni Dr. Ambeth R. Ocampo

Gemma Cruz-Araneta, Dr. Luis Camara Dery at Xiao Chua sa Pambansang Komisyong ng Pilipinas noong February 17, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua

Gemma Cruz-Araneta, Dr. Luis Camara Dery at Xiao Chua sa Pambansang Komisyong ng Pilipinas noong February 17, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua

Mariano Ponce

Mariano Ponce

Ang nadilang Pilipino na sky blue ang blue.  Inaprubahan ni Pangulong Marcos mula 1985 hanggang 1986.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang nadilang Pilipino na sky blue ang blue. Inaprubahan ni Pangulong Marcos mula 1985 hanggang 1986. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Isang nag-sky blue na watawat.  Baka luma na.  Mula kay thepinoywarrior.

Isang nag-sky blue na watawat. Baka luma na. Mula kay thepinoywarrior.

Kaya naman, naglabas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng E.O. 1010 noong February 25, 1985 na nagpapalit ng kulay bughaw patungong sky blue.  Namatay ang isyu matapos ang eksaktong isang taon sa pagkapirma ng utos.  Napatalsik si Marcos ng EDSA.

Mahal na Pangulong Ferdinand  Marcos.  Mula sa repo.assetrecovery.com

Mahal na Pangulong Ferdinand Marcos. Mula sa repo.assetrecovery.com

Ayon naman sa ibang historyador, azul marino, dark o navy blue ang bughaw dahil ito ang kulay ng bandila ng Estados Unidos na pinagbatayan ng mga kulay ng pambansang watawat ayon sa orihinal na dokumento ng pagsasarili, ang Acta.  Tila nag-iba rin ang testimonya ni Ponce dahil sa isang sulat niya kay Ferdinand Blumentritt, gumawa siya ng drowing ng ating watawat at dito makikita na azul oscuro ang bughaw na nasa kalagitnaan ng light blue at navy blue.

Ferdinand Blumentritt.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Ferdinand Blumentritt. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Dark blue, dahil navy blue ang blue sa watawat ng Estados Unidos.

Dark blue, dahil navy blue ang blue sa watawat ng Estados Unidos.

Sabihin na lamang natin, nagkaroon ng maraming bersyon ng asul ang watawat dahil nang inutos ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo na ipakopya ito, kung ano lamang ang mga telang makuha, iyon ang itinatahi.  Tulad ng sinabi ni Dr. Dery, “Rebolusyon, magulo ang panahon.”

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Ngunit noong 1998, tila tinapos na rin ang debate sa pagkapasa ng Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue ay ginawa na lamang royal blue, yung katamtamang kulay lang ng bughaw.  Pero magandang tanong siguro, ano kaya ang blue na makikita sa blue ng orihinal na bandila na tinahi ni Marcela Agoncillo noong 1898?  Abangan bukas.

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue...

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue…

... ay royal blue na lamang.  Somewhere in between dark blue and sky blue.

… ay royal blue na lamang. Somewhere in between dark blue and sky blue.

Bakit nga ba mahalaga ang tila mababaw o trivial na usapin ng kulay at mga disenyo ng watawat at ang mga kahulugan nito?  Sapagkat ang pambansang watawat ang sagisag ng lahat ng Pilipino sa buong Pilipinas, at sa buong mundo.  Nararapat lamang na iisa ang disenyo nito.  Para sa bawat umaga na ang mga bata, propesyunal at mamamayan ay manunumpa ng katapatan at magpupugay sa isang himig at isang bandila sa alinmang sulok ng bansa, sumusumpa tayo sa iisang Inang Bayan, na siyang nararapat lamang pagsilbihan ng ating buong isip, salita at gawa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Ang blue ng kasalukuyang watawat ay Royal Blue na!  Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang blue ng kasalukuyang watawat ay Royal Blue na! Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Mga watawat ng Pilipinas sa isang tulay sa Maynila.  Mula sa EPA.

Mga watawat ng Pilipinas sa isang tulay sa Maynila. Mula sa EPA.

Watawat Festival sa Alapan, kung saan natagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol na nagbunsod sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas.  Mula sa traveltothephilippines.info.

Watawat Festival sa Alapan, kung saan natagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol na nagbunsod sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas. Mula sa traveltothephilippines.info.

Ang bituwin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim...

Ang bituwin at araw niya kailan pa ma’y di magdidilim…

Nagpupugay tayong lahat sa iisang bandila.  Mula sa Philippine Star.

Nagpupugay tayong lahat sa iisang bandila. Mula sa Philippine Star.

XIAO TIME, 6 May 2013: ANG PAGBAGSAK NG CORREGIDOR

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Postcard ng mga Hapones ng pagsuko ng mga Amerikano sa kanila sa Malinta Tunnel, Corregidor.

Postcard ng mga Hapones ng pagsuko ng mga Amerikano sa kanila sa Malinta Tunnel, Corregidor.

6 May 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=ch3P8OSO13A

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  71 years ago, May 6, 2013, bumagsak sa mga Hapones ang isla ng Corregidor.  Ang pinakahuling balwarte na bumagsak sa mga Hapones sa Asya.  Matagal nang tanggulan ang maliit na islang ito.  Ang Corregidor kasi ang unang dadaanan ng mga barko kung pupunta ng Manila Bay.

Isla ng Corregidor mula sa ere.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Isla ng Corregidor mula sa ere.  Tinawag ito ng mga Amerikano na “The Rock.” Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang Corregidor sa bunganga ng Look ng Maynila:  Hugis butete.

Ang Corregidor sa bunganga ng Look ng Maynila: Hugis butete.

Pinangalanan ito ng mga Espanyol na Corregidor, mula sa salitang corregir, to correct dahil dito raw tinitingnan kung tama ang mga dokumento ng mga pumapasok na barko.  Sinasabing koreksyunal o piitan din ang isla.  Gayundin, napagkakamalian ng iba na sakop ang Corregidor ng kalapit na tangway ng Bataan, ngunit nasa hurisdiksyon pala ito ng Cavite.  Naglagay ang mga Espanyol ng lighthouse at ng mga kanyon pero kahit gayon, nalusutan sila ng mga Amerikano noong 1898.

Isa sa mga lighthouse na itinayo ng mga Espanyol bago ang digmaan.   Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Isa sa mga lighthouse na itinayo ng mga Espanyol bago ang digmaan. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Noong panahon ng mga Amerikano, pinatatag nila ang isla.  Iba’t iba’t ibang mga gusali na titirhan ng mga sundalong nakahimpil doon ang itinayo at lihim din nila itong nilagyan ng 23 mga batteries o mga grupo ng malalaking kanyon.  Lihim dahil sa bawal noon ang sobrang pag-aarmas ayon sa mga pandaidigang tratado.  At dahil sa kapraningan sa digmaan ng Dekada 1920s, ipinatayo ang mga grupo ng mga tunnel na kilala natin ngayon bilang Malinta Tunnel.

Ang Topside (Mile Long) Barracks sa kanyang kasagsagan bilang tahanan ng mga sundalong Amerikano.

Ang Topside (Mile Long) Barracks sa kanyang kasagsagan bilang tahanan ng mga sundalong Amerikano.

Isang sundalong nag-eenjoy mangabayo sa harapan ng Post Headuarters.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Isang sundalong nag-eenjoy mangabayo sa harapan ng Post Headuarters. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang Topside Barracks, sinehan atbp. bago ang digmaan.  Mula sa corregidor.org.

Ang Topside Barracks, sinehan atbp. bago ang digmaan. Mula sa corregidor.org.

Ang Battery Way, ang huling battery na pumutok laban sa mga Hapones.  Mula sa US Army Military History Institute.

Ang Battery Way, ang huling battery na pumutok laban sa mga Hapones. Mula sa US Army Military History Institute.

Lingid sa kaalaman ng marami ngayon, ang isla ay mayroong apat na baryo, tatlong sinehan, isang simbahan, mga tindahan.  Nang sumiklab ang digmaan, sa Malinta Tunnel inilikas sina Heneral Douglas MacArthur, Pangulong Manuel Quezon at ang pamahalaang Komonwelt at ginawa rin itong ospital.

Barrio San Jose.  Mula kay Dr. Ricardo Trota Jose.

Barrio San Jose. Mula kay Dr. Ricardo Trota Jose.

Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Cine Corregidor.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Cine Corregidor. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang replica ng chapel na itinayo mula sa dating kinalalagyan nito bago pulbusin ng digmaan.

Ang replica ng chapel na itinayo mula sa dating kinalalagyan nito bago pulbusin ng digmaan.

Mga sundalo sa bukana ng Malinta Tunnel. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Mga sundalo sa bukana ng Malinta Tunnel. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Mga sundalo sa loob ng Malinta Tunnel.

Mga sundalo sa loob ng Malinta Tunnel.

Si Heneral Douglas MacArthur sa loob ng Malinta Tunnel.

Si Heneral Douglas MacArthur sa loob ng Malinta Tunnel.

Ngunit bago makuha ang Bataan, inilikas din sila at iniwan kay Heneral Jonathan Wainwright ang pamumuno sa Corregidor.  Mula sa isla, pinatatag ng radio broadcasts ng Voice of Freedom ang mga kawal Pilipino-Amerikano ngunit nang bumagsak ang Bataan, April 9, 1942, bilang na ang araw ng Corregidor.

Gng. Aurora A. Quezon, Gng. Jean Faircloth MacArthur, Pangulong Manuel L. Quezon, Arthur MacArthur, Maria Aurora Quezon, sa Corregidor, 1942.  Mula sa Philippine Diary Project.

Gng. Aurora A. Quezon, Gng. Jean Faircloth MacArthur, Pangulong Manuel L. Quezon, Arthur MacArthur, Maria Aurora Quezon, sa Corregidor, 1942. Mula sa Philippine Diary Project.

Si Heneral Jonathan Wainwright at Heneral MacArthur.  Mula sa ibiblio.org.

Si Heneral Jonathan Wainwright at Heneral MacArthur. Mula sa ibiblio.org.

Si Heneral Jonathan Wainwwright, nangayayat sa pagtatapos ng digmaan.

Si Heneral Jonathan Wainwwright, nangayayat sa pagtatapos ng digmaan.

Ang Bataan ang pinagkukunan nito ng malinis na tubig.  Ngunit alam ng mga Hapones na hanggang ang dalawang natitirang battery ng Corregidor ay pumuputok, ang Geary at ang Way, hindi nila makukuha ito.

Pagpapraktis ng pagpapaputok sa isa sa mga batteries.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Pagpapraktis ng pagpapaputok sa isa sa mga batteries. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Battery Hearn.  Mula sa lastchinaband.com.

Battery Hearn. Mula sa lastchinaband.com.

Ang isa sa mga kanyon ng Corregidor habang pumuputok noong Labanan sa Corregidor.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang isa sa mga kanyon ng Corregidor habang pumuputok noong Labanan sa Corregidor. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Labanan sa Corregidor.

Labanan sa Corregidor.

Kaya ginawa nilang impiyerno ang buhay ng isla hanggang noong May 2, ang Battery Geary na pinaglalagyan ng mga bala ng Corregidor ay nasapol ng isang bala ng kanyon ng mga Hapones.  Parang posporo na tumilapon ang mga malalaking kanyon nito at 27 crew nito ang agad na namatay.

Ang Battery Geary nang mapulbos.

Ang Battery Geary nang mapulbos.

Labi ng Battery Geary sa kasalukuyan.

Labi ng Battery Geary sa kasalukuyan.

Battery Geary ngayon.  Mula sa bakithindi.com.

Battery Geary ngayon. Mula sa bakithindi.com.

Battery Geary ngayon.

Battery Geary ngayon.

Isa sa mga kanyon na tumilapon sa Battery Geary.  Mula sa markmaranga.com

Isa sa mga kanyon na tumilapon sa Battery Geary. Mula sa markmaranga.com

At sa isang radio broadcast, isinuko ni Heneral Wainwright ang isla.  Ngunit kahit natalo tayo, tinanggal pa rin sa pwesto si Heneral Masaharu Homma dahil imbes na dalawang buwan lamang, limang buwan na nakuha ang buong Pilipinas, napahiya ng todo ang mga Hapones.

Isang rare photo, ibang anggulo, ng radio address ni Wainwright ng pagsuko ng Corregidor.  Mula sa tragedyofbataan.com.

Isang rare photo, ibang anggulo, ng radio address ni Wainwright ng pagsuko ng Corregidor. Mula sa tragedyofbataan.com.

Heneral Masaharu Homma.  Bigo.

Heneral Masaharu Homma. Bigo.

Pagsuko ng Corregidor.  Mula sa corregidor.org.

Pagsuko ng Corregidor. Mula sa corregidor.org.

Ang mga Hapones sa may topside ng Corregidor.

Ang mga Hapones sa may topside ng Corregidor.  Mula sa pacifiwrecks.com

At dahil sa delay, nakapagpadala pa ang Monkey Point Radio Station ng Corregidor ng mga mahahalagang impormasyon na magagamit sa Battle of Coral Sea at Midway na siyang nakatulong ng malaki sa pagkapanalo ng buong Digmaang Pasipiko.

Ang muling pagtataas ng bandilang Amerikano sa Corregidor nang muling mabawi ni MacArthur ang isla, March 2, 1945.  Mula sa pacificwar.org.au.

Ang muling pagtataas ng bandilang Amerikano sa Corregidor nang muling mabawi ni MacArthur ang isla, March 2, 1945. Mula sa pacificwar.org.au.

Ang pagtataas ng bandila ng Amerika sa muling nabawing isla sa pangunguna ni MacArthur.  Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Ang pagtataas ng bandila ng Amerika sa muling nabawing isla sa pangunguna ni MacArthur. Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Si MacArthur sa muling nabawing isla ng Corregidor.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Si MacArthur sa muling nabawing isla ng Corregidor. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Sa tuwing May 6 taun-taon, ang liwanag mula sa Pacific War Memorial nito ay tumatama sa gitna ng altar nito.  Sa katahimikan ng Corregidor ngayon, hindi mo maaalintana na naging piping saksi ito sa katatagan ng sundalong Pilipino-Amerikano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Mall of Asia, 3 May 2013)

47 sa Pacific War Memorial nito ay tumatama

Si Xiao Chua sa Pacific War Memorial noong Abril 7, 2013.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua sa Pacific War Memorial noong Abril 7, 2013. Kuha ni John Ray Ramos.

Steve and Marcia Kwiecinski sa isang anibersaryo May 6 habang ang liwanag ng Pacific War Memorial ay nasa gitna mismo ng altar.  Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Steve and Marcia Kwiecinski sa isang anibersaryo May 6 habang ang liwanag ng Pacific War Memorial ay nasa gitna mismo ng altar. Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Topside (Mile Long) Barracks ngayon.

Topside (Mile Long) Barracks ngayon.

409869759_7fba8df2ee_z 644604_561898923831512_291675085_n 544878_561899003831504_1435669507_n 541480_561899033831501_181985652_n

Si Xiao Chua sa kanyang ikatlong pagbisita sa Corregidor, April 7, 2013.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua sa kanyang ikatlong pagbisita sa Corregidor, April 7, 2013. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua habang hawak ang natural na namumulang "blood stone" sa Hotel Corregidor.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua habang hawak ang natural na namumulang “blood stone” sa Hotel Corregidor.  Nakakatuwa na sa Corregidor, The Rock, ang daming dugong dumanak.  Kuha ni John Ray Ramos.

HUWAG NANG IPAGDIWANG ANG BUWAN NG WIKA

Image

Dahil kaarawan sa Linggo ng Kanyang Kamahalan Pangulong Manuel Quezon na nag-adhika na magkaroon ng isang Pambansang Wika na batay pangunahin na sa Tagalog ngunit kabilang dapat ang mga salita mula sa ibang mga wika sa Pilipinas, kaibigan, tara, usap tayo… sa Filipino.

Madalas ako makakita ng mga karatula sa mga paaralan ngayon na ipinagmamalaki na “This is an English-Speaking Zone.”  Diumano upang tayo ay maging “globally-competitive,” ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang polisiya na halos lahat ng asignatura ay dapat itinuturo sa Ingles.  Dito, kapag ikaw ay nagsasalita sa Ingles, kahit wala namang laman ang sinasabi mo, ang tingin sa iyo ay matalino.  Sa isang mamahaling kolehiyo aming nakita minsan ni Dr. Zeus Salazar, “English is the language of leaders.”  Sabi niya, “Bakit?  Si Napoleon ba iningles ang mga Pranses?  Si Mao ba iningles ang mga Tsino?”

Kahit marami ngayon ang “wrong grammar” sa paggamit ng Ingles, ipinagmamalaki natin na mas marami pa ring nagsasalita ng Ingles dito sa Pilipinas kaysa sa Inglatera.  Kung totoo ito, bakit tila hindi tayo mga pinuno sa daigdig?  Bakit tayo naghihirap?  Bakit walang sapat na marangal na trabaho sa bansa na kinakailangan na matuto tayo ng Ingles upang magsilbi sa pangangailangan ng mga dayuhan sa mga kasambahay, nars at caregiver at tagasagot ng telepono?  Bakit ang Hapon, Tsina, Europa ay mayaman kahit na maging ang mga CEO ng kanilang mga kumpanya ay bobo sa Ingles?  Sapagkat ang biyaya ng edukasyon, ekonomiya at pulitika dito sa Pilipinas ay nananatili lamang sa mga marunong mag-Ingles.  Ang may kontrol sa wika ay may bahagi sa kapangyarihan.  Maraming dahilan kung bakit tayo mahirap, ngunit hindi ba’t kabilang dito ang katotohanang hindi talaga makasawsaw ang mas nakararami sa mga isyu ng pagkabansa?  It’s the language, stupid.

Samahan niyo ako at hirayain natin (let’s imagine):  Sa kabila ng iba’t ibang wika na nakapaloob sa Kapilipinuhan, tayo ay nagkakaintindihan sa isang wika na mula sa ating kapuluan.  Ayon kay Dr. Salazar, “Gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, …pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa.  Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang ‘code’—ibig sabihin, may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali.  Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang wika.”  Imbes na sa Ingles lamang nakalimbag ang Harry Potter o Twilight saga, ito ay isinasalin sa wikang mababasa na rin ng mas nakararaming Pilipino; na naglilimbag na tayo ng mga aklat ukol sa pilosopiya, quantum physics o quantum mechanics sa ating sariling wika; Na sa sistemang legal sa Pilipinas hindi na naagrabyado sa kaso ang mga mahihirap dahil wala silang maintindihan; Na naisasama na ang mahihirap sa biyaya ng ating ekonomiya dahil naiintindihan na nila ito; Na unti-unting nabubuo ang ating bansa dahil “nag-uusap tayo,” tulad ng sinasabi ni Boy Abunda, ukol sa ating sariling kasaysayan at karanasan, natutuklasan natin ang ating sariling lakas, at sa pagkakaintindihan nabubuo ang respeto sa isa’t isa, na nagbubunsod ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.  Hindi ba napakaganda ng bansa natin kung ganoon?

Ito ang layunin ng Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan, iskwelang pangkaisipan na sinimulan ni Dr. Salazar at patuloy na pinapanday ng mas nakababatang mga historyador (Para sa buong paliwanang, puntahan ang http://bagongkasaysayan.org), na sa pagbabalik-tanaw natin sa kasaysayan na “may saysay” sa atin, sa ating sariling wika, para sa bayan, mas maiintindihan natin ang ating sarili.  Maliit kasi ang tingin natin sa ating sarili dahil sa mga “historia” na isinulat ng mga dayuhan sa kanilang perspektiba at nagturo sa atin na umasa lamang sa kanila.  Bagama’t marami ang nagsusulat ukol sa ating kultura at kasaysayan, marami ang hindi nito naaabot dahil sa Ingles lamang nasusulat ang mga ito.

Hindi tayo maaaring maging “globally competitive” kung hindi tayo nagkakaintindihan bilang bansa at hindi matibay ang ating kultura.  Sapagkat ang nais ng globalisasyon ay magkaroon ng isang kultura ang daigdig upang mabenta ang mga produkto ng mga dominanteng bansa.  Magigising tayo minsan na wala na tayong pagkakakilanlan, na patay na ang ating pagkabansa tulad ng sinabi ni Simoun kay Basilio sa mga nobela ni Rizal.  Imbes na mapakinabangan natin ang globalisasyon, magagamit lamang tayo nito.

May mga nag-adhika noon na Ingles na ang maging pambansang wika tulad nina Isidoro Panlasigui.  Tinuruan na daw kasi ang Pilipino na magbasa ng Ingles, at may grupo na ayaw tanggapin ang Tagalog/Filipino bilang wikang pambansa.  Ngunit, ibang usapan kasi kung naiintindihan talaga ang kayang basahin.  Marami na sa kapuluan ang nakakaintindi ng Filipino dahil sa media.  Ang wika kasi ay kultura.  Ibig sabihin, hindi mairerepresenta ng isang dayuhang wika ang yaman ng ating kultura at damdamin tulad ng isang wika mula sa Pilipinas.  Ang “rice” sa Ingles ay palay, bigas, kanin, bahaw, tutong, sinangag, lugaw at iba pa sa Filipino.

Kapuri-puri ang halimbawa ng Pangulong Noynoy Aquino na kausapin ang bayan sa wika nito.  Nasa diwa siya ng kanyang ina na kahit elitista at Inglesera ay inutos sa kanyang Executive Order 335 na gamitin ang Filipino sa mga gawain ng estado.  Ayon kay Adrian Cristobal noong 1988, “This…is what President Corazon Cojuangco Aquino can legitimately parade as her achievement…:  That she has inducted the government and therefore the political realm into the same universe inhabited by the many…..  It is her one true act of statesmanship, an act that bolder presidents couldn’t dare because of the loud objections of regional leaders….  This presidential act will do more for our nationhood than any gesture at leadership.”  1 Agosto kapwa namatay ang Pang Quezon (1944) at Pang. Cory (2009).  Sana alalahanin din ang huli na tagapagtaguyod ng Wikang Pambansa sa buwan na ito at tunay na ipatupad ang kanyang magandang sinimulan.

Totoo, mahalaga pa rin sa akin ang matuto, magsulat at magsalita ng Ingles, at maganda pa nga matuto pa tayo ng Espanyol, Tsino, Aleman, Italiano, at iba pa.  Ngunit mali na itaguyod ang dayuhang wika habang isinasakripisyo nating ang pag-usbong ng Filipino at mga wika sa Pilipinas hindi lamang sa akademya kundi sa pamahalaan at ekonomiya.  Ito ay isang krimen sa ating kultura.  Kung patuloy na ipapatupad ang “English Only Policy” sa mga paaralan, nag-aaksaya lang tayo ng panahon, huwag na nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika.

Sa mga nagtataguyod ng Filipino at ng mga wika sa Pilipinas, huwag mag-alala.  May kakampi tayo kay Emilio Jacinto, “tunay na [mahalaga ang] tao kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika.”

Unang lumitaw sa pitak na “Walking History” sa Good Morning Philippines, 19 Agosto 2011.