IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 11 July 2013: REYNA NG KUNDIMAN, ATANG DELA RAMA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan.  Mula sa digitaleducation.net.

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan. Mula sa digitaleducation.net.

11 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=tMwHNPd5RgM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong November 1979, isang babae ang kumanta ng huling nota ng awit na “Nabasag ang Banga” na nagpatili at nagpahiyaw sa mga tao.  Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, hindi ito nakapagtataka sa panahon na iyon na hawakan lang ni Nora Aunor ang mikropono ay nagsisigawan na ang mga tao, ngunit hindi superstar o pop princess o international singing sensation ang nagtatanghal, kundi isang 74-year old na lola, nakuba na dahil sa kanyang matandang edad at dahil sa isang aksidente, puro ugat na ang kanyang mga kamay, nang tanghaling “Reyna ng Kundiman.”

Lola Atang, Reyna ng Kundiman.  Mula sa manilagrandopera.com.

Lola Atang, Reyna ng Kundiman. Mula sa manilagrandopera.com.

Sabi ng isang guro sa mga manonood, “Walang makakapantay kay Atang!”  Sabi ng katabi niyang nakabarong, “Natural kasi, nasa dugo.”  Isinilang si Honorata de la Rama sa Pandacan, Maynila noong January 11, 1902.  Maagang naulila si Atang at inalagaan ng isang babaeng taga Gagalangin, Tondo na may asawang kompositor.  Kaya pitong taong gulang pa lamang gumanap na sa mga sarswela.

Atang de la Rama.  Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama. Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Atang de la Rama. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Minsan, ikinuwento niya sa historyador na si Dr. Ambeth Ocampo na noong 10 years old siya, habang nageensayo sa Lucena, sinundo siya ng isang lalaking nakakabayo na kilala sa tawag na “Kastila,” isinakay siya sa isa sa mga kaing ng kabayo.  Tahimik lang si “Kastila” pero sa mahabang paglalakbay paminsan ay pinapaawit na lamang siya, nainis ang bata sapagkat mainit ang byahe.  Nang umabot sa isang ilog, sumakay sila sa casco at pinakain ng kain, kamatis at isda, lumamon nang lumamon ang bata sa gutom.  Matapos ang isang araw na paglalakbay, Baler pala ang kanilang destinasyon at sa isang malaking bahay, ang kaniya palang aawitan noong gabing iyon ay si Doña Aurora Aragon.

Atang de la Rama kasama si Ambeth Ocampo.  Ikinuwento ni Ka Atang kay Sir Ambeth na nang tumungo siya sa malaking bahay sa Baler, tinanong siya ng gitarista, ano ba ang nais niyang kantahin.  Sagot ni Ka Atang, kahit na anong kaya mong tugtugin.  Ganoon kagaling si Ka Atang, kahit hindi niya alam ang kanta, madali niyang makuha ang himig at madali niyang maimbento ang mga titik.  Pagdating ng panahon siya na mismo ang susulat ng sarili niyang mga sarswela.  Sabi niya kay Sir Ambeth “Marami kang dapat matutunan mula sa iyong Lola Atang.”  Mula sa peysbuk ni Sir Ambeth.

Dona Aurora Aragon Quezon.  Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Dona Aurora Aragon Quezon. Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Pinaharana sa kanya ng “Kastila” na si Manuel Quezon.  Hindi niya sukat akalain na magiging pangulo siya ng Pilipinas at aawit muli para sa kanya sa Palasyo ng Malacañan.  Sisikat ng husto sa sarswela na Dalagang Bukid noong 15-taong gulang siya at magiging artista rin sa movie version nito, ang unang aktres sa unang Tagalog film na pinrodyus ng Ama ng Pelikulang Pilipino Jose Nepomuceno.

Atang de la Rama.  Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Atang de la Rama. Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino.  Mula kay Dennis Villegas.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino. Mula kay Dennis Villegas.

Mahiwagang Binibini.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Mahiwagang Binibini. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Dugong Silangan.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Dugong Silangan. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Hindi lang ito kabuhayan para sa kanya, naniniwala siyang musika ang kaluluwa ng bansa.  Itataguyod niya ang kundiman at pasisikatin ang mga kantang “Bayan Ko!” “Mutya ng Pasig” at marami pang iba.  Noong pumunta sa Japan noong 1925, nakilala niya si Artemio Ricarte, heneral na hindi sumuko sa mga Amerikano.  Noong 1932, pinakasalan ang makabayang manunulat Ka Amado V. Hernandez, na nang ikulong matapos ang digmaan sa bintang na rebelyon at nang mamatay noong 1970, si Atang ang nagpatuloy ng kanyang mga ipinaglalaban, nagsasalita sa mga kabataan.

Atang de la Rama

Atang de la Rama

Atang de la Rama.  Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama. Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Atang de la Rama. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Heneral Artemio Ricarte.

Heneral Artemio Ricarte.

Ka Amado V. Hernandez.

Ka Amado V. Hernandez.

Bayan Ko.  Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino.  Musika ni Constancio de Guzman.

Bayan Ko. Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino. Musika ni Constancio de Guzman.

Noong 1987, itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining, naabutan pa si Sharon Cuneta, at naabutan pa nang ang kanyang kantang pinasikat, ang “Bayan Ko” ay magiging awit ng Himagsikang EDSA na tiningala sa daigdig.  Namatay si Ka Atang, 22 years ago, July 11, 1991.  Ka Atang de la Rama, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 19 July 2013: KASAYSAYAN NG STATE OF THE NATION ADDRESS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III.  Mula sa malacanang.gov.ph.  From malacanang.gov.ph.

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III. Mula sa malacanang.gov.ph. From malacanang.gov.ph.

19 July 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa July 22, 2013, ibabahagi ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang ika-apat na talumpati ukol sa kalagayan ng bansa o State of the Nation Address.  Noong 2009, isang pangunahing pahayagan ang naglathala ng isang artikulo ukol sa kasaysayan ng State of the Nation Address at sinabi nito na ang unang manipestasyon ng SONA ay ang tinawag nilang “State of the Katipunan Address” o SOKA na ibinahagi ni Supremo Andres Bonifacio bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik noong Tejeros Convention na umagaw sa kanyang puwesto noong March 22, 1897.  Lumaganap ang impormasyon na ito sa internet, tradisyunal na media at maging sa mga billboard sa paaralan.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention.  From Adarna Publishing, Inc.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention. From Adarna Publishing, Inc.

Source of SOKA.

Source of SOKA.

SOKA???  Kaloka.  Liban sa katunog ito ng SOCO, walang record na nagsuka, este, nagtalumpati si Bonifacio ukol sa kalagayan ng Katipunan sa kapulungan na iyon.  Salamat kay Undersecretary Manolo Quezon, tinama niya gamit ang mga historikal na batis sa kanyang mga sulatin ang kasaysayan ng napakahalagang taunang kaganapang ito.  Ang terminong “State of the Nation” ay hiniram sa ulat na “The State of the Union” na binibigkas ng Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika sa kanyang kongreso.

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Si Xiao Chua kasama sina Undersecretary Manuel Quezon, III (ikatlo mula sa kaliwa), kasama sina Dr. Evelyn Songco at Dr. Cesar Pobre, mga dating pangulo ng Kapisanang Pagkasaysayan ng Pilipinas, Tejeros Hall, AFP Commissioned Officers Club, Camp Aguinaldo, March 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama's State of the Union Address. From whitehouse.gov.

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama’s State of the Union Address. From whitehouse.gov.

Sa 1935 constitution nasasaad na isa sa tungkulin ng Pangulo ng Pilipinas  “from time to time” ay ang pagbibigay ng ulat ukol sa “State of the Nation,” at una itong isinakatuparan ni Pangulong Manuel Quezon noong November 25, 1935 sa harapan ng Pambansang Asembleya.  Tanging si Pangulong Elipidio Quirino lamang ang nag-SONA na wala sa kongreso.  Noong January 23, 1950, ang maysakit na Quirino ay iniradyo na lamang ang kanyang SONA sa kongreso mula sa John Hopkins Hospital sa Baltimore.

Fom gov.ph:  President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

Fom gov.ph: President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

From gov.ph:  President Roxas delivers his SONA in 1946.

From gov.ph: President Roxas delivers his SONA in 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph:  President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph: President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From gov.ph:  President Quirino in 1949.

From gov.ph: President Quirino in 1949.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa  ospital, mula sa gov.ph.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa ospital, mula sa gov.ph.

Si Pangulong Ferdinand Marcos, liban sa may hawak na record na pinakamaraming SONA na naibigay—20, ang nagbigay rin ng pinakamahabang SONA noong 1969, 29,335 words, isang libro!

Isang librong SONA:  1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Isang librong SONA: 1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Noong January 26, 1970, nagkaroon ang malaking rally ang mga kabataan sa harapan mismo ng Kongreso at matapos na magtalumpati ang Pangulong Ferdinand Marcos, pinaulanan siya ng bato.  At dito nagkaroon tayo ng dalawang SONA, ang SONA ng pangulo at ang tinatawag na “SONA ng Bayan” na nagpapakita ng dalawang mukha ng bayan, ang mga tagumpay at kabiguan ng pamahalaan.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad.  Mula sa Militant But Groovy.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad. Mula sa Militant But Groovy.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009.  Photo  by Marlon Cornelio.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.  Photo  by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Natigil ang SONA nang iproklama ni Marcos ang Martial Law noong 1972 at napalitan ito ng Ulat sa Bayan tuwing Thanksgiving Day o Anibersaryo ng Martial Law, September 21 hanggang ibalik niya muli ang praktis ng SONA noong 1978 at mula noon sa Batasang Pambansa na ito ginawa.

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa.  Mula sa The New Republic.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa. Mula sa The New Republic.

Mahalaga ang unang SONA ng Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 sapagkat ito ang unang SONA na ibinahagi halos sa Wikang Pambansa.  Sa wakas, may nakaisip na dapat nakikipag-usap ang pangulo hindi lamang sa iilang mga kongresista at mga diplomatiko kundi sa buong bayan.  Nasabi ng aking ina, ang sarap palang pakinggan ng SONA kapag naiintindihan mo.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

Ang bansa ay parang isang relihiyon din, kailangan nito ng mga ritwal na nagpapaalala sa atin na nasa iisang bangka tayo, na isang bansa tayo anuman ang mangyari sa atin, at ang SONA ang okasyon na kung saan ang pangulo, bilang punong saserdote ng bansa, ay magsasalita. Ang lahat, magkakalaban man at magkakakampi, nagiging isa sa pakikinig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Jollibee Philcoa, 11 July 2013)

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.