EID AL-FITR: SPECIAL REPORT (First-ever for PTV)

by xiaochua

Text of the broadcast of Xiao Chua’s first ever special report for News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa.  Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey.  Mula sa english.alarabiya.net.

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa. Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey. Mula sa english.alarabiya.net.

9 August 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=0Q8FEkrRDPc

Sasagutin natin ang tanong ng mga bata ngayong araw, “Mommy, bakit po ba wala kaming pasok???”  Bakit nga ba may holiday?  Panahon kasi ngayon ng Eid al-Fitr, na tinatawag ding Hari Raya Puasa o araw ng wakás ng Ramadán.  Yung iba sa atin, tinatawag ito na “Ramadan,” Kailangang liwanagin, hindi ito ang Ramadan.  Ang Ramadan ay nagmula sa salitang ugat na Arabe na ramiḍa o ar-ramaḍ na ang ibig sabihin ay matinding init o tagtuyot.  Ito ang buwan sa Kalendaryong Islamiko kung saan nagfa-fasting ang mga Muslim ng 29 hanggang 30 araw sang-ayon sa sinasabi ng Quar’an Surah 2: Verse 183 upang sila’y magmatuwid.

Ang Surah 2: verse 183 ng Quran:  “O you who have believed, decreed upon you is fasting as it was decreed upon those before you that you may become righteous.”

Ang Surah 2: verse 183 ng Quran: “O you who have believed, decreed upon you is fasting as it was decreed upon those before you that you may become righteous.”

Isa rin ito sa limang haligi ng Islam na dapat ganapin ng bawat tunay na Muslim.  Sa buwan ng Ramadan unang ipinahayag ni Angel Gibril ang unang talata ng Quaran sa Propeta Muhammad (Mapasakanya nawa ang kapayapaan), gayundin ayon sa mga hadith, o mga salaysay ukol sa propeta, na sa tuwing Ramadan nagbubukas ang mga gate ng Paraiso.  Anumang kabutihan na gawin sa panahon na ito ay babalik ng sampung beses, at ang mga taos-pusong hihingi ng tawad ay patatawarin, gaano man kabigat ang kasalanan.  Ngunit liban sa hindi pagkain mula 4:30 ng umaga bago bigkasin ang pang-umagang panalangin, hanggang mga 6:00 ng gabi sa paglubog ng araw, bawal din ang pagsasabi ng masama o pagmumura at ipinagbabawal din ang pagsisiping ng mag-asawa.  Exempted naman dito ang mga may sakit, nagbibiyahe, mga buntis, nagpapasuso, o mga babaeng may dalawa ngunit inaasahan na babayaran nila ang araw na hindi sila nakapag-ayuno kahit na hindi na Ramadan.  Tuwing Ramadan, mas matindi rin ang pagninilay-nilay sa Quaran at pananalangin ng mga Muslim dahil ang diwa nito ay paglilinis ng espiritu at panahon na maalala ng bawat isang Muslim na ang patuloy na paggabay at biyaya ni Allah sa sangkatauhan.

Piging para sa Eid

Piging para sa Eid

Kaya naman matapos ang pagsasakripisyo ng isang buwan, natural, masayang pagdiriwang ang Eid al-Fitr.  Nasa hadith, na dapat magsama-samang magdasal ang mga Muslim ng 7:00 ng umaga at kailangang gawin ito sa isang bukas na lugar upang hindi “watak-watak” ang mga mga magkakapatid sa pananampalataya.  E bakit nag-iiba-iba ang petsa ng Hadith at hindi masigurado hanggang sa araw mismo na iyon.  Katuruan sa Islam na kailangang abangan kung kalian lilitaw ang crescent moon upang malaman kung tapos na ang Ramadan.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012.  Kuha ni Xiao Chua.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012. Kuha ni Xiao Chua.

Ayon kay Prop. Ayshia Fernando Kunting ng Western Mindanao State University ng Zamboanga, ito ay “biyaya/awa ng Allah sa sangakatauhan na paalalahanan tayo na kahit tayo ay hitik na sa teknolohiya at napakatatalino… hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama tayo, na malalaman natin ang lahat. Ang talino natin, ang progreso ay biyaya lahat ng Allah.  Na Siya lamang ang nakaaalam ng lahat.”  Ayon pa sa kanya, “Ang mga eid ang dalawang pagkakataon sa isang taon na nagkakasama-sama ang mga Muslim at nagdiriwang, simpleng pagre-affirm ng kapatiran, walang dekorasyon, walang parada, simpleng salu-salo ng magkakapatid.”  Ang Pilipinas ang tanging bansang hindi Muslim na mayroong pista opisyal sa mga mahahalagang araw ng Islam, pagkilala ng malaking bahagi at papel ng mga kapatid nating Muslim sa ating lipunan at kasaysayan.  Ako po si Xiao Chua, Telebisyon ng Bayan.

(De La Salle University, 8 August 2013)