IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: cebu

XIAO TIME, 26 April 2013: ANG LABANAN SA MACTAN AT ANG PAGKAMATAY NI MAGELLAN

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Labanan sa Mactan.  Obra Maestra ni Ronilo Abayan.

Ang Labanan sa Mactan. Obra Maestra ni Ronilo Abayan.

26 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=0IGTSsHAgIk Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nang makipagkasundo si Magellan kay Rajah Humabon, Haring Carlos, ng Cebu, bilang patunay sa kanyang sinseridad, sinabi niya na kakalabanin niya para kay Humabon ang kanilang mga karibal sa kabilang isla ng Mactan, na pinamumunuan noon ni Lapu-Lapu.  Sinasabing ang kanyang tunay na pangalan ay Kalipulako.

Kalipulako, Pinuno ng Mactan.

Kalipulako, Pinuno ng Mactan.

Fernando de Magallanes

Fernando de Magallanes

Akala ni Lolo Magellan, parang sa Europa, dahil si Humabon ang hari ng Cebu, siya rin ang Hari ng Mactan.  Big mistake!  Ayon sa ilang eksperto, dahil sa lokasyon ng Mactan na maaaring harangin pa ang mga barko patungong Cebu, masasabing mas makapangyarihan pa si Kalipulako na may kontrol ng pantalan ng Kabisayaan.

Isla ng Mactan.  Guhit ni Francisco D. Coching mula sa komiks niyang Lapulapu.

Isla ng Mactan. Guhit ni Francisco D. Coching mula sa komiks niyang Lapulapu.

492 years ago bukas, April 27, 1521, madaling araw.  Ayon sa kanilang chronicler na si Antonio Pigafetta, nagparating ng mensahe si Magellan kay Kalipulako na kung susundan at kikilalanin nila ang Hari ng Espanya at si Haring Humabon at magbibigay ng tributo sa kanila, magiging magkaibigan sila.  Kung hindi, malalasap ng Mactan kung paano sumugat ang kanilang mga espada.  Sagot ng mga taga Mactan, “Kung may mga espada kayo, may mga sibat kaming kawayan na pinatigas ng apoy!”

Antonio Pigafetta

Antonio Pigafetta

Nagkasundo sila na aatake pagliwanag ang mga Espanyol.  Nag-alok ng tulong sina Humabon ngunit binilinan sila ni Magellan na kahit anong mangyari, huwag silang sasaklolo at panoorin na lamang kung paano sila lumaban.  Naku, “watch and learn” ang peg.  Mula sa mga galyon nila, naglakad ang 49 na sundalong Espanyol sa katubigan dahil hindi makalapit ang barko sa dalampasigan dahil mabato.

Si Kalipulako habang inaabangan ang pagdating ng mga Espanyol.  Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Si Kalipulako habang inaabangan ang pagdating ng mga Espanyol. Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Tatlong hanay ng mga taga-Mactan, sa tantya ni Pigafetta ang bilang ay isang libo limandaan, ang pumalibot sa kanila sa tatlong hanay na tila isang tatsulok.  Nagsisigawan habang lumulusob.  Hindi nakayanan ng mga Espanyol ang dami ng pana, sibat, putik at bato na dumapo sa kanila.  Nang tamaan si Magellan ng panang may lason sa kanang binti, sinabi niya sa mga kasama na bumalik na sa mga barko.

Isang modernong paglalarawan kay Kalipulako.

Isang modernong paglalarawan kay Kalipulako.

Monumento para kay Kalipulako.

Monumento para kay Kalipulako.

Kapanahong paglalarawan ng mga Europeo ukol sa isla ng Mactan at sa Labanan na nangyari dito.  Sa ibaba ng larawan ang ilang mga taga-Mactan na naging magiliw at nag-alok pa ng mga kalakal sa mga Espanyol.

Kapanahong paglalarawan ng mga Europeo ukol sa isla ng Mactan at sa Labanan na nangyari dito. Sa ibaba ng larawan ang ilang mga taga-Mactan sa pamamagitan ni Datu Zula na naging magiliw at nag-alok pa ng mga kalakal sa mga Espanyol.

Kalipulako ni Francisco D. Coching.

Kalipulako ni Francisco D. Coching.

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Anim o walo sa kanila, kasama si Pigafetta, ang nanatiling lumaban kasama niya.  Sa higit isang oras na laban, sinibat si Magellan sa mukha ngunit nakalaban at gumanti ng saksak ng espada, nasugatan pa sa braso at nakampilan sa kaliwang binti.  Sa kanyang pagbagsak, pinagtulungan na ng mga taga Mactan.

One on one ni Magellan at Kalipulako, malamang sa malamang ayon kay Sir Ambeth Ocampo hindi ito nangyari.

One on one ni Magellan at Kalipulako, malamang sa malamang ayon kay Sir Ambeth Ocampo hindi ito nangyari.

Isang lumang engraving "Death of Magellan."  Pinagmukhang maiitim na tao ang mga Pinoy.

Isang lumang engraving “Death of Magellan.” Pinagmukhang maiitim na tao ang mga Pinoy.

Kamatayan ulit ni Magellan, dito pinagmukhang mga barbaro ang mga Pinoy.

Kamatayan ulit ni Magellan, dito pinagmukhang mga barbaro ang mga Pinoy.

Pag-urong ng mga Espanyol.

Pag-urong ng mga Espanyol.

Ayon kay Pigafetta na umurong na nang makita ang pagkamatay ni Magellan, “They killed our mirror, our light, our comfort, and our true guide.”  Ang mga natirang opisyal na Espanyol, sa pamamagitan ng interpreter ni Magellan na si Enrique, ay inanyayahan sa isang piging ni Haring Humabon.  Habang kumakain sa piling ng mga magagandang Cebuana, nilason sila ng mga taga Cebu dahil nanggahasa ang mga Espanyol ng mga babaeng taga-Cebu.  Kumampi na si Enrique sa bayan.

Pagpatay nina Humabon sa mga opisyal na Espanyol, ang pagkampi ng interpreter na si Enrique sa mga taga Cebu at ang pagtatanggal ng krus.

Pagpatay nina Humabon sa mga opisyal na Espanyol, ang pagkampi ng interpreter na si Enrique sa mga taga Cebu at ang pagtatanggal ng krus.

Victoria, ang tanging barko sa ekspedisyon ni Magellan na nakabalik ng Espanya.  Ang unang barko na umikot sa buong daigdig.

Victoria, ang tanging barko sa ekspedisyon ni Magellan na nakabalik ng Espanya. Ang unang barko na umikot sa buong daigdig.

Kahiya-hiyang umalis ang mga natitirang Espanyol at ang kanilang mga barko sa kapuluan at hindi masasakop ito hanggang sa kanilang pagbabalik matapos ang 44 na taon.  Si Kalipulako ngayon ang kinikilalang unang napangalanang bayaning Pilipino.  Pinatunayan natin sa dalampasigan ng Mactan na sa manlulupig, hindi tayo pasisiil.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

WALA NA TAYONG SENSE OF HUMOR nang tanggalin ang diaper ad na ito.  Sayang ang ganda pa naman ng idea.  Meme mula sa fb ni https://twitter.com/mskatrinarose.

WALA NA TAYONG SENSE OF HUMOR nang tanggalin ang diaper ad na ito. Sayang ang ganda pa naman ng idea. Meme mula sa fb ni https://twitter.com/mskatrinarose.

HAVE WE LOST OUR SENSE OF HUMOR??? IBALIK ANG LAPULAPU DIAPER AD!

 

Ang talastasan ukol sa pangalan ni Lapu-Lapu, pagiging Muslim o hindi niya at mga kaugnay na isyu sa Peysbuk ni jesusa Bernardo, http://www.facebook.com/JesusaBernardo/posts/563007967055963:

 

  • You, Mayo BaluyutKenneth Pangilinan and 2 others like this.
  • Jesusa Bernardo-Scandal prop. Michael Charleston Briones Chua, sabi pala ni Copper Sturgeon (sa taga.ilog ko) ay: “Hindi Kaipulako ang tunay na pangalan ni Silapu-lapu, itoy isang tula na ginawa ng isang Tsinoy sa Maynila nuong 18th century. Kung mabasa mo ang tula, hindi naman tulad ni silapu-lapu ito.”
  • Michael Charleston Briones Chua Kaya “sinasabing” yung una ko. Di pa definitive ang debate na yan, kasi may nagsasabi Muslim daw si Lapulapu, hindi kako posible ito dahil nagsasandugo ang mga taga Cebu at Mactan.
    May 7 at 8:45am · Edited · Like · 1
  • Jesusa Bernardo-Scandal ah, bale hindi pa rin sigurado, prop Chua ? pero malakas din ang posibilidad?
  • Michael Charleston Briones Chua saan mo nabasa ang ginawa ng sangley Que Dios Le Perdone (That God May Forgive Him)?
  • Jesusa Bernardo-Scandal bale ang sinasabi ng artikulo, prop Chua , ay kamaliaang pamumulitiko lamang ang claim ni gordon na muslim si lapulapu, at bale ang kalipulako ay mali rin dahil attempt na gawing tunog muslim ang pangalan ng datu. eh ano ang mas tingin mong tama?
  • Juan Carlos Ayeng sorry Jesusa, kalikulapu is just so convenient for a group of people 
    muslim daw, – sipa yan sa aming resistance ng kabisayaan sa islam—animists kami, hindu, shri vijaya, never islam. until now, centuries of animosity, pirate raiding, and presence of language stereotypes that survive till now.
    >>Luzon and Mindanao were muslim, but never the Vijayas
  • Jesusa Bernardo-Scandal Copper Sturgeon , may tanong si prop Michael Charleston Briones Chua sa iyo ukol sa Que Dios Le Perdone (That God May Forgive Him)
  • Jesusa Bernardo-Scandal kahit maliit na bahagi ba ng visayas ay hindi naabot ng islam noon,Juan Carlos Ayeng ? hindi ako muslim, peminista pa ako, pero dapat lagi tayong accurate hanggang kaya. ang alam ko ay maraming deals ang mga sultan sa mga kastila na may kinalaman sa lupa. kaya pati palawan o bahagi nito ay nasa ilalim ng mga kristiano noon.
  • Jesusa Bernardo-Scandal pero kung tama lahat ng nakasaad sa link ni prop. Xiao Chua , , wala pa ngang islam sa bahaging iyon ng pinas, Juan Carlos Ayeng
  • Juan Carlos Ayeng ayaw maniwala ni Doc Zeus kasi ng aming history[maragtas], pero kung ihahambing mo, kung saan ang “bornean datus” nakasaad na namugad, malayo sa pagiging muslim ang mga lugar—at kahit kristyanismo, panlabas na damit lamang–at malalim ang pagkalapit sa animism ng Hapon at India
  • Jesusa Bernardo-Scandal baka humihingi lang ng mas malakas o malalim na ebidensya. nagsaliksik ng matagal si dok zeus at iyon ang alam niya. wala naman siyang vested interest yata para ipagpilitan ang hindi dapat, kung ganoon nga. pero SOP na yata yang kaalaman sa animism ng india (at hapon ba?) dahil nga naging hindu rin tayo o sa bisaya lang ba?
  • Juan Carlos Ayeng Jesusa, “oral tradition” ay walang makukunan ng “ebidensiya”, tulad ng mga oral traditions na pinapasa sa Banahaw. natural, hindi yan mamemeasure–sinabi ko na yan sa kanya
    natutuwa ako sa sineng Princess Mononoke at Spriited Away—ang caretaker ng Kanlaon volcano ay isang creature na puti at itim, cut straight in the middle, kabila puti, kabila itim. panoorin mo ang pati mga espiritu sa Mononoke, pati “nanay” nilang mga kahoy, nakakatuwa ang similarities—tulad ng mga “tamawo” [on other dimensions that coexist with us], na pagnapadpad ka sa kanilang lugar, huwag na huwag kang kumain ng pagkain nila at hindi ka makaka-alis, at huwag na huwag mong kalimutan ang iyong pangalan.
    >>> ang pagsambit ng salita, ng iyong pangalan ay malalim ang kahulugan, mula pa kina nardong putik. hindi mo ito malalagyan ng measurement kung totoo o hindi. malayong malayo ito sa islam at kristyanismo…
  • LaoVendil JoMa baka po Hawaiian descent?
  • Juan Carlos Ayeng Princess Mononoke at Spirited Away— by Hayao Miyazaki. reeks of the kind of animism that is in the visayans…even the Gods who “can opt to change” from good to bad, anytime they want to. morality is depths away from western logic or dielectics
  • Michael Charleston Briones Chua Kung nagsasandugo ang mga taga Visayas, hindi sila maaaring Muslim dahil bawal sugatan ang sariling katawan sa kanioang doktrina. At kumakain sila ng baboy damo, nakipagtrade ng baboy damo sa mga Espanyol si Humabon.
  • Michael Charleston Briones Chua Kung naabot ng Islam ang isang maliit na bahagi ng Visayas, maaari pero wala akong masasabi dyan dahil hindi yan ang expertise ko, tanungin kaya natin si Zeus Salazar.
  • Juan Carlos Ayeng btw, nasunog pala nung december ang bahay ni Suprema. priceless cultural artifacts that predates christian beliefs gone. tsk tsk tsk. but thats life, bangon ulit
  • Michael Charleston Briones Chua Oo nga, nabalitaan ko pero hanep din ang bayanihan nila na itayo muli ang bahay ibon. Mula sa kwento ni Alvin Campomanes re:Suprema
    May 7 at 9:48am · Edited · Like · 1
  • Juan Carlos Ayeng Mike, nagtetrade tayo sa lahat. muslim man, at kung ano pang pangalan nila—– mas tuso lamang ang mga Kastila, kasi nakita nilang sinasamba naming bisaya ang bata, deify children—kaya substitution/subversion ginawa nila on their left hand, at nakaw…See More
  • Michael Charleston Briones Chua Wala naman ata tayong contention s nagtatrade sila sa lahat.
  • Juan Carlos Ayeng sa ganitong pagiisip, nabuhay ang kilusan na ibalik sa dating pangalan at anyo ang mga pinalitan lamang ng mga Kastila—tulad ng Dakilang Ina – Mama Mary; Diyos Apo, lahat na….pati ang sugo dito sa lupa, na naninirahan sa europa, ang santo papa—binabawi ng mga traditional leaders ng banwa—kaya ang mga titulo ng mga ito ay hindi hari, kundi papa, pagputol sa kontrol ng papa ng vatican
  • Juan Carlos Ayeng natuwa ako mike sa napakasimple mong explanation ng baboy ramo, pero huling huli, kung sino man ang namimilit ng pagkamuslim ng mga Bisaya, hehehe. panalo!
  • Juan Carlos Ayeng briones chua? aklan? bohol? -ako bohol+iloilo, raised in bacolod – highschool in iloilo
  • Michael Charleston Briones Chua Tarlac City po, I am also known as Xiao Chua. Nice to meet you po.
    May 7 at 9:53am · Edited · Like · 1
  • Jesusa Bernardo-Scandal si gordong amboy, epal, at amboy pa rin, nanampal ng GRO noong panahon ni marcos, ang namimilit na muslim ang mga bisayas:) pero kahit maliit na bahagi ba ng bisaya ay hindi naabot ng islam? sabi nga ni prop xiao, itanong kay dok Zeus Salazar
  • Juan Carlos Ayeng good to know you Mike
  • Jesusa Bernardo-Scandal tungkol sa oral tradition, Juan Carlos Ayeng , naniniwala ako ng husto diyan. at pati si dok zeus sa pagkakaalam ko at advocate pa nga sila ( BAKAS) ng paggamit ng hindi tradisyunal na pagsusulat ng kasaysayan. kaya maari lang din na naconsider din niya yan sa isyu kung napasok (bago dumating ba ang kastila?) ang bisayas ng islam.
  • Juan Carlos Ayeng Tolerant ang mga bisayans Jesusa, may mga Hapon nga doon, at ang pinagmamalaki nilang Katana, laminated blades [tempered with dual layers], ay nakapasok na sa pagpanday ng sarili nating talibong, ginunting, kampilan. 
    hindi kaila ang pagdadala ng iba’t ibang relihiyon at paniniwala sa mga kabisayaan…. hanggang ngayon, andaming Mormon, Iglesia ni Kristo, Adventist, lahta na–pero buhay pa rin sa kaloob looban ng mga ito ang mas amalalaim na animism ng mga isla. damit lamang iyan, at akong araw araw na nagrorosaryo, tumatapon pa rin ng bagong bukas na alak, ng isang tansang puno nito, at ibinibigay [ang share] ng mga tag-lugar [the other ones]
  • Juan Carlos Ayeng ang islam na damit ay hindi masyadong tolerant, at hindi inaacommodate ang lokal na paniniwala, kaya hindi attractie hanggang ngayon sa mga bisaya. punta lang sila, no problem, pero hindi lalaganap ang relihiyon nila, at kung may ilan sa kanilang gusto…See More
  • Jesusa Bernardo-Scandal salamat sa pagbabahagi, juan. marami rin akong insights na napulot. siguradong may tama ka rin naman. kung ipapahintulot, at wala akong ibang ibig sabihin, makikita rin ang tapang kumbaga ng mga bisaya sa mga boy na nagiging violent sa mga amo nila sa luzon (madalas siguro) pag tingin nila ay inaapi sila… gayun pa man, pagaaralan ang kabuuan.
  • Copper Sturgeon Chinese mestiso wrote the poem during the18th century, and what is interesting is that he is requesting forgiveness from God for killing Magellan, whose only guilt according to him was to give the word of God.

    What is interesting, Hispanist view is still of Magellan’s heroic misadventure, even though history never considered him that way today.

    I was sent a copy of the poem by Hispanist cousin “Guillermo Gomez-Rivera”, maintaining that Lapulapu was really a Caliph as later “historian” claimed, that is if the poem is based on fact, but it is not at all.

    Because if you read Pigafetta’s accounts, comparing to other’s account during that period, there is no such person, then consider the fact that Caliphates never existed in Southeast Asia, we have instead a Sultanate. Very different.

    From what I gather, Silapulapu is the name, and he was not Muslim, otherwise he would be described as “Moro”, which was not mentioned at all. For the Iberians this determination is important, as Magellan intercepted a Moro ship on the way to Malacca from Manila.
  • Michael Charleston Briones Chua Good point! In a way my use of Kalipulako (Not Caliph Pulaco) gives it a more Pinoy perspective.
  • Zeus Salazar Tama si cooper Sturgeon. Walang primaryang dokumento hinggil sa pangalang ipananganalandakan mo, Xiao. Mag-ingat-ingat naman tayo kung gusto nating matawag na tunay na hustoryadorl Nag-aasta kang Alviun C.
  • Zeus Salazar Xiao: ang perspektibang Pinoy ay nasasalalay sa katotohanang pangkasaysyan na bunga ng masinsinang pananaliksik ayon sa metodolohiyang pangkasaysyan. Tinuro o dapat itinuro sa iyo ito ng iyong propesor sa Kasaysayan. Hindi ka journalist, Xiao. Hindi mo kailangan yan. May M.A. ka sa Kasaysayan.

XIAO TIME, 18 April 2013: MGA IMPORMASYONG NAKAPALOOB SA KOGA PAPERS NA NAKUHA SA CEBU NOONG WORLD WAR II

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Admiral Mineichi Koga, ang commander ng Japanese Imperial Combined Fleet, pabalat ng TIME magazine.

Admiral Mineichi Koga, ang commander ng Japanese Imperial Combined Fleet, pabalat ng TIME magazine.

18 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=vJFN5AXPkvk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong isang linggo ginunita natin ang Araw ng Kagitingan.  Dahil Fall of Bataan ang basis nito, tila na-highlight ang pagkatalo ng mga Pilipino at ang tanging nagligtas sa mga Pilipino ay ang pagbabalik ni MacArthur at ang mga Amerikano noong October 1944.

Fall of Bataan, nagsaya ang mga Hapones.  April 9, 1941.

Fall of Bataan, nagsaya ang mga Hapones. April 9, 1941.

Ngunit ang hindi masyadong nababanggit, ang papel ng mga gerilyang Pilipino sa pangkalahatang pagwawagi laban sa mga Hapones noong digmaang Pasipiko.  69 years ago ngayong buwan, April 1, 1944, madaling araw, nang isang eroplano ang bumagsak sa dagat malapit sa baybayin ng San Fernando at Carcar sa Timog Cebu.

Mula kay Col. Manuel Segura.

Mula kay Col. Manuel Segura.

Banda rito bumagsak ang eroplano ni Koga sa Timog Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Banda rito bumagsak ang eroplano ni Koga sa Timog Cebu. Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang sakay ng eroplano:  Ilang susing opisyal ng hukbong pandagat ng imperyong Hapones na nasa isang inspection mission.  Nahuli ng mga Pilipinong gerilya sa Cebu sa pamumuno ng isang Amerikanong si James Cushing sina Vice Admiral Shigeru Fukudome, Chief of Staff ng Japanese Imperial Combined Fleet, at siyam pang opisyal at mga tauhan ng Imperial Japanese Navy.  Nasawi sa crash si Admiral Mineichi Koga, ang commander ng combined fleet.

James Cushing.  Mula kay Col. Manuel Segura.

James Cushing. Mula kay Col. Manuel Segura.

Vice Admiral Shigeru Fukudome, Chief of Staff ng Japanese Imperial Combined Fleet

Vice Admiral Shigeru Fukudome, Chief of Staff ng Japanese Imperial Combined Fleet

Admiral Mineichi Koga, Japanese Imperial Combined Fleet

Admiral Mineichi Koga, Japanese Imperial Combined Fleet

Mula sa wreckage ng eroplano, inanod ang isang maleta na puno ng mga papeles ni Koga.  Natagpuan ito ng mga gerilya dito kanilang nakita ang detalyadong mga plano ng mga Hapones na magdulot ng matinding pinsala sa papalapit na mga pwersang pandagat ng mga Amerikano.

Isang pahina ng salin sa Ingles ng Koga Papers.

Isang pahina ng salin sa Ingles ng Koga Papers.

Nakadetalye rin dito ang kumpletong pagtataya ng lakas at disposisyon ng mga barkong pandigma ng mga Hapones.  Dahil sa high strategic value ng mga papeles, hinanap ng mga Hapones ang mga papeles ni Koga sa mga dalampasigan ng Naga hanggang Carcar.  Brutal ang naging pamamaraan nina Koronel Takeshi Watanabe upang maisakatuparan ang kanilang misyon na mahanap ang mga Koga Papers at ang mga bihag na mga Hapones, minaltrato at pinatay ang mga sibilyan at sinunog ang mga bahay at tinugis ang mga gerilya hanggang sa kagubatan ng Cebu.  Ngunit hindi isinuko ng mga gerilya ang mga papel.  Matatagpuan ang kamangha-manghang kwento sa aklat na The Koga Papers ni Manuel Segura, na isa sa mga gerilya sa Cebu na kalahok sa mga nangyari.

The Koga Papers ni Col. Manuel Segura.

The Koga Papers ni Col. Manuel Segura.

Col. Manuel Segura

Col. Manuel Segura

Col. Manuel Segura kasama ang mga fans niya na sina John Ray Ramos at Xiao Chua, tangan ang mga kopya nila ng mga aklat ni Segura ukol sa mga gerilya sa Cebu--"Tabunan" at "The Koga Papers," Marso 2013, Camp Aguinaldo.

Col. Manuel Segura kasama ang mga fans niya na sina John Ray Ramos at Xiao Chua, tangan ang mga kopya nila ng mga aklat ni Segura ukol sa mga gerilya sa Cebu–“Tabunan” at “The Koga Papers,” Marso 2013, Camp Aguinaldo.

Isinilid ang mga dokumento ito sa isang sisidlan ng bala ng mortar, waterproof, itinawid ng dagat patungo sa Negros Oriental.  Mula dito, isinakay sa isang submarino at dinala sa Australia, kay Heneral Douglas MacArthur mismo sa kanyang himpilan sa Southwest Pacific Command.

Ang mga matatapang na gerilya sa Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mga matatapang na gerilya sa Cebu. Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mga matatapang na gerilya sa Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mga matatapang na gerilya sa Cebu. Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mga matatapang na gerilya sa Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mga matatapang na gerilya sa Cebu. Mula kay Col. Manuel Segura.

18 itinawid ng dagat patungo sa Negros Oriental

Mula sa mga Koga Papers, nalaman nilang ang mga Hapones ay naghahanda sa paglalanding ng mga Amerikano mula sa Mindanao, ngunit mahina ang depensa sa bandang Visayas.  Plano sanang bumalik ni MacArthur sa Sarangani Bay sa Mindanao noong December 1944.  Dahil sa bagong impormasyon, pinaaga ni MacArthur ang nakatakdang pagbabalik tungo sa October 20, 1944, sa Leyte sa Visayas.

Ang pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur kasama ni Pangulong Sergio Osmena.

Ang pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur kasama ni Pangulong Sergio Osmena.

Dahil sa Koga Papers na dinala ng mga Pinoy sa mga Amerikano, napadali ang pagwawagi laban sa mga Hapones sa digmaang Pasipiko.  Nang bumalik ang mga Amerikano sa Cebu sa Talisay Beach noong March 26, 1945, maliit na lamang na pwersang Hapones ang kanilang kinalaban, sinalubong sila ng mga matagumpay na gerilyerong Cebuano.

Mapa ng Cebu Landing.  Mula sa opisyal na ulat ni Heneral Douglas MacArthur.

Mapa ng Cebu Landing. Mula sa opisyal na ulat ni Heneral Douglas MacArthur.

Cebu Landing ng mga Amerikano sa Talisay Beach, March 26, 1945

Cebu Landing ng mga Amerikano sa Talisay Beach, March 26, 1945

Maliit na pwersang Hapones na lamang ang sinagupa nila...

Maliit na pwersang Hapones na lamang ang sinagupa nila…

Sinalubong ang mga Amerikano ng mga gerilyanong Cebuano.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Sinalubong ang mga Amerikano ng mga gerilyanong Cebuano. Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mgasumukong sundalomng Hapones sa Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mgasumukong sundalomng Hapones sa Cebu. Mula kay Col. Manuel Segura.

Maging sa Visayas napatunayan natin, hindi tayo talunan.  WE WON THE WAR.  Yan ang katotohanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(St. Joseph Hall, DLSU Manila, 3 April 2013, pasasalamat kay John Ray Ramos sa pagtulong na isulat ang episode na ito.)

XIAO TIME, 16 April 2013: ANG PAGBINYAG SA CEBU

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"The first baptism in the Philippines" ni Fernando Amorsolo.  Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

“The first baptism in the Philippines” ni Fernando Amorsolo. Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

16 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=NwO8vQppmus

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Inawit ni Yoyoy Villame, “When Magellan landed in Cebu City, Rajah Humabon met him they were very happy.  All people were baptized and built the Church of Christ, and that’s the beginning of our Catholic life…” 492 years ago noong Linggo, April 14, 1521, nagpabinyag sa Katolisismo ang Hari ng Cebu na si Humabon at ang kanyang mga kababayang Sugbuanon.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu.  Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

April 7, 1521, dumating ang explorer ng Espanya na si Ferdinand Magellan sa Cebu upang bumili ng mga suplay para sa kanyang mga tauhan.  Nagpaputok sila ng mga kanyon na ikinatakot ng mga taga Cebu.  Ngunit ipinadala ni Magellan ang kanyang interpreter na si Enrique de Malacca upang sabihin sa Hari ng Cebu na si Humabon na kaugalian ito sa Espanya upang ipahiwatig ang pagnanais na makipagkaibigan ng isang kapitan.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Interpreter??? Hindi ba si Magellan daw ang naka-discover ng Pilipinas e paano nagkaroon ng interpreter???  Si Enrique na interpreter ay nakilala ni Magellan sa Moluccas noong siya ay sundalo pa lamang ng Portugal.  Dinala niya ito sa Europa at isinama sa paglalakbay.  Ngunit bakit marunong siya mag-Bisaya, Waray at Sugbuanon kung hindi siya taga Pilipinas.  Kung nakabalik na sa Pilipinas si Enrique at siya ay nagmula sa Pilipinas, hindi ba’t siya dapat ang kilalanin na unang nakaikot sa mundo!  Anuman, sa mga susunod na araw, masaya na nakipag-ugnayan ang mga Sugbuanon sa mga Espanyol.  Bilang tanda ng pakikipagkaibigan, nagbigay sila ng bigas, baboy ramo, manok at kambing ang mga taga-Cebu.  Nagbigay naman ng tela, salamin, gora (sumbrero) ang mga Espanyol.  Ipinagmalaki din ng mga taga-Europa ang kanilang mga barko at sandata.

Ang pakikipagkasundo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pakikipagsandugo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Noong April 14, ayon sa tala ni Antonio Pigafetta, ang tagapagkwento ng paglalakbay, nagsalita si Magellan sa mga taga Sugbu sa benepisyo ng pagiging Katoliko.  Na magiging kaalyado sila ng pinakamalakas na emperador sa daigdig.  Ayon sa tala, taos-pusong nagpakita ng sinseridad si Humabon na magpabinyag kahit na walang makukuhang pakinabang dito.  Pinangalanan siyang Haring Carlos at matapos ang tanghalian, ang kanyang kabiyak naman ang nabinyagang Reyna Juana.  Sa araw na iyon, walong daang Sugbuanon ang nagpabinyag sa Santa Iglesia Catolica Romana.

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu.  Mula sa isang lumang aklat.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu. Mula sa isang lumang aklat.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

 

Ang unang pagbinyag.

Ang unang pagbinyag.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ipinawasak ni Magellan sa mga taga Sugbu ang kanilang mga anito at inutusang palitan ito ng mga krus sa kanilang tahanan.  Ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana ang isang estatwa, ang Santo Niño.  Sa palagay niyo ba?  Tunay na naging mga Katoliko ang mga Sugbuanon, naintindihan ang pananampalataya sa isang talumpati lamang???

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala.  Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala. Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo.  Nasa Ayala Museum.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo. Nasa Ayala Museum.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana.  Original!  Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana. Original! Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Para sa ilang iskolar, pulitikal ang pagpapabinyag ng hari at ng mga taga Sugbu.  Sapagkat nang bumalik ang mga Espanyol noong 1565, nahanap ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang Santo Niño na sinasamba sa isang kubo tulad ng isang anito.  Ngayon, ang krus ni Magellan ay nasa Cebu pa rin, at ang orihinal na Santo Niño ay sinasayawan pa rin sa Sinulog na tulad ng sayaw ng pagsamba sa mga anito ng mga ninuno natin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

Ang Magellan's Cross

Ang Magellan’s Cross

sign-below-magellan-cross

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe.  Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo.  Folk Catholicism ang labas.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe. Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo. Folk Catholicism ang labas.

XIAOTIME, 14 March 2013: HULING ARAW SA BUHAY NI DATING PANGULONG RAMON MAGSAYSAY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

SI Pangulong Ramon Magsaysay habang kumakain kasama ang dating Pangulong Sergio Osmena.  Mula sa aklat na Ramon Magsaysay:  A Political Biography ni Jose Abueva.

SI Pangulong Ramon Magsaysay habang kumakain kasama ang dating Pangulong Sergio Osmena, Lungsod ng Cebu, 16 March 1957. Mula sa aklat na Ramon Magsaysay: A Political Biography ni Jose Abueva.

14 March 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RKFTy70qlWw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  56 years ago sa Sabado, March 16, 1957, nagising ng alas cuatro ng umaga ang Pangulo ng Pilipinas—Ramon Magsaysay mula sa isang masamang panaginip.  Mayroon daw siyang binaril at hindi na nakatulog.  Kinaumagahan matapos mag-almusal, binisita niya ang kanyang mga magulang sa may Singalong.

Ang panaginip ng pangulo.  Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Ang panaginip ng pangulo. Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Si Magsaysay habang nagmamano sa kanyang ama.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay habang nagmamano sa kanyang ama. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Si Magsaysay kasama ang kanyang mga magulang na sina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro.   Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay kasama ang kanyang mga magulang na sina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro-Magsaysay. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Binisita rin niya ang kanyang kapatid na si Nene at nakipaglaro pa sa mga pamangkin.  Bumalik ng Palasyo upang magpagupit ng buhok at magtanghalian kasama ang kanyang First Lady na si Luz at anak na si Tita.  Sa pinakaunang pagkakataon, hiniling ni Pangulong Monching kung maaari ay samahan siya ng asawa papunta sa airport.  Hindi raw gumagawa ng ganitong sentimental na hiling ang presidente.  Ngunit nang makitang antukin pa ang asawa, sinabi ni Magsaysay, huwag na.  Sa unang pagkakataon din, nang magpaalam, hinalikan niya at niyakap ang asawa sa harap ng ibang tao.

Ang pamilya Magsaysay.  Mula sa zambalesforum.org.

Ang pamilya Magsaysay. Mula sa zambalesforum.org.

Si Ramon Magsaysay kasama ang kanyang misis na si Luz Banson Magsaysay.  Mula sa LIFE.

Si Ramon Magsaysay kasama ang kanyang misis na si Luz Banson Magsaysay. Mula sa LIFE.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Sa airport, tila nakita siya ng isang babae na tila parang may maliit halo sa ulo ng pangulo tulad ng isang santo.  Sumakay sila sa Presidential Plane Mt. Pinatubo.  Ipinangalan niya ito sa bundok kung saan siya lumaban bilang pinunong gerilya noong World War II.

Si Monching bilang isang tinedyer.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Monching bilang isang tinedyer. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Pagdating sa Cebu ng alas tres ng hapon, agad na sinimulan ng pangulo ang kanyang punong-punong iskedyul.  Siya mismo ang nagdala sa Cebu ng isang gamot na hiniling sa kanya para sa isang hindi niya kakilala, si Cornelio Faigao, dahil dito gumaling sa pagka-comatose kinalaunan ang nasabing maysakit.

Si Pangulong Magsaysay kasama ang dating Pangulong Osmena sa Cebu, 16 March 1957.  Mula kay Manuel Quezon, III.

Si Pangulong Magsaysay kasama ang dating Pangulong Osmena sa Cebu, 16 March 1957. Mula kay Manuel Quezon, III.

Nag-courtesy call sa mga bahay nina dating Pangulong Sergio Osmeña at Monsignor Julio Rosales, nagbigay ng speech sa apat na unibersidad, nagpamasahe at naghapunan sa isang kaibigan—13 katao ang kumain sa hapag-kainan.  Nakipag-usap pa at sinikap na ipag-ayos ang mga nag-aaway na mga pulitiko sa Cebu bago magbigay muli ng talumpati sa Club Filipino sa harap ng mga pinakamayayaman sa lalawigan.  Maghahatinggabi na noon.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Siyam na oras na siya sa Cebu ngunit papunta sa airport, biglaan siyang sumaglit sa isang proyektong pabahay para sa mga mahihirap upang magbigay ng isang sorpresang inspeksyon na mahilig niyang gawin.  Naghihintay sa Lahug Airport ang matandang dating Pangulong Osmeña upang ulitin ang kanyang naunang pakiusap sa Pangulo, kung maaari magpalipas na ng magdamag sa kanyang tahanan at umalis na lamang ng maaga kinabukasan.  Magalang na tumanggi ang Pangulong Monching, marami raw siyang trabaho kinabukasan sa Maynila.  Kaya, sumakay siya sa eroplano, ang ika-13 na sumakay dito at lumipad na kasama ng ilang mamamahayag at opisyal ng pamahalaan ala-una ng madaling araw, March 17, 1957.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

May isang Tsinong manghuhula ang minsang tumungo sa Palasyo upang bigyan ng kwidaw ang Pangulo, ipinapakita raw ng kanyang mga bituwin na ang kanyang pag-angat at pagbagsak sa kapangyarihan ay magiging sing bilis ng isang bulalakaw.  Here today, gone tomorrow.  Noong madaling araw na iyon, isang liwanag ang sumabog sa dilim ng gabi sa Bundok Manunggal sa Cebu.  Tulad ng isang bulalakaw, wala na ang kampeon ng karaniwang mamamayan.  Namatay na naglilingkod sa sambayanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 9 March 2013)

Singbilis ng isang bulalakaw.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Singbilis ng isang bulalakaw. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Ang bangkay ng Pangulong Ramon Magsaysay sa pinangyarihan ng pagbagsak ng eroplano.  Mula sa dokumentaryong In Our Image.

Ang bangkay ng Pangulong Ramon Magsaysay sa pinangyarihan ng pagbagsak ng eroplano. Mula sa dokumentaryong In Our Image.

Ang sayt sa Mt. Manunggal, Cebu kung saan bumagsak ang presidential plane Mt. Pinatubo.

Ang sayt sa Mt. Manunggal, Cebu kung saan bumagsak ang presidential plane Mt. Pinatubo.

Si Magsaysay habang nakasakay sa kanyang opisyal na kabayo,  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay habang nakasakay sa kanyang opisyal na kabayo, Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Riderless horse sa libing ni Magsaysay.  Wala na ang Pangulo.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Riderless horse sa libing ni Magsaysay. Wala na ang Pangulo. Mula sa Magsaysay: The People’s President.