XIAO TIME, 26 April 2013: ANG LABANAN SA MACTAN AT ANG PAGKAMATAY NI MAGELLAN

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Labanan sa Mactan.  Obra Maestra ni Ronilo Abayan.

Ang Labanan sa Mactan. Obra Maestra ni Ronilo Abayan.

26 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=0IGTSsHAgIk Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nang makipagkasundo si Magellan kay Rajah Humabon, Haring Carlos, ng Cebu, bilang patunay sa kanyang sinseridad, sinabi niya na kakalabanin niya para kay Humabon ang kanilang mga karibal sa kabilang isla ng Mactan, na pinamumunuan noon ni Lapu-Lapu.  Sinasabing ang kanyang tunay na pangalan ay Kalipulako.

Kalipulako, Pinuno ng Mactan.

Kalipulako, Pinuno ng Mactan.

Fernando de Magallanes

Fernando de Magallanes

Akala ni Lolo Magellan, parang sa Europa, dahil si Humabon ang hari ng Cebu, siya rin ang Hari ng Mactan.  Big mistake!  Ayon sa ilang eksperto, dahil sa lokasyon ng Mactan na maaaring harangin pa ang mga barko patungong Cebu, masasabing mas makapangyarihan pa si Kalipulako na may kontrol ng pantalan ng Kabisayaan.

Isla ng Mactan.  Guhit ni Francisco D. Coching mula sa komiks niyang Lapulapu.

Isla ng Mactan. Guhit ni Francisco D. Coching mula sa komiks niyang Lapulapu.

492 years ago bukas, April 27, 1521, madaling araw.  Ayon sa kanilang chronicler na si Antonio Pigafetta, nagparating ng mensahe si Magellan kay Kalipulako na kung susundan at kikilalanin nila ang Hari ng Espanya at si Haring Humabon at magbibigay ng tributo sa kanila, magiging magkaibigan sila.  Kung hindi, malalasap ng Mactan kung paano sumugat ang kanilang mga espada.  Sagot ng mga taga Mactan, “Kung may mga espada kayo, may mga sibat kaming kawayan na pinatigas ng apoy!”

Antonio Pigafetta

Antonio Pigafetta

Nagkasundo sila na aatake pagliwanag ang mga Espanyol.  Nag-alok ng tulong sina Humabon ngunit binilinan sila ni Magellan na kahit anong mangyari, huwag silang sasaklolo at panoorin na lamang kung paano sila lumaban.  Naku, “watch and learn” ang peg.  Mula sa mga galyon nila, naglakad ang 49 na sundalong Espanyol sa katubigan dahil hindi makalapit ang barko sa dalampasigan dahil mabato.

Si Kalipulako habang inaabangan ang pagdating ng mga Espanyol.  Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Si Kalipulako habang inaabangan ang pagdating ng mga Espanyol. Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Tatlong hanay ng mga taga-Mactan, sa tantya ni Pigafetta ang bilang ay isang libo limandaan, ang pumalibot sa kanila sa tatlong hanay na tila isang tatsulok.  Nagsisigawan habang lumulusob.  Hindi nakayanan ng mga Espanyol ang dami ng pana, sibat, putik at bato na dumapo sa kanila.  Nang tamaan si Magellan ng panang may lason sa kanang binti, sinabi niya sa mga kasama na bumalik na sa mga barko.

Isang modernong paglalarawan kay Kalipulako.

Isang modernong paglalarawan kay Kalipulako.

Monumento para kay Kalipulako.

Monumento para kay Kalipulako.

Kapanahong paglalarawan ng mga Europeo ukol sa isla ng Mactan at sa Labanan na nangyari dito.  Sa ibaba ng larawan ang ilang mga taga-Mactan na naging magiliw at nag-alok pa ng mga kalakal sa mga Espanyol.

Kapanahong paglalarawan ng mga Europeo ukol sa isla ng Mactan at sa Labanan na nangyari dito. Sa ibaba ng larawan ang ilang mga taga-Mactan sa pamamagitan ni Datu Zula na naging magiliw at nag-alok pa ng mga kalakal sa mga Espanyol.

Kalipulako ni Francisco D. Coching.

Kalipulako ni Francisco D. Coching.

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Anim o walo sa kanila, kasama si Pigafetta, ang nanatiling lumaban kasama niya.  Sa higit isang oras na laban, sinibat si Magellan sa mukha ngunit nakalaban at gumanti ng saksak ng espada, nasugatan pa sa braso at nakampilan sa kaliwang binti.  Sa kanyang pagbagsak, pinagtulungan na ng mga taga Mactan.

One on one ni Magellan at Kalipulako, malamang sa malamang ayon kay Sir Ambeth Ocampo hindi ito nangyari.

One on one ni Magellan at Kalipulako, malamang sa malamang ayon kay Sir Ambeth Ocampo hindi ito nangyari.

Isang lumang engraving "Death of Magellan."  Pinagmukhang maiitim na tao ang mga Pinoy.

Isang lumang engraving “Death of Magellan.” Pinagmukhang maiitim na tao ang mga Pinoy.

Kamatayan ulit ni Magellan, dito pinagmukhang mga barbaro ang mga Pinoy.

Kamatayan ulit ni Magellan, dito pinagmukhang mga barbaro ang mga Pinoy.

Pag-urong ng mga Espanyol.

Pag-urong ng mga Espanyol.

Ayon kay Pigafetta na umurong na nang makita ang pagkamatay ni Magellan, “They killed our mirror, our light, our comfort, and our true guide.”  Ang mga natirang opisyal na Espanyol, sa pamamagitan ng interpreter ni Magellan na si Enrique, ay inanyayahan sa isang piging ni Haring Humabon.  Habang kumakain sa piling ng mga magagandang Cebuana, nilason sila ng mga taga Cebu dahil nanggahasa ang mga Espanyol ng mga babaeng taga-Cebu.  Kumampi na si Enrique sa bayan.

Pagpatay nina Humabon sa mga opisyal na Espanyol, ang pagkampi ng interpreter na si Enrique sa mga taga Cebu at ang pagtatanggal ng krus.

Pagpatay nina Humabon sa mga opisyal na Espanyol, ang pagkampi ng interpreter na si Enrique sa mga taga Cebu at ang pagtatanggal ng krus.

Victoria, ang tanging barko sa ekspedisyon ni Magellan na nakabalik ng Espanya.  Ang unang barko na umikot sa buong daigdig.

Victoria, ang tanging barko sa ekspedisyon ni Magellan na nakabalik ng Espanya. Ang unang barko na umikot sa buong daigdig.

Kahiya-hiyang umalis ang mga natitirang Espanyol at ang kanilang mga barko sa kapuluan at hindi masasakop ito hanggang sa kanilang pagbabalik matapos ang 44 na taon.  Si Kalipulako ngayon ang kinikilalang unang napangalanang bayaning Pilipino.  Pinatunayan natin sa dalampasigan ng Mactan na sa manlulupig, hindi tayo pasisiil.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

WALA NA TAYONG SENSE OF HUMOR nang tanggalin ang diaper ad na ito.  Sayang ang ganda pa naman ng idea.  Meme mula sa fb ni https://twitter.com/mskatrinarose.

WALA NA TAYONG SENSE OF HUMOR nang tanggalin ang diaper ad na ito. Sayang ang ganda pa naman ng idea. Meme mula sa fb ni https://twitter.com/mskatrinarose.

HAVE WE LOST OUR SENSE OF HUMOR??? IBALIK ANG LAPULAPU DIAPER AD!

 

Ang talastasan ukol sa pangalan ni Lapu-Lapu, pagiging Muslim o hindi niya at mga kaugnay na isyu sa Peysbuk ni jesusa Bernardo, http://www.facebook.com/JesusaBernardo/posts/563007967055963:

 

  • You, Mayo BaluyutKenneth Pangilinan and 2 others like this.
  • Jesusa Bernardo-Scandal prop. Michael Charleston Briones Chua, sabi pala ni Copper Sturgeon (sa taga.ilog ko) ay: “Hindi Kaipulako ang tunay na pangalan ni Silapu-lapu, itoy isang tula na ginawa ng isang Tsinoy sa Maynila nuong 18th century. Kung mabasa mo ang tula, hindi naman tulad ni silapu-lapu ito.”
  • Michael Charleston Briones Chua Kaya “sinasabing” yung una ko. Di pa definitive ang debate na yan, kasi may nagsasabi Muslim daw si Lapulapu, hindi kako posible ito dahil nagsasandugo ang mga taga Cebu at Mactan.
    May 7 at 8:45am · Edited · Like · 1
  • Jesusa Bernardo-Scandal ah, bale hindi pa rin sigurado, prop Chua ? pero malakas din ang posibilidad?
  • Michael Charleston Briones Chua saan mo nabasa ang ginawa ng sangley Que Dios Le Perdone (That God May Forgive Him)?
  • Jesusa Bernardo-Scandal bale ang sinasabi ng artikulo, prop Chua , ay kamaliaang pamumulitiko lamang ang claim ni gordon na muslim si lapulapu, at bale ang kalipulako ay mali rin dahil attempt na gawing tunog muslim ang pangalan ng datu. eh ano ang mas tingin mong tama?
  • Juan Carlos Ayeng sorry Jesusa, kalikulapu is just so convenient for a group of people 
    muslim daw, – sipa yan sa aming resistance ng kabisayaan sa islam—animists kami, hindu, shri vijaya, never islam. until now, centuries of animosity, pirate raiding, and presence of language stereotypes that survive till now.
    >>Luzon and Mindanao were muslim, but never the Vijayas
  • Jesusa Bernardo-Scandal Copper Sturgeon , may tanong si prop Michael Charleston Briones Chua sa iyo ukol sa Que Dios Le Perdone (That God May Forgive Him)
  • Jesusa Bernardo-Scandal kahit maliit na bahagi ba ng visayas ay hindi naabot ng islam noon,Juan Carlos Ayeng ? hindi ako muslim, peminista pa ako, pero dapat lagi tayong accurate hanggang kaya. ang alam ko ay maraming deals ang mga sultan sa mga kastila na may kinalaman sa lupa. kaya pati palawan o bahagi nito ay nasa ilalim ng mga kristiano noon.
  • Jesusa Bernardo-Scandal pero kung tama lahat ng nakasaad sa link ni prop. Xiao Chua , , wala pa ngang islam sa bahaging iyon ng pinas, Juan Carlos Ayeng
  • Juan Carlos Ayeng ayaw maniwala ni Doc Zeus kasi ng aming history[maragtas], pero kung ihahambing mo, kung saan ang “bornean datus” nakasaad na namugad, malayo sa pagiging muslim ang mga lugar—at kahit kristyanismo, panlabas na damit lamang–at malalim ang pagkalapit sa animism ng Hapon at India
  • Jesusa Bernardo-Scandal baka humihingi lang ng mas malakas o malalim na ebidensya. nagsaliksik ng matagal si dok zeus at iyon ang alam niya. wala naman siyang vested interest yata para ipagpilitan ang hindi dapat, kung ganoon nga. pero SOP na yata yang kaalaman sa animism ng india (at hapon ba?) dahil nga naging hindu rin tayo o sa bisaya lang ba?
  • Juan Carlos Ayeng Jesusa, “oral tradition” ay walang makukunan ng “ebidensiya”, tulad ng mga oral traditions na pinapasa sa Banahaw. natural, hindi yan mamemeasure–sinabi ko na yan sa kanya
    natutuwa ako sa sineng Princess Mononoke at Spriited Away—ang caretaker ng Kanlaon volcano ay isang creature na puti at itim, cut straight in the middle, kabila puti, kabila itim. panoorin mo ang pati mga espiritu sa Mononoke, pati “nanay” nilang mga kahoy, nakakatuwa ang similarities—tulad ng mga “tamawo” [on other dimensions that coexist with us], na pagnapadpad ka sa kanilang lugar, huwag na huwag kang kumain ng pagkain nila at hindi ka makaka-alis, at huwag na huwag mong kalimutan ang iyong pangalan.
    >>> ang pagsambit ng salita, ng iyong pangalan ay malalim ang kahulugan, mula pa kina nardong putik. hindi mo ito malalagyan ng measurement kung totoo o hindi. malayong malayo ito sa islam at kristyanismo…
  • LaoVendil JoMa baka po Hawaiian descent?
  • Juan Carlos Ayeng Princess Mononoke at Spirited Away— by Hayao Miyazaki. reeks of the kind of animism that is in the visayans…even the Gods who “can opt to change” from good to bad, anytime they want to. morality is depths away from western logic or dielectics
  • Michael Charleston Briones Chua Kung nagsasandugo ang mga taga Visayas, hindi sila maaaring Muslim dahil bawal sugatan ang sariling katawan sa kanioang doktrina. At kumakain sila ng baboy damo, nakipagtrade ng baboy damo sa mga Espanyol si Humabon.
  • Michael Charleston Briones Chua Kung naabot ng Islam ang isang maliit na bahagi ng Visayas, maaari pero wala akong masasabi dyan dahil hindi yan ang expertise ko, tanungin kaya natin si Zeus Salazar.
  • Juan Carlos Ayeng btw, nasunog pala nung december ang bahay ni Suprema. priceless cultural artifacts that predates christian beliefs gone. tsk tsk tsk. but thats life, bangon ulit
  • Michael Charleston Briones Chua Oo nga, nabalitaan ko pero hanep din ang bayanihan nila na itayo muli ang bahay ibon. Mula sa kwento ni Alvin Campomanes re:Suprema
    May 7 at 9:48am · Edited · Like · 1
  • Juan Carlos Ayeng Mike, nagtetrade tayo sa lahat. muslim man, at kung ano pang pangalan nila—– mas tuso lamang ang mga Kastila, kasi nakita nilang sinasamba naming bisaya ang bata, deify children—kaya substitution/subversion ginawa nila on their left hand, at nakaw…See More
  • Michael Charleston Briones Chua Wala naman ata tayong contention s nagtatrade sila sa lahat.
  • Juan Carlos Ayeng sa ganitong pagiisip, nabuhay ang kilusan na ibalik sa dating pangalan at anyo ang mga pinalitan lamang ng mga Kastila—tulad ng Dakilang Ina – Mama Mary; Diyos Apo, lahat na….pati ang sugo dito sa lupa, na naninirahan sa europa, ang santo papa—binabawi ng mga traditional leaders ng banwa—kaya ang mga titulo ng mga ito ay hindi hari, kundi papa, pagputol sa kontrol ng papa ng vatican
  • Juan Carlos Ayeng natuwa ako mike sa napakasimple mong explanation ng baboy ramo, pero huling huli, kung sino man ang namimilit ng pagkamuslim ng mga Bisaya, hehehe. panalo!
  • Juan Carlos Ayeng briones chua? aklan? bohol? -ako bohol+iloilo, raised in bacolod – highschool in iloilo
  • Michael Charleston Briones Chua Tarlac City po, I am also known as Xiao Chua. Nice to meet you po.
    May 7 at 9:53am · Edited · Like · 1
  • Jesusa Bernardo-Scandal si gordong amboy, epal, at amboy pa rin, nanampal ng GRO noong panahon ni marcos, ang namimilit na muslim ang mga bisayas:) pero kahit maliit na bahagi ba ng bisaya ay hindi naabot ng islam? sabi nga ni prop xiao, itanong kay dok Zeus Salazar
  • Juan Carlos Ayeng good to know you Mike
  • Jesusa Bernardo-Scandal tungkol sa oral tradition, Juan Carlos Ayeng , naniniwala ako ng husto diyan. at pati si dok zeus sa pagkakaalam ko at advocate pa nga sila ( BAKAS) ng paggamit ng hindi tradisyunal na pagsusulat ng kasaysayan. kaya maari lang din na naconsider din niya yan sa isyu kung napasok (bago dumating ba ang kastila?) ang bisayas ng islam.
  • Juan Carlos Ayeng Tolerant ang mga bisayans Jesusa, may mga Hapon nga doon, at ang pinagmamalaki nilang Katana, laminated blades [tempered with dual layers], ay nakapasok na sa pagpanday ng sarili nating talibong, ginunting, kampilan. 
    hindi kaila ang pagdadala ng iba’t ibang relihiyon at paniniwala sa mga kabisayaan…. hanggang ngayon, andaming Mormon, Iglesia ni Kristo, Adventist, lahta na–pero buhay pa rin sa kaloob looban ng mga ito ang mas amalalaim na animism ng mga isla. damit lamang iyan, at akong araw araw na nagrorosaryo, tumatapon pa rin ng bagong bukas na alak, ng isang tansang puno nito, at ibinibigay [ang share] ng mga tag-lugar [the other ones]
  • Juan Carlos Ayeng ang islam na damit ay hindi masyadong tolerant, at hindi inaacommodate ang lokal na paniniwala, kaya hindi attractie hanggang ngayon sa mga bisaya. punta lang sila, no problem, pero hindi lalaganap ang relihiyon nila, at kung may ilan sa kanilang gusto…See More
  • Jesusa Bernardo-Scandal salamat sa pagbabahagi, juan. marami rin akong insights na napulot. siguradong may tama ka rin naman. kung ipapahintulot, at wala akong ibang ibig sabihin, makikita rin ang tapang kumbaga ng mga bisaya sa mga boy na nagiging violent sa mga amo nila sa luzon (madalas siguro) pag tingin nila ay inaapi sila… gayun pa man, pagaaralan ang kabuuan.
  • Copper Sturgeon Chinese mestiso wrote the poem during the18th century, and what is interesting is that he is requesting forgiveness from God for killing Magellan, whose only guilt according to him was to give the word of God.

    What is interesting, Hispanist view is still of Magellan’s heroic misadventure, even though history never considered him that way today.

    I was sent a copy of the poem by Hispanist cousin “Guillermo Gomez-Rivera”, maintaining that Lapulapu was really a Caliph as later “historian” claimed, that is if the poem is based on fact, but it is not at all.

    Because if you read Pigafetta’s accounts, comparing to other’s account during that period, there is no such person, then consider the fact that Caliphates never existed in Southeast Asia, we have instead a Sultanate. Very different.

    From what I gather, Silapulapu is the name, and he was not Muslim, otherwise he would be described as “Moro”, which was not mentioned at all. For the Iberians this determination is important, as Magellan intercepted a Moro ship on the way to Malacca from Manila.
  • Michael Charleston Briones Chua Good point! In a way my use of Kalipulako (Not Caliph Pulaco) gives it a more Pinoy perspective.
  • Zeus Salazar Tama si cooper Sturgeon. Walang primaryang dokumento hinggil sa pangalang ipananganalandakan mo, Xiao. Mag-ingat-ingat naman tayo kung gusto nating matawag na tunay na hustoryadorl Nag-aasta kang Alviun C.
  • Zeus Salazar Xiao: ang perspektibang Pinoy ay nasasalalay sa katotohanang pangkasaysyan na bunga ng masinsinang pananaliksik ayon sa metodolohiyang pangkasaysyan. Tinuro o dapat itinuro sa iyo ito ng iyong propesor sa Kasaysayan. Hindi ka journalist, Xiao. Hindi mo kailangan yan. May M.A. ka sa Kasaysayan.