IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: magellan

XIAO TIME, 5 July 2013: ANG PAPEL NI MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI SA ATING KASAYSAYAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

5 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=ikjETWEEbVk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Matapos ang pagkasawi ni Magellan sa Mactan, nagpadala ang Hari ng Espanya ng iba pang mga ekspedisyon patungo sa mga kapuluang ito—ang mga ekspedisyon nina Loaysa, Cabot, Saavedra at Villalobos na may tatlong pangunahing misyon:  Makipagkasundo sa mga bayan; magpaumanhin sa mga taga-Cebu sa nangyaring panggagahasa ng mga tauhan ni Magellan; ibalik ang mga labi ni Magellan.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Lahat sila ay nabigo.  Marami pa sa mga pinuno nito ay nabihag ng mga karibal na Portuges na hawak ang kalapit na Moluccas o Spice Islands.  Ngunit inutusan ng Hari ng Espanya, Felipe Segundo ang Viceroyalty ng Nueva España sa Mexico na muling magpadala ng isa pang ekspedisyon sa Pilipinas.

Felipe II (Segundo).  Mula sa Pacto de Sangre

Felipe II (Segundo). Mula sa Pacto de Sangre

At si Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang napili.  Naging katuwang niya ang isang paring Agustino, si Padre Andres de Urdaneta, na bago maging pari ay beterano na ng Ekspedisyong Loaysa kaya alam na niya ang ruta patungong Pilipinas at pamilyar na sa pasikot-sikot sa kapuluan.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta.  Mula sa san Agustin Church.

Padre Andres de Urdaneta. Mula sa San Agustin Church.

Siya ang magiging alas ng ekspedisyon.  Umalis sila ng Mexico noong November 1864 at matapos ang dalawang buwan, nakarating sa Samar noong February 20, 1565.  Sa Bohol, sa pag-aakalang sila ay mga Portuges, nagsilikas sa kabundukan o nag-ilihan ang mga tao ngunit nang malaman ni Rajah Sikatuna na ibang mga tao ito, siya ay nakipagsandugo kay Legazpi, isang punto sa ating kasaysayan ni ipininta ni Juan Luna at ang obra maestra ngayon ay nasa Palasyo ng Malacañan.

Pacto de Sangre.  Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera.  Si Sikatuna si Jose Rizal.  Obra maestra ni Juan Luna.

Pacto de Sangre. Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera. Si Sikatuna si Jose Rizal. Obra maestra ni Juan Luna.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna.  Mula sa Yes! Magazine.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna. Mula sa Yes! Magazine.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Kung para sa mga Boholano, tunay na kapatid na ang turing nila sa mga Espanyol bilang isang dugo na lamang sila, wala naman itong kahulugan sa mga Espanyol at tumalikod din sa kapatirang ito tulad ng binaggit ni Andres Bonifacio sa kanyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog.”

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Noong April 27, dumating sila sa Sugbu ngunit nilabanan ng mga tauhan ni Rajah Tupas.  Ngunit hindi naglaon, dahil sa mas diplomatikong approach ni Legazpi, nakipagkasundo rin sa mga Espanyol si Rajah Tupas.  Kalaunan, ang Cebu ang naging pinakaunang kolonyal na lungsod sa Pilipinas noong 1571.

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi.  Mula sa driftwoodjourneys.com.

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi. Mula sa driftwoodjourneys.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Ngunit hindi ibig sabihin na nasakop ang Cebu ay nasakop na ang buong Pilipinas, simula lamang ito ng mahabang proseso ng Conquista.  Lumipat siya sa Panay noong 1569, at ginamit ang mga dayuhan ng mga mandirigmang Panayanhon upang tulungan sila sa paggalugad at pananakop ng mga kalabang Moro sa Mindoro at Luzon na nilulusob sila.  Pinamunuan sila ng apo ni Legazpi na si Juan de Salcedo at Martin de Goiti.  Tampuhan ng Bisaya at Tagalog, noon pa pala iyon???

Juan de Salcedo.  Obra maestra ni Dan Dizon.

Juan de Salcedo. Obra maestra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi.  Obra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi. Obra ni Dan Dizon.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe.  Mula sa Ayala Museum.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.

 

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Isang taon matapos na matalo ni de Goiti sina Rajah Soliman at ang mga taga-Maynila noong 1570, tumungo doon mismo si Legazpi at itinatag niya kasama ni Padre Urdaneta ang Lungsod ng Maynila, 442 years ago, June 24, 1571 na ginugunita ngayon bilang Araw ng Maynila.

Pagdating ni Legazpi at Urdaneta sa Maynila, 1571.  Mula sa Simbahan ng San Agustin.

Pagdating ni Legazpi at Urdaneta sa Maynila, 1571. Mula sa Simbahan ng San Agustin.

Pagdating ni Legazpi at Urdaneta sa Maynila, 1571.  Mula sa Simbahan ng San Agustin.

Pagdating ni Legazpi at Urdaneta sa Maynila, 1571. Mula sa Simbahan ng San Agustin.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Namatay siya sa kanyang lungsod makalipas ang isang taon, August 20, 1572 at inilibing sa Simbahan ng San Agustin.  Ngayon, ang lumang monumento nina Legazpi at Urdaneta ay ninanakawan at kinakalakal ang mga bakal.  Naku!  Magtigil po kayo!  Bahagi po yan ng kasaysayan!

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito.  Pati daliri nawala.  Kaloka.  Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito. Pati daliri nawala. Kaloka. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo.   Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)

XIAO TIME, 26 April 2013: ANG LABANAN SA MACTAN AT ANG PAGKAMATAY NI MAGELLAN

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Labanan sa Mactan.  Obra Maestra ni Ronilo Abayan.

Ang Labanan sa Mactan. Obra Maestra ni Ronilo Abayan.

26 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=0IGTSsHAgIk Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nang makipagkasundo si Magellan kay Rajah Humabon, Haring Carlos, ng Cebu, bilang patunay sa kanyang sinseridad, sinabi niya na kakalabanin niya para kay Humabon ang kanilang mga karibal sa kabilang isla ng Mactan, na pinamumunuan noon ni Lapu-Lapu.  Sinasabing ang kanyang tunay na pangalan ay Kalipulako.

Kalipulako, Pinuno ng Mactan.

Kalipulako, Pinuno ng Mactan.

Fernando de Magallanes

Fernando de Magallanes

Akala ni Lolo Magellan, parang sa Europa, dahil si Humabon ang hari ng Cebu, siya rin ang Hari ng Mactan.  Big mistake!  Ayon sa ilang eksperto, dahil sa lokasyon ng Mactan na maaaring harangin pa ang mga barko patungong Cebu, masasabing mas makapangyarihan pa si Kalipulako na may kontrol ng pantalan ng Kabisayaan.

Isla ng Mactan.  Guhit ni Francisco D. Coching mula sa komiks niyang Lapulapu.

Isla ng Mactan. Guhit ni Francisco D. Coching mula sa komiks niyang Lapulapu.

492 years ago bukas, April 27, 1521, madaling araw.  Ayon sa kanilang chronicler na si Antonio Pigafetta, nagparating ng mensahe si Magellan kay Kalipulako na kung susundan at kikilalanin nila ang Hari ng Espanya at si Haring Humabon at magbibigay ng tributo sa kanila, magiging magkaibigan sila.  Kung hindi, malalasap ng Mactan kung paano sumugat ang kanilang mga espada.  Sagot ng mga taga Mactan, “Kung may mga espada kayo, may mga sibat kaming kawayan na pinatigas ng apoy!”

Antonio Pigafetta

Antonio Pigafetta

Nagkasundo sila na aatake pagliwanag ang mga Espanyol.  Nag-alok ng tulong sina Humabon ngunit binilinan sila ni Magellan na kahit anong mangyari, huwag silang sasaklolo at panoorin na lamang kung paano sila lumaban.  Naku, “watch and learn” ang peg.  Mula sa mga galyon nila, naglakad ang 49 na sundalong Espanyol sa katubigan dahil hindi makalapit ang barko sa dalampasigan dahil mabato.

Si Kalipulako habang inaabangan ang pagdating ng mga Espanyol.  Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Si Kalipulako habang inaabangan ang pagdating ng mga Espanyol. Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Tatlong hanay ng mga taga-Mactan, sa tantya ni Pigafetta ang bilang ay isang libo limandaan, ang pumalibot sa kanila sa tatlong hanay na tila isang tatsulok.  Nagsisigawan habang lumulusob.  Hindi nakayanan ng mga Espanyol ang dami ng pana, sibat, putik at bato na dumapo sa kanila.  Nang tamaan si Magellan ng panang may lason sa kanang binti, sinabi niya sa mga kasama na bumalik na sa mga barko.

Isang modernong paglalarawan kay Kalipulako.

Isang modernong paglalarawan kay Kalipulako.

Monumento para kay Kalipulako.

Monumento para kay Kalipulako.

Kapanahong paglalarawan ng mga Europeo ukol sa isla ng Mactan at sa Labanan na nangyari dito.  Sa ibaba ng larawan ang ilang mga taga-Mactan na naging magiliw at nag-alok pa ng mga kalakal sa mga Espanyol.

Kapanahong paglalarawan ng mga Europeo ukol sa isla ng Mactan at sa Labanan na nangyari dito. Sa ibaba ng larawan ang ilang mga taga-Mactan sa pamamagitan ni Datu Zula na naging magiliw at nag-alok pa ng mga kalakal sa mga Espanyol.

Kalipulako ni Francisco D. Coching.

Kalipulako ni Francisco D. Coching.

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Obra ni Albert Gamos para sa Aklat Adarna

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Lapulapu ni Francisco D. Coching

Anim o walo sa kanila, kasama si Pigafetta, ang nanatiling lumaban kasama niya.  Sa higit isang oras na laban, sinibat si Magellan sa mukha ngunit nakalaban at gumanti ng saksak ng espada, nasugatan pa sa braso at nakampilan sa kaliwang binti.  Sa kanyang pagbagsak, pinagtulungan na ng mga taga Mactan.

One on one ni Magellan at Kalipulako, malamang sa malamang ayon kay Sir Ambeth Ocampo hindi ito nangyari.

One on one ni Magellan at Kalipulako, malamang sa malamang ayon kay Sir Ambeth Ocampo hindi ito nangyari.

Isang lumang engraving "Death of Magellan."  Pinagmukhang maiitim na tao ang mga Pinoy.

Isang lumang engraving “Death of Magellan.” Pinagmukhang maiitim na tao ang mga Pinoy.

Kamatayan ulit ni Magellan, dito pinagmukhang mga barbaro ang mga Pinoy.

Kamatayan ulit ni Magellan, dito pinagmukhang mga barbaro ang mga Pinoy.

Pag-urong ng mga Espanyol.

Pag-urong ng mga Espanyol.

Ayon kay Pigafetta na umurong na nang makita ang pagkamatay ni Magellan, “They killed our mirror, our light, our comfort, and our true guide.”  Ang mga natirang opisyal na Espanyol, sa pamamagitan ng interpreter ni Magellan na si Enrique, ay inanyayahan sa isang piging ni Haring Humabon.  Habang kumakain sa piling ng mga magagandang Cebuana, nilason sila ng mga taga Cebu dahil nanggahasa ang mga Espanyol ng mga babaeng taga-Cebu.  Kumampi na si Enrique sa bayan.

Pagpatay nina Humabon sa mga opisyal na Espanyol, ang pagkampi ng interpreter na si Enrique sa mga taga Cebu at ang pagtatanggal ng krus.

Pagpatay nina Humabon sa mga opisyal na Espanyol, ang pagkampi ng interpreter na si Enrique sa mga taga Cebu at ang pagtatanggal ng krus.

Victoria, ang tanging barko sa ekspedisyon ni Magellan na nakabalik ng Espanya.  Ang unang barko na umikot sa buong daigdig.

Victoria, ang tanging barko sa ekspedisyon ni Magellan na nakabalik ng Espanya. Ang unang barko na umikot sa buong daigdig.

Kahiya-hiyang umalis ang mga natitirang Espanyol at ang kanilang mga barko sa kapuluan at hindi masasakop ito hanggang sa kanilang pagbabalik matapos ang 44 na taon.  Si Kalipulako ngayon ang kinikilalang unang napangalanang bayaning Pilipino.  Pinatunayan natin sa dalampasigan ng Mactan na sa manlulupig, hindi tayo pasisiil.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

WALA NA TAYONG SENSE OF HUMOR nang tanggalin ang diaper ad na ito.  Sayang ang ganda pa naman ng idea.  Meme mula sa fb ni https://twitter.com/mskatrinarose.

WALA NA TAYONG SENSE OF HUMOR nang tanggalin ang diaper ad na ito. Sayang ang ganda pa naman ng idea. Meme mula sa fb ni https://twitter.com/mskatrinarose.

HAVE WE LOST OUR SENSE OF HUMOR??? IBALIK ANG LAPULAPU DIAPER AD!

 

Ang talastasan ukol sa pangalan ni Lapu-Lapu, pagiging Muslim o hindi niya at mga kaugnay na isyu sa Peysbuk ni jesusa Bernardo, http://www.facebook.com/JesusaBernardo/posts/563007967055963:

 

  • You, Mayo BaluyutKenneth Pangilinan and 2 others like this.
  • Jesusa Bernardo-Scandal prop. Michael Charleston Briones Chua, sabi pala ni Copper Sturgeon (sa taga.ilog ko) ay: “Hindi Kaipulako ang tunay na pangalan ni Silapu-lapu, itoy isang tula na ginawa ng isang Tsinoy sa Maynila nuong 18th century. Kung mabasa mo ang tula, hindi naman tulad ni silapu-lapu ito.”
  • Michael Charleston Briones Chua Kaya “sinasabing” yung una ko. Di pa definitive ang debate na yan, kasi may nagsasabi Muslim daw si Lapulapu, hindi kako posible ito dahil nagsasandugo ang mga taga Cebu at Mactan.
    May 7 at 8:45am · Edited · Like · 1
  • Jesusa Bernardo-Scandal ah, bale hindi pa rin sigurado, prop Chua ? pero malakas din ang posibilidad?
  • Michael Charleston Briones Chua saan mo nabasa ang ginawa ng sangley Que Dios Le Perdone (That God May Forgive Him)?
  • Jesusa Bernardo-Scandal bale ang sinasabi ng artikulo, prop Chua , ay kamaliaang pamumulitiko lamang ang claim ni gordon na muslim si lapulapu, at bale ang kalipulako ay mali rin dahil attempt na gawing tunog muslim ang pangalan ng datu. eh ano ang mas tingin mong tama?
  • Juan Carlos Ayeng sorry Jesusa, kalikulapu is just so convenient for a group of people 
    muslim daw, – sipa yan sa aming resistance ng kabisayaan sa islam—animists kami, hindu, shri vijaya, never islam. until now, centuries of animosity, pirate raiding, and presence of language stereotypes that survive till now.
    >>Luzon and Mindanao were muslim, but never the Vijayas
  • Jesusa Bernardo-Scandal Copper Sturgeon , may tanong si prop Michael Charleston Briones Chua sa iyo ukol sa Que Dios Le Perdone (That God May Forgive Him)
  • Jesusa Bernardo-Scandal kahit maliit na bahagi ba ng visayas ay hindi naabot ng islam noon,Juan Carlos Ayeng ? hindi ako muslim, peminista pa ako, pero dapat lagi tayong accurate hanggang kaya. ang alam ko ay maraming deals ang mga sultan sa mga kastila na may kinalaman sa lupa. kaya pati palawan o bahagi nito ay nasa ilalim ng mga kristiano noon.
  • Jesusa Bernardo-Scandal pero kung tama lahat ng nakasaad sa link ni prop. Xiao Chua , , wala pa ngang islam sa bahaging iyon ng pinas, Juan Carlos Ayeng
  • Juan Carlos Ayeng ayaw maniwala ni Doc Zeus kasi ng aming history[maragtas], pero kung ihahambing mo, kung saan ang “bornean datus” nakasaad na namugad, malayo sa pagiging muslim ang mga lugar—at kahit kristyanismo, panlabas na damit lamang–at malalim ang pagkalapit sa animism ng Hapon at India
  • Jesusa Bernardo-Scandal baka humihingi lang ng mas malakas o malalim na ebidensya. nagsaliksik ng matagal si dok zeus at iyon ang alam niya. wala naman siyang vested interest yata para ipagpilitan ang hindi dapat, kung ganoon nga. pero SOP na yata yang kaalaman sa animism ng india (at hapon ba?) dahil nga naging hindu rin tayo o sa bisaya lang ba?
  • Juan Carlos Ayeng Jesusa, “oral tradition” ay walang makukunan ng “ebidensiya”, tulad ng mga oral traditions na pinapasa sa Banahaw. natural, hindi yan mamemeasure–sinabi ko na yan sa kanya
    natutuwa ako sa sineng Princess Mononoke at Spriited Away—ang caretaker ng Kanlaon volcano ay isang creature na puti at itim, cut straight in the middle, kabila puti, kabila itim. panoorin mo ang pati mga espiritu sa Mononoke, pati “nanay” nilang mga kahoy, nakakatuwa ang similarities—tulad ng mga “tamawo” [on other dimensions that coexist with us], na pagnapadpad ka sa kanilang lugar, huwag na huwag kang kumain ng pagkain nila at hindi ka makaka-alis, at huwag na huwag mong kalimutan ang iyong pangalan.
    >>> ang pagsambit ng salita, ng iyong pangalan ay malalim ang kahulugan, mula pa kina nardong putik. hindi mo ito malalagyan ng measurement kung totoo o hindi. malayong malayo ito sa islam at kristyanismo…
  • LaoVendil JoMa baka po Hawaiian descent?
  • Juan Carlos Ayeng Princess Mononoke at Spirited Away— by Hayao Miyazaki. reeks of the kind of animism that is in the visayans…even the Gods who “can opt to change” from good to bad, anytime they want to. morality is depths away from western logic or dielectics
  • Michael Charleston Briones Chua Kung nagsasandugo ang mga taga Visayas, hindi sila maaaring Muslim dahil bawal sugatan ang sariling katawan sa kanioang doktrina. At kumakain sila ng baboy damo, nakipagtrade ng baboy damo sa mga Espanyol si Humabon.
  • Michael Charleston Briones Chua Kung naabot ng Islam ang isang maliit na bahagi ng Visayas, maaari pero wala akong masasabi dyan dahil hindi yan ang expertise ko, tanungin kaya natin si Zeus Salazar.
  • Juan Carlos Ayeng btw, nasunog pala nung december ang bahay ni Suprema. priceless cultural artifacts that predates christian beliefs gone. tsk tsk tsk. but thats life, bangon ulit
  • Michael Charleston Briones Chua Oo nga, nabalitaan ko pero hanep din ang bayanihan nila na itayo muli ang bahay ibon. Mula sa kwento ni Alvin Campomanes re:Suprema
    May 7 at 9:48am · Edited · Like · 1
  • Juan Carlos Ayeng Mike, nagtetrade tayo sa lahat. muslim man, at kung ano pang pangalan nila—– mas tuso lamang ang mga Kastila, kasi nakita nilang sinasamba naming bisaya ang bata, deify children—kaya substitution/subversion ginawa nila on their left hand, at nakaw…See More
  • Michael Charleston Briones Chua Wala naman ata tayong contention s nagtatrade sila sa lahat.
  • Juan Carlos Ayeng sa ganitong pagiisip, nabuhay ang kilusan na ibalik sa dating pangalan at anyo ang mga pinalitan lamang ng mga Kastila—tulad ng Dakilang Ina – Mama Mary; Diyos Apo, lahat na….pati ang sugo dito sa lupa, na naninirahan sa europa, ang santo papa—binabawi ng mga traditional leaders ng banwa—kaya ang mga titulo ng mga ito ay hindi hari, kundi papa, pagputol sa kontrol ng papa ng vatican
  • Juan Carlos Ayeng natuwa ako mike sa napakasimple mong explanation ng baboy ramo, pero huling huli, kung sino man ang namimilit ng pagkamuslim ng mga Bisaya, hehehe. panalo!
  • Juan Carlos Ayeng briones chua? aklan? bohol? -ako bohol+iloilo, raised in bacolod – highschool in iloilo
  • Michael Charleston Briones Chua Tarlac City po, I am also known as Xiao Chua. Nice to meet you po.
    May 7 at 9:53am · Edited · Like · 1
  • Jesusa Bernardo-Scandal si gordong amboy, epal, at amboy pa rin, nanampal ng GRO noong panahon ni marcos, ang namimilit na muslim ang mga bisayas:) pero kahit maliit na bahagi ba ng bisaya ay hindi naabot ng islam? sabi nga ni prop xiao, itanong kay dok Zeus Salazar
  • Juan Carlos Ayeng good to know you Mike
  • Jesusa Bernardo-Scandal tungkol sa oral tradition, Juan Carlos Ayeng , naniniwala ako ng husto diyan. at pati si dok zeus sa pagkakaalam ko at advocate pa nga sila ( BAKAS) ng paggamit ng hindi tradisyunal na pagsusulat ng kasaysayan. kaya maari lang din na naconsider din niya yan sa isyu kung napasok (bago dumating ba ang kastila?) ang bisayas ng islam.
  • Juan Carlos Ayeng Tolerant ang mga bisayans Jesusa, may mga Hapon nga doon, at ang pinagmamalaki nilang Katana, laminated blades [tempered with dual layers], ay nakapasok na sa pagpanday ng sarili nating talibong, ginunting, kampilan. 
    hindi kaila ang pagdadala ng iba’t ibang relihiyon at paniniwala sa mga kabisayaan…. hanggang ngayon, andaming Mormon, Iglesia ni Kristo, Adventist, lahta na–pero buhay pa rin sa kaloob looban ng mga ito ang mas amalalaim na animism ng mga isla. damit lamang iyan, at akong araw araw na nagrorosaryo, tumatapon pa rin ng bagong bukas na alak, ng isang tansang puno nito, at ibinibigay [ang share] ng mga tag-lugar [the other ones]
  • Juan Carlos Ayeng ang islam na damit ay hindi masyadong tolerant, at hindi inaacommodate ang lokal na paniniwala, kaya hindi attractie hanggang ngayon sa mga bisaya. punta lang sila, no problem, pero hindi lalaganap ang relihiyon nila, at kung may ilan sa kanilang gusto…See More
  • Jesusa Bernardo-Scandal salamat sa pagbabahagi, juan. marami rin akong insights na napulot. siguradong may tama ka rin naman. kung ipapahintulot, at wala akong ibang ibig sabihin, makikita rin ang tapang kumbaga ng mga bisaya sa mga boy na nagiging violent sa mga amo nila sa luzon (madalas siguro) pag tingin nila ay inaapi sila… gayun pa man, pagaaralan ang kabuuan.
  • Copper Sturgeon Chinese mestiso wrote the poem during the18th century, and what is interesting is that he is requesting forgiveness from God for killing Magellan, whose only guilt according to him was to give the word of God.

    What is interesting, Hispanist view is still of Magellan’s heroic misadventure, even though history never considered him that way today.

    I was sent a copy of the poem by Hispanist cousin “Guillermo Gomez-Rivera”, maintaining that Lapulapu was really a Caliph as later “historian” claimed, that is if the poem is based on fact, but it is not at all.

    Because if you read Pigafetta’s accounts, comparing to other’s account during that period, there is no such person, then consider the fact that Caliphates never existed in Southeast Asia, we have instead a Sultanate. Very different.

    From what I gather, Silapulapu is the name, and he was not Muslim, otherwise he would be described as “Moro”, which was not mentioned at all. For the Iberians this determination is important, as Magellan intercepted a Moro ship on the way to Malacca from Manila.
  • Michael Charleston Briones Chua Good point! In a way my use of Kalipulako (Not Caliph Pulaco) gives it a more Pinoy perspective.
  • Zeus Salazar Tama si cooper Sturgeon. Walang primaryang dokumento hinggil sa pangalang ipananganalandakan mo, Xiao. Mag-ingat-ingat naman tayo kung gusto nating matawag na tunay na hustoryadorl Nag-aasta kang Alviun C.
  • Zeus Salazar Xiao: ang perspektibang Pinoy ay nasasalalay sa katotohanang pangkasaysyan na bunga ng masinsinang pananaliksik ayon sa metodolohiyang pangkasaysyan. Tinuro o dapat itinuro sa iyo ito ng iyong propesor sa Kasaysayan. Hindi ka journalist, Xiao. Hindi mo kailangan yan. May M.A. ka sa Kasaysayan.

XIAO TIME, 16 April 2013: ANG PAGBINYAG SA CEBU

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"The first baptism in the Philippines" ni Fernando Amorsolo.  Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

“The first baptism in the Philippines” ni Fernando Amorsolo. Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

16 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=NwO8vQppmus

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Inawit ni Yoyoy Villame, “When Magellan landed in Cebu City, Rajah Humabon met him they were very happy.  All people were baptized and built the Church of Christ, and that’s the beginning of our Catholic life…” 492 years ago noong Linggo, April 14, 1521, nagpabinyag sa Katolisismo ang Hari ng Cebu na si Humabon at ang kanyang mga kababayang Sugbuanon.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu.  Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

April 7, 1521, dumating ang explorer ng Espanya na si Ferdinand Magellan sa Cebu upang bumili ng mga suplay para sa kanyang mga tauhan.  Nagpaputok sila ng mga kanyon na ikinatakot ng mga taga Cebu.  Ngunit ipinadala ni Magellan ang kanyang interpreter na si Enrique de Malacca upang sabihin sa Hari ng Cebu na si Humabon na kaugalian ito sa Espanya upang ipahiwatig ang pagnanais na makipagkaibigan ng isang kapitan.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Interpreter??? Hindi ba si Magellan daw ang naka-discover ng Pilipinas e paano nagkaroon ng interpreter???  Si Enrique na interpreter ay nakilala ni Magellan sa Moluccas noong siya ay sundalo pa lamang ng Portugal.  Dinala niya ito sa Europa at isinama sa paglalakbay.  Ngunit bakit marunong siya mag-Bisaya, Waray at Sugbuanon kung hindi siya taga Pilipinas.  Kung nakabalik na sa Pilipinas si Enrique at siya ay nagmula sa Pilipinas, hindi ba’t siya dapat ang kilalanin na unang nakaikot sa mundo!  Anuman, sa mga susunod na araw, masaya na nakipag-ugnayan ang mga Sugbuanon sa mga Espanyol.  Bilang tanda ng pakikipagkaibigan, nagbigay sila ng bigas, baboy ramo, manok at kambing ang mga taga-Cebu.  Nagbigay naman ng tela, salamin, gora (sumbrero) ang mga Espanyol.  Ipinagmalaki din ng mga taga-Europa ang kanilang mga barko at sandata.

Ang pakikipagkasundo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pakikipagsandugo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Noong April 14, ayon sa tala ni Antonio Pigafetta, ang tagapagkwento ng paglalakbay, nagsalita si Magellan sa mga taga Sugbu sa benepisyo ng pagiging Katoliko.  Na magiging kaalyado sila ng pinakamalakas na emperador sa daigdig.  Ayon sa tala, taos-pusong nagpakita ng sinseridad si Humabon na magpabinyag kahit na walang makukuhang pakinabang dito.  Pinangalanan siyang Haring Carlos at matapos ang tanghalian, ang kanyang kabiyak naman ang nabinyagang Reyna Juana.  Sa araw na iyon, walong daang Sugbuanon ang nagpabinyag sa Santa Iglesia Catolica Romana.

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu.  Mula sa isang lumang aklat.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu. Mula sa isang lumang aklat.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

 

Ang unang pagbinyag.

Ang unang pagbinyag.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ipinawasak ni Magellan sa mga taga Sugbu ang kanilang mga anito at inutusang palitan ito ng mga krus sa kanilang tahanan.  Ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana ang isang estatwa, ang Santo Niño.  Sa palagay niyo ba?  Tunay na naging mga Katoliko ang mga Sugbuanon, naintindihan ang pananampalataya sa isang talumpati lamang???

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala.  Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala. Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo.  Nasa Ayala Museum.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo. Nasa Ayala Museum.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana.  Original!  Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana. Original! Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Para sa ilang iskolar, pulitikal ang pagpapabinyag ng hari at ng mga taga Sugbu.  Sapagkat nang bumalik ang mga Espanyol noong 1565, nahanap ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang Santo Niño na sinasamba sa isang kubo tulad ng isang anito.  Ngayon, ang krus ni Magellan ay nasa Cebu pa rin, at ang orihinal na Santo Niño ay sinasayawan pa rin sa Sinulog na tulad ng sayaw ng pagsamba sa mga anito ng mga ninuno natin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

Ang Magellan's Cross

Ang Magellan’s Cross

sign-below-magellan-cross

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe.  Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo.  Folk Catholicism ang labas.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe. Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo. Folk Catholicism ang labas.

XIAOTIME, 15 March 2013: ANG PAGDATING NI MAGELLAN SA PILIPINAS, DISCOVERY OF THE PHILIPPINES NGA BA?

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 15 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ferdinand Magellan

Ferdinand Magellan

15 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=vIK9IISkncc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  492 years ago bukas (kakanta) “On March 16, Fifteen hundred twenty one, when Philippines was discovered by Magellan.”  Ayon nga sa kanta ni Yoyoy Villame.  Natagpuan ni Fernando de Magallanes ang isla ng Homonhon sa Samar.

Yoyoy Villame, umawit ng "Magellan."

Yoyoy Villame, umawit ng “Magellan.”

Bakit nga ba nandito noong 1500s ang mga Europeo?  Kasi po, nagpapataasan ng ihi ang Portugal at Espanya sa pananakop ng mga lupa kahit na kulang ang mga likas na yaman ng kanilang mga bansa.  Ang Espanya ay nais na maging superpower sa Europa kahit na may tagtuyot sa central table land nito at hindi makapagtanim.  Hinati pa ng malokong Pope Alexander The Sixth ang mundo para sa dalawang bansang ito nang di na mag-away.  Pinagiinteresan nila ang Moluccas at ang area natin sa Southeast Asia dahil sa mga rekadong kinahiligan nila at sa lapit sa isa pang mayamang emperyo, ang Tsina.

Alejandro VI Borja

Alejandro VI Borja

Hinati ng Papa Alejandro VI ang mundo para sa Espanya at Portugal sa papal bull na "Inter Caetera."  Dahil Espanyol siya, kinailangan muling mag-usap sa Tordesillas upang ayusin ang paghahati,

Hinati ng Papa Alejandro VI ang mundo para sa Espanya at Portugal sa papal bull na “Inter Caetera.” Dahil Espanyol siya, kinailangan muling mag-usap sa Tordesillas upang ayusin ang paghahati,

E sino naman si Magellan?  Isinilang na isang Portuges na ang pangalan ay Fernão de Magalhães noong bandang 1480, naging sundalo na siya ng mga kolonisador na mga Portuges sa mga isla ng Moluccas.  Pagbalik niya sa Portugal, isinangguni niya sa hari ng Portugal ang kanyang balak na maglakbay sa direksyong Atlantiko upang lumusot sa Asya dahil naniniwala siyang bilog ang mundo.  Noon ang mga tao ay naniniwala na sa dulo ng isang daigdig na patag, ay mahuhulog ang iyong barko sa kawalan sa mga tinatawag na ends of the world.

Ferdinand Magellan

Ferdinand Magellan

The earth is flat:  Ends of the world.

The earth is flat: Ends of the world.

Hindi siya sinuportahan ng hari ng kanyang sariling bayan.  Kaya lumipat sa karibal na kaharian ng Espanya kung saan nakumbinsi nga niya ang hari nitong si Carlos na bilog nga ang mundo.  Binigyan siya ng limang barko, ang Trinidad, San Antonio, Concepcion, Victoria, at Santiago at lumisan ng Espanya noong September 20, 1519.

Dalawa sa limang barko ni Magellan.

Dalawa sa limang barko ni Magellan.

Sa limang barko, tatlong barko lamang ang nagpatuloy.  Ang galing ni Magellan ay masusubok nang madaanan niya ang isa sa pinakamahirap na kipot na nalaman ng tao sa Tierra del Fuego sa dulong ilalim ng South America.  Maluwalhati niya itong nadaanan kaya ipinangalan ito sa kanya—Magellan Strait.  Matapos nito nakita niyang mapayapa ang karagatan kaya pinangalanan niya itong Pacific Ocean.  Ang hindi niya alam, ang daming bulkan na sumasabog at mga bagyo na nagmumula dito kaya it’s far from peaceful kumbaga.

Si Magellan habang dinadaanan ang kanyang kipot.

Si Magellan habang dinadaanan ang kanyang kipot.

Kipot ni Magellan

Kipot ni Magellan

Kipot ni Magellan mula sa kalawakan.

Kipot ni Magellan mula sa kalawakan.

Karagatang Pasipiko at ang Ring of Fire,

Karagatang Pasipiko at ang Ring of Fire,

Nanakawan pa sila sa Guam kaya tinawag nila itong isla ng mga magnanakaw, Los Ladrones.  Kaya imagine kung anong saya nila, ilang taon na kulang sa suplay ng sariwang tubig at pagkain, nang masayang salubungin ng mga Pinoy sa Samar noong March 16, 1521.  Hindi sila itunuring na kaaway sapagkat kadalasan ang mga bisita ng mga kapuluang ito ay itinuturing na business opportunities.

29 nang masayang salubungin ng mga Pinoy sa Samar noong March 16, 1521

Pagdaong ni Magellan sa Homonhon, Samar, March 16, 1521.

Pagdaong ni Magellan sa Homonhon, Samar, March 16, 1521.

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Tinawag itong discovery of the Philippines by Magellan.  Ngunit paano niya ito na-discover e mayroon nang tao dito at libong taon nang nakikipagkalakalan maging ang Tsina sa atin?  Nais itama ito sa pagsasabing re-discovery of the Philippines.  Malaking kalokohan.  Hindi naman lumubog ang Piipinas at lumitaw ulit para muling matuklasan.  Mas tama sigurong ganito ang kanta, “On March 16, Fifteen hundred twenty one, when Magellan was discovered by Philippines…”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 9 March 2013)