XIAO TIME, 16 April 2013: ANG PAGBINYAG SA CEBU

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"The first baptism in the Philippines" ni Fernando Amorsolo.  Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

“The first baptism in the Philippines” ni Fernando Amorsolo. Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

16 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=NwO8vQppmus

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Inawit ni Yoyoy Villame, “When Magellan landed in Cebu City, Rajah Humabon met him they were very happy.  All people were baptized and built the Church of Christ, and that’s the beginning of our Catholic life…” 492 years ago noong Linggo, April 14, 1521, nagpabinyag sa Katolisismo ang Hari ng Cebu na si Humabon at ang kanyang mga kababayang Sugbuanon.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu.  Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

April 7, 1521, dumating ang explorer ng Espanya na si Ferdinand Magellan sa Cebu upang bumili ng mga suplay para sa kanyang mga tauhan.  Nagpaputok sila ng mga kanyon na ikinatakot ng mga taga Cebu.  Ngunit ipinadala ni Magellan ang kanyang interpreter na si Enrique de Malacca upang sabihin sa Hari ng Cebu na si Humabon na kaugalian ito sa Espanya upang ipahiwatig ang pagnanais na makipagkaibigan ng isang kapitan.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Interpreter??? Hindi ba si Magellan daw ang naka-discover ng Pilipinas e paano nagkaroon ng interpreter???  Si Enrique na interpreter ay nakilala ni Magellan sa Moluccas noong siya ay sundalo pa lamang ng Portugal.  Dinala niya ito sa Europa at isinama sa paglalakbay.  Ngunit bakit marunong siya mag-Bisaya, Waray at Sugbuanon kung hindi siya taga Pilipinas.  Kung nakabalik na sa Pilipinas si Enrique at siya ay nagmula sa Pilipinas, hindi ba’t siya dapat ang kilalanin na unang nakaikot sa mundo!  Anuman, sa mga susunod na araw, masaya na nakipag-ugnayan ang mga Sugbuanon sa mga Espanyol.  Bilang tanda ng pakikipagkaibigan, nagbigay sila ng bigas, baboy ramo, manok at kambing ang mga taga-Cebu.  Nagbigay naman ng tela, salamin, gora (sumbrero) ang mga Espanyol.  Ipinagmalaki din ng mga taga-Europa ang kanilang mga barko at sandata.

Ang pakikipagkasundo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pakikipagsandugo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Noong April 14, ayon sa tala ni Antonio Pigafetta, ang tagapagkwento ng paglalakbay, nagsalita si Magellan sa mga taga Sugbu sa benepisyo ng pagiging Katoliko.  Na magiging kaalyado sila ng pinakamalakas na emperador sa daigdig.  Ayon sa tala, taos-pusong nagpakita ng sinseridad si Humabon na magpabinyag kahit na walang makukuhang pakinabang dito.  Pinangalanan siyang Haring Carlos at matapos ang tanghalian, ang kanyang kabiyak naman ang nabinyagang Reyna Juana.  Sa araw na iyon, walong daang Sugbuanon ang nagpabinyag sa Santa Iglesia Catolica Romana.

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu.  Mula sa isang lumang aklat.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu. Mula sa isang lumang aklat.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

 

Ang unang pagbinyag.

Ang unang pagbinyag.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ipinawasak ni Magellan sa mga taga Sugbu ang kanilang mga anito at inutusang palitan ito ng mga krus sa kanilang tahanan.  Ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana ang isang estatwa, ang Santo Niño.  Sa palagay niyo ba?  Tunay na naging mga Katoliko ang mga Sugbuanon, naintindihan ang pananampalataya sa isang talumpati lamang???

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala.  Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala. Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo.  Nasa Ayala Museum.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo. Nasa Ayala Museum.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana.  Original!  Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana. Original! Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Para sa ilang iskolar, pulitikal ang pagpapabinyag ng hari at ng mga taga Sugbu.  Sapagkat nang bumalik ang mga Espanyol noong 1565, nahanap ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang Santo Niño na sinasamba sa isang kubo tulad ng isang anito.  Ngayon, ang krus ni Magellan ay nasa Cebu pa rin, at ang orihinal na Santo Niño ay sinasayawan pa rin sa Sinulog na tulad ng sayaw ng pagsamba sa mga anito ng mga ninuno natin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

Ang Magellan's Cross

Ang Magellan’s Cross

sign-below-magellan-cross

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe.  Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo.  Folk Catholicism ang labas.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe. Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo. Folk Catholicism ang labas.