IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 16 April 2013: ANG PAGBINYAG SA CEBU

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"The first baptism in the Philippines" ni Fernando Amorsolo.  Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

“The first baptism in the Philippines” ni Fernando Amorsolo. Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

16 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=NwO8vQppmus

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Inawit ni Yoyoy Villame, “When Magellan landed in Cebu City, Rajah Humabon met him they were very happy.  All people were baptized and built the Church of Christ, and that’s the beginning of our Catholic life…” 492 years ago noong Linggo, April 14, 1521, nagpabinyag sa Katolisismo ang Hari ng Cebu na si Humabon at ang kanyang mga kababayang Sugbuanon.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu.  Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

April 7, 1521, dumating ang explorer ng Espanya na si Ferdinand Magellan sa Cebu upang bumili ng mga suplay para sa kanyang mga tauhan.  Nagpaputok sila ng mga kanyon na ikinatakot ng mga taga Cebu.  Ngunit ipinadala ni Magellan ang kanyang interpreter na si Enrique de Malacca upang sabihin sa Hari ng Cebu na si Humabon na kaugalian ito sa Espanya upang ipahiwatig ang pagnanais na makipagkaibigan ng isang kapitan.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Interpreter??? Hindi ba si Magellan daw ang naka-discover ng Pilipinas e paano nagkaroon ng interpreter???  Si Enrique na interpreter ay nakilala ni Magellan sa Moluccas noong siya ay sundalo pa lamang ng Portugal.  Dinala niya ito sa Europa at isinama sa paglalakbay.  Ngunit bakit marunong siya mag-Bisaya, Waray at Sugbuanon kung hindi siya taga Pilipinas.  Kung nakabalik na sa Pilipinas si Enrique at siya ay nagmula sa Pilipinas, hindi ba’t siya dapat ang kilalanin na unang nakaikot sa mundo!  Anuman, sa mga susunod na araw, masaya na nakipag-ugnayan ang mga Sugbuanon sa mga Espanyol.  Bilang tanda ng pakikipagkaibigan, nagbigay sila ng bigas, baboy ramo, manok at kambing ang mga taga-Cebu.  Nagbigay naman ng tela, salamin, gora (sumbrero) ang mga Espanyol.  Ipinagmalaki din ng mga taga-Europa ang kanilang mga barko at sandata.

Ang pakikipagkasundo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pakikipagsandugo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Noong April 14, ayon sa tala ni Antonio Pigafetta, ang tagapagkwento ng paglalakbay, nagsalita si Magellan sa mga taga Sugbu sa benepisyo ng pagiging Katoliko.  Na magiging kaalyado sila ng pinakamalakas na emperador sa daigdig.  Ayon sa tala, taos-pusong nagpakita ng sinseridad si Humabon na magpabinyag kahit na walang makukuhang pakinabang dito.  Pinangalanan siyang Haring Carlos at matapos ang tanghalian, ang kanyang kabiyak naman ang nabinyagang Reyna Juana.  Sa araw na iyon, walong daang Sugbuanon ang nagpabinyag sa Santa Iglesia Catolica Romana.

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu.  Mula sa isang lumang aklat.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu. Mula sa isang lumang aklat.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

Ang unang pagbinyag.

Ang unang pagbinyag.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ipinawasak ni Magellan sa mga taga Sugbu ang kanilang mga anito at inutusang palitan ito ng mga krus sa kanilang tahanan.  Ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana ang isang estatwa, ang Santo Niño.  Sa palagay niyo ba?  Tunay na naging mga Katoliko ang mga Sugbuanon, naintindihan ang pananampalataya sa isang talumpati lamang???

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala.  Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala. Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo.  Nasa Ayala Museum.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo. Nasa Ayala Museum.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana.  Original!  Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana. Original! Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Para sa ilang iskolar, pulitikal ang pagpapabinyag ng hari at ng mga taga Sugbu.  Sapagkat nang bumalik ang mga Espanyol noong 1565, nahanap ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang Santo Niño na sinasamba sa isang kubo tulad ng isang anito.  Ngayon, ang krus ni Magellan ay nasa Cebu pa rin, at ang orihinal na Santo Niño ay sinasayawan pa rin sa Sinulog na tulad ng sayaw ng pagsamba sa mga anito ng mga ninuno natin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

Ang Magellan's Cross

Ang Magellan’s Cross

sign-below-magellan-cross

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe.  Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo.  Folk Catholicism ang labas.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe. Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo. Folk Catholicism ang labas.

XIAO TIME, 15 April 2013: DOKUMENTO NG PAGKATALAGA KAY EMILIO JACINTO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila.  Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila. Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

15 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=yorBr63aP_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, bukas, April 16, 1899, ang tunay na Utak ng Himagsikan at ng Katipunan at nagsulat ng Kartilya nito na si Emilio Jacinto, ay namatay dahil sa sakit na malaria sa edad na 23 sa Santa Cruz, Laguna.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Kahit hindi namatay sa laban si Jacinto sa tanging larawan niyang ito na nagpapakita sa kanya na nakahiga sa paligid ng mga nagmamahal at magmamasid na kababayan, siya ay pinagsuot ng uniporme ng himagsikan, pinaghawak ng baril, at may makikitang isang napakalungkot na mukha.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, ito ang kabiyak niya sa puso na si Catalina de Jesus na mapapansin ding nagdadalang tao.

Si Ambeth Ocampo na natutulog.  Obra ni julie Lluch-Dalena.  Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, "resting on his laurels."

Si Ambeth Ocampo na natutulog. Obra ni julie Lluch-Dalena. Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, “resting on his laurels.”

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Unang inilibing sa Sta. Cruz, matapos sa North Cemetery, at noong 1975, sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto, inilipat sa Himlayang Pilipino sa Lungsod Quezon at pinatuyuan doon ng monumento na nasa labanan na ginawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo.

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto. Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Gayundin, 116 years ago ngayong araw, April 15, 1897.  Naglabas ang Supremo Andres Bonifacio ng isang dokumento na nagtatalaga sa kanyang tapat na tagasunod at kaibigang si Jacinto, bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building. Kuha ni Xiao Chua.

12 bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila

Interesante ang iisang dokumento na ito.  Nakasulat ito sa letterhead ni Andres Bonifacio na mayroon pang sagisag ng Kataas-taasang Kapulungan na nagpapakilala sa kanya bilang “Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan.  Maytayo ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng manga Anak ng Bayan at Unang Nag Galaw ng Paghihimagsik.”

Sagisag at pirma

Sagisag at pirma

Letterhead

Letterhead

Masasabing ang yabang naman ni Bonifacio, ngunit kailangan maintindihan ang konteksto ng pagkagawa ng dokumento.  Sa panahong ito, hinalal ng mga elitistang heneral si Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik sa isang halalan sa Tejeros na ipinawalang bisa ni Bonifacio dahil hindi iginalang ang kanyang pagkakahalal sa isang mas mababang posisyon.

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbaga, dito sinasabi ni Bonifacio na siya pa rin ang unang pangulo na naunang napagkayarian sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat na ngayon ay Tandang Sora, Lungsod Quezon noong August 24, 1896.  Gayundin, ipinapawalang-saysay din ng dokumento ang paratang na nagpanggap na hari si Andres Bonifacio.

23 hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador

Sapagkat makikita na hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador, pangulo lamang siya.

24 pangulo lamang siya

At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power.

25 At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power

Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon dahil ayaw niyang katawagan ang isang pangalan ng naging hari ng Espanya, Felipe para sa ating bansa.

26 Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon

Sinulat ni Jacinto na ang salitang Tagalog ang katuturan ay ang lahat ng tumubo sa sangkapuluang ito, samakatuwid, Bisaya man, Ilokano man, Kapampangan man, etcetera, ay Tagalog din.  Dahil tayong lahat ay mga Taga-ilog.

27 salitang Tagalog ... ay Tagalog din

May mga historyador na tulad ni Glenn Anthony May ang nagdududa sa dokumentong ito sapagkat natagpuan ito sa isang kulungan ng manok sa Bataan ng isang taga-Tondo kasama ng iba pang sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Sabi naman sa akin ni Dr. Jaime Veneracion, “Noong Martial Law, ganyan din naman kami magtago ng dokumento!”  Nakakatuwa, sa simpleng dokumento na ito nakita natin ang ebidensya gamit ang siyensya at lohika: 1) ang papel ni Bonifacio bilang Unang Pangulo ng Pilipinas at 2) ang kanyang konsepto ng nakapangyayari at nagkakaisang Haring Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)