IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: tolentino

XIAO TIME, 12 July 2013: ESKULTOR NG BAYAN, GUILLERMO ESTRELLA TOLENTINO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

12 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=JvodYP71Z0M

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  37 years ago, July 12, 1976, sumakabilang buhay si Guillermo Estrella Tolentino.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya lang naman ang iskultor na nakilala sa kanyang mga likhang sining na nagpapakilala sa ating mga bayani, tulad ng busto ni José Rizal, Andres Bonifacio sa Monumento, Ramon Magsaysay, at marami pang iba.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal.  Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang "monumento."  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang “monumento.” Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan.  Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Isinilang siya noong July 24, 1890 sa Malolos, Bulacan.  Ang kanyang Amerikanong gurong Thomasite na si Mrs. H.A. Bordner ang siyang nakapansin ng galing sa sining ni koya kaya inusig niya ito, ituloy mo lang yan teh.  Sa Maynila itinuloy niya ang kanyang pag-aaral at tumira sa kanyang kamag-anak at nanilbihan sa kanila upang makaraos sa hayskul.  Ayon sa kanya, “Alilang kanin ako noon.”  Nang pumasok sa School of Fine Arts ng UF, Unibersidad ng Filipinas, este UP, katabi lang naman niya sa upuan noon ang future director ng eskwelahan nila at magiging grand master painter ng bansa na si Fernando Amorsolo.

Si Fabian de la Rosa, ang direktor ng UP School of Fine Arts, kasama ang kanyang mga estudyante kasama na sina Guillermo Tolentino (ikatlo mula sa kaliwa) at Fernando Amorsolo (ika-apat).  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Nagtungo sa Washington D. C., pitong dolyar lamang ang dala at namasukan sa isang kapihan sa Rock Creek Park na paboritong pasyalan ni Pangulong Woodrow Wilson.  Idol nitong si Tolentino si Wilson dahil sa kanyang pag-aadhika ng kapayapaan.  Giniguhit niya rin ang mga parokyano ng kapihan kaya napansin siya ng mismong sekretarya ng Unang Ginang.  Sa wakas, nagkakilala si Tolentino at ang kanyang idolong si Wilson, at dahil sa rekomendasyon ng pangulo, naging iskolar ng isang milyonaryo at nakapag-aral ng Advanced Sculpture sa Beaux Arts School sa New York City.  Naging assistant pa ni Gutzon Borglum, na siya lang naman ang gumawa ng mga istatwa ng mga pangulo ng Amerika sa Bundok Rushmore.

Pangulong Woodrow Wilson.  Mula sa history.com

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra.  Mula sa blackforestinn.net

Itinuloy ang pag-aaral ng klasikal na iskultura sa Royal Academy of Fine Arts sa Roma.  Naghirap si Tolentino sa Roma kaya sa pamamagitan ng isang peryodista, nag-ambagan ang ilang kababayan para sa kanya.  Hindi niya sinayang ang kanyang talento.  Noong 1925, bumalik siya sa bayan, nagturo sa UP at nilikha ang isa sa kanyang pinakakilalang obra, isang bayaning hubad na handing ialay ang kanyang buhay para sa Inang Bayan—naging simbolo ng Academic Freedom sa UP, ang Oblation.

Guillermo Tolentino

Guillermo Tolentino

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang "Oblation."  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang “Oblation.” Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Take note, hindi ang tatay ni FPJ ang modelo nito, kundi composite ng kanyang mga estudyante katulad ni Anastacio Caedo. Ito ang ebidensya.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan).  Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo.  Kuha ni Xiao Chua.

Gumawa siya dalawang wax statue ni Rizal na sabi ng mga nakakilala kay Rizal ay parang nakita mo na rin ang heroe nacional.  Ang mga monumento niya para kay Bonifacio ay ibinatay niya sa bone structure ng kapatid nito na si Espiridiona.  Nagreresearch talaga si lolo, hindi lang gamit ang kasaysayan kundi ang espiritismo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo.  Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Nang minsan sumangguni siya sa espiritista sa edad na 42 kung makakapag-asawa pa ba siya, hinula ng espiritista na ang kanyang 19-taong gulang na anak ang itinadhanang magiging ina ng mga bayani.  Ayun, niligawan niya ang anak ng espiritista at nagpakasal sila.  Si Tolentino at si Amorsolo ang naging tagapagtanggol ng klasikal na sining sa harap ng hamon ng modernismo at abstraksyon.

Guillermo Tolentino.  Mula kay Ian Alfonso.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino).  Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Noong 1973, itinanghal siyang Pambansang Alagad ng Sining.  Ka Guillermo, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 18 June 2013: IKA-105 NA ANIBERSARYO NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Xiao Chua, Ferdie Llanes, Victor Paz, Tet Maceda, Jose Duke Bagulaya, Sarah Raymundo at Arnold Alamon kasama ang libo-libong estudyante at mga guro ng UP na biglaang nagprotesta laban sa Proclamation 1017 State of National Emergency, February 2006.  Kuha ni Ronnie Amuyot.

18 June 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-GcbPXndpsU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  105 years ago, June 18, 1908, sa pamamagitan ng Act No. 1870 mula sa First Philippine Legislature, isinilang ang Unibersidad ng Pilipinas o UP.  [Una itong pinanukala sa 1907 report ng Secretary of Public Instruction na si W. Morgan Shuster na ngayon ay inaalala ng UP sa pagpapangalan nito ng pinakamaiksing kalye sa campus nito sa Diliman.  Ang Philippine Medical School noon ay ginawang UP College of Medicine, gayundin isang College of Agriculture ang itinatag sa Los Baños, Laguna.  Ang School of Fine Arts naman ay nasa pinauupahang lumang bahay sa Calle San Sebastian, ngayo’y R. Hidalgo, Quiapo, Maynila, ang bahay na ito bago pa man gibain ay nilipat kamakailan lamang sa mala-Disneyland na Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.  Naitatag din ang College of Veterinary Medicine, College of Liberal Arts, College of Engineering at College of Law.]  Noong 1911, nabili ng pamantasan ang kampus sa pagitan ng Kalye Padre Faura at Kalye Isaac Peral o U.N. Avenue at nahirang ang pinakaunang pangulo nito na si Murray S. Bartlett.

Ang University Hall (ngayon ay Department of Justice Bldg.) ang unang gusaling tinayo sa UP Manila noong 1913-1914.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Ang campus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Padre Faura noong panahon ng mga Amerikano.  Mula sa Philippine Picture Postcards:  1900-1920.

Pangulo ng UP Murray S. Bartlett.  Mula sa At the Helm of UP.

Adhikain ng pamantasan na hubugin at gabayan ang mga kabataang Pilipino sa mga sining, mga agham, mga humanidades at sa kasalimuotan ng demokrasya.    Dahil ito ay produkto ng kolonyal na pampublikong edukasyon, nais nitong patatagin ang imahe ng Estados Unidos bilang daluyan ng dangal at ginhawa ng mga Pilipino.

Mga estudyante ng UP sa silid para sa paglelektura sa Botany. Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Mga pormal na pormal na estudyante ng School of Fine Arts, ang unang eskwela ng UP.  Malayong-malayo sa get-up ng mga CFA students ngayon.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Mga nag-eeksperimentong estudyante ng pharmacy sa Kalye Herran.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Ang Patriotic and Progresive Rizal Center Acdemic Brotherhood ang pinakamatandang frat sa UP.  Nakatanaw sa background ang bandilang Amerikano.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Ang klase ng 1916:    Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Ngunit sa buong kasaysayan nito, makikita ang paglalakbay ng mga mag-aaral ng UP mula sa kolonyal na edukasyon tungo sa pagbabalik sa bayan, tungo sa pagiging Unibersidad para sa mga Pilipino.  In fairness, maging si Bartlett ay nagsabi sa kanyang talumpating pampasinaya, “This university should not be a reproduction of the American University.  If it is to blossom into real fruit, it must grow on Philippine soil.  It must not be transplanted from foreign shores.  It can serve the world best by serving best the Filipino.”  Nakita na niya na dapat itong mag-ugat sa bayan.  At iyon na nga ang ginawa ng mga taga-UP mula noon.  Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga estudyanteng ROTC ng UP ay nakipaglaban sa mga Hapones at sumapi sa Hunter’s ROTC at iba pang gerilya.  Sa kabila ng kabi-kabilang bombahan noong Labanan para sa Liberasyon ng Maynila noong 1945, patuloy na nanggamot ang mga doktor ng UP.

Mula sa kagitingatour.com:    Col. Eleuterio

Mula sa kagitingatour.com: Col. Eleuterio “Terry” Adevoso (seated, center) commander of the Hunters-ROTC Guerrillas flanked by officers of the US 11th Airborne Division.
Also seated, the field commanders of the Hunters-ROTC Guerrillas. From left to right: Lt. Col. Juan Daza, commander free areas and chief of intelligence; Lt. Col. Tereso Pia, commmander, 44th Hunter Division; Lt. Col. Emmanul De Ocampo, comander, 47th ROTC Division
Standing from left: Capt. Jimmy Mauricio (partially hidden); Lt. Col. Gustavo Ingles; Maj. Vic Labayog; Capt. Buddy Carreon; Maj. Mars Lazo; Capt. Mondego; Maj. Gabby Cruz,; Capt. Florencio Sanchez; Lt. Col. Bert Atienza; Capt. Buddy Fernandez; Maj. Antonio Liban; Lt. Col. Frisco San Juan, Chief of Staff; Lt. Col. Hermie Atienza, military mayor of Manila; Lt. Col. Marcelo Castelo,; Maj. Ernesto Tupaz.

Ang mga guho ng UP Manila matapos ang digmaan.

Dr. Antonio Sison, Direktor ng Philippine General Hospital at Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, patuloy na nag-opera ng walang kaba sa kabila ng bombahan.

Honorato

Honorato “Rety” Quisumbing, intern ng Philippine General Hospital, tinamaan ng ligaw na bala habang kumukha ng gamot ng Labanan para sa Liberasyon ng Maynila. Mula sa mga pader ng De La Sale University.

Noong 1949, lumipat ang estatwang Oblation, simbolo ng sakripisyo ng Iskolar para sa bayan at ang main campus sa Diliman.  Sa panahon ng pandaigdigang paghingi ng pagbabago ng mga kabataan noong Dekada Sisenta at Dekada Sitenta, kabilang ang mga Iskolar ng Bayan na naging aktibo sa panahon ng First Quarter Storm at Diliman Commune.

Paglilipat ng Oblation mula sa UP Manila patungong UP Diliman, 1949.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang obra maestrang Oblation.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Ang Benitez Hall at ang ginagawang Gonzales Hall (Main Lib) noong Dekada 1950s.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

University Avenue, may bus pa noon.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Si Pitoy Moreno habang naglalakad sa lumang UP Diliman ng Dekada 1950, kasama ang mga artists na sina Nenita Villanueva, Cheloy Limcaco, Mary Espina, Ben Osorio, at Juvenal Sanso.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

UP The Way It Was (1950s).  Mula sa University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Mga estudyante ng UP noong Dekada 1950s.  Mula sa isang lumang Coca Cola ad.

Si Encarnacion Alzona, historyador at unang babaeng Ph.D. sa Pilipinas habang nagtuturo.

Ang mga Iskolar ng Bayan na naka-bell bottom, Dekada 1960s.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas.  Mula kay Susan Quimpo.

Sumasakay na sa dyip. hinahampas pa si Prof. Judy Taguiwalo.  Mula kay Susan Quimpo.

Mga tagpo ng konprontasyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista noong Diliman Commune sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, February 1, 1970.  Mula kay Susan Quimpo.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva).  Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune.  Mula kay Susan Quimpo.

At sa kabila ng deklarasyon ng Batas Militar ng UP Alumnus na si Pangulong Ferdinand Marcos, hindi tumigil ang mga taga-UP na ipaglaban ang kalayaan above ground man o under ground mula sa kanilang klasmeyt, marami sa kanila nag-alay ng mismo nilang dugo at buhay.  Tulad ng hamon sa kanila ng namayapang Philippine Collegian Editor Ditto Sarmiento, “Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo?  Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?  Kung hindi ngayon, kalian pa?”  May mga doktor at mga tao din ito na naglingkod sa mga barrio, ilan sa mga ito ang nagbuwis din ng buhay.

Higit isang buwan matapos ang proklamasyon ng Batas Militar, lumaban agad ang mga taga-UP sa pamamagitan ng mga protesta.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Bantayog ng mga Bayani.

Mula sa Bantayog ng mga Bayani.

Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

ISang guro ng komunikasyon ang nagtuturo sa pamayanan.  Mula sa University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Si Dr. Juan Flavier (naging pamosong Kalihim ng Kalusugan at Senador), bilang doktor ng mga baryo.  Mula sa University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Mga doktor ng UP, doktor ng bayan:  Dr. Bobby de la Paz at Dr. Johnny Escandor, pinatay noong rehimang Marcos.

Lean Alejandro, UP student leader and martyr.  Photo by Kim Komenich.

UP President Jose Abueva sa gitna ng isang kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio laban sa Pangulong Marcos.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Ang AS Parking Lot noong bumisita si Cory sa UP noong kampanya para sa snap presidential elections 1986.  Mula sa Koleksyong Ricardo Trota Jose.

Ang mga taga UP sa panahon ng pagbibilang ng boto sa Batasan para sa snap elections ng 1986 bago maghimagsikang EDSA, 1986.  Mula sa Koleksyong Ricardo Trota Jose.

Ang mga taga-UP noong panahon ng protesta laban sa Pangulong Joseph Ejercito Estrada na nagbunsod sa EDSA Dos, 2001.

Ang Oblation Run na inalay para sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada, Disyembre 2000 sa Palma Hall Steps ng UP Diliman.  Mula sa aklat na EDSA 2:  A Nation in Revolt.

Sa pagbabago ng kamalayan, nariyan si Teodoro Agoncillo, ang Ama ng Maka-Pilipinong Pananaw sa Kasaysayan, at ang mga katulad nina Virgilio Enriquez, Prospero Covar at Zeus Salazar na nagtanong “Para kanino ba ang aming ginagawa?” at binuo ang Agham Panlipunang maka-Pilipino.

UP ANG GALING MO:  Si Xiao Chua kasama ang mga dakilang makata na sina Joey Baquiran at Vim Nadera at mga kasama sa UP Sentro ng Malikhaing Pagsulat noong araw ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng UP, June 18, 2008, kakapatalsik ko lang sa UP bilang guro noon.  Mula sa Koleksyong Vim Nadera.

Nang magdiwang ito ng Sentenaryo limang taon na ang nakalilipas, anim na ang kampus ng UP, at sa galing nito, nagluwal na ng limang pangulo ng Pilipinas, tatlong pangalawang pangulo, anim na pangulo ng senado, 13 punong mahistrado, at mahigit 40 mga senador.  Ngunit ano ang nangyari sa bayan natin?  Hamon ito sa pinakamagaling na unibersidad, ang National University, na marami pa tayong dapat gawin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)