IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: lupang hinirang

XIAO TIME, 6 November 2013: JOSE PALMA, BAYANING SINGER

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Jose Palma.  Mula fcebook page ni Dr. Jose Victor Torres.

Jose Palma. Mula fcebook page ni Dr. Jose Victor Torres.

6 November 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=cP-yT6O8orI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong buwan ng Bonifacio @ 150, ginuguita rin natin ang mga bayani ng himagsikang kanyang sinimulan.  Well, 150 years ago sa taon ding ito, June 3, 1863, isinilang si José Velásquez Palma, nakababatang kapatid ng naging Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, Rafael Palma.  Habang siya ay isinisilang, naganap ang isa sa pinakamalakas na lindol na yumanig sa Maynila.

Rafael Palma, kapatid ni Jose, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.  Painting mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Rafael Palma, kapatid ni Jose, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Painting mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Maagang namatay ang kanyang ina kaya naging maramdamin at tahimik, limang taon pa lamang siya noon.  Nag-aral sa Ateneo Municipal ngunit huminto sa pag-aaral, sumapi rin sa Katipunan nang maakit ng kisig sa pakikidigma ni Heneral Gregorio del Pilar.  Isang buwang nawala noong 1897 sa hindi malamang kadahilanan.  Sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, nakipaglaban siya sa Angeles at Bamban sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino, ang lolo sa tuhod ng ating mahal na pangulo.

Heneral Gregorio del Pilar

Heneral Gregorio del Pilar

Heneral Servillano Aquino

Heneral Servillano Aquino

Ngunit nakitaan ng kahinaan ng katawan kaya ayun, pinakanta na lamang siya ng mga kundiman upang maaliw ang mga sundalo sa pagitan ng mga labanan.  Mahilig din siya na maglapat ng sarili niyang mga titik sa mga sikat na tugtugin noon.  Sa loob ng isang railway depot sa Bautista, Bayambang, Pangasinan, napagtripan niyang lagyan ng titik ang martsa na sinulat ni Julian Felipe sa Cavite isang taon na ang nakalilipas na naging Marcha Nacional Filipina.

Julian Felipe

Julian Felipe

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Lumabas ang kanyang tulang pinamagatang “Filipinas” sa unang anibersaryong edisyon ng pahayagang La Independencia noong September 3, 1899.  Nagsimula ang tula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Lumaganap ang mga titik kahit magsara ang diyaryo dulot ng pagtatagumpay ng mga Amerikano.  At dahil ang titik at musika ay naging sagisag ng pakikibaka laban sa mga Amerikano, ano pa kundi bi-nan nga ng kolonyal na pamahalaan ang pagpapatugotog at pag-awit ng Marcha at ang pagpapakita ng pambansang bandila sa pamamagitan ng Act 1696 na inaprubahan ng Philippine Commission bilang ang Flag Law.

La Independencia.  Mula kay Pinoy Kolektor.

La Independencia. Mula kay Pinoy Kolektor.

Mga titik ng Hymno Nacional Filipino.  Mula sa http://filipinoway.blogspot.com/2011/03/hymno-nacional-filipino.html.

Mga titik ng Hymno Nacional Filipino. Mula sa http://filipinoway.blogspot.com/2011/03/hymno-nacional-filipino.html.

Marami ang naaresto dahil sa batas na ito na pinawalang-bisa lamang noong 1917.  Mismong mga Amerikano na rin ang nagpasalin ng tula patungong Ingles noong Dekada 1920 kina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na ginawang opisyal ng Kongreso noong 1938, ito yung awit na nagsisimula sa, “Land of the Morning, child of the sun returning.”  Noong 1948, isinalin nina Ildefonso Santos at Julian Cruz Balmaceda bilang “Diwang Pilipino” na pinaglaruan naman ng komite ng mga musikero, manunulat at pangkat tekniko sa direksyon Kagawaran ng Edukasyon na nagsalin ng opisyal na bersyon Pilipino, ang Lupang Hinirang, na sinimulang isalin noong May 26, 1956, naging opisyal na lamang na may kasamang pagwawasto noong December 19, 1963.

Camilo Osias

Camilo Osias

Julian Cruz Balmaceda mula sa poemhunter.com

Julian Cruz Balmaceda mula sa poemhunter.com

Piyesa ng Pambansang Awit ng Pilipinas bilang "Lupang Hinirang."

Piyesa ng Pambansang Awit ng Pilipinas bilang “Lupang Hinirang.”

Si Palma naman ay patuloy na nagsulat at nagtatag ng mga pahayagan, kasama na ang El Renacimiento kasama ng kanyang kapatid na si Rafael noong 1900.  Ngunit ilang taon lamang ang lilipas, yayao rin sa buhay na ito si Jose Palma noong 1903.

Isang sipi ng El Renacimiento Filipino.

Isang sipi ng El Renacimiento Filipino.

Hindi lamang mga kawal ang may papel sa pakikibaka para sa kalayaan, kundi maging ang mga artista, at  mga singer dahil bagama’t hindi man sila humahawak ng armas, sila ang nagpapadaloy ng diwa at damdamin nating mga Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013/ People’s Television Network, 3 November 2013)

XIAO TIME, 12 June 2013: ANG ARAW NG KASARINLAN NG PILIPINAS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

12 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=7CzIdD4FDng

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  115 years ago, June 12, 1898, ipinroklama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Independecia ng Pilipinas sa gitnang bintana ng kanyang mansyon sa Cavite Viejo, ngayo’y Kawit, Cavite.  Ang balcony na nakikita ngayon sa ibabaw ng isang puting kalabaw ay idinagdag na lamang ng Dekada 1920s.

Ito ang bahay ng mga Aguinaldo noong 1898, bintana, walang balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ito ang bahay ng mga Aguinaldo noong 1898, bintana, walang balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962:  Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal.  Mula sa gov.ph.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962: Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal. Mula sa gov.ph.

Si Xiao Chua sa Independence Balcony sa ibabaw ng isang kalabaw sa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.  Dinagdag lang ang balkonahe sa mansyon noong Dekada 1920.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao Chua.

Pangulong Noynoy Aquino habang itinataas ang bandila habang nakamasid naman ang apo ni Heneral Baldomero Aguinaldo na si dating Punong Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata, June 12, 2011.  Mula sa philippinestodayus.com.

Si Secretary Mar Roxas habang tinataas ang bandila ng Pilipinas kasama si National Historical Commission of the Philippines Commissioner Rene R. Escalante, Tagapangulo ng DLSU Departamento ng Kasaysayan, June 12, 2012.  Mula sa balita.ph.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite.  Joke???  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite. Joke??? Pagsasadula para sa isang commercial ng Tide para sa Sentenaryo ng Kasarinlan.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sa araw na iyon ng Hunyo Dose, maraming tao.  Pitong araw pa lamang ang nakalilipas, nagpadala na ng mga paanyaya para sa makasaysayang pangyayari.  Mga tanghalian na nang magsidatingan ang mga dadalo mula sa walong lalawigan na kinakatawan ng mga sinag ng araw sa bandila.  Upang hindi gaanong mainit para sa mga taong nasa labas ng mansyon, sa kalagitnaan ng alas cuatro at alas singko sinimulan ang programa.

09 sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.  Obra maestra ni Eufronio Cruz.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. sa dating limang pisong perang papel.  Obra maestra ni Eufronio Cruz.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. sa dating limang pisong perang papel. Obra maestra ni Eufronio Cruz. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Naroon at nagko-cover ang Amerikanong peryodistang si Turmbull White.  Sa mga kalye raw ng Kawit, mga lima hanggang anim na libong tao ang nagdiriwang, napapalamutian ng mga singkaban o arko ang mga ito at nakalinya mula sa Simbahan ng Sta, Magdalena ang may isanlibong kawal sa pagkabilang bahagi ng kalsada.

Ang family wing ng Mansyong Aguinaldo noong 1898.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ang family wing ng Mansyong Aguinaldo noong 1898. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Simbahan ng Sta. magdalena matapos mabomba ng todo ng mga Espanyol noong panahon ng Himagsikan.  Mula kay Isagani Medina.

Simbahan ng Sta. magdalena matapos mabomba ng todo ng mga Espanyol noong panahon ng Himagsikan. Mula kay Isagani Medina.

Sabi ni Turmbull, “the presence of these added a touch of military impressiveness to the scene.  Sa mga bintana at ibabaw ng mga bahay, may mga kopya na ng watawat ang nalipad.  Sa araw na iyon, ang Banda San Francisco de Malabon ay pinatugtog sa unang pagkakataon sa publiko ang Marcha Nacional Filipina na isinahimig ng Kabitenyong si Julian Felipe.

Julian Felipe

Julian Felipe

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang mahabang dokumento ng Acta de la Proclamacion de Indepencia del Pueblo Filipino ay binasa ng sumulat nito na si Ambrosio Rianzares-Bautista at nilagdaan ng 97 na mga Pilipino at ng isang diumano ay Amerikanong opisyal ng hukbo na nagngangalang Koronel M.L. Johnson, na sa katotohanan, ayon sa historyador na si J.R.M. Taylor, ay isang dating tagapangalaga ng isang otel sa Shanghai na nasa Maynila upang magpamalas ng cinematograph, opereytor ng sinaunang sinehan.

Unang pahina ng Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino na sinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista.

Unang pahina ng Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino na sinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista.

Ambrosio Rianzares Bautista.

Ambrosio Rianzares Bautista.

Isa pang paglalarawan kay Ambrosio Rianzares Bautista.

Isa pang paglalarawan kay Ambrosio Rianzares Bautista.

Pagwagayway ni Ambrosio Rianzares Bautista ng watawat.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Pagwagayway ni Ambrosio Rianzares Bautista ng watawat. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Col. M.L. Johnson, hindi siya opiser ng hukbong Amerikano kundi ginawang Amerikanong opiser ng hukbong Pilipino.

Col. M.L. Johnson, hindi siya opiser ng hukbong Amerikano kundi ginawang Amerikanong opiser ng hukbong Pilipino.

Sa kabila ng alitan nina Aguinaldo at ng unang naggalaw ng paghihimagsik na si Andres Bonifacio, magbabalik-tanaw ang teksto ng proklamasyon sa pagsisimula nito ng himagsikan noong August 1986 mula Caloocan, Santa Mesa at sa walong lalawigan na sa kalaunan ay isinailalim sa Batas Militar.  Gayundin, ginunita sa puting tatsulok ng bandila ang Katipunan at ang kapatiran at sanduguan nito.

Larawan ni Rizal at ni Bonifacio sa Mansyon ni Heneral Aguinaldo.  Soft spot ng heneral sa naging kaalitan.  Kuha  ni Xiao Chua.

Larawan ni Rizal at ni Bonifacio sa Mansyon ni Heneral Aguinaldo. Soft spot ng heneral sa naging kaalitan. Kuha ni Xiao Chua.

Teksto ng acta na nagbabalik tanaw sa Katipunan ni Andres Bonifacio.

Teksto ng acta na nagbabalik tanaw sa Katipunan ni Andres Bonifacio.

Matapos nito ay tinawagan ni Felipe Buencamino ang bayan na ipagtanggol ang watawat anuman ang mangyari at ipinaliwanag ni Artemio Ricarte ang kahulugan ng mga simbolo sa watawat.  Ang watawat ay iniabot ni Bautista kay Aguinaldo at masayang iwinagayway ito ng 29 na taong gulang na heneral.

Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit ng GMA.

Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit ng GMA.

Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit pelikulang El Presidente.

Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit pelikulang El Presidente.

Ang proklamasyon ng Independencia bilang diorama ng Ayala Museum.

Ang proklamasyon ng Independencia bilang diorama ng Ayala Museum.

Pagwagayway ni Heneral Aguinaldo sa watawat mula sa gitnang bintana ng kanyang bahay.  Nasa likuran ng dating Dalawang Pisong papel ng seryeng Bagong Lipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pagwagayway ni Heneral Aguinaldo sa watawat mula sa gitnang bintana ng kanyang bahay. Nasa likuran ng dating Dalawang Pisong papel ng seryeng Bagong Lipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, San Francisco Chronicle, June 18, 1898.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, San Francisco Chronicle, June 18, 1898. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, Daily Kentuckian, June 18, 1898.

Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, Daily Kentuckian, June 18, 1898.

Sa kanyang kalendaryo para sa 1898, isinulat ni Aguinaldo sa petsang June 12, “Ypinanaog ang Bandera nacional dito sa bahay ng nasirang Dn. Maximo Ynocencio, patungo sa bayan ng Cauit, o C. Viejo, p.a. proclamahin ang aspiracion ng Yndep.a nitong Sangkapuluang Katagalugan o Filipinas, oras ng a las cuatro at dalauang minuto ng hapon.  Cavite a 12 Junio 1898.”  Mahalaga ang araw na ito sa kasaysayan natin sapagkat hindi lamang ito proklamasyon ng kasarinlan na nagmula mismo sa atin, kundi ito ay iniluwal ng pagtatagumpay ng himagsikan laban sa mga Espanyol.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 June 2013)

XIAOTIME, 28 January 2013: JULIAN FELIPE, ANG KOMPOSITOR NG PAMBANSANG AWIT

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 28 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Julian Felipe

Julian Felipe

28 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=ynyNkSIWnYg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  152 years ago ngayong araw, January 28, 1861, isinilang si Julian Felipe, ang inatasan ni Heneral Emilio Aguinaldo na gumawa ng isang martsa para sa pagpoproklama ng kasarinlan o independencia matapos ang napipintong pagtatagumpay ng himagsikan laban sa mga Espanyol.  Nagkita sina Aguinaldo at Felipe sa Calle Arsenal sa Cavite Puerto noong June 5, 1898 at matapos ang anim na araw, June 11, 1898, pumunta si Felipe sa bahay ni Heneral Aguinaldo dala-dala ang borador ng piyesa.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898.  Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898. Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Habang nagpapahinga mula sa isang pulong, pinakinggan nina Heneral Emilio at Heneral Mariano Trias at at ng Kalihim Pandigma na si Heneral Baldomero Aguinaldo ang pagtugtog ni Felipe ng kanyang komposisyon.  Dahil nagustuhan nila ito, pinaulit nila ito ng ilang beses kay Felipe!  Pinangalanang nila ang piyesa na Marcha Filipino Magdalo na kalaunan ay naging Marcha Nacional Filipina.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Tinuro ni Felipe ang piyesa ng musika sa Banda San Francisco de Malabon (na ngayon ay Banda Matanda) at pinatugtog nila ang marcha kinabukasan June 12, 1898, proklamasyon ng independencia, matapos basahin ang teksto ng pagpapahayag ng kasarinlan habang opisyal na iwinawagayway ang bagong watawat ng Pilipinas.   Napansin ni Kalihim Alejandro Roces na tila naging inspirasyon ni Felipe sa unang galaw ng musika ang pambansang awit ng Espanya ang Marcha Real, habang ang pangalawa naman ay hawig sa Triumphal March sa operang Aida ni Verdi na ginagamit natin ngayon bilang graduation song, at ang pangatlo naman ay may hawig sa pambansang awit ng Pransya, ang Marseillaise.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Sa pag-amin mismo ni Felipe, “kusang nagpasok ng mga himig na gumugunita sa Marcha Real ng Espanya upang mapangalagaan ang alaala ng lumang kalunsuran.”

Moro-moro

Moro-moro

Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, may hawig din sa Pilipinong mga musika tulad ng Moro-Moro at ayon din kay Propesor Felipe de Leon, Jr., mas inspirasyon ng ating pambansang awit ang tradisyunal na mga musika ng prusisyon at kundiman kaysa ang ibang mga kanluraning musika.

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Anuman, sinasabing tinanggihan ni Felipe ang alok ng isang Español na bilhin ang eksklusibong karapatan sa paglalathala ng pambansang awit.  Parab sa kanya, pag-aari ng bayan ang musikang ito.  Noong December 4, 1943, binigyan ng pamahalaan si Felipe ng Php 4,000.00 bilang pabuya sa kanyang komposisyon.  Pinakiusapan din siya ng pamahalaan na muling aregluhin ang martsa, kung ang orihinal na areglo ang susundin, sobrang napakataas ng pag-awit natin at hihingalin tayong parang mga kabayo sa sobrang bilis nito.  Nagkaroon lamang ng titik ang Marcha Nacional nang si José Velásquez Palma ay naglathala ng titik para dito na nasa wikang Espanyol sa La Independencia noong September 3, 1899.

José Velásquez Palma

José Velásquez Palma

Ang pamagat ng kanyang tula ay Filipinas na nagsisimula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Kahit kolonya tayo ng Amerika, sinasabing noong 1918, nagwagi tayo ng pangalawang pinakamagandang pambansang awit sa isang patimpalak na ginanap sa Boston, Estados Unidos.  Noong Dekada 1920, nagkaroon ito ng saling Ingles na ginawa nina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na may pamagat na Land of the Morning.

Camilo Osias

Camilo Osias

Ang Lupang Hinirang sa Wikang Filipino na ating inaawit ngayon ay isinalin lamang noong 1956 at ginawa lamang opisyal noong 1963.  Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon, di katulad ng sa Amerika na ang musika ay nagmula sa awit ng mga manginginom noon.  Kaya kapag inaawit natin ang pambansang awit na pamana sa atin ng mga bayani, dibdibin natin ito.

27 Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa

Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

26 Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon