IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: babaylan

XIAO TIME, 1 November 2013: KASAYSAYAN NG KONSEPTO NG ASWANG

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

1 November 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=RWX_oiJmNCM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong isang linggo ay nagtungo ako sa Roxas City sa Capiz para sa magsalita sa unang Borres Youth Leadership Institute Social Science Camp.  Nang sabihin ko sa isang mahal sa buhay na nagmula ako sa Capiz, tinanong ba naman sa akin, “nakakita ka ba ng aswang?  Maraming aswang sa Capiz.”

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa Borres Youth Leadership Institute Social Science Camp sa Capiz National High School sa Lungsod ng Roxas, October 25, 2013.  Dito nag-aral ng hayskul si Pangulong Manuel A. Roxas.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Matandang Capiz.  Mula sa jes9.wordpress.com.

Matandang Capiz. Mula sa jes9.wordpress.com.

Hindi na naalis sa Capisnon ang stigma na sila ay bayan ng mga aswang, therefore, bayan ng mga delikadong tao.  Ano ba ang ugat ng konseptong ng “aswang.”  Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kwentong bayan at tala ng mg Espanyol, ipinakita ni Prop. Randy R. Gigawin sa kanyang papel na “Debunking the Myth of Aswang in Capiz.” Ito ay bilang tugon sa hamon ng pagtuturo ng lokal na kasaysayan ng Capiz sa Araling Panlipunan sa Grade 7 sa ating K+12 kung saan kabilang ang “aswang.”

Si Xiao Chua kasama si Prop. Randy R. Gigawin, October 25, 2013.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Prop. Randy R. Gigawin, October 25, 2013. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang mga kwentong bayan sa Capiz na binabanggit ang aswang.  Ang isa ay binabanggit na may mga naghari sa isla ng Panay na kahahango pa lamang noon mula sa Dakilang Baha, sina Agurang, ang mabuting kaluluwa nakagagaling, at Asuwang, ang masamang kaluluwa na maaaring makasama o makamatay.  Ang pangalawa naman ay sa “Humadapnon” kung saan na binaggit na isang aswang si Paglambuhan, isang matapang, kagalang-kagalang at batikang mandirigma o hangaway na iniipon ang mga buto ng mga taong natalo niya sa isang mano manong labanan at kinikilalang datu ng lipunan.  Kung titingnan ang aswang ay ikinakabit sa kahit na sinong kinatatakutan o iniiwasan ng bayan.  Sa depinisyon sa mga diskyunaryong isinulat ng mga prayleng Espanyol ang aswang ay “hechicero, brujo, y fantasma” na ang kahulugnan ay “sorcerer,” “witch,” at “ghost.”

Aswang.  Mula kay Carlene  Collis-Smith aka sassyangel.

Aswang. Mula kay Carlene Collis-Smith aka sassyangel.

Aswang.  Kinulayan ng totmoartstudio.

Aswang. Kinulayan ng totmoartstudio.

Aswang.  Mula sa philippinesplus.com.

Aswang. Mula sa philippinesplus.com.

Mula sa mga pagbasang ito, makikita na ang pinapatungkulan ng mga Espanyol na mga aswang ay yung mga babaylan.  Ang mga dating esprituwal na pinuno ng bayan na dahil nais nilang palitan ay siniraan nila upang tawaging “may sa demonyo.”  Malakas kasi ang babaylanismo sa Panay at magtutungo sila at ang kanilang mga tagasunod sa kabundukan upang umiwas sa Katolisismo at kolonyalismo.  Kaya naman ang mga taga-bundok ay tatawaging mga masasamang tao.

Ang Babaylan.  Obra ni R. Aguilar oara sa Museo ng Negros.  agboiblogspot.com.

Ang Babaylan. Obra ni R. Aguilar oara sa Museo ng Negros. agboiblogspot.com.

Ang babaylan na inilarawan dito na lumilipad.

Ang babaylan na inilarawan dito na lumilipad.

Paglalarawan sa babaylan bilang tagapamagitan ng tao sa Maykapal.

Paglalarawan sa babaylan bilang tagapamagitan ng tao sa Maykapal.

Paglalarawan sa tatlong pangunahing papel sa lipunang Pilipino noong sinaunang bayan ayon kay Dr. Zeus A Salazar:  Datu, Babaylan at Panday.

Paglalarawan sa tatlong pangunahing papel sa lipunang Pilipino noong sinaunang bayan ayon kay Dr. Zeus A Salazar: Datu, Babaylan at Panday.

Ang pagdating mga mga prayle at ng Katolisimo sa Pilipinas.

Ang pagdating mga mga prayle at ng Katolisimo sa Pilipinas.

Ang babaylan ang ang prayle na gustog pumalit sa kanya.

Ang babaylan ang ang prayle na gustog pumalit sa kanya.

Kaya gumawa na ng iba’t ibang kwento ang mga prayle na katulad ni Juan de Plasencia na nagsasabing ang mga aswang ay nakikitang lumilipad, pumapatay ng mga tao at kinakain ang kanilang mga laman.  Kay Ortiz, ang aswang ay lumilipad sa bubong ng bahay, nilalabas ang dila na parang sinulid at ipinapasok sa puwitan ng bata upang kainin ang mga lamang-loob nito.

Aswang.  Mula sa villains.wikia.com.

Aswang. Mula sa villains.wikia.com.

Aswang.  Mula sa websayt ng GMA News.com/

Aswang. Mula sa websayt ng GMA News.com.

Binabanggit din ng mga prayle na nagiging aso ito, minsan pusa o ipis upang makalapit sa bata.  Kinakain din daw nila ang mga maysakit at ang mga patay.  Sa huli, ayon kay Alicia Magos, eksperto sa kasaysayan ng Panay, dalawang babaylan sa Panay ang siyang tumutol na sumailalim sa mga Espanyol, sina Conitnit and Cauayuay at dahil sa patuloy na pagpapraktis nila ng katutubong paniniwala, ibinigay sa kanila ng mga Espanyol ang pinakamalaking insulto sa mga Panayanhon, ang katawagang aswang.

Aswang.  Mula kay Alamat ng Lakan.

Aswang. Mula kay Alamat ng Lakan.

Si Xiao Chua at Dr. Alicia Magos, November 28, 2012, Guimaras.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at Dr. Alicia Magos, November 28, 2012, Guimaras. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Nanay Lilia Cuntapay ay madala sna gumanap na aswang sa pelikula.  Mula sa Philippine Daily Inquirer/

Si Nanay Lilia Cuntapay ay madala sna gumanap na aswang sa pelikula. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Muli, paninirang puri ng mga Espanyol ang salitang aswang sa mga ninuno nating babaylan.  Hindi sila masasamang tao.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(At the taxi and People’s Television Network, 29 October 2013)

XIAO TIME, 31 October 2013: ANG KAHULUGAN NG SALITANG “UNDAS”

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Undas.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Undas. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

31 October 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=3nTKRscMGhw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Ipinagdiriwang sa daigdig ang Halloween tuwing October 31.  Ang salitang ito ay nagmula salitang “All Hallow’s Evening,” ang kahulugan ng “hallow” ay saint dahil gabing bisperas nga ito ng All Saints’ Day.

Hallow--hindi walang laman, hindi rin "shallow" (korne) kundi banal, ala "hallowed by thy name."  Therefore "all hallows" ay "all saints."

Hallow–hindi walang laman, hindi rin “shallow” (korne) kundi banal, ala “hallowed by thy name.” Therefore “all hallows” ay “all saints.”

Kasabay nito ang bisperas ng pista ng mga patay na ipinagdiriwang pa ng mga sinaunang Celtic bilang “Samhain” kung kalian pinaniniwalaan nilang bumabalik sa mga tahanan nila ang kaluluwa ng mga ninuno nila.  Ginugunita nila ito sa pamamagitan ng “trick or treat,” kumbaga, kung may kakatok sa iyo at hindi mo bigyan ng kahit ano ay maaari ka nilang lokohin ng mga pranks.  Upang kumatawan sa mga kaluluwa na maaari kang saktan kung maging maramot ka, nagsusuot ng kung anu-nong nakakatakot na costume ang mga bata.

Samhain

Samhain

Trick or Treat.  Mula sa cheboygan.com.

Trick or Treat. Mula sa cheboygan.com.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Gayundin, gumagawa ng mga inukitang kalabasa o pumpkin ang mga Kanluranin upang pantaboy sa mga masasamang demonyo na naglipana sa tuwing Holloween.  1866 unang nabanggit ang koneksyon ng Hollween at pumpkin sa Amerika.  Mapapansin din na sa kwentong bayan sa Kanluran, ang mga mangkukulam ay may nakaugalian na gawing mga pumpkin ang mga tao.

Pumpkin o jack-o-lantern.  Mula sa National Geographic.

Pumpkin o jack-o-lantern. Mula sa National Geographic.

Dahil sa komersyalisasyon at globalisasyon, umabot ang mga Kanluraning praktis na ito sa Pilipinas.  Ang pista ng patay sa Pilipinas ay tinatawag nating “Undas.”  Nang tanungin ko si Dr. Lars Raymund Ubaldo, na nag-aral ng mga praktis sa burol ng mga Ilokano, ang salitang “Undas” ay nagmula sa Espanyol na “honras funebres” o funeral honors na sa ibang lalawigang Tagalog ay naging “honras” at “undras,” at sa Ilocos ay “atang” na tinatawag ding “umras.”

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013.  Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013. Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Dahil sa impluwensyang Katoliko ng mga Espanyol, naitali sa Todos Los Santos o All Saints Day ang paggalang natin sa patay na tila ang ating mga namatay na ninuno ay itinuturing na rin natin na mga santo na nasa langit kasama ng Panginoon.  Ang doktrina ng Santa Iglesia Catolica Romana ay nagsasabi na ang namatay na mahal sa buhay ay ipinapanalangin upang mahango sa purgatoryo, mapunta sa langit o magabayan ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang buhay.

Recuerdos de Patay (souvenir of the dead) sa Pampanga noong panahong sinauna.  Pansinin kung papaano inaangat ang patay upang masilayan sa larawan.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Prusisyon ng patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Ngunit hindi ba kayo nagtataka, kapag undas ay nagdadasal tayo mismo sa kamag-anak natin at kinakausap natin sila?  Ito na ang pananatili ng sinaunang kulturang Pilipino na mas matanda pa sa Katolisismo sa Pilipinas.  Naniniwala tayo na tayong ay may mga kaluluwa ngunit kapag tayo ay namatay ay naglalakbay tayo sa mga ilog at dagat gawa nga na tayo ay isang maritime culture tulad ng makikita sa bangang Manunggul.  Ang mga namatay na kaluluwa ay itinuturing na anito na nagbabalik sa kalikasan, sa mga ilog, sa mga bundok, sa mga bato at sa mga punongkahoy.  Sila ay kinakatawan ng mga estatwa at inaalayan at dinadasalan natin ang mga ninuno natin na ito.  At pinaniniwalaan na nakikipag-usap pa ang mga anito sa atin noon sa pamamagitan ng mga babaylan at catalonan.

Paglilibing sa Cordillera.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Paglilibing sa Cordillera. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

Isang namatay sa Cordillera.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Isang namatay sa Cordillera. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao.  Kuha ni Neil Oshima.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao. Kuha ni Neil Oshima.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan.  Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan. Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Muli, ngayon alam niyo na ang UNDAS ay nagmula sa Honras Funebres, hindi sa binaligtad na “SADNU?”  Dahil hindi naman sad ang pista ng patay sa Pilipinas, hindi ba HAPPYNU ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 29 October 2013)

Undas sa mga "apartment."  Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas sa mga “apartment.” Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas.

Undas.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension.  Hindi Sad Nu?  Happy Nu!  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension. Hindi Sad Nu? Happy Nu! Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

XIAOTIME, 8 March 2013: MGA BABAYLAN AT MGA BINUKOT

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 8 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Mga babae, tanging mithiin ay lumaya" - Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

“Mga babae, tanging mithiin ay lumaya” – Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

8 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=elK5GSzhMOE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nais ko pong batiin ang araw-araw na sumusubaybay sa PTV News na si Mari Clare Junio sa kanyang kaarawan sa Linggo, March 10, siya ay isang malakas na babae at tamang-tama, ngayong araw ay International Women’s Day.  Sa kwento ng Henesis sa Biblia, ang mga babae ay nilikha lamang dahil nalungkot ang lalaki.  Kaya kung titingnan ang mga mamamayan na naniniwala sa ganitong klaseng kwento ng pagsisimula, nanaig sa kanila ang mga lalaki o Patriyarkiya.

Malakas at Maganda.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Malakas at Maganda. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Ngunit sa mga kapuluang ito na naniniwala na sabay na lumabas sa kawayan ang babae at lalaki, si Malakas at Maganda man sa Katagalugan o si Sicalac at Sicavay naman si Visayas, may pantay na papel ang babae sa lipunan.  Sa pamumuno ng bayan, kung ang datu ang politikal na mga pinuno, nariyan ang mga babaylan sa larangang espirituwal.  Ayon sa pag-aaral ni Zeus A. Salazar, ang babaylan noong unang panahon ang “pinakasentral na personahe sa ating lipunang Pilipino sa larangan ng kalinangan, relihiyon at medisina… ang namamahala sa kabuuang mitolohiya ng bayan.”

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito.  Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito. Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Xiao Chua at Zeus Salazar, 2008.

Xiao Chua at Dr. Zeus Salazar, 2008.

Daluyan siya ng buhay at ginhawa.  Tatlo ang papel niya, siya ang tagapamagitan ng mundong espirtuwal ng mga anito at ng mga tao, siya ay ang manggagamot, at siya rin ang nagmememorya at umaawit ng epiko ng bayan, na kapag pinakinggan ng lahat, nadarama ng buong bayan na iisa ang kanilang pinagmulan at iisa ang kanilang damdamin at patutunguhan.  Maliban sa mga babaylan, nariyan din ang isang espesyal na mga babae, ang binukot.

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay.  Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay. Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot.  Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot. Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot.  Obra ni Rose Sales

Binukot. Obra ni Rose Sales

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Sila ang mga babaeng magaganda na bata pa lamang ay itinatago na, ibinubukod, upang mapanatili ang kaputian at pinag-aaral ng mga epiko upang maging daluyan ng pagkakaisa at pagpapatuloy na bayan.  Madalas na ilarawan na kasing puti ng balanakon, isang sugpo na maputi at malambot ang balat at hindi pinapaapak sa lupa.  Madalas na nais pakasalan ng mga datu.  Sila ang itinuturing na anting-anting ng isang datu o ng isang bayan.  Mawala sa kanya ito, babagsak ang kapangyarihan ng datu o mawawalan ng dangal ang isang bayan.  Ayon kay Vicente Villan, sa mga kwentong bayan sa Panay, ang babae ang dahilan ng mga digmaan at ang tagapamayapa ng kaguluhan.  Ang kanyang pagiging sanhi ng digmaan ay may kinalaman sa pagkakaroon ng sinapupunan, at ang kapangyarihan ng mga bayan ay nakasalalay sa yamang-tao nito—sa dami ng mandirigma at panday.  Maraming sumasalakay, marami ring kapangyarihan, at kung may kapangyarihan ang bayan, may ginhawa.  Ang pagiging maganda ay may kaugnayan sa kapangyarihan, at mas maraming ginhawa.  Kaya naman pala sa kabila ng patriyarkiya ng mga kolonisador, makikitang malakas ang maraming mga babae sa Pinas.  Lalo na ngayon.  Sabi ni José Rizal sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos, “Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila’t habang ang ina’y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak.”

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Mula sa aklat na Women of Malolos ni Nicanor Tiongson.

Iiwanan ko kayo ng mga kataga mula sa awitin ng Inang Laya, mga babae, ang mithiin ay lumaya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 13 February 2013: ANO NGA BA ANG ANG KAHULUGAN NG ASH WEDNESDAY AT ANG KAUGNAYAN NITO SA KATUTUBONG PANINIWALA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 13 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ash Wedensday sa Baclaran.  Mula sa http://flickr.com/photos/johnhanscom/.

Ash Wedensday sa Baclaran. Mula sa http://flickr.com/photos/johnhanscom/.

13 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=A4Bzz25m-MU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay Ash Wednesday, ang simula ng kuwaresma.  Na nagpapaalala sa atin na sa abo tayo ay nagmula at sa abo rin magbabalik (Genesis 3:9).

Genesis 3:9 sa Wikang Latin.

Genesis 3:9 sa Wikang Latin.

Nakakatuwang malaman na ang mga abo na ginagamit ng pari sa ating noo sa araw na ito ay nanggaling sa mga palaspas na binasbasan noong Domingo de Ramos o Palm Sunday noong nakaraang taon!  Kailangang banggitin na ang ating mga palaspas ay hindi lamang paggunita sa maluwalhating pagpasok ni Hesus sa Herusalem kundi anting-anting ito laban sa masama at sa kidlat!

Domingo de Ramos sa Pilipinas.  Mula sa manila-beyond.blogspot.com.

Domingo de Ramos sa Pilipinas. Mula sa manila-beyond.blogspot.com.

Linggo ng Palaspas.  Mula sa isang palabas sa teatro.  Kuha ni richardbalonglong.multiply.com

Linggo ng Palaspas. Mula sa isang palabas sa teatro. Kuha ni richardbalonglong.multiply.com

Diyan natin makikita na ang Katolisismo na pamana sa ating ng mga Espanyol ay humahalo sa dati na nating pananampalatayang bayan.  Ang tawag sa sinkretismo o paghahalo na ito ay Folk Catholicism.  Isa pang manipestasyon ng pagpapatuloy at pananatili ng pananampalatayang bayan sa kabila ng Katolisismo ay ang mga Rizalista.  Huh?  Pagsamba kay Rizal?  Weird!!!

Si Rizal bilang Kristong Tagalog.  Mula sa lfrbonn.blogspot.com.

Si Rizal bilang Kristong Tagalog. Mula sa lfrbonn.blogspot.com.

Ang Samahang Sagrada Familia ng Calamba, Laguna sa pangunguna ni Nanay Gloria Bibat.  Kuha ni Dennis Villegas.

Ang Samahang Sagrada Familia ng Calamba, Laguna sa pangunguna ni Nanay Gloria Bibat. Kuha ni Dennis Villegas.

Pero sa totoo lang, hindi dapat sila tawaging weird o sa negatibong tawag na kulto.  Sapagkat ayon sa ilang iskolar, lalong-lalo na sina Floro Quibuyen, Prospero Covar, Zeus Salazar at Nilo Ocampo, pinakikita ng mga Rizalista ang nagpapatuloy na diwa ng katutubong pananampalataya—ang pagsasamahan batay sa kapatiran, paniniwala sa kaluluwa o anito, mga anting-anting, paniniwala sa mga banal na tinig, ginagamit ang mga kweba at pagsamba sa kabundukan sa paniniwalang ang kalikasan ay tahanan ng mga anito at iba pang paniniwala na nag-uugat sa kwentong bayan.

Mga koleksyon ng anting-anting ni Zeus A. Salazar.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga koleksyon ng anting-anting ni Zeus A. Salazar. Kuha ni Xiao Chua.

Bundok Banahaw.  Ang Bagong Herusalem sa mga Rizalista.  Mula kay mirageide

Bundok Banahaw. Ang Bagong Herusalem sa mga Rizalista. Mula kay mirageide.

Sa pagdating ng mga Espanyol, inangkin ng ilan sa mga samahan na namundok ang Katolisismo habang ipinagpapatuloy ang mga dating gawi.  Nang mamatay si Dr. José Rizal, dahil sa kanyang tindig laban sa mga Espanyol, tila ginawa siyang anito ng mga samahan, isang anito na hindi namatay kundi nabubuhay, isang Kristong Tagalog!

Si Rizal bilang Kristong Kayumanggi.  Kuha ni Dennis Villegas.

Si Rizal bilang Kristong Kayumanggi. Kuha ni Dennis Villegas.

Isa pang diwa ng pananampalatayang bayan na nagpapatuloy sa mga samahan at kapatiran ay ang pagkakaroon ng mga pinunong babae.  Tandaan natin na sa Katolisismo, hindi maaaring maging mga pari o obispo ang mga babae.  Ngunit tulad ng sabay na paglabas ng lalaki at babae sa kawayan sa ating mga mito ng pinagmulan, may semblance ng pagkakapantay-pantay sa kasarian.

Malakas at Maganda ni Nestor Redondo.

Malakas at Maganda ni Nestor Redondo.

Babaylan.  Guhit ni Christine Bellen.

Babaylan. Guhit ni Christine Bellen.

Nanay Mercedes, ang Durable ng Sta. Lucia, Dolores, Quezon.

Nanay Mercedes, ang Durable ng Sta. Lucia, Dolores, Quezon.

Monumento ni Gabriela Silang sa Makati.  Mula sa Ayala Triangle.

Monumento ni Gabriela Silang sa Makati. Mula sa Ayala Triangle.

One Billion Rising.

One Billion Rising.

Kaya may mga babaylan o katalonan, kaya ang mga manang ay astig na mga babae, kaya uso dito ang mga ander na lalaki, kaya mayroon tayong mga Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Trinidad Tecson, Tarhata Kiram at Cory Aquino.  Bukas titindig ang isang bilyong kababaihan sa daigdig to strike, dance, rise.

Si Xiao Chua at si Nanay Isabel Suarez, ang "Suprema" ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.

Si Xiao Chua at si Nanay Isabel Suarez, ang “Suprema” ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.

Ang loob ng Simbahan ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.  Kuha ni Sidney Snoeck.

Ang loob ng Simbahan ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios. Kuha ni Sidney Snoeck.

Reyna Yolanda Manalo, Pinuno ng Celyo Rizal, Incorporada, ang pampbansang pederasyon ng mga Rizalista.

Reyna Yolanda Manalo, Pinuno ng Celyo Rizal, Incorporada, ang pampbansang pederasyon ng mga Rizalista.

Ang mga pinunong Rizalista na nagtataglay ng diwa ng babaylan na aking nakilala ay sina Nanay Isabel Suarez ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios at si Reyna Yolanda Manalo ng Celyo Rizal, Incorporada, ang Pambansang Pederasyon ng mga Rizalista.  Napagkaisa ni Reyna Yolanda ang mga hiwa-hiwalay na grupo sa pagpapakita na ang mga tingting ay walang magiging silbi kung hindi magsasama-sama bilang isang walis.  Siya ang nanguna sa pagtatanghal ng pinakamalaking bandilang tao at mapang tao ng Pilipinas tuwing kaarawan ni Rizal.  Nakita ko mismo ang reyna habang itinatanghal ang kanyang pakikipag-usap sa mga kaluluwa, at kanyang sinabi ang mensahe ng espiritu, “Ang panginoong Diyos, ang Inang Bayan, at si José Rizal ay iisa!”  Malalim ang mensaheng ito na may malaking katotohanan, sa Rizalista napag-isa ang sinaunang bayan, ang katolisismo at ang pagmamahal sa bayan ni Rizal.

Ang sagisag ng Celyo Rizal, Inc.

Ang sagisag ng Celyo Rizal, Inc.

Ang pakikipag-usap ni Reyna Yolanda sa espiritu.  Calamba, Laguna, June 18, 2009.

Ang pakikipag-usap ni Reyna Yolanda sa espiritu. Calamba, Laguna, June 18, 2009.

Si Xiao Chua at si Reyna Yolanda noong ika-150 kaarawan ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna, June 19, 2011.

Si Xiao Chua at si Reyna Yolanda noong ika-150 kaarawan ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna, June 19, 2011.

Happy 60th Birthday Reyna Yolanda sa linggo, February 17!  Sana maisapuso namin ang halimbawa ninyong mga Rizalista—na kung tunay naming mahal ang Panginoon, mahal din namin si Inang Pilipinas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 January 2013)