IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: aquino

XIAO TIME, 6 August 2013: NANG ILIBING SI TITA CORY

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Xiao Chua at Gobernador Ed Panlilio sa Luneta noong funeral march para kay Cory Aquino, 5 Agosto 2009.

Xiao Chua at Gobernador Ed Panlilio sa Luneta noong funeral march para kay Cory Aquino, 5 Agosto 2009.

6 August 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=J-UIC6jUl8k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Apat na taon na ang nakalilipas, August 5, 2009, humimlay sa pagmamahal ng kanyang pamilya at mga kababayan ang unang inang pangulo ng Pilipinas, si Corazon Sumulong Cojuangco Aquino sa kanyang huling hantungan, 8:35 ng gabi, sa Manila Memorial Park.  Muling nakatabi ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal, si Ninoy.

Hindi nagpapigil ang mga tao sa barikada sa Manila Memorial Park sa Sucat, gusto nila ihatid si Tita Cory hanggang sa huling sandali.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Hindi nagpapigil ang mga tao sa barikada sa Manila Memorial Park sa Sucat, gusto nila ihatid si Tita Cory hanggang sa huling sandali. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sina Viel, Kris, Pinky at Ballsy, mga anak na babae ni Tita Cory, habang namamaalam sa kanya.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Sina Viel, Kris, Pinky at Ballsy, mga anak na babae ni Tita Cory, habang namamaalam sa kanya. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Noynoy habang humahalik sa kabaong ng kanyang ina sa huling pagkakataon.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Noynoy habang humahalik sa kabaong ng kanyang ina sa huling pagkakataon. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang mga apo ni Tota Cory habang nagluluksa.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga apo ni Tota Cory habang nagluluksa. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Boy Abunda sa likuran ng mga matitikas na mga heneral.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Boy Abunda sa likuran ng mga matitikas na mga heneral. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Magkasama na sa kanilang puntod sa Manila Memorial Park sina Ninoy at Cory.

Magkasama na sa kanilang puntod sa Manila Memorial Park sina Ninoy at Cory.  Mula sa Paalam, Cory.

Noong umagang iyon, sa labas ng Katedral ng Maynila kung saan nagaganap ang huling misa para sa kanya, sa kabila ng ulan at kaunting baha, naroon ang bayan, ang mga usisero na gusto makakita ng artista tulad ni Piolo, ang mga nabigyan ng trabaho sa pagkamatay ng “Ina ng Bayan,” nagbebenta ng samu’t saring mga pins at t-shirt, ngunit mas marami ang naroon upang ipakita, hindi artista ang kanilang ipinunta doon kundi ang Tita Cory.  Alam ng bayan kung bakit sila nandoon.

Naroon kahit naulan.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Naroon kahit naulan. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang mga nabigyan ni Tita Cory ng hanapbuhay noong araw na iyon.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga nabigyan ni Tita Cory ng hanapbuhay noong araw na iyon. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ina at anak na nagdadalamhati.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ina at anak na nagdadalamhati. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang mga batang sumisigaw ng Coree! Coree!  Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Ang mga batang sumisigaw ng Coree! Coree! Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Si Kerby Alvarez at ako habang nasa baha.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Kerby Alvarez at ako habang nasa baha. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sa wakas, narinig ng mga nasa labas ang pasasalamat ng anak niyang si Kris sa madla, hiniram pa ang mga kataga ng kanyang ama, “The Filipinos are worth it….  Paano po ba kami makakapagpasalamat sa inyong lahat sa effort ninyong pumila sa gitna ng matinding init at malakas na pagbuhos ng ulan para po masulyapan ang mommy namin, magbigay respeto at maipagdasal siya sa huling pagkakataon?”  Idinagdag pa niya na “Noy, ikaw at ako ang nasa posisyon para ipagpatuloy ang lahat ng kanilang nasimulan.”  Nagpalakpakan ang mga tao.  Sino ba ang mag-aakala na walang isang taon ang lilipas, si Noy, si Benigno Simeon Aquino, III, ay pangulo na ng bansang Pilipinas.

SI Kris Aquino habang ibinibigay ang kanyang eulogy para sa ina.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

SI Kris Aquino habang ibinibigay ang kanyang eulogy para sa ina. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Noynoy sa gitna ng pagmamahal at simpatiya ng kanyang bayan.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Noynoy sa gitna ng pagmamahal at simpatiya ng kanyang bayan. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sinabayan ng bayan sa labas ng katedral si Lea Salonga sa pag-awit ng “Bayan Ko,” bumuhos ang mga luha.  Dumating ang mga pulis at kinordonan ang kalsada.  Motorcade ang binalak ng pamilya, at sa loob ng sementeryo mas pribado ang paglilibing.  Ngunit hindi inasahan ang mga pangyayari, hindi inalintana ng mga tao ang mga pulis, binaklas ng bayan ang mga harang sa plaza, gustong ihatid ng libo-libong tao ang dating pangulo.  Ang itinakdang dalawang oras lamang na biyahe ay naging siyam na oras.

Bumuhos ang mga luha.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Bumuhos ang mga luha. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang karo ni Tita Cory habang inilalagay sa trak na magdadala nito sa kanyang huling hantungan.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang karo ni Tita Cory habang inilalagay sa trak na magdadala nito sa kanyang huling hantungan. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang bayan habang nagpupugay kay Cory sa pamamagitan ng Laban sign.

Ang bayan habang nagpupugay kay Cory sa pamamagitan ng Laban sign.

Lumabas sila para kay Cory.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Lumabas sila para kay Cory. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Naulit ang People Power.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Naulit ang People Power. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Mamang may dalang napakagandang larawan ni Tita Cory.

Mamang may dalang napakagandang larawan ni Tita Cory.

Ang larawan na iyon sa gitna ng mga tao.

Ang larawan na iyon sa gitna ng mga tao.

Si Kerby nang baklasin ng mga tao ang barikada.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Kerby nang baklasin ng mga tao ang barikada. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang simula ng kalbaryo at kagitingan ng apat na honor guard na nagbantay sa kabaong ng walang galawan.  Sa kanilang pagtayo, binigyan nila ng malaking karangalan, hindi lamang ang kanilang dating commander-in-chief, kundi ang kanila ring mga uniporme.  Mula sa pinoyweekly.org.

Ang simula ng kalbaryo at kagitingan ng apat na honor guard na nagbantay sa kabaong ng walang galawan. Sa kanilang pagtayo, binigyan nila ng malaking karangalan, hindi lamang ang kanilang dating commander-in-chief, kundi ang kanila ring mga uniporme. Mula sa pinoyweekly.org.

Si Xiao Chua kasama ang mga honor guard mula sa iba't ibang mga sangay ng Sandatahang Lakas at ng pulisya na nagbigay parangal sa Pangulong Cory, kabilang na sina Navy Petty Officer 2 Edgardo Rodriguez, Army Pfc. Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindan, at Police Officer 1 Danilo Malab, Jr. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama ang mga honor guard mula sa iba’t ibang mga sangay ng Sandatahang Lakas at ng pulisya na nagbigay parangal sa Pangulong Cory, kabilang na sina Navy Petty Officer 2 Edgardo Rodriguez, Army Pfc. Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindan, at Police Officer 1 Danilo Malab, Jr. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Naroon ako at nasaksihan ko sa mga mata ko at naramdaman ng puso ko ang dati ay nababasa ko lang sa mga libro, ang dalawang milyong magkakapatid na naghatid kay Ninoy sa kanyang huling hantungan noong 1983, ang dalawang milyon sa EDSA noong 1986, ang hindi magkakakilala ay nagbabatian ng Laban sign at nangngingitian.

Xiao Chua at Gobernador Ed Panlilio sa Luneta noong funeral march para kay Cory Aquino, 5 Agosto 2009.

Xiao Chua at Gobernador Ed Panlilio sa Luneta noong funeral march para kay Cory Aquino, 5 Agosto 2009.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam ng RPN-9 sa Luneta noong libing ni Tita Cory, sinasabi niya 1983 ULIT!  Mula sa RPN-9.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam ng RPN-9 sa Luneta noong libing ni Tita Cory, sinasabi niya 1983 ULIT! Mula sa RPN-9.

Sina Xiao Chua (may hawak na dyaryo sa may kaliwa) kasama sina Ayshia Kunting at Kerby Alvarez ng UP Lipunang Pangkasaysayan noong libing ni Pangulong Cory Aquino, 5 Agosto 2009 (Sa kagandahang loob ng Studio 23)

Sina Xiao Chua (may hawak na dyaryo sa may kaliwa) kasama sina Ayshia Kunting at Kerby Alvarez ng UP Lipunang Pangkasaysayan noong libing ni Pangulong Cory Aquino, 5 Agosto 2009 (Sa kagandahang loob ng Studio 23)

Cory Aquino Funeral, August 5, 2009.

Cory Aquino Funeral, August 5, 2009.

Ninoy Aquino Funeral, August 31, 1983.

Ninoy Aquino Funeral, August 31, 1983.

Cory Aquino Funeral, August 5, 2009.

Cory Aquino Funeral, August 5, 2009.

Ninoy Aquino Funeral, August 31, 1983.

Ninoy Aquino Funeral, August 31, 1983.

Cory Aquino Funeral at the Luneta, August 5, 2009.

Cory Aquino Funeral at the Luneta, August 5, 2009.

Ninoy Aquino Funeral sa Luneta, August 31, 1983.

Ninoy Aquino Funeral sa Luneta, August 31, 1983.

Ang mga tao ay nagbabatian ng Laban Sign.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga tao ay nagbabatian ng Laban Sign. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Isang batang nagla-Laban sign.  Kuha ni Julia Sombilon.

Isang batang nagla-Laban sign. Kuha ni Julia Sombilon.

Isang mamang nagla-Laban sign.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Isang mamang nagla-Laban sign.

Mga hindi mo kakilala babatiin ka ng Laban sign.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga hindi mo kakilala babatiin ka ng Laban sign. Kuha ni Xiao Chua.

Mga hindi mo kakilala babatiin ka ng Laban sign.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga hindi mo kakilala babatiin ka ng Laban sign. Kuha ni Xiao Chua.

Ang kokyot ng mga bata na ni hindi pa ipinapanganak noong presidente pa si Cory, na sumisigaw ng “Coree!  Coree!”  Nakararanas sila noon ng isang kakaibang leksyon sa kasaysayan.  Kung hindi minamahal ng bayan si Cory, hindi sila lalakad ng mahaba, magpapaulan, magluluksa ngunit nagpipiyesta rin ng sama-sama.  Ito pala yung pakiramdam na naramdaman ni Jim Paredes nang isatitik niya sa awitin, “Kay sarap palang maging Pilipino!”

Mga batang nakikiramay.  Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Mga batang nakikiramay. Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Mga magulang nagbibigay ng isang history lesson sa kanilang mga anak.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Mga magulang nagbibigay ng isang history lesson sa kanilang mga anak. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Isang mukha ng pakiisa at pakikiramay.  Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Isang mukha ng pakiisa at pakikiramay. Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Kaysarap palang maging Pilipino.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Kaysarap palang maging Pilipino. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Paaano mo sasabihing hindi minahal ng bayan?  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Paaano mo sasabihing hindi minahal ng bayan? Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Inuulit ang kasaysayan.

Inuulit ang kasaysayan.

Si Cory sa gitna ng pagmamahal ng bayan.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Cory sa gitna ng pagmamahal ng bayan. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang bayan at si Tita Cory.  Mula sa thecouchpotato.info.

Ang bayan at si Tita Cory. Mula sa thecouchpotato.info.

Ang pakikiramay ng bayan.

Ang pakikiramay ng bayan.

Si Tita Cory na nakabalot ng bandilang Pilipino.

Si Tita Cory na nakabalot ng bandilang Pilipino.

Naluha ako.  Lagi kong iniisip na ang Pilipino ay walang pakialam sa bansa.  Ngunit mali ako.  At tama pala si Ninoy at Cory sa kanilang pagtitiwala sa bayan.  Sa araw na iyon, inilabas muli ni Tita Cory ang pinamahusay sa mga Pilipino—kapatiran, kabutihang loob at pagmamahal sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

XIAO TIME, 1 August 2013: NANG PUMANAW SI TITA CORY

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Pangulong Cory sa paligid ng pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa La Salle Greenhills.

Ang Pangulong Cory sa paligid ng pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa La Salle Greenhills.

1 August 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=psBQUQmE6Ao

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Apat na taon na ang nakalilipas, July 24, 2009.  Nilisan na tayo ni Tita Cory!  Ito ang maling balita na natanggap ko. Marami ang umiyak.  Mali pala ang balita, pero may nasilip akong bagong pag-asa sa ilang araw nang sama-samang pananalangin para sa kalusugan ng Dating Pangulong Cory Aquino.

Tita Cory Aquino.  Mula sa ABS-CBN Publishing, Inc.

Tita Cory Aquino. Mula sa ABS-CBN Publishing, Inc.

Ang dyaryo ng araw noong magkaroon ng maling balita sa hapon na patay na si Tita Cory.  Nasa gitna ng pananalangin para sa kalusugan ng bayan ang mga tao.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang dyaryo ng araw noong magkaroon ng maling balita sa hapon na patay na si Tita Cory. Nasa gitna ng pananalangin para sa kalusugan ng bayan ang mga tao. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Noong hapon na iyon, nakasakay ako ng taxi sa Vito Cruz nang makakita ako ng isang padyak na may malalaking dilaw na ribbon.  Naiyak ako.  Hindi pa pala nakakalimot ang mga tao.  Makalipas ang ilang araw, August 1, sa ganap na 5:48 ng umaga, ang aking kaibigan na si Ayshia ay ginising ako sa telepono ng isang masamang balita—Nilisan na tayo ng tuluyan ni Tita Cory sa oras na 3:18 ng umaga.  Nakapaligid ang kanyang pamilyang nagdadasal ng rosaryo, katatapos pa lamang ng ikalimang misteryo ng Hapis.

Ang anak ni Tita Cory na si Benigno Simeon "Noynoy" Aquino, III ang siyang nagkumpirma ng balita na wala na si Tita Cory.

Ang anak ni Tita Cory na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino, III ang siyang nagkumpirma ng balita na wala na si Tita Cory.

Ang masamang balita.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang masamang balita. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nasa Tarlac ako noon, ngunit tulad sa Maynila makulimlim at panaka-naka ang ulan, maging ang langit ay nagluluksa sa kanyang pagkawala.  Noong hapon na iyon, dinala ang mga labi ni Tita Cory sa St Benilde Gymnasium sa La Salle Greenhills.

Natakpan ang Bundok Arayat ng ulap isang ara matapos mamatay ni Tita Cory.  Kuha ni Xiao Chua.

Natakpan ang Bundok Arayat ng ulap isang araw matapos mamatay ni Tita Cory. Kuha ni Xiao Chua.

Si Cory, kasama si Jun Lozada at Sister Mary John Mananzan sa Baclaran sa panahon ng mga protesta laban lay Pangulong Gloria Arroyo.

Si Cory, kasama si Jun Lozada at Sister Mary John Mananzan sa Baclaran sa panahon ng mga protesta laban lay Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay Sister Mary John Mananzan, sa mga huling text sa kanya ni Tita Cory tila ipinapahiwatig niya na sa kanyang pakiramdam, hindi na siya naaalala ng mga tao.  Matapos na matagumpay na tumulong sa pagpapatawag ng dalawang EDSA, sa mga huling taon ng kanyang buhay, marami sa kanyang mga kababayan ang tila hindi na siya pinakikinggan.  Tila bingi at bulag na sila sa korupsyon, wala na silang pakialam.

Si Cory habang pinangungunahan ang mga protesta na nagbunsod ng Himagsikang People Power sa EDSA.

Si Cory habang pinangungunahan ang mga protesta na nagbunsod ng Himagsikang People Power sa EDSA.

Si Tita Cory na nagrorosaryo sa gitna ng napakaraming sundalo, Marines Stand-off, February 26, 2006.

Si Tita Cory na nagrorosaryo sa gitna ng napakaraming sundalo, Marines Stand-off, February 26, 2006.

Si Tita Cory habang pinagmamalaki ang aklat ng kanyang apong si Jiggy Cruz ukol kay Ninoy Aquino sa isa sa kanyang mga huling public appearance sa DLSU Manila, 2009.

Si Tita Cory habang pinagmamalaki ang aklat ng kanyang apong si Jiggy Cruz ukol kay Ninoy Aquino sa isa sa kanyang mga huling public appearance sa DLSU Manila, 2009.

Ang kanyang paghihirap sa sakit na kanser ay inalay niya sa Panginoon para sa kanyang bayan.  Kung nakita lamang niya ang dami nang tao na naghihintay para pumila at makita siya sa huling pagkakataon, malalaman niyang hindi nasayang ang kanyang paghihirap.  Nang dumating ang kabaong , sumaludo ng ilang saglit ang mga sundalo, biglang umulan.  Nang matapos ang pagsaludo, tumigil din ito.

Ang mga naghihintay sa pagdting ng labi ng dating pangulo upang masilayan siya.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga naghihintay sa pagdting ng labi ng dating pangulo upang masilayan siya. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nang sumaludo ang mga sundalo, bigla na lamang umulan.  Sa pagbaba ng kanilang kamay, tumigil ang ulan.  Mula sa Philippine Graphic.

Nang sumaludo ang mga sundalo, bigla na lamang umulan. Sa pagbaba ng kanilang kamay, tumigil ang ulan. Mula sa Philippine Graphic.

Isang aleng lubos na nalumbay sa pagkamatay ng pangulo.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Isang aleng lubos na nalumbay sa pagkamatay ng pangulo. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sina Borther Armin Luistro at Brother Bernie Oca ng Christian Brothers ng De La Salle na nagpahiram ng kanilang gymnasium para kay Tita Cory.  Mula sa Paalam Cory.

Sina Borther Armin Luistro at Brother Bernie Oca ng Christian Brothers ng De La Salle na nagpahiram ng kanilang gymnasium para kay Tita Cory. Mula sa Paalam Cory.

Matapos tatlong araw, nang ilipat ang kanyang mga labi mula sa LSGH patungong Katedral ng Maynila, tila naulit ang kasaysayan.  Dumagsa ang mga tao.  Muling nanariwa sa kanilang alaala ang tagumpay ng EDSA, sa mismong kalsada kung saan ito naganap, Ortigas cor. EDSA.  Gayundin, tila bumalik ang mga confetti revolts laban sa diktadura sa kahabaan ng Ayala Avenue nang dumaan siya doon at tila nagkasama sila muli ng asawang si Ninoy nang ipagtagpo ang kanyang mga labi at ang monumento ng asawa.

Naulit ang kasaysayan.

Naulit ang kasaysayan.

Hindi man naabutan ang EDSA, ang mga kabataan ay nakiramay/nakiusyoso din.  Mula sa Doon Po Sa Amin.

Hindi man naabutan ang EDSA, ang mga kabataan ay nakiramay/nakiusyoso din. Mula sa Doon Po Sa Amin.

Ang pagdaan ng mga labi ni Tita Cory sa harapan ng POEA sa Ortogas cor EDSA kung saan siya nagpakita noong Himagsikang People Power sa EDSA noong 1986.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang pagdaan ng mga labi ni Tita Cory sa harapan ng POEA sa Ortogas cor EDSA kung saan siya nagpakita noong Himagsikang People Power sa EDSA noong 1986. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nang magkasama ang monumento ni Ninoy at ng kabaong ng kanyang kabiyak.  Pareho na silang iniluklok ng bayan na mga bayani.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Nang magkasama ang monumento ni Ninoy at ng kabaong ng kanyang kabiyak. Pareho na silang iniluklok ng bayan na mga bayani. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sa Katedral, kahit na kung minsan ay siyam na oras na pumila ang mga tao, dinagsa pa rin ang burol.  Si Tita Cory, bagama’t hindi perpekto at mayroon ding mga kontradiksyon sa kanyang kasaysayan, tulad din naman natin, ay niyakap natin dahil sumimbolo siya sa adhikain nating malinis na pamumuno.  Hindi lang tayo nagpugay sa kanya.  Nagbigay tayo ng mensahe sa mga nakaupo sa ating pamahalaan noon na pagod na tayo sa pamunuang walang malasakit sa bayan.

Ang haba ng pila mula sa Pamatasan ng Lungsod ng Maynila hanggang sa Katedral ng Maynila, ang dome nito ay makikita pa rin sa larawan, maliit na nga lang.  Mula sa Wikipedia.

Ang haba ng pila mula sa Pamatasan ng Lungsod ng Maynila hanggang sa Katedral ng Maynila, ang dome nito ay makikita pa rin sa larawan, maliit na nga lang. Mula sa Wikipedia.

Ang pagpila ng mga tao sa mga kalye ng lumang lungsod ng Maynila--Intramuros para kay Cory.

Ang pagpila ng mga tao sa mga kalye ng lumang lungsod ng Maynila–Intramuros para kay Cory.

Sina McRhonald Banderlipe at Tina Langit habang nagbibigay ng pagkain sa mga matagal na pumila upang makita si Tita Cory.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Sina McRhonald Banderlipe at Tina Langit habang nagbibigay ng pagkain sa mga matagal na pumila upang makita si Tita Cory. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Noynoy Aquino habang inasasalamatan ang mga pumipila.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Noynoy Aquino habang inasasalamatan ang mga pumipila. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Kung nakita lang ito ni Tita Cory, lalo niyang mapapatunayan ang lagi niyang sinasabi, “Nagpapasalamat ako sa inyong lahat, lalo na sa Panginoong Diyos, at ikinararangal ko na ginawa niya akong Pilipino na katulad niyo.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(People’s Television Network, 25 July 2013)

Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino (January 25, 1933 – August 1, 2009)

Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino (January 25, 1933 – August 1, 2009)

XIAOTIME, 6 December 2012: MGA KUDETA SA ILALIM NG PANGULONG CORY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 6 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang madugo at malungkot na eksena sa isang rooftop sa Makati noong kudeta ng Disyembre 1989.  Mula sa aklat ng PCIJ na Kudeta:  A Challenge to Philippine Democracy."

Isang madugo at malungkot na eksena sa isang rooftop sa Makati noong kudeta ng Disyembre 1989. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

6 December 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=k3rJ78s3E14

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  23 years ago today, December 6, 1989, nang ideklara ni Pangulong Cory Aquino ang Proclamation 503 na naglalagay sa buong Pilipinas sa State of National Emergency.

Dating Pangulong Cory Aquino:  "Ang Babaeng Sintibay ng Bakal"

Dating Pangulong Cory Aquino: “Ang Babaeng Sintibay ng Bakal”

Binibigyan siya nito ng mas malawak na kapangyarihan upang pigilan ang ikapitong tangkang kudeta laban sa kanyang pamahalaan ng mga sundalo, na nagsimula noong November 29.

Ang anak ng Pangulo na si Noynoy Aquino habang pinoprotektahan ang kanyang ina noong kudeta ng Disyembre 1989.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Ang anak ng Pangulo na si Noynoy Aquino habang pinoprotektahan ang kanyang ina noong kudeta ng Disyembre 1989. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Sinakop ang sentro ng negosyo sa Makati at ang Mactan Airbase at sinalakay ang siyam na instalasyong militar.  Kinasangkutan ito ng tatlong libong rebelde sa ilalim ng 44 na opisyal, 21 koronel at pitong heneral.  Nagapi ito ng December 9, 1989.  Ito ang pinakamadugong pagtatangka—99 patay, 570 ang sugatan na karamihan ay mga sibilyan!

Pagsuko ng mga rebelde sa Makati matapos ang kudeta ng Disyembre 1989.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Pagsuko ng mga rebelde sa Makati matapos ang kudeta ng Disyembre 1989. Mula sa aklat na “Philippine Almanac.”

Ang kudeta ay nagmula sa Pranses na coup d’état na ang kahulugan ay “strike against the state” o “golde de estado.”  Isa sa mga nakahadlang sa lubos na pag-usad ng pamahalaan at demokrasya matapos ang People Power ay ang mga kudeta na ito na sa akala natin ay pitong pagtatangka lamang.  Ngunit ayon kay Fidel V. Ramos na Kalihim noon ng Tanggulang Pambansa—siyam pala ang mga ito!  Ang una ay ang July 6-7, 1986, 490 sundalo at 15,000 loyalista ang nasangkot sa pagloob sa Manila Hotel upang pabalikin si Pangulong Marcos; Ikalawa naman ang November 23-24, 1986 “God Save the Queen” plot.  Walang dumanak na dugo ngunit muntik nang magkabarilan.  Binalak ni Kalihim Juan Ponce Enrile at ng Reform the Armed Forces Movement o RAM;

Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Si Gringo Honosan at ang Reform the Armed Forces Movement o RAM.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Si Gringo Honasan at ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Ikatlo ang January 27-28, 1987 na paglusob sa GMA-7, madugo; Ika-apat ang April 18-19, 1987, ang “Black Saturday” incident sa Fort Bonifacio na ikinamatay ng isang sundalo;  Ikalima ay ang June 9-13, 1987 na pagsakop ng mga loyalista ni Marcos sa Manila International Airport, naagapan ang pagdanak ng dugo; Ika-anim ay ang pinakaseryoso sa lahat ng pagtatangka, ang August 28, 1987, kung saan sinalakay ang Camp Aguinaldo, Malacañang, PTV-4 sa Bohol Ave na ngayon ay ABS-CBN, Camelot Hotel, Broadcast City, Villamor Airbase, Camp Olivas, Pampanga, RECOM 7 Headquarters, Cebu at Legaspi City Airport.  Nagbunsod ito sa pagkasunog ng GHQ ng Armed Forces sa Aguinaldo.

Pagkasunog ng General Headquarters ng Camp Aguinaldo, Agosto 1987.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Pagkasunog ng General Headquarters ng Camp Aguinaldo, Agosto 1987. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Sa kudeta na ito na-ambush at nabaril ang anak ng pangulo na si Noynoy Aquino habang ang sundalo naman na nasawi sa Bohol Ave na si Sgt. Eduardo Esguerra ay pinarangalan sa pamamagitan ng pagpapangalan ng kalyeng nabanggit sa kanya.  Matapos ang ika-pitong pagtatangka noong 1989, nagkaroon pa ng madugong pagsakop sa Cagayan ng gobernador nito noong March 4-5, 1990 kung saan isang heneral ang namatay at ang tangkang pagtatag apat na lalawigan ng Federal Republic of Mindanao noong Oktubre 1990.  Noong kudeta ng Agosto 1987, may kolumnistang nagsulat na nagtago ang Pangulong Cory sa ilalim ng kama.  Kahit na alegorikal lamang ito, sineryoso ito ng pangulo, ipinakita na wala siyang pwedeng pagtaguan sa kanyang kama at idinemanda ang kolumnista.

Paano nga naman magtatago?  Mula sa aklat na "In The Name of Democracy and Prayer" ni Cory Aquino

Paano nga naman magtatago? Mula sa aklat na “In The Name of Democracy and Prayer” ni Cory Aquino

Ano na lamang daw ang sasabihin ang AFP sa kanilang commander-in-chief?  Ayon kay PSG Chief Voltz Gazmin, hindi niya nakita si Tita Cory sa ilalim ng kama, kundi nag-aayos ng buhok habang nagkakaputukan sa paligid, kailangan niya raw maging presentable sa media.  Siya ang “pinakapanatag sa lahat.”  Ang pagtatagumpay niya sa siyam na kudetang ito ang nagpapatunay ng mga papuri ni Fidel Ramos sa pangulo, “Ang Babaeng Sintibay ng Bakal.”

Si Cory Aquino at Heneral Fidel V. Ramos.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Si Cory Aquino at Heneral Fidel V. Ramos. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Nang mamatay si Tita Cory, nagpa-sorry ang ilang sumama sa mga kudeta tulad nina Rex Robles at Ariel Querubin at sinaluduhan ang pangulo.  Ang marahas na himagsikan ay ginagawa lamang kung kinakailangan, kung masama ang namiminuno.  Kung walang mabuting hangarin, tulad ng ipinakita ni Rizal kay Simoun sa El Filibusterismo, hindi magtatagumpay ang himagsikan at makakadagdag lamang sa pagkalugmok ng ating bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Manila Cathedral steps, 25 November 2012)

XIAOTIME 22 November 2012: CAMELOT: JFK, Marcos, Aquino

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 22 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Frame 313 ng rolyo ng film ni Abraham Zapruder na nagpapakita ng eksaktong saglit ng pagkabaril sa ulo ni Pangulong John F. Kennedy, 12:30 pm ng November 22, 1963 sa Dallas, Texas.

22 November 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=70vxV9q88IA&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa ating mga kaibigan sa Aquino Center na sina Maris Corpuz, Lina Bernardino, Rodel Tubangi at ang curator nilang si Karen Lacsamana-Carrera.  Where were you when Kennedy was shot?  Ito ang laging tinatanong ng mga Amerikano sa kanilang sarili upang alalahanin ang mga nangyari 49 years ago, ngayong araw, November 22, 1963 sa oras na 12:30 pm sa Dallas, Texas, Estados Unidos.  Nasa motorcade noon si President John F. Kennedy o JFK kasama ang kanyang maybahay na si Jackie nang dalawang bala kumitil sa buhay ng pangulo, ang isa sa bandang likuran at ang huli naman ay sa ulo.

JFK: Busy in bed, but also in Berlin.

Si JFK ang pinakabatang nahalal na pangulo at dating war hero kaya sinalamin niya ang dinamismo ng kanyang panahon at ang magagawa ng bagong henerasyon ng mga Amerikano.  Well lumabas na ngayon na isa siyang babaero, ngunit ika nga, he was busy in bed, but also in Berlin.  Ang Berlin Wall ang sumalamin sa pagkakaalipin ng isang bahagi ng Europa mula sa mga diktadurang komunista.  Mahinahon niyang napigil ang maaaring naging katapusan ng mundo sa loob ng 13 days sa kanyang pakikipagnegosasyon sa mga Komunistang Sobyet noong Cuban Missile Crisis ng 1962.  Gayundin, maaga pa lamang itinaguyod na niya ang civil rights ng mga Aprikanong-Amerikano at inudyok ang pamahalaan niya na sa katapusan ng Dekada 1960 ay makapagpadala ng tao sa buwan.  Nang mamatay si JFK, kinapanayam ang glamorosang si Jackie Kennedy ni Theodore White at kanyang binanggit ang kanta mula sa isang Broadway musical, ang “Camelot,” upang ipaalala ang administrasyon ng kanyang asawa “Don’t let it be forgot, that once there was a spot, for one brief shining moment that was Camelot.”  Maging sa Pilipinas umalingawngaw ang “Camelot,” sa salaming cabinet ng lola ko, lumaki akong nakikita ang larawan ng pamilya Kennedy.

Philippine Camelot: Ang pamilya Marcos noong unang pagpapasinaya, December 30, 1965.

Tatlong taon matapos ang kamatayan ni JFK, tila nagkaroon din tayo ng Philippine Camelot, nang ang Pangulong Marcos ay mahalal kasama ng kanyang glamorosang asawa at mga batang anak, war hero pa!  Ngunit ang mga Aquino rin ay maituturing na dinastiyang minahal ng tao tulad ng mga Kennedy.  Ang trahedya ni JFK ay nangyari din sa kabayanihan at unsolved murder ni Ninoy Aquino noong 1983.  Sa Tuesday, November 27, ipagdiriwang ang 80th birthday ni Ninoy, NINOY@80!

Kennedy Presidential Library and Museum

The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City. Kung dadaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), lumabas sa Hacienda Luisita Exit.

Ang Kennedy Presidential Library and Museum ang isa sa naging inspirasyon ng Aquino Center, isang modernong museo sa San Miguel, Tarlac City na nagkukuwento ng naging karanasan ng mag-asawang Ninoy at Cory Aquino bilang mga pinuno ng bayan.  Dito makikita ang pader ng kulungan ni Ninoy kung saan tinaras niya ang mga araw ng kanyang pagkapiit, ang mga gamit ni Ninoy nang mabaril at ang mga duguang damit niya na patuloy na ipinasuot ng kanyang inang si Doña Aurora noong burol, “Let them see what they did to my son.

“I want them to see what they did to my son…” (Orihinal na poster mula sa Sinupang Xiao Chua, sa kagandahang loob ni G. Linggoy Alcuaz)

Ang mga state gifts ng mga world leaders kay Pangulong Cory na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanya ng daidig at ang iconic niyang simpleng damit nang manumpa na pangulo.

Simpleng dilaw na damit ni Tita Cory pero maganda ang burda hahaha. Ginamit niya ito noong kanyang pagpapasinaya bilang pangulo ng Pilipinas, 25 Pebrero 1986 sa Club Filipino. Makikita ang damit ngayon sa Aquino Center sa Tarlac.

Halina’t bisitahin ang Aquino Center at nang makilala ang dalawang icon na tulad ni JFK ay nag-ambag ng pagsulong ng demokrasyang pandaigdig.  Ang People Power natin ay naging inspirasyon ng pagkalaya mula sa komunismo ng Europa at ng pagbagsak ng Berlin Wall.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 14 November 2012)