XIAO TIME, 5 April 2013: INTERIM BATASANG PAMBANSA ELECTIONS AT NOISE BARRAGE

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978.  Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy.  Lahat ng larawan mula sa Ninoy:  The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978. Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy. Lahat ng larawan mula sa Ninoy: The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

5 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=BWZPnSPRwaQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ayon kay Mommy Imelda Romualdez Marcos, “Martial Law was the most democratic time in Philippine history.”  Ngek, e hindi ba diktadura yun.  Well, oo nga pero si Pangulong Ferdinand Marcos was a different kind of dictator.  Siya ay isang constitutional autocrat na ipinakita na mas lehitimo ang kanyang pamumuno dahil siya ay nagdaos ng mga halalan.  Ang unang halalan na naganap ay nangyari 35 years ago sa Linggo, April 7, 1978 para sa interim Batasang Pambansa.

03 Proclamation of Martial Law

Matapos ang pagsarado sa Senado at Kongreso simula 1972, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng halalan noong 1978 para sa interim o pansamantalang kapulungan na magsisilbing gagawa ng batas na bubuuin ng tinalagang bilang ng mga kinatawan sa bawat rehiyon sa bansa.  Sa Metro Manila, ang partido ng administrasyon, ang Kilusang Bagong Lipunan, ay pinatakbo ang Unang Ginang Mommy Imelda.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang.  Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang. Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Pinangunahan ng nakakulong noon na si Ninoy Aquino ang pagboykot ng Partido Liberal sa eleksyon lalo na at block voting raw ang magiging sistema nito.  Sabi ni Ninoy ayaw niyang makilahok sa “bulok voting” na ito.  Ngunit ikinagulat ng lahat ang pagbabago ng isip niya.  Mula sa kulungan tatakbo mismo si Ninoy sa eleksyong ito para sa Metro Manila sa ilalim ng Lakas ng Bayan o LABAN.  Dito nagsimula ang Laban sign na ginagamit ng mga Aquino hanggang ngayon.

IMG_1817 IMG_1822 IMG_1824 IMG_1825 IMG_1828

Pambihirang pagkakataon daw ito na makausap ang bayan kahit hindi manalo.  Hiniling ni Ninoy na makalabas upang mangampanya ngunit hindi pinayagan dahil si Ninoy daw ay may links kapwa sa NPA at sa CIA.  Kaya ang nag-ikot para sa kanya ay ang kanyang mga kapwa kandidato sa laban tulad nina Alex Boncayao, Neptali Gonzales, Tito Guingona, Ernie Maceda, Ramon Mitra, Nene Pimentel, Soc Rodrigo at iba pa, lalo na ang kabiyak na si Cory at ang kanilang pitong-taong gulang na si Kris, na kinakitaan na  ng star power noon pa lamang, napakagaling niyang magsalita.

IMG_1816 IMG_1832 IMG_1831 IMG_1834 IMG_1835

Hiniling na lamang ni Ninoy na makapag-presscon at makapanayam ng live sa telebisyon.  Noong March 10, mula sa Fort Bonifacio sa pamamagitan ng GTV-4, nanood ang buong bayan kay Ninoy sa pinakamagaling niyang interview ever, mabilis magsalita, matapang, magaling.  Sinasabing kakaunting tao at sasakyan ang nasa labas noong panahon na iyon, nanonood lahat kay Ninoy.

IMG_1836 IMG_1818

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Isang gabi bago ang halalan, April 6, nagkaroon ng malawakang noise barrage mula 7:00 pm hanggang madaling araw.  Sa unang pagkakataon, malawakan sa Metro Manila, Central Luzon at Timog Katagalugan ang pagbalikwas.  Nagpiyesta ang lahat ng walang takot, bumubusina at nagpupukpok ng kaldero.

IMG_1820 IMG_1821

Ngunit sa halalan kinabukasan, natalo si Ninoy ng mga hindi kilalang kandidato.  Obviously, “Lutong Makoy” daw.  Nagprotesta ang LABAN sa España noong April 8 ngunit pinaghuhuli sila kasama sina Joker Arroyo, Pimentel, Guingona, Rodrigo pati na ang matandang Lorenzo Tañada.

IMG_1838 IMG_1848 IMG_1839 IMG_1840 IMG_1841 IMG_1842 IMG_1846 IMG_1843 IMG_1850 IMG_1849 IMG_1851 IMG_1847

Dahil sa frustration, may mga aktibistang moderato na pinondohan ng mga natapon sa Amerika ang nagsagawa ng mga serye ng pagbomba sa ilalim ng pangalan “April 6 Liberation Movement.”  Ang petsa ng noise barrage.  Sa susunod na halalan para sa Batasan 1984, magwawagi rin ang oposisyon ng ilang mga puwesto.  Ayon nga kay Salud Algabre, “Walang himagsikan na nabibigo, ang lahat ay hakbang sa tamang direksyon.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 3 April 2013, pasasalamat sa Eugenia Apostol Foundation para sa bidyo mula sa Batas Militar at sa Ninoy and Cory Aquino Foundation para sa Ninoy:  The Heart and the Soul na siyang ginamit sa bidyo.)

IMG_1833