IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: halalan

XIAO TIME, 5 April 2013: INTERIM BATASANG PAMBANSA ELECTIONS AT NOISE BARRAGE

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978.  Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy.  Lahat ng larawan mula sa Ninoy:  The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978. Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy. Lahat ng larawan mula sa Ninoy: The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

5 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=BWZPnSPRwaQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ayon kay Mommy Imelda Romualdez Marcos, “Martial Law was the most democratic time in Philippine history.”  Ngek, e hindi ba diktadura yun.  Well, oo nga pero si Pangulong Ferdinand Marcos was a different kind of dictator.  Siya ay isang constitutional autocrat na ipinakita na mas lehitimo ang kanyang pamumuno dahil siya ay nagdaos ng mga halalan.  Ang unang halalan na naganap ay nangyari 35 years ago sa Linggo, April 7, 1978 para sa interim Batasang Pambansa.

03 Proclamation of Martial Law

Matapos ang pagsarado sa Senado at Kongreso simula 1972, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng halalan noong 1978 para sa interim o pansamantalang kapulungan na magsisilbing gagawa ng batas na bubuuin ng tinalagang bilang ng mga kinatawan sa bawat rehiyon sa bansa.  Sa Metro Manila, ang partido ng administrasyon, ang Kilusang Bagong Lipunan, ay pinatakbo ang Unang Ginang Mommy Imelda.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang.  Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang. Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Pinangunahan ng nakakulong noon na si Ninoy Aquino ang pagboykot ng Partido Liberal sa eleksyon lalo na at block voting raw ang magiging sistema nito.  Sabi ni Ninoy ayaw niyang makilahok sa “bulok voting” na ito.  Ngunit ikinagulat ng lahat ang pagbabago ng isip niya.  Mula sa kulungan tatakbo mismo si Ninoy sa eleksyong ito para sa Metro Manila sa ilalim ng Lakas ng Bayan o LABAN.  Dito nagsimula ang Laban sign na ginagamit ng mga Aquino hanggang ngayon.

IMG_1817 IMG_1822 IMG_1824 IMG_1825 IMG_1828

Pambihirang pagkakataon daw ito na makausap ang bayan kahit hindi manalo.  Hiniling ni Ninoy na makalabas upang mangampanya ngunit hindi pinayagan dahil si Ninoy daw ay may links kapwa sa NPA at sa CIA.  Kaya ang nag-ikot para sa kanya ay ang kanyang mga kapwa kandidato sa laban tulad nina Alex Boncayao, Neptali Gonzales, Tito Guingona, Ernie Maceda, Ramon Mitra, Nene Pimentel, Soc Rodrigo at iba pa, lalo na ang kabiyak na si Cory at ang kanilang pitong-taong gulang na si Kris, na kinakitaan na  ng star power noon pa lamang, napakagaling niyang magsalita.

IMG_1816 IMG_1832 IMG_1831 IMG_1834 IMG_1835

Hiniling na lamang ni Ninoy na makapag-presscon at makapanayam ng live sa telebisyon.  Noong March 10, mula sa Fort Bonifacio sa pamamagitan ng GTV-4, nanood ang buong bayan kay Ninoy sa pinakamagaling niyang interview ever, mabilis magsalita, matapang, magaling.  Sinasabing kakaunting tao at sasakyan ang nasa labas noong panahon na iyon, nanonood lahat kay Ninoy.

IMG_1836 IMG_1818

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Isang gabi bago ang halalan, April 6, nagkaroon ng malawakang noise barrage mula 7:00 pm hanggang madaling araw.  Sa unang pagkakataon, malawakan sa Metro Manila, Central Luzon at Timog Katagalugan ang pagbalikwas.  Nagpiyesta ang lahat ng walang takot, bumubusina at nagpupukpok ng kaldero.

IMG_1820 IMG_1821

Ngunit sa halalan kinabukasan, natalo si Ninoy ng mga hindi kilalang kandidato.  Obviously, “Lutong Makoy” daw.  Nagprotesta ang LABAN sa España noong April 8 ngunit pinaghuhuli sila kasama sina Joker Arroyo, Pimentel, Guingona, Rodrigo pati na ang matandang Lorenzo Tañada.

IMG_1838 IMG_1848 IMG_1839 IMG_1840 IMG_1841 IMG_1842 IMG_1846 IMG_1843 IMG_1850 IMG_1849 IMG_1851 IMG_1847

Dahil sa frustration, may mga aktibistang moderato na pinondohan ng mga natapon sa Amerika ang nagsagawa ng mga serye ng pagbomba sa ilalim ng pangalan “April 6 Liberation Movement.”  Ang petsa ng noise barrage.  Sa susunod na halalan para sa Batasan 1984, magwawagi rin ang oposisyon ng ilang mga puwesto.  Ayon nga kay Salud Algabre, “Walang himagsikan na nabibigo, ang lahat ay hakbang sa tamang direksyon.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 3 April 2013, pasasalamat sa Eugenia Apostol Foundation para sa bidyo mula sa Batas Militar at sa Ninoy and Cory Aquino Foundation para sa Ninoy:  The Heart and the Soul na siyang ginamit sa bidyo.)

IMG_1833

XIAOTIME, 12a February 2013: KASAYSAYAN NG HALALAN AT PANGANGAMPANYA SA PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao.  Ang kampanyang nalalamn natin ngayon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao. Ang kampanyang nalalaman natin ngayon. Mula sa Papogi ng PCIJ.

12 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=6Ga00rKJi0Q

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong araw na ito, February 12, 2013, ang opisyal na pagsisimula ng pangangampanya para sa halalang 2013.  Sabi ng isang awit ni Heber Bartolome, sa Pilipinas mayroon daw tatlong panahon—Panahon ng tag-ulan, tag-araw, at eleksyon!

Heber Bartolome

Heber Bartolome

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas:  Ang eleksyon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas: Ang eleksyon, isang malaking karnabal at zarzuela. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tunay nga naman, ang halalan ay hindi lamang pulitikal na ehersisyo kundi isang zarzuela, karnabal, pelikula at piyesta na pinagsama-sama.  Isang box-office hit na may bida at kontabida, at production numbers–sayawan!  Paano ba naging ganito ang halalan natin?

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tinatalakay ang mga ito sa isang dokumentaryo mula sa Jesuit Communications, Eleksyong Pinoy.  Ayon kay Dr. Stephen Henry Totanes, noong panahon ng mga Espanyol, ang mga indiyong pinuno o mga principalia lamang ang nakakaboto ng mga cabeza de barangay at mga pinunong bayan o gobernadorcilloSo sa isang bayan, mga tinatayang 12-13 katao lamang ang nagbobotohan sa isa’t isa.  Kaya kung makikita niyo ang listahan ng mga gobernadorcillo sa anumang bayan sa Pilipinas noon—iilang pamilya lamang ang nagpapalitan sa puwesto.  Aba, e parang ngayon lang a!

Gobernadorcillo.  Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Gobernadorcillo. Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Mga principalia.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Mga principalia. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang masasabing unang pambansang halalan ay nangyari sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Caloocan noong August 24, 1896 nang ang katas-taasang sanggunian ng Kaptipunan, kasama ng isanlibong mga kasapi nito ang naghalal sa Supremo Andres Bonifacio bilang unang pangulo ng pambansang pamahalaang mapanghimagsik by acclamation—o viva voce!  Sa palakasan ng boses.

Sa pulong ng kataas-taasang kapulungan ng Katipunan, nahalal by acclamation si Bonifacio bilang unang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo, ang unang pamahalaang pambansa sa Pilipinas.  Mula sa City Hall ng Maynila.

Sa pulong ng kataas-taasang kapulungan ng Katipunan, nahalal by acclamation si Bonifacio bilang unang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo, ang unang pamahalaang pambansa sa Pilipinas. Mula sa City Hall ng Maynila.

Inagaw sa kanya ang kapangyarihan sa pamamagitan ng Halalan sa Tejeros noong March 22, 1897.  Ayon sa ibinulong sa Supremo ni Diego Moxica, mayroon nang mga nakasulat na mga boto sa mga balota bago pa maghalalan at sobra ang balota sa dami ng tao na naroon.  Naku!  Sa isa sa unang halalan na nagtatag ng ating bansa, tsismis ng dayaan sa eleksyon???

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo.  Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor.  Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer's Club.

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo. Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor. Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer’s Club.

Tsk, meron na pala noon!  Gayundin ang mga pangyayari sa Tejeros ang nagbunsod sa isang political killing—ang pagpatay kay Supremo Andres Bonifacio noong May 10, 1897, isang petsang ginagamit o malapit sa mga eleksyon natin ngayon!!!

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Noong 1907, sa unang halalan para sa Philippine Assembly sa ilalim ng mga Amerikano ay limitado sa mga taong 23 taong gulang at pataas, lalaki, may ari-arian, nagbabayad ng buwis, may edukasyon, at marunong ng Ingles at Espanyol ang mga nakaboboto.  Kaya naman, 1-2 % lamang ng mga tao ang nakaboto noon at diyan nagsimula ang halos kalahating siglong pamamayani nina Manuel Quezon at Sergio Osmeña sa ating pulitika.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrision at Sergio Osmena.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrison at Sergio Osmena. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Noong 1936, nakakolekta ng mahigit na 300,000 na mga pirma ang mga kababaihan upang sila ang makaboto at dahil dito nakaboto sila sa lokal na halalan noong 1937.

Ang mga kababaihan nang makaboto.  Mula sa Eleksyong Pinoy.

Ang mga kababaihan nang makaboto. Mula sa Eleksyong Pinoy.

Dati sapat na ang mangampanya lamang sa mga lalawigan ang mga kinatawan mo o ng iyong partido, ngunit nang si Ramon Magsaysay ay tumakbo, gamit ang CIA na si Edward Lansdale, binago nila ang pangangampanya.  Nakisalamuha at nakipagkamay siya sa mga tao, pumunta sa mga malalayong barrio.  Nagpagawa pa ng jingle kay Raul Manglapus—ang Mambo Magsaysay, sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Kampeon ng Masa.  Mula sa Papogi ng PCIJ

Ang Kampeon ng Masa. Mula sa Papogi ng PCIJ

40 sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay.  Mula sa The Marcos Dynasty.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay. Mula sa The Marcos Dynasty.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Isang minentor ni Magsaysay, isang hindi gaanong kilalang batang gobernador na si Ninoy Aquino, nang tumakbo sa pagkasenador, ay pumangalawa pa dahil sa bilis mangampanya sa maraming lugar gamit ang isang chopper.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Talagang ang kampanya at halalan ay kailangang magimik ngunit sana hindi makalimutan ng lahat ang tunay na diwa ng halalan:  Na tayo, ang bayan, ang tunay na hari.  Ang pumipili ng mga pinuno.  At dahil dito, ang mga pulitiko ay hindi dapat maghari-harian kundi mga lingkod-bayan na dapat ipaglaban ang ating interes tungo sa landas ng katuwiran at tunay na kaginhawaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

Ang bayan ang hari.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang hari. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa. Mula sa Papogi ng PCIJ.