IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 5 April 2013: INTERIM BATASANG PAMBANSA ELECTIONS AT NOISE BARRAGE

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978.  Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy.  Lahat ng larawan mula sa Ninoy:  The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978. Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy. Lahat ng larawan mula sa Ninoy: The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

5 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=BWZPnSPRwaQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ayon kay Mommy Imelda Romualdez Marcos, “Martial Law was the most democratic time in Philippine history.”  Ngek, e hindi ba diktadura yun.  Well, oo nga pero si Pangulong Ferdinand Marcos was a different kind of dictator.  Siya ay isang constitutional autocrat na ipinakita na mas lehitimo ang kanyang pamumuno dahil siya ay nagdaos ng mga halalan.  Ang unang halalan na naganap ay nangyari 35 years ago sa Linggo, April 7, 1978 para sa interim Batasang Pambansa.

03 Proclamation of Martial Law

Matapos ang pagsarado sa Senado at Kongreso simula 1972, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng halalan noong 1978 para sa interim o pansamantalang kapulungan na magsisilbing gagawa ng batas na bubuuin ng tinalagang bilang ng mga kinatawan sa bawat rehiyon sa bansa.  Sa Metro Manila, ang partido ng administrasyon, ang Kilusang Bagong Lipunan, ay pinatakbo ang Unang Ginang Mommy Imelda.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang.  Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang. Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Pinangunahan ng nakakulong noon na si Ninoy Aquino ang pagboykot ng Partido Liberal sa eleksyon lalo na at block voting raw ang magiging sistema nito.  Sabi ni Ninoy ayaw niyang makilahok sa “bulok voting” na ito.  Ngunit ikinagulat ng lahat ang pagbabago ng isip niya.  Mula sa kulungan tatakbo mismo si Ninoy sa eleksyong ito para sa Metro Manila sa ilalim ng Lakas ng Bayan o LABAN.  Dito nagsimula ang Laban sign na ginagamit ng mga Aquino hanggang ngayon.

IMG_1817 IMG_1822 IMG_1824 IMG_1825 IMG_1828

Pambihirang pagkakataon daw ito na makausap ang bayan kahit hindi manalo.  Hiniling ni Ninoy na makalabas upang mangampanya ngunit hindi pinayagan dahil si Ninoy daw ay may links kapwa sa NPA at sa CIA.  Kaya ang nag-ikot para sa kanya ay ang kanyang mga kapwa kandidato sa laban tulad nina Alex Boncayao, Neptali Gonzales, Tito Guingona, Ernie Maceda, Ramon Mitra, Nene Pimentel, Soc Rodrigo at iba pa, lalo na ang kabiyak na si Cory at ang kanilang pitong-taong gulang na si Kris, na kinakitaan na  ng star power noon pa lamang, napakagaling niyang magsalita.

IMG_1816 IMG_1832 IMG_1831 IMG_1834 IMG_1835

Hiniling na lamang ni Ninoy na makapag-presscon at makapanayam ng live sa telebisyon.  Noong March 10, mula sa Fort Bonifacio sa pamamagitan ng GTV-4, nanood ang buong bayan kay Ninoy sa pinakamagaling niyang interview ever, mabilis magsalita, matapang, magaling.  Sinasabing kakaunting tao at sasakyan ang nasa labas noong panahon na iyon, nanonood lahat kay Ninoy.

IMG_1836 IMG_1818

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Isang gabi bago ang halalan, April 6, nagkaroon ng malawakang noise barrage mula 7:00 pm hanggang madaling araw.  Sa unang pagkakataon, malawakan sa Metro Manila, Central Luzon at Timog Katagalugan ang pagbalikwas.  Nagpiyesta ang lahat ng walang takot, bumubusina at nagpupukpok ng kaldero.

IMG_1820 IMG_1821

Ngunit sa halalan kinabukasan, natalo si Ninoy ng mga hindi kilalang kandidato.  Obviously, “Lutong Makoy” daw.  Nagprotesta ang LABAN sa España noong April 8 ngunit pinaghuhuli sila kasama sina Joker Arroyo, Pimentel, Guingona, Rodrigo pati na ang matandang Lorenzo Tañada.

IMG_1838 IMG_1848 IMG_1839 IMG_1840 IMG_1841 IMG_1842 IMG_1846 IMG_1843 IMG_1850 IMG_1849 IMG_1851 IMG_1847

Dahil sa frustration, may mga aktibistang moderato na pinondohan ng mga natapon sa Amerika ang nagsagawa ng mga serye ng pagbomba sa ilalim ng pangalan “April 6 Liberation Movement.”  Ang petsa ng noise barrage.  Sa susunod na halalan para sa Batasan 1984, magwawagi rin ang oposisyon ng ilang mga puwesto.  Ayon nga kay Salud Algabre, “Walang himagsikan na nabibigo, ang lahat ay hakbang sa tamang direksyon.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 3 April 2013, pasasalamat sa Eugenia Apostol Foundation para sa bidyo mula sa Batas Militar at sa Ninoy and Cory Aquino Foundation para sa Ninoy:  The Heart and the Soul na siyang ginamit sa bidyo.)

IMG_1833

XIAO TIME, 4 April 2013: PAPEL NI PIO VALENZUELA SA KATIPUNAN

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

4 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=ZrGe8PZX2TU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  57 years ago sa Sabado, April 6, 1956, sumakabilang-buhay si Pio Valenzuela.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Kamakailan lamang, isang maikling malayang pelikula ang isinulat ng curator ng Museo Valenzuela na si Jonathan Balsamo at dinirehe ni John Matthew Baguinon, Pio Valenzuela: Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan.

John Matthew Baguinon.  Mula sa kanyang peysbuk.

John Matthew Baguinon. Mula sa kanyang peysbuk.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Museo Valenzuela, halina't bisitahin lalo't ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

Museo Valenzuela, halina’t bisitahin lalo’t ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

05 Pio Valenzuela Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan

Nagsisimula ang pelikula sa nakakatuwang eksena ng mga batang estudyanteng taga-Valenzuela na tinanong kung kilala ba nila si Pio Valenzuela at kung ano nagawa niya.  Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot.

07 Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot

Hindi kilala ng mga kabataan, sa mga aklat din maraming kontrobersya ang mababasa ukol kay Pio.  Liwanagin natin.  Isinilang si Pio sa Polo, Bulacan, ngayo’y Lungsod ng Valenzuela, noong July 11, 1869.  Estudyante siya ng medisina sa UST at 23 years old lamang nang noong Hulyo 1892, sumapi siya sa kakatatag pa lamang na Katipunan ni Andres Bonifacio.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Hindi pa siya doktor noon, ginawa na siyang manggagamot ng Katipunan.  Naging bahagi ng camara secreta o ang tatlong pinakamataas na pinuno ng Katipunan hindi naglaon, si Bonifacio, Emilio Jacinto at si Pio.  Siya ang nagmungkahi na magkaroon ng dyaryo ang Katipunan, ang Kalayaan na nakasulat sa Wikang Tagalog.  Mula 300 kasapi, lomobo ang kasapian sa 30,000 kasapi dahil sa dyaryo.

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta:  Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta: Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva.  Kuha ni Cari Noza.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Dahil edukado at doktor, siya ang pinagkatiwalaan ng Katipunan na kumausap sa kapwa niya doktor na si José Rizal na nakatapon noon sa Dapitan.  Tumanggi si Rizal sa alok na maging pangulong pandangal ng lihim na samahan ngunit nagpayo na mag-armas muna at hingin ang tulong ng mga mayayaman bago mag-alsa.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagputok ng himagsikan noong August 1896, sumuko si Pio Valenzuela sa mga Espanyol kaya naman pinagdudahan ang kanyang pagkabayani.  Ayon naman sa kanya, naramdaman niyang sinusundan na siya ng mga guardia civil at alam niyang kung hindi siya susuko at makipagkita pa rin sa mga kasama, maaaring mahuli rin ang mga ito.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan.  Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan. Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Habang nakapreso, ginawa siyang saksi laban kay Dr. Rizal at kanyang isinalaysay sa mga Espanyol na tutol na tutol ang national hero sa rebolusyon.  Nalito ang mga historyador, ano ba talaga koya?  Was Rizal for or against the revolution???  Ayon kay Floro Quibuyen, makikita na nais talagang iligtas ni Valenzuela si Rizal sa parusang kamatayan dahil sinabi niyang hindi nagpayo kundi kinondena ni Rizal ang himagsikan.  Tatlong taong ipinatapon sa Espanya si Pio, at sa kanyang pagbalik, ikinulong ulit ng mga bagong mananakop na mga Amerikano dahil alam nilang maghihimagsik ang taong ito sa kanila.  Nang ihalal na capitan municipal ng bayang sinilangan ng kanyang mga kababayan, napilitan na pakawalan si Pio upang manungkulan.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Pulo.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Polo.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Dalawang beses din siyang naging Gobernador ng Bulacan.  Kilalang matapat, imbes na yumaman sa pwesto, nagbenta pa ng kanyang mga lupa at tumangging magpasuhol sa mga maghu-jueteng.  Naging matatag laban sa katiwalian.  Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87.

Matandang Don Pio.

Matandang Don Pio.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

33 Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87 q 34 Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani.  Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani. Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo.  Ngayong halalan, sana maghalal tayo ng mga taong katulad ni Pio Valenzuela na may pusong bayani at para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)