XIAOTIME, 20 September 2012: HINDI LANG SI NINOY (Mabuting dulot ng Batas Militar)
by xiaochua
Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 20 September 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
20 September 2012, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=tVQk2QRs5OM&feature=plcp
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! May maganda bang naidulot ang Martial Law liban sa mga imprastraktura, OPM at mga love bus? Mayroon. Dumami ang mga bayani. Akala ng iba, si Ninoy Aquino lang ang lonely hero noong Martial Law na ipinataw 40 years ago, na nagsimula lamang ang People Power nang mapaslang siya noong 1983. Unfair ito sa napakaraming nakibaka at nagbuwis ng buhay. Unfair ito mismo kay Ninoy, na noong nasa kulungan pa lamang ay sinamahan ang bayan sa paghihirap at pakikibaka nang ito ay hindi kumain ng 40 days! Dalawang buwan pagkatapos pa lamang ipataw ang Martial Law, mayroon nang nagpupukpok ng mga tray sa mga kantina ng UP Diliman bilang protesta; Noong 1976, nanalo na ang mga unyonista sa La Tondeña sa isang strike. Naglabas na ang “Philippine Collegian” editor na si Ditto Sarmiento ng edisyong “Kung Hindi Tayo Kikilos Sino ang Kikilos, Kung Hindi Ngayon Kailan Pa” nang bumisita sa UP ang pangulo. Kahit walang fb at twitter, nagdidikit na ang mga estudyante ng mga slogan at nagpapakalat ng mga mimeo ng pakikibaka kahit baka sila mahuli o mapatay. Nag-oorganisa na ang mga taga-Tondo pati ang mga taga-Kalinga. Isinusulat na nila Lino Brocka, Behn Cervates, Freddie Aguilar at APO Hiking Society ang kanilang mga likhang-sining pamprotesta, magiging aktibo ang mga abogado at mga pulitiko tulad nina Tañada, Diokno, Saguisag, at iba pa sa pagtulong sa mga biktima ng Human Rights Violations kasama ang Kardinal Arsobispo ng Maynila, mga madre, pari at mga imam. Si Chino Roces ay haharap pa rin sa tear gas at mga tubig ng bumbero sa kabila ng kahinaan at katandaan. Nang mamatay si Ninoy, doon na sumama ang mga middle class, mayayaman at iba pang sektor, pero naihanda ang ang daan. Bayani kayong milyong-milyong taong nakipaglibing kay Ninoy, nakipagprotesta, nakimeron at nakisigaw sa People Power kasama ang inyong mga anak. May maganda bang naidulot ang Martial Law? Oo, nalaman natin na puwede palang magkaisa ang mga Pilipino gamit ang iba’t iba nilang talento at kakayahan para tapusin ito noong 1986. Sana, ang mga talentadong Pinoy ay magkaisa muli para bigyang ginhawa ang bayan. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.
(Pook Amorsolo, 14 September 2012)