XIAOTIME, 21 September 2012: LILY, Paggunita sa mga Martir ng Martial Law

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 21 September 2012, at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Lily Hilao, sa kagandahang loob ni Alice Hilao-Gualberto

21 September 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=DNjSvbx1zfY&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Naaalala ba natin ang pinakaunang pulitikal na detenido na namatay sa loob ng kampo militar sa Kalakhang Maynila noong panahon ng Martial Law? Naaalala pa ba natin si Liliosa Hilao? Kung hindi, ipaaalala natin. 40 taon na ang nakararaan ngayong araw nang ipataw niya ang Batas Militar. Tila naging datu tulad noong panahon ng sinaunang bayan si Apo Marcos. Ang datu ay tabapagbigay ng ginhawa, na mayroon ding magandang asawa na masasabing isang magandang binukot na kanyang dangal at gahum o kapangyarihan, at isang ring babaylan, espiritwal na pinuno, manggagamot at tagasalaysay ng epiko ng bayan. Ngunit kung tagapagbigay sila ng ginhawa, ipinakita nila na kung nais nila, maaari rin nilang pigilin ang ginhawa. Upang payapain ang bayan mula sa isang panganib ng rebelyong NPA na hindi lalampas sa 500 lamang ang bilang, binigyan ng wagas na karapatan ang militar at pulisya. Dumami ang bilang ng sundalo mula 55,000 noong 1972 hanggang 250,000 noong 1984, at lumobo ang budget nito mula 608 milyong piso noong 1972 hanggang 8.8 bilyong dolyar noong 1984. Dahil sa kapangyarihang ito, inaresto nila ang lider-estudyante at makata na si Lily habang isinisigaw sa kanyang tagahuli, “Democracy is dead in the Philippines!”  Sekswal siyang inabuso at natagpuang patay sa CR ng lalaki. Naglason daw ito sa sarili sa pag-inom ng muriatic acid ito ngunit nang kunin ng pamilya ang bangkay, ang katawan nito ay sobrang minaltrato, hindi maaaring ilarawan sa telebisyon. 23 years old lamang siya. Hindi lamang si Lily ang baging biktima, ayon sa Amnesty International, 70,000 ang kinulong, 34,000 ang natortyur, 3,240 ang pinaslang at 700 pa ang nawawala. Marami sa kanila ay mga kabataan, ideyalistiko, mga cum laude. Hindi man mismo ang Pangulong Marcos ang nagpapatay sa kanila isa-isa, hindi pinarusahan ang mga taong gumawa ng mga ito. Bakit hindi na natin maalala ito? Walang malayang media na magkukuwento. Wala pang fb at twitter. Halos maubos ang mga dreamers at idealists na dapat sanang naging mga mayor at congressmen natin ngayon. Nagtaka pa tayo kung bakit tayo nagkakaganito ngayon. Wala na si Lily, wala na rin sina Tonyhil, Laurie, Edjop, Eman, Bobby at Ninoy. Kapag hindi tayo nagbantay at maulit ito, baka anak mo na ang susunod. NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 14 September 2012)

 

Justice for Aquino, Justice for All, mula sa Koleksyon Dante Ambrosio.

 

Pagiging bahagi nina Jonathan Balsamo at Xiao Chua sa pag-aalay ng Pangulo ng Pilipinas at ng Armed Forces of the Philippines sa mga bayani at martir ng Martial Law sa Bantayog ng mga Bayani, sa ika-40 anibersaryo ng pagpataw ng Batas Militar sa Pilipinas, 21 Setyembre 2012.  Sa kagandahang loob ni Jonathan Balsamo.