XIAOTIME, 14 November 2012: KABATAAN ANG GAGAWA NG KASAYSAYAN
by xiaochua
Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
14 November 2012, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=_im1rsC0SPQ&feature=plcp
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Alay ang episode na ito sa aking kaibigan at housemate na si Joshua Duldulao. Sa December 17, 2012, inanyayahan niya akong maging tagapagsalita para sa paksang “Learning from Our Heroes” na isa sa magbubukas sa National Youth Development Summit o N-Y-D-S ng Kaakbay Youth Development Initiatives na gaganapin sa Silliman University sa Dumaguete City na may temang “Reclaiming the past, imagineering the future.” Magiging kasama kong tagapagsalita sina Tony Meloto, Liling Briones, Etta Rosales, Erin Tañada, Anna Oposa, Bam Aquino, Juana Change, Sherwin Gatchalian at marami pang iba at tatalakayin dito ang apat na pangunahing mga isyu: Accountability in Public Finance, Environmental Accountability, Idealism, at Nationalism. Sinasabing ito ang “most holistic youth development conference in the Philippines yet.” Ito po ay endorsado na ng DILG para sa mga SK leaders, ng DepEd at ng CHED. Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang http://www.nydsph.org. Magkita-kita po tayo doon. Pero nasaan na nga ba tayong kabataan na sinasabi ni Rizal na pag-asa ng bayan. Wala daw tayong pakialam, wala daw tayong inatupag kundi ang pagkahumaling sa kulturang kanluranin at sa kanilang mga video games.
Sa kanyang El Filibusterismo tila kinakausap pa rin tayo ng ating National Hero, “A, kayong kayo bago pa man dumating ang inyong kamatayan!” Bahagi ng aking talk ang pagpapakita mga kabataan! Nanaginip pa rin kayo! …Gusto n’yong maging mga Kastila din kayo, pero hindi n’yo nakikitang ang pinapatay n’yo ay ang inyong pagkabansa! Ano ang inyong magiging kinabukasan? Isang bansang walang pagkatao at kalayaan? Lahat sa inyo ay hiniram, pati na ang inyong mga depekto. Mamamatay ng mga patunay na hindi hadlang ang pagiging kabataan upang paglingkuran ang bayan. Huh??? Paano maglilingkod, e bata pa, wala pang kapangyarihan, wala pang kayamanan? Paano??? Liwanagin natin. 137 years ago ngayong araw, November 14, 1875, isinilang si Gregorio del Pilar sa San José, Bulacan. Nang ipagtanggol niya ang Republika ng Pilipinas mula sa mga Amerikano sa Tirad Pass, Ilocos Sur noong December 2, 1899, ang kanyang edad: 24 years old.
Nang ipalimbag ni Rizal ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere na naglantad ng mga pang-aabuso ng kolonyal na sistema, ang kanyang edad: 26 years old. Nang isulat ni Emilio Jacinto ang Kartilya ng Katipunan na naging batas at doktrina ng mga Anak ng Bayan, ang kanyang edad: 18 years old.
Nang binusalan ang malayang media sa panahon ng diktadura, ang Philippine Collegian na pinamatnugutan ni Abraham “Ditto” Sarmiento, Jr. ang naglabas ng katotohanan.
35 years ago rin ngayong araw na ito, November 14, 1977, namatay si Ditto sa edad na 27 years old sa sakit sa puso, epekto ng kanyang pagkakakulong ng ilang buwan sa mga kampo militar noong 1976.
Inuudyukan tayong mga kabataan ng ating mga bayani na gamitin ang ating talento at hilig upang ma-inspire din ang iba pa na paglingkuran ang sambayanan, tulad ng iniwang mga bilin sa atin ni Ditto, “Kung hindi tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kalian pa?” Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.
(Andrew Hall, DLSU Manila, 8 November 2012)