IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: philippine revolution

XIAOTIME 21 November 2012: TARLAC, KABISERA NG UNANG REPUBLIKA

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 21 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Altar-Mayor ng Katedral ng Tarlac na may estatwa ni Apung Basti (San Sebastian),1930s. Ito ang sayt ng pagpapatuloy ng Kongreso ng Unang Republika ng Pilipinas, 1899.

21 November 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=wK9lWmQHAys&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Pinababatid ng Pamahalaang Panlungsod ng Tarlac at nina Cloydy Manlutac at Dong Bautista:  Magsaya, kumita at bumili para sa tuloy-tuloy na sigla!  May tiangge sa plazuela ng Tarlac City hanggang December 8!  Lingid sa kaalaman ng marami, ang aking bayang sinilangan, ang Tarlac, Tarlac ay hindi lamang bahagi ng walong sinag ng araw sa ating bandila ng mga unang umaban sa mga Espanyol, naging kabisera din ito ng Republika ng Pilipinas mula June 21, 1899.  113 years ago noong isang linggo, November 12, 1899, bumagsak ang kabiserang ito nang sakupin ng mga Amerikano ang bayan.  Bagama’t hindi gaanong nababanggit, ang pananatili ng Unang Konstitusyunal na Republika sa Asya sa Tarlac ay hindi lamang dapat maging isang “footnote” sa ating kasaysayan, sapagkat dito, maraming nangyaring mahalaga.  Matapos masakop ng mga Amerikano ang kabisera ng Republika sa Malolos, muling nagpulong ang Kongreso sa Katedral ng San Sebastian sa Tarlac noong July 14, 1899.

Katedral ng San Sebastian sa Tarlac, Tarlac (ngayo’y lungsod) sa panahon ng Unang Republika, 1899.

Sa kabila ng tuloy-tuloy na pakikipagbakbakan ng sa mga Amerikano, patuloy na gumawa ng batas ang Kongreso na ayon sa constitutional historian na si Sulpicio Guevarra, “[they] marvelously succeeded in producing order out of chaos.”  Ilan sa isinabatas nila ang mga butaw para sa pagkakasal, ang pagbabawal sa mga barkong nagpapalipad ng bandilang Amerikano, ang pagpapatala ng mga dayuhan, ang pagtatatag ng Korte Suprema at mga hukuman, ang promulgasyon ng General Orders ng Hukbong Katihan o Army.  Sa Tarlac rin itinatag ang Bureau of Paper Money kung saan sa palimbagan ni Zacarias Fajardo inilimbag ang mga mamiso, dos, cinco at beinte pesos.  Sa Gerona, Tarlac naman ginawa ang mga barya sa  Smith, Bell, & Co.

Ang mga perang papel at barya na inilibas ng Unang republika sa Tarlac.

Noong June 30, 1899 binigyan ng amnestiya ang mga huling sundalong Espanyol na sumuko sa Katipunan sa Baler, Aurora at tinawag na mga “amigos” na nagpapatunay hindi lamang ng tapang ng mga Espanyol kundi ng kabutihan ng mga Pilipino.  Nagpapatunay din ito na ang tunay na nagtagumpay sa himagsikan laban sa mga Espanyol ay tayong mga Pilipino.  Ang araw na ito ay ipinagdiriwang ngayon bilang Philippine-Spanish Friendship Day.

Los Ultimos Filipinos, ang mga huling sundalong Espanyol na sumuko sa Katipunan sa Baler, Aurora na nabigyan ng amnestiya mula sa Unang republika sa Tarlac.

Ang Simbahan ng Baler kung saan nagkuta ang Los Ultimos Filipinos, 1899. Sa mga Espanyol, liban sa Maynila, ang Baler ang naaalala nilang lugar kapag naritinig ang pangalang Pilipinas.

Gayundin, ang unang unibersidad na Pilipino, ang Universidad Cientifico-Literaria de Filipinas at ang hayskul na Instituto Burgos mula sa Malolos ayt nagpatuloy sa Kumbento ng Tarlac.  Sa tanging graduation nito noong September 29, 1899, pinirmahan mismo ni Pangulong Aguinaldo ang mga diploma.

Casa Real ng Tarlac, opisina ng panguluhan ni Emilio Aguinaldo, nasa sayt ngayon ng Tarlac State University.

Sa Casa Real ng Tarlac na ngayon ay sayt ng Tarlac State University, nag-opisina si Aguinaldo habang sinusulat ang pinakaunang limbag na tala ukol sa Himagsikan, the True Version of the Philippine Revolution kung saan niya tinuligsa ang mga atrocities o brutalidad ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

Ang unang limbag na kwento ng Himagsikan sa perspektibang Pilipino ay isinulat ni Emilio Aguinaldo at isinulat sa Ingles at Espanyol. Maraming mga historyador ang naghinuha na ghost written lamang ito hanggang mahanap ang orihinal sa Tagalog sa sulat kamay ni Aguinaldo.

Ngunit noong November 12, 1899, sa kabila ng pagtatanggol ni Heneral Francisco Makabulos at Heneral Servillano Aquino at ng 400 nilang tauhan, nakuha ni Hen. Arthur MacArthur at ng 3,000 niyang tao ang Tarlac, nagmartsa silang papasok sa bayan, basang-basa sa ulan.

Heneral Francisco Makabulos y Soliman

Heneral Servillano Aquino

Ayon kay Nick Joaquin, sa pagsakop sa Tarlac, “The Republic Had Fallen.”  Tuluyang nahuli si Aguinaldo sa Palanan noong 1901.  Sa pamamagitan ng mga kasaysayang lokal tulad ng mababasa sa bagong aklat na

Kasaysayang Pampook:  Pananaw, Pananaliksik, Pagtuturo ng UP Lipunang Pangkasaysayan, mapapagtanto natin na bawat kwento ng bayan ay mahalaga sa pagbubuo ng isang mas matibay at mapagkaisang pambansang kasaysayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 14 November 2012)

XIAOTIME, 14 November 2012: KABATAAN ANG GAGAWA NG KASAYSAYAN

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

14 November 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=_im1rsC0SPQ&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa aking kaibigan at housemate na si Joshua Duldulao.  Sa December 17, 2012, inanyayahan niya akong maging tagapagsalita para sa paksang “Learning from Our Heroes” na isa sa magbubukas sa National Youth Development Summit o N-Y-D-S ng Kaakbay Youth Development Initiatives na gaganapin sa Silliman University sa Dumaguete City na may temang “Reclaiming the past, imagineering the future.”  Magiging kasama kong tagapagsalita sina Tony Meloto, Liling Briones, Etta Rosales, Erin Tañada, Anna Oposa, Bam Aquino, Juana Change, Sherwin Gatchalian at marami pang iba at tatalakayin dito ang apat na pangunahing mga isyu:  Accountability in Public Finance, Environmental Accountability, Idealism, at Nationalism.  Sinasabing ito ang “most holistic youth development conference in the Philippines yet.”  Ito po ay endorsado na ng DILG para sa mga SK leaders, ng DepEd at ng CHED.  Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang http://www.nydsph.org.  Magkita-kita po tayo doon.  Pero nasaan na nga ba tayong kabataan na sinasabi ni Rizal na pag-asa ng bayan.  Wala daw tayong pakialam, wala daw tayong inatupag kundi ang pagkahumaling sa kulturang kanluranin at sa kanilang mga video games.

Si Rizal, obra maestra ni RC Mananquil

Sa kanyang El Filibusterismo tila kinakausap pa rin tayo ng ating National Hero, “A, kayong kayo bago pa man dumating ang inyong kamatayan!”  Bahagi ng aking talk ang pagpapakita mga kabataan! Nanaginip pa rin kayo! …Gusto n’yong maging mga Kastila din kayo, pero hindi n’yo nakikitang ang pinapatay n’yo ay ang inyong pagkabansa! Ano ang inyong magiging kinabukasan? Isang bansang walang pagkatao at kalayaan? Lahat sa inyo ay hiniram, pati na ang inyong mga depekto. Mamamatay ng mga patunay na hindi hadlang ang pagiging kabataan upang paglingkuran ang bayan.  Huh???  Paano maglilingkod, e bata pa, wala pang kapangyarihan, wala pang kayamanan?  Paano???  Liwanagin natin.  137 years ago ngayong araw, November 14, 1875, isinilang si Gregorio del Pilar sa San José, Bulacan.  Nang ipagtanggol niya ang Republika ng Pilipinas mula sa mga Amerikano sa Tirad Pass, Ilocos Sur noong December 2, 1899, ang kanyang edad:  24 years old.

Gregorio del Pilar

Nang ipalimbag ni Rizal ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere na naglantad ng mga pang-aabuso ng kolonyal na sistema, ang kanyang edad:  26 years old.  Nang isulat ni Emilio Jacinto ang Kartilya ng Katipunan na naging batas at doktrina ng mga Anak ng Bayan, ang kanyang edad: 18 years old.

Emilio Jacinto

Nang binusalan ang malayang media sa panahon ng diktadura, ang Philippine Collegian na pinamatnugutan ni Abraham “Ditto” Sarmiento, Jr. ang naglabas ng katotohanan.

35 years ago rin ngayong araw na ito, November 14, 1977, namatay si Ditto sa edad na 27 years old sa sakit sa puso, epekto ng kanyang pagkakakulong ng ilang buwan sa mga kampo militar noong 1976.

Inuudyukan tayong mga kabataan ng ating mga bayani na gamitin ang ating talento at hilig upang ma-inspire din ang iba pa na paglingkuran ang sambayanan, tulad ng iniwang mga bilin sa atin ni Ditto, “Kung hindi tayo kikibo, sino ang kikibo?  Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?  Kung hindi ngayon, kalian pa?”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Manila, 8 November 2012)

ATOY NAVARRO AND RAYMUND ABEJO: Balara at Krus Na Ligas sa Panahon ng Himagsikan

XIAOTIME, 12 October 2012: NAY ISA, Teresa Magbanua: Katangi-tanging Pinunong Babae noong Rebolusyon

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 12 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Teresa “Nay Isa” Magbanua

12 October 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=N6pQAY_FAq4&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa Lunes, October 15 po, birthday po ng kapatid kong si Michelle Charlene Chua, na mas kilala sa tawag na Chao Chua, isa sa bokalista ng Kapampangan band na Mernuts.  Dahil mas astig siya sa akin, sa tuwing may umaaway sa akin noong prep ako, siya pa na mas nakababata ang nagtatanggol sa akin.  Nabanggit ko ito sapagkat naaalala ko sa kanya ang bayaning kikilalanin natin ngayong araw na ito.  Bukas po ang ika-144 taon ng kapanganakan ni Teresa Magbanua noong October 13, 1868.  Siya ang astig na tanging pinunong babae sa ating rebolusyon laban sa mga Espanyol at mga Amerikano na nakilala sa tawag na “Nay Isa.”  Isinilang siya sa Pototan, Iloilo. Napansin na noong bata pa lamang siya na mas nakikipaglaro siya sa mga kapatid at kapitbahay na lalaki, ipinagtatanggol niya ang mga kapatid niyang lalaki sa mga umaaway sa kanila, mahilig sa paglangoy, umaakyat sa mga puno at mahilig sumakay sa mga kalabaw at kabayo.  Girl Power ang lolah!  Para masaway ang gawi niyang ito na kakaiba noong panahon niya, pinag-aral siya ng pitong taon sa Colegio de San Jose sa Jaro, Iloilo at di pa nasiyahan doon, ipinasok pa siya sa Colegio de Sta. Rosa at Colegio de Sta. Catalina sa Maynila.  Nagtapos sa kursong edukasyon sa Colegio de Sta. Cecilia noong 1894.  Naging guro pagbalik ng Iloilo at nakilala bilang istrikta.  Matapos ang apat na taon, napangasawa niya si Alejandro Balderas at ang lola ay tumigil sa pagtuturo upang maging maybahay at babaeng bukid, kung saan mas nagawa pa niya ang hilig sa pamamaril at pangangabayo.  Kahit ayaw ng asawa, sinamahan niya ang mga kapatid na lalaki sa rebolusyon.  Sa kanyang husay at pagpupumilit sa kabila ng agam-agam ni Hen. Perfecto Poblador, nagpa-appoint na kumander ng Hilagang Iloilo.  At sa unang laban pa lamang nagpakitang gilas na si Nay Isa sa mga labanan sa Pilar, Capiz at Sapong Hills at nanalo laban sa mga Espanyol.  Nang dumating ang mga Amerikano, patuloy siyang namuno ng grupong gerilya at mas matagal na lumaban kaysa ibang heneral.  Nang dumating ang mga Hapones, binenta niya ang lahat ng ari-arian sa Iloilo at pinantulong sa pakikidigmang gerilya.  Namatay siya noong Agosto 1947 sa edad na 78.  Para sa kanyang mga nagawa para sa bayan, binansagan siyang “Joan of Arc of the Visayas.”  Palagay ko colonial mentality ito.  Teh, para siguro mas Pilipino ang pananaw natin, tawagin nalang natin si Joan of Arc na “Teresa Magbanua of France!”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 4 October 2012)

Teresa Magbanua, pinuno ng rebolusyon sa Iloilo, detalye ng isang bas relief.

Girl power ang lolah!

XIAOTIME, 14 September 2012: KONGRESO NG MALOLOS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 14 September 2012, at 2:15 pm at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Larawan ng aktwal na pagbubukas ng Kongreso ng Malolos, 15 Setyembre 1898 sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan.

14 September 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=Ve5G2SOdxas

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bukas, ating gugunitain ang ika-114 na anibersaryo ng pagsisimula ng Kongreso ng Malolos noong 1898.  Sa maraming aklat, makikita na bidang-bida ang Amerika dahil sila ang nagpalaya sa Pilipinas mula sa Espanyol, habang sa Amerikano, ang tawag nila sa Digmaang Pilipino-Amerikano ay insureksyon lamang dahil wala pa naman daw tayong estado noon.  Liwanagin natin.  Noong May 1, 1898, natalo ni anim na barko ni Commodore George Dewey ang 20 barkong Espanyol sa Battle of Manila Bay, ngunit wala siyang ground troops.  Ang mga Anak ng Bayan ang muling lumaban at pinalaya ang bawat bayan sa mga Espanyol.  NANALO TAYO SA HIMAGSIKAN.  Ipinroklama ni Hen. Emilio Aguinaldo ang Independensya sa pag-asang kikilalanin ng mga Amerikano ang kanilang pangakong pangangalagaan ang kalayaang ito.  Ngunit, nakipag-usap na pala ang mga Espanyol sa mga Amerikano na magkaroon ng pekeng labanan upang maisuko na nila ang Maynila sa mga Amerikano.  Matapos ang pekeng labanan na ito noong August 13, 1898, pumapasok na ang mga pwersang Pilipinas sa Intramuros upang bawiin ang pangako ng Amerika.  Sila ay pinigil.  Napagtanto ni Hen. Aguinaldo na mukhang nalinlang siya, kaya dali-dali niyang inipon ang kongreso sa Malolos at nabukas nga ito, September 15, 1898 sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan.  Nang matapos ng Kongreso ang Saligang Batas, nagkaroon tayo ng Republica Filipina noong January 23, 1899, ang unang konstitusyunal na demokratikong republika sa Asya.  Elitista man na itinuturing ng iba ang Kongreso, hindi maikakaila na dahil sa Kongreso napatunayan natin sa daigdig na mayroon tayong kakayahang magtatag ng isang malayang estado, at kaya nating magpatakbo ng pamahalaang may batasan, may mga kagawaran, may mga paaralan, hukbo at diplomatikong mga misyon, sa kabila ng isang digmaan.  Ako po si Xiao Chua, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 10 September 2012)

Si Xiao sa loob ng kasalukuyang Simbahan ng Barasoain, lunduyan ng Kongreso ng Malolos at ng Unang Republika ng Pilipinas, 2010.

XIAOTIME, 13 September 2012: SAKAY, BAYANI O BANDIDO?

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 13 September 2012, at 2:15 pm at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Image

13 September 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=BcU1vw5oi7g

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  105 taon na ang nakalilipas, binitay ng mga Amerikano sa lumang Bilibid sa Maynila si Macario de Leon Sakay.  Sa maraming teksbuk ng ating kolonyal na edukasyon, nakasulat na siya ay isang bandido at tulisan.  At dahil sa haba ng buhok niya, ang tingin sa kanya ng iba ay mukhang adik.  Ngunit kung babalikan ang kasaysayan sa Pilipinong pananaw, si Sakay ay hindi isang bandido kundi isang tunay na bayani ng bayan.  Laking Tondo, nagtrabaho siya bilang panday, sastre, barbero.  Isa rin siyang aktor sa teatro at kabigang matalik ni Andres Bonifacio.  Bilang isa sa unang kasapi ng Katipunan, pinangunahan niya ang mga tagumpay ng himagsikan sa San Mateo at nagkuta sa Marikina at Montalban.  Sa kabila ng pagpaslang sa kanyang kaibigang si Bonifacio ng mga bagong pinuno ng Himagsikan, ipinagpatuloy niya ang laban sa mga Espanyol at sa mga Amerikano.  Hindi raw siya magpapagupit ng buhok hangga’t hindi lumalaya ang bayan.  Noong 1902, ipinroklama niya ang Republika ng Katagalugan at siya ang naging pangulo nito.  Dumami ang kanyang tagasunod.  Ngunit nilinlang siya ng mga Amerikano sa pamamagitan ng isang ilustrado upang bumaba dahil bibigyan daw sila ng amnestiya at ang kahilingan nilang kapulungan ng mga Pilipino ay itatatag na.  Pataksil na inaresto at sa kabila ng demonstrasyon ng napakaraming tao ng pagmamahal sa kanya sa harapan mismo ng Malakanyang, hinatulan si Sakay at mga kasama ng kamatayan sa salang bandolerismo, pagpatay, panggagahasa, at pandurukot.  Sa harap ng kamatayan, nag-iwan siya sa atin ng ilang huling salita:  “Sa malao’t madali, ang lahat ng tao ay mamamatay subalit haharap ako ng mahinahon sa Panginoon.  Ngunit gusto kong sabihin sa inyong lahat hindi kami mga magnanakaw.  Hindi kami mga tulisan na tulad ng ipinaparatang ng mga Amerikano.  Kami ay tunay na katipunan na nagtatanggol sa ating Inang Bayan.  Paalam at nawa’y muling isilang sa ating hinaharap ang Kalayaan.”  Pangulong Macario Sakay, isa kang bayani!  Ako po si Xiao Chua, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 10 September 2012)

Ang grupong Bandoleros ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman na binuo para sa Sentenaryo ng Kabayanihan ni Macario Sakay noong 2007 ay patuloy na isinasabuhay ang kwento ng dakilang bayani (Sa kagandahang loob ni Rex Flores)

SHOUTING IN BRONZE: The Lasting Relevance of Andres Bonifacio and His Monument in Caloocan

To commemorate the 116th anniversary of the charge of Andres Bonifacio and the Katipunan in the province of Manila and the Battle of Pinaglabanan (San Juan del monte) on the night of 28-29 August 1896, I am posting this old article I made in 2007 on the significance of Andres Bonifacio’s Caloocan monument first published in http://www.artesdelasfilipinas.com/archives/52/shouting-in-bronze-the-lasting-relevance-of-andres-bonifacio-and-his-monument-in-caloocan:

Bonifacio Monument by night, taken on 25 February 2007 by Ramir Borja.

SHOUTING IN BRONZE

The Lasting Relevance of Andres Bonifacio and His Monument in Caloocan

Michael Charleston “Xiao” B. Chua

“If you want to be a hero, well, just follow me…”

-John Lennon, Working Class Hero

Amidst the concrete jungle in the middle of the city of Caloocan, amongst the smog of pollution, stands the dignified figure of Andres Bonifacio—national hero, Founder of the Katipunan, Father of the Filipino Nation, the great plebeian who spearheaded the Filipino revolution against the Spaniards.  The BonifacioMonument is mute, but Bonifacio’s eyes made of bronze were shouting, reminding us for a moment to stop from the gray and frenzied hurly-burly of city life, and reflect on the greatness of the “Supremo.”

Andres Bonifacio (b. 30 November 1863, d. 10 May 1897), was a self-taught orphan who became a theater actor and an employee of two international companies in Manila.  His social consciousness and deep understanding of his culture led to his involvement in Dr. José Rizal’s La Liga Filipina, and in founding the Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (The Highest, Most Venerable Association of the Sons of the People), or the Katipunan, in 1892.  The movement’s membership increased when he assumed the leadership as the “Supremo” and in August 1896, started the revolution which will eventually bring down the three centuries of Spanish domination in the Philippines.  In 1897, when politics prevailed among the Katipuneros in Cavite, Bonifacio was replaced by Gen. Emilio Aguinaldo as leader of the revolution, in a series of events which led to the Supremo’s execution by men from the organization he himself founded.

The author for the first time inside the monument circle itself, Interview for GMA News TV, 26 June 2012.

Work on the monument started when Doña Aurora Aragon-Quezon placed a cornerstone on the site on the birth anniversary of Bonifacio, 30 November 1929.  A competition was launched and sculptors submitted proposals for the design of the monument using aliases.  The design chosen was that of Guillermo Tolentino, a graduate of classical sculpture in Rome.  The monument, which was inaugurated on 30 November 1933, is regarded as one of the world’s finest monuments.

Photo by Enrico Azicate

At the top of the 45 feet high obelisk is a figure very similar to the classical sculpture “Winged Victory.”  The octagonal base represents the first eight provinces that revolted against Spain in 1896.  Around the obelisk, 23 figures in darkened bronze depict the events that led to the Philippine Revolution:  The execution of the three martyr priests Gomez, Burgos at Zamora, and the injustices committed by the Spanish colonizers against the Filipinos.

Photo by Xiao Chua, 26 June 2012

The dominating figure of course is that of Andres Bonifacio, calm and dignified amidst the turbulent events around him, with bolo on one hand and a revolver in the other.  Behind him is the figure of Emilio Jacinto, brains of the Katipunan, and a standard bearer.  Surrounding the triad are two bolo-wielding Katipuneros symbolizing the spirit of the first cry of the revolution in Balintawak—the call to arms and the people’s response to this call.

The monument was constructed during the time when the issue of Philippine Independence from the Americans was being deliberated upon, and when many of those who participated in the revolution led by Bonifacio were still around—nationalistic feeling around the country was very much intense, and not a few got emotional seeing the monument.  Some say, that although Tolentino sculpted all the other figures in the realistic style (where the pain and suffering of the Filipinos were greatly manifested), the figure of Bonifacio in Barong Tagalog was the only figure done in the classical style (imitating the Graeco-Roman figures that show no emotions).  It was said that this is what the Americans wanted because a defiant Bonifacio might inspire another rebellion.

Detail of Bonifacio Monument, from Medina, Great Lives: Andres Bonifacio, 1992, p. 28.

But according to Tolentino’s student, Napoleon Abueva, the suffering figures and the dignified Bonifacio shows that whatever happens, they will prevail:

“…the hooded head with the ever-tightening garrote about to nip a life, the hapless mothers and forsaken children in Tolentino’s monumental masterpiece, allow us to relive the sufferings and dire consequences of the times… The tragic related events and corresponding feeling of desolation, of hopelessness that Tolentino’s figures evoke, contrasted by the stance of soaring confidence and hope in Bonifacio’s expressive gesture, together with the defiant bolo-wielding compatriots, provide a reassuring promise of eventual success at all costs—reminding us of an old saw which goes this way: Great was the sacrifice and great was their reward.”

Photo by Xiao Chua

For Abueva, a look at the monument will give a feeling of pride in the resilient Filipino spirit, “…the legacy of a promising tomorrow gleaned from a cruel and troubled past, the accounts and instances of utterly depressed feeling, buoyed up and transformed to lofty feelings of inherent pride and enrichment of the Filipino soul…”

The monument is a testament to the superiority of Tolentino as a visual historian.  In preparation for the construction of the monument, he interviewed people and went to the extent of using the bone structure of the Supremo’s sister, Espiridiona Bonifacio, in making the head of the Supremo.  Despite the research, the monument was not spared from controversies.  It depicted Bonifacio far from the stereotype of him at that time as a man dressed in camisa de chino with a bolo at one hand and the Katipunan flag on the other, yelling like wild.  Ambeth Ocampo writes:

When the protests came in, Tolentino countered his critics with his research. The likeness was based not only on a photograph of Bonifacio, but on the bone structure of his sister Espiridiona as well. Interviews of surviving Katipuneros gave an idea of his attire and revealed that, contrary to popular belief, Bonifacio favored in battle his gun over his bolo. One account says that on their way to Caloocan in 1896, many Katipuneros traveled disguised as women to get past the Spanish police and military. To make his baro’t saya more convincing, Bonifacio had to leave his bolo behind and take his gun instead. Tolentino left no stone unturned in his research, and he was prepared to show documentation for such minute details as the position of the holster on Bonifacio’s belt. Over and above all this, Tolentino even consulted espiritistas to discern the true likeness and character of Bonifacio.

Bonifacio and Jacinto photography by
Prof. Enrico Gerard R. Azicate.

In 1973, the title National Artist for Sculpture was conferred on Tolentino in 1973.

The site of the monument in Caloocan was aptly named “monumento” by the people themselves, and for a long long time it was the landmark for travellers from the north that they’re entering Manila through the MacArthur Highway.  That’s why the sight of the monument gives a feeling of journey’s end, until the North Luzon Expressway and Abueva’s The Transfiguration replaced monumento as Manila’s gateway from the north.

Today, because it has become part of the daily lives of the people of Caloocan, it seems that the monument is being neglected and only a few people notice the beauty and ponder on the significance of the monument.  But recently, the monument caught attention once again in 2002, when its transfer to faraway Tala in the same city was proposed by Mayor Rey Malonso to give way for the Light Rail Transit Extension.  This move was prevented by a resolution by the National Historical Institute, signed by its chairman Ambeth Ocampo, which reminds everyone that the BonifacioMonument is a national shrine and that transferring it would be against the law.

Based on the only photograph of the Supremo, digital art by Jesusa Bernardo

The lasting relevance of the monument is a reflection of the continuing importance to the people of the life and heroism of Manong Andres himself.  Militant groups, in many protests, rally around another statue of his in Manila.  In 1997, a book by the American historian Glenn Anthony May who brought out questions on what we know about the Supremo, sparked a debate among scholars on the Philippines.  With the centennial of the Philippine Revolution and the Proclamation of Philippine Independence in the 1990’s, recent scholarship clarified misconceptions.  Before, the impression was that the educated Gen. Emilio Aguinaldo was superior in terms of leadership and military skills than the impulsive Bonifacio.  But the Supremo was found out to be an excellent organizer with a movement whose members spread out across the archipelago (Ferdinand C. Llanes (ed), Katipunan:  Isang Pambansang Kilusan, 1994); a military tactician informed of pre-colonial war strategies of the Filipinos which used the natural environment to their advantage (Zeus A. Salazar, Ang ‘Real’ ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas, 1997; Zeus A. Salazar, Agosto 29-30, 1896:  Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila, 1995); the first president of the revolutionary government (and of the country) who had a clear idea of the Filipino nation in Katagalugan, which he defined as all people who were born in the whole archipelago and not just the Tagalogs (Milagros C. Guerrero, et. al., Andres Bonifacio and the 1896 Revolution, 1996); and the leader who urged his compatriots to have bait, puri at dangal (rooting itself to the values of our ancestors) just as they were brave (Milagros C. Guerrero, Pagtanaw sa Kasaysayan, Paghahanda sa Himagsikan:  Mga Ideya ng Katipunan, 1892-1897, 1998).  With these and many other new studies, Andres Bonifacio emerges as a leader who wanted not just mere political independence, but kaginhawahan—materially and morally free—just as our ancestors were before the colonizers came.  They remain to be our aspirations for a better country, the same one that Bonifacio and our forebears before us fought for and symbolized by his monument.

Landmarks, such as the BonifacioMonument, are reminders of our past that made us what we are today.  Landmarks do not feed us physically for sure.  But man doesn’t live by bread alone, for he has a soul that searches for identity and belonging.  The monument is a proud reminder of the greatness of our bloodline we all belong to, and of the victorious revolution we waged in 1896-1898.  To neglect these national treasures is like forgetting our own personal past and genesis—amnesia—and forgetting the heroes of 1896 is like forgetting the sacrifices of our own parents.  If we would lose the landmarks of our past, how would we ever know where we are, and where we are going as a nation?

As we gaze upon the Supremo and the men and women around that obelisk, let us think about the sacrifices of those before us who did not sleep in the dark of night, those who sacrificed their lives for the freedom of their children—for us.  They want us to carry on with what they had fought for, not by the bolo in a time of revolution, but simply by being productive and vigilant citizens, just like the Supremo more than a hundred years ago.  As if we can hear him call on us from those bronze figures once again with his words from the Dekalogo ng Katipunan:  “Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikabubuhay ay nagpapahayag ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid, at kababayan.” (Diligence in the work that gives sustenance to thee is the true basis of love — love for thine own self, for thine wife and children, for thine brothers and countrymen.)  Personally, I see the monument as a reminder of how a working class hero made a difference, and how we can too.

22 March 2004 / 22 May 2007 , University of the Philippines at Diliman

Consulted Works and Sources:

Acero, Francis.  Thoughts on the Bonifacio Monument.  Online, Internet.  Available URL:  http://www.tinig.com/v12/v12francis.html.

Agoncillo, Teodoro A. The Revolt of the Masses:  The Story of Bonifacio and the Katipunan.  Quezon City, U. of the Philippines P., 1956.

Bonifacio, Andres. “Decalogue” sa The Writings and Trial of Andres Bonifacio (translated by Teodoro A. Agoncillo and S. V. Epistola.  Manila: Antonio J. Villegas; Manila Bonifacio Centennial Commission; University of the Philippines, 1963, p. 1.

Churchill, Bernardita Reyes.  Determining The Truth:  The Story of Andres Bonifacio (being critiques of and commentaries on Inventing a hero, the post-humous re-creation of Andres Bonifacio).  Manila : Manila Studies Association, 1997.

Cristobal, Adrian E.  The Tragedy of the Revolution.  Quezon City: U. of the Philippines P., 2005.

De los Reyes, Isabelo.  The Religion of the Katipunan or the Old Beliefs of the Filipinos (translated by Joseph Martin Yap).  Quezon City:  Teresita A. Alcantara, Ph.D., 2002.

Estrada, Eric and John Realubit.  “BonifacioMonument Stays Put” in Manila Times, 25 January 2003.  Online, Internet.  Available URL:  http://www.manilatimes.net/national/2003/jan/25/metro/20030125met5.html.

FHL Research Team .  The Bonifacio Monument: Hail to the Chief!  Online, Internet.  Available URL:  http://www.librarylink.org.ph/featarticle.asp?articleid=50.

Guerrero, Milagros C.  “Pagtanaw sa Kasaysayan, Paghahanda sa Himagsikan:  Mga Ideya ng Katipunan, 1892-1897,” Kasarinlan:  A Philippine Quarterly of Third World Studies, Vol. 14, Num. 1, 1998, pp. 37-52.

Guerrero, Milagros C., Emmanuel N. Encarnacion and Ramon N. Villegas.  “Andres Bonifacio and the 1896 Revolution,” Sulyap Kultura, Second Quarter 1996, pp. 3-12.

Ileto, Reynaldo Clemeña.  Pasyon and Revolution:  Popular Movements in the Philippines, 1840-1910.  Quezon City:  Ateneo de Manila U.P., 1979)

Llanes, Ferdinand C. (ed). Katipunan:  Isang Pambansang Kilusan.  Quezon City:  Trinitas Publishing, Inc., 1994.

Maceda, Teresita Gimenez.  “The Katipunan Discourse on Kaginhawaan:  Vision and Configuration of a Just and Free Society,” Kasarinlan:  A Philippine Quarterly of Third World Studies, Vol. 14, Num. 2, 1998, pp. 77-94.

May, Glenn Anthony.  Inventing A Hero:  The Posthumous Re-creation of Andres Bonifacio.  Quezon City:  New Day Publishers, 1997.

Medina, Isagani R.  Great Lives:  Andres Bonifacio.  MakatiCity:  Tahanan Books for Young Readers, 1992.

__________. (ed).  Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) Nang 1896-1897 Isinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Hongkong 1898).  Lungsod Quezon:  U. of the Philippines P., 1996.

Navarro, Arthur M. and Raymund Arthur G. Abejo (eds).  Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan.  Lungsod Quezon:  LIKAS, 1998.

Ocampo, Ambeth R.  Bones of Contention:  The Bonifacio Lectures.  PasigCity:  Anvil Publishing, Inc., 2001.

__________.  Bonifacio’s Bolo.  PasigCity:  Anvil Publishing, Inc., 1994.

Salazar, Zeus A.  Agosto 29-30, 1896:  Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila (salin ni Monico M. Atienza).  Quezon City:  Miranda Bookstore, 1995.

__________.“Ang ‘Real’ ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas,” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas Lathalain Blg. 1.  Mandaluyong City:  Palimbagang Kalawakan, 1997.

__________.  “Si Andres Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino,” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas Lathalain Blg. 2.  Mandaluyong City:  Palimbagang Kalawakan, 1997.

Sison, Marites.  National Artist Guillermo Tolentino:  Monumental Spirit.  Online, Internet.  Available URL:http://www.filipinasmag.com/Main/Sept2003Tolentino.htm.

Ventura, Sylvia Mendez.  Supremo:  The Story of Andres Bonifacio.  MakatiCity:  Tahanan Books for Young Readers, 2001.

UNDRESS BONIFACIO, Part II: Ang Supremo Bilang Unang Pangulo ng Pilipinas

Mukha ni Andres Bonifacio na batay sa kanyang tanging larawan na ihinalo sa ilustrasyon ng mga Espanyol na batay sa larawan na iyon. Kinulayan ni @ Jesusa Bernardo.

UNDRESS BONIFACIO: 

Paghubad sa Kamisa ng Mito ng Bobong Supremo[1]

Isang dokumentaryo ni Xiao Chua

Watch:  http://www.youtube.com/watch?v=hct6cXs6EYE

150 taon makalipas ang kanyang kapanganakan, ang Supremo ng Katipunan ay nababalutan ng ilang mga mito.  Kaya kailangan hubarin ang mga ito.

Part II:  Ang Supremo Bilang Unang Pangulo ng Pilipinas

Noong 22 Marso 1897, hiniling sa Kumbensyon sa Tejeros ng mga elit na taga Cavite NA BUWAGIN ANG KATIPUNAN upang magtatag ng REBOLUSYUNARYONG PAMAHALAAN.  Pumayag ang Supremo ng Katipunan ANDRES BONIFACIO sa kondisyong igagalang ang pasya ng nakararami.

Ngunit MAY BULONG-BULUNGAN, NA MAY NAKASULAT NANG MGA PANGALAN SA MGA BALOTA.  DAYAAN SA HALALAN 1897 STYLE???

At sa halalang naganap, nahalal in absentia si HEN. EMILIO AGUINALDO BILANG BAGONG PANGULO NG REBOLUSYUNARYONG PAMAHALAAN.  Nahalal rin si Andres Bonifacio bilang DIREKTOR NG INTERYOR.

Ngunit tinutulan ni Daniel Tirona at ininsulto pa ang Supremo.  Tinawag na WALANG PINAG-ARALAN.

Daniel Tirona

Nagpuyos sa galit ang Supremo, at nang hindi binawi ni Tirona ang sinabi.  BUMUNOT NG BARIL si Bonifacio ng baril at tinutukan si Tirona.  Napigilan ni Hen. Artemio Ricarte ang Supremo at BILANG SUPREMO NG KATIPUNAN, IDINEKLARANG WALANG SAYSAY ANG PULONG NA NAGANAP.

At dito nagsimula ang landas tungo sa kamatayan ng Supremo

Umalis si Bonifacio sa kumbensyon sa paniniwalang SIYA PA RIN ANG PINUNO NG HIMAGSIKAN.  Habang ang mga nasa kumbensyon ay itinalaga na si Emilio Aguinaldo bilang BAGONG PINUNO NG HIMAGSIKAN!  At sa POWER STRUGGLE na naganap ANG NASAWI AY ANG SUPREMO.

Ngunit hindi ba pamahalaang rebolusyunaryo na mismo ang Katipunan ni Bonifacio?

Ayon kay DR. MILAGROS GUERRERO, OO!

Sa pagputok ng Himagsikan, 24 AGOSTO 1896, nagpulong sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Kalookan, ANG KATAAS-TAASANG SANGGUNIAN at itinatag nila ang KATIPUNAN BILANG REBOLUSYUNARYONG PAMAHALAAN at si Andres Bonifacio ang kanilang hinalal “by acclamation” BILANG UNANG PANGULO!

Unang Bugso ng Himagsikan sa obra ni Rody Herrera na nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila).

MAGING ANG MGA ESPANYOL, KINILALA SIYANG PANGULO BAGO PA MAGING PANGULO SI AGUINALDO.  Sa dyaryong Espanyol na “La Ilustracion Española y Americana” noong Pebrero 1897, kinilala si Bonifacio bilang TITULADO ((PRESIDENTE)) DE LA REPUBLICA TAGALA.

Pebrero 1897 (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion)

Kung titingnan sa ganitong pananaw, lumalabas na ang nangyari sa Cavite AY ISANG KUDETA!

Dahil hindi naniniwala ang mga elit sa konsepto ng pamahalaan ni Bonifacio na kung hindi siya nasawi ay maaaring naisakatuparan niya AT NAIKINTAL SA PAMAHALAAN NGAYON

ANO BA ANG TUNAY NA DIWA NG PAMAHALAANG KATIPUNAN?

Xiao Chua (on location mula sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite):

“Ang Katipunan daw ay organisasyon ng mga bobong masa na sugod lang ng sugod at walang ginawa kundi maging bayolente. Si José Rizal ang favorite hero ko kasi peaceful siya; si Bonifacio ayaw ko dahil bayolente siya. Pero hindi lang po yon, kung makikita natin ang isinulat na ito ni Emilio Jacinto, “Katipunan ng mga A.N.B. …”  ‘Ang kabagayang pinag-uusig ng katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog (*) …upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuiran at Kaliwanagan.’

“In short, magsama-sama ang mga Tagalog para magkaroon ng lakas na tanggalin ang mga nakakabulag sa atin at itatag ang daang matuwid at daang maliwanag. Ha, daang matuwid? Di ba sabi ni Noynoy, “sama-sama po tayo sa daang matuwid.”  Panahon pa pala ni Andres Bonifacio iyan, hinahanap niya iyan. Iyan ang kanyang goal: isang maliwanag na bansa. Nagkakaisa ang mga Tagalog. Ha, Tagalog lang? Iyan lang ba ang tanaw ni Andres Bonifacio? Na hindi siya pambansa? Teka, teka, tingnan niyo po. May asterisk ang tagalog. Nag-footnote pala ang lolo Emilio Jacinto. O ano ang footnote niya?  :  ‘…katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisayà man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din.’

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

“In fairness di ba? Siya mismo, had a clear vision of what this country is – united, may kaliwanagan, may katuwiran and everyone is there. Luzon, Visayas and Mindanao [are] there. Kaya nga, bakit ayaw niya ng Philippines? Kasi nga ang Philippines, pangalan ng hari ng Espanya iyan e. Look at this, Tagalog ang itinawag niya sa kanyang bansa.

“Well some people said, Bonifacio claimed that he is king. Haring Bonifacio. One time we went here in Cavite, someone shouted, “Mabuhay ang hari!” Ha, mabuhay ang hari? Haring bayan, si Andres Bonifacio ay hari ng bayan? Tingnan po nating mabuti – (Text of letterhead) “Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan.” Sino ang hari? Yung bayan. Kaya bayang katagalugan. Iyan ang kanyang gobyerno. Makikita po ninyo, iyan po ang logo niya – “Haring Bayang Katagalugan, Kataastaasang Kapulungan.” Iyan ang kanyang seal, at ito ang kanyang pirma.”

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila, 15 Abril 1897 (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

Sa kanluraning konsepto ng NACION ng mga elit at kanluranin ang bawat citizen ay may pulitikal na kalayaan ayon sa isang konstitusyon.

Ngunit hindi sapat ito sa konsepto ni Bonifacio ng INANG BAYAN kung saan ang lahat ng Pilipino ay ANAK NG BAYAN.  Kung saan ANG BAWAT ISA AY MAGKAKAPATID SA SANDUGO at ang tunay na kalayaan ay hindi lamang mga karapatan sa papel.

ANG TUNAY NA KALAYAAN AY KAGINHAWAAN at ang kaginhawaan ay natatamo lamang kung may MAGANDANG ASAL AT MABUTING KALOOBAN ANG BAWAT KAPATID

Kaya ang SALIGANG BATAS NG KATIPUNAN, ang KARTILYA NI EMILIO JACINTO ay kalipunan ng mga payo sa KABUTIHANG ASAL at kung saan sinabi na sa Katipunan:  “Dito’y ang kauna-unaunahang utos ANG TUNAY NA PAG-IBIG sa BAYANG TINUBUAN at lubos na pagdadamayan ng ISA’T ISA.”

Tama nga naman, MANALO MAN ANG REBOLUSYON kung HINDI MAGIGING MABUTI ANG MGA MAMAMAYAN AT WALANG MAKAIN, WALANG GINHAWA AT WALANG PAG-IBIG AY WALA RING TUNAY NA KALAYAAN

Sa pagkakaroon ng malinaw na konsepto ng bansa si Bonifacio ay nararapat lamang tanghaling AMA NG SAMBAYANANG PILIPINO.

Ngunit huwag malito:  Si Aguinaldo ang UNANG PANGULO ng “REPUBLIKA” ng Pilipinas, na may kanluraning modelo na umiiral mula 1897 hanggang sa kasalukuyan.

Ngunit si Bonifacio ang UNANG PANGULO ng UNANG PAMBANSANG PAMAHALAANG PILIPINO NA NAUDLOT.  ANG KANYANG KONSEPTO NG BANSA AY “ABORTED.”  At ang hindi nito natapos na gawain sa pagtataguyod ng KALAYAAN, batay sa KAGINHAWAAN, MABUTING KALOOBAN at KAPATIRAN NG LAHAT, ay naputol nang mapatay ang Supremo sa Bundok Nagpatong, Hulog, Maragondon, Cavite.

Bundok Nagpatong, Hulog, Maragondon, Cavite (Mula sa Koleksyon ni Dr. Ambeth R. Ocampo)

Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio na ipininta ni Carlos Valino, Jr. (nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest).  “Ang Wakas ni Bonifacio” ay batay sa testimonya ng dalawang sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay. Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang “Andres Bonifacio, a-tapang a-tao.” Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal. Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila) .

Kung hindi natin pagsikapang ituloy ay patuloy nating binabaril at patuloy nating sinasaksak at patuloy na hindi natin tinatanggal ang balaraw na nakatarak sa Supremo…

SINO KAYA ANG MAGPAPATULOY NG LABAN?

HUWAG KA LANG MANIWALA DITO, MAGBASA KA!

SANGGUNIAN

Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion at Ramon N. Villegas.  “Andres Bonifacio and the 1896 Revolution,” Sulyap Kultura 2, 1996.

Zeus A. Salazar.  “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 6, 1999.

Zeus A. Salazar.  “Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon,” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 8, 1999.

Isagani R. Medina, ed.  Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 Sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Palimbagan ng Pamantasang ng Pilipinas, 1996)

Gimenez-Maceda, Teresita.  “The Katipunan Discourse on Kaginhawahan:  Vision and Configuration of a Just and Free Society,”  Kasarinlan, 1998.

Michael Charleston B. Chua at Alvin D. Campomanes.  “Makabagong Emilio Jacinto:  Ginhawa, Liwanag, Dilim at Iba Pang Mga Dalumat ng Bayan at Katipunan sa mga Awitin ni Francis Magalona,” 2010.


[1]               Inspirasyon mula sa sampaksaang Undress Bonifacio na unang isinagawa ng UP Lipunang Pangkasaysayan sa UP Diliman noong 26 Nobyembre 2008 at ipinagpatuloy ng DLSU Departamento ng Kasaysayan noong 2009 at 2011.

UNDRESS BONIFACIO, Part I: Ang Supremo Bilang Pinunong Militar

Isang hinirayang larawan ng Supremo ng Katipunan na nakauniporme ng rebolusyon. Bilang isang aktor sa teatro, malamang sa malamang alam niya ang importansya at pangangailangan ng pagsusuot ng uniporme sa harap ng kanyang mga unipormadong heneral (Mula sa Tragedy of the Revolution).



UNDRESS BONIFACIO: 

Paghubad sa Kamisa ng Mito ng Bobong Supremo[1]

Isang dokumentaryo ni Xiao Chua

Watch:  http://www.youtube.com/watch?v=5gdBTMRKaAY

150 taon makalipas ang kanyang kapanganakan, ang Supremo ng Katipunan ay nababalutan ng ilang mga mito.  Kaya kailangan hubarin ang mga ito.

Part I:  Ang Supremo Bilang Pinunong Militar

  1. Agosto 29-30, 1896:  Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila

Ang sabi-sabi, ang bayaning si Andres Bonifacio ay bobo AT WALANG ISTRATEHIYANG MILITAR!

Ngunit ayon kay DR. ZEUS A. SALAZAR, MERON!

24 Agosto 1896:  Nagpulong ang Kataas-taasang Sanggunian ng KKK, itinatag nila ang Rebolusyunaryong Pamahalaan.

Hinalal ang Supremo Andres Bonifacio bilang UNANG PANGULO ng Unang Pambansang Pamahalaan sa Pilipinas at napagkasunduan na ganapin na ang pagsalakay sa Maynila sa HATINGGABI ng 29-30 Agosto.

Ang plano:  PALIBUTAN ANG INTRAMUROS (MANILA)

ITO AY HABANG KARAMIHAN NG PWERSANG ESPANYOL AY ABALA PA SA PAKIKIPAG-BAKBAKAN SA MGA MUSLIM SA MINDANAO

KAPAG NAKUHA ANG SENTRO, ANG ULO NG DRAGON, MAGWAWAKAS ANG IMPERYONG ESPANYOL SA ASYA!

Sasalakay mula sa tatlong direksyon:

  • FROM THE EAST:  San Mateo, Marikina, pababa ng camino real na nagdaraan sa San Juan at papasok ng Sampaloc
  • FROM THE NORTH:  Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija papasok ng Caloocan at Balintawak tungong Tondo at Binondo
  • FROM THE SOUTH:  Cavite at ilang bahagi ng Pasig

At mula sa LOOB ng INTRAMUROS!  Tinatayang 500 pwersang Pilipino sa pangunguna ng ilang opisyal na mestiso sa ilalim ng mga Espanyol.

25-26 Agosto:  Ilan sa mga unang sagupaan ng mga KKK at ang mga Espanyol sa Pasong Tamo (Tandang Sora), Caloocan at Malabon NANALO ANG MGA KATIPUNERO.

29 Agosto, umaga:  NABISTO ang 500 sundalong PILIPINO sa loob ng INTRAMUROS!  Ipinatapon sila sa Mindanao!

Sa gabi at madaling araw na napag-usapan 29-30 AGOSTO 1896.  Nagkaroon ng pag-atake sa buong lalawigan ng Maynila lalo na sa Sampaloc, Sta. Ana, Pandacan, Makati, San Juan at Pasig, kasama ng Laguna…

HINDI UMATAKE ANG CAVITE

Ayon kay Hen. Emilio Aguinaldo, namuti daw ang kanilang mga mata SA KAKAHINTAY NG NAPAGKASUNDUANG HUDYAT.  Iba-iba ang bersyon ng hudyat:  pagpatay ng ilaw sa Bagumbayan, pagpapalipad ng lobo, at pagpapasabog ng kanyon o pagpapaputok ng kwitis.

KUMALAT ANG MGA TSISMIS KUNG BAKIT HINDI NAGANAP ANG NAPAGKASUNDUANG HUDYAT: nakatulog daw si Bonifacio, o nakipagkwentuhan daw sa kasama at hindi namalayan na 4:00 ng umaga na!

NGUNIT BAKIT MAY SINASABING HUDYAT KUNG MAY ORAS NA NAPAG-USAPAN?

Hatinggabi ng 29-30 Agosto:  ang pagpatay ng ilaw sa Bagumbayan, pagpapalipad ng lobo, at pagpapasabog ng kanyon o pagpapaputok ng kwitis, AY MAKIKITA KAYA MULA SA MALAYONG MGA PAMPANG NG CAVITE?

At kahit makikita nga ang pagpatay ng ilaw sa Bagumbayan, pagpapalipad ng lobo, pagpapasabog ng kanyon o pagpapaputok ng kwitis AY DOON PA LAMANG BA SUSUGOD PA-MAYNILA ANG MGA PINUNO NG CAVITE?

Edi pagdating nila doon tapos na ang labanan?

Tanong ni Zeus A. Salazar:

  • Umuwi na lamang ba sila dahil ayon sa mga French Consular Reports ay umuulan sa Maynila noong gabing iyon?
  • Hindi kaya ayaw lamang sumama o kumilala sa awtoridad ng Supremo ang mga pinuno ng Cavite?

SAPAGKAT MAY SARILING TRIP ANG MGA ELIT SA CAVITE

  1. ‘Real’ ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas

Si Edilberto Evangelista, isang matalinong inhinyerong nagtapos ng pag-aaral SA BRUSSELS, BELGIUM, ang nagplano ng mga TRENCHES sa mga bayan sa CAVITE.

Sa mga unang labanan, dahil kakaunti lamang ang mga Espanyol, SUNOD-SUNOD ANG TAGUMPAY NG HIMAGSIKAN SA CAVITE!

Ngunit nang dumating ang reinforcement ng mga Espanyol UNTI-UNTING BUMAGSAK ANG MGA BAYAN SA CAVITE.

Bakit?

DAHIL KABISADO NG MGA ESPANYOL ANG KANLURANING PAKIKIDIGMANG TRINTSERA:  magastos, hindi madaling maiwanan, madaling mapaligiran, at kapaki-pakinabang sa mga Espanyol kapag nakukuha.

Mga trintsera sa Kabite na ginawa ni Edilberto Evangelista, nagamit ng mga Amerikano para labanan ang mga rebolusyunaryo sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (Mula sa Kasaysayan: the Story of the Filipino People)

Ayon sa DR. ZEUS A. SALAZAR, may istratehiyang militar na sinimulan si ANDRES BONIFACIO na sinunod ng maraming heneral sa buong Pilipinas

MULA SA ISTRATEHIYA NG MGA NINUNONG PILIPINO “ILIHAN.”

Ilihan—pag-atras ng bayan sa mga burol o kabundukan upang maging ligtas sa sakuna o makibaka sa mga kalaban.  Ginamit ng mga unang naghimagsik sa mga Espanyol.

Itinatag ni Bonifacio ang mga “REAL”.  Kataga itong Espanyol para sa kampo.  Sa gamit ng Katipunan:  “Komunidad na may tanggulan malapit sa bayan”

Unang naisip ni Bonifacio sa kanyang paglalakbay sa Bundok Tapusi (Montalban, Rizal), at natatag sa Balara at Krus na Ligas, Masuyod (Marikina), Kakaron de Sile, Puray, Kamansi, Minuyan, Makiling, Banahaw, atbp.  Lumaganap din sa mga kabundukan ng Tayabas, Morong (Rizal), Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija.

Ang bundok kung saan pinaniniwalaang nagapos ang Haring Bernardo Carpio, Tapusi, Montalban (Rodriguez, Rizal), ay isang real ni Bonifacio (Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People)

Gamit ng “real” ang mga natural na anyo sa kalikasan tulad ng mga kakahuyan, mga bato, mga kweba at mga bundok.  Dahil pakikidigmang mas angkop sa Pilipino:  Hindi ito kailangang gastusan, madaling iwanan at balikan kapag hinabol sila roon marami sila lulusutan, hindi mapakikinabangan ng mga Espanyol at pahihirapan sila dahil wala silang kasanayan.

Matapos ang mga pagsalakay sa Pinaglabanan,  Kahit na natalo ang mga Katipunero.  Hindi sila naubos at nalipol.  Hindi rin sila nahabol ng mga Espanyol.  Dahil naka-atras sila sa mga “real.”  Ang pinagtuunan ng pansin ay ang Cavite na mas kaya nilang pataubin.

At nang tuluyang bumagsak ang mga trintsera sa Cavite at tuluyang matalo si Aguinaldo ang sumalo kay Aguinaldo ay ang mga “real” na ipinatayo ng “walang taktikang-militar” na si Bonifacio hanggang sa mapadpad siya sa  “real” ng BIYAK-NA-BATO sa San Miguel, Bulacan!  Kung saan nagkaroon sila ng bentahe na MAKIPAGKASUNDO SA MGA ESPANYOL, linlangin sila at kalaunan ituloy ang Revolucion habang ang HIMAGSIKAN ay IPINAGPATULOY ng mga ANAK NG BAYAN.

Ayon kay JOHN RAY RAMOS, nagtapos ng BA Kasaysayan sa UP Diliman at tagapagsaliksik para sa Sandatahang Lakas (AFP), may pagkakaiba ang TAKTIKA at ISTRATEHIYA:

Ang TAKTIKA ay pag-iisip ng pakikidigma sa MAS LIMITADONG LUGAR, MAS ISPESIPIKO ANG PAMAMARAAN, habang ang ISTRATEHIYA ay pag-iisip ng MAS MALAWAKANG PAKIKIDIGMA.

Kung gayon, sa pag-iisip ng pagpapalaya lamang ng mga bayan sa Cavite, si Aguinaldo ay nasa lebel ng taktika pa lamang noong 1896, habang sa pag-iisip ng ideya “real” at pagnanais na SALAKAYIN ANG MAYNILA ANG SENTRO NG KAPANGYARIHAN, ang Supremo Bonifacio ay mas istratehiko

Samakatuwid HINDI TOTOONG WALANG ISTRATEHIYANG MILITAR SI BONIFACIO.  HINDI NGA LAMANG ITO PAPASA SA MGA KANLURANIN SAPAGKAT NAG-UGAT SIYA SA ISTRATEHIYA NG SINAUNANG BAYAN

Ayon kay DR. MILAGROS C. GUERRERO:

“As commander-in-chief, Bonifacio supervised the planning of military strategies and the preparation of orders, manifests and decrees, adjudicated offenses against the nation, as well as mediated in political disputes.  He directed generals and positioned troops in the fronts.  On the basis of command responsibility, all victories and defeats all over the archipelago during his term of office should be attributed to Bonifacio.

 “The claim by some historians that ‘Bonifacio lost all his battles’ is RIDICULOUS.”

HUWAG KA LANG MANIWALA DITO, MAGBASA KA!

SANGGUNIAN

Zeus A. Salazar, Agosto 29-30, 1896:  Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila (Miranda Bookstore, 1997.

Zeus A. Salazar.  “Ang ‘Real’ ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas,” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas 1, 1997.

Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion at Ramon N. Villegas.  “Andres Bonifacio and the 1896 Revolution,” Sulyap Kultura 2, 1996.

Panig ng mga taga-Cavite:

Isagani R. Medina, ed.  Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 Sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Palimbagan ng Pamantasang ng Pilipinas, 1996)


[1]               Inspirasyon mula sa sampaksaang Undress Bonifacio na unang isinagawa ng UP Lipunang Pangkasaysayan sa UP Diliman noong 26 Nobyembre 2008 at ipinagpatuloy ng DLSU Departamento ng Kasaysayan noong 2009 at 2011.

WE WON THE REVOLUTION

Xiao Chua at the balcony of the window where Gen. Emilio Aguinaldo proclaimed Philippine Independence on 12 June 1898 in Kawit, Cavite with Ms. AC Canete. Photograph by Jahm Guinto, 12 February 2012.

Yesterday, when I looked at the date 13 August, I knew it was an anniversary of a really important event that I always cite in my lectures in history and my tours, just didn’t figure it our immediately.  Only later did I realize that it was the 114th anniversary of the Mock Battle of Manila in 1898, when the Americans won over the Spaniards and took over Manila after the Spaniards negotiated to just be allowed to have an honorable defeat.  Since this is also the month of the start of the Philippine Revolution, this short piece I wrote for my former column “Walking History” from the former newspaper “Good Morning Philippines,” 10 August 2011:

When Ms. Rita Gadi asked me when and where the Philippine Revolution started in 1896, I was stupefied at first.  How do you quickly explain that many witnesses produced many answers:  Kangkong (23 August), Pugad Lawin (23 August), Bahay Toro (24 August), Sitio Gulod, Barrio Banlat (near Pasong Tamo now Tandang Sora Ave., 24 August), Balintawak (26 August).  Historians Milagros Guerrero, Emmanuel Encarnacion and Ramon Villegas wrote in an article in 1996 that the now “official” August 23 Cry of Pugadlawin is erroneous (there was no such place name in 1896 maps of the area), and that it was possible that there were many cries as they were organizing people in different places.  In a 1989 column anyway, Dr. Ambeth Ocampo cleared that all those other place names cited were in the area called “Balintawak.”  So maybe it’s safer to call it Cry of Balintawak.

The possibility of many cries can be supported by two historians, Dante Ambrosio and Enrico Azicate who in 1995 tried to walk through the places cited in accounts and sure enough, a path can be established that can lead to that important battle in San Juan by early morning of 30 August known as “Pinaglabanan.”

Dr. Guerrero, et al suggested that instead of celebrating the uncertain 23 August cry, it’s better to commemorate the well documented establishment of the Revolutionary Government by the Kataastaasang Sanggunian of the Katipunan on 24 August at the house of Tandang Sora in Banlat.  This is where Andres Bonifacio was elected as the first president of the first national government in the Philippines.  This is when our bansa was born.  With this, I agree with my mentor Dr. Guerrero.

A bigger problem than the contradicting facts of the first cry are misconceptions about the revolution itself.  We Filipinos, regrettably, easily forget about the past.  And worst, many times we commemorate and emphasize our defeats.  By reading history written for us by foreigners, we look at ourselves in the point of view of the other.   Thus our colonial mentality and inferiority complex which had a long term effect on us—we feel that all good things about us came from foreigners (remember learning about pamana ng mga Espanyol and pamana ng mga Amerikano?), and that “ginhawa” can only be attained if we go out of this country.  One thing we tell ourselves is that we lost the Philippine Revolution, and it was the Americans who helped us defeat the Spaniards with the victory of the “Hero of Manila” Admiral George Dewey at the Battle of Manila Bay.

One major thing that I cherished learning from Dr. Jaime Veneracion in one of my graduate courses in UP Diliman is that he emphasized that we won the revolution against Spain and that we must credit ourselves for it as a people.

When Gen. Emilio Aguinaldo, tactically agreed to go abroad after his government made peace with the Spaniards, he negotiated with key American diplomats who verbally promised that they will help the Filipinos ensure their independence.  One researcher from the National Historical Commission showed me a book by an American historian which stated that there was no evidence that the promise was ever given.  This will show us how we must be conscious of perspective when reading history.  Facts are not just facts.

On 1 May 1898, the seven-vessel Asiatic Fleet came to Manila Bay under Dewey and in the battle sunk all obsolete twenty Spanish ships.  As Dr. Ambeth said, it was a “mismatch.”  There was only one American casualty, and he didn’t die of battle wounds but of heat stroke!  But Dewey did not have ground forces and so at this point they actually haven’t occupied the Philippines.

As the Americans were returning Aguinaldo back from Hongkong aboard McCulloch, many revolutionaries around the archipelago organized themselves again.  Little by little, the Anak ng Bayan returned and took-over different towns from the Spaniards.  After one of these battles, the Battle of Alapan, the Philippine flag made by Marcela Agoncillo, daughter Lorenza and Delfina Herbosa-Rizal, was unfurled at Teatro Caviteño in Cavite Viejo (Kawit) on 28 May.  Thus we celebrate this as the start of the flag days.

Hearing about the continuous victories of the Filipinos in defeating the Spaniards who were our colonizers for 333 years, Gen. Aguinaldo acted quickly and at 4:02 PM on 12 June proclaimed Philippine Independence at the central window of his mansion in Kawit, [to] the tune of Julian Felipe’s Marcha Filipina Magdalo / Marcha Nacional Filipina.  With this self-proclamation of V-S Day (Victory Over Spain), I believe that 12 June of every year is worth celebrating by every Filipino.

One of the 97 signers of the Acta was a certain Col. M.L. Johnson, assumed by many as the representative of Dewey who couldn’t come because it was his “mail day.”  Historian J.R.M. Taylor clarified that he was not an official representative but a cinematograph operator.  This shows that the Americans don’t have any intention to honor their word.  American ground troops came and by 13 August, won against the Spaniards.  Atop Baluarte de San Francisco Javier in Intramuros, the Stars and Stripes was raised for the first time.  But it was a pre-negotiated battle, so the Spaniards can be defeated with honor, thus the monicker “Mock Battle of Manila.”  Filipino troops marched to claim the old capital but they were stopped by the Americans.  Sensing finally that the Americans were not to be trusted, he went to Bulacan, organized the Malolos Congress on 15 September, which gave birth to the First Constitutional Republic in Asia by 23 January 1899.

Although this victory was short lived as we fought once again in our war against the Americans, it reminds us that united, we can defeat any long-term problem battling us.  With this I say, wake up and be inspired to greet every new morning as we proclaim our greatness.  Good Morning Philippines!

Let me dedicate this column to my professor, Dante Ambrosio, who fought for our bayan and wrote about our constellations, thank you and goodbye.  You are now part of the stars.