IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: xiaotime

XIAO TIME, 30 July 2013: EVITA PERON AT IMELDA MARCOS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Maria Eva Duarte de Peron, opisyal na larawan pang-estado, 1947.

Maria Eva Duarte de Peron, opisyal na larawan pang-estado, 1947.

30 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=b3JrztkKBuw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  61 years ago, July 26, 1952, inanunsyo sa radio sa buong Argentina na sa oras na 8:25 ng gabi, sumakabilang buhay na ang espirituwal na pinuno ng kanilang bansa na si Unang Ginang Eva Duarte de Peron.  Opo, siya nga po yung paksa sa isang musical na isinulat nina Andrew Lloyd Webber at ni Tim Rice at noong 1996 ay ginanapan pa ng international pop icon na si Madonna.

Ang pila ng mga tao upang makita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang pila ng mga tao upang makita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang mga tao habang nagwawala sa katawan kapag nakikita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang mga tao habang nagwawala sa katawan kapag nakikita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang marcha funebre para kay Eva Peron, sa mga malalapad na kalsada ng Buenos Aires, 1952.

Ang marcha funebre para kay Eva Peron, sa mga malalapad na kalsada ng Buenos Aires, 1952.

Ang pinreserbang katawan ni Eva Peron bago ito mawala ng 17 taon.  Matapos maglakbay at itinago sa iba't ibang bansa, nailibing din sa Argentina.

Ang pinreserbang katawan ni Eva Peron bago ito mawala ng 17 taon. Matapos maglakbay at itinago sa iba’t ibang bansa, nailibing din sa Argentina.

Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, ang kumatha ng musical na "Evita."

Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, ang kumatha ng musical na “Evita.”

Ang cover ng playbill ng unang pagtatanghal ng Evita sa Pilipinas, na ginanapan ni Bb. Joy Virata na asawa ng naging primer ministro ng bansa na si Cesar Virata.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang tunay na Evita.

Ang tunay na Evita.

Si Madonna, sa aktwal na balkonahe ng Casa Rosada sa Buenos Aires, bilang si Evita.

Si Madonna, sa aktwal na balkonahe ng Casa Rosada sa Buenos Aires, bilang si Evita.

Noong 1969 pa lamang pala, naikumpara na siya sa ating sariling Unang Ginang, Mommy Imelda Marcos ni Ninoy Aquino.  Sa tuwing tinatanong sa paghahambing kay Evita, sinasabi ni Imelda, “I’m not a whore.”  Pina-ban ang musical na ito sa Pilipinas at naipalabas lamang noong 1986 matapos ang People Power sa EDSA.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette.  Mula sa Ninoy:  the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette. Mula sa Ninoy: the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si Imelda kalmado habang nagkakagulo ang lahat sa harapan ng kanyang proyektong Cultural Center of the Philippines.  Ang proyektong binananatan ni Ninoy Aquino nang ikumpara niya ito kay Eva Peron.  Kuha ni Steve Tirona.

Si Eva Peron na mahilig sa aso.

Si Eva Peron na mahilig sa aso.

Si Imelda Marcos na mahilig sa aso,  na kumakain daw ng caviar.

Si Imelda Marcos na mahilig sa aso, na kumakain daw ng caviar.

Si Evita ay isinilang noong May 7, 1919 sa Los Toldos, Argentina, anak sa labas at lumaki sa hirap.  Si Imelda naman ay isinilang noong July 2, 1929 sa prominenteng pamilyang Romualdez ng Leyte, pangalawang asawa ang kanyang ina at minsan nanirahan sa garahe kasama ang ina bago maulila.  Si Evita ay ginamit ang kanyang charm sa kalalakihan upang maging aktres sa radyo at pelikula hanggang mapaibig niya ang isang sumisikat na koronel na si Juan Domingo Peron, nagpakasal sila.  Si Imelda naman ay naging beauty queen, Muse of Manila, at habang kumakain sa kantina ng Kongreso, napansin ng ambisyosong Congressman mula sa Ilocos Norte na si Ferdinand Marcos.  Matapos ang isang 11-day courtship, nagpakasal sina Marcos at Imelda.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon.  Mula sa FIHEP.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon. Mula sa FIHEP.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Evita bilang modelo.

Si Evita bilang modelo.

Si Imelda bilang Rose of Tacloban.

Si Imelda bilang Rose of Tacloban.

Si Evita bilang aktres.  Mula sa FIHEP.

Si Evita bilang aktres. Mula sa FIHEP.

Si Imelda bilang Muse of Manila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda bilang Muse of Manila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Evita at si Kor. Juan Domingo Peron habang nagliligawan.  Mula sa Evita:  An Intimate Portrait of Eva Peron.

Si Evita at si Kor. Juan Domingo Peron habang nagliligawan. Mula sa Evita: An Intimate Portrait of Eva Peron.

Si Meldy at si Andy noong kanilang kasal.

Si Meldy at si Andy noong kanilang kasal.

Si Imelda at si Ferdinand Marcos habang siasariwa ang suyuan.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda at si Ferdinand Marcos habang siasariwa ang suyuan. Mula sa Marcos Presidential Center.

Noong 1946, si Evita ay naging Unang Ginang sa edad na 26, habang si Imelda ay naging Unang Ginang noong 1965 sa edad na 36.  Parehong ninais na maging inspirasyon sa mga mahihirap kaya nagsuot ng mga magagarang mga gowns, mga alahas, mga sapatos.  Parehong nakibahagi sa pulitika, parehong nagpostura na kalaban ng aristokrasya, parehong naging diplomat, pareho ding nagpatayo ng mga ospital at parehong sinasabing nagbulsa ng pera ng bayan.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Argentina.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Argentina.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Pilipinas.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Pilipinas.

Juan at Eva Peron ng Argentina.  Mula sa Hoover Institution ng Stanford University.

Juan at Eva Peron ng Argentina. Mula sa Hoover Institution ng Stanford University.

Sina Ferdinand at Imelda Marcos ng Pilipinas. Mula sa Marcos Presidential Center.

Sina Ferdinand at Imelda Marcos ng Pilipinas. Mula sa Marcos Presidential Center.

Sina Juan at Eva Peron ng Argentina at sina Ferdinand at Imelda Marcos, royalty!

Sina Juan at Eva Peron ng Argentina at sina Ferdinand at Imelda Marcos, royalty!

Si Evita at si Imelda bilang mga fashionista sa mga gowns.

Si Evita at si Imelda bilang mga fashionista sa mga gowns.

Si Evita at si Imelda kapwa sa pribadong tagpo ng pagmamalaki sa kanilang mga alahas.

Si Evita at si Imelda kapwa sa pribadong tagpo ng pagmamalaki sa kanilang mga alahas.

Evita Peron, Jefa Espiritual de la Nacion.

Evita Peron, Jefa Espiritual de la Nacion.

Imelda Marcos, s akanyang imahe bilang Ina ng Bayan.  Mula sa Compassion and Commitment.

Imelda Marcos, s akanyang imahe bilang Ina ng Bayan. Mula sa Compassion and Commitment.

Nagpatayo ng pabahay na “Evita City” si Evita habang itinatag naman ang Metropolitan Manila para maging gobernador nito si Imelda at nagpatayo ng mga pabahay na BLISS at marami pang iba.  Kung si Evita ay may ampunan na “Children’s City,” si Imelda naman ay may ospital na “Lungsod ng Kabataan.”

Si Evita at Juan kasama ng kanilang ga kababayan.

Si Evita at Juan kasama ng kanilang ga kababayan.

Si Imelda Marcos kasama ang kaniyang mga tagahanga.

Si Imelda Marcos kasama ang kaniyang mga tagahanga.

Ang housing project na Ciudad de Evita ni Eva Peron.

Ang housing project na Ciudad de Evita ni Eva Peron.

Ang proyektong pabahay ni Imelda Marcos--Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)

Ang proyektong pabahay ni Imelda Marcos–Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)

Ang ampunang Ciudad Infantil (Lungsod ng mga bata), proyekto ni Evita.

Ang ampunang Ciudad Infantil (Lungsod ng mga bata), proyekto ni Evita.

Ang ospital na Lungsod ng Kabataan (Ngayo'y Philippine Children's Medical Center), proyekto ni Imelda.

Ang ospital na Lungsod ng Kabataan (Ngayo’y Philippine Children’s Medical Center), proyekto ni Imelda.

Ngunit hindi natupad ni Evita ang pangarap na maging bise presidente dahil nagkasakit ng kanser at namatay sa edad lamang na 33 noong 1952 na lubos na ipinagluksa ng tao.  Matapos nito, babagsak na rin si Peron.  Si Imelda naman naging “The Other President,” isa sa pinakamakapangyarihang babae ng kanyang panahon.  Bagama’t pinatalsik ng Himagsikang EDSA ang mag-asawang Marcos, tila winner pa rin si Imelda, hanggang ngayon buhay na buhay at aktibo pa sa pulitika.

Sa unang pagboto ng kababaihan sa Argentina na kanyang ikinampanya, bumoto si Eva Peron mula sa kanyang kama sa ospital bago mamatay sa sakit noong 1952.

Sa unang pagboto ng kababaihan sa Argentina na kanyang ikinampanya, bumoto si Eva Peron mula sa kanyang kama sa ospital bago mamatay sa sakit noong 1952.

Ang larawan ni Imelda na iginuhit ni Betsy Westerndorf de Brias sa Malacanang ay sinira ng mga tao noong himagsikang EDSA na nagpatalsik sa mga Marcos.

Ang larawan ni Imelda na iginuhit ni Betsy Westerndorf de Brias sa Malacanang ay sinira ng mga tao noong himagsikang EDSA na nagpatalsik sa mga Marcos.

Kung si Evita naghahagis ng pera, si Imelda naman ay mahilig maghagis ng kendi.

Kung si Evita naghahagis ng pera, si Imelda naman ay mahilig maghagis ng kendi.

Ang charming na si Mommy Imelda Romualdez Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang charming na si Mommy Imelda Romualdez Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ngunit paanong pareho silang umiral at namayagpag sa kapwa Katolikong mga bansa—Ang Argentina at Pilipinas kung saan malakas ang machismo?  Kasi itinuturing ng mga taga-Argentina si Evita na isang curandera, isang lokal na babaeng faith healer, habang sa aking tesis masterado, aking sinabi na tila nag-ala sinaunang babaylan si Imelda—espirituwal at kultural na pinuno, kwentista at manggagamot.

Curandera, babaeng faith healer sa Argentina.

Curandera, babaeng faith healer sa Argentina.

Si Evita bilang curandera.

Si Evita bilang curandera.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Imelda na umaawit sa gitna ng kaguluhan sa karagatan.  Parang isang babaylan.  Kuha ni Steve Tirona.

Si Imelda na umaawit sa gitna ng kaguluhan sa karagatan. Parang isang babaylan. Kuha ni Steve Tirona.

Ang hindi maikakaila, sa masama man o mabuti, binago nila ang mundo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 July 2013)

XIAO TIME, 26 July 2013: IKA-99 NA ANIBERSARYO NG IGLESIA NI CRISTO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang karismatikong tagapamahalang pangkalahatan na si Kapatid na Erano G. Manalo matapos bisitahin ang isang kapilya ng Iglesia.  Mula sa Pasugo.

Ang karismatikong tagapamahalang pangkalahatan na si Kapatid na Erano G. Manalo matapos bisitahin ang isang kapilya ng Iglesia. Mula sa Pasugo.

26 July 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  99 years ago, July 27, 1914, nang irehistro ni Ka Felix Y. Manalo ang kapatirang Iglesia ni Cristo sa pamahalaan.  Para sa mga tagapanalig nito, natupad sa pangyayaring ito ang hula ng Propeta Isaias, na dadalhin ang bayan ng Diyos sa Malayong Silangan, na ayon naman kay Mateo ay mangyayari sa panahon ng digmaan.  Kinabukasan, opisyal na magsisimula ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa na magtatagal hanggang 1918, lingid sa kanilang kaalaman.

Kapatid na Felix Y. Manalo.  Mula sa Pasugo.

Kapatid na Felix Y. Manalo. Mula sa Pasugo.

Nang ang Austria ay magdeklara ng digmaan laban sa Serbia at mga kakampi, July 28, 1914.

Nang ang Austria ay magdeklara ng digmaan laban sa Serbia at mga kakampi, July 28, 1914.

Paglalarawan ng isang yugto ng  Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918).

Paglalarawan ng isang yugto ng Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918).

Sampung taon bago pa man pumanaw ang Ka Felix noong 1963, ang kanyang anak na si Ka Eraño na ang napili na hahalili sa kanya.  Sa pagkamatay ng ama, ang una niyang ginawa ay libutin ang buong bansa upang patatagin ang loob ng mga kasapi sa kabila ng pang-uusig na mga kaibayo at pangamba na sa pagkawala ng Ka Felix, hihina na ang kapatiran.

Si Ka Felix at ang kanyang anak at kahalili na si Ka Erano "Ka Erdy" Manalo.  Mula sa INC TV.

Si Ka Felix at ang kanyang anak at kahalili na si Ka Erano “Ka Erdy” Manalo. Mula sa INC TV.

Ang Ka Felix sa isang Dakilang Pamamahayag, pinagigitnaan ng kanyang anak na si Ka Erano "Ka Erdy" G. Manalo na magiging kahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Cipriano P. Sandoval at Ka Teofilo C. Ramos Sr. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix sa isang Dakilang Pamamahayag, pinagigitnaan ng kanyang anak na si Ka Erano “Ka Erdy” G. Manalo na magiging kahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Cipriano P. Sandoval at Ka Teofilo C. Ramos Sr. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Si Ka Erdy sa kanyang mga paglalakbay sa bansa matapos mamatay ang Ka Felix.  Mula sa Philippines Free Press.

Si Ka Erdy sa kanyang mga paglalakbay sa bansa matapos mamatay ang Ka Felix. Mula sa Philippines Free Press.

Si Ka Erdy noong kanyang kabataan.  Mula sa Pasugo.

Si Ka Erdy noong kanyang kabataan. Mula sa Pasugo.

Ngunit, si Ka Erdy ay hindi lamang magpapatatag ng kapatiran, palalawakin pa niya ito.  Noong 1968, pinasinayaan niya ang pinakaunang lokal sa labas ng bansa, sa Honolulu, Hawaii at matapos lamang ang ilang linggo, sa San Francisco, California.  Ngayon, dahil sa epekto ng migrasyong Pilipino sa iba’t ibang panig ng daigdig, nasa 125 na dayuhang bansa na ang INC kasama na ang bansang nagbigay sa atin ng Katolisismo, Espanya, at sa mahahalagang lugar sa Kasaysayan ng Kristiyanismo—sa Roma noong 1994, Herusalem noong 1996 at Atenas noong 1997.

Ang Ka Erdy sa pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii. Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa kasama ang mga kapatid pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang Ka Erdy sa kasama ang mga kapatid pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang Ka Erdy sa pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang Ka Erdy sa pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang dokumento ng pagtatatag ng unang lokal ng INC sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii.  Mula sa Pasugo.

Ang dokumento ng pagtatatag ng unang lokal ng INC sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii. Mula sa Pasugo.

Unang lokal sa mainland USA sa San Francisco, California.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Unang lokal sa mainland USA sa San Francisco, California. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang tanggapan ng INC sa San Francisco, California.

Ang tanggapan ng INC sa San Francisco, California.

Iglesia ni Cristo sa Madrid, Espanya, bansa na nagbigay sa Pilipinas ng Katolisismo.

Iglesia ni Cristo sa Madrid, Espanya, bansa na nagbigay sa Pilipinas ng Katolisismo.

Ang Ka Erdy sa Roma, 1994.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Roma, 1994. Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Jerusalem, 1996.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Jerusalem, 1996. Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Atenas, 1997.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Atenas, 1997. Mula sa Pasugo.

Sa Pilipinas, umabot ang INC sa mga pinakamalalayong barangay ng bansa.  Nailipat ang pangasiwaan sa isang malaking lupain sa Diliman at naipatayo ang Central Offices, ang Tabernakulo, ang Pamantasang New Era at noong 1984, ang Templo Sentral.  Nagpatayo rin ng mga pabahay para sa kanilang mahihirap na kapatiran kasama na ang Barrio Maligaya, sa Laur, Nueva Ecija.  Dito inilipat ang mga kapatid na umalis sa Hacienda Luisita dahil sa persekusyon sa mga kapwa kasama noong 1965.

Kapilya sa malayong bayan ng Mauban, Quezon.  Mula sa Pasugo.

Kapilya sa malayong bayan ng Mauban, Quezon. Mula sa Pasugo.

Ang pagtatayo ng INC Central Offices.  Mula sa arkitektura.ph.

Ang pagtatayo ng INC Central Offices. Mula sa arkitektura.ph.

Ang INC Central Offices sa Diliman, Lungsod Quezon.  Mula sa Pasugo.

Ang INC Central Offices sa Diliman, Lungsod Quezon. Mula sa Pasugo.

Tabernakulo ng INC.

Tabernakulo ng INC.

Ang Pamantasang New Era.

Ang Pamantasang New Era.

Ang Templo Sentral ng Iglesia ni Cristo na itinayo noong 1984.

Ang Templo Sentral ng Iglesia ni Cristo na itinayo noong 1984.

Ang loob ng Templo Sentral sa panahon ng pagsamba.

Ang loob ng Templo Sentral sa panahon ng pagsamba.

Pagbubukas ng Barrio Maligaya sa Nueve Ecija.  Mula sa Liwanag Komiks.

Pagbubukas ng Barrio Maligaya sa Nueve Ecija. Mula sa Liwanag Komiks.

Ayon sa aklat na “The Conjugal Dictatorship” ni Primitivo Mijares, nang ipatupad ang Batas Militar noong madaling araw ng September 23, 1972, nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga gwardiya ng INC sa Diliman at ng mga militar na nagnais ipasara ang Eagle Broadcasting Network—DZEC.  Ayon sa Philippines Free Press, may mga balita na nagtago pala noon sa sentral ang ilan sa mga hindi makatwirang inuusig ng pamahalaan.

Sa isang kaarawan ni Ka Erdy, dumalo ang mga magkakalaban sa pulitika:  Pangulong Ferdinand Marcos, Senador  Serging Osmena (nakaupo), Senador Arturo Tolentino, Senador Ninoy Aquino at Senador Jose Roy.  Mula sa Ninoy:  The Willing Martyr.

Pulong ni Pangulong Marcos at ng kanyang mga heneral noong September 22, 1972, gabi nang ipatupad ang Batas Militar.  Mula sa Pribadong Koleksyon ng mga Marcos.

Pulong ni Pangulong Marcos at ng kanyang mga heneral noong September 22, 1972, gabi nang ipatupad ang Batas Militar. Mula sa Pribadong Koleksyon ng mga Marcos.

Si Pangulong Marcos at Unang Ginang Imelda Marcos habang binabati ng mag-asawang Ka Erdy Manalo noong ika55 taong kaarawan ni Ka Erdy noong January 2, 1980, sa INC Pavillion, Central Offices.  Mula sa Pasugo.

Si Pangulong Marcos at Unang Ginang Imelda Marcos habang binabati ng mag-asawang Ka Erdy Manalo noong ika-55 taong kaarawan ni Ka Erdy noong January 2, 1980, sa INC Pavillion, Central Offices. Mula sa Pasugo.

Ang Pangulong Marcos habang kinikilala si Ka Erdy Manalo noong kanyang ika55 taong kaarawan, January 2, 1980, sa INC Pavillion, Central Offices.  Mula sa Pasugo.

Ang Pangulong Marcos habang kinikilala si Ka Erdy Manalo noong kanyang ika-55 taong kaarawan, January 2, 1980, sa INC Pavillion, Central Offices. Mula sa Pasugo.

Sa harapan ng Ka Erdy, sumumpa si Kapatid na Alfredo Gorgonio bilang Hurado ng Caloocan City Court of First Instance.  Mula sa Pasugo.

Sa harapan ng Ka Erdy, sumumpa si Kapatid na Alfredo Gorgonio bilang Hurado ng Caloocan City Court of First Instance. Mula sa Pasugo.

Sa kabila ng iba’t ibang krisis sa bansa:  Sa pagkakahati sa mga panahon matapos ang EDSA noong 1986 at ng EDSA Tres noong 2001, patuloy na naging buo at matatag ang INC at nagpatuloy sa kanilang mga gawain ng paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng mga misyong medikal at mga pamamahayag, pagiging disiplinado sa pamumuhay ng kapatiran, pagdadamayan sa isa’t isa, at pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa pakikipagtalastasan.

Lingap sa Mamamayan at mga misyong medikal.  Mula sa Pasugo.

Lingap sa Mamamayan at mga misyong medikal. Mula sa Pasugo.

Dakilang Pamamahayag o Grand Evangelical Mission (GEM) mula sa Liwanag Komiks.

Dakilang Pamamahayag o Grand Evangelical Mission (GEM) mula sa Liwanag Komiks.

Ang Dakilang Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo sa Kamaynilaan noong February 27, 2012.

Ang Dakilang Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo sa Kamaynilaan noong February 27, 2012.

Si Ka Erdy habang nagteteksto.  Mula sa Pasugo.

Si Ka Erdy habang nagteteksto. Mula sa Pasugo.

Si Ka Erdy habang nagteteksto. Mula sa Pasugo.

Si Ka Erdy habang nagteteksto. Mula sa Pasugo.

Si Ka Erano G. Manalo. Mula sa Pasugo

Si Ka Erano G. Manalo. Mula sa Pasugo

Opisyal na larawan ng Ka Erdy.  Mula sa Pasugo

Opisyal na larawan ng Ka Erdy. Mula sa Pasugo

Si Ka Erdy kasama ang tinaguriang"Bayan ng Diyos."

Si Ka Erdy kasama ang tinaguriang”Bayan ng Diyos.”

50 kanyang anak na si Ka Eduardo tungo

ALAY SA ISANG DAKILANG PINUNO: Ang may-akda habang nag-aalay ng saludo sa harap ng mga labi ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo Eraño "Ka Erdy" Manalo sa Templo Sentral ng INC, gabi ng 3 Setyembre 2009 (TV grab mula sa Net25 sa kagandahang loob ni Charlemagne John Chua).

ALAY SA ISANG DAKILANG PINUNO: Ang may-akda habang nag-aalay ng saludo sa harap ng mga labi ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo Eraño “Ka Erdy” Manalo sa Templo Sentral ng INC, gabi ng 3 Setyembre 2009 (TV grab mula sa Net25 sa kagandahang loob ni Charlemagne John Chua).

Lahat ng ito at higit pa sa ilalim ng tahimik, subalit masikan at karismatikong pangangasiwa ni Ka Erdy, na ipinagpapatuloy ngayon ng kanyang anak na si Ka Eduardo tungo sa ika-isandaang taon ng kapatiran sa susunod na taon.  Ang tagumpay ng kanilang pangangasiwa ay konkretong nakaukit sa bato at semento ng bawat kapilya ng INC sa buong Pilipinas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 July 2013)

Ka Felix Manalo.  Mula sa Pasugo.

Ka Felix Manalo. Mula sa Pasugo.

Ka Erano G. Manalo.  Mula sa Pasugo.

Ka Erano G. Manalo. Mula sa Pasugo.

Ka Eduardo Manalo.  Mula sa Pasugo.

Ka Eduardo Manalo. Mula sa Pasugo.

Ang karisma ni Ka Eduardo.  Mula sa Pasugo.

Ang karisma ni Ka Eduardo. Mula sa Pasugo.

Ang Philippine Arena sa Bulacan, ang pinakamalaki sa buong daigdig, ay ipinapatayo ng Iglesia ni Cristo bilang bantayog sa kanilang ika-100 taong pag-iral.

Ang Philippine Arena sa Bulacan, ang pinakamalaki sa buong daigdig, ay ipinapatayo ng Iglesia ni Cristo bilang bantayog sa kanilang ika-100 taong pag-iral.

(Salamat kina Charley Anthony Chua at Charlemagne John Chua sa kanilang pagpapahiram ng kanilang koleksyon ng mga lumang Pasugo magazine kung saan hinango ang karamihan ng mga larawan.)

XIAO TIME, 24 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG LA LIGA FILIPINA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

23 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=L1wHGfrEEvE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 3, 1892, sa kanyang pagbabalik mula sa kanyang mga paglalakbay sa ibang bansa, itinatag ng ating Héroe Nacional na si Jose Rizal ang La Liga Filipina.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Nasa Hongkong pa lamang siya ay sinulat na niya ang saligang batas nito, at naglakbay pa-hilaga ng Maynila noong June 27, 1892 upang subukan ang bagong riles na ginawa ng kanyang karibal, ang asawa ni Leonor Rivera na si Inhinyero Charles Henry Kipping, at upang kausapin ang ilang mga tao sa Malolos, San Fernando at Tarlac.  [Ilan sa kanyang mga kinausap sa Pampanga ay sina Don Cecilio at Tiburcio Hilario.]  Sa pook na ito siya nagpalipas ng gabi sa Tarlac, Tarlac.  Noong siya ay pabalik na, nakausap naman niya sa bapor sa Calumpit, Bulacan ang kaanak namin na si Don Procopio Hilario na sa kalaunan ay magiging kasapi ng Katipunan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang bayan ng Malolos.  Mula sa www.univie.ac.at.

Ang bayan ng Malolos. Mula sa http://www.univie.ac.at.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Gabi ng Linggo, July 3, 1892, tinipon ni Rizal ang ilang makabayan at mason sa bahay ng Mestisong Tsino na si Doreoteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Kabilang sa pulong ang abogadong si Apolinario Mabini na noon ay tumatayo pa, ang bayaw ni Marcelo del Pilar na si Deodato Arellano, at ang bodegerong si Andres Bonifacio.

Doroteo Ongjunco.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Doroteo Ongjunco. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Mula sa Sulyap Kultura.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila. Mula sa Sulyap Kultura.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula kay Austin Craig.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula kay Austin Craig.

Limbag ng edisyon ngsaligang batas ng La Liga Filipina.

Limbag ng edisyon ng saligang batas ng La Liga Filipina.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo.  Kuha nin Cari Noza.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo. Kuha nin Cari Noza.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Matapos ang tatlong araw, inaresto si Rizal, July 6.  At matapos ang ilang araw, July 17, itinapon sa tila ang dulo ng mundo, Dapitan.  Tsk.  Bigo si Pepe.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892.  Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892. Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation.

Dapitan. Mula sa Vibal Foundation.

Sabi ng karamihan sa mga naunang historyador, si Rizal ay hindi para sa paghihiwalay ng Pilipinas mula sa Espanya dahil ang layunin ng Kilusang Propaganda ay reporma lamang.  Kung gayon, bakit siya National Hero kung di naman siya para sa nation???  Kaloka!  Tsaka wala namang ginawa si Rizal kundi sumulat ng sumulat.

Espana y Filipinas.  Obra maestra ni Juan Luna.

Espana y Filipinas. Obra maestra ni Juan Luna.

Ngunit ayon kay Floro Quibuyen sa kanyang aklat na A Nation Aborted, makikita na nais magtatag ng nagsasariling bansa si Rizal sa unang punto ng kanyang saligang batas:  “Magkaisa ang buong kapuluan upang maging isang katawan.”  Malamang, hindi ito samahan na magtatag ng isa pang samahan.  Ang isang katawan na bubuuuin dito siyempre ay ang bansa!  Anong klaseng bansa?  Ayon na rin sa saligang batas ng Liga, magbibigay “proteksyon mula sa lahat ng pangangailangan, pagtatanggol laban sa karahasanan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.”

Pabalat ng A Nation Aborted:  Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen.  Mula sa Ateneo Press

Pabalat ng A Nation Aborted: Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen. Mula sa Ateneo Press

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Pansinin, para kay Rizal ang pagkabansa ay nagsisimula sa grassroots.  Nagsisimula ang pagkabansa sa bawat mabuting gawa sa kapwa, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isang Pilipino.  Inugat ni Quibuyen ang konsepto ng bansa ni Rizal sa mga isinulat ng Alemang pilosopo na si Johann Gottfried von Herder:  Ang pagiging bahagi ng bansa ay hindi batay sa dugo kundi sa isang damdaming kultural at moral ng mga nakapaloob dito.

Johann Gottfried Herder.  Mula sa counter-currents.com.

Johann Gottfried von Herder. Mula sa counter-currents.com.

Sa Liga naipakita ni Rizal na hindi lamang siya puro sulat, nais niyang isakatuparan ang nais niyang bansa.  Naudlot man, ipinagpatuloy ng Liga member na si Bonifacio ang laban para sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay tulad ng sinasabi ng motto ng Liga, “Unus  instar  ómnium”—Ang isa ay tulad ng lahat.  Sa pagbubuo ng bansang maginhawa, mahalaga ka kabayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 18 July 2013: FALL OF THE BASTILLE: ANG PRANSIYA AT ANG PILIPINAS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagkubkob sa kulungang Bastille sa kalagitnaan ng Paris.  Mula sa Wikipedia:  "The Storming of the Bastille", Visible in the center is the arrest of Bernard René Jourdan, m de Launay (1740-1789), Watercolor painting; 37,8 x 50,5 cm.

Ang pagkubkob sa kulungang Bastille sa kalagitnaan ng Paris. Mula sa Wikipedia: “The Storming of the Bastille”, Visible in the center is the arrest of Bernard René Jourdan, m de Launay (1740-1789), Watercolor painting; 37,8 x 50,5 cm.

18 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RswpIjJxfT4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Si Andres Bonifacio, bagama’t isang bodegero noon sa isang Alemang kumpanya sa Maynila, ang Fressel and Company, ay mahilig magbasa ng mga aklat sa wikang Espanyol sa kanyang libreng oras.  Sinasabing ilan sa kanyang mga binasa ay ang Les Misérables ni Victor Hugo, mga nobela ni Alexandre Dumas, at ang kasaysayan ng Himagsikang Pranses.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Victor Hugo, may-akda ng "The Hunchback of Notre Dame" at "Les Miserables".  Mula sa freethoughtalmanac.com.

Victor Hugo, may-akda ng “The Hunchback of Notre Dame” at “Les Miserables”. Mula sa freethoughtalmanac.com.

Alexandre Dumas, may akda ng "The Count of Monte Cristo" at "The Three Musketeers."  Mula sa Wikipedia.

Alexandre Dumas, may akda ng “The Count of Monte Cristo” at “The Three Musketeers.” Mula sa Wikipedia.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses.  Mula sa teachnet.eu.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses. Mula sa teachnet.eu.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses.  Mula sa historymatters365.com.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses. Mula sa historymatters365.com.

Bagama’t kailangang sabihin na bagama’t sa bayan kumuha ng mga ideya si Bonifacio para sa itatatag na Katipunan, sa mga banyagang aklat maaaring kumuha siya ng inspirasyon na kayang mangyari ang kanyang mga inaadhika.  Dahil sa pagbabasa, nahiraya ni Bonifacio sa kanyang isipan na maari palang tayo ang maging hari sa bayang ito.  Isang weirdong kaisipan noong panahon na iyon.  Kaya itinatag niya ang Katipunan.  Nabasa ni Bonifacio na dati, naniniwala ang mga tao sa Europa na ang paghahari ng isang dinastiya ay kaloob ng Diyos—Divine Right.  Kaya naman, marami sa mga hari na ito ang namuhay na marangya sa kabila ng paghihirap ng tao.

Haring Louis XVI, tinanggal at pinugutan ng Rebolusyong Pranses.  Mula sa historicalhistrionics.wordpress.com.

Haring Louis XVI, tinanggal at pinugutan ng Rebolusyong Pranses. Mula sa historicalhistrionics.wordpress.com.

Ang Tennis Court Oath, isa sa mga nagpasiklab ng himagsikang Pranses, June 20, 1789.

Ang Tennis Court Oath, isa sa mga nagpasiklab ng himagsikang Pranses, June 20, 1789.

La Liberté guidant le peuple (Liberty Leading the People) ni Eugène Delacroix, 1830.

La Liberté guidant le peuple (Liberty Leading the People) ni Eugène Delacroix, 1830.

Ang Commune ng Paris ng August 10, 1792 -- Pagkubkob sa Palasyo ng Tuileries.  Mula sa http://www.newworldencyclopedia.org.

Ang Commune ng Paris ng August 10, 1792 — Pagkubkob sa Palasyo ng Tuileries. Mula sa http://www.newworldencyclopedia.org.

Ngunit pinatunayan ng mga Pranses 224 years ago, July 14, 1789, na maaari palang makalaya sila sa ganitong sistema.  Sa umagang yaon, ang mapaniil na kulungang Bastille, ang sentro at simbolo ng kapangyarihan ng hari sa kalagitnaan ng Paris ay kanilang pinabagsak.  Ito ang isa sa unang mga kaganapan na nagpaalab ng Himagsikang Pranses kung saan isinagaw ng mamamayan ng Pransiya—Liberté, Egalité, Fraternité!  Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Kapatiran.  Mga salitang ipinaburda din ni Emilio Aguinaldo sa isa sa mga unang kopya ng bandila ng Pilipinas noong rebolusyon.

Poster na nagpapakita ng motto ng Himagsikang Pranses.

Poster na nagpapakita ng motto ng Himagsikang Pranses.

Hango sa replica ng watawat:  Ang motto ng himagsikang Pranses.

Hango sa replica ng watawat: Ang motto ng himagsikang Pranses.

Matapos ang People Power Revolution na ang naging inspirasyon ay si Pangulong Cory Aquino, inanyayahan ang ating pangulo ni Pangulong Francois Mitterand ng Pransiya na maging tanging pinunong bisita ng estado o state visitor sa ika-200 taon ng Himagsikang Pranses noong July 1989.  Isang malaking karangalan para sa ating bansa.  Katibayan ng malagkit na ugnayan ng Pilipinas at Pransiya.

Ang Dating Pangulo ng Pransiya Francois Mitterand.  Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Ang Dating Pangulo ng Pransiya Francois Mitterand. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas ang tanging bisita ng Estado ng Pransiya noong ika-200 taon ng Himagsikang Pranses.  Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas ang tanging bisita ng Estado ng Pransiya noong ika-200 taon ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Parada para sa ika-200 taong pagdiriwang ng Himagsikang Pranses.  Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Parada para sa ika-200 taong pagdiriwang ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Flypast na gumugunita sa sa ika-200 taong anibersaryo ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Flypast na gumugunita sa sa ika-200 taong anibersaryo ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Kamakailan lamang, noong May 29, 2013, dahil sa kanyang pagtulong sa ilang mga maralitang kabataan sa lansangan na makatuntong sa Pransiya at magkaroon ng panibagong pananaw sa buhay, ginawaran ng International Order of the Knights of Rizal sa pangunguna ni Supreme Commander Reghis Romero, II, ang kabiyak ng Primer Ministro ng Pransiya na si Madamme Brigette Ayrault ng medlyang Rizal Women of Malolos, ang unang pagkakataon na ibinigay ito sa isang natatanging babaeng Europeo.  Malugod na tinanggap ang aking mga brother knights tinaggap ng Primer Ministro Jean-Marc Ayrault sa tahanan ng mga Primer Ministro sa Hotel Matignon.  Nakakatuwa sapagkat sinamahan talaga sila ng mag-asawang Ayrault hanggang sila na mismo ang magpaalam sa mag-asawa na sila ay aalis na.  Ganun katindi ang pagpapahalaga sa Pilipinas ng pamahalaan doon.

Sina Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR ng International Order of the Knights of Rizal sa harapan mismo ng Hotel Matignon, ang tahanan ng Primer Ministro ng Pransiya.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang pagdating ng mag-asawang Ayrault. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang pagdating ng mag-asawang Ayrault. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang medlyang Rizal Women of Malolos na ipinagkaloob ng International Order of the Knights of Rizal kay  Madamme Brigette Ayrault, Unang Ginang ni Primer Ministro Jean-Marc Ayrault ng Pransiya.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Nang isabit ni Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR ang medalyang Rizal Women of Malolos sa kay Madamme Brigette Ayrault noong May 29, 2013 sa Hotel Matignon sa Paris, Pransiya.  Mula Kay Sir Mark Roy Boado.

Ang paggawad ng plake ng pagkilala kay Madamme Brigette Ayrault mula sa kapatirang International Order of the Knights of Rizal habang nakamasid si Embahador ng Pilipinas sa Pransiya Cristina Ortega.  Mula kay Mark Roy Boado

Sina Sir Choy Arnaldo, Sir Dave Santos, Sir Reghis Romero, Madame Brigitte Ayrault, PM Jean- Marc Ayrault, Amb. Cristina Ortega, French Minister, Sir Lino Paras, at Sir Rudy Nollas.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Sina Sir Choy Arnaldo, Sir Dave Santos, Sir Reghis Romero, Madame Brigitte Ayrault, PM Jean-
Marc Ayrault, Amb. Cristina Ortega, French Minister, Sir Lino Paras, at Sir Rudy Nollas. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II habang ipinapaliwanag ang regalong "Bayanihan" kay Primer Ministro Jean-Marc Ayrault.  Mula kay Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II habang ipinapaliwanag ang regalong “Bayanihan” kay Primer Ministro Jean-Marc Ayrault. Mula kay Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR habang nagpapaalam kay Madamme Brigette Ayrault na aalis na sa Hotel Matignon.  Sinamahan sila hanggang sa huli.  Mula kay Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR habang nagpapaalam kay Madamme Brigette Ayrault na aalis na sa Hotel Matignon. Sinamahan sila hanggang sa huli. Mula kay Mark Roy Boado.

Isinabay na rin nila sa paglalakbay na iyon ang pagbisita sa mga hotel, apartment, klinika na napuntahan ni Jose Rizal sa Paris kasama na ang tahanan nina Juan Luna kung saan binuo nilang magkakaibigan ang hiraya para sa isang mas malayang bansa tulad ng Pransiya.  Vive Le France!  Mabuhay ang Pilipinas!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

Ang Supreme Council ng International Order of the Knights of Rizal at mga kaibigan sa Hotel Aramis, kung saan namalagi si Rizal noong nasa Paris.  Mula kay Mark Roy Boado.

Ang Supreme Council ng International Order of the Knights of Rizal at mga kaibigan sa Hotel Aramis, kung saan namalagi si Rizal noong nasa Paris. Mula kay Mark Roy Boado.

Marker sa naging klinika ni Rizal sa Paris.  Mula kay Mark Roy Boado.

Marker sa naging klinika ni Rizal sa Paris. Mula kay Mark Roy Boado.

Si Sir Mark Roy Boado kasama ang Surpreme Council ng International Order of the Knights of Rizal sa bahay ni Juan Luna sa Paris.  Mula kay Mark Roy Boado.

Si Sir Mark Roy Boado kasama ang Surpreme Council ng International Order of the Knights of Rizal sa bahay ni Juan Luna sa Paris. Mula kay Mark Roy Boado.

Ang Los Indios Bravos.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang Los Indios Bravos. Mula sa Vibal Foundation.

Ang marker para sa Plaza sa Paris na ipinangalan kay Jose Rizal.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang marker para sa Plaza sa Paris na ipinangalan kay Jose Rizal. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

XIAO TIME, 16 July 2013: ANG KILLER QUAKE SA LUZON

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Hyatt Terraces Hotel sa Lungsod ng Baguio, ang isa sa pinaka-naaalalang guho noong lindol ng July 16, 1990.  Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

16 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=y0GwT2S8PL4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  23 years ago, July 16, 1990.  Naaalala ko pa, alas 4:26 ng hapon, nasa aming bahay kami sa Tarlac, ako ay six years old lamang noon.  Nanonood kami ng kapatid kong si Michelle ng Tagalog Movie Greats sa TV sa aming silid nang bigla na lamang umuga ang lupa ng napakalakas na parang duyan!  Nakita ko kung paanong bumagsak ang aming electric fan.  Ang nanay ko na naglalaba noon sa likurang bahay ay pinuntahan kami at dinala kami sa ilalim ng la mesa.

Si

Si “Mike” Chua noong 1990, estudyante ng Prep sa Mary Grace Montessori School. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Vilma Chua at ang kanyang anak na si Michelle sa mismong silid kung nasaan nakahiga ang magkapatid nang mangyari ang lindol nong July 16, 1990.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Vilma Chua at ang kanyang anak na si Michelle sa mismong silid kung nasaan nakahiga ang magkapatid nang mangyari ang lindol nong July 16, 1990. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Habang ako ay iyak ng iyak dahil sa napanood ko sa mga pelikula pihado kakong mamamatay na kami, ang kapatid kong babae naman ay tawa ng tawa habang nangyayari ang lahat.  Nang matapos ang pagyanig, nilapitan ko ang aming malaking Sto. Niño dahil sa pananaw ko noon hawak nito ang mundo na kanyang pinayanig at akin itong sinampal, “Bakit mo pa kami binuhay kung papatayin mo lang kami!”

Si

Si “Mike” at ang kanilang Sto. Nino. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Dapat ko pa palang pasalamatan ang Diyos dahil hindi man lamang naano ang aming bahay, habang nakita ko kung paano nasira ang bahay ng aming mga kamag-anak, maging ang aming ancestral house sa Balibago I, umangat ang mga kalsada at nabiyak ang lupa.  Naganap pala noong hapon na iyon ang itinuturing na pinakamapaminsalang lindol na naganap sa bansa dahil naramdaman ang lindol na sumentro sa Rizal, Nueva Ecija malapit sa Cabanatuan at may lakas na 7.8 surface wave magnitude sa Richter Scale sa 23 matataong mga probinsya sa anim na rehiyon sa Luzon.  Sa Cabanatuan, ang pinakamataas na gusali doon, ang anim na palapag na Christian College of the Philippines ay gumuho sa oras na may mga klase, 154 ang namatay doon.

Ang guho ng Christian College of the Philippines sa Lungsod ng Cabanatuan.  Mula sa monvalmonte.com.

Ang guho ng Christian College of the Philippines sa Lungsod ng Cabanatuan. Mula sa monvalmonte.com.

Naaalala ko na pinapanood sa telebisyon ang isang batang babae na kinapanayam pa ng isang network habang nasa ilalim ng guho, namatay din ang bata.  Ang 20-taong gulang naman na si Robin Garcia, ay nakapagligtas pa ng walong estudyante at guro sa guho bago siya mismo ay matabunan sa isang aftershock.  Sa Dagupan, parang kumunoy na lumubog ang ilang gusali ng lungsod ng isang metro!

Hotel Nevada sa Lungsod ng Baguio na lumubog sa lupa.

Hotel Nevada sa Lungsod ng Baguio na lumubog sa lupa.

Isang gusali sa Lungsod ng Baguio na lumubog.  Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Isang gusali sa Lungsod ng Baguio na lumubog. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ngunit ang Lungsod ng Baguio talaga sa kabundukan ng Benguet ang nawasak.  Nagkaroon ng pagguho ng lupa sa Kennon Road, nasira ang mga kalsada, at mga gusali, lalo na ang pinakamalaking otel sa Baguio, ang Hyatt Terraces Hotel, gumuho na parang kastilyong baraha.

St. Vincent sa Baguio noong lindol ng 1990.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

St. Vincent sa Baguio noong lindol ng 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Landslide sa Kennon Road.

Mga gumuhong bahay sa Lungsod ng Baguio.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga gumuhong bahay sa Lungsod ng Baguio. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Mga kotseng natabunan ng gusali sa Lungsod ng Baguio.

Mga kotseng natabunan ng gusali sa Lungsod ng Baguio.

Ang mga nasawi ay hinukay mula sa mga guho.    Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ang mga nasawi ay hinukay mula sa mga guho. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ilan sa mga namatay sa Lungsod ng Baguio noong lindol ng July 16, 1990.   Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Ilan sa mga namatay sa Lungsod ng Baguio noong lindol ng July 16, 1990. Mga larawan na nagmula sa Baguio Midland Courier, makikita sa http://www.cityofpines.com/baguioquake/quake.html.

Isang nadaganan ng waiting shed sa Harrison Road.

Isang nadaganan ng waiting shed sa Harrison Road.

Isang nakaligtas mula sa Hyatt Hotel.

Isang nakaligtas mula sa Hyatt Hotel.

Si Defense Chief Fiedel Ramos at Mayor Orros ng Lungsod ng Baguio.  Mula sa Cordillera Virtual Museum.

Si Defense Chief Fidel Ramos at Mayor Orros ng Lungsod ng Baguio. Mula sa Cordillera Virtual Museum.

Ang guho ng Hyatt Terraces Hotel mula sa himpapawid.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang guho ng Hyatt Terraces Hotel mula sa himpapawid. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nawalan ng tubig at naputulan ng kuryente at telepono ang lungsod.  Tumira ang maraming nasalanta sa mga tolda, at nauso ang “tent city.”

“Tent City” sa Lunsod ng Baguio.

Makakalimutin tayo sa kasaysayan, at unang nabanggit sa akin ni kasamang Marc Castrodes na isang puwedeng dahilan nito ay ang mga kalamidad sa Pilipinas, daanan kasi tayo ng bagyo at bahagi ng Pacific Ring of Fire.  Tuwing may kalamidad, maaaring mawala ang naipundar natin, mamamatay ang ating mga mahal sa buhay.  Kung didibdibin natin ang mga trahedyang ito, masisira ang ulo

Si Xiao Chua at Marc Castrodes sa makasaysayang coverage para sa ika-40 paggunita sa proklamasyon ng Martial Law noong September 21, 2012, Bantayog ng mga Bayani.  Kuha ni Rapha-el Q. Olagario.

Si Xiao Chua at Marc Castrodes sa makasaysayang coverage para sa ika-40 paggunita sa proklamasyon ng Martial Law noong September 21, 2012, Bantayog ng mga Bayani. Kuha ni Rapha-el Q. Olagario.

Ilang sandali matapos ang pagyanig.  Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Ilang sandali matapos ang pagyanig. Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Pagrarasyon ng pagkain at labada.  Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

Pagrarasyon ng pagkain at labada. Mula sa Cordillera Virtual Newseum.

nating mga Pinoy, kaya ang coping mechanism natin ay makalimot.

May punto, kagandahan lang, sa panahon din ng mga kalamidad, lumalabas ang bayanihan ng mga Pinoy kung saan nagkakaisa tayo sa pagtulong bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 12 July 2013: ESKULTOR NG BAYAN, GUILLERMO ESTRELLA TOLENTINO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

12 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=JvodYP71Z0M

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  37 years ago, July 12, 1976, sumakabilang buhay si Guillermo Estrella Tolentino.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya lang naman ang iskultor na nakilala sa kanyang mga likhang sining na nagpapakilala sa ating mga bayani, tulad ng busto ni José Rizal, Andres Bonifacio sa Monumento, Ramon Magsaysay, at marami pang iba.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal.  Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal. Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang "monumento."  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang “monumento.” Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan.  Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan. Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Isinilang siya noong July 24, 1890 sa Malolos, Bulacan.  Ang kanyang Amerikanong gurong Thomasite na si Mrs. H.A. Bordner ang siyang nakapansin ng galing sa sining ni koya kaya inusig niya ito, ituloy mo lang yan teh.  Sa Maynila itinuloy niya ang kanyang pag-aaral at tumira sa kanyang kamag-anak at nanilbihan sa kanila upang makaraos sa hayskul.  Ayon sa kanya, “Alilang kanin ako noon.”  Nang pumasok sa School of Fine Arts ng UF, Unibersidad ng Filipinas, este UP, katabi lang naman niya sa upuan noon ang future director ng eskwelahan nila at magiging grand master painter ng bansa na si Fernando Amorsolo.

Si Fabian de la Rosa, ang direktor ng UP School of Fine Arts, kasama ang kanyang mga estudyante kasama na sina Guillermo Tolentino (ikatlo mula sa kaliwa) at Fernando Amorsolo (ika-apat).  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Nagtungo sa Washington D. C., pitong dolyar lamang ang dala at namasukan sa isang kapihan sa Rock Creek Park na paboritong pasyalan ni Pangulong Woodrow Wilson.  Idol nitong si Tolentino si Wilson dahil sa kanyang pag-aadhika ng kapayapaan.  Giniguhit niya rin ang mga parokyano ng kapihan kaya napansin siya ng mismong sekretarya ng Unang Ginang.  Sa wakas, nagkakilala si Tolentino at ang kanyang idolong si Wilson, at dahil sa rekomendasyon ng pangulo, naging iskolar ng isang milyonaryo at nakapag-aral ng Advanced Sculpture sa Beaux Arts School sa New York City.  Naging assistant pa ni Gutzon Borglum, na siya lang naman ang gumawa ng mga istatwa ng mga pangulo ng Amerika sa Bundok Rushmore.

Pangulong Woodrow Wilson.  Mula sa history.com

Pangulong Woodrow Wilson. Mula sa history.com

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra.  Mula sa blackforestinn.net

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra. Mula sa blackforestinn.net

Itinuloy ang pag-aaral ng klasikal na iskultura sa Royal Academy of Fine Arts sa Roma.  Naghirap si Tolentino sa Roma kaya sa pamamagitan ng isang peryodista, nag-ambagan ang ilang kababayan para sa kanya.  Hindi niya sinayang ang kanyang talento.  Noong 1925, bumalik siya sa bayan, nagturo sa UP at nilikha ang isa sa kanyang pinakakilalang obra, isang bayaning hubad na handing ialay ang kanyang buhay para sa Inang Bayan—naging simbolo ng Academic Freedom sa UP, ang Oblation.

Guillermo Tolentino

Guillermo Tolentino

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang "Oblation."  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang “Oblation.” Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Take note, hindi ang tatay ni FPJ ang modelo nito, kundi composite ng kanyang mga estudyante katulad ni Anastacio Caedo. Ito ang ebidensya.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan).  Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan). Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo.  Kuha ni Xiao Chua.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo. Kuha ni Xiao Chua.

Gumawa siya dalawang wax statue ni Rizal na sabi ng mga nakakilala kay Rizal ay parang nakita mo na rin ang heroe nacional.  Ang mga monumento niya para kay Bonifacio ay ibinatay niya sa bone structure ng kapatid nito na si Espiridiona.  Nagreresearch talaga si lolo, hindi lang gamit ang kasaysayan kundi ang espiritismo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon. Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio. Nililok ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo.  Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo. Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Nang minsan sumangguni siya sa espiritista sa edad na 42 kung makakapag-asawa pa ba siya, hinula ng espiritista na ang kanyang 19-taong gulang na anak ang itinadhanang magiging ina ng mga bayani.  Ayun, niligawan niya ang anak ng espiritista at nagpakasal sila.  Si Tolentino at si Amorsolo ang naging tagapagtanggol ng klasikal na sining sa harap ng hamon ng modernismo at abstraksyon.

Guillermo Tolentino.  Mula kay Ian Alfonso.

Guillermo Tolentino. Mula kay Ian Alfonso.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino).  Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino). Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Noong 1973, itinanghal siyang Pambansang Alagad ng Sining.  Ka Guillermo, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 11 July 2013: REYNA NG KUNDIMAN, ATANG DELA RAMA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan.  Mula sa digitaleducation.net.

Ka Atang de la Rama sa panahon ng kanyang kasikatan. Mula sa digitaleducation.net.

11 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=tMwHNPd5RgM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong November 1979, isang babae ang kumanta ng huling nota ng awit na “Nabasag ang Banga” na nagpatili at nagpahiyaw sa mga tao.  Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, hindi ito nakapagtataka sa panahon na iyon na hawakan lang ni Nora Aunor ang mikropono ay nagsisigawan na ang mga tao, ngunit hindi superstar o pop princess o international singing sensation ang nagtatanghal, kundi isang 74-year old na lola, nakuba na dahil sa kanyang matandang edad at dahil sa isang aksidente, puro ugat na ang kanyang mga kamay, nang tanghaling “Reyna ng Kundiman.”

Lola Atang, Reyna ng Kundiman.  Mula sa manilagrandopera.com.

Lola Atang, Reyna ng Kundiman. Mula sa manilagrandopera.com.

Sabi ng isang guro sa mga manonood, “Walang makakapantay kay Atang!”  Sabi ng katabi niyang nakabarong, “Natural kasi, nasa dugo.”  Isinilang si Honorata de la Rama sa Pandacan, Maynila noong January 11, 1902.  Maagang naulila si Atang at inalagaan ng isang babaeng taga Gagalangin, Tondo na may asawang kompositor.  Kaya pitong taong gulang pa lamang gumanap na sa mga sarswela.

Atang de la Rama.  Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama. Mula sa rngonline.org.

Atang de la Rama.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Atang de la Rama. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, nlp.gov.ph.

Minsan, ikinuwento niya sa historyador na si Dr. Ambeth Ocampo na noong 10 years old siya, habang nageensayo sa Lucena, sinundo siya ng isang lalaking nakakabayo na kilala sa tawag na “Kastila,” isinakay siya sa isa sa mga kaing ng kabayo.  Tahimik lang si “Kastila” pero sa mahabang paglalakbay paminsan ay pinapaawit na lamang siya, nainis ang bata sapagkat mainit ang byahe.  Nang umabot sa isang ilog, sumakay sila sa casco at pinakain ng kain, kamatis at isda, lumamon nang lumamon ang bata sa gutom.  Matapos ang isang araw na paglalakbay, Baler pala ang kanilang destinasyon at sa isang malaking bahay, ang kaniya palang aawitan noong gabing iyon ay si Doña Aurora Aragon.

Atang de la Rama kasama si Ambeth Ocampo.  Ikinuwento ni Ka Atang kay Sir Ambeth na nang tumungo siya sa malaking bahay sa Baler, tinanong siya ng gitarista, ano ba ang nais niyang kantahin.  Sagot ni Ka Atang, kahit na anong kaya mong tugtugin.  Ganoon kagaling si Ka Atang, kahit hindi niya alam ang kanta, madali niyang makuha ang himig at madali niyang maimbento ang mga titik.  Pagdating ng panahon siya na mismo ang susulat ng sarili niyang mga sarswela.  Sabi niya kay Sir Ambeth “Marami kang dapat matutunan mula sa iyong Lola Atang.”  Mula sa peysbuk ni Sir Ambeth.

Dona Aurora Aragon Quezon.  Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Dona Aurora Aragon Quezon. Obra maestra ni Fabian de la Rosa.

Pinaharana sa kanya ng “Kastila” na si Manuel Quezon.  Hindi niya sukat akalain na magiging pangulo siya ng Pilipinas at aawit muli para sa kanya sa Palasyo ng Malacañan.  Sisikat ng husto sa sarswela na Dalagang Bukid noong 15-taong gulang siya at magiging artista rin sa movie version nito, ang unang aktres sa unang Tagalog film na pinrodyus ng Ama ng Pelikulang Pilipino Jose Nepomuceno.

Atang de la Rama.  Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Atang de la Rama. Mula sa Looking Back ni Dr. Ambeth Ocampo.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Si Atang bilang Dalagang Bukid noong 1919. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Poster para sa Dalagang Bukid.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino.  Mula kay Dennis Villegas.

Jose Nepomuceno, Ama ng Pelikulang Pilipino. Mula kay Dennis Villegas.

Mahiwagang Binibini.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Mahiwagang Binibini. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Dugong Silangan.  Pelikula ni Atang de la Rama.  Mula sa Video 48.

Dugong Silangan. Pelikula ni Atang de la Rama. Mula sa Video 48.

Hindi lang ito kabuhayan para sa kanya, naniniwala siyang musika ang kaluluwa ng bansa.  Itataguyod niya ang kundiman at pasisikatin ang mga kantang “Bayan Ko!” “Mutya ng Pasig” at marami pang iba.  Noong pumunta sa Japan noong 1925, nakilala niya si Artemio Ricarte, heneral na hindi sumuko sa mga Amerikano.  Noong 1932, pinakasalan ang makabayang manunulat Ka Amado V. Hernandez, na nang ikulong matapos ang digmaan sa bintang na rebelyon at nang mamatay noong 1970, si Atang ang nagpatuloy ng kanyang mga ipinaglalaban, nagsasalita sa mga kabataan.

Atang de la Rama

Atang de la Rama

Atang de la Rama.  Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama. Mula sa himig.com.ph.

Atang de la Rama.  Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Atang de la Rama. Mula sa Koleksyong Atang de la Rama.

Heneral Artemio Ricarte.

Heneral Artemio Ricarte.

Ka Amado V. Hernandez.

Ka Amado V. Hernandez.

Bayan Ko.  Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino.  Musika ni Constancio de Guzman.

Bayan Ko. Musika ni Constancio de Guzman batay sa tula ni Heneral Jose Alejandrino. Musika ni Constancio de Guzman.

Noong 1987, itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining, naabutan pa si Sharon Cuneta, at naabutan pa nang ang kanyang kantang pinasikat, ang “Bayan Ko” ay magiging awit ng Himagsikang EDSA na tiningala sa daigdig.  Namatay si Ka Atang, 22 years ago, July 11, 1991.  Ka Atang de la Rama, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 19 July 2013: KASAYSAYAN NG STATE OF THE NATION ADDRESS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III.  Mula sa malacanang.gov.ph.  From malacanang.gov.ph.

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III. Mula sa malacanang.gov.ph. From malacanang.gov.ph.

19 July 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa July 22, 2013, ibabahagi ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang ika-apat na talumpati ukol sa kalagayan ng bansa o State of the Nation Address.  Noong 2009, isang pangunahing pahayagan ang naglathala ng isang artikulo ukol sa kasaysayan ng State of the Nation Address at sinabi nito na ang unang manipestasyon ng SONA ay ang tinawag nilang “State of the Katipunan Address” o SOKA na ibinahagi ni Supremo Andres Bonifacio bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik noong Tejeros Convention na umagaw sa kanyang puwesto noong March 22, 1897.  Lumaganap ang impormasyon na ito sa internet, tradisyunal na media at maging sa mga billboard sa paaralan.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention.  From Adarna Publishing, Inc.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention. From Adarna Publishing, Inc.

Source of SOKA.

Source of SOKA.

SOKA???  Kaloka.  Liban sa katunog ito ng SOCO, walang record na nagsuka, este, nagtalumpati si Bonifacio ukol sa kalagayan ng Katipunan sa kapulungan na iyon.  Salamat kay Undersecretary Manolo Quezon, tinama niya gamit ang mga historikal na batis sa kanyang mga sulatin ang kasaysayan ng napakahalagang taunang kaganapang ito.  Ang terminong “State of the Nation” ay hiniram sa ulat na “The State of the Union” na binibigkas ng Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika sa kanyang kongreso.

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Si Xiao Chua kasama sina Undersecretary Manuel Quezon, III (ikatlo mula sa kaliwa), kasama sina Dr. Evelyn Songco at Dr. Cesar Pobre, mga dating pangulo ng Kapisanang Pagkasaysayan ng Pilipinas, Tejeros Hall, AFP Commissioned Officers Club, Camp Aguinaldo, March 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama's State of the Union Address. From whitehouse.gov.

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama’s State of the Union Address. From whitehouse.gov.

Sa 1935 constitution nasasaad na isa sa tungkulin ng Pangulo ng Pilipinas  “from time to time” ay ang pagbibigay ng ulat ukol sa “State of the Nation,” at una itong isinakatuparan ni Pangulong Manuel Quezon noong November 25, 1935 sa harapan ng Pambansang Asembleya.  Tanging si Pangulong Elipidio Quirino lamang ang nag-SONA na wala sa kongreso.  Noong January 23, 1950, ang maysakit na Quirino ay iniradyo na lamang ang kanyang SONA sa kongreso mula sa John Hopkins Hospital sa Baltimore.

Fom gov.ph:  President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

Fom gov.ph: President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

From gov.ph:  President Roxas delivers his SONA in 1946.

From gov.ph: President Roxas delivers his SONA in 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph:  President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph: President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From gov.ph:  President Quirino in 1949.

From gov.ph: President Quirino in 1949.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa  ospital, mula sa gov.ph.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa ospital, mula sa gov.ph.

Si Pangulong Ferdinand Marcos, liban sa may hawak na record na pinakamaraming SONA na naibigay—20, ang nagbigay rin ng pinakamahabang SONA noong 1969, 29,335 words, isang libro!

Isang librong SONA:  1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Isang librong SONA: 1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Noong January 26, 1970, nagkaroon ang malaking rally ang mga kabataan sa harapan mismo ng Kongreso at matapos na magtalumpati ang Pangulong Ferdinand Marcos, pinaulanan siya ng bato.  At dito nagkaroon tayo ng dalawang SONA, ang SONA ng pangulo at ang tinatawag na “SONA ng Bayan” na nagpapakita ng dalawang mukha ng bayan, ang mga tagumpay at kabiguan ng pamahalaan.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad.  Mula sa Militant But Groovy.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad. Mula sa Militant But Groovy.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009.  Photo  by Marlon Cornelio.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.  Photo  by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Natigil ang SONA nang iproklama ni Marcos ang Martial Law noong 1972 at napalitan ito ng Ulat sa Bayan tuwing Thanksgiving Day o Anibersaryo ng Martial Law, September 21 hanggang ibalik niya muli ang praktis ng SONA noong 1978 at mula noon sa Batasang Pambansa na ito ginawa.

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa.  Mula sa The New Republic.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa. Mula sa The New Republic.

Mahalaga ang unang SONA ng Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 sapagkat ito ang unang SONA na ibinahagi halos sa Wikang Pambansa.  Sa wakas, may nakaisip na dapat nakikipag-usap ang pangulo hindi lamang sa iilang mga kongresista at mga diplomatiko kundi sa buong bayan.  Nasabi ng aking ina, ang sarap palang pakinggan ng SONA kapag naiintindihan mo.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

Ang bansa ay parang isang relihiyon din, kailangan nito ng mga ritwal na nagpapaalala sa atin na nasa iisang bangka tayo, na isang bansa tayo anuman ang mangyari sa atin, at ang SONA ang okasyon na kung saan ang pangulo, bilang punong saserdote ng bansa, ay magsasalita. Ang lahat, magkakalaban man at magkakakampi, nagiging isa sa pakikinig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Jollibee Philcoa, 11 July 2013)

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.

XIAO TIME, 10 July 2013: ANG DOKTORA NG BAYAN, OLIVIA SALAMANCA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Olivia Salamanca.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Olivia Salamanca. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

10 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=H9WVPo9_KBc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  100 years ago, July 11, 1913, namatay si Olivia Simeona Demetria Salamanca y Diaz.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Madyikero ba siya?  Salamankero??? LOL Hindi po.  Si Olivia Salamanca lang naman ang unang propesyunal na doktor na babae sa Pilipinas.  Sa kanyang panahon, bagama’t ikinagulat ng magulang niya ang pagnanais niyang manggamot sapagkat lalaki lahat ang mga doktor, hindi na ito bago.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Sa sinaunang panahon ang mga espituwal na pinunong babaylan ang siyang mga manggagamot natin.  Sa panahon ng himagsikan, nariyan ang mga katulad nina Tandang Sora, Josephine Bracken, Hilaria del Rosario, ang mga miyembro ng Asosacion de Damas de Cruz Roja o Krus na Pula upang gamutin ang mga may karamdaman at sugatan.  Si Olivia ay isinilang noong July 1, 1889 sa San Roque, Cavite.  Pangalawang anak ng mayamang sina Koronel Jose Salamanca, rebolusyunaryo, parmasista at pumirma sa Saligang Batas ng Malolos, at ni Cresencia Diaz.  Nakapasa sa eksaminasyon at naging iskolar ng pamahalaan na ipinadala sa Estados Unidos noong 1905—isang pensionada.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika.  Mula sa In Our Image.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika. Mula sa In Our Image.

Gusto niya sanang mag-aral para maging guro ngunit nagbago ang kanyang isip at nag-aral ng medisina sa Drexel Institute at nagtapos sa Women’s Medical College sa Philadelphia noong 1906, ang kanyang mga marka ay mataas pa sa 90 %.  Kaloka si ate.  Noong 1910, nakapasa sa eksaminasyon para sa serbisyong sibil sa Amerika at umikot rin sa mga pagamutan sa New York, Washington D.C., Baltimore, Rhode Island at Boston.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos.  Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos. Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Drexel Institute.  jula sa uchs.net.

Drexel Institute. jula sa uchs.net.

ANg pamosong anghel ng Drexel.  Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

ANg pamosong anghel ng Drexel. Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1910, pinagtuunan niya ng pansin ang sakit na tuberculosis at naging kalihim ng Philippine Anti-Tuberculosis Society.  Noon ang mga may tisis o TB ay lubos na pinandidirihan, madaling makahawa ang sakit na ito.  Ngunit para sa mga maysakit, tila isa siyang anghel na hindi sila pinandidirihan, hinahagod ang likod ng mga umuubong matanda, kinukumutan ang mga giniginaw.  Kahit out of duty na, kinakausap pa rin ang mga pasyente.  Sa kabila ng pandidiri ng kanyang mga kaibigan, nalungkot, ngunit hindi nawalan ng loob si Olivia.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society.  Mula sa philippinestamps.net.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society. Mula sa philippinestamps.net.

Ang anghel ng mga may TB.  Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ang anghel ng mga may TB. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ngunit sa sobra naman niyang pagiging tapat sa tungkulin, napabayaan ni Olivia ang sarili, madalas mapuyat, malipasan ng gutom.  Hanggang siya mismo ay manghina at mahawa ng TB.  Sa kabila ng pagkakasakit, sinikap niyang maging masaya sa harapan ng ibang pasyente.  Ibinilin niya rin sa ibang mga kasamang doktor na patuloy na alagaan ang mga may TB.  Nang lumubha ang sakit, dinala si Olivia ng kanyang mga magulang sa Baguio at sa Hongkong upang gumaling ngunit sampung araw lamang matapos ang kanyang ika-24 na kaarawan, namatay si Doktora Salamanca.  Hindi naman nasayang ang mga sakripisyo ni Olivia.  Maraming mga doktor ang na-inspire sa kanyang ginawa.  Ngayon ang TB ay hindi na pinandidirihan na sakit, at bilang pagpupugay sa kanya, pinangalanan ang dako sa Kalye San Luis at Taft Avenue bilang Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang diwa ng kanyang kabayanihan ay ipinagpapatuloy ng mga doctor ng mga baryo tulad nina Juan Flavier, Johnny Escandor, Bobby de la Paz, at ng iba pang Pilipinong doktor, nars at health workers na naglilingkod sa loob at labas ng bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)