XIAO TIME, 27 May 2013: KAHALAGAHAN NG LAGUNA COPPERPLATE AT IKA-400 TAON NG VOCABULARIO NI SAN BUENAVENTURA

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Laguna Copperplate Inscription (LCI) o sa Wikang Filipino, Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (IBTL). Isang National Treasure.  Kuha ni Neil Oshima.

Ang Laguna Copperplate Inscription (LCI) o sa Wikang Filipino, Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (IBTL). Isang National Treasure. Kuha ni Neil Oshima.

27 May 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=W0WINYP3Alk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  400 years ago, May 27, 1613, inilathala sa Pinagbayanan, Pila, Laguna, ang unang Spanish-Tagalog Dictionary, ang Vocabulario de Lengua Tagala, na isinulat ng isang Pransikanong Prayle na si Pedro de San Buenaventura at inilimbag ng unang indiong tagapaglathala, ang Tsinoy na si Tomas Pinpin at si Domingo Laog.  Mas nauna pa ito sa unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640.

Isang facsimile ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Isang facsimile ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Tomas Pinpin.  Isinabit sa Manila International Book Fair noong September 2011.

Tomas Pinpin. Isinabit sa Manila International Book Fair noong September 2011.

Ang unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640 na inilathala ng Cambridge Press na itinatag noong 1638.

Ang unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640 na inilathala ng Cambridge Press na itinatag noong 1638.

Isa ito sa mga magandang pamana ng mga prayle, dahil sa pagnanais na baguhin ang ating kultura at pananampalataya upang maturuan tayo ng Katolisismo, gumawa sila ng mga diksyunaryo ng ating mga wika na siya namang nagpanatili ng mga ito para sa mga susunod na siglo.  Ngunit magiging susi din pala ito upang maintindihan ang isang Philippine Treasure!  Noong 1986, isang piraso ng nakatuping tanso ang natagpuan ng isang magbubuhangin sa Ilog ng Wawa, Lumban, Laguna.  Matagal na hindi pinangalanan ang taong ito.  Ito pala si Ernesto Lacerna Legisma.  Nang iuwi niya ito, ipinakita niya ito sa kanyang misis na si Romana, at nang ilatag niya ito ay isang binatbat na tanso na may sinaunang baybayin.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Ernesto Legisma at Alberto Dealino (antique dealer). Itinuturo ni Mang Erning kung saan niya nakuha ang Binatbat na Tanso [Larawang kuha ni Antoon Postma noong ika-11 ng Nobyembre, 1991 na nasa pag-iingat ng pamilya Legisma].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Katulad ng panabong ito ang pinaaandar ni Ernesto Legisma nang nasalok niya ang Binatbat na Tanso ng Laguna [Larawang kuha ni Antoon Postma, ika-11 ng Nobyembre, 1991].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Makikita sa larawan ang pagsahod ng bangka ng mga buhangin na kinukuha sa ilalim ng ilog ng Lumban. Di mabilang na mga artefak ang nakuha sa pamamagitan ng ganitong paraan [Larawang kuha ni Antoon Postma, ika-11 ng Nobyembre, 1991].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Antoon Postma at si Ernesto Legisma. [Larawang kuha mula sa kamera ni Antoon Postma nang siya ay bumisita sa Lumban noong ika-11 ng Nobyembre, 1991]. Hindi nababanggit ni Antoon Postma sa kanyang mga artikulo tungkol sa Binatbat na Tanso si Ernesto Legisma. Ang orihinal na larawan ay nasa pag-iingat ng pamilyang Legisma.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Antoon Postma katabi si Romana Legisma at ang dalawa nitong anak [Larawang kuha sa camera ni Antoon Postma noong ika-11 ng Nobyembre, 1991]. Nasa pag-iingat ng pamilya Legisma ang litrato.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Ang mga tupi ng Binatbat na Tanso ayon kay Romana Legisma na siyang nag-unat nito.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson: Ang mga tupi ng Binatbat na Tanso ayon kay Romana Legisma na siyang nag-unat nito.

Hinimok ang asawa na huwag ibenta sa bakal bote ang tanso dahil “baka may matutunan tayo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.” Sinikap niyang ikumpara sa mga arabikong iskrip ngunit hindi pa rin niya mabasa kaya ibinigay nila ito sa isang antique dealer.  Nang mabili ito ng Pambansang Museo, tinawag nila itong Laguna Copperplate at mula sa sinaunang iskrip na Malayong kawi, pina-transliterate nila ito kina Johannes de Casparis at Antoon Postma.

Si Xiao Chua habang sinusulyapan ang orihinal na Laguna Copperplate Inscription, 23 September 2010.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Si Xiao Chua habang sinusulyapan ang orihinal na Laguna Copperplate Inscription, 23 September 2010. Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang pangalawang pagkikita ni Xiao Chua at ni Antoon Postma, Recto Conference Hall, Faculty Center, UP Diliman, October 1, 2008.

Ang pangalawang pagkikita ni Xiao Chua at ni Antoon Postma, Recto Conference Hall, Faculty Center, UP Diliman, October 1, 2008.

Antoon Postma, Divine Word College, Mindoro, 16 February 2006.  Kuha ni Xiao Chua.

Antoon Postma, Divine Word College, Mindoro, 16 February 2006. Kuha ni Xiao Chua.

Ayon sa mismong dokumento, isinulat ito noong mga Marso o Abril 822 at makikitang isa itong legal na dokumento na nagpapakita ng ugnayan ng mga sinaunang kaharian sa Pilipinas.  Ukol ito sa pagbabayad ng utang sa pagitan ng mga kahariang katulad ng Tundun, Pailah, Binwangan at Puliran.  Para kay Postma, ang inskripsyon ay nasa sinaunang Malay, at ang kahariang Tundun ay Tondo, habang ang Pailah at Puliran ay nasa Pulilan, Bulacan.

Ang mapa ng unang pakahulugan sa mga lugar sa IBTL.

Ang mapa ng unang pakahulugan sa mga lugar sa IBTL.

Gamit ang transliterasyon ni de Casparis at Postma, isang nagbebenta ng cervesa na kasapi rin ng Pila Historical Society, si Jaime Figueroa Tiongson, ay ginamit ang Vocabulario ni San Buenaventura upang patunayan na hindi ito lumang Malay kundi Lumang Tagalog na may salitang teknikal na sanskrit.  Sinabi rin niya na kung sa Laguna natagpuan ang tanso, malamang sa matandang kaharian ng Pila, Laguna ang Pailah at hindi sa Pulilan, Bulacan ang Puliran kundi ayon sa diksyunaryo, Puliran ay lawa na malamang sa malamang tumutukoy sa Laguna de Bai.  Ang Binawangan at tumutukoy sa Paracale sa Bicol na mayaman sa sinaunang ginto.

Ang mga lugar sa bagong interpretasyon ng IBTL.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang mga lugar sa bagong interpretasyon ng IBTL. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Nitong nakaraang buwan ng Abril, ang aklat ni Jaime Tiongson ay inilunsad sa Kumperensya ng Bagong Kasaysayan sa Pila at nakilala ko si Gng. Romana Legisma, na masaya na makikilala na ang kanyang asawa at ang mayamang kultura ng ating mga lumang kaharian.  Kanyang mensahe, “Ingatan natin ang mga ilog, sapagkat mahalaga ito sa ating buhay.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Ang unang lakbay ng Bahay Saliksikan ng Kasaysayan sa mga lugar na tinukoy sa bagong interpretasyon ng IBTL sa pangunguna ni Jaime Figueroa Tiongson.  Nasa larawan:  Bb. Ma. Carmen Penalosa, Dr. Zeus Salazar, Tiongson at si Dr. Lars Raymund Ubaldo, Pinagbayanan, Pila, Laguna, 30 May 2009.  Ang mga taong ito ang ilan lamang sa sumulat sa aklat ukol sa IBTL.  Kuha ni Xiao Chua.

Xiao Chua sa Pinagbayanan, ang lumubog na dating lokasyon ng La Nob le Villa de Pila kung saan inilimbag ang Vocabulario ni San Buenaventura, 30 May 2009.  Kuha ni Ayshia F. Kunting.

Xiao Chua sa Pinagbayanan, ang lumubog na dating lokasyon ng La Noble Villa de Pila kung saan inilimbag ang Vocabulario ni San Buenaventura, 30 May 2009. Kuha ni Ayshia F. Kunting.

Ang aklat na "Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna:  Bagong Pagpapakahulugan" na inilunsad sa Pila, Laguna, isa sa tinutukoy na lugar sa IBTL, noong April 4, 2013.

Ang aklat na “Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna: Bagong Pagpapakahulugan” na isinulat nina Jaime Tiongson at iba pang eksperto at inedit nina Dr. Zeus A. Salazar at Carmen Penalosa.  Inilunsad sa Pila, Laguna, isa sa tinutukoy na lugar sa IBTL, noong April 4, 2013.

Si Jaime Figueroa Tiongson at si Xiao Chua, ang siyang nagpakilala kay G. Tiongson sa Bahay Saliksikan ng Kasaysayan na tumulong sa kanya sa pagsasaaklat at pagberipika ng kanyang mga datos, at sumulat din ng isa sa mga introduksyon sa aklat.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mag-anak na Legisma, mga kaibigan at mga kasapi ng Bagong Kasaysayan, Inc., April 4, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mag-anak na Legisma, mga kaibigan at mga kasapi ng Bagong Kasaysayan, Inc., April 4, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Gng. Romana Legisma,   April 4, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Gng. Romana Legisma, April 4, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.