IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: laguna de bai

XIAO TIME, 21 June 2013: ANG MAGKATAMBAL NA KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MAYNILA AT NG METRO MANILA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Metro Manila:  Gates of Hell o Gotham City?  Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng "Habagat," August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

Metro Manila: Gates of Hell o Gotham City? Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng “Habagat,” August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

21 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=Tsep0NNU6N4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 24, 1571, itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang kolonyal na Ciudad de Manila matapos mapilitan ang huling hari ng Maynila na si Rajah Soliman na isuko ang kanyang kaharian at parang mga iskwater na iniwan ang kanilang lumang bayan at nag-resettle sa Ermita at Malate, ang lugar na tinawag na Bagumbayan.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892. Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960.  Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960. Mula sa Pacto de Sangre.

Bago dumating ang mga Espanyol, ang Maynila ay isang kaharian sa bunganga ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila, ang area na ngayon ay nasa Fort Santiago.  Ayon sa disertasyon ni Dr. Lars Raymund Ubaldo, ang lugar sa dalampasigan ng mga bakawan at ang tagpuan ng ilog at dagat na tinatawag sa Ingles na delta, ay tinatawag na “alog” ng mga ating ninuno.  At iyon raw ang tunay na pinagmulan ng salitang “Tagalog,” taga-alog at hindi taga-ilog.

Ang delta o "alog" ng Manila Bay at Pasig River.  Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang delta o “alog” ng Manila Bay at Pasig River. Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila--ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog--Taga-alog.  Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila–ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog–Taga-alog. Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon.  Kuha ni David Montasco.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon. Kuha ni David Montasco.

Si Xiao Chua at Dr. Lars Raymund Ubaldo sa tamabayan ng kanilang organisasyon UP Lipunang Pangkasaysayan sa UP Diliman, January 10, 2005.  Kapwa sila ngayon nagtuturo sa De La Salle University.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Maynila noon ang nagsisilbing “toll gate” sa mga mangangalakal na nais magtungo sa mga iba’t ibang mga mauunlad na kaharian sa Laguna de Bai.  Ang Maynila ay nagmula sa salitang “nila,” isang indigo plant na tumutubo sa ilog, may nila.

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan.  Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan. Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai--mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai–mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ito ang naging kabisera ng mga Espanyol, at ang Ciudad de Manila noon ay yaon lamang nasa paligid ng pinatayuan nilang mga pader—Intramuros.  Nang dumating ang mga Amerikano, maging ang mga nasa labas ng pader ay naging Lungsod ng Maynila.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader--Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader).  Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas--may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern.  Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader–Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader). Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas–may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern. Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista.  Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista. Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Dahil maliit ang Maynila, hiniraya o nagkaroon ng vision si Pangulong Manuel Quezon na magtatag ng isang mas malaki at planadong bagong pangkabeserang lungsod na nakapangalan sa kanya, Quezon City, noong 1939.  Naging ganap na kabisera ng Pilipinas ang Quezon City noong 1948 ngunit binawi ito ni Pangulong Marcos noong 1976.

Si Pangulong Manuel Luis Quezon sa kanyang talumpating pampasinaya bilang Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, November 15, 1935 sa lumang gusali ng Kongreso sa Maynila.  Ito ang pinagbatayan ng sikat niyang monumento.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni... Quezon.  Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni… Quezon. Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument.  Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument. Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Palaki ng palaki ng palaki ng palaki.  Ito ang masasabi ukol sa kabisera ng Pilipinas lalo na nang itatag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong November 7, 1975 ang Metropolitan Manila Commission o MMC na binubuo ng apat na mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasay at Caloocan; at ng labintatlong iba pang mga bayan upang maging Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila.  Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal.  Mula kay armandobalajadia.com.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila. Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal. Mula kay armandobalajadia.com.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region ngayon.

Inatasan niya ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na maging gobernador at upang diumano ay maiwasan ang pagtatampo ni Gobernador Isidro Rodriguez ng Lalawigang Rizal na pinagkunan ng lahat ng pinakamayayaman nilang bayan, ginawang alkalde ng Quezon City ang asawa niyang si Adelina S. Rodriguez.

Alkalde Adelina Rodriguez.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Alkalde Adelina Rodriguez. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging "Gobernador ng Metropolitan Manila" noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging “Gobernador ng Metropolitan Manila” noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila.  Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget.    Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila. Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nag-adhika si Imelda na ibigay ang 11 Basic Needs of Man, kaya tila kinuyog na parang mga bubuyog ng mga tao ang kabisera.  Lumaki ang populasyon nito.  Plano niyang palakihin ang land area ng MM, dadagdagan ang reclaimed area hanggang Cavite at isasali na ang area hanggang Real, Quezon upang maging bahagi ng MM!!!  Ang tanging lungsod sa daigdig na nakaharap sa dalawang malalaking katawan ng tubig.  Hindi ito natuloy.

Mapa na nagpapakita ng planong pinalaking Metropolitan Manila na nakaharap kapwa sa Dagat Kanlurang Pilipinas (Look ng Maynila) at Karagatang Pasipiko (Infanta-Real, Quezon).  Mula sa Metropolitan Manila Development Authority Library).

Nagpatuloy ang MMC sa pamamagitan ng  Metropolitan Manila Development Authority at nag-iwan din ito ng pamana.  Kaiba sa “Gates of Hell” na tawag sa lungsod ni Dan Brown, may progreso sa Metro Manila.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.Kuha ni Huno Garces.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog.  Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog. Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Paano naman ang rural poor?  Mula sa newsbox.unccd.int.

Paano naman ang rural poor? Mula sa newsbox.unccd.int.

Ngunit hindi ba’t sa sobrang pagbibigay ng ginhawa sa kabisera natin, nasakripisyo ang mga probinsya natin?  Pag-isipan natin, paano kaya natin maiiwasan ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 30 October 2012, 8 June 2013)

XIAO TIME, 27 May 2013: KAHALAGAHAN NG LAGUNA COPPERPLATE AT IKA-400 TAON NG VOCABULARIO NI SAN BUENAVENTURA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Laguna Copperplate Inscription (LCI) o sa Wikang Filipino, Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (IBTL). Isang National Treasure.  Kuha ni Neil Oshima.

Ang Laguna Copperplate Inscription (LCI) o sa Wikang Filipino, Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (IBTL). Isang National Treasure. Kuha ni Neil Oshima.

27 May 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=W0WINYP3Alk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  400 years ago, May 27, 1613, inilathala sa Pinagbayanan, Pila, Laguna, ang unang Spanish-Tagalog Dictionary, ang Vocabulario de Lengua Tagala, na isinulat ng isang Pransikanong Prayle na si Pedro de San Buenaventura at inilimbag ng unang indiong tagapaglathala, ang Tsinoy na si Tomas Pinpin at si Domingo Laog.  Mas nauna pa ito sa unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640.

Isang facsimile ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Isang facsimile ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Tomas Pinpin.  Isinabit sa Manila International Book Fair noong September 2011.

Tomas Pinpin. Isinabit sa Manila International Book Fair noong September 2011.

Ang unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640 na inilathala ng Cambridge Press na itinatag noong 1638.

Ang unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640 na inilathala ng Cambridge Press na itinatag noong 1638.

Isa ito sa mga magandang pamana ng mga prayle, dahil sa pagnanais na baguhin ang ating kultura at pananampalataya upang maturuan tayo ng Katolisismo, gumawa sila ng mga diksyunaryo ng ating mga wika na siya namang nagpanatili ng mga ito para sa mga susunod na siglo.  Ngunit magiging susi din pala ito upang maintindihan ang isang Philippine Treasure!  Noong 1986, isang piraso ng nakatuping tanso ang natagpuan ng isang magbubuhangin sa Ilog ng Wawa, Lumban, Laguna.  Matagal na hindi pinangalanan ang taong ito.  Ito pala si Ernesto Lacerna Legisma.  Nang iuwi niya ito, ipinakita niya ito sa kanyang misis na si Romana, at nang ilatag niya ito ay isang binatbat na tanso na may sinaunang baybayin.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Ernesto Legisma at Alberto Dealino (antique dealer). Itinuturo ni Mang Erning kung saan niya nakuha ang Binatbat na Tanso [Larawang kuha ni Antoon Postma noong ika-11 ng Nobyembre, 1991 na nasa pag-iingat ng pamilya Legisma].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Katulad ng panabong ito ang pinaaandar ni Ernesto Legisma nang nasalok niya ang Binatbat na Tanso ng Laguna [Larawang kuha ni Antoon Postma, ika-11 ng Nobyembre, 1991].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Makikita sa larawan ang pagsahod ng bangka ng mga buhangin na kinukuha sa ilalim ng ilog ng Lumban. Di mabilang na mga artefak ang nakuha sa pamamagitan ng ganitong paraan [Larawang kuha ni Antoon Postma, ika-11 ng Nobyembre, 1991].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Antoon Postma at si Ernesto Legisma. [Larawang kuha mula sa kamera ni Antoon Postma nang siya ay bumisita sa Lumban noong ika-11 ng Nobyembre, 1991]. Hindi nababanggit ni Antoon Postma sa kanyang mga artikulo tungkol sa Binatbat na Tanso si Ernesto Legisma. Ang orihinal na larawan ay nasa pag-iingat ng pamilyang Legisma.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Antoon Postma katabi si Romana Legisma at ang dalawa nitong anak [Larawang kuha sa camera ni Antoon Postma noong ika-11 ng Nobyembre, 1991]. Nasa pag-iingat ng pamilya Legisma ang litrato.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Ang mga tupi ng Binatbat na Tanso ayon kay Romana Legisma na siyang nag-unat nito.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson: Ang mga tupi ng Binatbat na Tanso ayon kay Romana Legisma na siyang nag-unat nito.

Hinimok ang asawa na huwag ibenta sa bakal bote ang tanso dahil “baka may matutunan tayo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.” Sinikap niyang ikumpara sa mga arabikong iskrip ngunit hindi pa rin niya mabasa kaya ibinigay nila ito sa isang antique dealer.  Nang mabili ito ng Pambansang Museo, tinawag nila itong Laguna Copperplate at mula sa sinaunang iskrip na Malayong kawi, pina-transliterate nila ito kina Johannes de Casparis at Antoon Postma.

Si Xiao Chua habang sinusulyapan ang orihinal na Laguna Copperplate Inscription, 23 September 2010.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Si Xiao Chua habang sinusulyapan ang orihinal na Laguna Copperplate Inscription, 23 September 2010. Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang pangalawang pagkikita ni Xiao Chua at ni Antoon Postma, Recto Conference Hall, Faculty Center, UP Diliman, October 1, 2008.

Ang pangalawang pagkikita ni Xiao Chua at ni Antoon Postma, Recto Conference Hall, Faculty Center, UP Diliman, October 1, 2008.

Antoon Postma, Divine Word College, Mindoro, 16 February 2006.  Kuha ni Xiao Chua.

Antoon Postma, Divine Word College, Mindoro, 16 February 2006. Kuha ni Xiao Chua.

Ayon sa mismong dokumento, isinulat ito noong mga Marso o Abril 822 at makikitang isa itong legal na dokumento na nagpapakita ng ugnayan ng mga sinaunang kaharian sa Pilipinas.  Ukol ito sa pagbabayad ng utang sa pagitan ng mga kahariang katulad ng Tundun, Pailah, Binwangan at Puliran.  Para kay Postma, ang inskripsyon ay nasa sinaunang Malay, at ang kahariang Tundun ay Tondo, habang ang Pailah at Puliran ay nasa Pulilan, Bulacan.

Ang mapa ng unang pakahulugan sa mga lugar sa IBTL.

Ang mapa ng unang pakahulugan sa mga lugar sa IBTL.

Gamit ang transliterasyon ni de Casparis at Postma, isang nagbebenta ng cervesa na kasapi rin ng Pila Historical Society, si Jaime Figueroa Tiongson, ay ginamit ang Vocabulario ni San Buenaventura upang patunayan na hindi ito lumang Malay kundi Lumang Tagalog na may salitang teknikal na sanskrit.  Sinabi rin niya na kung sa Laguna natagpuan ang tanso, malamang sa matandang kaharian ng Pila, Laguna ang Pailah at hindi sa Pulilan, Bulacan ang Puliran kundi ayon sa diksyunaryo, Puliran ay lawa na malamang sa malamang tumutukoy sa Laguna de Bai.  Ang Binawangan at tumutukoy sa Paracale sa Bicol na mayaman sa sinaunang ginto.

Ang mga lugar sa bagong interpretasyon ng IBTL.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang mga lugar sa bagong interpretasyon ng IBTL. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Nitong nakaraang buwan ng Abril, ang aklat ni Jaime Tiongson ay inilunsad sa Kumperensya ng Bagong Kasaysayan sa Pila at nakilala ko si Gng. Romana Legisma, na masaya na makikilala na ang kanyang asawa at ang mayamang kultura ng ating mga lumang kaharian.  Kanyang mensahe, “Ingatan natin ang mga ilog, sapagkat mahalaga ito sa ating buhay.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Ang unang lakbay ng Bahay Saliksikan ng Kasaysayan sa mga lugar na tinukoy sa bagong interpretasyon ng IBTL sa pangunguna ni Jaime Figueroa Tiongson.  Nasa larawan:  Bb. Ma. Carmen Penalosa, Dr. Zeus Salazar, Tiongson at si Dr. Lars Raymund Ubaldo, Pinagbayanan, Pila, Laguna, 30 May 2009.  Ang mga taong ito ang ilan lamang sa sumulat sa aklat ukol sa IBTL.  Kuha ni Xiao Chua.

Xiao Chua sa Pinagbayanan, ang lumubog na dating lokasyon ng La Nob le Villa de Pila kung saan inilimbag ang Vocabulario ni San Buenaventura, 30 May 2009.  Kuha ni Ayshia F. Kunting.

Xiao Chua sa Pinagbayanan, ang lumubog na dating lokasyon ng La Noble Villa de Pila kung saan inilimbag ang Vocabulario ni San Buenaventura, 30 May 2009. Kuha ni Ayshia F. Kunting.

Ang aklat na "Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna:  Bagong Pagpapakahulugan" na inilunsad sa Pila, Laguna, isa sa tinutukoy na lugar sa IBTL, noong April 4, 2013.

Ang aklat na “Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna: Bagong Pagpapakahulugan” na isinulat nina Jaime Tiongson at iba pang eksperto at inedit nina Dr. Zeus A. Salazar at Carmen Penalosa.  Inilunsad sa Pila, Laguna, isa sa tinutukoy na lugar sa IBTL, noong April 4, 2013.

Si Jaime Figueroa Tiongson at si Xiao Chua, ang siyang nagpakilala kay G. Tiongson sa Bahay Saliksikan ng Kasaysayan na tumulong sa kanya sa pagsasaaklat at pagberipika ng kanyang mga datos, at sumulat din ng isa sa mga introduksyon sa aklat.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mag-anak na Legisma, mga kaibigan at mga kasapi ng Bagong Kasaysayan, Inc., April 4, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mag-anak na Legisma, mga kaibigan at mga kasapi ng Bagong Kasaysayan, Inc., April 4, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Gng. Romana Legisma,   April 4, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Gng. Romana Legisma, April 4, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.