IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 28 May 2013: ARAW NG BANDILANG PILIPINO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang paglalarawan sa City Hall ng Cavite City sa unang pagwawagayway ng bandila sa Teatro Caviteno sa Kawit, Cavite matapos ang tagumpay ng hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Alapan, Imus, Cavite laban sa mga Espanyol, May 28, 1898.  Ang petsang ito ang simula ng mga araw ng bandila hanggang sa Araw ng Kasarinlan, June 12, 1898.

28 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=hWNbInh6iOc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  115 years ago, May 28, 1898, matapos magbalik ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong upang ituloy ang kanyang laban sa mga Espanyol, nagwagi ang kanyang pwersa sa Labanan sa Alapan, Imus, Cavite.  Bilang pagdiriwang sa pagwawaging ito, iwinagayway sa unang pagkakataon sa Teatro Caviteño sa Kawit ang bandila ng Pilipinas na may tatlong kulay, tatlong bituwin at araw.

Ang monumento sa Alapan, Imus para sa Tagumpay na nagdulot ng pagwawagyway ng Bandilang Pilipino sa Unang Pagkakataon.

Ang monumento sa Alapan, Imus para sa Tagumpay na nagdulot ng pagwawagyway ng Bandilang Pilipino sa Unang Pagkakataon.

Ang unang disenyo ng bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo ay may araw na may mukha.  Mula sa Wikipedia.

Ang unang disenyo ng bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo ay may araw na may mukha. Mula sa Wikipedia.

Taliwas ito sa nalalaman ng mas marami sa atin na noong June 12, 1898 proklamasyon ng Kasarinlan unang iwinagayway ang bandila.  Kaya naman, ang araw na May 28 ang ginawang “National Flag Day.”

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite.  Joke???  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite. Joke??? Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pero alam niyo ba, bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon ng mga watawat ang ating mga ninuno.  Kahit sa mga drowing ng mga sinauna nating mga warship, ang karakoa, makikita na ito.  At may dokumentadong bandila ang Himagsikan ni Diego Silang sa Ilocos noong 1762 at ang Motín de Cavite noong 1872.

Ang mga watawat sa mga sinaunang karakoa.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng Rebelyon ni Diego Silang, 1762.  Mula kay ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng Rebelyon ni Diego Silang, 1762. Mula kay ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Mayroon din tayong maling nosyon dahil sa mga selyo na lumabas noong 1972 na pinamagatang “Evolution of the Philippine Flag” na tila step by step ito na pagbabago ng itsura ng pambansang bandila.  Kailangang maintindihan na hindi ito bandila ng bansa kundi mga bandila ng iba’t ibang balanghay ng Katipunan at mga heneral ng himagsikan na sabay-sabay na lumaganap noong Himagsikang 1896.

Mga selyong "Evolution of the Philippine Flag," 1972

Mga selyong “Evolution of the Philippine Flag,” 1972

Mga bandila ng Katipunan na may tatlong K para sa “Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na nasa telang pula, ang personal na bandila ni Andres Bonifacio, ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, ang bungo ni Hen. Mariano Llanera na nagamit niya sa Labanan sa San Isidro, Nueva Ecija, ang pulang bandila ni Heneral Pio del Pilar na tinawag na “Bandila ng Matagumpay,” at ang pula, asul at itim na bandila ni Hen. Gregorio del Pilar na ibinatay niya sa bandila ng mga mapaghimagsik na Cubano na kaagapay nila sa paglaban sa kolonyalismo.

Ang bandila ng KKK.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Ang bandila ng KKK. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Andres Bonifacio sa Labanan sa Pinaglabanan hawak ang kanyang personal na bandilang pandigma.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Andres Bonifacio sa Labanan sa Pinaglabanan hawak ang kanyang personal na bandilang pandigma. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro gamit ang kanyang bandilang bungo. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro gamit ang kanyang bandilang bungo. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Pio del Pilar at ang Bandila ng Matagumpay.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Pio del Pilar at ang Bandila ng Matagumpay. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Gregorio del Pilar at ang kanyang bandila.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Gregorio del Pilar at ang kanyang bandila. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Ang bandila ng mga mapanghimagsik na Cubano.

Ang bandila ng mga mapanghimagsik na Cubano.

Mayroong mga hindi napabilang dito—halimbawa ang bandila ng Katipunan sa Polo na may KKK, korona, araw at mga espada at kris na may bungo, ang bandilang ito na may pugot na ulo ng Espanyol, ang bandila ng Malibai na tila isang tatsulok na anting-anting na may mata, at ang bandila ni Pangulong Macario Sakay.

Ang bandila ng KKK sa Polo (Valenzuela), Bulacan.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ang bandila ng KKK sa Polo (Valenzuela), Bulacan. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ang bandila ng KKK sa Polo na hawak ng mga Amerikanong nagcocosplay bilang mga sundalo noong Philippine-American War.  In fairness sa effort.  Mula sa http://www.flickr.com/photos/dcnelson0381/5194186568/in/photostream/lightbox/.

Ang bandila ng KKK na may pugot na ulo ng Espanyol.

Ang bandila ng KKK na may pugot na ulo ng Espanyol.

Ang bandila ng KKK sa Malibai, Pasay.  Mula kay Dr. Luis Camara Dery.

Ang bandila ng KKK sa Malibay, Pasay. Mula kay Dr. Luis Camara Dery.

Ang bandila ni Macario Sakay.  Mula kay Rex Flores.

Ang bandila ni Macario Sakay. Mula kay Rex Flores.

Sa mga listahan na ito, mayroon ding mga bogus o pekeng mga bandila halimbawa ang bandilang ito na pinagsama ang walong sinag ng araw ni Aguinaldo at ang baybaying K ni Bonifacio ay malayong-malayo sa tinutukoy na disenyo ng bandila na ibinaba sa Pact of Biak-na-Bato na araw na walang partikular na bilang ng sinag.

Bogus flag:  ang unang pambansang bandila raw.

Bogus flag: ang unang pambansang bandila raw.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Baka ito yun, ang bandila na ginamit sa Lbanan sa Tulay ng Noveleta sa Cavite.

Baka ito yun, ang bandila na ginamit sa Labanan sa Tulay ng Noveleta sa Cavite.

Gayundin ang inimbentong bandila ng mga nagtangkang mangudeta noong 2003, ang bandila ng tinatawag na “Magdalo” group nina Antonio Trillanes, IV ay isinasama ngayon sa mga teksbuk bilang bandila ng “Magdalo” group nina Aguinaldo.  Kaloka.

37 Gayundin ang inimbentong bandila ng mga nagtangkang mangudeta noong 2003

Kahunghangan na tinawag itong "Magdalo" ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying "K" sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Kahunghangan na tinawag itong “Magdalo” ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying “K” sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at "ang odd man out."

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at “ang odd man out.”

Bukas abangan ang tunay na kahulugan ng mga simbolismo sa bandila ayon sa ating mga bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Halaw sa papel na ito.  Basahin:  Chua – Isang Himig, Isang Bandila

XIAO TIME, 27 May 2013: KAHALAGAHAN NG LAGUNA COPPERPLATE AT IKA-400 TAON NG VOCABULARIO NI SAN BUENAVENTURA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Laguna Copperplate Inscription (LCI) o sa Wikang Filipino, Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (IBTL). Isang National Treasure.  Kuha ni Neil Oshima.

Ang Laguna Copperplate Inscription (LCI) o sa Wikang Filipino, Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (IBTL). Isang National Treasure. Kuha ni Neil Oshima.

27 May 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=W0WINYP3Alk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  400 years ago, May 27, 1613, inilathala sa Pinagbayanan, Pila, Laguna, ang unang Spanish-Tagalog Dictionary, ang Vocabulario de Lengua Tagala, na isinulat ng isang Pransikanong Prayle na si Pedro de San Buenaventura at inilimbag ng unang indiong tagapaglathala, ang Tsinoy na si Tomas Pinpin at si Domingo Laog.  Mas nauna pa ito sa unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640.

Isang facsimile ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Isang facsimile ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Tomas Pinpin.  Isinabit sa Manila International Book Fair noong September 2011.

Tomas Pinpin. Isinabit sa Manila International Book Fair noong September 2011.

Ang unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640 na inilathala ng Cambridge Press na itinatag noong 1638.

Ang unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640 na inilathala ng Cambridge Press na itinatag noong 1638.

Isa ito sa mga magandang pamana ng mga prayle, dahil sa pagnanais na baguhin ang ating kultura at pananampalataya upang maturuan tayo ng Katolisismo, gumawa sila ng mga diksyunaryo ng ating mga wika na siya namang nagpanatili ng mga ito para sa mga susunod na siglo.  Ngunit magiging susi din pala ito upang maintindihan ang isang Philippine Treasure!  Noong 1986, isang piraso ng nakatuping tanso ang natagpuan ng isang magbubuhangin sa Ilog ng Wawa, Lumban, Laguna.  Matagal na hindi pinangalanan ang taong ito.  Ito pala si Ernesto Lacerna Legisma.  Nang iuwi niya ito, ipinakita niya ito sa kanyang misis na si Romana, at nang ilatag niya ito ay isang binatbat na tanso na may sinaunang baybayin.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Ernesto Legisma at Alberto Dealino (antique dealer). Itinuturo ni Mang Erning kung saan niya nakuha ang Binatbat na Tanso [Larawang kuha ni Antoon Postma noong ika-11 ng Nobyembre, 1991 na nasa pag-iingat ng pamilya Legisma].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Katulad ng panabong ito ang pinaaandar ni Ernesto Legisma nang nasalok niya ang Binatbat na Tanso ng Laguna [Larawang kuha ni Antoon Postma, ika-11 ng Nobyembre, 1991].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Makikita sa larawan ang pagsahod ng bangka ng mga buhangin na kinukuha sa ilalim ng ilog ng Lumban. Di mabilang na mga artefak ang nakuha sa pamamagitan ng ganitong paraan [Larawang kuha ni Antoon Postma, ika-11 ng Nobyembre, 1991].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Antoon Postma at si Ernesto Legisma. [Larawang kuha mula sa kamera ni Antoon Postma nang siya ay bumisita sa Lumban noong ika-11 ng Nobyembre, 1991]. Hindi nababanggit ni Antoon Postma sa kanyang mga artikulo tungkol sa Binatbat na Tanso si Ernesto Legisma. Ang orihinal na larawan ay nasa pag-iingat ng pamilyang Legisma.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Antoon Postma katabi si Romana Legisma at ang dalawa nitong anak [Larawang kuha sa camera ni Antoon Postma noong ika-11 ng Nobyembre, 1991]. Nasa pag-iingat ng pamilya Legisma ang litrato.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Ang mga tupi ng Binatbat na Tanso ayon kay Romana Legisma na siyang nag-unat nito.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson: Ang mga tupi ng Binatbat na Tanso ayon kay Romana Legisma na siyang nag-unat nito.

Hinimok ang asawa na huwag ibenta sa bakal bote ang tanso dahil “baka may matutunan tayo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.” Sinikap niyang ikumpara sa mga arabikong iskrip ngunit hindi pa rin niya mabasa kaya ibinigay nila ito sa isang antique dealer.  Nang mabili ito ng Pambansang Museo, tinawag nila itong Laguna Copperplate at mula sa sinaunang iskrip na Malayong kawi, pina-transliterate nila ito kina Johannes de Casparis at Antoon Postma.

Si Xiao Chua habang sinusulyapan ang orihinal na Laguna Copperplate Inscription, 23 September 2010.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Si Xiao Chua habang sinusulyapan ang orihinal na Laguna Copperplate Inscription, 23 September 2010. Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang pangalawang pagkikita ni Xiao Chua at ni Antoon Postma, Recto Conference Hall, Faculty Center, UP Diliman, October 1, 2008.

Ang pangalawang pagkikita ni Xiao Chua at ni Antoon Postma, Recto Conference Hall, Faculty Center, UP Diliman, October 1, 2008.

Antoon Postma, Divine Word College, Mindoro, 16 February 2006.  Kuha ni Xiao Chua.

Antoon Postma, Divine Word College, Mindoro, 16 February 2006. Kuha ni Xiao Chua.

Ayon sa mismong dokumento, isinulat ito noong mga Marso o Abril 822 at makikitang isa itong legal na dokumento na nagpapakita ng ugnayan ng mga sinaunang kaharian sa Pilipinas.  Ukol ito sa pagbabayad ng utang sa pagitan ng mga kahariang katulad ng Tundun, Pailah, Binwangan at Puliran.  Para kay Postma, ang inskripsyon ay nasa sinaunang Malay, at ang kahariang Tundun ay Tondo, habang ang Pailah at Puliran ay nasa Pulilan, Bulacan.

Ang mapa ng unang pakahulugan sa mga lugar sa IBTL.

Ang mapa ng unang pakahulugan sa mga lugar sa IBTL.

Gamit ang transliterasyon ni de Casparis at Postma, isang nagbebenta ng cervesa na kasapi rin ng Pila Historical Society, si Jaime Figueroa Tiongson, ay ginamit ang Vocabulario ni San Buenaventura upang patunayan na hindi ito lumang Malay kundi Lumang Tagalog na may salitang teknikal na sanskrit.  Sinabi rin niya na kung sa Laguna natagpuan ang tanso, malamang sa matandang kaharian ng Pila, Laguna ang Pailah at hindi sa Pulilan, Bulacan ang Puliran kundi ayon sa diksyunaryo, Puliran ay lawa na malamang sa malamang tumutukoy sa Laguna de Bai.  Ang Binawangan at tumutukoy sa Paracale sa Bicol na mayaman sa sinaunang ginto.

Ang mga lugar sa bagong interpretasyon ng IBTL.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang mga lugar sa bagong interpretasyon ng IBTL. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Nitong nakaraang buwan ng Abril, ang aklat ni Jaime Tiongson ay inilunsad sa Kumperensya ng Bagong Kasaysayan sa Pila at nakilala ko si Gng. Romana Legisma, na masaya na makikilala na ang kanyang asawa at ang mayamang kultura ng ating mga lumang kaharian.  Kanyang mensahe, “Ingatan natin ang mga ilog, sapagkat mahalaga ito sa ating buhay.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Ang unang lakbay ng Bahay Saliksikan ng Kasaysayan sa mga lugar na tinukoy sa bagong interpretasyon ng IBTL sa pangunguna ni Jaime Figueroa Tiongson.  Nasa larawan:  Bb. Ma. Carmen Penalosa, Dr. Zeus Salazar, Tiongson at si Dr. Lars Raymund Ubaldo, Pinagbayanan, Pila, Laguna, 30 May 2009.  Ang mga taong ito ang ilan lamang sa sumulat sa aklat ukol sa IBTL.  Kuha ni Xiao Chua.

Xiao Chua sa Pinagbayanan, ang lumubog na dating lokasyon ng La Nob le Villa de Pila kung saan inilimbag ang Vocabulario ni San Buenaventura, 30 May 2009.  Kuha ni Ayshia F. Kunting.

Xiao Chua sa Pinagbayanan, ang lumubog na dating lokasyon ng La Noble Villa de Pila kung saan inilimbag ang Vocabulario ni San Buenaventura, 30 May 2009. Kuha ni Ayshia F. Kunting.

Ang aklat na "Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna:  Bagong Pagpapakahulugan" na inilunsad sa Pila, Laguna, isa sa tinutukoy na lugar sa IBTL, noong April 4, 2013.

Ang aklat na “Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna: Bagong Pagpapakahulugan” na isinulat nina Jaime Tiongson at iba pang eksperto at inedit nina Dr. Zeus A. Salazar at Carmen Penalosa.  Inilunsad sa Pila, Laguna, isa sa tinutukoy na lugar sa IBTL, noong April 4, 2013.

Si Jaime Figueroa Tiongson at si Xiao Chua, ang siyang nagpakilala kay G. Tiongson sa Bahay Saliksikan ng Kasaysayan na tumulong sa kanya sa pagsasaaklat at pagberipika ng kanyang mga datos, at sumulat din ng isa sa mga introduksyon sa aklat.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mag-anak na Legisma, mga kaibigan at mga kasapi ng Bagong Kasaysayan, Inc., April 4, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mag-anak na Legisma, mga kaibigan at mga kasapi ng Bagong Kasaysayan, Inc., April 4, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Gng. Romana Legisma,   April 4, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Gng. Romana Legisma, April 4, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

PARA SA FLAG DAY: WATAWAT NI TRILLANES NAKAHANAY NA SA MGA BANDILA NG HIMAGSIKANG PILIPINO!!!

Halaw sa papel na Isang Himig, Isang Bandila ni Michael Charleston B. Chua.  I-download ang papel:  Chua – Isang Himig, Isang Bandila

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at "ang odd man out."

SPOT THE NOT:  Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at ang “odd man out.”

Sa mga pambansang dambana, mga monumento, at maraming lugar sa Pilipinas, mayroong mga katuwang ang pambansang watawat ng Pilipinas na iba pang mga bandila na popular na tinatawag na “Evolution of the Philippine Flag.”  Subalit tila ito ay may kamalian.  Ang sampung bandila na pinagsama-sama at inilabas bilang isang serye ng commemorative postage stamp sa nasabing pangalan noong 12 Hunyo 1972 ay sa katunayan, hindi nagpapakita nang pag-inog ng bandila sa kasalukuyang hitsura.

Mga selyong "Evolution of the Philippine Flag," 1972

Mga selyong “Evolution of the Philippine Flag,” 1972

Ayon sa isang panayam sa Magandang Gabi Bayan sa panahon ng Sentenaryo noong 1998, binanggit ni Ambeth Ocampo na ang mga ito ay “hindi bandera ng isang bansa,” kundi “mga bandera ng Rebolusyong Pilipino.”  Sa nasabing programa sinabi rin ni Dr. Augusto de Viana na noon ay nasa Pambansang Suriang Pangkasaysayan (ngayo’y National Historical Commission of the Philippines), ang mga bandilang ito “represent the Katipunan” (Valentin 1998).  Ang mga bandila ay nagpapakita ng iba’t ibang watawat ng mga balanghay ng Katipunan at sa katunayan, marami pa ang hindi naisama. 

Marami sa mga bandilang ito na lumaganap noong Himagsikang 1896-1898 ay may tatlong letrang “K” para sa pangalan nang samahang mapanghimagsik, “Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na nasa telang pula.  Isa na rito ang KKK na nakaayos bilang tatsulok, isang simbolo ng Katipunan.  Nariyan din ang personal na bandila ni Andres Bonifacio, ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, na may araw na walang partikular na bilang ng sinag na may KKK sa ibaba nito na kanyang ginamit sa mga unang sigaw ng himagsikan sa Balintawak at Pinaglabanan noong Agosto 1898.  Nariyan din ang itim na bandilang ginamit ni Hen. Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro, Nueva Ecija na letrang K na may bungo, kaya nakilala sa tawag na “Bungo ni Llanera.”  Ang pulang bandila ni Hen. Pio del Pilar, na kilala bilang isa sa mga nanguna sa pagpatay sa magkapatid na Bonifacio noong 10 Mayo 1897, na may puting tatsulok na nakaayos tulad ng kasalukuyang bandila, kung saan nakapaloob ang bukang liwayway ng araw na may walong sinag sa isang bundok at napapalibutan ng tatlong letrang K na tinawag na “Bandila ng Matagumpay,” at ginamit noong 11 Hulyo 1895.  At ang pula, asul at itim na bandila ni Hen. Gregorio del Pilar na ibinatay niya sa bandila ng mga mapaghimagsik na Cubano na kaagapay nila sa paglaban sa kolonyalismo.

May mga bandila rin na napabilang na ayon sa eksperto sa bandila na si Emmanuel Baja ay walang konkretong ebidensyang pangkasaysayan.  Ito ang bandilang may disenyong araw, may walong sinag at may K sa baybaying Tagalog; at ang bandilang may disenyong araw, may walong sinag na may mukha (mythological sun).  Ayon sa historyador mula sa Polytechnic University of the Philippines na si Samuel Fernandez, sa pagsasama ng araw na walong sinag ni Aguinaldo at baybaying K ni Bonifacio, ang mga bandilang ito ay “bogus mestizo flags.”  (Valentin 1998).  Napagkakamalian ang huling nabanggit na disenyo bilang ang bandilang ibinaba matapos ang Kasunduan sa Biak-na-bato na iginuhit ni Hen. Artemio Ricarte (Villanueva, Santiago at Prado 1988, w. ph.), bagama’t ang bandilang nasa dibuho ay iba ang disenyo ng sinag at walang partikular na bilang ito.

Bogus flag:  ang unang pambansang bandila raw.

Bogus flag: ang unang pambansang bandila raw.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Ang bandila sa kanan ay mas malapit sa hitsura ng bandilang ibinaba sa Biak-na-bato na iginuhit ni Hen. Ricarte na hindi napabilang sa mga Bandila ng Himagsikang Pilipino.  Ito kaya ang bandilang talagang nais tukuyin ng mga nagdrowing ng araw na may walong sinag o araw ni Bonifacio na may letrang K sa baybayin aka Magdalo flag?  (Sa kagandahang loob ni Dr. Luis Camara Dery, ang painting ni Aguinaldo ay mula sa Armed Forces of the Philippines Museum)

Sa aking obserbasyon, may bagong bogus mestizo flag na dulot din ng kalituhan ukol sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato at ng isang pangyayari sa ating kapanahong kasaysayan.  Sa isang seryosong websayt sa Kasaysayan ng Pilipinas inilabas bilang bandila ng Magdalo sa Cavite ang araw na walang partikular na bilang ng sinag ni Bonifacio na may baybayin na K sa loob nito.  Sa katotohanan, ito ay bandila ng pangkat ng mga sundalo na pinamagatang “Bagong Katipunan” na nag-alsa sa Oakwood noong 2003, na dahil sa kanilang bandila ay tinawag na may kamalian ng media na “Magdalo.”  Ang pagkakamaling ito ay kabilang na ngayon sa mga bakal na representasyon ng mga bandila ng Katipunan sa mga bakod ng monumento sa Balintawak Clover Leaf sa Lungsod Quezon!!!

Ang pangkat na Bagong Katipunan na tinawag ng press na "Magdalo" group dahil sa kanilang bandila.

Ang pangkat na Bagong Katipunan na tinawag ng press na “Magdalo” group dahil sa kanilang bandila.

Kahunghangan na tinawag itong "Magdalo" ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying "K" sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Kahunghangan na tinawag itong “Magdalo” ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying “K” sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Ayon kay Prop. Ian Christopher Alfonso ng Center for Bulacan Studies at Holy Angel University, nailathala na rin daw ito sa isang teksbuk sa kasaysayan.  Nawa po ay maiwasto ang kamaliang ito.

SANGGUNIAN:

Valentin, Myra, manunulat.  1998, Hunyo 6.  “Watawat ng Bayan,” Magandang Gabi Bayan.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 Villanueva, Rene, Damian Santiago at José Prado.  1988.  Bandilang Pilipino:  Sagisag ng Kalayaan.  Lungsod ng Quezon:  Adarna Book Services, Inc.