IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: xiaotime

XIAOTIME, 23 January 2013: SAYSAY NG REPUBLIKA NG MALOLOS

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 23 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

23 January 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=ncw0CY8dqC0

Si Emilio Aguinaldo patungo sa kanyang inagurasyon bilang pangulo Unang Republika sa Malolos, 23 Enero 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Emilio Aguinaldo patungo sa kanyang inagurasyon bilang pangulo Unang Republika sa Malolos, 23 Enero 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago ngayong araw, January 23, 1899, matapos ang ratipikasyon ng isang konstitusyon na binalangkas ng Kongreso ng Malolos, pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain ang Republica Filipina, na mas kilala sa tawag na Republika ng Malolos.

Diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Kongreso ng Malolos.

Diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Kongreso ng Malolos.

Ang republikang ito ay itinatag upang patunayan sa mga dayuhan na umaakmang agawin ang tagumpay ng ating himagsikan na mayroon na tayong sariling estado na namumuno sa ating sarili.  Kung ikukumpara kahit sa iba pang mga dakilang bansa sa Asya tulad ng Tsina at India, ang republikang ito ang itinuturing na Unang Konstitusyunal na Demokratikong Republika sa Asya sa kanluraning modelo dahil na rin sa unang paggalaw ng paghihimagsik ni Andres Bonifacio noong 1896.  Wala na siya sa eksena nang magkaroon ng Republika.  Si Emilio Aguinaldo na ang el presidente na sumumpa sa katungkulan noong araw na iyon at inatasan niya si Apolinario Mabini na maging pangulo ng gabinete at kalihim ng Ugnayang Panlabas.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  El Presidente.  Mula sa Great Lives:  Emilio Aquinaldo.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. El Presidente. Mula sa Great Lives: Emilio Aquinaldo.

Ang konstitusyon na niratipika at pangunahing inakda ni Felipe Calderon na kinopya sa mga konstitisyon ng Pransya, Belgium, Brazil, Mexico, Guatemala at Costa Rica.

Felipe Calderon. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Felipe Calderon. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ipinaglaban naman ng ibang delegado ang kalayaan sa pananampalataya.  Upang hindi magkaroon ng monopolyo ang iisang tao o grupo sa kapangyarihan at magkaroon ng checks and balances, nagkaroon din ng tatlong sangay ang pamahalaan—executive, legislative at judiciary.

Limbag na edisyon ng Saligang Batas ng Malolos.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Limbag na edisyon ng Saligang Batas ng Malolos. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Dahil nga panahon ito ng digmaan at himagsikan, may mga lugar sa Pilipinas na kinatawan ng mga taong hindi mana taga-roon ngunit kahit papaano nagkaroon ng semblance ng representasyon ng buong Pilipinas.  Nagpadala pa ng diplomat ang pamahalaan ito sa Pransya at Amerika sa iba’t ibang bansa, si Felipe Agoncillo, na napagsarhan ng pinto sa Paris nang pinag-uusapan na ang pagbili ng Estados Unidos sa Pilipinas mula sa Espanya.

Sina Felipe Agincillo at Juan Luna bilang mga diplomat na Pilipino sa ibang bansa.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sina Felipe Agincillo at Juan Luna bilang mga diplomat na Pilipino sa ibang bansa. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ngunit bakit tinawag na Krisis ng Republika ng historian na si Teodoro Agoncillo ang mga pangyayari sa Malolos.  Kung titingnan ang mga pulitikahan na nangyari sa loob ng republika, lalo na ang naging mga paninira kay Mabini, parang salamin din ito ng pulitika na umiiral sa mga pinuno natin hanggang ngayon.  Kung titingnan ang mga larawan ng mga kasiyahan sa Malolos ayon kay Zeus Salazar, mapapansin na ang mga taga-Malolos ang bayan, ay nakamasid lamang sa paligid, nasa tagiliran lamang sila.

Ang parada ng pangulo sa pagpapasinaya ng Republika ng Malolos, January 23, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang parada ng pangulo sa pagpapasinaya ng Republika ng Malolos, January 23, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sa larawan na ito sa loob ng simbahan ng Barasoain habang binubuksan ang Kongreso noong September 15, 1898, matagal nang may mga nakakapansin sa linyang nasa larawan, ngunit nang pakitaan ako ng mas malinaw na larawan ni Ian Alfonso, napansin namin na lubid ito na naghihiwalay sa mga kinatawan ng kongreso at ng mga manonood na mamamayan.

Ang larawan ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos noong September 15, 1898.  Pansinin ang mahabang linya, ang tali.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang larawan ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos noong September 15, 1898. Pansinin ang mahabang linya, ang tali. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Kinagabihan, sa piging na ginanap, ang menu nila ay nasa Wikang Pranses.  At taliwas sa pinakita ng isang pelikula na San Miguel Beer ang kanilang ininom na noon ay inumin ng mga mahihirap, nakalagay sa menu na champagne, cognac at iba pa ang kanilang tinungga.

Menu ng piging para sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nasa Wikang Pranses., September 15, 1898.  Sosyal.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Menu ng piging para sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nasa Wikang Pranses., September 15, 1898. Sosyal. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Pakana lahat ni Pedro Paterno ang kabonggahan na ito habang ang mga karaniwang tao ay naghihirap.  Bagama’t kapuri-puri ang republika sa paggiit na may sarili na tayong pamahalaan na una pa sa mga nasakop na mga bansa sa Asya, kailangang tanggapin ang katotohanan na salamin din ito ng pagsisimula ng demokrasyang elit na umiiral sa atin hanggang ngayon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 19 January 2013)

XIAOTIME, 22 January 2013: MGA PABORITONG TULA AT MUSIKA NI FORMER PRESIDENT CORAZON AQUINO

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 22 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang portrait ni Cory Sumulong Cojuangco na ipinapinta ni Ninoy Aquino kay Fernando Amorsolo.  Ibinigay ni Ninoy kay Cory ang obra noong ika-21 na kaarawan niya at nagkakahalaga ng dalawang buwang suweldo niya.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Ang portrait ni Cory Sumulong Cojuangco na ipinapinta ni Ninoy Aquino kay Fernando Amorsolo. Ibinigay ni Ninoy kay Cory ang obra noong ika-21 na kaarawan niya at nagkakahalaga ng dalawang buwang suweldo niya. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

22 January 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=AIr0SswfY_0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  80 years ago sa Biyernes, January 25, 1933, isinilang sa Maynila si Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino—siya na nga ang ating Tita Cory, unang babaeng pangulo ng Pilipinas at siyang nagbalik ng demokratikong mga institusyon matapos ang isang mahabang diktadura.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Noong bata pa ako sa Tarlac, inspirasyon ko habang lumalaki ang mga imahe sa telebisyon ng People Power na nagtanim sa akin ng pagiging proud na ako ay Pilipino.  Kapag may helikopter na dumadaan noon gagawin ko ang Laban sign sa aking kamay habang tumatakbo at sinisigaw, “Coreee! Coreee!” Nagdadala rin ako ng munting postcard ng kanyang larawan at minsang nilalagay ko ito sa harap ng aming bahay noong ako ay naglalaro.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Mapalad ako na limang beses ko siyang nakamayan noong siya ay nabubuhay pa kabilang na sa ilang makasaysayang pangyayari tulad noong maparangalan siya ng Ramon Magsaysay Award noong 1998 at noong misa para sa mga biktima ng 9-11 noong 2001.

Unang pagkikita:  Sa Ramon Magsaysay Award Presentation Ceremonies, August 31, 1998.  Sa dami nang nais bumati hindi maayos na nakapagpakodak.  Kuha ni Edna Apondar.

Unang pagkikita: Sa Ramon Magsaysay Award Presentation Ceremonies, August 31, 1998. Sa dami nang nais bumati hindi maayos na nakapagpakodak. Kuha ni Edna Apondar.

Ikalawang Pagkikita:  Sa Katedral ng Maynila para sa misa para sa mga biktim ng 9-11, September 2001.  Kuha ni Xiao Chua.

Ikalawang Pagkikita: Sa Katedral ng Maynila para sa misa para sa mga biktim ng 9-11, September 2001. Kuha ni Xiao Chua.

Ikatlong pagkikita:  Aquino Center sa Tarlac City, October 2001.  Kuha ni Mayo Baluyut.

Ikatlong pagkikita: Aquino Center sa Tarlac City, October 2001. Kuha ni Mayo Baluyut.

Ikalimang Pagkikita:  Sa Plaza Luisita Mall Parking Lot kasama si Mayo Baluyut, May 1, 2004.

Ikalimang Pagkikita: Sa Plaza Luisita Mall Parking Lot kasama si Mayo Baluyut, May 1, 2004.

Minsan din ay nagpaunlak siya na makapanayam ko at ng aking mga kaklase noong March 12, 2003 sa kanyang opisina sa Makati.  Estudyante lamang ako noon sa UP at napansin ko na siya ay isang pormal na tao na nagpapahalaga sa distansya at pribasiya, ngunit naging mabuti ang kanyang pagtrato sa amin at pinadama niya na espesyal kami sa kanya.

Ikaapat na Pagkikita:  Panayam para sa Communication 3 sa ilalim ni Prop. Melanie Moraga Leano sa Cojuangco and Sons Bldg., Makati, March 12, 2003.

Ikaapat na Pagkikita: Panayam para sa Communication 3 sa ilalim ni Prop. Melanie Moraga Leano sa Cojuangco and Sons Bldg., Makati, March 12, 2003.

MAHAL NAMIN SI TITA CORY: Hender Gercio, Emma Sagum, Pang. Cory Aquino, Bryan Hernandez, at Xiao Chua. Nasa likuran ang kanyang mga paintings, March 12, 2003.

MAHAL NAMIN SI TITA CORY: Hender Gercio, Emma Sagum, Pang. Cory Aquino, Bryan Hernandez, at Xiao Chua. Nasa likuran ang kanyang mga paintings, March 12, 2003.

Prmosyunal na pabalat ng gawa-gawang magasin na madodownload sa ibaba na nagtataglay ng panayam ng grupo ni Xiao Chua kay Pangulong Cory Aquino.   Disenyo ni Xiao Chua.

Prmosyunal na pabalat ng gawa-gawang magasin na madodownload sa ibaba na nagtataglay ng panayam ng grupo ni Xiao Chua kay Pangulong Cory Aquino. Disenyo ni Xiao Chua.

Download magasin:  Cory Aquino Magazine and Interview

Natanong namin sa kanya kung ano ba ang theme song ng kanyang kabiyak na si Ninoy.  Sagot niya “We enjoyed yung Moonlight Serenade (http://www.youtube.com/watch?v=n92ATE3IgIs) …it was more for the music rather that for the lyrics that we liked it.  And at that time, nung hindi pa kami kasal and it’s very popular in the Philippines …and everytime they play that we really danced to the tune.”  Ang Moonlight Serenade ay isang instrumental na pinasikat ng Glenn Miller Orchestra noong 1939.

Glenn Miller

Glenn Miller

Gayundin, minsan isang anibersaryo ng kasal nila, binigyan ni Ninoy si Cory ng kanyang tula mula sa kulungan kung paanong napaibig siya ng iisang babae ng tatlong beses—nang magkakilala sila, nang magkasupling sila at nang siya ay makulong sa ilalim ng Batas Militar, si Cory ang kanyang “source of comfort, and the wellspring of hope.”

Ninoy at Cory Aquino.  Mula sa Ninoy at Cory Aquino Foundation.

Ninoy at Cory Aquino. Mula sa Ninoy at Cory Aquino Foundation.

Ang “I Have Fallen In Love” (http://www.youtube.com/watch?v=d8UKeuYf8ew) ay ginawan ng bagong areglo at musika ni José Mari Chan kaya naman marami raw ang naiinggit kay Cory dahil sa tulang ito.  Sabi niya sa amin, “He felt bad that for all our birthdays he wasn’t working, he didn’t have money to buy and he didn’t have the chance to go buy gifts for us, so he did what he thought he could do best and so he wrote poems.  …So, well, I was very happy that in fact a number of my friends where envious and when they were saying, ‘Mabuti ka pa…’ Sabi ko, ‘Loca! He was in prison! So gusto niyo pakulong ninyo muna ang mga asawa niyo and you’ll have something like that!’  Well I was of course, I was very happy and pleased that he recognized, you know, my total support for him.”

Si Xiao at ang aydol niya na si José Mari Chan.

Si Xiao at ang aydol niya na si José Mari Chan.

May romantic side at sense of humor pala ang madasalin ngunit matibay na figura na sinubok ng kasaysayan.

Tumatawa at Masayang Tita Cory.

Tumatawa at Masayang Tita Cory.

Simple lang at matatag, tulad ng karamihan sa atin.  Yan si Tita Cory.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, Lungsod Quezon, 19 January 2013)

SI CORY BILANG INA:  Kasama si Kristina Bernadette.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

SI CORY BILANG INA: Kasama si Kristina Bernadette. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

XIAOTIME, 21 January 2013: TUNAY NA KASAYSAYAN SA LIKOD NG CAVITE MUTINY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 21 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite. Mula kay Arnaldo Dumindin.

21 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=CTt3X3tqj90

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang episode na ito ay handog sa inyo ng The Grand L Square & Residences.  Kung kayo ay mapadpad sa Tarlac City, tumuloy sa L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here.

01 L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here

Happy fiesta sa aking bayang sinilangan, Tarlac City kahapon January 20.  Gayundin, 141 years ago kahapon, January 20, 1872, naganap ang tinatawag na Motín de Cavite.  Huh???  What’s that Pokemón???  Ito po ang Cavite Mutiny na naging dahilan ng pagbitay sa garote sa tatlong pareng martir Mariano Gomes, José Burgos at Jacinto Zamora na ikinagimbal ng bayan.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Sa mga susunod na taon, ang katagang Mil Otso Sientos Sitenta y Dos ay ikinanginginig ng marami at pinag-uusapang sambitin.  Ganito ang epekto ng naging tugon ng mga Espanyol sa isang nabigong pag-aalsa.  Ayon sa ating mga teksbuk, pinangunahan ito ng isang Sarhento Francisco Lamadrid na sinalakay ang Fort San Felipe Neri sa Cavite gamit ang ilang sundalong Espanyol.

Sarhento Francisco Lamadrid.  Mula sa Philippine Almanac.

Sarhento Francisco Lamadrid. Mula sa Philippine Almanac.

Ito ay dahil daw sa pagtanggal ng pribilehiyo ng mga nagtatrabaho sa arsenal ng Cavite sa hindi pagbabayad ng tributo o buwis at sa hindi paglahok sa sapilitang paggawa.  Matagumapy na nakuha ng mga rebelde ang Fuerza ngunit matapos ang isang oras nagapi na ito ng mga pwersang Espanyol.  Namatay ang mga pinuno ang rebelyon at ang pinaghihinalaan na mga kasangkot ay itinapon sa Marianas o Guam [at iba pang lugar], o di kaya ay binitay.  Ngunit, isang bagong pag-aaral ang inilathala ng Heswitang Historyador na si John Schumacher batay sa isang bagong tuklas na dokumento, isang ulat, na isinulat mismo ni Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo, na siyang babago sa mga kaalaman natin ukol sa rebelyon.

Padre John Schumacher.  Mula sa Philippine Studies.

Padre John Schumacher. Mula sa Philippine Studies.

Hindi lamang pala pagbabayad ng tributo at sapilitang paggawa ng mga trabahador ng arsenal ang dahilan ng pag-aalsa tulad ng unang nabanggit.  Ni wala ngang nagmula sa arsenal sa mga nag-alsa.  Isa pala sana itong malawakang pag-aalsa na naglalayong makipaghiwalay ang Pilipinas sa Espanya!  Kasama sa plano ang kasabay sana na paglusob sa Fort Santiago sa Maynila.  Matapos nito ay pagdedeklara ng independencia at pagpatay ng lahat ng mga Espanyol na hindi magmamakaawa sa kanila.  Nabigo ang pag-aalsa dahil sa napaghandaan na rin ni Izquierdo ang pag-aalsa dahil sa ilang mga sulat na walang lagda na nagsusumbong sa mga plano at nang makumbinsi niya ang ilan sa mga sasama sana sa rebelyon na huwag nang tumuloy.  Ang mga tunay na utak ng pag-aalsa ay hindi ang tatlong paring martir na binitay kundi ang mga mason na sina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso na kasama sa mga naipatapon lamang.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite.  Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite. Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Bakit kaya hindi rin sila binitay?  Suspetsa ni Schumacher, ito ay dahil kapwa mason ang tatlong utak ng rebelyon at ang Gobernador Heneral!  Maaari ring ginamit ng mga nag-organisa ng pag-aalsa na si Francisco Zaldúa, na ginarote ng mga Espanyol kasama ang tatong pari matapos ang isang buwan, ay ginamit ang pangalan ni Burgos upang makapanghikayat.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Anuman ang nangyari, ang mga pangyayari sa Cavite at ang pagbitay sa mga pari ng 1872 ay tatatak sa isipan ng maraming mga Pilipino at isa sa mga binabanggit na salik na pagnanais ng kalayaan mula sa mga kolonisador.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 19 January 2013)

XIAOTIME, 18 January 2013: KALAYAAN, Ang Dyaryo ng Katipunan

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 18 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Emilio Jacinto, editor ng Kalayaan.

Emilio Jacinto, editor ng Kalayaan.

18 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=r8M3nHro2lo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  29 years ago bukas, January 19, 1984, isinilang si Tarlac City si Michael Charleston B. Chua, huh??? Who’s that Pokémon???  Ako pala yun??? So happy birthday to me?

Baby Michael, 1984.

Baby Michael, 1984.

Sa mga taong hanggang ngayon wala pang New Year’s resolution na babaguhin sa taong 2013, may suggestion ako.  Ano pa kayang pinakamagandang batis ng aral para sa pagbabago kundi ang ipinamana sa atin ng ating mga bayani?  116 years ago ngayong araw, January 18, 1896, sinimulang ilathala ng rebolusyunaryong kilusan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan, ang pahayagang Kalayaan.  2,000 kopya ang inilabas at nagtagal ang pag-imprenta hanggang Marso!  Imagine!  Ito ang una at huling labas nito sa pamamatnugot ni 20 years old pa lamang noon na si Emilio Jacinto.  Si Pio Valenzuela na isa sa tatlong pangunahing pinuno ng Katipunan ang nagmungkahi na upang linlangin ang mga Espanyol:  Kunwari si Marcelo H. del Pilar ang editor at kunwari sa Yokohama, Japan ito inimprenta.  Ngunit sa totoo lang, nilathala lamang ito sa imprenta sa Maynila nina Candido Iban and Francisco del Castillo, na kanilang binili sa panalo nila sa loterya sa Australia.  Nakalagay sa dyaryong Kalayaan ang ilang mga artikulo na isinulat mismo nina Valenzuela na nagtago sa pangalang Madlang-Away at Jacinto na nagtago sa pangalang Dimas-Ilaw.  Maging ang mga sulatin at tula ni Andres Bonifacio sa pangalang Agap-ito Bagumbayan.  Mula 300 kasapi, sinasabing lumaki ang kasapian ng Katipunan hanggang 30,000 na kasapi dahil sa lamang sa nag-iisang labas ng dyaryong ito.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan.  Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang editor nito na si Emilio Jacinto ang siya ring sumulat ng 13 batas ng Katipunan, ang Kartilya.  Mamili na kayo nang pwedeng i-New Year’s resolution:

(I) Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man damong makamandag.

(IV) Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

(VI) Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

(VII) Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.

(IX) Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

(XI) Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan.

(XII) Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

Ayon kay Jacinto, kapag daw tinupad ang mga aral na ito, sisikat raw ang araw ng kalayaan sa atin na nangagkakaisang magkakalahi at magkakapatid at sasabugan tayo ng matamis na ligayang walang katapusan.  Ang mga ginugol raw nilang buhay, pagod at tiniis na hirap ay labis nang matutumbasan.  Ang Kartilya pala ang best new year’s resolution natin.  Hindi lang tayo nagbabago, tinutumbasan pa natin ang sakripisyo ng ating mga bayani.  Sa kabila ng ating mga kahinaan, huwag tayong magpapigil na paggawa ng mabuti para sa bayan at sa ating kapwa, para sa Katipunan ito ang tunay na pagmamahal sa Diyos.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Fairlane Subd., Tarlac City; at McDo Philcoa, 28 December 2012)

XIAOTIME, 17 January 2013: PROPAGANDISTANG ILONGGO, Si Graciano Lopez Jaena at ang Praylokrasya

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 17 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Graciano Lopez Jaena, Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino, may-akda ng "Fray Botod"

Graciano Lopez Jaena, Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino, may-akda ng “Fray Botod”

17 January 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=NkZDfCJjJbA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Kwentuhan muna tayo.  Minsan may isang taong binisita ang kanyang kaibigang prayle na nadestino sa isang malayong lugar noong panahon ng Espanyol, nang magkita sila tinanong ng kaibigan sa pari, “Napakalayo ng paroquiang ito padre.  Hindi po ba malungkot?”  Sagot ng prayle, “Hindi naman, basta’t mayroon akong rosaryo at café contento na ako.”  Tsaka sumigaw ang pari, “Rosario-o-o, maglabas ka nga nan café.”  Makaraan ang ilang taon, muling bumisita ang kaibigan na nagtanong, “Padre!  Nandito pa rin kayo!  Eh, kumusta naman po si Rosario?”  Sagot ng prayle, “Ay, hijo.  Wala na si Rosario… may edad na ako.”  Tsaka sumigaw, “Eda-a-d Buksan mo an mana bintana!”

Komiks mula sa History of the Burgis.  Hinalaw ng papel ni Dr. Nilo S. Ocampo.

Komiks mula sa History of the Burgis. Hinalaw ng papel ni Dr. Nilo S. Ocampo.

Para sa maraming Pilipino kahit ngayon, ang imahe ng mga prayle noong panahon ng mga Espanyol ay matakaw, kalbo, arogante, mabagsik, manyakis, gahaman, sakim, ganid sa pera at kapangyarihan.  Hindi man lamang naiiisip na kaiba ito sa kanilang papel bilang mga Alagad ng Diyos.  Sa kabila ng katotohanang hindi naman lahat ng prayle ay masama at marami pa nga ang naging mabuti sa mga indio, at pawang galing naman ang imahe sa mga kathang-isip na karakter ni Padre Damaso mula sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal, nanatili ang imahe ng masamang prayle sa mga Pilipino.

Si Carlos Celdran habang tinutuya ang mga obispo ng Simbahang Katoliko sa isang inter-faith na pagdiriwang ng Bibliya sa loob ng Katedral ng Maynila, September 30, 2010.

Si Carlos Celdran habang tinutuya ang mga obispo ng Simbahang Katoliko sa isang inter-faith na pagdiriwang ng Bibliya sa loob ng Katedral ng Maynila, September 30, 2010.

Ang taong tatalakayin natin ang isa sa mga nagpalaganap ng imaheng ito, 117 years ago sa Linggo, January 20, 1896, namatay sa Barcelona, Espanya si Graciano Lopez Jaena?  Jaena???  Huh???  Who’s that Pokémon???  Siya ang propagandistang taga-Jaro, Iloilo na isinilang noong December 18, 1856.  Relihiyoso ang kanyang mga magulang, ipinasok siya sa seminaryo at naging mahusay pa na theologian sa klase ngunit nakita niya ang masamang kalagayan ng mga indio.  Nag-aral ng medisina at ginamot ang mga mahihirap.  Nakita niyang isang dahilan ng kanilang kahirapan ay ang pang-aabuso ng ilang prayle at mga opisyal na sibil.  Upang isiwalat ang mga ito, isinulat niya ang mapantuyang katha ukol sa mga prayle “Fray Butod.”

17 Ang butod ay kataga na nangangahulugang mahigit pa sa mataba at matakaw, kundi masiba

Ang butod ay kataga na nangangahulugang mahigit pa sa mataba at matakaw, kundi masiba.  Nilantad nito ang kasakiman, katamaran, kalupitan at pagiging mahilig ng mga prayle.  Nagtungo siya sa Espanya noong 1880 at nakilala bilang “Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino.”  Ilang baso lang ng alak ay napakagaling na niyang magsalita.  Ayon kay Rizal si Lopez Jaena na ang “pinakamatalinong Pilipinong nakilala niya, na higit na mahusay pa kaysa sa kanya.”

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Siya ang naging unang editor ng La Solidaridad.  Bumalik sa Maynila noong 1890 sa alias na Diego Laura upang mangalap ng suporta para sa mga aktibidad sa Espanya.  Ngunit nang malapit nang mabisto ay umalis muli ng Pilipinas.  Pinasabi niya sa mga mahal niya sa buhay sa pamamagitan ng kanyang pamangkin na si Marciano bago umalis, “Ihalik mo ako sa kanila, dahil hindi ko na sila makikita pang muli.”  Tulad ni del Pilar, si Jaena ay naghirap upang itaguyod ang paghingi ng reporma sa Espanya, nagpulot na lamang ng upos ng sigarilyo at hinithit ang mga ito upang malimutan ang gutom.  Ayun, nagka-tb at namatay nga noong 1896.  Tunay ngang hindi lahat ng prayle noong panahon ng mga Espanyol ay masama subalit hindi naman masasabing wala itong batayan, may ilang mga masasamang pari na nang-abuso.  Hindi naman siguro sinungaling sina Jaena.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(People’s Television Network, 4 January 2013)

XIAOTIME, 15 January 2013: PINAKAMARAMING TAO SA ISANG PAGTITIPON SA KASAYSAYAN

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 15 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bahagi lamang ng limang milyong nabilang sa huling misa ng Santo Papa John Paul II sa Pilipinas noong January 15, 1995.  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

Bahagi lamang ng limang milyong nabilang sa huling misa ng Santo Papa John Paul II sa Pilipinas noong January 15, 1995. Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

15 January 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=IE9sAehDbXI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang aking organisasyon noong ako ay nasa kolehiyo pa, ang UP Lipunang Pangkasaysayan, na ngayon ay pinamumunuan ni Pat Torio, para sa aming dalawampu’t limang taon ng muling pagkakatatag noong January 13, 1988.

William Vincent "Bill" Begg

William Vincent “Bill” Begg

Dekada Sitenta pa lamang mayroon nang UP LIKAS at isa sa mga naging kasapi nito ay ang martir ng Batas Militar na si William Vincent “Billy” Begg.  Nagpapasalamat din ako sa karangalan ibinigay nila sa akin bilang isa sa mga Natatanging Likasyan para sa kategoryang Pagpapalaganap ng Kasaysayan.   Malaking karangalan at inspirasyon po ito.  Mabuhay tayo, UP LIKAS!

Ang UP Lipunang Pangkasaysayan sa kanyang ika-25 taon, January 12, 2013.

Ang UP Lipunang Pangkasaysayan sa kanyang ika-25 taon, January 12, 2013.

Noong pista ng Nazareno, sinasabing tinatayang sampung milyong deboto ang nagtungo doon.  Kailangang mag-ingat sa mga ganitong pagbibilang ng tao.  May sistematiko kasing paraan ng pagbibilang nito.  Anuman, taob pa rin ang ibang mga bansa kung paramihan ng tao sa isang pagtitipon ang pag-uusapan.

Ang Tagsibol ng 1989 sa Tiananmen Square sa Beijing.

Ang Tagsibol ng 1989 sa Tiananmen Square sa Beijing.

Nang mag-rally ang mga kabataang Tsino sa Tiananmen Square sa Beijing noong 1989, hindi man lang umabot ito ng milyon, kahit ang mga libing ni Mao Zedong at Chou En Lai, “tens of thousands” lang daw e China yun!  Ang laki ng populasyon nun.

Funebre para kay Mao Zedong sa Tiananmen Square.

Funebre para kay Mao Zedong sa Tiananmen Square.

Kahit nang mabaril si Mahatma Gandhi, ama ng bansang India, isa sa pinakamaraming tao sa mundo, daan-daang libo lamang ang nakipaglibing.

Libing ni Mahatma Gandhi sa India.

Libing ni Mahatma Gandhi sa India.

Malaking trahedya sa mga Amerikano ang pagkamatay ni Pangulong John F. Kennedy ngunit ni hindi man lang umabot sa kalahating milyon ang lumabas upang makipaglibing.

Ang libing ni John F. Kennedy sa Washington D.C., 1963.

Ang libing ni John F. Kennedy sa Washington D.C., 1963.

Ngunit nang ilibing si Ninoy Aquino noong 1983, kahit na delikado ang panahon:  2 Milyon ang lumabas.

Libing ni Ninoy Aquino, August 31, 1983.  Courtesy of the Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Libing ni Ninoy Aquino, August 31, 1983. Courtesy of the Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Noong EDSA Revolution:  2 Milyon ang nakibaka.

People Power sa EDSA, February 1986.

People Power sa EDSA, February 1986.

Nang ilibing si Tita Cory Aquino noong 2009:  Tatlong daan libo ang nakipaglibing.

Libing ni Cory Aquino, August 5, 2009.

Libing ni Cory Aquino, August 5, 2009.

Isama mo pa ang pista ng Nazareno kung saan milyon ang lumalabas taon-taon!  Imagine!

Ang pista ng Nazareno, January 9, 2013.

Ang pista ng Nazareno, January 9, 2013.

At nang dumating ang Santo Papa John Paul II para sa ika-sampung World Youth Day.  Noong gabi ng January 14, 1995, isang milyong kabataan ang sumama sa Santo Papa sa Quirino Grandstand sa Luneta, nakipagbiruan pa at nakisayaw.

Gabi ng pakikisama ng mga kabataan sa Santo Papa, January 14, 1995 sa Quirino Grandstand.  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

Gabi ng pakikisama ng mga kabataan sa Santo Papa, January 14, 1995 sa Quirino Grandstand. Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

Kahit na tila nanghihina dahil sa Parkinson’s disease, inikot niya ng inikot ang kanyang baston.  Ang daming tuwa ng mga tao.

Nakisayaw ang Santo Papa sa mga kabataan.  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

Nakisayaw ang Santo Papa sa mga kabataan. Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

At kinabukasan, 18 years ago ngayon araw, January 15, 1995, Linggo, sa huling misa ng papa sa Luneta.  Isang kumpanyang Hapones na may teknolohiya para sa pagkuha ng larawan ng mga tao at pagbibilang ng mga ito, ang nagsabing limang milyong tao ang tumungo sa Luneta.

"The Largest Gathering in Human History.  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

“The Largest Gathering in Human History.” Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

Sabi ng opisyal na biographer ng Papa, George Weigel, ito ang “Largest Gathering in Human History.”  Ni hindi makapunta ang Santo Papa sa grandstand kaya nagpatawag na ng helicopter, hindi kasi makadaan ang kotse niya sa mga kalsada ng Maynila.

Ang Santo Papa habang pababa ng helikopter para sa kanyang misa sa Quirino Grandstand.

Ang Santo Papa habang pababa ng helikopter para sa kanyang misa sa Quirino Grandstand.

Wow!  Limang milyong sama-samang umawit ng “Tell The World of His Love” ni Katrina Marie Belamide na nagpapakita ng misyon ng bawat Kristiyano—“Search the world for those who have walked astray and lead them home.”

Mga delegado ng Pilipinas sa X World Youth Day.  Mula sa The Manila Phenomenon:  World Youth Day '95.

Mga delegado ng Pilipinas sa X World Youth Day. Mula sa The Manila Phenomenon: World Youth Day ’95.

Kamangha-manghang eksena.  Ang tawag ng peryodistang si Teddy Benigno dito ay “The Filipino Phenomenon.”  Ikinakabit ko ito sa ating kaugalian natin ng pakikisama.  Sa lahat ng Gawain natin, gusto natin hindi tayo nag-iisa.  Ayun naman pala, ang lakas ng tendency natin na magkaisa tayo.  Sana araw-araw nating makita ang pagkakaisa na ito.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, Lungsod Quezon, 10 January 2013)

XIAOTIME, 14 January 2013: CARLOS P. ROMULO, Kinilala Noon Bilang Mr. Philippines

Broadcast of Xiaotime news segment last Monday, 14 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Embahador Carlos P. Romulo, Pangulo ng UN General Assembly

Embahador Carlos P. Romulo, Pangulo ng UN General Assembly

14 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=hP35WrmBgDI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa Miyekules, January 16, 2013, pipiliin na ang Miss Tarlac City 2013 para sa pagdiriwang ng pista ng aming bayan sa January 20.  Tutungo po ako doon upang maging isa sa mga hurado.  Suportahan po natin ang piyesta, paanyaya nina Dong Bautista at Cloydy Manlutac.  Sa isa pang bayan sa lalawigan ng Tarlac, sa Camiling, isinilang naman 115 years ago ngayong araw, January 14, 1898, ang isang “Little Giant”—si Heneral Carlos P. Romulo.  Si Heneral Romulo ang maliit na mama na kasama ni Gen. Douglas MacArthur sa makasaysayang larawan na ito ng kanilang pagbabalik sa Leyte noong 1944.

Si Heneral Carlos P. Romulo kasama ni Heneral Douglas MacArthur sa kanilang pagdaong sa Leyte, October 20, 1944.

Si Heneral Carlos P. Romulo kasama ni Heneral Douglas MacArthur sa kanilang pagdaong sa Leyte, October 20, 1944.

Parang bulinggit lang.  Ngunit, hindi man umabot sa tangkad na 5.4, siya ay isa sa mga pinakadakilang Pilipinong lingkod-bayan na lumakad sa mukha ng daigdig, nagsilbi siya sa walong pangulo ng Pilipinas mula kay Manuel Quezon hanggang kay Ferdinand Marcos.

Nagtatalumpating Romulo habang nakatuntong sa kutson.  Mula sa The Romulo Reader.

Nagtatalumpating Romulo habang nakatuntong sa kutson. Mula sa The Romulo Reader.

Imagine?  Liban sa “Little Giant,” marami pang ibang ikinabit na titulo kay Romulo, para nga siyang isang beauty queen o boksingero.  Si Romulo ay isa mga mga pensionado na nag-aral sa Estados Unidos, nakilala sa galing niyang sumalat at manalumpati.  Naging mamamahayag, propesor ng UP at tagapayo ni Quezon.  Nagwagi ng Pulitzer Prize, ang unang hindi Amerikano na nanalo nito.

Si Romulo, ang "Voice of Freedom" mula sa Corregidor noong 1942.

Si Romulo, ang “Voice of Freedom” mula sa Corregidor noong 1942.  Mula sa Great Lives:  Carlos Romulo.

Naging “Voice of Freedom” ng radyo mula sa Corregidor at nang hirangin ni Quezon na Kalihim ng Impormasyon, dalawang taon niyang inikot ang Estados Unidos upang magsalita sa ngalan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa Pilipinas—“Remember Freedom.” Nakilala siya bilang “Mr. Philippines.”

Si Carlos P. Romulo habang nagtatalumpati noong Dekada 1940.  Mula sa The Romulo Reader.

Si Carlos P. Romulo habang nagtatalumpati noong Dekada 1940. Mula sa The Romulo Reader.

Sa sobrang kasikatan niya, naging kinatawan siya ng Pilipinas sa paggawa ng charter ng United Nations (UN), at kasama sa mga unang lumagda sa pagtatatag nito, kahit na hindi pa tayo independent nation noon.  Noong 1949, nahalal si Romulo na Pangulo ng ika-apat na General Assembly ng UN.  Kailangang liwanagin na isang sangay lamang ang General Assembly ng UN at hindi siya naging pinuno, o Secretary General ng buong UN tulad ng napagkakamalian ng iba.  Mataas na posisyon pa rin ito.  Nakaupo siya sa tatlong phonebooks para lamang makita ng madla sa kanyang unang talumpati bilang pangulo.  Tinawag siyang “Mr. United Nations.”

Si Romulo habang pinipirmahan ang charter ng United Nations, October 20, 1945.  Mula sa The Romulo Reader.

Si Romulo habang pinipirmahan ang charter ng United Nations, October 20, 1945. Mula sa The Romulo Reader.

Bago magretiro sa diplomatic service, naging embahador pa sa Washington D.C. at Kalihim ng Ugnayang Panlabas.  Ngunit noong 1962, hindi pa rin pinayagan ni Pangulong Diosdado Macapagal na makapagretiro, nahirang na Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Si Romulo kasama ang ilang estudyante sa Quezon Hall bilang Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.  Mula sa National Geographic.

Si Romulo kasama ang ilang estudyante sa Quezon Hall bilang Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Mula sa National Geographic.

Matapos pa nito ay nahirang pa sa ilang pang puwesto sa gabinete, at sa kabila ng kanyang edad, ang balong si Romulo ay nakapangasawa muli ng isang magandang Amerikanang mamamahayag, si Beth Day Romulo!  Tinawag siyang “Karate Kid.”

Walong Pangulo:  Nagsilbi si Romulo sa pamahalaan mula sa panguluhan nina Manuel Quezon...

Walong Pangulo: Nagsilbi si Romulo sa pamahalaan mula sa panguluhan nina Manuel Quezon…

hanggang kay Ferdinand Marcos.  The Real Makoy with the Karate Kid.  Mula sa Great Lives: Carlos Romulo.

…hanggang kay Ferdinand Marcos. The Real Makoy with the Karate Kid. Mula sa Great Lives: Carlos Romulo.

Sumakabilang buhay siya noong 15 Disyembre 1985 sa edad na 87 at hinimlay sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio.

Si Heneral Carlos P. Romulo habang nakaupo sa kanyang sariling libingan sa Libingan ng mga Bayani.

Si Heneral Carlos P. Romulo habang nakaupo sa kanyang sariling libingan sa Libingan ng mga Bayani.

Bakit ba ang galing niya?  Minsan kanyang sinabi, “I had to be outstanding to prove I was capable not in spite of having been born a Filipino but because I was a Filipino.”  Mr. Philippines, Mr. United Nations, Karate Kid, salamat sa pagsasabing AKO AY PILIPINO, MARANGAL.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 10 January 2013)

XIAOTIME, 11 January 2013: TANGKANG PAGPATAY KAY POPE JOHN PAUL II SA PILIPINAS, 1995

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 11 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Doña Josefa Apartments sa Malate, eksena ng pagtatangka na patayin ang Santo Papa noong 1995 malapit sa lugar kung saan siya siya nanuluyan.

Doña Josefa Apartments sa Malate, eksena ng pagtatangka na patayin ang Santo Papa noong 1995 malapit sa lugar kung saan siya siya nanuluyan.

11 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=zE53MYssxVo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  18 years ago bukas, January 12, 1995, dumating ang Santo Papa, John Paul II sa Maynila para sa isang limang araw na pagbisita para sa World Youth Day at sa apat na daang taong pag-angat ng Maynila bilang Archdiosesis at pagkatatag ng mga diosesis ng Cebu, Caceres sa Bicol at Nueva Segovia sa Ilocos noong 1595.  Naging matagumpay ang pagbisita.

Ang Muling Pagdalaw ng Santo Papa, John Paul II.  Mula sa The Manila Phenomenon:  World Youth Day '95.

Ang Muling Pagdalaw ng Santo Papa, John Paul II. Mula sa The Manila Phenomenon: World Youth Day ’95.

Sa mga sigaw ng "John Paul Two, we love you!" nagpaalam ang mga Pilipino sa Santo Papa.  Kanyang tugon, "John Paul Two, loves you too!"  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

Sa mga sigaw ng “John Paul Two, we love you!” nagpaalam ang mga Pilipino sa Santo Papa. Kanyang tugon, “John Paul Two, loves you too!” Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, nagkaroon pala ng pagtatangka ang mga terorista na patayin ang Santo Papa dito mismo sa Pilipinas!  Mababasa ang buong kwento sa aklat na Seeds of Terror ni Maria Ressa.

Ramzi Youssef

Ramzi Youssef

Si Ramzi Youssef, ang utak sa unang pagbomba sa World Trade Center sa New York noong Pebrero 1993 at matagal nang nagsasanay ng mga Abu Sayyaf sa Mindanao ay naglagay ng bomba sa isang Philippine Airlines flight na patungong Tokyo noong December 1994, sumabog ito sa ere, ikinamatay ng isang Hapones at ikinasugat ng sampung iba pa.  Buti na lamang at hindi nag-crash ang eroplano.  Matapos nito, tumungo si Youssef sa Maynila at sinamahan siya ni Abdul Hakim Murad.

Naaresto si Murad

Nanirahan sila sa Doña Josefa Apartments sa Malate na isang kanto lamang ang layo mula sa Papal Nunciature, ang embahada ng City State of the Vatican sa Pilipinas kung saan titira ang Santo Papa.  Sa apartment na ito, gumawa sila ng mga pipe bombs na gagamitin para sa pagpatay sa papa at mga bombang nitrogliserina para sa mga eroplano na nais nilang pasasabugin sa ere.  Ngunit, umusok ang mga kemikal kaya may nag-alerto na may sunog kay Senior Superintendent Aida Fariscal noong January 6, alas onse ng gabi.  Ipinadala niya sa lugar si Patrolman Ariel Fernandez na nag-ulat sa kanya na ayon daw sa mga tao sa Silid 603 na naglaro lamang sila ng mga paputok.  Sa isip ni Aida, tapos na ang Bagong Taon at kumbaga sasapit na ang araw ng tatlong hari.  Alam niyang paparating ang Santo Papa at talagang simula nang sumabog ang PAL flight nakaalerto na ang mga pulisya.  Dali-daling sumugod sa eksena si Aida at natuklasan ang mga kemikal.  Naaresto si Murad, ngunit nakatakas si Youssef.  Naiwan ang kanyang laptop na nagtataglay ng mga detalye ng kanilang mga kahindik-hindik na plano, kasama na ang planong pag-hijack ng mga eroplano, ang blueprint nang mangyayari sa 9/11.  Naaresto din sa Pakistan si Youssef makaraan ang isang buwan dahil sa pakikipagtulungan ng ating mga awtoridad sa Estados Unidos.  Ngunit ang isa nilang kasabwat sa Pilipinas na si Khalid Shaikh Mohammed ay nakatakas, pinalaganap ang al-Qaeda sa Timog Silangang Asya para kay Osama bin Laden at aamin na utak sa 9/11 attacks.

Khalid Shaikh Mohammed

Khalid Shaikh Mohammed

Ang pagiging alerto ng pulis na si Aida at ang galing ng imbestigasyon ng mga ating awtoridad ang nagligtas sa buhay ng Santo Papa.  Ngunit maaaring hindi nahiraya ng mga imbestigador, maging ng mga Amerikano, na tototohanin ng mga terorista ang balak na pag-hijack ng mga eroplano upang gawing mga “lumilipad na bomba.”

29 na ikagugulat ng daigdig noong September 11, 2001

Isang pagkakamali na ikagugulat ng daigdig noong September 11, 2001.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(GMA News Conference Hall, 4 January 2013)

XIAOTIME, 10 January 2013: AUSTRONESIAN, Ang Tunay na Pinagmulan ng mga Pilipino

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 10 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Xiao habang tinatanaw ang isang simbolong Austronesyano, ang Bangang Manunggul.

Si Xiao habang tinatanaw ang isang simbolong Austronesyano, ang Bangang Manunggul.

10 January 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=gpEVoAL15ng

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Tinuruan tayo noong elementarya pa tayo na ang mga Pilipino ay nagmula sa mga Ita, Indones at Malay.  Ito ang tinatawag na “waves of migrations theory” ng arkeologong si Henry Otley Beyer.

Henry Otley Beyer

Henry Otley Beyer

Ngunit nang pumasok ako sa UP, nalaman ko na hindi na pala ito pinaniniwalaan ng mga eksperto noong 1970s pa lamang!!!  Ha!  Deka-dekadang naituro pero hindi na pala totoo?  Isang teorya na sinimulan ni antropologong si Felipe Landa Jocano ang nagsasabi na may mga taong nag-evolve na mula rito.

Si Felipe Landa Jocano na pinagigitnaan nina Bernadette Sembrano at Xiao Chua.

Si Felipe Landa Jocano na pinagigitnaan nina Bernadette Sembrano at Xiao Chua.

Isang buto ng talukap at isang buto ng panga ng isang homo sapiens sapiens ang natagpuan sa Tabon Cave sa Palawan at sinasabing nabuhay mga 28,000 – 7,000/5,000 taon bago si Kristo—Ang “Tabon Man,” ang pinakamatandang labi ng tao na natagpuan noon.

Si Xiao habang pinagmamasdan ang talukap ng Babaeng Tabon.

Si Xiao habang pinagmamasdan ang talukap ng Babaeng Tabon.

Ngunit sa pagsusuri ng mga eksperto, hindi naman pala ito lalaki kundi isang babae!  Ngunit, tatlong taon lamang ang nakalilipas, natagpuan ni Dr. Armand Mijares sa Kweba ng Callao, Cagayan ang isang isang buto ng paa na mas matanda pa sa taong Tabon.  Ang tinatawag na Taong Callao ay nabuhay 67,000 years ago!

Si Xiao Chua kasama ni Dr. Armand Mijares.

Si Xiao Chua kasama ni Dr. Armand Mijares.

Ang ikatlong metatarsal na buto sa paa na natagpuan sa Yungib ng Callao.

Ang ikatlong metatarsal na buto sa paa na natagpuan sa Yungib ng Callao.

Ngunit, ang pinagmulan ng kasalukuyang lahing Pilipino ay ang tinatawag ng mga eksperto na mga Austronesians.  Austronesian? Huh? What’s that Pokemón???  Ang salita ay nagmula sa salitang Latin na auster, south winds, at ng Griyegong nêsos, isla.  May dalawang teorya kung saan ba nagmula ang mga Austronesians.

Si Xiao Chua kasama ang dalawa sa mga may magkaibang pananaw sa pinagmulan ng Austronesyano:  Sina Wilhelm Solheim, II at Peter Bellwood.

Si Xiao Chua kasama ang dalawa sa mga may magkaibang pananaw sa pinagmulan ng Austronesyano: Sina Wilhelm Solheim, II at Peter Bellwood.

Ayon kay Wilhelm Solheim, II, ang ama ng Arkeolohiya sa Timog Silangang Asya, ang mga Austronesians, na tinawag niyang “Nusantao” ay nanggaling sa mga isla sa lugar ng Sulu at Celebes!  Sila ay kumalat sa Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng mga network ng pangangalakal, kasalan at migrasyon ng mga tao.

11 nanggaling sa mga isla sa lugar ng Sulu at Celebes

Siya ay hinamon naman ni Peter Bellwood ng Australia National University.  Para sa kanya, ang mga Austronesians ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan at noong mga 5,000 bago si Kristo ay nagsipagtungo sa Pilipinas.

Paglalarawan ng teorya ni Peter Bellwood.

Paglalarawan ng teorya ni Peter Bellwood.

Anuman ang ating paniwalaan, makikita na ang Pilipinas ay isa sa mga pinakaunang Austronesians, at tayo ang nagsimula ng isa sa pinakahalagang imbensyon sa kasaysayan ng pandaragat—Ang outrigger canoe o ang mga bangkang may katig.

Caracoa--warship ng mga sinaunang mga Pilipino.  May katig.

Caracoa–warship ng mga sinaunang mga Pilipino. May katig.

Naging sopistikado ang ating kultura sa paglalayag, hinangaan sa tulin at tibay ang ating mga bangka, at naging posible ang pagkalat ng mga Austronesians sa iba pang mga bahagi ng daigdig, sa Timog Silangang Asya, Oceania, New Zealand, Hawaii, mula Madagascar sa Timog Africa, hanggang sa Rapa Nui o Easter Island sa Timog America!

Dunia Melayu:  Ang Lawak ng Mundong Austronesyano mula Madagascar hanggang Easter Island.

Dunia Melayu: Ang Lawak ng Mundong Austronesyano mula Madagascar hanggang Easter Island.

Ang laki ng lahi natin!!!  Kaya nga kung titingnan ang mga natagpuang sinaunang jade na hikaw o lingling-o sa Pilipinas, Vietnam at Borneo, halos magkakatulad ang disenyo ng mga ito!

19 Vietnam at Borneo, halos magkakatulad ang disenyo ng mga ito

Gayundin, dahil iisa ang pamilya ng wika, sa kabila ng 171 na mga wika sa Pilipinas, may pagkakahalintulad ang ating mga salita, halimbawa ang bahay sa Tagalog ay kogneyt ng bale sa Pampanga, balay sa Visayas, at balay din sa Bahasa.  Ang mga Austronesians din ang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing.  Naniniwala din tayo sa mga kaluluwa at anito na naglalayag pakabilang-buhay at naglilibing sa banga tulad ng makikita sa isang banga na natagpuan sa Manunggul Cave, Palawan.  Pinapakita ang kulturang ito sa likod ng isanlibong piso.

Mga Austronesian Cultural Landmarks:  Payo o hagdang-hagdang palayan, Langgal o Bahay Austronesyano at Disenyo ng Bangang Manunggul sa likuran ng isanlibong piso.

Mga Austronesian Cultural Landmarks: Payo o hagdang-hagdang palayan, Langgal o Bahay Austronesyano at Disenyo ng Bangang Manunggul sa likuran ng isanlibong piso.

Kaya nga kung nakikita natin na parang walang pagkakaisa ang mga tao at kultura sa Pilipinas, alalahanin natin na nagmula lahat tayo sa mga Austronesians, kaya pwedeng-pwedeng magkaisa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 January 2013)

XIAO TIME, 9 January 2013: DIWANG KATUTUBO SA PANATA SA NAZARENO

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 9 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang andas ng Poong Hesus Nazareno na pinagkakaguluhan ng mga debote.

Ang andas ng Poong Hesus Nazareno na pinagkakaguluhan ng mga deboto.

9 January 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=SvFFBFn0aQE

(Hindi ko po pag-aari ang mga larawan, walang pagnanais na lumabag sa copyright at dispensa sa mga larawang hindi na mabatid kung sino ang kumuha.)

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Para sa ilang obispo mismo ng Simbahang Katoliko, panatisismo, kahibangan ang lahat!  Ang kaguluhan ng milyong katao upang makapagpunas ng panyo sa prusisyon ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na nagaganap ngayon mismo sa Traslacion tungong Quiapo, January 9.  Ngunit mas mauunawaan natin ito kung titingnan natin ang ating sariling kultura at kasaysayan.  Nang dumating ang mga mananakop na Espanyol, bakit ganoon na lamang ang pagyakap natin sa Katolisismo?  Uto-uto ba ang ating mga ninuno?  Liwanagin natin.  Liban sa tinanggap na totoo ng mga Pilipino ang katotohanan ng Ebanghelyo ni Kristo, nakita rin nila na ang Katolisismo ay kakikitaan ng pagkakahalintulad sa dati nilang pananampalataya sa Bathala at mga anito.

16 at ang mga panyong ipinampupunas ay paghahati-hatian

Ang pagpunas ng panyo sa Nazareno upang kumuha ng kapangyarihan, maging ang paghawak at pagdala sa maysakit ng orihinal na kamay nito ay maihahalintulad sa praktis tuwing Biyernes Santos, kapag ibinaba si Kristo sa krus at ihinihiga upang maging Santo Intierro, lilinisin at pupunasan ang poon, at ang mga panyong ipinampupunas ay paghahati-hatian at ipamamahagi upang maging anting-anting na may potensya o bisa.

Santo Entierro ng Parokya ng Santo Rosario sa Angeles, Pampanga, na tinatawag na "Apu Mamakalulu"

Santo Entierro ng Parokya ng Santo Rosario sa Angeles, Pampanga, na tinatawag na “Apu Mamakalulu”

Ang ginagawa sa patay na Hesukristo ay tila ginagawa rin natin noon sa mga sinaunang namatay.  Mayroong tala ng isang ritwal sa Cordillera, kung saan ang isang taong namatay ay iniuupo sa isang sangadi o sangachil at pinauusukan.  Lalabas ang kanyang mga huling katas at iniipon ito sa isang plato sa ilalim ng sangadi upang ipahid sa mga naiwan.

Isang namatay sa Cordillera.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Isang namatay sa Cordillera. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Anumang kapangyarihan ng namatay ay naisasalin sa ganitong paraan sa mga buhay.  Sa Visayas, ang bisa, potensya, anting-anting at kapangyarihan ay tinatawag na GAHUM.  Hindi lamang medalyon o punongkahoy ang anting-anting, marami sa mga ito ay tela.

17 at ipamamahagi upang maging anting-anting na may potensya o bisa

Biswal ang Pilipino dahil hindi naman tayo palabasa bago dumating ang mga Espanyol, nagsasaysay sa pamamagitan ng sining at mga estatwa ng mga anito ng mga ninuno, kaya ang paggalang sa anito ay nailipat sa imahe ng itim na Nazareno.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao.  Kuha ni Neil Oshima.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao. Kuha ni Neil Oshima.

Gayundin, para sa Pinoy, mas marami, mas masaya!  Kaya kahit na isang buong taon naman maaaring makita at lapitan sa loob ng simbahan ang mga orihinal na bahagi ng imahen ng Nazareno, sama-sama pa rin ang mga namamanata upang humiling ng mga himala sa Nazareno, kasama na ang ang mga usi, at ang mga epal na pulitiko.

23 Gayundin, para sa Pinoy, mas marami, mas masaya

Mula sa labas, aakalain mong magulo at hibang ang prusisyon ng Nazareno, pansinin mabuti na kahit milyong katao na nagkakagulo wala halos lubhang nasasaktan liban sa mga baguhan na nasasagasaan o nababalya.  Pansinin maging kapag may nahimatay, maayos na umaalon ang mga ito papunta sa tabi ng kalsada at mga mediko.

31 Pansinin maging kapag may nahimatay

Ito ay dahil may sariling kultura at wika ang mga namamasan na dapat munang matutunan kung ikaw ay sasama sa prusisyon.  Ayon kay Dr. Lars Raymund Ubaldo, historyador at deboto, ang tawag sa paghila ng lubid ay “andas” mula sa salitang andar.  Iniiwasan din ang tinatawag na pag-“otso” ng lubid.  Delikado ito at maaaring maipit ang mga deboto.  Kapag laging tagilid ang tali andas, pangitain daw ito ng mahirap na buhay.

36 Iniiwasan din ang tinatawag na pag-“otso” ng lubid

Bottomline, ang lipunang Pilipino ay parang pista ng Quiapo—magulo nga at mahirap, ngunit masaya at may kaayusan pa rin, at sa huli mga “survivors” pa rin.

22 ang pananampataya ng maraming Pinoy sa partikular na imaheng ito

Kaya sana bago natin tingnan ang mga kultura natin at apihin ito bilang kabobohan, tumingin muna tayo sa lente ng ating sariling kultura at pananaw.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 January 2013)

30 Imbes na ituro sa atin na magtiis at magtimpi kahit inaapi tulad ni Kristo