XIAOTIME, 11 January 2013: TANGKANG PAGPATAY KAY POPE JOHN PAUL II SA PILIPINAS, 1995

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 11 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Doña Josefa Apartments sa Malate, eksena ng pagtatangka na patayin ang Santo Papa noong 1995 malapit sa lugar kung saan siya siya nanuluyan.

Doña Josefa Apartments sa Malate, eksena ng pagtatangka na patayin ang Santo Papa noong 1995 malapit sa lugar kung saan siya siya nanuluyan.

11 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=zE53MYssxVo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  18 years ago bukas, January 12, 1995, dumating ang Santo Papa, John Paul II sa Maynila para sa isang limang araw na pagbisita para sa World Youth Day at sa apat na daang taong pag-angat ng Maynila bilang Archdiosesis at pagkatatag ng mga diosesis ng Cebu, Caceres sa Bicol at Nueva Segovia sa Ilocos noong 1595.  Naging matagumpay ang pagbisita.

Ang Muling Pagdalaw ng Santo Papa, John Paul II.  Mula sa The Manila Phenomenon:  World Youth Day '95.

Ang Muling Pagdalaw ng Santo Papa, John Paul II. Mula sa The Manila Phenomenon: World Youth Day ’95.

Sa mga sigaw ng "John Paul Two, we love you!" nagpaalam ang mga Pilipino sa Santo Papa.  Kanyang tugon, "John Paul Two, loves you too!"  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

Sa mga sigaw ng “John Paul Two, we love you!” nagpaalam ang mga Pilipino sa Santo Papa. Kanyang tugon, “John Paul Two, loves you too!” Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, nagkaroon pala ng pagtatangka ang mga terorista na patayin ang Santo Papa dito mismo sa Pilipinas!  Mababasa ang buong kwento sa aklat na Seeds of Terror ni Maria Ressa.

Ramzi Youssef

Ramzi Youssef

Si Ramzi Youssef, ang utak sa unang pagbomba sa World Trade Center sa New York noong Pebrero 1993 at matagal nang nagsasanay ng mga Abu Sayyaf sa Mindanao ay naglagay ng bomba sa isang Philippine Airlines flight na patungong Tokyo noong December 1994, sumabog ito sa ere, ikinamatay ng isang Hapones at ikinasugat ng sampung iba pa.  Buti na lamang at hindi nag-crash ang eroplano.  Matapos nito, tumungo si Youssef sa Maynila at sinamahan siya ni Abdul Hakim Murad.

Naaresto si Murad

Nanirahan sila sa Doña Josefa Apartments sa Malate na isang kanto lamang ang layo mula sa Papal Nunciature, ang embahada ng City State of the Vatican sa Pilipinas kung saan titira ang Santo Papa.  Sa apartment na ito, gumawa sila ng mga pipe bombs na gagamitin para sa pagpatay sa papa at mga bombang nitrogliserina para sa mga eroplano na nais nilang pasasabugin sa ere.  Ngunit, umusok ang mga kemikal kaya may nag-alerto na may sunog kay Senior Superintendent Aida Fariscal noong January 6, alas onse ng gabi.  Ipinadala niya sa lugar si Patrolman Ariel Fernandez na nag-ulat sa kanya na ayon daw sa mga tao sa Silid 603 na naglaro lamang sila ng mga paputok.  Sa isip ni Aida, tapos na ang Bagong Taon at kumbaga sasapit na ang araw ng tatlong hari.  Alam niyang paparating ang Santo Papa at talagang simula nang sumabog ang PAL flight nakaalerto na ang mga pulisya.  Dali-daling sumugod sa eksena si Aida at natuklasan ang mga kemikal.  Naaresto si Murad, ngunit nakatakas si Youssef.  Naiwan ang kanyang laptop na nagtataglay ng mga detalye ng kanilang mga kahindik-hindik na plano, kasama na ang planong pag-hijack ng mga eroplano, ang blueprint nang mangyayari sa 9/11.  Naaresto din sa Pakistan si Youssef makaraan ang isang buwan dahil sa pakikipagtulungan ng ating mga awtoridad sa Estados Unidos.  Ngunit ang isa nilang kasabwat sa Pilipinas na si Khalid Shaikh Mohammed ay nakatakas, pinalaganap ang al-Qaeda sa Timog Silangang Asya para kay Osama bin Laden at aamin na utak sa 9/11 attacks.

Khalid Shaikh Mohammed

Khalid Shaikh Mohammed

Ang pagiging alerto ng pulis na si Aida at ang galing ng imbestigasyon ng mga ating awtoridad ang nagligtas sa buhay ng Santo Papa.  Ngunit maaaring hindi nahiraya ng mga imbestigador, maging ng mga Amerikano, na tototohanin ng mga terorista ang balak na pag-hijack ng mga eroplano upang gawing mga “lumilipad na bomba.”

29 na ikagugulat ng daigdig noong September 11, 2001

Isang pagkakamali na ikagugulat ng daigdig noong September 11, 2001.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(GMA News Conference Hall, 4 January 2013)