XIAOTIME, 10 January 2013: AUSTRONESIAN, Ang Tunay na Pinagmulan ng mga Pilipino
by xiaochua
Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 10 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
10 January 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=gpEVoAL15ng
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Tinuruan tayo noong elementarya pa tayo na ang mga Pilipino ay nagmula sa mga Ita, Indones at Malay. Ito ang tinatawag na “waves of migrations theory” ng arkeologong si Henry Otley Beyer.
Ngunit nang pumasok ako sa UP, nalaman ko na hindi na pala ito pinaniniwalaan ng mga eksperto noong 1970s pa lamang!!! Ha! Deka-dekadang naituro pero hindi na pala totoo? Isang teorya na sinimulan ni antropologong si Felipe Landa Jocano ang nagsasabi na may mga taong nag-evolve na mula rito.
Isang buto ng talukap at isang buto ng panga ng isang homo sapiens sapiens ang natagpuan sa Tabon Cave sa Palawan at sinasabing nabuhay mga 28,000 – 7,000/5,000 taon bago si Kristo—Ang “Tabon Man,” ang pinakamatandang labi ng tao na natagpuan noon.
Ngunit sa pagsusuri ng mga eksperto, hindi naman pala ito lalaki kundi isang babae! Ngunit, tatlong taon lamang ang nakalilipas, natagpuan ni Dr. Armand Mijares sa Kweba ng Callao, Cagayan ang isang isang buto ng paa na mas matanda pa sa taong Tabon. Ang tinatawag na Taong Callao ay nabuhay 67,000 years ago!
Ngunit, ang pinagmulan ng kasalukuyang lahing Pilipino ay ang tinatawag ng mga eksperto na mga Austronesians. Austronesian? Huh? What’s that Pokemón??? Ang salita ay nagmula sa salitang Latin na auster, south winds, at ng Griyegong nêsos, isla. May dalawang teorya kung saan ba nagmula ang mga Austronesians.

Si Xiao Chua kasama ang dalawa sa mga may magkaibang pananaw sa pinagmulan ng Austronesyano: Sina Wilhelm Solheim, II at Peter Bellwood.
Ayon kay Wilhelm Solheim, II, ang ama ng Arkeolohiya sa Timog Silangang Asya, ang mga Austronesians, na tinawag niyang “Nusantao” ay nanggaling sa mga isla sa lugar ng Sulu at Celebes! Sila ay kumalat sa Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng mga network ng pangangalakal, kasalan at migrasyon ng mga tao.
Siya ay hinamon naman ni Peter Bellwood ng Australia National University. Para sa kanya, ang mga Austronesians ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan at noong mga 5,000 bago si Kristo ay nagsipagtungo sa Pilipinas.
Anuman ang ating paniwalaan, makikita na ang Pilipinas ay isa sa mga pinakaunang Austronesians, at tayo ang nagsimula ng isa sa pinakahalagang imbensyon sa kasaysayan ng pandaragat—Ang outrigger canoe o ang mga bangkang may katig.
Naging sopistikado ang ating kultura sa paglalayag, hinangaan sa tulin at tibay ang ating mga bangka, at naging posible ang pagkalat ng mga Austronesians sa iba pang mga bahagi ng daigdig, sa Timog Silangang Asya, Oceania, New Zealand, Hawaii, mula Madagascar sa Timog Africa, hanggang sa Rapa Nui o Easter Island sa Timog America!
Ang laki ng lahi natin!!! Kaya nga kung titingnan ang mga natagpuang sinaunang jade na hikaw o lingling-o sa Pilipinas, Vietnam at Borneo, halos magkakatulad ang disenyo ng mga ito!
Gayundin, dahil iisa ang pamilya ng wika, sa kabila ng 171 na mga wika sa Pilipinas, may pagkakahalintulad ang ating mga salita, halimbawa ang bahay sa Tagalog ay kogneyt ng bale sa Pampanga, balay sa Visayas, at balay din sa Bahasa. Ang mga Austronesians din ang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing. Naniniwala din tayo sa mga kaluluwa at anito na naglalayag pakabilang-buhay at naglilibing sa banga tulad ng makikita sa isang banga na natagpuan sa Manunggul Cave, Palawan. Pinapakita ang kulturang ito sa likod ng isanlibong piso.

Mga Austronesian Cultural Landmarks: Payo o hagdang-hagdang palayan, Langgal o Bahay Austronesyano at Disenyo ng Bangang Manunggul sa likuran ng isanlibong piso.
Kaya nga kung nakikita natin na parang walang pagkakaisa ang mga tao at kultura sa Pilipinas, alalahanin natin na nagmula lahat tayo sa mga Austronesians, kaya pwedeng-pwedeng magkaisa. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.
(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 January 2013)
balit sinabi ng mag piipino na sila ay lahing austronesian
Mga eksperto ang nagsabi. Bakit? Duda ka?
hmmmff?
Edited yung isang pic!
Saan po? Pakisagot!
ang ibig sabihin ay lahi tayong ng mga austronesian, at maari din po ba na ang language ng mga austronesian ay unang lengwahe dito
sa pilipinas?????…
Opo. Yung pinagmulamg wika po