IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: austronesian

XIAO TIME, 22 May 2013: ANG KAHALAGAHAN NG BAHAY KUBO SA KULTURA NG MUNDO (Part 2)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

William LeBaron Jenney, ang Ama ng modernong American Skyscraper.  Ano ang kinalaman ng Bahay Kubo sa kanya?  Basahin sa ibaba.

William LeBaron Jenney, ang Ama ng modernong American Skyscraper. Ano ang kinalaman ng Bahay Kubo sa kanya? Basahin sa ibaba.

22 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bsA7wSdWUQw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Tulad ng nabanggit kahapon, ang Bahay Kubo o Bahay Austronesyano ay simbolo ng galing nating umangkop sa kapaligiran at klima sa ating bansa.  Na sa kabila ng tropical na init, magkamit tayo ng ginhawa.  Ngunit ano ang nangyari sa Bahay Kubo sa panahong ng Kolonyalismo at pagdating ng impluwensyang banyaga?  Akala natin, ang mga bahay na ipinatayo ng mga Espanyol sa Pilipinas ay tinawag na Spanish houses, ngunit sasabihin sa iyo ng Kastila, “Walang ganyan sa Spain…” LOL.

Bahay Austronesyano.  Isang paglalarawan.

Bahay Austronesyano. Isang paglalarawan.

Mga bahay na bato sa Calle Crisologo sa Vigan, tinatawag na "Spanish Houses."  Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mga bahay na bato sa Calle Crisologo sa Vigan, tinatawag na “Spanish Houses.” Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Totoong mga bahay sa Espanya, hindi ganito ang mga bahay na bato.  Mula sa featurepics.com.

Totoong mga bahay sa Espanya, hindi ganito ang mga bahay na bato. Mula sa featurepics.com.

Spanish houses.  Mula sa i.teegraph.co.uk.

Spanish houses. Mula sa i.teegraph.co.uk.

Spanish houses sa Espanya.  Mula sa spanishinladproperties.com.

Spanish houses sa Espanya. Mula sa spanishinladproperties.com.

Kasi nang dumating ang Espanyol, ang mga bahay na bato na ipinatayo nila ayon kina Prop. Felipe de Leon, Jr. at Dr. Fernando Nakpil Zialcita, ay bahay kubo rin na nagbago, pero naroon pa rin ang diwa na magkaroon ng ginhawa–malalaking bubong, matataas na kisame, malalaking bintana, may silong at mga materyales na galing sa kalikasan sa ikalawang palapag na siyang tinitirhan.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr. Unibersidad ng Pilipinas Diliman, March 10, 2006.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr. Unibersidad ng Pilipinas Diliman, March 10, 2006.

Xiao Chua at si Dr. Fernando Nakpil Zialcita, Pamantasang Ateneo de Manila, July 24, 2008.

Xiao Chua at si Dr. Fernando Nakpil Zialcita, Pamantasang Ateneo de Manila, July 24, 2008.

Rekonstruksyon ng bahay na bato ng mga Rizal sa Dapitan.  Dinisenyo ni Arkitekto Juan Nakpil, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura batay sa mga historikal na datos.  Mula sa Lolo Jose:  An Intimate Portrait of Jose Rizal ni Asuncion Lopez-Bantug.

Tulad sa bahay kubo, matataas ang bubong at kisame, at malalaki ang bintana ng mga kolonyal na bahay upang umangkop na mainit at tropikal na klima.  Mula sa Casas Filipinas de Acuzar.

Tulad sa bahay kubo, matataas ang bubong at kisame, at malalaki ang bintana ng mga kolonyal na bahay upang umangkop na mainit at tropikal na klima. Mula sa Casas Filipinas de Acuzar.

Mga bintanang capiz at iba pang mga materyales na mula sa kalikasan natin ang makikita sa bahay na bato, tulad din sa bahay kubo.  At ikalawang palapag lamang ang tinitirhan.  Mula sa aenet.org.

Mga bintanang capiz at iba pang mga materyales na mula sa kalikasan natin ang makikita sa bahay na bato, tulad din sa bahay kubo. At ikalawang palapag lamang ang tinitirhan. Mula sa aenet.org.

Tulad sa bahay kubo ang mga bahay na bato ay may mga silong na hindi tinitirhan.  Isang patio ng bahay sa Intramuros, ang lumang Maynila, 1900.  Koleksyon Dr. Luis Camara Dery.

Tulad sa bahay kubo ang mga bahay na bato ay may mga silong na hindi tinitirhan. Isang patio ng bahay sa Intramuros, ang lumang Maynila, 1900. Koleksyon Dr. Luis Camara Dery.

Mula sa ideasbeyondborders.com/

Mula sa ideasbeyondborders.com/

Mula sa ideasbeyondborders.com.

Mula sa ideasbeyondborders.com.

Hindi ibig sabihin na kung babalikan ang kulturang Pilipino, magbahay kubo na tayo ulit, kundi nagpapakita na nagbabago ang kultura sa pag-agos ng panahon.  Dinamiko.  Nasasalamin pa rin ang diwa ng Bahay Austronesyano maging sa mga gusaling Gabaldon, Palma at Melchor Hall ng UP, mga ordinaryong bungalow na nagbibigay ng ginhawa lalo kung may airconditioning, at inspirasyon ni Leandro Locsin ang hugis ng Bahay Kubo sa kanyang disenyo para sa teatro ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Ang diwa ng bahay Austronesyano o bahay kubo ay makikita pa rin sa...

Ang diwa ng bahay Austronesyano o bahay kubo ay makikita pa rin sa…

Mga gusaling pampaaralan na Gabaldon na ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano.

Mga gusaling pampaaralan na Gabaldon na ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano.

Ang Bulwagang Palma sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na dinisenyo ni Arkitekto Cesar Concio.  Mula sa http://kahayl.tumblr.com/.

Ang Bulwagang Palma sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na dinisenyo ni Arkitekto Cesar Concio. Mula sa http://kahayl.tumblr.com/.

Leandro Locsin, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Leandro Locsin, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.  Obra ni Arkitekto Leandro Locsin.  Inspirasyon ang alon ng dating dagat na pinagtayuan ng gusali at ang hugis ng bahay kubo.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Obra ni Arkitekto Leandro Locsin. Inspirasyon ang alon ng dating dagat na pinagtayuan ng gusali at ang hugis ng bahay kubo. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ngunit kung kamagha-mangha ito, mas kamangha-mangha na may impluwensya sa buong mundo ang ating Bahay Austronesyano.  Huh???  Talaga.  Nabanggit sa akin ito ng manunulat na si A.Z. Juan Jose Jollico Cuadra na sumakabilang buhay nito lamang April 30, 2013.  Ito ang kwento ni William Le Baron Jenney.

Si Xiao Chua at si A.Z. Jollico Cuadra, Calamba, Laguna, June 19, 2009.

Si Xiao Chua at si A.Z. Jollico Cuadra, Calamba, Laguna, June 19, 2009.

Si A. Z. Jollico Cuadra (May 24, 1939-April 30, 2013), "Enfant terrible of Philippine art noong Dekada 1960 at tinaguriang Byron ng Literaturang Pilipino.  Mula kay Josephine Manapsal ng Celyo Rizal, Inc.

Si A. Z. Jollico Cuadra (May 24, 1939-April 30, 2013), “Enfant terrible of Philippine art noong Dekada 1960 at tinaguriang Byron ng Literaturang Pilipino. Mula kay Josephine Manapsal ng Celyo Rizal, Inc.

Isinilang noong 1832 sa Fairhaven, Massachusetts, sa isang amang nagmamay-ari ng isang kumpanya ng mga barko.  Siya ay kabilang sa engineering staff ni Heneral Ulysses Grant noong Digmaang Sibil sa Estados Unidos.

Firmadong larawan ni William LeBaron Jenney.

Firmadong larawan ni William LeBaron Jenney.

Heneral Ulysses Grant

Heneral Ulysses Grant

Ang nagpapakita ng First Minnesota Regiment noong digmaang sibil sa Estados Unidos.  Mula sa nationalguardmil.com.

Ang nagpapakita ng First Minnesota Regiment noong digmaang sibil sa Estados Unidos. Mula sa nationalguardmil.com.

Noong 1850, tatlong buwan na bumisita sa Pilipinas sakay ng isa sa barko ng kanyang ama, napansin ng arkitekto at inhinyerong si Jenney nang minsang bumagyo na ang istruktura ng mga bahay sa Pilipinas ay napakagaan at napaka-flexible.  Sumayaw-sumunod lamang sa lakas ng bagwis ng sigwa.  Ayon sa mga tala, ito ang nag-inspire sa kanya na gayahin ang flexibility ng frame ng Bahay Austronesyano.  Noong 1879, ipinatayo niya ang unang Leiter Building at noong 1884, ipinatayo niya sa Chicago ang Home Insurance Building, ang unang metal-frame skyscraper sa Estados Unidos.

William LeBaron Jenney, na naging inspirasyon ang Bahay Kubo sa kanyang pinausong disenyo ng gusali.  Itinuturing na Ama ng modernong American skyscraper.

William LeBaron Jenney, na naging inspirasyon ang Bahay Kubo sa kanyang pinausong disenyo ng gusali. Itinuturing na Ama ng modernong American skyscraper.

Leiter building 1 (1879).  Disenyo ni Jenney.  Mula sa artificeimages.com.

Leiter building 1 (1879). Disenyo ni Jenney. Mula sa artificeimages.com.

Home Insurance Building sa Chicago (1884), unang metal frame skyscraper sa Estados Unidos.  Inspirasyon mula sa bahay kubo.

Home Insurance Building sa Chicago (1884), unang metal frame skyscraper sa Estados Unidos. Inspirasyon mula sa bahay kubo.

Si Jenney ang tinuturing na Ama ng Modernong American Skyscraper na naging modelo ng mga matatayog na gusali sa daigdig, at noong 1998, nagtamo ng ranggong 89 sa aklat na 1,000 Years, 1,000 People: Ranking the Men and Women Who Shaped the Millennium.

36 nagpapakita sa atin na tunay na maipagmamalaki

Bahay Kubo.  Obra maestra ni Cesar Buenaventura.

Bahay Kubo. Obra maestra ni Cesar Buenaventura.

Bulkang Mayon at Bahay Kubo.  Obra ni Anna Baker mula sa fineartamerica.com.

Bulkang Mayon at Bahay Kubo. Obra ni Anna Baker mula sa fineartamerica.com.

Ang mga skyscraper sa downtown Manhattan.  Sino ang mag-aakalang ang mga matatayog na gusaling ito ay may batayang dinisenyo naghango ng inspirasyon mula sa bahay na Pilipino.  Mula sa famouswonders.com.

Pasakalye:  "Lunch Atop a Skyscraper."  Tanyag na larawan.

Pasakalye: “Lunch Atop a Skyscraper.” Pinapakita ang mga gusali sa Manhataan, New York at ang pamosong Central Park.  Tanyag na larawan.

Hanep pala ang ating bahay kubo, nagpapakita sa atin na tunay na maipagmamalaki ang arkitekturang Pilipino na hindi lamang pala nagbibigay ginhawa sa bayang ito, nagbigay pamana pa at nag-impluwensyahan ng arkitektura ng buong daigdig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAOTIME, 10 January 2013: AUSTRONESIAN, Ang Tunay na Pinagmulan ng mga Pilipino

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 10 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Xiao habang tinatanaw ang isang simbolong Austronesyano, ang Bangang Manunggul.

Si Xiao habang tinatanaw ang isang simbolong Austronesyano, ang Bangang Manunggul.

10 January 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=gpEVoAL15ng

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Tinuruan tayo noong elementarya pa tayo na ang mga Pilipino ay nagmula sa mga Ita, Indones at Malay.  Ito ang tinatawag na “waves of migrations theory” ng arkeologong si Henry Otley Beyer.

Henry Otley Beyer

Henry Otley Beyer

Ngunit nang pumasok ako sa UP, nalaman ko na hindi na pala ito pinaniniwalaan ng mga eksperto noong 1970s pa lamang!!!  Ha!  Deka-dekadang naituro pero hindi na pala totoo?  Isang teorya na sinimulan ni antropologong si Felipe Landa Jocano ang nagsasabi na may mga taong nag-evolve na mula rito.

Si Felipe Landa Jocano na pinagigitnaan nina Bernadette Sembrano at Xiao Chua.

Si Felipe Landa Jocano na pinagigitnaan nina Bernadette Sembrano at Xiao Chua.

Isang buto ng talukap at isang buto ng panga ng isang homo sapiens sapiens ang natagpuan sa Tabon Cave sa Palawan at sinasabing nabuhay mga 28,000 – 7,000/5,000 taon bago si Kristo—Ang “Tabon Man,” ang pinakamatandang labi ng tao na natagpuan noon.

Si Xiao habang pinagmamasdan ang talukap ng Babaeng Tabon.

Si Xiao habang pinagmamasdan ang talukap ng Babaeng Tabon.

Ngunit sa pagsusuri ng mga eksperto, hindi naman pala ito lalaki kundi isang babae!  Ngunit, tatlong taon lamang ang nakalilipas, natagpuan ni Dr. Armand Mijares sa Kweba ng Callao, Cagayan ang isang isang buto ng paa na mas matanda pa sa taong Tabon.  Ang tinatawag na Taong Callao ay nabuhay 67,000 years ago!

Si Xiao Chua kasama ni Dr. Armand Mijares.

Si Xiao Chua kasama ni Dr. Armand Mijares.

Ang ikatlong metatarsal na buto sa paa na natagpuan sa Yungib ng Callao.

Ang ikatlong metatarsal na buto sa paa na natagpuan sa Yungib ng Callao.

Ngunit, ang pinagmulan ng kasalukuyang lahing Pilipino ay ang tinatawag ng mga eksperto na mga Austronesians.  Austronesian? Huh? What’s that Pokemón???  Ang salita ay nagmula sa salitang Latin na auster, south winds, at ng Griyegong nêsos, isla.  May dalawang teorya kung saan ba nagmula ang mga Austronesians.

Si Xiao Chua kasama ang dalawa sa mga may magkaibang pananaw sa pinagmulan ng Austronesyano:  Sina Wilhelm Solheim, II at Peter Bellwood.

Si Xiao Chua kasama ang dalawa sa mga may magkaibang pananaw sa pinagmulan ng Austronesyano: Sina Wilhelm Solheim, II at Peter Bellwood.

Ayon kay Wilhelm Solheim, II, ang ama ng Arkeolohiya sa Timog Silangang Asya, ang mga Austronesians, na tinawag niyang “Nusantao” ay nanggaling sa mga isla sa lugar ng Sulu at Celebes!  Sila ay kumalat sa Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng mga network ng pangangalakal, kasalan at migrasyon ng mga tao.

11 nanggaling sa mga isla sa lugar ng Sulu at Celebes

Siya ay hinamon naman ni Peter Bellwood ng Australia National University.  Para sa kanya, ang mga Austronesians ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan at noong mga 5,000 bago si Kristo ay nagsipagtungo sa Pilipinas.

Paglalarawan ng teorya ni Peter Bellwood.

Paglalarawan ng teorya ni Peter Bellwood.

Anuman ang ating paniwalaan, makikita na ang Pilipinas ay isa sa mga pinakaunang Austronesians, at tayo ang nagsimula ng isa sa pinakahalagang imbensyon sa kasaysayan ng pandaragat—Ang outrigger canoe o ang mga bangkang may katig.

Caracoa--warship ng mga sinaunang mga Pilipino.  May katig.

Caracoa–warship ng mga sinaunang mga Pilipino. May katig.

Naging sopistikado ang ating kultura sa paglalayag, hinangaan sa tulin at tibay ang ating mga bangka, at naging posible ang pagkalat ng mga Austronesians sa iba pang mga bahagi ng daigdig, sa Timog Silangang Asya, Oceania, New Zealand, Hawaii, mula Madagascar sa Timog Africa, hanggang sa Rapa Nui o Easter Island sa Timog America!

Dunia Melayu:  Ang Lawak ng Mundong Austronesyano mula Madagascar hanggang Easter Island.

Dunia Melayu: Ang Lawak ng Mundong Austronesyano mula Madagascar hanggang Easter Island.

Ang laki ng lahi natin!!!  Kaya nga kung titingnan ang mga natagpuang sinaunang jade na hikaw o lingling-o sa Pilipinas, Vietnam at Borneo, halos magkakatulad ang disenyo ng mga ito!

19 Vietnam at Borneo, halos magkakatulad ang disenyo ng mga ito

Gayundin, dahil iisa ang pamilya ng wika, sa kabila ng 171 na mga wika sa Pilipinas, may pagkakahalintulad ang ating mga salita, halimbawa ang bahay sa Tagalog ay kogneyt ng bale sa Pampanga, balay sa Visayas, at balay din sa Bahasa.  Ang mga Austronesians din ang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing.  Naniniwala din tayo sa mga kaluluwa at anito na naglalayag pakabilang-buhay at naglilibing sa banga tulad ng makikita sa isang banga na natagpuan sa Manunggul Cave, Palawan.  Pinapakita ang kulturang ito sa likod ng isanlibong piso.

Mga Austronesian Cultural Landmarks:  Payo o hagdang-hagdang palayan, Langgal o Bahay Austronesyano at Disenyo ng Bangang Manunggul sa likuran ng isanlibong piso.

Mga Austronesian Cultural Landmarks: Payo o hagdang-hagdang palayan, Langgal o Bahay Austronesyano at Disenyo ng Bangang Manunggul sa likuran ng isanlibong piso.

Kaya nga kung nakikita natin na parang walang pagkakaisa ang mga tao at kultura sa Pilipinas, alalahanin natin na nagmula lahat tayo sa mga Austronesians, kaya pwedeng-pwedeng magkaisa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 January 2013)