XIAOTIME, 14 January 2013: CARLOS P. ROMULO, Kinilala Noon Bilang Mr. Philippines

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment last Monday, 14 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Embahador Carlos P. Romulo, Pangulo ng UN General Assembly

Embahador Carlos P. Romulo, Pangulo ng UN General Assembly

14 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=hP35WrmBgDI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa Miyekules, January 16, 2013, pipiliin na ang Miss Tarlac City 2013 para sa pagdiriwang ng pista ng aming bayan sa January 20.  Tutungo po ako doon upang maging isa sa mga hurado.  Suportahan po natin ang piyesta, paanyaya nina Dong Bautista at Cloydy Manlutac.  Sa isa pang bayan sa lalawigan ng Tarlac, sa Camiling, isinilang naman 115 years ago ngayong araw, January 14, 1898, ang isang “Little Giant”—si Heneral Carlos P. Romulo.  Si Heneral Romulo ang maliit na mama na kasama ni Gen. Douglas MacArthur sa makasaysayang larawan na ito ng kanilang pagbabalik sa Leyte noong 1944.

Si Heneral Carlos P. Romulo kasama ni Heneral Douglas MacArthur sa kanilang pagdaong sa Leyte, October 20, 1944.

Si Heneral Carlos P. Romulo kasama ni Heneral Douglas MacArthur sa kanilang pagdaong sa Leyte, October 20, 1944.

Parang bulinggit lang.  Ngunit, hindi man umabot sa tangkad na 5.4, siya ay isa sa mga pinakadakilang Pilipinong lingkod-bayan na lumakad sa mukha ng daigdig, nagsilbi siya sa walong pangulo ng Pilipinas mula kay Manuel Quezon hanggang kay Ferdinand Marcos.

Nagtatalumpating Romulo habang nakatuntong sa kutson.  Mula sa The Romulo Reader.

Nagtatalumpating Romulo habang nakatuntong sa kutson. Mula sa The Romulo Reader.

Imagine?  Liban sa “Little Giant,” marami pang ibang ikinabit na titulo kay Romulo, para nga siyang isang beauty queen o boksingero.  Si Romulo ay isa mga mga pensionado na nag-aral sa Estados Unidos, nakilala sa galing niyang sumalat at manalumpati.  Naging mamamahayag, propesor ng UP at tagapayo ni Quezon.  Nagwagi ng Pulitzer Prize, ang unang hindi Amerikano na nanalo nito.

Si Romulo, ang "Voice of Freedom" mula sa Corregidor noong 1942.

Si Romulo, ang “Voice of Freedom” mula sa Corregidor noong 1942.  Mula sa Great Lives:  Carlos Romulo.

Naging “Voice of Freedom” ng radyo mula sa Corregidor at nang hirangin ni Quezon na Kalihim ng Impormasyon, dalawang taon niyang inikot ang Estados Unidos upang magsalita sa ngalan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa Pilipinas—“Remember Freedom.” Nakilala siya bilang “Mr. Philippines.”

Si Carlos P. Romulo habang nagtatalumpati noong Dekada 1940.  Mula sa The Romulo Reader.

Si Carlos P. Romulo habang nagtatalumpati noong Dekada 1940. Mula sa The Romulo Reader.

Sa sobrang kasikatan niya, naging kinatawan siya ng Pilipinas sa paggawa ng charter ng United Nations (UN), at kasama sa mga unang lumagda sa pagtatatag nito, kahit na hindi pa tayo independent nation noon.  Noong 1949, nahalal si Romulo na Pangulo ng ika-apat na General Assembly ng UN.  Kailangang liwanagin na isang sangay lamang ang General Assembly ng UN at hindi siya naging pinuno, o Secretary General ng buong UN tulad ng napagkakamalian ng iba.  Mataas na posisyon pa rin ito.  Nakaupo siya sa tatlong phonebooks para lamang makita ng madla sa kanyang unang talumpati bilang pangulo.  Tinawag siyang “Mr. United Nations.”

Si Romulo habang pinipirmahan ang charter ng United Nations, October 20, 1945.  Mula sa The Romulo Reader.

Si Romulo habang pinipirmahan ang charter ng United Nations, October 20, 1945. Mula sa The Romulo Reader.

Bago magretiro sa diplomatic service, naging embahador pa sa Washington D.C. at Kalihim ng Ugnayang Panlabas.  Ngunit noong 1962, hindi pa rin pinayagan ni Pangulong Diosdado Macapagal na makapagretiro, nahirang na Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Si Romulo kasama ang ilang estudyante sa Quezon Hall bilang Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.  Mula sa National Geographic.

Si Romulo kasama ang ilang estudyante sa Quezon Hall bilang Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Mula sa National Geographic.

Matapos pa nito ay nahirang pa sa ilang pang puwesto sa gabinete, at sa kabila ng kanyang edad, ang balong si Romulo ay nakapangasawa muli ng isang magandang Amerikanang mamamahayag, si Beth Day Romulo!  Tinawag siyang “Karate Kid.”

Walong Pangulo:  Nagsilbi si Romulo sa pamahalaan mula sa panguluhan nina Manuel Quezon...

Walong Pangulo: Nagsilbi si Romulo sa pamahalaan mula sa panguluhan nina Manuel Quezon…

hanggang kay Ferdinand Marcos.  The Real Makoy with the Karate Kid.  Mula sa Great Lives: Carlos Romulo.

…hanggang kay Ferdinand Marcos. The Real Makoy with the Karate Kid. Mula sa Great Lives: Carlos Romulo.

Sumakabilang buhay siya noong 15 Disyembre 1985 sa edad na 87 at hinimlay sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio.

Si Heneral Carlos P. Romulo habang nakaupo sa kanyang sariling libingan sa Libingan ng mga Bayani.

Si Heneral Carlos P. Romulo habang nakaupo sa kanyang sariling libingan sa Libingan ng mga Bayani.

Bakit ba ang galing niya?  Minsan kanyang sinabi, “I had to be outstanding to prove I was capable not in spite of having been born a Filipino but because I was a Filipino.”  Mr. Philippines, Mr. United Nations, Karate Kid, salamat sa pagsasabing AKO AY PILIPINO, MARANGAL.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 10 January 2013)