XIAOTIME, 21 January 2013: TUNAY NA KASAYSAYAN SA LIKOD NG CAVITE MUTINY

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 21 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite. Mula kay Arnaldo Dumindin.

21 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=CTt3X3tqj90

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang episode na ito ay handog sa inyo ng The Grand L Square & Residences.  Kung kayo ay mapadpad sa Tarlac City, tumuloy sa L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here.

01 L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here

Happy fiesta sa aking bayang sinilangan, Tarlac City kahapon January 20.  Gayundin, 141 years ago kahapon, January 20, 1872, naganap ang tinatawag na Motín de Cavite.  Huh???  What’s that Pokemón???  Ito po ang Cavite Mutiny na naging dahilan ng pagbitay sa garote sa tatlong pareng martir Mariano Gomes, José Burgos at Jacinto Zamora na ikinagimbal ng bayan.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Sa mga susunod na taon, ang katagang Mil Otso Sientos Sitenta y Dos ay ikinanginginig ng marami at pinag-uusapang sambitin.  Ganito ang epekto ng naging tugon ng mga Espanyol sa isang nabigong pag-aalsa.  Ayon sa ating mga teksbuk, pinangunahan ito ng isang Sarhento Francisco Lamadrid na sinalakay ang Fort San Felipe Neri sa Cavite gamit ang ilang sundalong Espanyol.

Sarhento Francisco Lamadrid.  Mula sa Philippine Almanac.

Sarhento Francisco Lamadrid. Mula sa Philippine Almanac.

Ito ay dahil daw sa pagtanggal ng pribilehiyo ng mga nagtatrabaho sa arsenal ng Cavite sa hindi pagbabayad ng tributo o buwis at sa hindi paglahok sa sapilitang paggawa.  Matagumapy na nakuha ng mga rebelde ang Fuerza ngunit matapos ang isang oras nagapi na ito ng mga pwersang Espanyol.  Namatay ang mga pinuno ang rebelyon at ang pinaghihinalaan na mga kasangkot ay itinapon sa Marianas o Guam [at iba pang lugar], o di kaya ay binitay.  Ngunit, isang bagong pag-aaral ang inilathala ng Heswitang Historyador na si John Schumacher batay sa isang bagong tuklas na dokumento, isang ulat, na isinulat mismo ni Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo, na siyang babago sa mga kaalaman natin ukol sa rebelyon.

Padre John Schumacher.  Mula sa Philippine Studies.

Padre John Schumacher. Mula sa Philippine Studies.

Hindi lamang pala pagbabayad ng tributo at sapilitang paggawa ng mga trabahador ng arsenal ang dahilan ng pag-aalsa tulad ng unang nabanggit.  Ni wala ngang nagmula sa arsenal sa mga nag-alsa.  Isa pala sana itong malawakang pag-aalsa na naglalayong makipaghiwalay ang Pilipinas sa Espanya!  Kasama sa plano ang kasabay sana na paglusob sa Fort Santiago sa Maynila.  Matapos nito ay pagdedeklara ng independencia at pagpatay ng lahat ng mga Espanyol na hindi magmamakaawa sa kanila.  Nabigo ang pag-aalsa dahil sa napaghandaan na rin ni Izquierdo ang pag-aalsa dahil sa ilang mga sulat na walang lagda na nagsusumbong sa mga plano at nang makumbinsi niya ang ilan sa mga sasama sana sa rebelyon na huwag nang tumuloy.  Ang mga tunay na utak ng pag-aalsa ay hindi ang tatlong paring martir na binitay kundi ang mga mason na sina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso na kasama sa mga naipatapon lamang.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite.  Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite. Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Bakit kaya hindi rin sila binitay?  Suspetsa ni Schumacher, ito ay dahil kapwa mason ang tatlong utak ng rebelyon at ang Gobernador Heneral!  Maaari ring ginamit ng mga nag-organisa ng pag-aalsa na si Francisco Zaldúa, na ginarote ng mga Espanyol kasama ang tatong pari matapos ang isang buwan, ay ginamit ang pangalan ni Burgos upang makapanghikayat.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Anuman ang nangyari, ang mga pangyayari sa Cavite at ang pagbitay sa mga pari ng 1872 ay tatatak sa isipan ng maraming mga Pilipino at isa sa mga binabanggit na salik na pagnanais ng kalayaan mula sa mga kolonisador.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 19 January 2013)