IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: gomburza

XIAOTIME, 15 February 2013: ANG PAGGAROTE SA TATLONG PARING GOMBURZA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 15 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

15 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=6PAtXRwo8Ds

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  141 years ago sa linggo, February 17, 1872, binitay ang tatlong paring martir na kolektibo nating tinatawag na GomBurZa.  Tagapagtaguyod sila ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880.  Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880. Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mariing tinutulan ito ng mga orden marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Kung tutuusin, hindi na nila kailangan ang kanilang ipinaglalaban.  Si Padre José Burgos ay kura paroko ng Katedral ng Maynila, si Jacinto Zamora naman ng Marikina at si Padre Mariano Gomes ng Bacoor, Cavite.  Napakataas na ng kanilang mga posisyon sa Simbahang Pilipino.

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Mariano Gomes.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Simbahan ng Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Simbahan ng Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit ginamit ang pangalan ni Padre Burgos upang manghikayat ng sasama sa nabigong Cavite Mutiny noong January 20, 1872.  Si Padre Gomes naman ayon sa ilang eksperto ay maaaring may kaalaman sa mutiny bilang pinaghihingahan ng sama ng loob at pinagkukumpisalan ng mga manggagawa sa Cavite.  Si Jacinto Zamora naman bagama’t isa sa mga nagtatatguyod ng sekularisasyon ay nadawit dahil nang i-raid ang kanyang tahanan, nahulihan siya ng isang sulat na nag-iimbita sa kanya na magdala ng “bala at pulbura.”  Mahilig sa sugal ng baraha si Zamora at ang imbitasyon na iyon ay code nilang magbabarkada para sa pera sa sugal.  Tsk, dahil sa sugal naging biktima pa siya ng mistaken identity.  Nagbigay sa kanila ng mga abogado na ibinenta lamang sila sa hukuman at sinabing umamin sila sa kanilang pagkakasala.  Napatunayan silang nagkasala at hinatulan sila ng kamatayan noong February 15, 1872 upang bitayin matapos ang dalawang araw.  Nang si Padre Gomes ay tinanong kung kanino niya nais mangumpisal, kanyang sinabi, “Piliin niyo na ang pinakamahigpit naming kaaway para mabatid nila ang kalinisan ng aming budhi.”

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Nang hilingin ng Gobernador Heneral Rafael Izquierdo na ipahubad sa Arsobispo ng Maynila Meliton Martinez ang abito ng mga pari upang hindi sila mamatay na pati, tumanggi ang arsobispo at iniutos pa na patunugin ang lahat ng kampana sa oras ng kanilang kamatayan.   Sa araw ng pagbitay, ang nagsangkot sa mga pari sa rebelyon, si Zaldua, ang unang binitay, akala niya ililigtas siya ng mga Espanyol.  Si Gomes naman ang sinunod at sinabi ayon sa pananaliksik ni Luis Dery kanyang sinabi sa pamangkin, “Huwag kang lumuha anak, ang taong tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi namamatay sa higaan.”  Maluwag niyang tinaggap ang kamatayan sa edad na 72.  Si Zamora naman ay nakatulala na parang isang maamong tupa, nabaliw na siya sa mga nangyari sa kanya.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Si Burgos ang iyak ng iyak.  Sa lahat ng tinamo niyang pitong digri, dalawa sa mga ito ay doktorado, sa edad ng 35 ito lang pala ang sasapitin niya.  Ipinipilit niya na wala siyang kasalanan.  Nang si Benito Corominas ay sumagot, “Maging si Kristo ay walang kasalanan.”  Sabat ni Burgos sa kanya, “Duwag!”  Ayon sa marker na ito sa pinagpatayan, strangulation ang pagpatay sa garote.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, pagbali ito sa leeg na nagbubunsod ng kagyat na kamatayan sa biktima.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Garrote Vil

Garrote Vil

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Dapat may takip ang mukha ng biktima.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir. Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

Tahimik na tumangis ang buong bayan, ayaw man lang banggitin ang taong iyon sa takot.  Ngunit hindi nila ito nakalimutan.  Iaalay ni Rizal ang ikalawa niyang nobela sa tatlo at gagawing password ang Gomburza sa Katipunan ni Bonifacio.  Ang kanilang pag-aalay ng buhay ay isa sa mga inspirasyon ng Himagsikan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

XIAOTIME, 8 February 2013: SINO SI PADRE JOSÉ BURGOS?

Broadcast of Xiaotime news segment last Friday, 8 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

8 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NCIx_f72m_o

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Para sa ating mga guro sa kasaysayan, bisitahin po natin ang filipinana.net, ang corporate social responsibility component ng Vibal Publishing, Inc., na nagbibigay ng libreng mga historikal na larawan at mga primaryang mga dokumento na ating magagamit sa pagtuturo tulad ng mga kumpletong sinulat ni José Rizal at ang Philippine Revolutionary Records.  Muli, bisitahin ang filipinana.net, the premiere digital library of the Philippines.

Filipiniana.net homepage.

Filipiniana.net homepage.

176 years ago bukas, February 9, 1837, isinilang sa Vigan, Ilocos Sur si Padre José Apolonio Burgos.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya ang pangunahing tagapagtaguyod ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.  Isa siya sa tatlong paring binitay noong February 17, 1872 na nakilala natin sa kolektibong tawag na GomBurZa.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Opisyal ng hukbong Espanyol ang ama ni Burgos, habang mestiza naman ang kanyang ina.  Ang bahay kung saan siya lumaki ay tinatayang dalawang siglo na ang tanda at hanggang ngayon at nakatayo pa rin, isa nang museo na maaaring mabisita sa likod ng kapitolyo ng Ilocos Sur.  Natuto siyang magbasa sa kanyang ina at nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad ng Sto. Tomas.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Isa sa pinakamatalinong Pilipino ng kanyang panahon, nagtapos siya ng pitong mga digri, dalawa dito ay doktorado.  Dahil dito naging examiner ng mga nais magpari.  Siya ay naging mahistradong kanonikal ng Katedral ng Maynila

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

kaya kung tutuusin, hindi naman niya kailangan ang mga bagay na kanyang ipinaglalaban, napakataas na ng kanyang posisyon sa Simbahang Pilipino, ngunit hindi niya ito inalintala at itinaguyod ang mga sekular na pari tulad ng nauna sa kanya na si Padre Pedro Pelaez na sa kasamaang palad ay namatay sa katedral noong lindol ng 1863.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Dapat kasi bitawan na ng marami sa mga regular na pari ang mga parokya upang ang mga sekular na pari ay makapagpraktis na sa pamumuno nito, ngunit marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Sa kanyang kasikatan, ginamit ang kanyang pangalan ni Francsico Zaldua nang ito ay magrekluta para sa pag-aalsa sa Cavite na naganap noong January 20, 1872.

Pag-aalsa sa Cavite.  Mula sa Filway's Philippine Almanac.

Pag-aalsa sa Cavite. Mula sa Filway’s Philippine Almanac.

Dali-daling nakakita ang mga kaaway ni Burgos, lalo na si Padre Benito Corominas, rector ng San Juan de Letran ng pagkakataon, pinaaresto si Padre Burgos at nagbigay ng abogado para sa kanya na ibinenta siya at sinabing umamin siya.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Tumayo si Burgos sa harap ng Konseho de Guerra at pinabulaanan nito ngunit hinatulan pa rin siya ng kamatayan.  February 17, 1872, sa Luneta, humahagulgol na binalian ng leeg sa pamamagitan ng garote si José Burgos.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ayon kay Dr. Luis Camara Dery, Pangulo ng Philippine Historical Association, nang dumating ang karwahe ng bangkay ni Burgos sa kanilang tahanan, ang kanyang inang si Florencia Garcia na naghihintay mula sa taas ng hagdan ay dahan-dahan na gumapang pababa at sa kanyang paghihinagpis kinalong ang anak na namatay na parang isang sanggol at dinala sa ikalawang palapag upang ihiga sa kama.  Trahedya man ang nangyari kay Padre Burgos, isa siyang taong dapat nating ipagdiwang bilang Pilipino, isang napakatalinong tao na hindi sarili lamang ang inisip, bagkus inalay ang kanyang talino sa kanyang kapwa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 5 February 2013)

XIAOTIME, 21 January 2013: TUNAY NA KASAYSAYAN SA LIKOD NG CAVITE MUTINY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 21 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite. Mula kay Arnaldo Dumindin.

21 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=CTt3X3tqj90

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang episode na ito ay handog sa inyo ng The Grand L Square & Residences.  Kung kayo ay mapadpad sa Tarlac City, tumuloy sa L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here.

01 L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here

Happy fiesta sa aking bayang sinilangan, Tarlac City kahapon January 20.  Gayundin, 141 years ago kahapon, January 20, 1872, naganap ang tinatawag na Motín de Cavite.  Huh???  What’s that Pokemón???  Ito po ang Cavite Mutiny na naging dahilan ng pagbitay sa garote sa tatlong pareng martir Mariano Gomes, José Burgos at Jacinto Zamora na ikinagimbal ng bayan.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Sa mga susunod na taon, ang katagang Mil Otso Sientos Sitenta y Dos ay ikinanginginig ng marami at pinag-uusapang sambitin.  Ganito ang epekto ng naging tugon ng mga Espanyol sa isang nabigong pag-aalsa.  Ayon sa ating mga teksbuk, pinangunahan ito ng isang Sarhento Francisco Lamadrid na sinalakay ang Fort San Felipe Neri sa Cavite gamit ang ilang sundalong Espanyol.

Sarhento Francisco Lamadrid.  Mula sa Philippine Almanac.

Sarhento Francisco Lamadrid. Mula sa Philippine Almanac.

Ito ay dahil daw sa pagtanggal ng pribilehiyo ng mga nagtatrabaho sa arsenal ng Cavite sa hindi pagbabayad ng tributo o buwis at sa hindi paglahok sa sapilitang paggawa.  Matagumapy na nakuha ng mga rebelde ang Fuerza ngunit matapos ang isang oras nagapi na ito ng mga pwersang Espanyol.  Namatay ang mga pinuno ang rebelyon at ang pinaghihinalaan na mga kasangkot ay itinapon sa Marianas o Guam [at iba pang lugar], o di kaya ay binitay.  Ngunit, isang bagong pag-aaral ang inilathala ng Heswitang Historyador na si John Schumacher batay sa isang bagong tuklas na dokumento, isang ulat, na isinulat mismo ni Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo, na siyang babago sa mga kaalaman natin ukol sa rebelyon.

Padre John Schumacher.  Mula sa Philippine Studies.

Padre John Schumacher. Mula sa Philippine Studies.

Hindi lamang pala pagbabayad ng tributo at sapilitang paggawa ng mga trabahador ng arsenal ang dahilan ng pag-aalsa tulad ng unang nabanggit.  Ni wala ngang nagmula sa arsenal sa mga nag-alsa.  Isa pala sana itong malawakang pag-aalsa na naglalayong makipaghiwalay ang Pilipinas sa Espanya!  Kasama sa plano ang kasabay sana na paglusob sa Fort Santiago sa Maynila.  Matapos nito ay pagdedeklara ng independencia at pagpatay ng lahat ng mga Espanyol na hindi magmamakaawa sa kanila.  Nabigo ang pag-aalsa dahil sa napaghandaan na rin ni Izquierdo ang pag-aalsa dahil sa ilang mga sulat na walang lagda na nagsusumbong sa mga plano at nang makumbinsi niya ang ilan sa mga sasama sana sa rebelyon na huwag nang tumuloy.  Ang mga tunay na utak ng pag-aalsa ay hindi ang tatlong paring martir na binitay kundi ang mga mason na sina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso na kasama sa mga naipatapon lamang.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite.  Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite. Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Bakit kaya hindi rin sila binitay?  Suspetsa ni Schumacher, ito ay dahil kapwa mason ang tatlong utak ng rebelyon at ang Gobernador Heneral!  Maaari ring ginamit ng mga nag-organisa ng pag-aalsa na si Francisco Zaldúa, na ginarote ng mga Espanyol kasama ang tatong pari matapos ang isang buwan, ay ginamit ang pangalan ni Burgos upang makapanghikayat.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Anuman ang nangyari, ang mga pangyayari sa Cavite at ang pagbitay sa mga pari ng 1872 ay tatatak sa isipan ng maraming mga Pilipino at isa sa mga binabanggit na salik na pagnanais ng kalayaan mula sa mga kolonisador.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 19 January 2013)