IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: burgos

XIAO TIME, 31 July 2013: ANG KODIGO NI KALANTIAW

PARA SA TUNAY NA KALANTIAW, TUMUNGO SA BABA NG PAGE NA ITO MATAPOS BASAHIN ANG ARTIKULO.

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Kalantiaw at Lubluban.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Kalantiaw at Lubluban. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

31 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=uTSXeZSLVnA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong 1913, may natagpuan na dokumento na pinamagatang Ancient Legends of the Island of Negros na isinulat ng isang prayleng Espanyol na nagngangalang José María Pavon.  At dito makikita ang sinasabing 18 mga sinaunang batas ng mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol na isinulat diumano ng isang nagngangalang Kalantiaw at nilikha sa Aklan noong 1433.

Mga dahon kung saan raw  nakasulat ang Kodigo ni Kalantiaw.  Nawasak noong digmaan.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ayon sa batas na ito, kung ikaw ay nakapatay, nagnakaw o sinaktan ang mga matatanda, ikaw ay itatali sa isang bato at ibubulid sa ilog o kumukulong tubig.  Gayundin, kung malaki utang mo sa datu na hindi mo nabayaran, tatlong beses na ang iyong kamay ay ibubulid sa kumukulong tubig.  Wala ring sinuman ang bibigay sa labis na tawag ng laman o magkaroon ng mga asawang ubod ng bata dahil sa unang beses na gawin mo ito, ikaw ay palalanguyin ng tatlong oras at sa ikalawa naman ay hahampasin hanggang mamatay sa pamamagitan ng latigong may mga tinik.  Hindi rin dapat gambalain ang kapayapaan ng mga libingan, dahil hahampasin ng latigong may tinik hanggang mamatay.  Papatawan ng parusang bitay ang makapatay ng pating o buwaya na may stripes.  Huh?? So pwede kung walang stripes?

Bitay para sa papatay ng buwaya na may stripes.

Bitay para sa papatay ng buwaya na may stripes.

Gayundin, kamatayan din kung mamamana ka sa gabi sa mga matatandang babae at lalaki.  So, ok lang kung mamana sa araw ng mga bata?  Gagawin ka namang alipin kung may-ari ka ng aso na kumagat sa datu.  Papaluin naman sa loob ng dalawang araw ang mga mga umaawit habang naglalakbay sa gabi!  Whaaaaat???

Hahampasin ng dalawang araw ang mga umaawit kapag naglalakbay sa gabi.

Hahampasin ng dalawang araw ang mga umaawit kapag naglalakbay sa gabi.

Ipapakagat ka naman sa mga langgam sa loob ng kalahating araw kung ikaw ay makapatay ng itim na pusa kapag new moon.  So ok lang kung puting pusa kapag full moon.

Kapag pumatay ka ng itim na pusa, ipapakagat ka sa langgam sa loob ng kalahating araw.  So ok lang kung ang pusang ito, hahaha.

Kapag pumatay ka ng itim na pusa, ipapakagat ka sa langgam sa loob ng kalahating araw. So ok lang kung ang pusang ito, hahaha.

Susunugin naman ang mga eetyas kung saan sinasamba ang mga anito.  Sa matagal na panahon, ginawa itong ebidensya na mayroon na tayong sinaunang batas, nilagay si Kalantiaw sa sining, sa selyo, naisulat sa bakal, at naging pangalan ng dekorasyon para sa mga retiradong punong hurado ng Korte Suprema—ang Order of Kalantiaw.

Ang pahina sa aklat nina Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, "History of the Filipino People" na nagpapakita ng pahina  ukol sa Kodigo ni Kalantiaw.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang pahina sa aklat nina Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, “History of the Filipino People” na nagpapakita ng pahina ukol sa Kodigo ni Kalantiaw. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Rajah Kalantiaw sa sining.

Rajah Kalantiaw sa sining.

Si Marcos bilang tagapagmana ni Kalantiaw, ang pinakaunang tagapagbatas.  Obra ni Leonardo Cruz.

Si Marcos bilang tagapagmana ni Kalantiaw, ang pinakaunang tagapagbatas. Obra ni Leonardo Cruz.

Ang selyo bilang parangal kay Rajah Kalantiaw.

Ang selyo bilang parangal kay Rajah Kalantiaw.

Marker para kay Rajah Kalantiaw sa Aklan.

Marker para kay Rajah Kalantiaw sa Aklan.

RPS Datu Kalantiaw nang sumayad sa dalampasigan ng Calayan, September 21, 1981 (anibersaryo ng Batas Militar.  79 ng 97 na mga tauhan nito ang namatay, ang pinakamalalang sakuna sa Philippine Navy.

RPS Datu Kalantiaw nang sumayad sa dalampasigan ng Calayan, September 21, 1981 (anibersaryo ng Batas Militar. 79 ng 97 na mga tauhan nito ang namatay, ang pinakamalalang sakuna sa Philippine Navy.  Mula sa Wikipedia

Napakalupit naman pala ng mga ninuno natin at ang sabaw lang nila.  Buti nalang, napatunayan ng isang dayuhang iskolar, si William Henry Scott, na pekeng dokumento ito na nilagay ng isang nagngangalang Jose Marco.  Ayon kay Ambeth Ocampo sa kanyang katatapos pa lamang na lektura sa Ayala Museum, marami pang mga dokumentong pagkasaysayan ang pineke ni Jose Marco, maging ang nobela raw ni Padre Burgos na La Loba Negra.

William Henry Scott

William Henry Scott

Jose Marco

Jose Marco

Sinaunang kalendaryo raw ng mga sinaunang Pilipino na gawa ni... Jose Marco.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Sinaunang kalendaryo raw ng mga sinaunang Pilipino na gawa ni… Jose Marco. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Orihinal na manuskrito ng La Loba Negra na sinulat raw ni Padre Jose Burgos na gawa pala ni... Jose Marco.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Orihinal na manuskrito ng La Loba Negra na sinulat raw ni Padre Jose Burgos na gawa pala ni… Jose Marco. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ngunit bakit nagtagumpay si Marco sa krimen niyang ito na pekehin ang nasyon?  Ayon kay Ambeth, sa pagnanais natin na likhain ang bansa—forge the nation, napeke ni Marco ang bansa—forge the nation.  Sa panahon na naghahanap tayo ng ginintuang nakaraan, lumikha siya nito para sa atin.

Ang poster ng katatapos lamang na lektura ni Dr. Ambeth R. Ocampo noong July 20, 2013 sa Ayala Museum.

Ang poster ng katatapos lamang na lektura ni Dr. Ambeth R. Ocampo noong July 20, 2013 sa Ayala Museum.

Si Ambeth Ocampo sa kanyang July 20, 2013 lecture sa Ayala Museum.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Ambeth Ocampo sa kanyang July 20, 2013 lecture sa Ayala Museum. Kuha ni Xiao Chua.

Ang mga tao ay naisyahan sa lektura ni Dr. Ambeth Ocampo.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua at mga kasama--tagahanga lahat ni Sir Ambeth.  Mula kay MJ Numerosa Beldera ng Holy Spirit National High School.

Si Xiao Chua at mga kasama–tagahanga lahat ni Sir Ambeth. Mula kay MJ Numerosa Beldera ng Holy Spirit National High School.

Ngayon, mas marami nang eksperto sa iba-ibang disiplina ng Agham Panlipunan na mas maingat sa pagsusuri ng mga datos at dokumento sa pagsasalaysay ng kwento ng bayan kaya harinawa hindi na maloko ang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Sa taxi, 25 July 2013)

Ang tunay na Kalantiaw?  Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw? Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw?  Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw? Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

XIAO TIME, 25 March 2013: SIGAW NG CANDON AT ANG REBOLUSYUNARYONG PAMANA NG ILOCOS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon.  Mula kay Orlino Ochosa.

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon. Mula kay Orlino Ochosa.

25 March 2013, Holy Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=nPkWjGxCg4w

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon, ang turismo ng Vigan at ng Ilocandia ay natatali sa mga pamanang kolonyal ng mga Espanyol—mga lumang bahay, mga lumang simbahan, at iba pa.  Mungkahi ng historyador na si Jaime Veneracion, maaaring gawing maka-Pilipino ang pananaw ng turismo doon at ipakita ang mga rebolusyunaryong pamana ng mga bayaning Ilokano sa ating bansa.  Ilang taon na rin na isinasagawa nila sa Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan na ang Heroes’ Trail sa Tirad Pass, Ilocos Sur kung saan namatay ang batang heneral na Bulakenyo na si Gregorio del Pilar noong 1899.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Sa bahay na ito sa Vigan, Ilocos Sur din lumaki si Padre José Burgos na isinilang noong 1837.  Ilang lakad lang, sa bahay naman na ngayon ay isa nang restaurant nanirahan ang isang kilalang babaeng makata at nanunulat ng dulang Ilokano noon na si Leona Florentino, ang kanyang mga akda ay naisalin sa iba’t ibang wikang pandaigdig at naitanghal sa Espanya, Paris at St. Louis sa Missouri, gayundin sa Pranses na International Encyclopedia of Women’s Works noong 1889.  Sa harap nito, isang monumento at plaza ang inalay sa kanya.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Padre Jose A. Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Jose A. Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Monumento ni Leona Florentino.  Kuha ni Xiao Chua

Monumento ni Leona Florentino. Kuha ni Xiao Chua

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan. Kuha ni Xiao Chua.

Siya ang ina ng isang makabayang propagandista at iskolar, si Don Isabelo de los Reyes, isa sa tagapagtatag ng Iglesia Filipina Independiente o IFI.  Ang unang Obispo Maximo nito na si Don Gregorio Aglipay, ang magkapatid na Juan at Antonio Luna, si Heneral Artemio Ricarte at ang isa sa mga kasama ni Andres Bonifacio nagtatag ng Katipunan, at treasurer ng samahan na si Valentin Diaz ay pawang mga Ilokano.  Si Diaz ay isinilang sa plaza na ito malapit sa makasaysayang Paoay Church sa Ilocos Norte noong 1849.

Isabelo de los Reyes

Isabelo de los Reyes

Obispo Gregorio Aglipay

Obispo Gregorio Aglipay

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte.  Kuha ni Xiao Chua

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte. Kuha ni Xiao Chua

Juan at Antonio Luna

Juan at Antonio Luna

Artemio Ricarte

Artemio Ricarte

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz.  Mula sa Aklat Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz. Mula sa Aklat Adarna.

illust2

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz.  Mga Kuha ni Xiao Chua.

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz. Mga Kuha ni Xiao Chua.

IMG_4389 IMG_4386

Isa namang lihim na samahang makabayan, ang Espiritu de Candon, ang itinatag sa isa sa mga bayan sa Ilocos Sur.  Noong March 24, 1898, nahulihan sila ng isang kasapi at dahil pinahirapan, nabunyag ang samahan.  Kinagabihan sa isang piging, nalaman ito ng isa sa kanyang mga kasama, si Federico Isabelo Abaya.  Dali-daling tinawagan ni Kapitan Belong ang kanyang mga kasama, nag-armas, at alas dos ng umaga kinabukasan, 115 years ago ngayong araw, sinalakay nila ang himpilan ng guardia civil ng Candon.  Matapos nito ay kinuha nila ang convento at pinugutan ng ulo ang kanilang kura paroko at dalawang bisitang prayle.  Itinaas niya ang bandilang pula ng himagsikan sa plaza at ipinroklama ang malayang Republika ng Candon.  Ito ang tinawag na Ikkis ti Kandon o Cry of Candon.

Ikiis ti Candon.  Mula sa Philippine Almanac.

Ikiis ti Candon. Mula sa Philippine Almanac.

Candon Church

Candon Church

Isabelo Abaya.  Mula sa Arnaldo Dumindin.

Isabelo Abaya. Mula sa Arnaldo Dumindin.

Pinalaya din nila ang bayan ng Santiago ngunit ang mga naiwan sa Candon ay nahuli ng mga Espanyol at binitay.  Si Isabelo Abaya ay nakatakas at naging kasapi ng Hukbong Rebolusyunaryo sa ilalim ni Koronel Manuel Tinio at sa Philippine-American War ay nakipaglaban kasama ng mga Igorot sa Labanan sa Caloocan laban sa mga bagong mananakop na Amerikano.

Col. Manuel Tinio.

Col. Manuel Tinio.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Cry of Candon Monument

Isabelo Abaya Monument

Si Abaya ay napatay noong May 3, 1900 at ang kanyang katawan ay binandera sa plaza na ito ng Candon kung saan niya itinaas ang banderang pula ng kalayaan.  Ano pa nga ba ang maaasahan sa mga kalahi nina Diego at Gabriela Silang:  Kagitingan!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 March 2013)

XIAOTIME, 7 March 2013: ANG PAPEL NI PACIANO RIZAL MERCADO SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay.  Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan?  Ang sagot sa ibaba.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay. Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan? Ang sagot sa ibaba. Mula sa Vibal Foundation.

7 March 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Binabati ko si Ma’am Esther Lopez Azurin at ang kanilang mga kaanak, aking kaibigan at apo ng aking tatalakayin sa araw na ito.

Si Xiao Chua kasama si Ma'am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

Si Xiao Chua kasama si Ma’am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

162 years ago, March 9, 1851, isinilang si Heneral Paciano Mercado.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya po ang kuya ng ating National Hero na si Dr. José Rizal na mas kilala natin sa tawag na Paciano Rizal.  Kung si José ang ikapito sa labinlimang magkakapatid, si Paciano ang ikalawa, nag-aral sa Kolehiyo de San José at Unibersidad ng Sto. Tomas ngunit nang mabitay ang kanyang kaibigan at housemate na si Padre José Burgos noong 1872, nag-drop out na lamang siya.  Dahil sa maagang pagkamulat na ito sa kaalipinan ng bayan, siya ang nagturo sa batang Pepe na mahalin ang bayan.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal.  Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal. Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Batang Jose "Pepe" Rizal

Batang Jose “Pepe” Rizal

Padre Jose Burgos

Padre Jose Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Siya ang nagdala dito sa Maynila upang maipasok sa Ateneo kahit na nahuli sa rehistrasyon.  Sa tulong ng ilang kapwa makabayan, siya din ang kumumbinsi sa matalinong si Pepe na umalis patungong Europa upang tuparin ang pangarap na siya sana ang dapat na magsakatuparan—ang ipaglaban ang bayan bilang isang ilustrado gamit ang kanyang panulat sa Espanya.  Walang José Rizal na National Hero kung walang Paciano Rizal.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros.  Mula sa Vibal Foundation.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros. Mula sa Vibal Foundation.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe.  Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe. Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Siya ang obrerong kumayod sa bukid upang mapadalhan lamang ng pera ang kapatid kapag ito ay nangailangan, hanggang sa sila’y walang-wala na at tuluyang palayasin sila ng mga prayle sa kanilang lupain sa Calamba.  Hindi totoong lubos na tumanggi si Rizal na ipaglaban sa isang himagsikan.  Ito ang bagong pananaw ngayon ng ilang historyador, dahil kung talagang ayaw ni Rizal sa himagsikan, bakit ang kanyang mga kapatid na sina Josefa at Trining ay naging mga kasapi ng Katipunan, si Paciano naging heneral pa.

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna.  Kuha ni Xiao Chua

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna. Kuha ni Xiao Chua

Nang balak sanang iligtas nina Andres Bonifacio si Rizal noong babarilin na ito noong 1896, si Paciano ang pumigil sa kanila sa pagsasabing hindi nanaisin ng kanyang kapatid na magbuwis ng maraming buhay para lamang sa kanyang iisang buhay.  Sa pamahalaang rebolusyunaryo sa ilalim ni Hen. Emilio Aguinaldo, siya ang naging Kalihim ng Pananalapi.  Nang mapasakamay ng mga Amerikano, inalok ng posisyon sumumpa lamang ng katapatan sa watawat ng mga Amerikano.  Ngunit kanya itong tinanggihan at namuhay na lamang ng mapayapa bilang obrerong may lupa sa Los Baños, Laguna sa bahay na ito.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa.  Mula sa Lolo Jose:  An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa. Mula sa Lolo Jose: An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna. Kuha ni Xiao Chua.

Nakatanaw sa dati nilang tahanan sa lawa hanggang sa ito ay mamatay noong April 13, 1930.  Noong nabubuhay siya, ayaw niyang magpakuha ng litrato at nadala ata ang kaisipan ng isang rebeldeng ayaw basta makilala, ngunit minsan nanakawan siya ng kanyang mga kaanak ng imahe sa harapan ng isang aakalain mo sa sofa, iyon pala ay puwit ng kanyang pamangkin.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo.  Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo. Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Hindi raw maramot, nagpamigay ng lupa sa kanyang mga magsasaka, maging ang pook ng UP Los Baños ay lupa nila dati.  Kabalintunaang kilalanin si José Rizal kung hindi rin natin aalalahanin kahanay niya ang kanyang kuyang nanatili nakaugat sa diwa ng bayan—Hen. Paciano Rizal.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 15 February 2013: ANG PAGGAROTE SA TATLONG PARING GOMBURZA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 15 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

15 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=6PAtXRwo8Ds

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  141 years ago sa linggo, February 17, 1872, binitay ang tatlong paring martir na kolektibo nating tinatawag na GomBurZa.  Tagapagtaguyod sila ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880.  Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880. Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mariing tinutulan ito ng mga orden marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Kung tutuusin, hindi na nila kailangan ang kanilang ipinaglalaban.  Si Padre José Burgos ay kura paroko ng Katedral ng Maynila, si Jacinto Zamora naman ng Marikina at si Padre Mariano Gomes ng Bacoor, Cavite.  Napakataas na ng kanilang mga posisyon sa Simbahang Pilipino.

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Mariano Gomes.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Simbahan ng Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Simbahan ng Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit ginamit ang pangalan ni Padre Burgos upang manghikayat ng sasama sa nabigong Cavite Mutiny noong January 20, 1872.  Si Padre Gomes naman ayon sa ilang eksperto ay maaaring may kaalaman sa mutiny bilang pinaghihingahan ng sama ng loob at pinagkukumpisalan ng mga manggagawa sa Cavite.  Si Jacinto Zamora naman bagama’t isa sa mga nagtatatguyod ng sekularisasyon ay nadawit dahil nang i-raid ang kanyang tahanan, nahulihan siya ng isang sulat na nag-iimbita sa kanya na magdala ng “bala at pulbura.”  Mahilig sa sugal ng baraha si Zamora at ang imbitasyon na iyon ay code nilang magbabarkada para sa pera sa sugal.  Tsk, dahil sa sugal naging biktima pa siya ng mistaken identity.  Nagbigay sa kanila ng mga abogado na ibinenta lamang sila sa hukuman at sinabing umamin sila sa kanilang pagkakasala.  Napatunayan silang nagkasala at hinatulan sila ng kamatayan noong February 15, 1872 upang bitayin matapos ang dalawang araw.  Nang si Padre Gomes ay tinanong kung kanino niya nais mangumpisal, kanyang sinabi, “Piliin niyo na ang pinakamahigpit naming kaaway para mabatid nila ang kalinisan ng aming budhi.”

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Nang hilingin ng Gobernador Heneral Rafael Izquierdo na ipahubad sa Arsobispo ng Maynila Meliton Martinez ang abito ng mga pari upang hindi sila mamatay na pati, tumanggi ang arsobispo at iniutos pa na patunugin ang lahat ng kampana sa oras ng kanilang kamatayan.   Sa araw ng pagbitay, ang nagsangkot sa mga pari sa rebelyon, si Zaldua, ang unang binitay, akala niya ililigtas siya ng mga Espanyol.  Si Gomes naman ang sinunod at sinabi ayon sa pananaliksik ni Luis Dery kanyang sinabi sa pamangkin, “Huwag kang lumuha anak, ang taong tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi namamatay sa higaan.”  Maluwag niyang tinaggap ang kamatayan sa edad na 72.  Si Zamora naman ay nakatulala na parang isang maamong tupa, nabaliw na siya sa mga nangyari sa kanya.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Si Burgos ang iyak ng iyak.  Sa lahat ng tinamo niyang pitong digri, dalawa sa mga ito ay doktorado, sa edad ng 35 ito lang pala ang sasapitin niya.  Ipinipilit niya na wala siyang kasalanan.  Nang si Benito Corominas ay sumagot, “Maging si Kristo ay walang kasalanan.”  Sabat ni Burgos sa kanya, “Duwag!”  Ayon sa marker na ito sa pinagpatayan, strangulation ang pagpatay sa garote.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, pagbali ito sa leeg na nagbubunsod ng kagyat na kamatayan sa biktima.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Garrote Vil

Garrote Vil

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Dapat may takip ang mukha ng biktima.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir. Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

Tahimik na tumangis ang buong bayan, ayaw man lang banggitin ang taong iyon sa takot.  Ngunit hindi nila ito nakalimutan.  Iaalay ni Rizal ang ikalawa niyang nobela sa tatlo at gagawing password ang Gomburza sa Katipunan ni Bonifacio.  Ang kanilang pag-aalay ng buhay ay isa sa mga inspirasyon ng Himagsikan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

XIAOTIME, 8 February 2013: SINO SI PADRE JOSÉ BURGOS?

Broadcast of Xiaotime news segment last Friday, 8 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

8 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NCIx_f72m_o

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Para sa ating mga guro sa kasaysayan, bisitahin po natin ang filipinana.net, ang corporate social responsibility component ng Vibal Publishing, Inc., na nagbibigay ng libreng mga historikal na larawan at mga primaryang mga dokumento na ating magagamit sa pagtuturo tulad ng mga kumpletong sinulat ni José Rizal at ang Philippine Revolutionary Records.  Muli, bisitahin ang filipinana.net, the premiere digital library of the Philippines.

Filipiniana.net homepage.

Filipiniana.net homepage.

176 years ago bukas, February 9, 1837, isinilang sa Vigan, Ilocos Sur si Padre José Apolonio Burgos.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya ang pangunahing tagapagtaguyod ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.  Isa siya sa tatlong paring binitay noong February 17, 1872 na nakilala natin sa kolektibong tawag na GomBurZa.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Opisyal ng hukbong Espanyol ang ama ni Burgos, habang mestiza naman ang kanyang ina.  Ang bahay kung saan siya lumaki ay tinatayang dalawang siglo na ang tanda at hanggang ngayon at nakatayo pa rin, isa nang museo na maaaring mabisita sa likod ng kapitolyo ng Ilocos Sur.  Natuto siyang magbasa sa kanyang ina at nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad ng Sto. Tomas.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Isa sa pinakamatalinong Pilipino ng kanyang panahon, nagtapos siya ng pitong mga digri, dalawa dito ay doktorado.  Dahil dito naging examiner ng mga nais magpari.  Siya ay naging mahistradong kanonikal ng Katedral ng Maynila

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

kaya kung tutuusin, hindi naman niya kailangan ang mga bagay na kanyang ipinaglalaban, napakataas na ng kanyang posisyon sa Simbahang Pilipino, ngunit hindi niya ito inalintala at itinaguyod ang mga sekular na pari tulad ng nauna sa kanya na si Padre Pedro Pelaez na sa kasamaang palad ay namatay sa katedral noong lindol ng 1863.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Dapat kasi bitawan na ng marami sa mga regular na pari ang mga parokya upang ang mga sekular na pari ay makapagpraktis na sa pamumuno nito, ngunit marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Sa kanyang kasikatan, ginamit ang kanyang pangalan ni Francsico Zaldua nang ito ay magrekluta para sa pag-aalsa sa Cavite na naganap noong January 20, 1872.

Pag-aalsa sa Cavite.  Mula sa Filway's Philippine Almanac.

Pag-aalsa sa Cavite. Mula sa Filway’s Philippine Almanac.

Dali-daling nakakita ang mga kaaway ni Burgos, lalo na si Padre Benito Corominas, rector ng San Juan de Letran ng pagkakataon, pinaaresto si Padre Burgos at nagbigay ng abogado para sa kanya na ibinenta siya at sinabing umamin siya.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Tumayo si Burgos sa harap ng Konseho de Guerra at pinabulaanan nito ngunit hinatulan pa rin siya ng kamatayan.  February 17, 1872, sa Luneta, humahagulgol na binalian ng leeg sa pamamagitan ng garote si José Burgos.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ayon kay Dr. Luis Camara Dery, Pangulo ng Philippine Historical Association, nang dumating ang karwahe ng bangkay ni Burgos sa kanilang tahanan, ang kanyang inang si Florencia Garcia na naghihintay mula sa taas ng hagdan ay dahan-dahan na gumapang pababa at sa kanyang paghihinagpis kinalong ang anak na namatay na parang isang sanggol at dinala sa ikalawang palapag upang ihiga sa kama.  Trahedya man ang nangyari kay Padre Burgos, isa siyang taong dapat nating ipagdiwang bilang Pilipino, isang napakatalinong tao na hindi sarili lamang ang inisip, bagkus inalay ang kanyang talino sa kanyang kapwa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 5 February 2013)

XIAOTIME, 21 January 2013: TUNAY NA KASAYSAYAN SA LIKOD NG CAVITE MUTINY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 21 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite. Mula kay Arnaldo Dumindin.

21 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=CTt3X3tqj90

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang episode na ito ay handog sa inyo ng The Grand L Square & Residences.  Kung kayo ay mapadpad sa Tarlac City, tumuloy sa L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here.

01 L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here

Happy fiesta sa aking bayang sinilangan, Tarlac City kahapon January 20.  Gayundin, 141 years ago kahapon, January 20, 1872, naganap ang tinatawag na Motín de Cavite.  Huh???  What’s that Pokemón???  Ito po ang Cavite Mutiny na naging dahilan ng pagbitay sa garote sa tatlong pareng martir Mariano Gomes, José Burgos at Jacinto Zamora na ikinagimbal ng bayan.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Sa mga susunod na taon, ang katagang Mil Otso Sientos Sitenta y Dos ay ikinanginginig ng marami at pinag-uusapang sambitin.  Ganito ang epekto ng naging tugon ng mga Espanyol sa isang nabigong pag-aalsa.  Ayon sa ating mga teksbuk, pinangunahan ito ng isang Sarhento Francisco Lamadrid na sinalakay ang Fort San Felipe Neri sa Cavite gamit ang ilang sundalong Espanyol.

Sarhento Francisco Lamadrid.  Mula sa Philippine Almanac.

Sarhento Francisco Lamadrid. Mula sa Philippine Almanac.

Ito ay dahil daw sa pagtanggal ng pribilehiyo ng mga nagtatrabaho sa arsenal ng Cavite sa hindi pagbabayad ng tributo o buwis at sa hindi paglahok sa sapilitang paggawa.  Matagumapy na nakuha ng mga rebelde ang Fuerza ngunit matapos ang isang oras nagapi na ito ng mga pwersang Espanyol.  Namatay ang mga pinuno ang rebelyon at ang pinaghihinalaan na mga kasangkot ay itinapon sa Marianas o Guam [at iba pang lugar], o di kaya ay binitay.  Ngunit, isang bagong pag-aaral ang inilathala ng Heswitang Historyador na si John Schumacher batay sa isang bagong tuklas na dokumento, isang ulat, na isinulat mismo ni Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo, na siyang babago sa mga kaalaman natin ukol sa rebelyon.

Padre John Schumacher.  Mula sa Philippine Studies.

Padre John Schumacher. Mula sa Philippine Studies.

Hindi lamang pala pagbabayad ng tributo at sapilitang paggawa ng mga trabahador ng arsenal ang dahilan ng pag-aalsa tulad ng unang nabanggit.  Ni wala ngang nagmula sa arsenal sa mga nag-alsa.  Isa pala sana itong malawakang pag-aalsa na naglalayong makipaghiwalay ang Pilipinas sa Espanya!  Kasama sa plano ang kasabay sana na paglusob sa Fort Santiago sa Maynila.  Matapos nito ay pagdedeklara ng independencia at pagpatay ng lahat ng mga Espanyol na hindi magmamakaawa sa kanila.  Nabigo ang pag-aalsa dahil sa napaghandaan na rin ni Izquierdo ang pag-aalsa dahil sa ilang mga sulat na walang lagda na nagsusumbong sa mga plano at nang makumbinsi niya ang ilan sa mga sasama sana sa rebelyon na huwag nang tumuloy.  Ang mga tunay na utak ng pag-aalsa ay hindi ang tatlong paring martir na binitay kundi ang mga mason na sina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso na kasama sa mga naipatapon lamang.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite.  Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite. Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Bakit kaya hindi rin sila binitay?  Suspetsa ni Schumacher, ito ay dahil kapwa mason ang tatlong utak ng rebelyon at ang Gobernador Heneral!  Maaari ring ginamit ng mga nag-organisa ng pag-aalsa na si Francisco Zaldúa, na ginarote ng mga Espanyol kasama ang tatong pari matapos ang isang buwan, ay ginamit ang pangalan ni Burgos upang makapanghikayat.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Anuman ang nangyari, ang mga pangyayari sa Cavite at ang pagbitay sa mga pari ng 1872 ay tatatak sa isipan ng maraming mga Pilipino at isa sa mga binabanggit na salik na pagnanais ng kalayaan mula sa mga kolonisador.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 19 January 2013)