IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: rizal

XIAOTIME, 27 December 2012: MGA PILIPINO, TAMAD NGA BA?

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 27 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Rizal, The Reformist."  Obra-maerstra ni Martino A. Abellana.  Nasa Pambansang Sinupan ng Sining, Pambansang Museo ng Pilipinas.

“Rizal, The Reformist.” Obra-maestra ni Martino A. Abellana. Nasa Pambansang Sinupan ng Sining, Pambansang Museo ng Pilipinas.

27 December 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=V8-YkVJPoTY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Tamad ba ang mga Pilipino?  Isa itong pauliti-ulit at maituturing na walang-hanggang tanong natin sa ating mga sarili bilang isang mamamayan at madalas na madalas ang sagot natin ay oo.  Minsan nang sinagot ng ating National Hero na si José Rizal ang tanong na ito nang isang Doctor Sancianco ang sumulat sa pahayagang Progreso de Filipinas at pinaratangan ang mga indio na kaya hindi umuunlad dahil sa kanilang katamaran.

Dalawang indiong sabungero.  Ang sabong ayon kay Rizal ay dala ng mga Espanyol sa Pilipinas.  Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Dalawang indiong sabungero. Ang sabong ayon kay Rizal ay dala ng mga Espanyol sa Pilipinas. Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Sa kanyang sanaysay na “Sobre La Indolencia de los Filipinos,” o “Ukol sa Katamaran ng mga Pilipino,” na inilathala sa La Solidaridad, hindi niya itinanggi na may tendensiya nga ang mga Pilipino na maging tamad, ngunit hindi ito dahil sa “maliit na pagmamahal sa hanapbuhay” kundi produkto ng ating konteksto bilang isang bayan.  Huh???  Pinoy tamad???  Sabi ni Rizal???  Liwanagin natin.  Ayon kay Rizal, ang ating kabihasnan at ang ating pakikipagkalakalan sa mga dayuhan bago dumating ang kolonyalismo ang nagpapakita na hindi natural sa Pinoy ang maging tamad.  Ngunit, dalawa ang pangunahing dahilan ng pagkatamad ng Pinoy.

Tao at kalabaw sa initan.  Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Tao at kalabaw sa initan. Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Tila isa siyang environmental determinist sa kanyang unang dahilan, sa isang tropikal at mainit na bansa, natural lamang na nais lagi magpahinga ng mga taong laging nagtatrabaho sa initan, at kung hindi gagawin ito, mawawala ang ating lahi.  Pangalawang dahilan, ang mismong sistema ng kolonyalismo ng dayuhang Espanyol.  Paano ka nga namang gaganahang magtrabaho kung hindi mo naman napapakinabangan ang mga kinikita mo.

Mga chicas na Kastila.  Mula sa philhistorypics.blogspot.com

Mga chicas na Kastila. Mula sa philhistorypics.blogspot.com

Gayundin, sino ang mas tamad?  Kung ang mga Espanyol noon sa Pilipinas ay makikitang nagsasara ng mga negosyo upang magsiesta sa hapon, nagpapasapatos sa ibang tao, at pinapayungan ng ibang tao?   Ayon kay Rizal, ang pagiging tamad ng Pilipino ay hindi ang dahilan ng bulok na sistema, kundi ito ang nagiging sanhi ng isang bulok na sistema na nang-aalipin.  Para kay Rizal, tulad ng isang maysakit na pasyente, kailangang salinan ng dugo upang mabigyan ng bagong buhay at bagong sigla ang lipunan!  Edukasyon ang kanyang solusyon.  Naging inspirasyon ang analysis na ito ni Rizal upang isulat ni Syed Hussein Alataz ng Malaysia sa kanyang pag-aaral ukol sa The Myth of the Lazy Native noong 1977 kung saan ipinakita na ipinalaganap talaga ng mga kolonyalista sa Timog Silangang Asya ang imaheng ito ng tamad na indio at isinaksak sa kokote natin upang manatili tayong hindi umaangat upang malampasan sila.

Syed Hussein Alataz bilang isang pulitiko.

Syed Hussein Alataz bilang isang pulitiko.

Sa ganang akin, ito ay isang “program” na ipinasok sa ating kamalayan at kaisipan ngunit hindi maaaring sisihin lamang natin ang mga dayuhan sapagkat tinanggap naman natin ito at naging tamad na nga rin tayo.  Mas magandang akuin at aminin natin na may pagkukulang tayo upang masabi nating wala sa ibang tao ang solusyon kundi ako mismo.  Na may magagawa tayo na itama ang ating mali.  Buhayin natin ang baging dugong Pilipino.  I-reprogram natin ang ating mga kaisipan at ang ating kasaysayan!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Lulan ng fx taxi, Quezon Ave., 19 December 2012)

XIAOTIME, 26 December 2012: ANG PASKO NG MGA BAYANI SA KASAYSAYAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 26 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Rizal habang nagsusulat sa loob ng kanyang kulungan sa Fort Santiago.  Estatwang wax ni Guillermo Tolentino.  Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Rizal habang nagsusulat sa loob ng kanyang kulungan sa Fort Santiago. Estatwang wax ni Guillermo Tolentino. Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

26 December 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mBmQe-yPb0I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati po si Ate Gie Averia, regular na manonood ng News@1 at News@6 mula sa Vigan, para sa kanyang kaarawan noong isang linggo.  Sa kanyang pangalawang nobela na El Filibusterismo, pinansin ni Dr. José Rizal na bagama’t sinasabing ang pasko ay para sa mga bata, ang mga bata ay maaaring hindi naman natutuwa dito.

Mula sa Philippine Almanac ng Filway

Mula sa Philippine Almanac ng Filway

Pinagbibihis ng mga bagong damit at sapatos upang pawisan at pagtyagaan ang ritwal ng misa, at kapag marumihan ang kanilang damit, ay mapapagalitan at makukurot lamang.  Matapos nito ay papupuntahin daw ang mga bata sa iba’t ibang bahay, magmano sa mga nakatatanda at gagawin ang pinagagawa sa kanila—kumanta, sumayaw, at gumawa ng mga nakatutuwang bagay.  Kung hindi nila gawin ito mapapagalitan at makukurot lamang sila.  Bibigyan sila ng pera ngunit kukunin lang naman ito ng kanilang mga magulang at hindi na ibabalik sa kanila.  Ano ang nakukuha nila sa pasko, mga pasa ng pangungurot, at masakit na tiyan sa sobrang pagkain ng mga keyk? Para sa kanya, “baptism of fire,” Hanep talaga si Rizal, tila isang anthropologist na tahimik palang pinagmamasdan ang mga bata tuwing pasko, o hindi kaya sarili niyang karanasan ito noong bata pa siya?  Anuman, sinasabing ang pinakamalungkot na pasko niya ay nangyari 116years ago, December 25, 1896.  Nakakulong si Rizal sa Fort Santiago, malayo sa piling ng mga mahal sa buhay, mga magulang at sa mahal niyang si Josephine dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan.  Pinaghahandaan ang kanyang depensa sa isang paglilitis kinabukasan na malamang sa malamang ay magpapataw sa kanya ng parusang kamatayan.

Teodora Alonso sa kanyang katandaan.

Teodora Alonso sa kanyang katandaan.

Nang ipataw sa kanya ang sentensya sa salang rebelyon, sedisyon at pagtatag ng ilegal na organisasyon tulad ng La Liga Filipina at Katipunan noong December 29, 1896, sinasabing nagdala ng sulat ang kanyang inang si Doña Teodora Alonso sa Malacañan at sa hagdan ng palasyo ay nagsumamo sa Gobernador Heneral Camilo de Polavieja na huwag patayin ang kanyang anak.

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja

Kaya sinimulan ni Pangulong Manuel Quezon ang pag-akyat sa mga hagdan ng palasyo sa unang araw ng isang president ng Pilipinas, kumbaga upang ibawi ang nangyari kay Doña Teodora, kung saan aakyat na ang Pilipino sa palasyo ng taas no at hindi alipin.

Manuel Quezon na umaakyat ng taas noo sa mga hagdan ng Palasyo ng Malacanan bilang pangulo ng Pilipinas, 15 November 1935.

Manuel Quezon na umaakyat ng taas noo sa mga hagdan ng Palasyo ng Malacanan bilang pangulo ng Pilipinas, 15 November 1935.

Noong mga panahon na iyon, nagpapasko sa larangan ng labanan ang mga kasapi ng Katipunan.

At Alangan River, The Last Stand (Limay, Bataan)41363_1446144466847_7433404_n

Noong 1941, ang mga lolo at lola natin na beterano ay nagsisimula nang lumaban noon sa mga mananakop na Hapones, Disyembre kasi nang magsimula ang digmaan sa Pilipinas.

Ang pagkabulbos ng Maynila noong Liberasyon bilang ikalawang pinakagumuhong Allied na lungsod sa diagdig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marso 1945.  Mula sa kolkesyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Ang pagkabulbos ng Maynila noong Liberasyon bilang ikalawang pinakagumuhong Allied na lungsod sa diagdig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marso 1945. Mula sa kolkesyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Noong Marso 1945, matapos mapulbos ang Maynila at maging second most destroyed Allied city in the world, nakita ng kompositor na si Felipe de Leon ang pagkawasak at isinulat ang isa sa pinakamagandang awiting pamasko sa Pilipinas, ang “Payapang Daigidig”:  “Payapang panahon / Ay diwa ng buhay / Biyaya ng Diyos / Sa sangkatauhan / Ang gabi’y payapa / Lahat ay tahimik / Pati mga tala / Sa bughaw na langit.”

Felipe de Leon

Felipe de Leon

Ang mga maliligayang pasko at mapapayapang gabi natin at ng ating mga anak ay hindi lamang biyaya ng Diyos, kundi dulot din ng mga Paskong isinakripisyo ng ating mga bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Lulan ng fx taxi, Maynila, 19 December 2012)

THE LAST DAYS OF JOSÉ RIZAL: A Timeline of His Last Arrest, Incarceration, Execution and the Journey of His Remains

Rizal, painted by Juan Luna

Rizal, painted by Juan Luna

Compiled by Prof. Sir Michael Charleston “Xiao” B. Chua, K.O.R.

Order of the Knights of Rizal, Sucesos Chapter

This brief timeline was prepared by a historian for the commemoration of the centenary of the transfer of José Rizal’s remains to its present burial site at the Rizal Park which will be re-enacted by the Order of the Knights of Rizal on 30 December 2012.  This timeline was featured at ABS-CBN News.com http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/12/10/12/last-days-rizal, at the Bagumbayan (The official newsletter of the Order of the Knights of Rizal) and at the souvenir program of the recently concluded 50th National Rizal Youth Leadership Institute.  Special thanks to Sir Choy Arnaldo for encouraging me to make this timeline.

6 October 1896, 3:00 AM:  On his 4th day of being held in his cabin at the MV Isla de Panay docked at Barcelona, Spain on his way to Cuba, Rizal was awakened to be brought to Montjuich Prison in Barcelona, Spain.

6 October, 2:00 PM:  Interview with General Eulogio Despujol

Eulogio Despujol.  Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

Eulogio Despujol. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

6 October, 8:00 PM:  Aboard the Colon, Rizal left Barcelona for Manila.

3 November:  Rizal was brought to Fort Santiago, where other patriots, including his brother Paciano, were being tortured to implicate him. Paciano refused to sign anything despite being his body broken and his left hand crushed.

The only photo of Paciano Rizal, a stolen shot.  Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

The only photo of Paciano Rizal, a stolen shot. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

20 November:  Preliminary investigation began with Rizal appearing before Judge Advocate Colonel Francisco Olive.  The investigation lasted five days.

26 November:  The records of the case were handed over to Governor General Ramon Blanco who then appointed Captain Rafael Dominguez as special Judge Advocate.

Detail from

Detail from “Governor Ramon Blanco and his Troops” by Felix Martinez, 1895. National Art Gallery, National Museum of the Philippines.

8 December:  From a list submitted to him by the authorities, he chose the brother of his friend, Lt. Luis Taviel de Andrade to become his trial lawyer.  He was only made to choose among army officers and not a civilian lawyer.

Lt. Luis Taviel de Andrade.  Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

Lt. Luis Taviel de Andrade. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

11 December:  In his prison cell, Rizal was read the charges against him:  “principal organizer and the living soul of the Filipino insurrection, the founder of societies, periodicals and books dedicated to fomenting and propagating the ideas of rebellion.”

13 December:  Ramon Blanco was replaced by Camilo de Polavieja, a more ruthless character, as Governor General of the Philippines.  Dominguez submitted the papers of the Rizal case to Malacañan Palace.

Governor General Camilo G. de Polavieja.  Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

Governor General Camilo G. de Polavieja. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

15 December:  Rizal issued his manifesto to certain Filipinos calling to end the “absurd” rebellion and to fight for liberties with education as a prerequisite.  The authorities supressed the manifesto.

25 December:  Rizal’s saddest Christmas, away from family and friends.

Rizal's cell from 3 November to 29 December 1896.  Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

Rizal’s cell from 3 November to 29 December 1896. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

26 December, 8:00 AM:  Trial of Rizal began at the Cuartel de España.  On the same day, the court-martial secretly and unanimously voted for a guilty verdict with the penalty of death before a firing squad.

Cuartel de Espana, used to be at the present site of the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.  Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

Cuartel de Espana, used to be at the present site of the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

28 December:  Polavieja signs the death verdict.

29 December, 6:00 AM:  Rizal was read his verdict by Captain Rafael Dominguez: To be shot the next day at 7:00 AM at the Luneta de Bagumbayan (Rizal Park).

29 December, 7:00 AM:  Rizal was transferred to the chapel cell adorned by religious images to convince him to go back to the Catholic fold.  His first visitors were Jesuit priests Fathers Miguel Saderra Mata and Luis Viza.

29 December, 7:15 AM:  After Fr. Saderra left, Rizal asked Fr. Viza for the Sacred Heart statuette which he carved when he was an Ateneo student.  From his pocket the statuette appears.

29 December, 8:00 AM:  Fr. Viza was relieved by Fr. Antonio Rosell who joined Rizal for breakfast.  Lt. Luis Taviel de Andrade joins them.

29 December, 9:00 AM:  Fr. Federico Faura, who once said that Rizal would lose his head for writing the Noli Me Tangere, arrived.  Rizal told him, “Father you are indeed a prophet.”

29 December, 10:00 AM:  Fathers José Vilaclara and Estanislao March visited Rizal, followed by a Spanish journalist, Santiago Mataix of El Heraldo de Madrid, for an interview.

29 December, 12:00-3:30 PM:  Rizal’s time alone in his cell.  He had lunch, wrote letters and probably wrote his last poem of 14 stanzas which he wrote in his flowing handwriting in a very small piece of paper.  He hid it inside his alcohol stove.  The untitled poem was later known as Mi Ultimo Adios (My Last Farewell).  In its second stanza, he already praised the revolutionaries in the battlefield for giving their lives “without doubt, without gloom.”

 

First page of the

First page of the “Mi Ultimo Adios” in Rizal’s own handwriting

29 December, 3:00 PM:  According to an account of the agent of the Cuerpo de Vigilancia guarding Rizal’s cell, Rizal signed what seems to be the document retracting his anti-Catholic writings and his membership in masonry.  This event is a contentious issue among Rizal experts.

Rizal Writing His Farewell Letter by B. Gonzales.  Rizal Shrine in Fort Santiago, National Historical Commission of the Philippines.

Rizal Writing His Farewell Letter by B. Gonzales. Rizal Shrine in Fort Santiago, National Historical Commission of the Philippines.

Rizal's alcohol burner, a gift from the Pardo de Taveras where he hid his last poem.  Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

Rizal’s alcohol burner, a gift from the Pardo de Taveras where he hid his last poem. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

29 December, 4:00 PM:  Visit of Rizal’s mother, Teodora Alonso.  Then Rizal’s sister Trinidad entered to get her mother and Rizal whispered to her in English referring to the alcohol stove, “There is something inside.”  They were also accompanied by Narcisa, Lucia, Josefa, Maria and son Mauricio Cruz.  Leoncio Lopez Rizal, Narcisa’s eleven-year-old son, was not allowed to enter the cell.  While leaving for their carriages, an official handed over the alcohol stove to Narcisa.  After their visit, Fathers Vilaclara and Estanislao March returned to the cell followed by Father Rosell.

Teodora Alonso, the matriarch of the Rizal clan, with her daughters and grandchildren.  Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

Teodora Alonso, the matriarch of the Rizal clan, with her daughters and grandchildren. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

29 December, 6:00 PM: Rizal was visited by the Dean of the Manila Cathedral, Don Silvino Lopez Tuñon. Father March left Father Vilaclara to be with the two.

29 December, 8:00 PM:  Rizal’s last supper where he informed Captain Dominguez that he already forgave those who condemned him.

29 December, 9:30 PM:  Rizal was visited by the fiscal of the Royal Audiencia of Manila, Don Gaspar Cestaño with whom Rizal offered the best chair of the cell.  According to accounts, the fiscal left with “a good impression of Rizal’s intelligence and noble character.”

The so-called Rizal retraction

The so-called Rizal retraction

30 December, 5:30 AM:  Rizal took his last meal.  According to stories told to Narcisa by Lt. Luis Taviel de Andrade, Rizal threw some eggs in the corner of a cell for the “poor rats,” “Let them have their fiesta too.”  Rizal also wrote to his family and to his brother.

30 December, 5:00 AM:  Teary-eyed Josephine Bracken and Josefa Rizal came.  According to the testimony of the agent of the Cuerpo de Vigilancia, Josephine and Rizal were married.  Josephine was gifted by Rizal with the classic Thomas á Kempis book Imitations of Christ in which he inscribed, “To my dear and unhappy wife, Josephine, December 30th, 1896, Jose Rizal.”  They embraced for the last time.

Josephine Bracken at 18. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

Josephine Bracken at 18. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

wedding_gift

30 December, 6:00 AM:  Rizal wrote his father, Francisco Mercado “My beloved Father, Pardon me for the pain with which I repay you for sorrows and sacrifices for my education.  I did not want nor did I prefer it.  Goodbye, Father, goodbye… Jose Rizal.”  To his mother, he had only these words, “To my very dear Mother, Sra. Dña Teodora Alonso 6 o’clock in the morning, December 30, 1896.  Jose Rizal.”

30 December, 6:30 AM:  Death march from Fort Santiago to Bagumbayan begins.  4 soldiers with bayoneted rifles lead the procession followed by Rizal, Taviel de Andrade, Fathers Vilaclara and March and other soldiers.  They passed by the Intramuros plaza, then turned right to the Postigo gate then left at Malecon, the bayside road now known as Bonifacio Drive.

The Last Walk from Fort Santiago.  National Historical Commission of the Philippines

The Last Walk from Fort Santiago. National Historical Commission of the Philippines

Retracing Rizal's footsteps in brass at Fort Santiago.  Photo by Xiao Chua

Retracing Rizal’s footsteps in brass at Fort Santiago. Photo by Xiao Chua

Rizal arrives at the execution site.  Rizal Shrine in Calamba, National Historical Commission of the Philippines.

Rizal arrives at the execution site. Rizal Shrine in Calamba, National Historical Commission of the Philippines.

Actual photo of Rizal's arrival at the Luneta, 30 December 1896.

Actual photo of Rizal’s arrival at the Luneta, 30 December 1896.

30 December, 7:00 AM:  Rizal, after arriving on the execution site at the Luneta de Bagumbayan, was checked with his pulse by Dr. Felipe Ruiz Castillo.  It was perfectly normal.  Rizal once wrote, “I wish to show those who deny us patriotism that we know how to die for our duty and our convictions.”

Actual photo of Rizal's execution, as the soldiers aimed their guns at their relaxed victim.  Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

Actual photo of Rizal’s execution, as the soldiers aimed their guns at their relaxed victim. Courtesy of Vibal Foundation, Inc.

“Preparen.” “Apunten.”  Rizal shouted, “Consummatum est.”  It is done.

30 December, 7:03 AM:  With the captain shouting “Fuego!”  Shouts rang out from the guns of eight indio soldiers.  Rizal, being a convicted criminal was not facing the firing squad.  As he was hit, he resists and turns himself to face his executors. He falls down, and dies facing the sky.

“Fuego!” Detail from a mural by Carlos “Botong” Francisco at the Rizal Shrine at Fort Santiago, National Historical Commission of the Philippines.

“Viva España!  Muerte a los traidores!”

But in two years, the victorious Philippine revolutionaries will seal the fate of the Spanish Empire in the east.  Three hundred thirty three years of Spanish Colonialism ended in 1898.

Bonifacio, Father of the Filipino Nation and Initiator of the Philippine Revolution.  Detail from the mural

Bonifacio, Father of the Filipino Nation and Initiator of the Philippine Revolution. Detail from the mural “History of Manila” by Carlos “Botong” Francisco at the Manila City Hall.

30 December 1896, afternoon:  Narcisa, after a long search, discovered where her brother’s body was secretly buried, at the old unused Paco Cemetery.  She asked the guards to place a marble plaque designed by Doroteo Ongjungco containing Rizal’s initials in reverse—“RPJ.”

Rizal's grave at Paco Park.  From the exhibit for the Rizal Sesquicentennial International Conference at the University of the Philippines.

Rizal’s grave at Paco Park. From the exhibit for the Rizal Sesquicentennial International Conference at the University of the Philippines.

Rizal's cranium.  Photo courtesy of Dr. Ambeth R. Ocampo

Rizal’s cranium. Photo courtesy of Dr. Ambeth R. Ocampo

17 August 1898:  Four days after the Mock Battle of Manila when the Americans took over the city, the remains of Rizal where exhumed.  They were brought to Narcisa’s house, washed and cleansed and were placed in an ivory urn designed by Romualdo Teodoro de Jesus.  The urn stayed there until 1912.

Teodora Alonso shows visitors Rizal's skull from the urn.  Photo courtesy of Dr. Ambeth R. Ocampo

Teodora Alonso shows visitors Rizal’s skull from the urn. Photo courtesy of Dr. Ambeth R. Ocampo

Rizal's urn.  Photo courtesy of Dr. Vic Torres.

Rizal’s urn. Photo courtesy of Dr. Vic Torres.

29 December 1912:  From Estraude Street in Binondo, Manila, the urn was transferred in a procession headed by the masons and the Knights of Rizal to the marble hall of the Ayuntamiento de Manila, where it stayed overnight with the Knights on guard.

Knights of Rizal guarding the urn at the Marble Hall of the Ayuntamiento de Manila.  Note the masonic symbol amidst the flowers and the initials CR meaning Caballeros de Rizal (Knights of Rizal).  Courtesy of In Excelsis by Felice Prudente Sta, Maria.

Knights of Rizal guarding the urn at the Marble Hall of the Ayuntamiento de Manila. Note the masonic symbol amidst the flowers and the initials CR meaning Caballeros de Rizal (Knights of Rizal). Courtesy of In Excelsis by Felice Prudente Sta, Maria.

30 December 1912, morning:  In a solemn procession, the urn began its last journey to Rizal’s final resting place the base of the soon-to-rise national monument to José Rizal.

Knights of Rizal in solemn procession in the only decent burial Rizal will have, 30 December 1912.

Knights of Rizal in solemn procession in the only decent burial Rizal will have, 30 December 1912.

30 December 1913:  The Rizal National Monument at the Luneta was inaugurated.  Its original design name was “Motto Stella” (Guiding Star) and was made by Swiss sculptor Dr. Richard Kissling who earlier also made the National Monument to William Tell, the National Hero of Switzerland.

“Motto Stella” by Dr. Richard Kissling. From Austin Craig.

155870_497451520299116_492942504_n

30 December 2012:  The transfer of the remains of Rizal from Binondo to the site of the Rizal Monument was recreated one hundred years later by the Order of the Knights of Rizal and the National Historical Commission of the Philippines in commemoration of Rizal’s 116th Martyrdom Anniversary.

XIAOTIME, 21 December 2012: STATE FUNERAL PARA KAY DR. JOSÉ RIZAL

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 21 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bungo ni Rizal.  Larawan mula kay Dr. Ambeth Ocampo

Bungo ni Rizal. Larawan mula kay Dr. Ambeth Ocampo

21 December 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=iaqY5uah7hw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa December 30, muling isasadula ng National Historical Commission of the Philippines at ng Knights of Rizal ang paglilibing kay Gat. Dr. José Rizal sa Luneta makalipas ang isandaang taon.  Masalimuot ang naging paglalakbay ng bangkay ng ating National Hero.

Larawan ni Rizal, obra maestra ni RB Enriquez.  Nasa Department of English and Comparative Lietrature of UP Diliman.  Kuha ni Xiao Chua.

Larawan ni Rizal, obra maestra ni RB Enriquez. Nasa Department of English and Comparative Lietrature of UP Diliman. Kuha ni Xiao Chua.

Matapos niyang mabaril sa Luneta de Bagumbayan, hindi ibinigay ng mga awtoridad ang bangkay niya sa kanyang pamilya sa kabila ng pakiusap ng kaniyang inang si Doña Teodora Alonso.  Agad naghanap ng mga bagong hukay na mga libingan ang kapatid ni Rizal na si Narcisa sa Paang Bundok o North Cemetery kung saan ibinilin ni Rizal na mailibing.  Ngunit nabalitaan niya na mayroong bagong hukay na libingan sa hindi na ginagamit na sementeryo ng Paco.  Noong hapon daw na iyon, binayaran niya ang mga bantay nito at ipinalagay ang panandang marmol ng kanyang nakabaligtad na initials—RPJ, upang hindi nakawin ang bangkay o hindi ilipat ng mga Espanyol.

Isang paggunita ng mga pamilya at kaibigan sa naging libingan ni Rizal sa Sementeryo ng Paco, 1902.  Larawan mula sa eksibit ng Rizal Sesquicentennial International Conference ng Unibersidad ng Pilipinas noong Hunyo 2011.

Isang paggunita ng mga pamilya at kaibigan sa naging libingan ni Rizal sa Sementeryo ng Paco, 1902. Larawan mula sa eksibit ng Rizal Sesquicentennial International Conference ng Unibersidad ng Pilipinas noong Hunyo 2011.

Nang masakop ng mga Amerikano ang Maynila matapos ang Mock Battle of Manila, noong Agosto 1898, hinukay na muli ang bangkay ni Rizal at doon napatunayan na inilibing siya ng walang dangal, walang kabaong.

Ang urnong ivory o garing na dinisenyo ni Romualdo Teodoro de Jesus.  Larawan mula kay Dr. Vic Torres.

Ang urnong ivory o garing na dinisenyo ni Romualdo Teodoro de Jesus. Larawan mula kay Dr. Vic Torres.

Dinala sa bahay ni Narcisa sa Binondo ang mga buto, hinugasan at inilagay sa urno garing o ivory na dinisenyo ni Romualdo Teodoro de Jesus.  Doon namalagi ang mga labi ni Rizal hanggang 1912.

Ang ina ni Rizal na si Teodora Alonso habang ipinapamalas ang bungo ng anak sa kanilang tahanan sa Binondo.  Larawan mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang ina ni Rizal na si Teodora Alonso habang ipinapamalas ang bungo ng anak sa kanilang tahanan sa Binondo. Larawan mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang ina ni Rizal, kung maibigan, ay ipakikita pa sa mga bisita ang bungo ng anak.

Ang paglilipat ng mga Caballeros de Rizal at ng mga mason sa mga labi ni Rizal patungo sa huling hantungan nito sa Luneta de Bagumbayan.  Larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

Ang paglilipat ng mga Caballeros de Rizal at ng mga mason sa mga labi ni Rizal patungo sa huling hantungan nito sa Luneta de Bagumbayan, Deceber 30, 1912. Larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

Noong December 29, 1912, mula sa Kalye Estraude sa Binondo, Maynila, ipinrusisyon ng mga mason at ng mga Caballeros de Rizal o Knights of Rizal ang urno patungo sa Ayuntamiento sa Intramuros kung saan buong gabi itong binantayan.

Isang Cabllero ni Rizal habang binabantayan ang mga labi Rizal sa bulwagang marmol ng Ayuntamiento de Manila.  Larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

Isang Cabllero ni Rizal habang binabantayan ang mga labi Rizal sa bulwagang marmol ng Ayuntamiento de Manila. Larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

Kinaumagahan, sa isang solemn procession, naglakbay sa huling pagkakataon ang mga labi ni Rizal at inilibing sa magiging paanan ng pambansang monumento para kay Rizal na manggagaling pa sa Switzerland.

Ang mga Caballeros de Rizal (Knights of Rizal) habang dinadala ang mga labi ni Rizal sa isang prusison patungo sa Luneta.  Larawan mula sa koleksyon ni Renato Perdon.

Ang mga Caballeros de Rizal (Knights of Rizal) habang dinadala ang mga labi ni Rizal sa isang prusison patungo sa Luneta. Larawan mula sa koleksyon ni Renato Perdon.

Ngunit hindi lahat ng buto ni Rizal ay nailibing doon.  May nag-iisang piraso, isang vertebra o bahagi ng spine na tinamaan ng bala ang ibinukod at ngayon ay matutunghayan sa isang relikaryo sa Rizal Shrine, ang museo ng pinagkulungan ni sa Fort Santiago.

Ang vertebra ni Rizal na tinamaan daw ng bala.  Nasa Rizal Shrine sa Fort Santiago.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang vertebra ni Rizal na tinamaan daw ng bala. Nasa Rizal Shrine sa Fort Santiago. Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang mangyayaring muling pagsasadula ng paglilibing sa ating National Hero sa Luneta ang siyang tanging pagkakataon na tila magkakaroon muli ng State Funeral si Rizal, ang unang pagkakataon na mapaparangalan ang kanyang mga labi bilang isang malaya at nagsasariling bansa.  Kaya sa prusisyon mula Binondo hanggang Luneta sa umaga ng December 30, 2012, makilahok po tayo!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(PTV, 13 December 2012)

XIAOTIME, 18 December 2012: GRACIANO LOPEZ JAENA AT ANG PROPAGANDA MOVEMENT

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 18 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Graciano Lopez-Jaena

Graciano Lopez-Jaena

18 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=cY10ILzSqI4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  156 years ago ngayong araw, December 18, 1856, isinilang sa Jaro, Iloilo ang dakilang orador ng Kilusang Propaganda at unang editor ng pahayagang La Solidaridad na si Graciano Lopez Jaena.

Rizal, M.H. del Pilar at Mariano Ponce

Rizal, M.H. del Pilar at Mariano Ponce

Kasama niya sa Kilusang Propaganda ang iba pang mga bayani natin na katulad nina José Rizal, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Juan at Antonio Luna, Isabelo de los Reyes, José Ma. Basa, José Ma. Panganiban, Antonio Ma. Regidor, Ariston Bautista Lin, at marami pang iba.  Hindi ba’t kapag sinabing propaganda, negatibo ang naiisip natin, ngunit sa pakahulugan nila noon ito ay pangangampanya para sa reporma sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Ang kanilang layunin ay ang pagpapatalsik sa mga fraile, pagiging lalawigan ng Espanya ng Pilipinas, at pagkakaroon ng representacíon ng Pilipinas sa Cortes o Senado ng Espanya, walang kinalaman kay Rez, lalo na kay Anne.  Huh?  E gusto pala nila tayong maging mamamayan ng Espanya???  E kung ganoon, paano nangyari na mga national heroes pa rin natin ang mga ito kung hindi naman nila isinulong ang pagiging “nation” natin???

Father John Schumacher kasama si Xiao.

Father John Schumacher kasama si Xiao.

Ayon sa Heswitang Historian na si Fr. John Schumacher sa kanyang aklat na The Propaganda Movement, makikita na ang Hispanisasyon ay isa lamang hakbang upang sa kalaunan, mapayapang hihiwalay ang Pilipinas sa Espanya.  Ayos naman pala.  Nangampanya sila laban sa pagpapadala ng Arsobispo ng Maynila sa mga Igorot at mga Moro upang ieksibit na parang mga hayup sa zoo sa Exposicion General de las Islas Filipinas sa Madrid, kung saan namatay sa pulmunya ang babaeng Muslim na si Basalia noong 1887.  Bilang propagandista sinulat ni Rizal ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at iba pang mga sulatin.

Mga simbolo ng masoneriya.  Larawan mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Mga simbolo ng masoneriya. Larawan mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Lumahok sila sa masoneriya at sumapi sa Lodge Solidaridad, na kaiba sa paninira ng mga prayle na ito ay isang anti-Kristong organisasyon, isa lamang itong brotherhood o fraternity na tinatanggap ang lahat ng relihiyon.  Namayagpag sila sa buong Dekada 1880s at sa huling taon nito itinatag nila ang dyaryong La Solidaridad, isang demokratikong kinsenaryo o forthnightly, ibig sabihin, lumalabas sa bawat kinsenas o every 15 days.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Ngunit, naging manhid, bingi at bulag ang Espanya sa kanilang mga hinaing.  Nakita na ito ni Rizal noong 1891 kaya bumalik siya ng Pilipinas.  Nagpunyagi pa sina del Pilar at Jaena, naglimbag ng La Solidaridad hanggang maghirap, nagpupulot na lamang ng upos ng sigarilyo sa kalsada at mga basurahan, hihithitin ang mga ito upang makalimutan ang kanilang gutom, nagsara ito noong 1895.  Namatay sa sakit na tuberculosis kapwa sina Jaena at del Pilar noong 1896 sa Espanya.  Si del Pilar mismo ay nagnais nang magplano ng isang armadong rebolusyon.  Nabigo man ang Kilusang Propaganda, hindi matutumbasan ang kanilang mga pagsisikap para sa bayan, mga pagsisikap na hindi kinalimutan ng mga Anak ng Bayan, dinakila si del Pilar bilang ghost editor ng pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan, ang pangalang “Rizal” naman ay ginawang password ng pinakamataas ng antas ng Katipunan, ang “Bayani.”  Nang hindi na umubra ang santong dasalan ng mga ilustradong may kaisipang kanluranin, kinailangan na rin daanin sa santong paspasan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 November 2012)

Marcelo H. del Pilar bilang patnugot ng La Solidaridad.  Mga dibuho mula sa Adarna Publishing House.

Marcelo H. del Pilar bilang patnugot ng La Solidaridad. Mga dibuho mula sa Adarna Publishing House.

XIAOTIME, 17 December 2012: DECEMBER 15 MANIFESTO NI RIZAL, Mga Kwestiyon sa Kanyang Pagiging National Hero

Broadcast of Xiaotime news segment last Monday, 17 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pangalawang saknong ng huling tula ni Rizal ang magbibigay ng kasagutan sa kung ano ang kanyang tunay na tindig ukol sa himagsikan.

Ang pangalawang saknong ng huling tula ni Rizal ang magbibigay ng kasagutan sa kung ano ang kanyang tunay na tindig ukol sa himagsikan.

17 December 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=8FHGGOnUmFc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa December 30, ating gugunitain ang 116th anniversary ng kabayanihan ni Gat Dr. José Rizal, itinuturing na National Hero ng Pilipinas.  Lingid sa kaalaman ng marami, walang batas na nagpoproklama kay Rizal bilang National Hero, tinanggap ito ng bayan.

Renato Constantino.  Mula sa Bantayog ng mga Bayani

Renato Constantino. Mula sa Bantayog ng mga Bayani

Ngunit, para kay Renato Constantino, bagama’t hindi makakaila na nag-ambag si Rizal ng kanyang buhay para sa bayan, hindi raw dapat maging National Hero si Rizal.  Isa sa dahilan nito ayon sa kanyang essay na Veneration Without Understanding na may salin sa Pilipino na Bulag na Pagdakila, si Rizal habang nakakulong noong December 15, 1896, 116 years ago noong Sabado, ay sumulat ng pahayag para sa ilang Pilipino na itinatakwil ang himagsikan, ang himagsikan ni Andres Bonifacio na niloob at ninais na ng bayan.  Ginamit raw ang kanyang pangalan nang hindi niya nalalaman at gumamit ng mga sumusunod na salita upang batikusin ang himagsikan: mapanlilang, imposible, absurd, mapanira, walang saysay, katawa-tawa, barbaro, nakawawalang-dangal, at kriminal.  Sa madaling salita, ang himagsikan para kay Rizal ay isang malaking kalokohan.  Sa ibang mga bansa, ang kanilang pinakasikat na mga bayani ay mga namuno at sumama sa himagsikan ng kani-kanilang mga bayan.  Kaya kailangang pag-isipan kung kinakailangan pang itanghal na pangunahing bayani ng bayan si Rizal.

Pabalat ng A Nation Aborted:  Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen.  Mula sa Ateneo Press

Pabalat ng A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen. Mula sa Ateneo Press

Ngunit, ayon pagsusuri ni Floro Quibuyen sa kanyang aklat na “A Nation Aborted,” hindi totoong lubos na hindi sumang-ayon si Rizal sa himagsikan, kung ito ay kinakailangan.  Paano raw nangyari na nagpayo pa siya sa Katipunerong si Dr. Pio Valenzuela na maging handa muna, humingi ng tulong sa mga mayayaman para dumami ang armas at ang chance na manalo?  Paano raw na nangyari na kung talagang tutol siya sa himagsikan, hindi niya pinagalitan ang kanyang mga kapatid na bahagi ng Katipunan tulad nina Paciano, Trinidad at Josefa na naging unang pangulo ng sangay pangkababaihan ng Katipunan?  Paano raw nangyari na ang kanyang huling pag-ibig na si Josephine Bracken ay sumama pa kina Andres Bonifacio sa Cavite, naging Katipunera, at nakapatay pa ng isang Espanyol kung alam niyang lubos na hindi sumang-ayon si Rizal.  Si Josephine pa ang nagbigay ng huling tula ni Rizal sa Supremo Bonifacio upang maisalin ito sa unang pagkakataon sa Tagalog at maipamudmod sa mga rebolusyunaryo.  At sa kanyang huling tula na ito, sa ikalawang saknong, pinuri na niya ang mga rebolusyunaryo na nasa larangan ng labanan na iniaalay ang kanilang buhay ng walang duda at walang kalungkutan at hindi alintana kung saan at paano mamatay kung ito ang kahilingan ng bayan at tahanan.  Samakatuwid, hindi lubos na itinakwil ni Rizal ang himagsikan, ambivalent siya o nag-alinlangan ukol dito.  Nais lamang niya na maging huling opsyon ito, kung kinakailangan lamang at dapat may laban kung gagawin ito.  At sa kanyang huling pahayag, na lubos nating pinahahalagahan natin, sumang-ayon na rin siya rito.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(On the bus, 13 December 2012)

XIAOTIME, 14 November 2012: KABATAAN ANG GAGAWA NG KASAYSAYAN

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

14 November 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=_im1rsC0SPQ&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa aking kaibigan at housemate na si Joshua Duldulao.  Sa December 17, 2012, inanyayahan niya akong maging tagapagsalita para sa paksang “Learning from Our Heroes” na isa sa magbubukas sa National Youth Development Summit o N-Y-D-S ng Kaakbay Youth Development Initiatives na gaganapin sa Silliman University sa Dumaguete City na may temang “Reclaiming the past, imagineering the future.”  Magiging kasama kong tagapagsalita sina Tony Meloto, Liling Briones, Etta Rosales, Erin Tañada, Anna Oposa, Bam Aquino, Juana Change, Sherwin Gatchalian at marami pang iba at tatalakayin dito ang apat na pangunahing mga isyu:  Accountability in Public Finance, Environmental Accountability, Idealism, at Nationalism.  Sinasabing ito ang “most holistic youth development conference in the Philippines yet.”  Ito po ay endorsado na ng DILG para sa mga SK leaders, ng DepEd at ng CHED.  Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang http://www.nydsph.org.  Magkita-kita po tayo doon.  Pero nasaan na nga ba tayong kabataan na sinasabi ni Rizal na pag-asa ng bayan.  Wala daw tayong pakialam, wala daw tayong inatupag kundi ang pagkahumaling sa kulturang kanluranin at sa kanilang mga video games.

Si Rizal, obra maestra ni RC Mananquil

Sa kanyang El Filibusterismo tila kinakausap pa rin tayo ng ating National Hero, “A, kayong kayo bago pa man dumating ang inyong kamatayan!”  Bahagi ng aking talk ang pagpapakita mga kabataan! Nanaginip pa rin kayo! …Gusto n’yong maging mga Kastila din kayo, pero hindi n’yo nakikitang ang pinapatay n’yo ay ang inyong pagkabansa! Ano ang inyong magiging kinabukasan? Isang bansang walang pagkatao at kalayaan? Lahat sa inyo ay hiniram, pati na ang inyong mga depekto. Mamamatay ng mga patunay na hindi hadlang ang pagiging kabataan upang paglingkuran ang bayan.  Huh???  Paano maglilingkod, e bata pa, wala pang kapangyarihan, wala pang kayamanan?  Paano???  Liwanagin natin.  137 years ago ngayong araw, November 14, 1875, isinilang si Gregorio del Pilar sa San José, Bulacan.  Nang ipagtanggol niya ang Republika ng Pilipinas mula sa mga Amerikano sa Tirad Pass, Ilocos Sur noong December 2, 1899, ang kanyang edad:  24 years old.

Gregorio del Pilar

Nang ipalimbag ni Rizal ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere na naglantad ng mga pang-aabuso ng kolonyal na sistema, ang kanyang edad:  26 years old.  Nang isulat ni Emilio Jacinto ang Kartilya ng Katipunan na naging batas at doktrina ng mga Anak ng Bayan, ang kanyang edad: 18 years old.

Emilio Jacinto

Nang binusalan ang malayang media sa panahon ng diktadura, ang Philippine Collegian na pinamatnugutan ni Abraham “Ditto” Sarmiento, Jr. ang naglabas ng katotohanan.

35 years ago rin ngayong araw na ito, November 14, 1977, namatay si Ditto sa edad na 27 years old sa sakit sa puso, epekto ng kanyang pagkakakulong ng ilang buwan sa mga kampo militar noong 1976.

Inuudyukan tayong mga kabataan ng ating mga bayani na gamitin ang ating talento at hilig upang ma-inspire din ang iba pa na paglingkuran ang sambayanan, tulad ng iniwang mga bilin sa atin ni Ditto, “Kung hindi tayo kikibo, sino ang kikibo?  Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?  Kung hindi ngayon, kalian pa?”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Manila, 8 November 2012)

XIAOTIME, 8 November 2012: TEODORA ALONSO, Ang Dakilang Ina ng Ating Bayaning si Dr. Jose Rizal

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 8 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Teodora Alonso de Rizal, larawan mula sa Vibal Foundation

8 November 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=uKHxATs7-kI&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay po ang segment na ito sa aking mahal na mama na si Vilma Briones Chua.  Kwento ito ng isang ina.  185 years ago bukas, November 9, 1827 isinilang sa Meisic, Maynila si Teodora Alonso Morales Realonda y Quintos.  Siya na nga ang ina ng ating National Hero na si José Rizal, kilala noon sa tawag na Doña Lolay.  Ang ama ni Lolay ay isang dating delegado ng Cortes o ng Senado ng Espanya.  Si Lolay mismo ay nag-aral at nakapagtapos sa paaralang kumbento ng Colegio de Sta. Rosa sa Intramuros.

Colegio de Sta. Rosa sa Intramuros, larawan mula sa Vibal Foundation

Bihira noon ang india na nakapag-aral at may personal na aklatan na may isang libong aklat.  Kaya bilang ina naipasa niya sa kanyang mga anak, lalo na si José Rizal o si Pepe, ang pagmamahal sa kaalaman.  Walang José Rizal na dakilang tao kung walang Doña Lolay.  Labing-isa ang naging anak niya kay Francisco Mercado, wala pang RH noon, ngunit magaling si Lolay sa negosyo.

Francisco Mercado, larawan mula sa Vibal Foundation

Ang mga pananim ng kanilang plantasyon na nirerentahan sa mga prayle ay kanilang ibinebenta sa isang sari-sari store sa unang palapag ng kanilang bahay na bato sa Calamba, Laguna.  Naging kumportable ang buhay ng pamilya Mercado-Rizal.  Ngunit lumabo ang kanyang mga mata at sinasabing isa ito sa dahilan kung bakit nag-aral si Pepe ng optalmolohiya sa ibang bansa.

Obra na nasa Rizal Shrine sa Fort Santiago, Maynila.

Hindi lamang ang kanyang mata ang pagkawalay sa anak ang ininda niya.  Nakulong siya ng dalawang taon dahil pinagbintangan siyang nilalason ang kanyang hipag.  Binitawan sila ng kanilang mga kaibigang prayle at Espanyol.  Sa edad na 64, pinalakad naman siya mula Maynila hanggang Sta. Cruz, Laguna dahil hindi raw niya ginamit ang tamang apelyido.  Pinalaki niyang maayos ang kanyang mga anak na may pagmamahal sa bayan.  Si Paciano, Josefa at Trinidad halimbawa ay naging mga kasapi ng Katipunan.

Si Lolay at mga anak at apo matapos na mabaril si Rizal, nakapamburol, larawan mula sa Vibal Foundation

Ngunit noong bata pa si Rizal, pinag-ingat niya rin ito sa ukol sa pagkukuwento ng nangyari sa isang gamu-gamo na nasilaw sa apoy ng karunungan at nasunog sa kabila ng babala ng ina.

Obra ni Benedicto Cabrera

O anong pait sa kanyang puso na makita sa huling pagkakataon ang kanyang anak na si Pepe isang araw bago ito barilin noong 1896, hindi man lamang pinayagan na magyakap sila.  Hindi na kailangan ng salita, tanging nasulat ni Rizal sa huling pagkakataon para sa ina, “A mi muy amada madre…”  “Sa aking mahal na ina, Sra. Da. Teodora Alonso, A las 6 de la mañana del 30 Deciembre de 1896.”

“Sa aking mahal na ina…”  Larawan mula sa facebook page ni Dr. Ambeth Ocampo

Sa kabila nito, nang alayan ng mga Amerikano ng pensyon si Lolay, kanyang sinabi sa kanila, “Ang aking pamilya ay hindi kailanman naging makabayan dahil sa pera.”  Namatay si Teodora Alonso noong 1911.  Ang magsilang at magpalaki ng mga anak na iniaalay sa ikauunlad ng bayan ay kabayanihan.  Ang atin pong mga ina ay mga bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Maynila, 29 October 2012)

Teodora Alonso habang itinatanghal ang bungo ng kanyang anak na si Jose Rizal, larawan mula sa Vibal Foundation

Larawan mula sa Vibal Foundation

XIAOTIME, 24 October 2012: CABALLEROS DE RIZAL, Ang Knights of Rizal

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 24 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang mga Caballeros ni Rizal kasama si Manuel Luis Quezon, larawan mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

24 October 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=xVW3NFJRetg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa mga kasama kong sina Jonathan Balsamo, Mark Boado, Noel de Guia at John Ray Ramos.  Ako po ay nagsusuot ngayon ng uniporme ng aming organisasyon, ang Order of the Knights of Rizal.  Huh?  Knights?  Sa panahon ng Facebook, Twitter at Gungnam Style???  Ano ang ginagawa namin dito?  Listen up, ‘yo!  Ang Knights of Rizal ay nagsimula, 100 years ago, December 30, 1911 nang si Colonel Antonio C. Torres ay nagtawag ng mga lalaki mula sa iba’t ibang sektor upang alalahanin ng mainam ang kamatayan ni Gat. Dr. José Rizal.  Makalipas ang isang taon, December 30, 1912, sila ang nanguna kasama ng mga mason sa paglipat ng mga labi ni Rizal patungo sa sayt ng magiging Rizal Monument sa Luneta kung saan nakahimlay ang mga ito hanggang ngayon.  Taon-taon, ang mga kaibigan ni Col. Torres ay sumasakay sa mga kabayo sa kanilang paggunita sa Araw ni Rizal, kaya nakilala sila bilang mga “Caballeros de Rizal.”  Cool!

Ang Caballeros ni Rizal nililipat ang mga labi ni Dr. Dr. José Rizal, larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria

Pormal silang nag-organisa bilang isang samahan noong November 16, 1916.  Noong 1951, ginawaran ng Legislative Charter ang samahan sa pamamagitan ng Republic Act 646 na nagtatakda na ang Knights of Rizal ang magsusulong ng social discipline, civic virtues at love of country.  Ayon pa sa batas, “Let Rizal’s life and martyrdom influence and guide the destiny of the nation.  Let this and future generations live the Rizal Way.”  At sa loob ng 50 years na, taunang isinasagawa ng Knights of Rizal ang NRYLI o ang National Rizal Youth Leadership Institute Conference.  Gaganapin ito ngayong taon sa December 13 hanggang 16 sa Teachers Camp, Baguio City sa pamumuno ng aming Supreme Commander Sir Reghis M. Romero II, KGCR.  Dito, kasama sina Lourd de Veyra, Howie Severino at iba pa, hihimukin ang lahat ng kabataan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga lektura at aktibidad na “Buhayin si Rizal sa Bawat Batang Pilipino.”

Sir Reghis M. Romero II, KGCR

Lourd de Veyra

Howie Severino

Para sa karagdagang impormasyon, i-message o i-follow ang @justlikerizal sa twitter o sa Hello@ N Y R L I dot com sa e-mail.  Magkita-kita po tayo doon.  Sabi ni Rizal ukol sa kabataang Pilipino sa kanyang salaysay na “Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon,” “Sa mga bagong sibol na ta-ong magmumula sa kanyang sinapupunan at kapag naalala nila ang nakaraan,…sila ay lalayang muli, tulad ng ibon na nakawala sa hawla, tulad ng bulaklak na bumubukadkad sa hangin, muli nilang maibabalik ang kanilang mga magagandang katangian na unti-unti na nilang nakakaligtaan at muli’y magiging mapagmahal sa kapayapaan, masayahin, masigla, may ngiti, magiliw at walang takot.”  Ang mga pag-asa ng bayan ni Rizal, ang mga kabataan, na nagbabalik tanaw sa kasaysayan ang magpapaunlad ng bayan.  Kabataan man tayo, munti man ang mga bagay na nagagawa natin, hindi ito masasayang.  Tulad ng lagi naming sinasabing mga kabalyero ni Rizal, hindi lahat sa akin ay mamamtay.  Non omnis moriar.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Yuchengco Hall, DLSU Manila, 18 October 2012)

Supreme Commander Sir Reghis Romero II, KGCR confers knighthood on Sir Xiao Chua, KOR, 14 April 2012 (Courtesy of Sir Choy Arnaldo)

Ang Supreme Council at ang bagong Sucesos (Young Historians) Chapter ng Order of the Knights of Rizal na pinangungunahan ni Commander Sir Jonathan Balsamo, KCR, 14 April 2012.