XIAOTIME, 26 December 2012: ANG PASKO NG MGA BAYANI SA KASAYSAYAN

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 26 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Rizal habang nagsusulat sa loob ng kanyang kulungan sa Fort Santiago.  Estatwang wax ni Guillermo Tolentino.  Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Rizal habang nagsusulat sa loob ng kanyang kulungan sa Fort Santiago. Estatwang wax ni Guillermo Tolentino. Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

26 December 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mBmQe-yPb0I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati po si Ate Gie Averia, regular na manonood ng News@1 at News@6 mula sa Vigan, para sa kanyang kaarawan noong isang linggo.  Sa kanyang pangalawang nobela na El Filibusterismo, pinansin ni Dr. José Rizal na bagama’t sinasabing ang pasko ay para sa mga bata, ang mga bata ay maaaring hindi naman natutuwa dito.

Mula sa Philippine Almanac ng Filway

Mula sa Philippine Almanac ng Filway

Pinagbibihis ng mga bagong damit at sapatos upang pawisan at pagtyagaan ang ritwal ng misa, at kapag marumihan ang kanilang damit, ay mapapagalitan at makukurot lamang.  Matapos nito ay papupuntahin daw ang mga bata sa iba’t ibang bahay, magmano sa mga nakatatanda at gagawin ang pinagagawa sa kanila—kumanta, sumayaw, at gumawa ng mga nakatutuwang bagay.  Kung hindi nila gawin ito mapapagalitan at makukurot lamang sila.  Bibigyan sila ng pera ngunit kukunin lang naman ito ng kanilang mga magulang at hindi na ibabalik sa kanila.  Ano ang nakukuha nila sa pasko, mga pasa ng pangungurot, at masakit na tiyan sa sobrang pagkain ng mga keyk? Para sa kanya, “baptism of fire,” Hanep talaga si Rizal, tila isang anthropologist na tahimik palang pinagmamasdan ang mga bata tuwing pasko, o hindi kaya sarili niyang karanasan ito noong bata pa siya?  Anuman, sinasabing ang pinakamalungkot na pasko niya ay nangyari 116years ago, December 25, 1896.  Nakakulong si Rizal sa Fort Santiago, malayo sa piling ng mga mahal sa buhay, mga magulang at sa mahal niyang si Josephine dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan.  Pinaghahandaan ang kanyang depensa sa isang paglilitis kinabukasan na malamang sa malamang ay magpapataw sa kanya ng parusang kamatayan.

Teodora Alonso sa kanyang katandaan.

Teodora Alonso sa kanyang katandaan.

Nang ipataw sa kanya ang sentensya sa salang rebelyon, sedisyon at pagtatag ng ilegal na organisasyon tulad ng La Liga Filipina at Katipunan noong December 29, 1896, sinasabing nagdala ng sulat ang kanyang inang si Doña Teodora Alonso sa Malacañan at sa hagdan ng palasyo ay nagsumamo sa Gobernador Heneral Camilo de Polavieja na huwag patayin ang kanyang anak.

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja

Kaya sinimulan ni Pangulong Manuel Quezon ang pag-akyat sa mga hagdan ng palasyo sa unang araw ng isang president ng Pilipinas, kumbaga upang ibawi ang nangyari kay Doña Teodora, kung saan aakyat na ang Pilipino sa palasyo ng taas no at hindi alipin.

Manuel Quezon na umaakyat ng taas noo sa mga hagdan ng Palasyo ng Malacanan bilang pangulo ng Pilipinas, 15 November 1935.

Manuel Quezon na umaakyat ng taas noo sa mga hagdan ng Palasyo ng Malacanan bilang pangulo ng Pilipinas, 15 November 1935.

Noong mga panahon na iyon, nagpapasko sa larangan ng labanan ang mga kasapi ng Katipunan.

At Alangan River, The Last Stand (Limay, Bataan)41363_1446144466847_7433404_n

Noong 1941, ang mga lolo at lola natin na beterano ay nagsisimula nang lumaban noon sa mga mananakop na Hapones, Disyembre kasi nang magsimula ang digmaan sa Pilipinas.

Ang pagkabulbos ng Maynila noong Liberasyon bilang ikalawang pinakagumuhong Allied na lungsod sa diagdig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marso 1945.  Mula sa kolkesyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Ang pagkabulbos ng Maynila noong Liberasyon bilang ikalawang pinakagumuhong Allied na lungsod sa diagdig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marso 1945. Mula sa kolkesyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Noong Marso 1945, matapos mapulbos ang Maynila at maging second most destroyed Allied city in the world, nakita ng kompositor na si Felipe de Leon ang pagkawasak at isinulat ang isa sa pinakamagandang awiting pamasko sa Pilipinas, ang “Payapang Daigidig”:  “Payapang panahon / Ay diwa ng buhay / Biyaya ng Diyos / Sa sangkatauhan / Ang gabi’y payapa / Lahat ay tahimik / Pati mga tala / Sa bughaw na langit.”

Felipe de Leon

Felipe de Leon

Ang mga maliligayang pasko at mapapayapang gabi natin at ng ating mga anak ay hindi lamang biyaya ng Diyos, kundi dulot din ng mga Paskong isinakripisyo ng ating mga bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Lulan ng fx taxi, Maynila, 19 December 2012)