IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAOTIME, 25 December 2012: PANUNULUYAN, Ang Kasaysayan ng Unang Pasko

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 25 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Ang Pagsilang ni Kristo."  Obra maestra ni Carl Heinrich Bloch.  Orihinal sa Kapilya ng  of Kastilyo ng Frederiksborg, Denmark (Frederiksborg Museum).

“Ang Pagsilang ni Kristo.” Obra maestra ni Carl Heinrich Bloch. Orihinal sa Kapilya ng Kastilyo ng Frederiksborg, Denmark (Frederiksborg Museum).

25 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=Oq2aglzswNI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ipinagdiriwang natin ngayon ang kapanganakan ng pinaniniwalaang tagapagligtas ng mga Kristiyano, ang ating mahal na Panginoong Hesukristo, na bilang anak ng Diyos ay inialay ang kanyang buhay, tulad ng isang tupa na isinakripisyo, ipinako sa krus.

"Ang Pagkapako ni Hesus sa Krus," Obra maestra ni Carl Heinrich Bloch.  Orihinal sa Kapilya ng  of Kastilyo ng Frederiksborg, Denmark (Frederiksborg Museum).

“Ang Pagkapako ni Hesus sa Krus,” Obra maestra ni Carl Heinrich Bloch. Orihinal sa Kapilya ng Kastilyo ng Frederiksborg, Denmark (Frederiksborg Museum).

At dahil doo’y napatawad ang ating mga kasalanan at nailigtas tayo mula sa panghabambuhay na kaparusahan sa infierno.  Tinatawag ang araw na ito na Christmas sa wikang Ingles, na ang ibig sabihin ay misa ni Kristo, na maaaring tumukoy sa misa ng pagdiriwang sa araw ng kapanganakan ni Hesus, o yung tinatawag natin ngayon sa Pilipinas na Misa de Gallo, o misa ng mga manok.

Christ's mass:  Misa de Gallo sa Quiapo.  Kuhang larawan ni Dennis Villegas.

Christ’s mass: Misa de Gallo sa Quiapo. Kuhang larawan ni Dennis Villegas.

Ang Pilipinong salitang “Pasko” naman ay nagmula sa “Pascua” ng mga Espanyol na pinantutukoy nila sa mga malalaking pistang hudyo lalo na yung “passover,” gayundin tumutukoy din ito sa misterio pascual o paschal mystery ng kapanganakan, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus.

"Si kristo sa Hardin ng Getsemani."  Obra maestra ni Carl Heinrich Bloch.  Orihinal sa Kapilya ng  of Kastilyo ng Frederiksborg, Denmark (Frederiksborg Museum).

“Si kristo sa Hardin ng Getsemani.” Obra maestra ni Carl Heinrich Bloch. Orihinal sa Kapilya ng Kastilyo ng Frederiksborg, Denmark (Frederiksborg Museum).

Ang mga kwento sa Biblia ay tumukoy sa kwento ng pang-emperyong census na nagdala kay Jose at Maria ng Nazareth sa pook ng kanilang mga ninuno, ang Betlehem.  Ngunit ang pinakalamapit na census na nakatala sa kasaysayan sa panahong iyon, ang Census ni Publius Sulpicius Quirinius, ay naganap noong 6 or 7 A.D..  Anuman, dahil ang buntis na si Maria ay manganganak na, nangailangan nang kwartong mapagsisilangan sa sanggol na inihula ng mga propeta.  Ngunit walang bakanteng kwarto, naghanap nang naghanap hanggang magkaroon din ng sisilangan si Hesus, ang tanging silid na bakante, sa sabsaban ng mga tupa!

Church of the Nativity sa Betlehem, Palestina.

Church of the Nativity sa Betlehem, Palestina.

Ngunit, lingid sa ating kaalaman na parang bahay ang stable na ito, ang tradisyunal na sayt ng sinilangan ni Hesus ay isang kweba, na ngayon ay nasa ilalim ng Church of the Nativity sa Betlehem.  Ang aking suot ngayon na kwintas ay nagtataglay ng isang maliit na bato na tinagpas mismo sa cave of the Nativity, isa sa pinakabanal na lugar sa sangkakristiyanuhan.

Ang bituin na may 14 na silahis na nagpapakita ng tradisyunal na pook na sinilangan ni Hesus sa Cave of the Nativity sa ilalim ng Church of the Nativity.

Ang bituin na may 14 na silahis na nagpapakita ng tradisyunal na pook na sinilangan ni Hesus sa Cave of the Nativity sa ilalim ng Church of the Nativity.

Nativity Stones Cross:  Isang krus na dinesenyo ng alaherong si Paul Dmitri na nagpapakita ng bituin na may 14 na silahis na nagtataglay ng isang piraso ng mga batong kinuha ni Stanley Slotkin mula sa natatanging pagbaklas ng mga bato sa mismong kweba para gumawa ng bagong lagusan 1964, na pinahintulutan naman ng Alkalde ng Betlehem, Elias B. Bandak.

Nativity Stones Cross: Isang krus na dinesenyo ng alaherong si Paul Dmitri na nagpapakita ng bituin na may 14 na silahis na nagtataglay ng isang piraso ng mga batong kinuha ni Stanley Slotkin mula sa natatanging pagbaklas ng mga bato sa mismong kweba para gumawa ng bagong lagusan 1964, na pinahintulutan naman ng Alkalde ng Betlehem, Elias B. Bandak.

Kristiyano man tayo o hindi, alam nating may historical na Hesus na nabuhay at ipinako sa krus dahil binanggit siya ng Romanong Hudyo na historyador na si Josephus Flavius.

Josephus Flavius

Josephus Flavius

Sa Pilipinas, ang kwentong ito ng paghahanap ng matutuluyan ng mga magulang ni Hesus noong unang pasko ay isinasadula sa ilang mga bayan sa Pilipinas sa dulang tinatawag na Panunuluyan.  Isang halimbawa nito ang panunuluyan ng maralitang tagalungsod na taun-taon isinasadula sa Metro Manila simula noong 1986.

Bahagi ng Panunuluyan ng Maralitang Tagalungsod noong 2011 sa Plaza Amado V. Hernandez sa Tondo.  Itinataguyod ito ng Urban Poor Associates at ng Tri-Corps at sinimulan noong 1986 nina Dennis at Alice Murphy.  Kuha ni Xiao Chua.

Bahagi ng Panunuluyan ng Maralitang Tagalungsod noong 2011 sa Plaza Amado V. Hernandez sa Tondo. Itinataguyod ito ng Urban Poor Associates at ng Tri-Corps at sinimulan noong 1986 nina Dennis at Alice Murphy. Kuha ni Xiao Chua.

Para sa maralitang ito, at kahit sa mga rebolusyunaryo noong unang panahon ayon sa akda ni Reynaldo Ileto, Pasyon and Revolution, ang kwento ni Kristo ay inspirasyon sa ating mga Pilipino—na may matutuluyan rin ang mga walang tahanan, na sa kamatayan may pagkabuhay na mag-uli, at sa mga paghihirap at hilahil sa mundo ay laging may pag-asa ng tunay na kalayaan at kaginhawaan.  Hindi ba’t ito rin ang ating kasaysayan?

23 na sa kamatayan may pagkabuhay na mag-uli

"Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Kristo." Obra maestra ni Carl Heinrich Bloch.  Orihinal sa Kapilya ng  of Kastilyo ng Frederiksborg, Denmark (Frederiksborg Museum).

“Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Kristo.” Obra maestra ni Carl Heinrich Bloch. Orihinal sa Kapilya ng Kastilyo ng Frederiksborg, Denmark (Frederiksborg Museum).

Ang monumento para sa People Power 1986 sa may White Plains cor. EDSA, obra-maestra ni Eduardo Castrillo.

Ang monumento para sa People Power 1986 sa may White Plains cor. EDSA, obra-maestra ni Eduardo Castrillo.

Anuman ang inyong pananampalataya, sumainyo ang kapayapaan at pag-asa.  Maligaya at maginhawang Pasko po sa inyong lahat.  God love you.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Maynila, 19 December 2012)

Mag-ama?  Si Reynaldo Ileto, awtor ng Pasyon and Revolution, at si Xiao Chua, 2006.

Mag-ama? Si Reynaldo Ileto, awtor ng Pasyon and Revolution, at si Xiao Chua, 2006.

XIAOTIME, 26 December 2012: ANG PASKO NG MGA BAYANI SA KASAYSAYAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 26 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Rizal habang nagsusulat sa loob ng kanyang kulungan sa Fort Santiago.  Estatwang wax ni Guillermo Tolentino.  Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Rizal habang nagsusulat sa loob ng kanyang kulungan sa Fort Santiago. Estatwang wax ni Guillermo Tolentino. Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

26 December 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mBmQe-yPb0I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati po si Ate Gie Averia, regular na manonood ng News@1 at News@6 mula sa Vigan, para sa kanyang kaarawan noong isang linggo.  Sa kanyang pangalawang nobela na El Filibusterismo, pinansin ni Dr. José Rizal na bagama’t sinasabing ang pasko ay para sa mga bata, ang mga bata ay maaaring hindi naman natutuwa dito.

Mula sa Philippine Almanac ng Filway

Mula sa Philippine Almanac ng Filway

Pinagbibihis ng mga bagong damit at sapatos upang pawisan at pagtyagaan ang ritwal ng misa, at kapag marumihan ang kanilang damit, ay mapapagalitan at makukurot lamang.  Matapos nito ay papupuntahin daw ang mga bata sa iba’t ibang bahay, magmano sa mga nakatatanda at gagawin ang pinagagawa sa kanila—kumanta, sumayaw, at gumawa ng mga nakatutuwang bagay.  Kung hindi nila gawin ito mapapagalitan at makukurot lamang sila.  Bibigyan sila ng pera ngunit kukunin lang naman ito ng kanilang mga magulang at hindi na ibabalik sa kanila.  Ano ang nakukuha nila sa pasko, mga pasa ng pangungurot, at masakit na tiyan sa sobrang pagkain ng mga keyk? Para sa kanya, “baptism of fire,” Hanep talaga si Rizal, tila isang anthropologist na tahimik palang pinagmamasdan ang mga bata tuwing pasko, o hindi kaya sarili niyang karanasan ito noong bata pa siya?  Anuman, sinasabing ang pinakamalungkot na pasko niya ay nangyari 116years ago, December 25, 1896.  Nakakulong si Rizal sa Fort Santiago, malayo sa piling ng mga mahal sa buhay, mga magulang at sa mahal niyang si Josephine dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan.  Pinaghahandaan ang kanyang depensa sa isang paglilitis kinabukasan na malamang sa malamang ay magpapataw sa kanya ng parusang kamatayan.

Teodora Alonso sa kanyang katandaan.

Teodora Alonso sa kanyang katandaan.

Nang ipataw sa kanya ang sentensya sa salang rebelyon, sedisyon at pagtatag ng ilegal na organisasyon tulad ng La Liga Filipina at Katipunan noong December 29, 1896, sinasabing nagdala ng sulat ang kanyang inang si Doña Teodora Alonso sa Malacañan at sa hagdan ng palasyo ay nagsumamo sa Gobernador Heneral Camilo de Polavieja na huwag patayin ang kanyang anak.

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja

Kaya sinimulan ni Pangulong Manuel Quezon ang pag-akyat sa mga hagdan ng palasyo sa unang araw ng isang president ng Pilipinas, kumbaga upang ibawi ang nangyari kay Doña Teodora, kung saan aakyat na ang Pilipino sa palasyo ng taas no at hindi alipin.

Manuel Quezon na umaakyat ng taas noo sa mga hagdan ng Palasyo ng Malacanan bilang pangulo ng Pilipinas, 15 November 1935.

Manuel Quezon na umaakyat ng taas noo sa mga hagdan ng Palasyo ng Malacanan bilang pangulo ng Pilipinas, 15 November 1935.

Noong mga panahon na iyon, nagpapasko sa larangan ng labanan ang mga kasapi ng Katipunan.

At Alangan River, The Last Stand (Limay, Bataan)41363_1446144466847_7433404_n

Noong 1941, ang mga lolo at lola natin na beterano ay nagsisimula nang lumaban noon sa mga mananakop na Hapones, Disyembre kasi nang magsimula ang digmaan sa Pilipinas.

Ang pagkabulbos ng Maynila noong Liberasyon bilang ikalawang pinakagumuhong Allied na lungsod sa diagdig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marso 1945.  Mula sa kolkesyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Ang pagkabulbos ng Maynila noong Liberasyon bilang ikalawang pinakagumuhong Allied na lungsod sa diagdig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marso 1945. Mula sa kolkesyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Noong Marso 1945, matapos mapulbos ang Maynila at maging second most destroyed Allied city in the world, nakita ng kompositor na si Felipe de Leon ang pagkawasak at isinulat ang isa sa pinakamagandang awiting pamasko sa Pilipinas, ang “Payapang Daigidig”:  “Payapang panahon / Ay diwa ng buhay / Biyaya ng Diyos / Sa sangkatauhan / Ang gabi’y payapa / Lahat ay tahimik / Pati mga tala / Sa bughaw na langit.”

Felipe de Leon

Felipe de Leon

Ang mga maliligayang pasko at mapapayapang gabi natin at ng ating mga anak ay hindi lamang biyaya ng Diyos, kundi dulot din ng mga Paskong isinakripisyo ng ating mga bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Lulan ng fx taxi, Maynila, 19 December 2012)